Tunisia

Ang Tunisia[* 1] o Republikang Tunesino (الجمهرية التونسية, el-Jumhūrīyah it-Tūnisīyah), ay isang bansa sa baybaying Mediteraneo ng Hilagang Aprika.

Tunisian Republic
الجمهورية التونسية
El-Jumhūriyya it-Tūnisiyya
République tunisienne
Watawat ng Tunisia Coat of arms ng Tunisia
Pambansang Kasabihan: حرية، نظام، عدالة (Hurriya, Nidham, 'Adala)
"Kalayaan, Kaayusan, Katarungan"[1]
Pambansang Awit: Humat Al Hima
Kinaroroonan ng Tunisia
Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Tunis
36°50′N 10°9′E / 36.833°N 10.150°E
Opisyal na wika Wikang Arabe[2]
Ikalawang Wika Pranses
Pangalang-
turing
Tunisyano
Pamahalaan Republikang Presidensiyal[2]
 -  Pangulo Mohamed Ennaceur
 -  Punong Ministro Youssef Chahed
Kalayaan
 -  mula sa Pransiya 20 Marso 1956 
Lawak
 -  Kabuuan 163,610 km2 (92nd)
63,170 sq mi 
 -  Katubigan (%) 5.0
Santauhan
 -  Pagtataya ng 1 Hulyo 2009 10,432,500[3] (Ika-79)
 -  Lahatambilang ng 2004 9,910,872[3] 
 -  Kakapalan 63/km2 (133rd (2005))
163/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2009
 -  Kabuuan $86.086 billion[4] 
 -  Bawat ulo $8,254[4] 
KGK (pasapyaw) Pagtataya ng 2009
 -  Kabuuan $40.168 billion[4] 
 -  Bawat ulo $3,851[4] 
Gini (2000) 39.8 (medium
TKT (2010) Increase 0.683[5] (high) (81st)
Pananalapi Tunisian dinar (TND)
Pook ng oras CET (TPO+1)
 -  Tag-araw (DST) not observed (TPO+1)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .tn .تونس[6]
Kodigong pantawag 216

Talababa

  1. Espanyol: Túnez. Forma tradicional española del nombre de este país de África y de su capital: «En Suez subió a bordo una delegación del Comité de Liberación del Magreb, [...] dirigida por Habib Burguiba, el futuro presidente de Túnez» (Silva Rif [Esp. 2001]); «El presidente acudió a la sede de la OLP en la ciudad de Túnez» (Feo Años [Esp. 1993]). No debe usarse en español la forma Tunicia, calco del nombre del país en inglés (Tunisia) o francés (Tunisie). El gentilicio actual, tanto del país como de su capital, es tunecino, pues la forma tunecí ha caído en desuso: «En las últimas semanas fueron detenidos un imán argelino y varios tunecinos» (Aragón [Esp.] 14.5.04)

Talasanggunian

  1. "Tunisia Constitution". 1957-07-25. Hinango noong 2009-12-23. Cite journal requires |journal= (tulong); |contribution= ignored (tulong)
  2. 2.0 2.1 "Tunisia Constitution". 1957-07-25. Hinango noong 2009-12-23. Cite journal requires |journal= (tulong); |contribution= ignored (tulong) Translation by the University of Bern: Tunisia is a free State, independent and sovereign; its religion is the Islam, its language is Arabic and its form is the Republic.
  3. 3.0 3.1 "National Statistics Online". National Statistics Institute of Tunisia. Hulyo 2009. Hinango noong 7 Enero 2009. (sa Arabe)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Tunisia". International Monetary Fund. Hinango noong 2010-04-21.
  5. "Human Development Report 2010" (PDF). United Nations. 2010. Hinango noong 5 Nobyembre 2010.
  6. "Report on the Delegation of تونس". Internet Corporation for Assigned Names and Numbers. 2010. Hinango noong 8 Nobyembre 2010.



HeograpiyaTunisiaAprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Tunisia at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

.tn

Ang .tn ay ang Internet country code top-level domain (ccTLD) para sa Tunisia.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Agosto 12

Ang Agosto 12 ay ang ika-224 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-225 kung leap year) na may natitira pang 141 na araw.

