Wikang Ebreo

Ang Ebreo (Ebreo: עברית, ’Ivrit; Kastila: hebreo [e'βɾeo]; Ingles: Hebrew) ay isang wikang Semitiko ng sangay Apro-Asyatikong sinasalita ng anim na milyong katao karamihan sa Israel, ilang bahagi ng Palestina, ang Mga Istadong Nagkakaisa, at ng mga pamayanang Hudyo sa buong daigdig. Ang sentro ng Tanakh, ang Tora (na pinanghahawakan ng Hudaismo at Kristiyanismo sa tradisyon na unang itinala noong panahon ni Moisés mga 3,300 taong nakaraan), ay sinulat sa Ebreo. Itinuturing ito ng mga Hudyo bilang lashon hakodesh (Ebreo: לשון הקודש, “ang banal na wika”) dahil sinulat ang mga kasulatan sa wikang ito na itinuturing na banal. (Dahil dito, ang mga kasulatan lamang sa wikang ito ang isinasama sa Tanakh maliban sa aklat ni Daniel na ang karamihang bahagi ay nakasulat sa Arameo.)

Ang wikang Ebreo ay nakasulat sa sulat Ebreo, na binabasa mula kanan pakaliwa.

Tingnan din

Mga panlabas na kawing


Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Adina

Ang Adina ay isang pangalan mula sa Bibliyang Hebreo na nangangahulugang maselan ("delikado"), balingkinitan, pino, malamyos, o malumanay. Ang pinagmulan nito ay ang I Mga Kronika 11:42 kung saan sinasabing ito ang pangalan ng isang Reubenitong mandirigma na nasa hukbo ni Haring David at kilala dahila sa kanyang katapangan. Ang Reubenitong ito ay anak na lalaki ni Shiza ang Reubenito (na pinuno ng mga Reubenito), at [naging] kasama niya ang tatlumpung mga lalaki[ng tauhan] (Hebreo: עֲדִינָ֨א בֶן־שִׁיזָ֜א הָרֽאוּבֵנִ֗י רֹ֛אשׁ לָרֽאוּבֵנִ֖י וְעָלָ֥יו שְׁלֹושִֽׁים׃). Tipikal na Adina ang pambabaeng bersiyon ng pangalan; ang panlalaking bersiyon ay Adi o Adin.

Adonai

Sa Tekstong Masoretiko, ang pangalang YHWH ay ang tinuldukang pangngalan na יְהֹוָה, na binibigkas na parang YE-HO-VAH sa makabagong wikang Hebreo, at bilang Yəhōwāh sa bokalisasyong Tiberiano. Sa nakaugalian sa Hudaismo, ang pangalan ay hindi binibigkas subalit binabasa bilang Adonai ( /ˈædəˈnaɪ/) ("Maestro", "Panginoon", o "May-ari"; Adon kapag isahan) habang nananalangin, at tinutukoy bilang HaShem ("ang Pangalan") sa lahat ng iba pang mga pagkakataon. Ginagawa ito dahil sa pagbabantulot na bigkasin ang pangalan saan man maliban na lamang ang habang nasa loob ng Templo ng Herusalem, dahil sa kabanalan nito. Ang ganitong tradisyon ay nabanggit ng karamihan sa mga dalub-agham bilang katibayan na ang pangngalang Masoretes na tinuldukang YHWH ay ginagawa lamang upang ipahiwatig sa mambabasa na dapat nilang bigkasin o sambitin ang "Adonai" bilang panghalili sa salitang ito. Habang ang mga tuldok ng pangngalan sa אֲדֹנָי (Aḏōnáy) at sa יְהֹוָה (Yəhōwāh) ay napakamagkahalintulad, na maaaring magpahiwatig ng pagtutuldok ng pangngalang Masoretiko ay kumakatawan o representasyon ng talagang pagbigkas sa pangalang YHWH ay hindi o hindi lamang isang pagpapahiwatig upang gumamit ng panghaliling pangalan (Qere-Ketiv).

Akademya ng Wikang Hebreo

Ang Akademya ng Wikang Hebreo (Ingles: Academy of the Hebrew Language, Hebreo: הָאָקָדֶמְיָה לַלָּשׁוֹן הָעִבְרִית‎, HaAkademya laLashon haIvrit) ay itinatag ng pamahalaang Israeli noong 1953 bilang "kataas-taasang institusyon (panimulaan) para sa kadalubhasaan sa wikang Hebreo."sa kampus ng Givat Ram ng Hebreong Pamantasan ng Herusalem.

