Unyong Europeo

Ang Unyong Europeo (UE), na kilala rin bilang Samahang Europeo o Kaisahang Europeo (Ingles: European Union o EU) ay isang supranasyonal at intergubernamental na unyon ng 28 malaya at demokratikong bansang-kasapi. Ang Unyong Europeo ay ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malayang estado, na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992 ng Kasunduan sa Pagkakaisa ng Europa (ang Tratado ng Maastricht). Subali't, maraming mga aspekto ng Unyon ay namalagi na bago ng araw na iyon sa pamamagitan ng isang serye ng mga sinundang relasyon na bumabalik sa 1951.[5]

Ang Unyon sa kasalukuyan ay may isang karaniwang nag-iisang kalakalan na binubuo ng isang unyong pang-adwana, isang nag-iisang salapi na pinamamahala ng Europeong Bangko Sentral (sa ngayon ay inaangkin ng 13 ng 28 mga estadong-kasapi), isang Karaniwang Patakarang Pansaka, isang karaniwang patakarang pang-kalakalan, at ng isang Karaniwang Patakarang Pampalaisdaan.[6] Isang Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ay itinatag rin bilang ikalawa sa mga tatlong haligi ng Unyong Europeo. Ang Kasunduang Schengen ay nagpaalis ng mga kontrol sa pasaporte para sa ilang mga estadong-kasapi, at ang pagsusuring pang-adwana ay inalis rin sa maraming mga interyor na hangganan sa UE, na gumawa sa isang ekstento isang nag-iisang espasyo ng mobilidad para sa mga mamamayan ng UE na manirahan, mag-biyahe, mag-trabaho at mamuhunan.[7]

Ang mga pinakamahalagang institusyon ng UE ay nagsasama ng Sangguniang Europeo, ang Lupong Europeo, ang Hukumang Europeo ng Katarungan, ang Batasang Europeo, ang Konsehong Europeo, at ang Europeong Bangko Sentral. Ang mga pinanggalingan ng Parlamentong Europeo ay bumabalik sa dekadang 1950 at ng mga nagtatatag ng tratado, at mula sa 1979 ang mga miyembrong nito ay inihahalalal ng mga taong kanilang kinakatawan. Kada limang taon nagkakaroon ng halalan kung saan ang mga naka-rehistrong mamamayan ng UE ay maaaring bumoto.

Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa karamihang lapad ng patakarang publiko, mula sa patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at kalakalan. Pero, ang ekstento ng kapangyarihan nito ay umiiba ng kahanga-hanga kahalubilo ng mga sakop. Sa ilan ang UE ay maaaring magkawangis sa isang pederasyon (hal. sa ugnayang pampananalapi, patakarang agrikultural, pang-kalakalan at pang-kalikasan, patakarang ekonomika at panlipunan), sa iba isang kompederasyon (hal. sa ugnayang panloob), at sa iba pa rin isang organisasyong internasyonal (hal. sa ugnayang panlabas).

Watawat ng ang Unyong Europeo
Pambansang Kasabihan: United in diversity[1]
(Tagalog: Pagkakaisa sa Pagkakaiba)
Awit: Ode to Joy[1] (orchestral)
(Tagalog:Oda para sa Kaligayahan)
Kinaroroonan ng ang Unyong Europeo
Mga Kasapi ng Unyong Europeo.
Sentrong PampolitikaBruselas
Luxembourg
Strasbourg
Opisyal na Wika
Pangalang-
turing
Europeo[2]
Mga Kasaping Estado
Pamahalaan Sui generis
 -  Konsehong Europeo Fredrik Reinfeldt
(EPP, Sweden)
 -  Parliament Jerzy Buzek (EPP)
 -  Konseho ng Unyong Europeo Sweden
 -  Komisyon José Manuel Barroso (EPP)
Unyong Europeo
 -  Kasunduan ng Paris (1951) 18 Abril 1951 
 -  Kasunduan ng Roma 25 Marsoh 1957 
 -  Kasunduang Maastricht 7 Pebrero 1992 
Lawak
 -  Kabuuan 4,324,782 km2 (n/a)
1,669,807 sq mi 
 -  Katubigan (%) 3.08
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2008 499,673,300 (n/a)
 -  Kakapalan 114/km2 (n/a)
289/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008 (IMF)
 -  Kabuuan $15.247 trillion 
 -  Bawat ulo $30,513 
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2008 (IMF)
 -  Kabuuan $18.394 trillion (n/a)
 -  Bawat ulo $36,812 
Gini (2009) 30.7 (EU25)[3] (High) 
TKT (2006) 0.960-0.825[4] (High) (n/a)
Pananalapi
Pook ng oras (TPO+0 to +2)
 -  Tag-araw (DST)  (TPO+1 to +3)
Internet TLD .eu
Kodigong pantawag Tingnan ang listahan

Kasaysayan

Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero

Schuman Declaration
Gumagawa ng panukala si Robert Schuman ng Pamayanang Karbon at Asero noong 1950

Isa sa mga unang nagtagumpay na panukala para sa Kooperasyong Europeo ay ang pagkakaroon ng Pamayanang Europeo ng Karbon at Asero noong 1951. Ito ay naging layunin upang mamahala ang mga industriya ng karbon at asero ng mga bansang-kasapi, ang namumunong Pransiya at Kanlurang Alemanya. Ito rin ay naging layunin kung saan nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan nila, na ang karbon at bakal ay mga punong kasangkapan para sa matinding digmaan. Ang mga ibang kasaping nagtatag ay Italya at ang mga bansang Benelux: ang Belhika, Olanda, at Luxembourg.[8]

Mga Pamayanang Europeo

Ang mga karagdagang pamayanan ay nalikha noong 1957: ang Pamayanang Pang-ekonomikong Europeo (EEC) na nagtatag ng unyong pang-adwana, ay ang Pamayanang Lakas-Atomikong Europeo (Euratom) para sa kooperasyon sa pagpapaunlad ng enerhiyang nuklear.[8] Noong 1967 ang Kasunduang Pinag-isahan ay nakalikha ng isang langkay ng mga institusyon para sa mga tatlong pamayanan, na tinutukoy nang magkakasama bilang Mga Pamayanang Europeo, bagama't, ang Pamayanang Europeo ay kilala nang karaniwan lamang.[9]

Noong 1973 ang mga Pamayanang Europeo ay lumawak nang sumapi ang Dinamarka, Irlanda at ang Nagkakaisang Kaharian.[10] Nakipag-usap ang Norwega na sumanib sa panahong iyon ngunit iniwaksi ang pagkakasapi sa pamamagitan ng reperendum kaya nanatili sa labas ang bansa.