Aprika

Ang Aprika (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.

Ang populasyon ng Aprika ay ang pinakabata sa lahat ng kontinente sa mundo. Ang kanilang median age noong 2012 ay 19.7, habang ang pangkabuuang gitnang edad (median age) noon sa mundo ay 30.4. Algeria ang pinakamalaking bansa pagdating sa sukat ng lupa habang Nigeria naman ang bansang may pinakamalaking populasyon. Ang Aprika, partikular na ang sentral ng Silangang Aprika, ay kinikilala bilang lugar na pinagmulan ng mga tao at ng Hominidae clade (malalaking bakulaw), kung saan ay natagpuan ang mga pinakaunang hominids at kanilang mga ninuno at mga sumunod na henerasyon na naitalang namuhay pitong milyong taon na ang nakararaan kabilang ang Sahelanthropus tchadensis, Australopithecus africanus, A. afarensis, Homo erectus, H. habilis at H. ergaster – kasama ang pinakaunang Homo sapiens o modernong tao na natagpuan sa Ethiopia na tinatayang namuhay mga 200,000 taon na ang nakararaan. Ang Aprika ay dinadaanan ng ekwador at mayroon itong iba’t ibang klima. Ito lamang ang kontinente na abot sa hilaga hanggang timog ng sonang katamtaman.

Ang Aprika ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.

Dagat Tireno

Ang Dagat Tireno (Ingles: Tyrrhenian Sea, Italyano: Mar Tirreno, Mare Tirreno; Kastila: Mar Tirreno) ay isang dagat na kabahagi ng Dagat Mediteraneo na palayo mula sa kanluraning dalampasigan ng Italya.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Italya at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Gitnang Silangan

Ang Gitnang Silangan ay isang rehiyong makasaysayan at pangkultura sa Aprika-Eurasya na tinuturing sa tradisyon bilang ang mga bansa o rehiyon ng Timog-kanlurang Asya kasama ang Ehipto. Sa ibang konteksto, kabilang sa rehiyon ang ilang bahagi ng Timog Aprika at/o Gitnang Asya. Hindi sinasali sa sa pangkalahatan ang Pakistan at ang Caucasus sa rehiyong ito.

Hilagang Aprika

Ang Hilagang Aprika o Hilagaing Aprika ay ang pinakahilagang rehiyon sa kontinente ng Aprika. Sa heopolitika, kabilang sa kahulugan ng Hilagang Aprika ng UN ang mga sumusunod na pitong bansa at teritoryo; Algeria, Ehipto, Libya, Maruekos, Sudan, Tunisia at Kanluraning Sahara. Ang mga bansa ng Algeria, Maruekos, Tunisia, at Libya ay madalas na kolektibong tinutukoy bilang ang Maghreb; kung alin ay ang Arabeng salita para sa "paglubog ng araw".

Nasa katimugang baybayin ng Dagat Mediteraneo ang Kastilang exclave na plazas de soberanía, napapaligiran sa loob ng Maruekos.

Nasa hilagang-kanluran ng Aprika ang Mga Pulo ng Canary ng Espanya at Mga Pulo ng Madeira ng Portugal sa Hilagang Karagatang Atlantiko at kadalasang kabilang sa rehiyon.

Hulyo 26

Ang Hulyo 26 ay ang ika-207 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian (ika-208 kung leap year), at mayroon pang 158 na araw ang natitira.