Aklat ni Baruc

Ang Aklat ni Baruc o Aklat ni Baruch ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Binubuo ito ng apat na maiiksing mga pahayag pinaniniwalaang inakdaan ni Baruc, ang kalihim ng propetang si Jeremias, at pinaniniwalaan ding nasusulat sa Ebreo bago nalipon upang maging isang aklat.

Aklat ni Job

Ang Aklat ni Job (Hebreo: איוב‎) ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol ito sa isang lalaking nagngangalang Job at mula sa Edom. Tinawag ang aklat na ito bilang "pinakamalalim at pinakamakapampanitikang gawa sa kabuoan ng Lumang Tipan." Ilan ang mga bahagi ng Aklat ni Job sa mga sinaunang pagtatangka o pagsubok na mailarawan ang suliranin hinggil sa kasamaan, partikular na ang pagtunghay sa pagkakaroon ng kasamaan o paghihirap sa mundo at ang pagkakaroon ng Diyos.

Aklat ni Judit

Ang Aklat ni Judit o Aklat ni Judith ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Aleluya

Ang aleluya (Ebreo: הללויה, haleluya; Ingles: Hallelujah) ay may ibig sabihing "Purihin ang Diyos!", na nabuo sa paghango mula sa pagsasama ng mga salitang Ebreong Hallelu o "papuri" at Yah o "Yahweh", ang pangalan ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag 19: 1-8.Ang Aleluya ([H]Ebreo: הללויה, Haleluya; Ingles: Hallelujah ay may ibig sabihing "Purihin ang Diyos na si Yah/Jah!", na nabuo sa paghango mula sa pagsasama ng mga salitang Ebreong Hallelu o "papuri", at "Yah" o "Jah" = "Yahweh" o "Jehova", ang pangalan ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag o Apocalipsis 19: 1-8; sa Exodo 3:15; 6:3; at sa Mga Salmo/Awit 83:18, 150:1-6[2] na sinasamba sa Hudaismo at pati na rin sa Kristiyanismo.

(*Ang HalleluJah/HalleluYah ay isinasalin din sa iba't ibang wika at salin bilang-- Halleluia(h), Alleluia(h), Allelu-Ja(h), Aleluya(h). [Tignan ang Salmo/Awit 150 at Apocalipsis/Pahayag 19]. Ang lahat ng mga ito ay mga pagsasalin sa iba't ibang wika na natural na nangyayari sa lahat ng mga salita at pangalan sa ibat ibang wika.

YAH, YEHO, IAH, JAH, JEHO "Yah", "Iah", o "Jah" (palayaw/maikling porma ng dakilang banal na pangalan [Mateo 6:9]) = "Yahweh" (sa Hebreong pangalan ay ang mga titik katinig na "YHWH", sa dahilang walang patinig sa pagsulat kundi sa bigkas lamang sa wikang iyon) o "Jehova" ("JHVH" sa saling Alpabetong Romano/Latin), ang pangalan ng Diyos, na matatagpuan sa Aklat ng Pahayag o Apocalipsis 19:1-8; sa Exodo 3:15; 6:3; at sa Mga Salmo/Awit 83:18, 150:1-6.

Sinamba siya ng mga propetang sina Abraham at Moises, ni Haring David (Dawid sa orihinal na Hebreo), at ganun rin ang mga sinabi't ginawa ni Kristo Jesus (na ang orihinal na totoong pangalan sa Hebreo na wika ng mga Israelita/Judio/Hudyo ay Yehoshua/Yahushua na may palayaw na Yeshua na may kahulugang "Si Yah (Yahweh) / Jah (Jehova) ay Magpapadala ng Tulong o Pagsaklolo o Kaligtasan")'. (Genesis 24:27; Exodo 6:3; 15:1,2; Mateo 6:9-10; Juan 20:17) Siya ay Diyos, hindi lang ng isang bayan, kundi ng “buong lupa” at maging sa "langit"—Awit/Salmo 47:2; 83:18/19; 150:1-6. (*Tignan ang mga nakalistang halimbawa sa ibaba ng mga tao sa Kasulatan na may dakilang pangalan ng Ama sa mga orihinal na pangalan nila sa Hebreo)