Rometreaty
Ang paglikha ng Pamayanang Pang-ekonomikong Europeo ng Kasunduang Roma noong 1957

Noong 1979, lumaganap ang unang tuwid at demokratikong halalan ng mga kasapi ng Batasang Europeo.[11] Ito ang unang halalan ng Europa na pinayagan ang mga mamamayan na maghalal ng mga 410 MEP sa Batasang Europeo, at ito rin ang unang halalang pansabansaan sa kasaysayan ng daigdig.

Sumapi ang mga bansang Gresya, Espanya at Portugal sa loob ng dekada 80.[12] Ang Kasunduang Schengen noong 1985 ay naglikha ng malawakang pagbubukas ng mga hangganan na hindi gumagamit ng pasaporte sa pagitan ng mga bansang-kasapi.[13] Noong 1986, nagsimulang gumamit ang watawat na Europeo at nilagdaan ng mga pinuno ang Batas ng Isahang Pang-europeo. Ang batas na ito ay nagbibigay ng pagbabago ng paraan ng paggawa ng pasiyang pampamayanan habang kumikilos upang makamtan ang pagiging kasapi, nagbibigay ng layunin upang mabawasan ang mga impedimento sa kalakalan at magpapakilala ng malawak na Kooperasyong Pampolitika ng Europa.

Unyong Europeo

West and East Germans at the Brandenburg Gate in 1989
Ang pagbagsak ng Kurtinang Bakal ay nagbigay-daan sa pagpapalawak nang pasilangan. (Dingding ng Berlin)

Pagkatapos ng pagbagsak ng Kurtinang Bakal, and dating Silangang Alemanya ay naging bahagi ng pamayanan kasabay ng pagkakaisa sa isang Alemanya.[14] Nang lumalawak patungong Silangang Europa bilang bahagi ng usapan, pinayangan ang pamantayang Copenhagen para sa mga kandidatong-kasapi ng Unyong Europeo.

Ang Kasunduan ng Maastricht ay naging ganap nang lubos noong 1 Nobyembre 1993.[15] Ipinakilala ang salitang Unyong Europeo at itinatag ang tatlong haligi nito. Ang salitang Pamayanang Europeo ay tinutukoy sa unang haligi na nakilala na dating Mga Pamayanang Europeo. Ang ikalawa at ikatlong haligi ay may kapakanan sa patakarang panlabas at ugnayang pantahanan, na may higit na antas na malapagitang-pamahalaan ng pagkikiisa. Sa wikang kolokyal, ang salitang Unyong Europeo ay ipinalit sa salitang Pamayanang Europeo. Ang kanyang bakas bilang pangalan ng unang haligi ay ipapawalang-bisa sa sistemang haligi kung ang Kasunduan ng Lisbon ay magiging ganap.

Sumanib ang mga bansang Awstrya, Suwesa at Finlandya noong 1995. Binago ng Kasunduan ng Amsterdam ang kasunduang Maastricht noong 1997 sa mga bahagi tulad ng demokrasya at patakarang panlabas. Ang Amsterdam ay nasundan ng Kasunduan ng Nice noong 2001, na may pagbabago sa mga kasunduang Roma at Maastricht na payagan ang UE na gampanan sa pagpapalawak mula sa silangan.

Noong 2002, ipinagtibay ng labindalawang bansang-kasapi ang euro bilang isang pananalapi. Mula't sapul, ang Eurosona ay lumawak upang mapalibot ang labinlimang bansa. Noong 2004, namasdan ang pagpapalawak ng UE nang sumanib ang mga sampung bagong bansa na nagmumula sa Hanay Pansilangan.[16] Pagkalipas ng talong taon, sumanib ang dalwang bansa, Bulgarya at Rumania.[16] Sumanib ang bansang Croatia noong 2013.[17]

Ang isang kasunduan na nakapaglikha ng saligang-batas para sa UE ay nilagdaan sa Roma noong 2004, tangkaing palitan ang lahat ng mga dating kasunduan sa iisang dokumento. Subali't hindi natuloy ang pagpapatunay nang tumanggi ang mga botanteng Pranses at mga Olandes sa mga reperendum. Noong 2007, pinayagan na mapalitan ang panukalang-batas sa bagong Kasunduang Reporma, na mas mabuting baguhin na lamang kaysa mapalitan ang mga umiiral na kasunduan. Nilagdaan ang kasunduang ito noong 13 Disyembre 2007 sa Lisbon at kinilala bilang Kasunduang Lisbon at napalaganap ito noong Enero 2009.

