Abril

Ang Abril ay ang pang-apat na buwan sa Gregorian calendar. Mayroon itong tatlumpung araw.

Barangay

Tungkol ito sa isang yunit ng pamayanan sa Pilipinas, para sa elementong kimikal, pumunta sa Baryum.Ang barangay o baranggay, na kilala din sa dating pangalan nito bilang baryo (Kastila: barrio), ay ang pinakamaliit na pamahalaang lokal na yunit sa Pilipinas. Binubuo ng mga barangay ang mga bayan at lungsod. Dinagdaglat minsan ito bilang "Brgy". At bumubuo din ito ng "Sangguniang Kabataan" upang magabayan ang kaayusan at kalusugan ng mga kabataan sa bawat barangay.

Cebu

Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.

Datu

Ang datu ay ang katawagan sa pinuno ng mga baranggay noong kapanahunan ng pre-hispanikong Pilipinas. Sila ang nagsisilbing tagapagpatupad ng mga batas at ang nagsisilbing pinakahari. Kapag higit na mas malakas ang isang datu, sila ay tinatawag na raha. Kabilang ang datu sa pangkat panlipunan ng mga maharlika.

Espanya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Espanya (paglilinaw).

Homonhon

Ang pulo ng Homonhon ay ang pinaka-unang pulong namataan nina Magellan sa Pilipinas bago sila magtungo sa Butuan. Ang pulo ng Homonhon ay bahagi ngayon ng lalawigan ng Leyte.

Indones

Ang mga Indones ang tinatayang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bangkang inuka sa kahoy na tinatawag na balangay.

Kasaysayan ng Pilipinas

Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi Noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang lungsod sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonisasyon ng Espanya na nagtagal ng mahigit tatlong siglo.

Look ng Maynila

Ang Look ng Maynila ay isa sa mga pinakamainam na likas na daungan sa mundo na nagsisilbing puerto ng Maynila (sa Luzon), sa Pilipinas. Nasa 19 km ang lawak ng pasukan nito at nasa haba na 48 km. Isang pondohan ang Mariveles, sa lalawigan ng Bataan, na nasa loob ng hilagang pasukan at dating lokasyon ng Cavite Naval Base ang Sangley Point.

Luzon

Ang Luzon ay tumutukoy sa isang pinakamalaki at pinakamahalagang pulo ng Pilipinas, tinugrian itong North Philippines (Northern) at isa sa tatlong pangkat ng mga pulo sa bansa (ang Kabisayaan at Mindanao ang dalawa pa).

Maynila

Ang lathaing ito ay tungkol sa lungsod ng Maynila, para sa Kalakhang pook o kabahagian, tingnan Kalakhang Maynila. Para naman sa makalumang lungsod, tingnan ang Intramuros. Para naman sa iba't ibang gamit sa salita, tingnan ang Maynila (paglilinaw).Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong lungsod ng Pilipinas at isa sa 17 lungsod at bayan na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon. Isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirhan ng humigit sa 19 na milyong katao.Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang lungsod Quezon, ang dating punong lungsod ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya.Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Miguel López de Legazpi

Si Miguel López de Legazpi (1502–1572) kilala rin bilang si El Adelantado (Ang Gobernador) at El Viejo (Ang Nakatatanda) ay isang Baskong Espanyol kongkistador na nagtatag ng unang kolonya sa Pilipinas noong 1565.

Pamahalaan

Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.

Populasyon

Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa Sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.

Samar

Ang Samar ay maaaring tumukoy sa:

Unang Republika ng Pilipinas

Ang Unang Republikang Pilipino (opisyal na tinawag na República Filipina, Tagalog: Republikang Filipino) ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.

Basahin sa ibang wika