Bilang ang Dakilang Maylalang ng lahat ng mga bagay, ang kanyang pangalan ay nangangahulugan sa Hebreo bilang "Ako nga" o "Magiging o Pinapangyari ko nga" (sa Ingles ang katumbas ng '"Yah"' ay ang pandiwang "be" ("I was, I am, I am being, I will be"). At ang mas pinalawig ng kabuuang pangalang Yahweh o Jehova ay nangangahulugang "Ako nga ang magiging gayon ayon sa aking kalooban noon, ngayon, at magpakailanman" ("I was, I am, I am being, I will be that one according to my will forever") o "Ginagawa o Pinapangyari ko sa Aking Kapangyarihan ang lahat ng mga bagay" ("I am being / causing / materializing / creating / making all things possible").

Itinuro ni Jesus/Hesus (o Ye[ho]shua* sa wikang Hebreo) ang sikat na panalanging: "AMA naming nasa langit, sambahin nawa ang PANGALAN mo..." (Mateo 6:9-10).

MGA KARAKTER O TAUHAN SA BANAL NA KASULATAN NA KAKIKITAAN O GINAMIT ANG DAKILANG PANGALAN NG AMANG DIYOS:

Maraming mga tauhan o karakter sa Bibliya na may pangalan ang Amang Diyos na gamit ang palayaw niyang "Yah[u]/Yeh[o]", "Iah", o "Jah/Jeho":

Jesus/Hesus = ang orihinal na Hebreong pangalan niya (na wika ng Israel, ng mga Judio/Hudyo) ay "Yeho-shua" o "Yahu-shua" at may palayaw o pinaikling ispeling iyan na "Yeshua" o "Yahshua" (Kahulugan - "Yehoshua" o "Yeshua": "Si Yah ('Yahweh'/Jah) o Yeho (Yehowah/'Jehova') ay Tutulong / Magpapadala / Sasaklolo / Magliligtas")

Isaias/Isaiah = sa Hebreo o wikang Judio/Israelita ang orihinal na ispeling at bigkas ng pangalan ay "Yesha-Yah[u]"; isinalin itong "Is[h]a-iah" sa Ingles/English at "Isaias" naman sa Espanyol/Kastila at hiniram sa Tagalog/Filipino. (Kahulugan - '"YeshaYah[u]"': "Ang Kaligtasan/Pagtulong/Pagsaklolo ay si Yah/Iah (Yahweh/Jehova)".)

Elias/Elijah = sa Hebreo o wika ng mga Judio ang orihinal na ngalan niya ay "Eli-Yah[u]" na isinaling "Eli-Jah" sa Ingles at "Elias" sa Espanyol at Tagalog/Filipino. (Kahulugan - EliYahu: "Ang Diyos ko ay si Yah/Jah (Yahweh/Jehova)")

Mateo/Matthew = mula sa Hebreo o Judiong pangalan na "Mattit-Yah[u]" at isinaling "Matthaios" sa Griyegong wika na gamit sa Bagong Tipan, at kapagdaka'y "Mateo" sa Espanyol/Kastila at "Matthiah/Matthias/Matthew" sa Ingles/English. (Kahulugan - MattitYahu: "Regalo o Biyaya mula kay Yah[u]/Jah (Yahweh/Jehova)")

Juan/John = galing sa Judio/Hudyo o Hebreong orihinal na pangalang "Yeho-hanan" na may palayaw o pinaikling porma na "Yohanan"; isinalin ito sa Griyego na gamit sa Bagong Tipan bilang "Ioannes", sa Latin at sinaunang Espanyol bilang "Ioanes" at "Ioan" (tignan ang mga Bibliyang "Bibliya del Oso [BDO] na inilimbag noong 1500 siglo). Maglaon, isinalin sa ibang mga wika bilang "Yohan", sa Pranses bilang "Jean", at sa Ingles/English bilang "John" o "Jon", at sa Kastila/Espanyol at sa Tagalog/Filipino bilang "Juan" (Kahulugan - "Yehohanan" o "Yohanan": "Si Yehowah/Yahweh/Jehova ay maaawain/nagkaloob/naglingap")

At marami pang ibang mga pangalang Hebreo na may pangalan ng Dakilang Amang Maylalang.