Mga bansang-kasapi

UE-EU-ISO 3166-1
Mga estadong-kasapi at kandidato sa paglawak ng Unyong Europeo

Upang sumapi sa UE, kailangang makamtan ng bansa ang pamantayang Copenhagen na isinulat sa 1993 Sangguniang Europeo ng Copenhagen. Kailangan nilang magpanatili ng matatag na demokrasya na may paggalang sa karapatang pantao at ang tuntunin ng batas; isang masigasig na kalakalang ekonomiya na may kakayahang makipagpaligsahan sa loob ng UE; at ang pagtanggap ng mga obligasyon bilang kasapi, kasama ang batas ng UE. Tungkulin ng Sangguniang Europeo na magsuri ng mga katuparan sa pamantayan ng isang bansa.[18]

Ang Unyong Europeo ay binubuo ng 28 malalayang bansa na nakikilala bilang mga bansang-kasapi: Alemanya, Austria, Belhika, Bulgarya, Croatia, Dinamarka, Eslobakya, Eslobenya, Espanya, Estonya, Gresya, Irlanda, Italya, Latbiya, Litwaniya, Luxembourg, Malta, ang Nagkakaisang Kaharian, Olanda, Pinlandiya, Polonya, Portugal, Pransiya, Rumanya, Suwesya, Tsekya, Tsipre at Unggarya.[19]

Mayroong dalawang opisyal na bansang-kandidato, Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya, at Turkiya; ang mga kanlurang Balkan na bansang Albanya, Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbya ay opisyal na nakilala bilang mga kandidatong may potensiyal.[20]

Ang mga apat na bansa ng Kanlurang Europa na piniling huwag nang sumanib sa UE ay bahagyang may tungkulin sa ekonomiya at mga alituntunin ng UE: Iceland, Liechtenstein, at Noruwega na bahagi ng mga bansa ng isahang kalakalan sa pamamagitan ng Espasyong Ekonomikong Europeo, at ang Suwisa na may magkatulad na ugnayan sa pamamagitan ng mga kasunduang bilateral.[21] Ang mga maliliit na bansa na may kaugnayan sa UE tulad ng Monaco, San Marino, at Lungsod ng Vatikan ay kabilang sa paggamit ng euro at iabng kooperasyon.

Pamamahala

Pamayanang EuropeoKaraniwang Patakaranng Panlabas at PangkaligtasanKooperasyong Pampulisya at Panghukuman sa Kaganapang Krimen
Ang mga tatlong haligi na nagtataguyod ng Unyong Europeo (maaaring magklik)

Ang UE ay nakabatay sa mga serye ng mga kasunduan na nakapagbuo ng pangkasalukuyang istruktura sa pamamagitan ng mga sunud-sunod na karagdagan at mga susog.[22] Tiniyak ng mga kasunduan ang malawak na mithiing pampatakaran ng organisasyon at itinatag ang mga institusyon na may kapangyarihang naaayon sa batas na kinakailangan upang isakatuparan ang mga mithiing ito, kabilang ang kakayahan upang isabatas ang lehislasyon[23] na makakapagbago nang tuwiran ang lahat ng mga bansang-kasapi at ang kanilang mga naninirahan (ang prinsipyo ng 'tuwirang dulot').[24] Ang mga pambansang hukuman ay nagpapatupad ng mga kasunduan ng UE at ang mga batas na inaakto sa ilalim nila. Sa kaso ng pagsasalungat kung saan ang batas na nanggaling sa lehislasyong UE na nakakapagbangga sa isa pang pambansang batas, ang batas ng UE ay isinasaalang-alang upang mahawakan ang karapatang mabigyan ng kahalagahan (prinsipyo ng 'Kataasan').[25] Ang mga pasiya higgil sa lehislasyong UE ay maaaring masangguni sa Hukumang Europeo ng Katarungan sa pamamagitan ng mga pambansang hukuman. Ang UE ay natatasahan ng bilang ng mga institusyon, sa una pa lamang ang Sanggunian ng Unyong Europeo, ang Komisyong Europeo, at ang Batasang Europeo.

Ang UE ay palaging isinasalarawan bilang nahahati sa tatlong saklaw ng pananagutan, na tinatawag na 'mga haligi'. Ang likas na mga patakaran ng Pamayanang Europeo ay nakabuo ng unang haligi, habang ang ikalawa ay binubuo ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Pangkaligtasan. Ang ikatlong haligi ay likas na binubuo ng mga Ugnayang Pangkatarungan at Pantahanan, gayumpaman napapanagutan sa mga pagbabago na ipinakilala ng mga kasunduang Amsterdam at Nice, ito'y pangkasalukuyang binubuo lamang ng Kooperasyong Pampulisya at Panghukuman sa Kaganapang Krimen. Sinasabi nang malawakan, ang ikalawa at ikatlong haligi ay maisasalarawan bilang mga intergubernaturyal na haligi sapagka't ang mga institusyong supranasyonal ng Komisyon, Batasan at ang Hukuman ng Katarungan ay gumaganap nang di-gaano ng isang tungkulin o wala sa lahat. Karamihan sa mga gawain ng UE ay nagmumula sa ilalim ng unang, Pamayanan na haligi. Ito ay halos umaakma nang halos nakakatipid at ang institusyong supranasyonal ay may higit na impluwensiya.[26]

Komisyon

Ang Komisyong Europeo ay gumaganap bilang kanang-kamay na tagapagpaganap ng UE at may tungkulin ukol sa pagkukusa ng lehislasyon at ang pang-araw-araw tumatakbo ng UE. Ito ay nagbabalak upang kumilos nang nag-iisa sa kalamangan ng UE bilang isang kabuuan, na tutol sa Sanggunian na binubuo ng mga pinuno ng mga bansang-kasapi na nagninilay-nilay sa mga pambansang kapakanan. Ang komisyon ay natitingnan din bilang makina ng pagbubuo ng Europa. Ito'y kasalukuyang binubuo ng mga 27 komisyonado para sa mga iba't ibang saklaw ng patakaran, isa mula sa bawat bansang-kasapi.