Imperyong Romano

Ang Imperyo ng mga Romano (Ingles: Roman Empire) (Latin: Imperium Romanum) ang tawag sa imperyalistang paghahari ng mga Romano sa malaking bahagi ng Europa, Asya at Hilagang Aprika, na may autokratikong porma ng pamahalaan. Sumunod ang Panahon ng Imperyong Romano sa 500-taong Republika Romana (510 BC – siglo 1 BC) na pinahina ng alitan sa pagitan ng mga heneral katulad ni Gaius Marius at Sulla, at ng digmaang sibil ni Julio Cesar (Julius Caesar) laban kay Pompey. Maraming petsa ang iminungkahi kung kailan ito naging imperyo mula sa republika. Kasama rito ang pagtatakda kay Julio Cesar bilang habang-buhay diktador o Diktador Perpetuidad (44 BC), ang pagwawagi ni Octavio (na tagapagmana ni Caesar), sa Labanan sa Actium (ika-2 ng Setyembre 31 BC), at paggagawad ng Senadong Romano kay Octavio ng kagalang-galang na pangalang Augusto (ika-16 ng Enero 27 BC).

Ang katagang Imperium Romanum (Imperyong Romano) ang pinakilalang katagang Latin kung saan ang salitang imperium ay nangangahulugan ng isang teritoryo sa isang bahagi ng mundo na nasa ilalim ng pamamahalang Romano. Mula sa panahon ni Augusto hanggang sa Pagbagsak ng Kanlurang Imperyo, naghari ang Roma sa mga sumusunod: sa Inglatera at Galia (Francia ngayon); sa halos buong Europa (kanluran ng Ilog Rhine at timog ng Alps); sa pasigan ng hilagang Aprika, kasama ang katabing lalawigan ng Ehipto, sa mga lugar ng mga Balkans, sa Dagat Itim, sa Asya Menor at halos buo ng Levante. Sa makatuwid, nasakop ng Imperium Romanum mula kanluran pasilangan sa makabagong panahong ang Portugal, Espanya, Inglatera at Francia, Italya, Albania, at Gresya (Greece), ang mga Balkanos, Turquia, at mga bahagi ng silangan at timog Alemania; patimog na sakop nito ang bahagi ng Gitnang Silangan: ang kasalukyang Siria, Libano, Israel, Jordan at marami pa; gayundin sa patimog-kanluran nakasama rito ang buong matandang Ehipto, at pakanluran nasakop ang pasiging rehiyon ng kasalukuyang Libya, Tunisia, Algeria at Morocco, hanggang sa mga lontitud sa kanluran ng Gibraltar. Romano ang tawag ng mga taong namumuhay sa mga lugar na ito at napapailalim sa batas Romano. Bago pa man naging monarka ito, matagal nang lumalawak ang nasasakupan ng Roma at nasa tugatog ito sa ilalim ni Emperador Trajano sa pananakop nito ng Dacia (i.e., ng kasalukuyang Romania at Moldova) gayundin ang ilang bahagi ng Hungary, Bulgaria at Ukraine noong AD 106, at ng Mesopotamia noong 116 (na sinundan ng pagbabalik ni Adriano). Sa tugatog nito, kontrolado ng Imperyong Romano ang may 5,900,000 km² (2,300,000 milya kwadrado) ng lupa at nakapaloob na Laot ng Mediterreneo na kung tawagin ng mga Romano na "mare nostrum"—Latin ng “aming dagat”. Patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan ang impluwensiyang Romano sa kultura, batas, teknolohiya, wika, relihiyon, gobyerno, militar at arkitektura ng mga sibilisasyong lumitaw sa matandang nuno nito.

Minsang inilalagay ang wakas ng Imperyong Romano sa ika-4 ng Setyembre 476 AD nang pinatalsik ang 14-taong gulang na emperador ng Kanlurang Imperyong Romano na si Romulus Augustulus na hindi na napalitan. Subalit, si Diocleciano na nagretiro noong AD 305, ang nag-iisang huling Emperador ng di-nahahating Imperyo o Klasikal na Imperyong Romano kung saan ang kabisera ay ang Lungsod ng Roma. Matapos hatiin ni Diocleciano bilang Silangan at Kanlurang bahagi ang Imperyo, nagpatuloy ang bawat sanga na may kanyang istilo ng “Imperyong Romano”. Humupa at bumagsak ang Imperyong Romano ng Kanluran sa pagdaan ng ika-5 siglo. Ang Silangang Imperyong Romano, na nakatahan sa Nova Roma (na ibinunsad ni Constantino I sa Griyegong lungsod ng Bizancio) at nang lumaon Griyego ang naging pangunahing wika nito na kilala ngayong bilang Imperyong Bizantino at nagpanatili sa mga batas at kulturang Greco-Romano gayunding sa mga Helenikong elemento nito at Kristiyanismong Ortodoxo sa sumunod na milenyo hanggang sa pagbagsak at pagsakop ng Constantinople (Istanbul ngayon), ang naging pangalan ng lungsod ni Constantino, sa mga kamay ng Imperyong Ottoman noong 1453.