Awit ng mga Awit

Ang Ang Awit ng mga Awit o Aklat ng Awit ng mga Awit, na tinatawag ding Awit ni Solomon o Ang Awit ni Solomon ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tinatawag din itong Ang Awit ni Solomon dahil sa pamagat nito sa wikang Ebreo kung saan nakalagay ang pangalang Solomon. Tinatawag din itong Mga Kantikulo na nangangahulugang "awit ng mga awit" na nagpapahiwatig na isa itong awit na higit pa sa ibang mga awit o kaya awit na binubuo ng ilan at iba pang mga awitin. Isa ang Aklat ng mga Awit sa mga pinakamaiikling aklat na nakalangkap sa Bibliya. Mayroon itong mga 117 taludtod lamang. Ito lamang ang librong nasa Bibliyang tinatawag ang sarili bilang isang awit na tungkol sa pag-ibig, at matinding dagsa ng damdamin, ngunit may maingat, mapagkandili, mapagsaalang-alang, mahinahon, at malambing na pakikipagtalik.

Hisopo (Bibliya)

Para sa ibang gamit, tingnan ang Hisopo (paglilinaw).Ang hisopo o ezob [wikang Ebreo] ay isang uri ng halamang nabanggit sa Biblia. Masanga ang halamang ito kaya kainam-inam na gamiting pang-wisik ng tubig o dugo, na kalimitang may layuning linisin at gawing puro ang isang bagay.

Hosana

Ang hosana o hosanna ay isang kataga mula sa wikang Hebreo na nangangahulugang "iligtas mo kami" o "mabuhay". Ginagamit ang pariralang ito sa pagbibigay papuri sa Diyos, na may ibig sabihin ding "paki iligtas mo na kami ngayon."

Mana (pagkain)

Ang mana (Ebreo: מן, man; Ingles: manna) ay tumutukoy sa mga pagkain ng Israelita na nabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Nagmula ito sa man hu (מן הוא) ng wikang Arameo, na ang ibig sabihin ay "Ano ito?" o "Ano siya?" Sa gayon, ang diwang kahulugan ng katawagan ay "kung-ano-man-’to" at inilalahad ang katangi-tangi at kakaibang uri nito sa karanasang Ebreo. Ito ang ginamit na pantawag ng mga Israelita sa natatanging pagkaing ibinigay sa kanila ng Diyos habang naroroon sila sa ilang o disyerto. Kabilang katangian nito ang pagiging isang pagkaing maputi at matamis ang lasa na lumilitaw mula sa lupa tuwing umaga.

Oreb at Zeb

Sina Oreb at Zeb ay dalawang prinsipeng Madian (mga Madianita) na naging kalaban ng hukom na si Gideon sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isang salitang Hebreo ang Zeb (Ingles: Zeeb) na nangangahulugang "asong bundok", samantalang mayroon namang ibig sabihing "uwak" ang pangalang Oreb.

Sinagoga

Ang sinagoga (Ebreo: בית כנסת, bet kneset, "bahay ng pagtitipon") ay isang bahay-dasalang Hudyo o isang kapilyang pinagdarausan ng pagsamba at pagpupulong. Hinango ito sa wikang Griyegong nangangahulugang "magtipon" o magsamasama. Nagtitipun-tipon ang mga Hudyo sa loob ng mga gusaling ito upang sambahin ang Diyos at para magbasa ng Banal na Kasulatan, partikular na tuwing araw ng Sabat. Dito rin nila pinag-aaralan ang mga Kasulatan. Ginagamit din ito ng pamayanang Hudyo bilang pook ng pagtuturo o pangangaral sa mga kabataang Hudyo. Bukod dito, isa rin itong sentro o gitna ng buhay panlipunan ng mga Hudyo. Ang namamahala ang sinagoga ang maaaring mang-anyaya ng sino man sa mga tao upang mangaral sa kanila.

Sirac

Huwag itong ikalito sa Aklat ng Eclesiastes.Ang Eklesyastiko, Eklesiyastiko, binabaybay ding Eclesiastico, Ecclesiastico (batay sa Kastila), at kilala rin bilang Ang Karunungan ni Jesus, Anak ni Sirac o Karunungan ng Anak ni Sirac lamang, ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Sinulat ito ni Ben Sira. Nangangahulugang Pansimbahan o Pang-iglesya ang salitang eklesyastiko. Tinawag itong Eklesyastiko o pansimbahan nga dahil dating kalimitang ginagamit ito sa "pagtuturo ng mga katumeniko sa simbahan." Madalas na gamitin ng Santa Iglesya ang librong ito para sa liturhiya.