Ang Pangulo ng Komisyon at ang lahat ng ibang komisyonado ay nanominahan ng Sanggunian. Ang pagtatalaga ng Pangulo ng Komisyon, at ang Komisyon din sa kabuuang ito, ay kiakailangang patotohanan ng Batasan.[27]

Batasan

EP Strasbourg hemicycle l-gal
Ang hemisiklo ng Batasan ng UE sa gusaling Louise Weiss sa Strasbourg

Ang Batasang Europeo ay binubuo ng kalahati ng tagapagbatas ng UE. Ang mga 785 Kasapi ng Batasang Europeo (KBE) ay tuwirang inihalal ng mga mamamayan ng UE tuwing limang taon. Bagama't ang mga KBE ay inihalal sa pambansang batayan, manapa'y sila'y umuupo alinsunod sa mga pampolitikang pangkat kaysa sa kanilang kabansaan. Bawat bansa ay may buklod na bilang ng mga upuan. Ang Batasan at ang Sanggunian ay nagbubuo at nagpapasa ng lehislasyon nang sama-sama, na gumagamit ng kapwa-pasiya, sa tiyak na saklaw ng patakaran. Ang pamamaraang ito ay magpapalawig sa mga maraming bagong saklaw sa ilalim ng minumungkahing Kasunduan ng Lisbon, at samakatuwid magpapalaki ng kapangyarihan at kaugnayan ng Batasan. Ang Batasan ay may kapangyarihan ding tanggihan o punain ang Komisyon at ang badyet ng UE. Ang Pangulo ng Batasang Europeo ay dumadaig sa tungkulin ng ispiker sa batasan at kumakatawan ito nang panlabas. Ang pangulo at ang mga pangalawang pangulo ay inihalal ng KBE tuwing dalawa at kalahating taon.[28]

Sanggunian ng Unyong Europeo

Ang Sanggunian ng Unyong Europeo ay binubuo ng ibang kalahati ng tagapagbatas ng UE. Ito ay isang organisadong andamyo kung saan ang mga pambansang ministro ay may tungkulin ukol sa mga saklaw ng patakaran na naitalumpati, nagpupulong. Bagama't ang Sanggunian ay nagpupulong sa iba't ibang kayarian, ito'y isinasaalang-alang sa pagiging isang bugtong na lupon.[29] Bukod sa tungkuling panlehislatibong, ang Sanggunian ay tumutupad din ng tungkuling tagapagpaganap sa kaugnayan ng Karaniwang Patakarang Panlabas at Pangkaligtasan.

Ang umiikot na Pagkapangulo ng Sangguniang UE ay nakakakuha ng bawat bansang-kasapi sa loob ng bawat anm na buwan, habang kung saan ang kaugnay na kasapi ay namumuno ng mga karamihang pagpupulong ng Sanggunian.[29] Ang mga bansang-kasapi na humahawak ng pagkapangulo ay gumagamit ito nang karaniwan upang isulong at tumutok sa takdang bilang ng saklaw na pampatakaran; tulad ng iba't ibang uri ng reporma, pagpapalaki o panlabas na ugnayan na may tiyak na bahagi ng daigdig.

Sangguniang Europeo

Ang lideratong pampulitaka na may mataas na ranggo sa UE ay ipagkakaloob ng Sangguniang Europeo, na binubuo ng isang kinatawan ng bawat bansang-kasapi at saka ang Pangulo ng Komisyong Europeo. Ang mga bansang-kasapi ay namimili para mayroon silang kinatawan na maaaring puno ng estado (halimbawa, ang pangulo) o ang puno ng pamahalaan (halimbawa, ang punong ministro). Ang Sangguniang Europeo ay nagpupulong nang hindi bababa sa apat na pagtitipon sa loob ng isang taon, at pinamumunuan ng kinatawan ng umiikot na pagkapangulo.[29] Ang Sangguniang Europeo ay hindi dapat malito sa Sanggunian ng Europa, ang malayang intergubernatoryal na institusyon sa UE.

Mga Hukuman

Ang panghukumang bahagi ng UE ay binubuo ng Hukumang Europeo ng Katarungan (HEK) at ang Hukuman ng Unang Paglilitis (na ipinangalan muli ang "Pangkalahatang Hukuman" sa pagpasok sa puwersa ng Kasunduan ng Lisbon). Sila ay nagpapakahulugan nang sama-sama at gumagamit ng mga kasunduan at batas ng UE.[30] Ang Hukuman ng Unang Paglilitis ay nagbabahagi sa pinakamahalaga sa mga kaso na hinahawakan ng mga pangisahan at mga kompanya patungo bago ang mga hukumang UE, at ang HEK ay nagbabahagi sa una pa lamang sa mga kaso na hinahawakan ng mga bansang-kasapi, ang mga institusyon at mga kaso ay nasangguni sa mga hukuman ng UE ng mga hukuman ng mga bansang-kasapi.[31] Ang mga pasiya mula sa Hukuman ng Unang Paglilitis ay maaaring iapela sa Hukuman ng Katarungan subali't sa paksa ng usapang batas lamang.[32]

Ang mga pambansang hukuman na nasa loob ng mga Bansang-Kasapi ay may mahalagang tungkulin na ginagampanan sa UE bilang tagapag-iral ng mga batas ng UE at ang "diwa ng bayanihan" sa pagitan ng UE at ang mga pambansang hukuman ay nangingibabaw sa mga Kasunduan. Ang mga pambansang hukuman ay maaaring gumamit ng batas ng UE sa mga kasong pantahanan, at kung sila'y humiling ng paglilinaw sa interpretasyon o bisa ng anumang lehislasyon ng UE sa mga kaso ito'y maaaring makagawa ng sanggunian para sa paunang pasiya sa HEK. Ang karapatan sa pagpapahayag ng lehislasyon ng UE na walang saysay gayumpaman ay nakapintong sa mga hukuman ng UE.