Kartago

Ang Kartago (Latin: Carthago or Karthago, Sinaunang Griyego: Καρχηδών Karkhēdōn, Arabe: قرطاج Qarṭāj‎, Berber: ⴽⴰⵔⵜⴰⵊⴻⵏ Kartajen, Taga-Etrurya: *Carθaza, Makabagong Hebreo: קרתגו‎ Qartágo, mula sa Poeniko Qart-ḥadašt nangangahulugang Bagong Lungsod (Aramaic: Qarta Ḥdatha), nagpapahiwatig na ito'y naging 'bagong Tyre') ay isang pangunahing sentrong lungsod sa loob ng halos 3,000 taon sa Golpo ng Tunis. Sumulong ang Kartago mula sa isang kolonya ng Penisia noong unang milenyo BC. Kasalukuyan itong danay ng Tunis, Tunisia, na may populasyon na 20,715 sang-ayon sa sensus noong 2004.

Libya

Tungkol sa Libya na bansa sa Hilagang Aprika ang artikulong ito. Para sa karakter pang-mitolohiya, tingnan: Libya (mitolohiya).

Ang Libya (Arabe: ‏ليبيا‎ Lībyā) ay isang bansa sa Hilagang Aprika, napapaligiran ng Dagat Mediterranean, matatagpuan sa pagitan ng Ehipto sa silangan, Sudan sa timog-silangan, Chad at Niger sa timog at Algeria at Tunisia sa kanluran. Tripoli ang kapital na lungsod nito. May tatlong tradisyunal na mga seksiyon ang bansa: ang Tripolitania, ang Fezzan at Cyrenaica.

Hinango ang pangalang "Libya" mula sa kataga ng lumang taga-Ehipto na "Lebu", na tumutukoy sa mga tribong Berber na nakatira sa kanluran ng Ilog Nile, at nilinang sa Griyego bilang "Libya". Sa lumang Gresya, may malawak na kahulugan ang kataga, sinasakop ng lahat ng Hilagang Aprika sa kanluran ng Egypt, at minsan tumutukoy sa buong kontinente ng Aprika.

Naging malaya ang Libya at naging Kaharian ng Libya noong 1951. Pinamumunuan ito ni Muammar al-Gaddafi mula 1969 hanggang 2011, na nailuklok sa pamamagitan ng kudeta. Noong Pebrero 2011, isang malawakang kilos protesta ang naganap sa Libya na naghihimok laban sa pamahalaan ni Gaddafi. Noong 23 Pebrero 2011, ang oposisyon ay sinasabing kontrolado na ang maraming lungsod sa Silangan at Gitnang Libya. Noong 27 Pebrero isang National Transitional Council ay binuo bilang "katawan ng himagsikan" Noong Oktubre 2011, natapos ang digmaang sibil na nagresulta sa pagbagsak ng Libyan Arab Jamahiriya (Pamahalaan ni Gaddafi). Kasalukuyang nasa isang transition government ang pamamahala ng bansa.

Marso 20

Ang Marso 20 ay ang ika-79 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-80 kung leap year) na may natitira pang 286 na araw.

Mohamed Brahmi

Si Mohamed Brahmi (15 Mayo 1955 – 25 Hulyo 2013) ay isang politiko sa Tunisya. Si Brahmi ang nagtatag at dating tagapamahala ng People's Movement ng Tunisya,, sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang lider, siya ay nahalal ng 2 beses sa eleksiyon noong 2011.