Tetragrammaton

Tetragrammaton (o Tetragram sa anyong pinaiksi) ang tawag sa apat na katinig na Hebreo (יהוה) na tumutukoy sa pangalan ng Diyos ng mga Israelita at Kristiyano. Sa alpabetong Hebreo, ito ang YOD (י), HE (ה), WAW (ו), at HE (ה); sa alpabetong Romano naman, ito ang Y, H, V, at H. Noong panahon ng mga Romano, ang tunog ng J at V ay katulad ng Y at W sa kasalukuyang wikang Tagalog, kaya't karaniwang nakikita ang Jehovah (Jehova naman sa Tagalog) sa mga salin ng Biblia na nakabatay sa Latin o kaya naman sa mga anak na wika nito, tulad ng Kastila, Italyano, at Pranses, imbis na Yahweh. Matagal nang inaakalang hindi ginamit ang Tetragrammaton sa Septuaginta, ang Griegong salin ng Hebreong Kasulatan o Lumang Tipan. Dahil dito, maraming nasa paniniwala na hindi ginamit ng mga Kristiyanong nagsulat sa Bagong Tipan ang banal na pangalan nang nagsisipi sila mula sa Kasulatang Hebreo.

Nguni't pinatutunayan ng maraming katibayang natuklasan sa loob ng nakaraang kulang-kulang na dantaon na lumitaw nga sa Septuaginta ang pangalang YHWH. Ayon sa isang bukal ng impormasyon, dahil sa kanilang matinding hangad na panatilihing tiyak ang banal na pangalan ng Diyos, kinopya na lang nang tuwiran ng mga Helenistikong Hudyo ang Tetragrammaton nang isinasalin nila ang Bibliang Hebreo sa wikang Griyego. Ito ay kumbaga sa paggamit ng mga Intsik na karakter mismo kung nais ng mga nagtatagalog na gamitin ang mga hiram na salitang Intsik, tulad ng siyopaw, tikoy, at diko, sa kanilang mga sulat.

May natuklasang fragmento sa Oxyrhynchus, Ehipto, na kilala sa bilang 3522. Mula pa raw sa unang dataon pagkatapos ipinanganak si Kristo ang fragmento, at ang sukat nito ay 2.5 pulgada (7 sentimetro) ang lapad at 5 pulgada (10.5 sentimetro) ang haba. Nakasulat dito ang tekstong Job 42:11,12 at nasa Hebreong titik mismo ang pangalan ng Diyos.

Ginamit ba ang Tetragrammaton sa mga unang manuskrito ng Kasulatang Griyego ng mga Kristiyano? Ayon sa iskolar na si George Howard, sigurado ang sagot sa tanong na ito. Dahil daw nakatala sa alpabetong Hebreo ang banal na pangalan sa Septuaginta (ang pangunahing Kasulatan ng papausbong pa lamang na Simbahang Kristiyano), malamang at kapani-paniwalang ituring na, nang nagsisipi ang mga nagsulat sa Griyegong Bagong Tipan, pinanatili rin nila ang Tetragrammaton sa kanilang mga akda. Sa katotohanan, may Bibliyang nasa wikang Griyego na pinalayawan ng Bibliyang Pipi dahil sa paggamit nito ng Tetragrammaton. Sa mata ng mga mambabasang hindi bihasa sa wikang Hebreo, parang letrang PI (π) ng Griyego ang HE (ה) ng Hebreo at parang IOTA (ι) ng Griyego ang WAW (ו) at YOD (י) ng Hebreo. Kapag "binasa" ang YHWH sa paraang Griyego, "pipi" ang labas ng pagbigkas (ikumpara ang יהוה sa πιπι). Pagkatapos lamang daw kopyahin ang mga akdang ito na napalitan ang YHWH ng ibang salitang Griyego, tulad ng kyrios (panginoon) o theos (diyos).