Unyong Pananalapi

Salaping papel Euro
Mga salaping euro

Ang pang-isahang umiiral na salapi para sa UE ay naging opisyal na layunin mula 1969 at nagsimulang kumilos noong 1990 sa Unyong Pang-ekonomiya at Pananalapi. Pagkalipas ng siyam na taon, inilunsad ang euro sa labing-isa ng dating labinlimang bansang-kasapi bilang pananalaping pantuos, ibig sabihin na ang mga pambansang pananalapi ay nananatiling ginagamit nguni't nakatutok lamang sa euro pagdating sa halaga ng palitan. Noong 1 Enero 2002, inilabas ang mga barya at salaping-papel ng euro at ang mga pambansang sirkulasyon ay unti-unting inalis sa mga labindalawang bansa. Tinanggap ng Slobenya ang euro noong 1 Enero 2007, ang mga bansang Tsipre at Malta naman noong 1 Enero 2008, sa ganoong paraan ang Eurosona sa kasalukuyang 15 bansa na gumagamit ng euro bilang kanilang nagi-iisang opisyal na pananalapi. Ang mga ibang kasapi ng UE, maliban sa Dinamarka at ang Mga Nagkakaisang Kaharian, ay pumayag na sumali kasabay ang kundisyon ng mga pagiging kasapi ng UE at ang mga petsa para rito ay isasaayos kung nakamit nang lubos ang kalagayan ng ekonomiya. Ang opinyong pambayan sa Dinamarka ay kasalukuyang sumasang-ayon sa pagsali. Ang Suwesa ay nakapagpaliguy-ligoy upang makaiwas ang mga bagay na kinakailangan sa pagsali ng saklaw ng euro sa pamamagitan ng di-pagkamit sa mga pamantayang kasapian. Ang bilang ng mga ibang bansa sa labas ng UE, tulad ng Montenegro, ay gumagamit din ng euro nang di-opisyal.[33] Ang euro, at ang mga patakarang pananalapi ng mga bansang nakapagkupkop nito, ay napapangasiwaan sa ilalim ng Bangko Sentral ng Europa (BSE).[34]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Symbols of the EU". Europa web portal. Hinango noong 9 Enero 2008.
  2. The New Oxford American Dictionary, Second Edn., Erin McKean (editor), 2051 pages, Mayo 2005, Oxford University Press, ISBN 0-19-517077-6.
  3. European Foundation for the Improvement of Living and Working Conditions [1]
  4. range from List of countries by Human Development Index
  5. "Panorama of the European Union", Europa. Retrieved 20 Mayo 2006.
  6. Activities of the EU — Internal market, Europa. Retrieved 20 Mayo 2006.
  7. "Abolition of internal borders and creation of a single EU external frontier", Europa. Retrieved 20 Mayo 2006.
  8. 8.0 8.1 "A peaceful Europe - the beginnings of cooperation". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  9. "Merging the executives". European Navigator. Hinango noong 2007-06-25.
  10. "The first enlargement". European Navigator. Hinango noong 2007-06-25.
  11. "The new European Parliament". European Navigator. Hinango noong 2007-06-25.
  12. "Negotiations for enlargement". European Navigator. Hinango noong 2007-06-25.
  13. "A Europe without frontiers". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  14. "1980-1989 The changing face of Europe - the fall of the Berlin Wall". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  15. "Treaty of Maastricht on European Union". Activities of the European Union. Europa. Hinango noong 2007-10-20.; Craig, Paul; Grainne De Burca , P. P. Craig (2006). EU Law: Text, Cases and Materials (4th ed. ed.). Oxford: Oxford University Press. p. 15. ISBN 978-0-19-927389-8.CS1 maint: extra text (link)
  16. 16.0 16.1 "A decade of further expansion". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  17. "Croatia becomes the 28th member state of the European Union". Europa. Hinango noong 2013-12-29.
  18. "Accession criteria (Copenhagen criteria)". Europa. Hinango noong 2007-06-26.
  19. "European Countries". Europa. Hinango noong 2007-09-05.
  20. "European Commission - Enlargement - Candidate and Potential Candidate Countries". Europa. Hinango noong 2007-06-26.
  21. "The EU's relations with Switzerland". Europa. Hinango noong 2007-09-16.
  22. "Sources of EU law". Europa. Hinango noong 2007-09-05.
  23. EUR-Lex. "European Community consolidated treaty, (article 249, provisions for making regulations)" (PDF). Europa. Hinango noong 2007-11-08.
  24. Alinsunod sa prinsipyo ng tuwirang Sanhi na unang lumuhog sa pasiya ng Hukuman ng KatarunganVan Gend en Loos v. Nederlanse Administratie Der Belastingen, Eur-Lex (European Court of Justice 1963). . Tingnan sa: Craig and de Búrca, ch. 5.
  25. Alinsunod sa prinsipyo ng Kataasan na itinatag ng ECJ sa Kaso 6/64, Falminio Costa v. ENEL [1964] ECR 585. Tingnan sa Craig and de Búrca, ch. 7. Tingnan din sa: Factortame Ltd. v. Secretary of State for Transport (No. 2) [1991] 1 AC 603, Solange II (Re Wuensche Handelsgesellschaft, BVerfG decision of 22 Oktubre 1986 [1987] 3 CMLR 225,265) and Frontini v. Ministero delle Finanze [1974] 2 CMLR 372; Raoul George Nicolo [1990] 1 CMLR 173.
  26. "Pillars of the European Union". Europa. Hinango noong 2007-06-27.
  27. "Institutions: The European Commission". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  28. "Institutions: The European Parliament". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  29. 29.0 29.1 29.2 "Institutions: The Council of the European Union". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  30. EUR-Lex. "European Community consolidated treaty, (article 220, The court of Justice)" (PDF). Europa. Hinango noong 2007-11-08.
  31. "The Court of Justice of the European Communities". Europa. Hinango noong 2007-09-14.; "The Court of First Instance". Europa. Hinango noong 2007-09-14.; "Institutions: Court of Justice". Europa. Hinango noong 2007-06-25.
  32. EUR-Lex. "European Community consolidated treaty, (article 225 (1), The court of First Instance)" (PDF). Europa. Hinango noong 2007-11-08.
  33. European Commission. "Use of the euro in the world". The euro outside the euro area. Europa. Hinango noong 2008-02-27.
  34. "ECB, ESCB and the Eurosystem". European Central Bank. Hinango noong 2007-09-15.