Perehil

Ang Perehil o hardin perehil (Petroselinum crispum; Ingles: parsley) ay isang species ng Petroselinum sa pamilya Apiaceae, katutubo sa gitnang rehiyon Mediteraneo (timog Italya, Algeria, at Tunisia), naturalized sa ibang lugar sa Europa, at malawak nilinang bilang isang damong-gamot, isang pagandahin, at isang halaman.

Saan ito ay lumalaki bilang isang biennial, sa unang taon, ito porma ng isang pihala ng tripinnate dahon 10-25 cm ( 3.9-9.8 in) mahaba na may maraming mga 1-3 cm ( 0.4-1.2 in) leaflets, at isang punong-ugat na ginagamit bilang isang tindahan ng pagkain sa ibabaw ng taglamig.

Perehil ay malawak na ginagamit sa Middle Eastern, European, at American cooking. Kulot dahon perehil ay madalas na ginagamit bilang isang palamuti. Sa gitnang silangan at Europa at sa kanlurang Asya, maraming dish na may sariwang berdeng tinadtad perehil sprinkled sa itaas. Root perehil ay karaniwan sa mga sentral at silangang lutuin European, na kung saan ito ay ginagamit bilang isang meryenda o ng isang halaman sa maraming sabaw, stews, at casseroles.

Pistatso

Ang pistatso (Pistacia vera; Kastila: pistacho; Inggles: pistachio) ang binhing nagmula sa puno ng alponsigo (Kastila: alfónsigo), na katutubo sa Iran, Turkmenistan, at Apganistan. Ang pistatso, na nasa loob ng pamilya ng Anacardiaceae, ay isang maliit na puno na nagmula sa Mas Malaking Iran (Iran at Iraq) na maaari nang matagpuan sa ngayon sa mga rehiyon ng Syria, Lebanon, Turkey, Gresya, Tunisia, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan, India, Pakistan, Ehipto, Italya (Sicily), Uzbekistan, Afghanistan (natatangi na sa mga lalawigan ng Samangan at Badghis), at sa Estados Unidos, partikular na sa California. Ang puno ay nagbubunga ng isang mahalagang mani.

Ang Pistacia vera ay kadalasang ikinalilito sa iba pang mga espesye ng saring Pistacia na nakikilala rin bilang "pistachio". Ang mga espesyeng ito ay maaaring ibukod-tangi mula sa P. vera sa pamamagitan ng kanilang pagkakamudmod na pangheograpiya (sa kalikasan) at sa pamamagitan ng kanilang mga mani. Mas maliliit ang kanilang mga mani, mayroong mas malalakas na lasa ng turpentina, at mayroong isang balat na hindi matigas.

Roma

Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Roma (paglilinaw). Huwag ikalito sa Rumanya, Rumano, Rumana.Ang Roma (pagbigkas [ˈroːma]) ang punong lungsod ng Italya at ng regione ng Lazio. Matatagpuan ito sa mga ilog ng Tevere at Aniene, malapit sa Dagat Mediterranean, sa 41°54′N 12°29′E. Ang Lungsod ng Vatikan, isang malayang enclave sa loob ng Roma, ang himpilan ng Simbahang Katoliko at ang tirahan ng Papa.

Ang Roma ang pinakamalaking lungsod sa Italya at ang bayan nito ang isa sa pinakamalalaki sa Roma, na may lawak ng 1290 km². Madali nitong malalakihan ang iba pang mga lungsod ng Italya pati na rin ang mga lungsod tulad ng Paris, Berlin, Stockholm, o Brussel. May populasyon ito ng 2 546 807 (2004) na may halos 4 milyong naninirahan sa kalakhan.

May GDP ito ng €75 bilyon—higit na mataas pa sa Bagong Zeeland at katumbas ng Singapore—noong taong 2001. Ipinrodyus ng bayan ng Roma ang 6.5% ng pangkalahatang GDP ng Italya, ang pinakamalaking halaga sa lahat ng mga lungsod ng bansa.