Kapansin-pansin, ang ilang mga tagapagsalin ng Bibliya ay nakadama na ipinagkait ng sinaunang mga tagakopya ang sustansiya at kahalagahan ng Tetragrammaton sa mga mambabasa at hindi sila sumang-ayon sa ginawa ng mga ito. Kung kaya't nang isalin nila ang Bibilya mula sa sinaunang mga manuskrito (na kakikitaan ng paglitaw ng Tetragrammaton), may kombiksiyon nilang isinauli sa wastong kinalalagyan nito ang Tetragrammaton. Ang ilang kilalang salin ng Bibliya na nagpanumbalik sa banal na pangalan ay ang American Standard Version, Young's Literal Translation, King James Version, Inspired Version of the Bible, Geneva Bible, Bishop's Bible, Webster Bible, Darby Bible, New World Translation of the Holy Scriptures, at The Recovery Version. Ang English Standard Version naman ay bumalik sa Jehovah o YHWH sa talababa (footnote) na lamang (Ex 6:3, Ps 83:18).

Urim at Tumim

Tumuturo rito ang Urim. Para sa kibuts na may ganito ring pangalan, tingnan ang Urim, Israel. Para naman sa sinaunang lungsod ng Urim, pumunta sa Ur.Ang Urim at Tummin ay ang dalawang maliliit na banal na mga bagay na ginagamit ng mga Hudyong pari upang malaman nila ang kalooban o kagustuhan ng Diyos. Hindi natitiyak kung paano talaga ginagamit ang mga ito. Matatagpuan ang pagsasaad ng mga ito sa Aklat ng mga Bilang (Mga Bilang 27:21) sa Lumang Tipan ng Bibliya. Binabaybay din itong Urim at Tumim o Urim at Tumin.

W

Ang W [malaking anyo] o w [maliit na anyo] (makabagong bigkas: /dobolyu/, dating bigkas: /wa/ o /wah/) ay ang ika-23 na titik ng alpabetong Romano. Ito ang ika-24 na titik sa bagong alpabetong Tagalog (na ang ika-19 sa lumang abakada ng Pilipinas). Bago dumating ang romanisasyon ng abakada sa Pilipinas, nasusulat sa kakaibang simbolo ang tunog na wa sa sinaunang baybayin ng mga Pilipino.

Ang ninuno ng kasalukuyang titik na W ay ang ika-6 na titik ng alpabeto ng mga matatandang wikang Ebreo at ng Phoenicia: na may tunog na waw (simbolo: Y). Ninuno din nito ang ika-20 titik ng alpabeto ng klasikong Griyego, ang upsilon. Bago dumating ang hugis W, ginagamit ng mga Romano ang mga titik na U at V bilang representasyon sa tunog ng titik na W. Noong una, ginagamit sa wikang Ingles ang UU (dalawang U), at isa pang simbolo na kung tawagin ay wen. Subalit sinimulang ipakilala ng mga dalubhasa sa wikang Ingles ang W, isang titik na ginamit din sa Pransiya at Alemanya. Sa Alemanya, ang W ay may pagkakahawig sa tunog ng titik na V. Ang W ang pumalit sa lumang simbolong may tunog na wen.

Wikang Heorhiyano

Ang Wikang Heorhiyano (ქართული ენა, kartuli ena) ay ang katutubong wika ng mga Heorhiyano at ang wikang opisyal ng Heorhiya, isang bansa sa Kawkaso na nasa Gitnang Silangan.

Ginagamit ito ng 3.9 milyong katao sa Heorhiya mismo, at ng 500,000 tao sa labas ng bansa (na nasa Turkiya, Iran, Rusya, Estados Unidos, at sa mga bansa sa Europa). Isa itong wikang pampanitikan para sa lahat ng pangkat etniko sa Heyorhiya, kabilang na ang mga tagapagsalita ng mga Wikang Timog Kawkasiyano o Kartbeliyan, gaya ng mga wikang Svan, Mingreliyano, at Laz. Itinuturing na hiwalay sa Wikang Ebreo ang mga wikang Hudyo-Heorhiyano na ginagamit ng 20,000 katao sa Heyorhiya at 60,000 sa Israel.

Wikipediang Ebreo

Ang Wikipediang Ebreo (Hebreo: ויקיפדיה: האנציקלופדיה החופשית‎; Wikipedya: ha-entsiklopedya ha-ḥofshit, IPA: [wikiˈpedja ha(ʔ)entsikloˈpedja haχofˈʃit]) ay isang edisyong Wikipedia sa wikang Ebreo. Ang edisyong ito ay binuksan noong Mayo 11, 2001 at ito ay may 202,000 mga artikulo ngayong Setyembre 2019.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.