Tingnan din

Mga kawing panlabas

.eu

Ang .eu ay ang Internet country code top-level domain (ccTLD) para sa Samahang Europeo.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Alemanya

Ang Alemánya (internasyonal: Federal Republic of Germany; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·land]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasáma sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Dinamarka at ng Dagat Baltiko sa hilaga; ng Polonya at Tsekya sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabago-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamataong kasapi ng Unyong Europeo. Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.

Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya (internasyonal: Federal Republic of Germany) na nakilala bílang Kanlurang Alemanya (Ingles: West Germany) at Demokratikong Republika ng Alemanya (internasyonal: German Democratic Republic) na nakilala naman bilang Silangang Alemanya (internasyunal: East Germany). Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.

Austria

Ang Republika ng Austria (bigkas: /ós·tri·ya/, Aleman: Republik Österreich) ay isang bansa sa Gitnang Europa. Vienna ang kabisera nito. Napapaligiran ito ng mga bansang Alemanya at Tsekya sa hilaga, Islobakya at Unggarya sa silangan, Islobenya at Italya at timog at Suwisa at Prinsipado ng Liechtenstein sa kanluran.

Eslobenya

Ang Eslobenya (Ingles: Slovenia, Islobenya: Republika Slovenija) ay isang bansa sa katimugan ng gitnang Europa na napapaligiran ng Italya sa kanluran, Dagat Adriatiko sa timog kanluran, ng Croatia sa silangan at timog, at ng Hungary sa hilagang-silangan. Sa hilagang direksiyon ng bansang ito ay ang Austria.

Estonia

Para sa ibang gamit, tingnan ang Estonia (paglilinaw).Ang Republika ng Estonya, o Estonya (internasyunal: Republic of Estonia, Estonyano: Eesti Vabariik o Eesti) ay isang bansa sa Hilagang Europa. Nahihiwalay ito mula sa Pinlandiya sa hilaga sa pamamagitan ng makipot na Golpo ng Pinlandiya at mula sa Suwesya sa kanluran sa pamamagitan ng gitnang bahagi ng Dagat Baltiko. May lupaing hangganan ang Estonya sa kanyang mga kapuwang bansang Baltiko - ang Latbiya sa timog at Rusya sa silangan. Ang Tallinn ang nagsisilbing kabisera nito.

Euro

Para sa ibang gamit, tingnan Euro (paglilinaw) o EUR (paglilinaw).

Ang euro (simbolo: €; kodigong bangko: EUR) ay ang opisyal na pananalapi ng Unyong Europeo at isang nag-iisang pananalapi ng higit sa 300 milyong mga Europeo pagkatapos ng labing-dalawang kasaping estado sa Unyong Europeo kolektibong kilala bilang eurozone:

Austria

Belhika

Finland

Pransiya

Alemanya

Gresya

Ireland

Italya

Latbiya

Lithuania

Luxembourg

Malta

ang Netherlands

Portugal

Espanya

Tsipre

Eslobakya

Eslobenya

EstoniaHinggil sa bilateral na mga kasunduan, ito ang opisyal na mga pananalapi sa mga sumusunod na mga hindi kasaping estado: Andorra, Monaco, San Marino, at Lungsod ng Batikano. Isang de facto ng pananalapi saKosovo at Montenegro.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Irlanda (bansa)

Ang Irlanda (Ingles: Ireland ( /ˈaɪərlənd/ o /ˈɑrlənd/), Irlandes: Éire, pronounced [ˈeː.ɾʲə] ( listen)), kilala rin bilang Republika ng Irlanda (Irlandes: Poblacht na hÉireann) ay isang soberanya-estado o bansa sa kanlurang Europa na sumasakop sa limang-kaanim (five-sixths) ng pulo ng Irlanda. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay ang Dublin, na matatagpuan sa silangang bahagi ng pulo, kung saan ang pook ng punong-lungsod (metropolitan area) nito ay tahanan ng halos isang-kapat ng 4.6 na milyong nananahan sa bansa. Kabahagi ng estado sa tanging hangganang lupa nito ang Hilagang Irlanda, na bahagi ng Nagkakaisang Kaharian (United Kingdom). Pinaliligiran ito ng Karagatang Atlantiko, na sa timog nito ay ang Dagat Celtico, ang Saint George's Channel sa timog-silangan, at ang Dagat Irlandes naman sa silangan. Isa itong unitaryo at parlamentaryong republika na may inihao. Ang pinuno ng pamahalaan, ang Taoiseach, ay nominado ng mababang kapulungan ng parlamento, ang Dáil Éireann.

Kasunod ng Digmaang Irlandes para sa Kasarinlan at ng sumunod nitong Kasunduan Anglo-Irlandes, natamo nang tuluyan ng Irlanda ang kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian bilang isang Malayang Estadong Irlandes nong 1922. Pinili naman ng Hilagang Irlanda na gamitin ang tinatawag na Ulster Month upang manatiling bahagi ng Nagkakaisang Kaharian. Sa umpisa'y isang dominyo sa loob ng Imperyong Britaniko (kinalauna'y Komonwelt ng mga Bansa), natanggap ng Malayang Estado ang opisyal na pagkilalang Britaniko ng ganap na malayang tagapagbatas (full legislative independence) sa Statute of Westminster ng 1931. Isang bagong saligang-batas ang pinagtibay noong 1937, kung saan ang pangalan ng estado'y naging Irlanda. Noong 1949 ang mga natitirang tungkulin ng hari - na itinadhana ng Batas Kapangyarihang Tagapagpaganap (Ugnayang Panlabas) ng 1936 (Executive Authority (External Relations) Act 1936) - ay inalis at ipinahayag ang Irlanda bilang isang republika sa ilalim ng Batas Republika ng Irlanda ng 1948 (Republic of Ireland Act 1948). Ang estado ay walang pormal na pakikipag-ugnayan sa Hilagang Irlanda sa malaking bahagi ng ikadalawampung siglo, subalit mula noong 1999 ang dalawa ay nagtutulungan sa ilang mga patakaran sa ilalim ng North-South Ministerial Council na nilikha ng Kasunduang Biyernes Santo (Good Friday Agreement).