Umaabot ang kasaysayan ng lungsod nang 2800 taon, kung kailan ito ay naging himpilan ng sinaunang Roma (ang Kahariang Romano, ang Republikang Romano, at ang Imperyong Romano), at sunod ng Estadong Papa, Kaharian ng Italya, at ngayon ng Republikang Italyano.

Stephen W. Bosworth

Si Stephen Warren Bosworth (4 Disyembre 1939 – 3 Enero 2016) ang Dekano ng Fletcher School sa Tufts University at nagsisilbing espesyal na kinatawan ng Estados Unidos sa polisiya ng Hilagang Korea. Tatlong beses na siyang nagsilbi bilang Embahador ng U.S sa Timog Korea (1997-2001), sa Pilipinas (1984-1987), at sa Tunisia (1979-1981). In 1987, siya ay tumanggap ng Karangalan bilang Embahador ng Taon mula sa American Academy of Diplomacy.

Noong Pebrero 2009 siya ay hinirang ni Kalihim ng Estado Hillary Clinton bilang espesyal na kinatawan para sa polisiya sa North Korea.Bago ang kanyang pagkakahirang bilang Embahador sa Timog Korea siya ang Executive Director ng Korean Peninsula Energy Development Organization (1995-1997). Bago sa KEDO, pangulo siya ng United States Japan Foundation.Bago ang taong 1984, ang kanyang mga ginampanan sa serbisyong internasyunal ay sa Paris, Madrid, Lungsod ng Panama, and Washington kung saan siya ang Direktor ng Pagpaplano ng Polisiya ng Kagawaran ng Estado, Pangunahing Katulong na Kalihim para sa usaping panloob ng Amerika, at Katulong na Kalihim para sa usaping pang-ekonomiya.

Kasalukuyang siyang kasapi ng Internasyonal na Lupon ng mga Tagapayo para sa Pangulo ng Pilipinas, at kasapi rin ng mga lupon ng International Textile Group at Franklin Templeton Investment Trust Management Co. (Korea). Siya ay kasapi ng Trilateral Commission.

At times he has held teaching and oversight positions at various colleges and universities: Columbia University's School of International and Public Affairs (1990-1994); Linowitz Chair of International Studies, Hamilton College (1993); Trustee, Dartmouth College (1992-2002), Chairman of Board of Trustees, (1996-1999).Mayroon siyang A.B. (1961) at LL.D. (honorary doctorate) (1986) mula sa Dartmouth College. Isa siyang mag-aaral na nagtapos sa George Washington University.

Talaan ng mga lungsod sa Tunisia

Ito ay ang talaan ng 350 lungsod at bayan sa Tunisia. Sa seksiyong "Talaan ng mga munisipalidad ayon sa gobernado nakadiin ang pangalan ng mga kabisera ng gobernado.

Tunis

Ang Tunes (Ingles: Tunis) ay ang kabisera ng bansang Tunisia.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Tunisia at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Wikang Arabe

Ang Arabo (Arabo: العربية, al-'arabiyyah) ang pinakamalaking kasapi ng sangay Semitiko ng pamilya ng mga wikang Aproasyatiko at malapit na kamag-anak ng Ebreo at Arameo. Sinasalita ito sa buong daigdig Arabo at malawakang inaaral at naaalam sa buong daigdig Muslim. Ang Arabo ay isang wikang pampanitikan mula pa noong mga ika-6 dantaon at ang wikang panliturhiya ng Islam.

Sa katotohanan, wala talagang nagsasalita ng pamantayang Arabo (اللغة العربية الفصحى, al-luġatu-l-ʿarabīyatu-l-fuṣḥā, “ang pinaka-elokwenteng wikang Arabo”) bilang wikang pang-araw-araw; limitado lamang ang ganong gamit sa mga pormal na okasyon. Sa halip, sinasalita ng mga Arabo ang iba’t ibang diyalekto nito ngunit madalang na magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng dalawang magkakaibang dyalekto; sa mga ganitong kaso, ang pamantayang wikang Arabo ang ginagamit.

Nagmula rin sa wikang Arabo ang Maltes, na nagkakaloob ng malaking bilang ng mga salita mula sa Italyano at Ingles.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.