Kasama ang Irlanda sa pinakamayayamang mga bansa sa mundo batay sa GDP per capita. Matapos sumali sa dating Pamayanang Ekonomikong Europeo (European Economic Community) na ngayon ay Unyong Europeo taong 1973, nagpatupad ng serye ng mga patakarang pang-ekonomiyang liberal na nagbunga ng mabilis na pag-angat ng ekonomiya, na sinabayan din ng mabilis na pagsipa ng di-pagkakapantay-pantay. Nakamit din ng bansa ang kasaganahan mula 1995 hanggang 2007, kung saan nakilala ang bansa bilang Celtic Tiger. Nabalam ito ng di-inaasahang krisis sa pananalapi na nagsimula noong 2008, kasabay ng pandaigdigang pagbulusok ng ekonomiya.

Bagama't bumabangon pa rin mula sa pagbagsak ng ekonomiya, ang Irlanda ay nananatiling isa sa mga pinakamasaganang bansa sa daigdig. Noong taong 2011 at 2013, naitala ito bilang ikapitong pinakamaunlad na bansa sa daigdig ayon sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao ng Nagkakaisang Bansa. Mahusay rin ang Irlanda sa iba't ibang sukatan ng pambansang gawain (national performance), kasama ang kalayaan sa pamamahayag, kalayaang pang-ekonomiya at kalayaang sibil. Ang Irlanda ay kasapi rin ng Unyong Europeo at kasaping tagapagtatag ng Konseho ng Europa at ng OECD. Itinataguyod nito ang patakaran ng walang kinikilingan sa pamamagitan ng di-pagpanig at hindi rin miyembro ng NATO, bagaman at nakikiisa ito sa Samahan para sa Kapayapaan (Partnership for Peace).

Kaliningrad Oblast

Ang Oblast ng Kalininggrado (bigkas: OB-last; Ruso: Калинингра́дская о́бласть, Kaliningradskaya oblast; Ingles: Kaliningrad Oblast) ay isang kasaping federal ng Rusya (isang oblast) na matatagpuan sa baybay ng Dagat Baltiko. Ito ay may populasyon na 955,281 (taong 2002).

Ang oblast na ito ay nagsisilbing pinakakanluraning bahagi ng Pederasyong Ruso, ngunit wala itong kaugnayang panlupa sa ibang mga bahagi ng Rusya. Ito ay napapaligiran ng Litwanya, Polonya at ng Dagat Baltiko. Ang paglalabay na direkto patungong Rusya ay magagawa lamang sa pamamagitan ng barko o eroplano. Ang pampolitikang pakakahiwalay nito ay lalong lumala nang ang Litwanya at Polonya ay naging mga kasapin ng Unyong Europeo at NATO, at nang sinalihan ng mga ito ang Sonang Schengen, kaya ang oblast na ito ay napapaligiran ngayong ng mga nasabing organisasyon.

Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng oblast na ito ay ang Kalininggrado (dating kilala bilang Königsberg).

Latbiya

Ang Republika ng Latbiya (bigkas: LAT-bya; Leton: Latvijas Republika) o Letonya ay isang bansa sa hilagang Europa. Hinahanggan ito ng dalawa nitong kaestadong Baltiko—Estonya sa hilaga at Litwanya sa timog—at ng Rusya at Byelorusya sa silangan. Sa kanluran, may hangganang marítimo ang Lithuania sa Sweden.

Ang Latbiya ay isang demokratikong parlamentariyong republika na itinatag noong 1989. Riga ang kabisera nito, at ang opisyal na wika nito ay Latbiyano. Nahahati ito sa 118 dibisyon, na kung saan ang 109 rito ay mga munisipalidad at ang 9 ay mga lungsod.Ang Republika ng Latbiya ay itinatag noong Nobyembre 18, 1918, ngunit ang kalayaan nito ay naputol nang sinakop ito ng Unyong Sobyet noong 1940, ng Alemanyang Nazi noong 1941, at muling sakupin ng Unyong Sobyet noong 1944 para buuin ang Latbiyanong SSR sa loob ng limampung taon. Noong Agosto 21, 1991, muling nagdeklara ng kalaayan ang Latbiya.

Lithuania

Ang Litwanya, opisyal na Republika ng Litwanya ay isang republika sa hilagang-silangang Europa. Isa ito sa tatlong estadong Baltiko sa tabi ng Dagat Baltiko, kahangganan nito ang mga kapwang estadong Baltiko na Latvia sa hilaga, Belarus sa timog-silangan, Poland sa timog, at ng Oblast ng Kaliningrad ng Rusya sa timog-kanluran.

Ang Vilnius ang kabisera ng Litwanya simula 1940 (gayundin ng ilang siglo mula 1323 hanggang 1919). Noong 1919 hanggang 1940, naging kabisera nito ang Kaunas, bagaman hindi kinilala ng mga awtoridad ng Litwanya ang kontrol ng Polonya ng Vilnius hanggang Marso 1938 at itinuring ang Kaunas na "pansamantalang kabisera".

Luxembourg

Ang Dakilang Dukado ng Luksemburgo (pinakamalapit na bigkas /lúk·sem·burk/) o Groussherzogtum Lëtzebuerg sa Lëtzebuergesch ay isang maliit na bansa sa hilangang-kanlurang bahagi ng Unyong Europeo sa kontinente na hinahanggan ng Pransiya, Alemanya, at Belhika.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Luxembourg ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Malta

Tignan din ang Malta (paglilinaw).Ang Republika ng Malta (Maltes: Repubblika ta’ Malta; Ingles: Republic of Malta) ay isang maliit na pulong bansa na may makapal na populasyon sa timog Europa. Binubuo ito ng mga kapuluan sa gitna ng Dagat Mediterranean sa timog ng Italya at hilaga ng Aprika. Ang kapitolyo ng Malta ay ang lungsod ng Valletta, na nasa 0.8 km2, ay ang pinakamaliit na nasyonal na kapitolyo na nasa Unyong Europeo. Ang Malta ay may dalawang opisyal na wika: Maltes at Ingles.

Ang lokasyon ng Malta ay ibinigay ang stratehiya na maging hukbong-dagat ng mga Phoenician, Roman, Moor, Norman, Sisilian, Español, Knights ng St. John, Pranses, at ng mga Briton, ay namuno sa mga isla.

Netherlands

Naka-redirect ang "Dutch" dito. Para sa paglilinaw, tingnan ang Mga Pangalan ng Olanda.Ang Netherlands (literal na mga Mga Bayang Mabababa) ay isang bansa sa hilagang Europa. Ang Netherlands ay isang demokrasyang parlamentaryo sa ilalim ng isang monarkang konstitusyonal na matatagpuan sa hilagang-kanlurang Europa. Napaliligiran ito ng Dagat Hilaga (North Sea) sa hilaga at kanluran, Belgium sa timog, at Alemanya sa silangan.

Oras Gitnang Europa

Ang Oras Gitnang Europa o Central European Time (CET), ginagamit sa karamihang bahagi ng Unyong Europeo, ay ang pamantayang oras na 1 oras na nauuna sa Coordinated Universal Time (UTC). Ang pagkakaiba ng oras mula sa UTC ay maaring isulat bilang +01:00. Kilala din ang kaparehong pamantayang oras, UTC+01:00, sa Ingles bilang Middle European Time (MET, Aleman: MEZ) at ibang pang pangalan sa Ingles tulad ng Berlin Time, Romance Standard Time, Paris Time or Rome Time.

Portugal

Naka-redirect ang "Portuges" dito. Para sa wika, tingnan ang wikang Portuges.Ang Portugal, o opisyal na tinatawag na Republikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ]), ay bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Pinaka-kanluraning bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Bahagi ng Portugal ang Atlantikong kapuluan ng Azores at Madeira na kapwang awtonomong rehiyon na may kanilang sariling mga pamahalaang rehiyonal.

Ang Portugual ay ang pinakamatandang estado sa Tangway ng Iberia at isa sa mga pinakamatanda sa Europe na patuloy na pinagtirahan, pinagsakupan, at pinaglabanan mula noong sinaunang panahon. Sumunod sa mga tauhang dipa-Kelta, Kelta, Cartagineses, at Romano ang mga pagsasalakay ng mga Hermanikong Visigodo at Suebi. Itinatag ang Portugal bilang bansa noong Kristiyanong Reconquista laban sa mga Morong nanghimasok sa Tangway ng Iberia noong 711 PK. Itinatag noong 868, sumikat ang Kondehan ng Portugal pagkatapos ng Laban sa São Mamede noong 1128. Ipinroklama ang Kaharian ng Portugal pagkasunod sa Labanan sa Ourique noong 1139, at kinilala ang kalayaan mula sa León ng Tratado ni Zamora noong 1143.

Pransiya

Ang Republikang Pranses o Pransiya, ay isang bansa sa Europa na bahagi ng Unyong Europeo (UE). Isa ito sa mga pinakamalaking bansa sa Europa. Ang kabisera nito ay Paris.

Ito ay pinaliligiran sa timog ng Espanya, Andorra, Monaco at Dagat Mediterraneo, sa hilaga at kanluran ng Karagatang Atlantiko, at sa silangan ng Belhika, Luxembourg, Alemanya, Suwisa, at Italya.

Republikang Tseko

Ang Republikang Tseko (Ingles: Czech Republic; wikang Tseko: Česká republika, pinakamalapit na bigkas [tʃɛskaː ˈrɛpuˌblɪka]) ay isang bansa sa gitnang Europa. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro na Unyong Europeo (EU).

Napapaligiran ito ng mga bansang Polonya sa hilaga, Eslobakya sa silangan, Austria sa timog at Alemanya sa hilagang-kanluran. Ang teritoryo ng Republikang Tseko ay sumasaklaw sa 78 866 kilometro kuwadradong lupain na may pabagu-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 10 milyong mamamayan.

Slovakia

Ang Eslobakya (Eslobako: Slovensko) ay isang republika sa gitnang Europa. Hinahanggan ito ng Tsekya sa hilagang-kanluran, Polonya sa hilaga, Ukranya sa silangan, Unggarya sa timog, at Austria sa timog-kanluran.

Suwesya

Ang Sweden/Suwesya, opisyal na Kaharian ng Sweden/Suwesya (Swedish: Konungariket Sverige) ay isang bansang Nordiko sa Scandinavia, sa Hilagang Europa. Ito ay napalilibutan ng Norway sa kanluran, Finland sa hilagang silangan, ng Kipot ng Skagerrak at Kipot ng Kattegat sa timog kanluran at ng Dagat Baltic at Golpo ng Bothnia sa silangan. Ang Sweden ay may mababang densidád ng populasyon sa lahat ng kaniyang mga metropolitan area.

Ang Unyong Europeo (UE) at mga kandidato sa pagpapalawak nito

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.