Tsokolate

Ang tsokolate, [1] sikulate[1] o chocolate[2] [mula sa Ingles] ay isang salitang Aztec na ginagamit upang isalarawan ang ilang mga hilaw at mga na-prosesong mga produkto na nagmula sa tropikal na punong kakaw. Ito ang karaniwang sangkap sa maraming mga matatamis na pagkain, sorbetes, mga tinapay, keyk, empanada at mga pang-himagas. Ito ang isa sa mga sikat na lasa (flavor) sa daigdig. Karaniwan itong nasa anyong buo, ngunit karaniwan din sa Pilipinas ang pagiging isang inumin ito (cocoa).[1]

Tinatawag na sikulatihan ang kasangkapan o aparatong ginagamit sa paggawa ng tsokolate.[1]

Chocolate

Mga talasanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Tsokolate, sikulate, sikulatihan". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
  2. "Chocolate, nakatala at tinatanggap ang baybay na chocolate para sa wikang Tagalog ayon sa talahuluganan ni Leo James English". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Bar ng Hershey

Ang Hershey's Milk Chocolate Bar (karaniwiang tinawag ito bilang Hershey's Bar o Hershey's) ay isang tatak ng bar ng tsokolate na ginawa ng the Hershey Company. Ang tatak ng Hershey's Milk Chocolate Bar ay ipinakilala noong 1900, sinundan ito ang mga anyong may almond, na ipinakilala noong 1908.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Tatak ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Bosco Chocolate Syrup

Nakaturo ang Bosco dito. Para sa ibang gamit ng Bosco, tingnan Bosco (paglilinaw).Ang Bosco Chocolate Syrup ay isang tatak na tsokolateng harabe na unang ginawa noong 1928. Nakabase sa New Jersey, Estados Unidos ang kompanya gumagawa ng tsokalateng ito, at itinitinda sa buong Estados Unidos, Kanlurang Europa, Asya, at Gitnang Silangan.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Bungang-kahoy

Para sa ibang gamit, tingnan din ang bunga (paglilinaw).

Ang bungang-kahoy, bunga o prutas (Ingles: fruit; Kastila: fruto) ay mga produkto ng mga halaman o punong namumunga, katulad ng mansanas, saging, sintunis, at ubas. Ito ay lumalabas sa puno upang kainin ang mismong prutas at para rin dumami ang lahi ng mga punong ito dahil kadalasan ang mga buto ng isang puno ay nasa bunga.

Crème brûlée

Ang crème brûlée ( /ˌkrɛm bruːˈleɪ/; Pagbigkas sa Pranses: [kʁɛm bʁy.le]), na nakikilala rin bilang kremang sinunog, kremang katalana, kremang trinidad, o kremang tatluhan, ay isang panghimagas na binubuo ng isang mayamang patungan na letseplan na pinatungan ng isang pansalansang na sapin ng matigas na karamelo. Karaniwan itong inihahain habang ang temperatura ay katulad ng temperatura ng paligid.

Ang patungang letseplan ay nakaugaliang tinitimplahan ng banilya, ngunit paminsan-minsan ding tinitimplahan ng limon o kinudkod na balat ng narangha, rosa-maria (romero), tsokolate, Amaretto, Grand Marnier, kape, mga alak, tsaang lunti, pistasyo, buko, at iba pang mga prutas.

Gianduia

Ang gianduia ay isang matamis na tsokolateng 50% gawa sa abelyana.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kakaw

Para sa ibang gamit, tingnan ang Cacao (paglilinaw).Ang kakaw o Theobroma cacao ay isang uri ng maliit na punong napagkukunan ng mga pinitas na butong ginagawang kokwa at tsokolate. Karaniwang itinatanim itong nalililiman ng mga madre kakaw.

Kanoli

Huwag itong ikalito sa kanulo.

Ang kanoli, kanolo, o kanolu (mula sa Ingles at Sisilyanong cannolo [isahan], cannolu [isahan], at cannoli [maramihan], nangangahulugang "maliit na tubo" o "munting tubo") ay isang uri ng tinapay, pastelerya, o empanadang pangminandal. Nagmula ang pangalang ito sa Lating canna o tambo. Nagmula ito sa Sisilya at isang mahalagang bahagi ng lutuing Sisilyano. Tanyag din ito sa lutuing Italyanong Amerikano at kilala sa Amerika bilang isang Italyanong pastelerya, bagaman espesipikong may simulaing Sisilyano.

Binubuo ang kanoli ng hugis tubong kabibe ng pinirituong masa ng tinapay, na pinalamanan ng matamis at makremang laman na kalimitang nilalagyan ng kesong rikota (o pinatamis na maskarpone, ngunit hindi kinaugalian, na hinaluan ng ilang mga kumbinasyon ng banilya, tsokolate, pistasiyo, alak na Marsala, tubig-rosas, o iba pang mga pampalasa. May ilang mga kusinerong nagdaragdag ng tinadtad na sukada o succade o pinagpirapirasong mga tsokolate. Nasasakop ng mga sukat nito ang mula sa kanulitsi (mula sa cannulicchi) na hindi lalaki kaysa isang daliri, magpahanggang sa kasinlaki ng kamaong tipikal na matatagpuan sa Piana degli Albanesi, timog ng Palermo, Sisilya. Minsang matatagpuan din ang kanoling may mga kabibeng isinawsaw sa tsokolate, bilang dagdag sa pagiging pinunuan ng palaman.

Kompuwesto

Ang kompuwestong kimikal o chemical compound ay isang kemikal na sustansiya na binuo mula sa dalawa o higit pang elementong kimikal, na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang-espasyo ng mga kawing kimikal . Halimbawa, ang tubig (H2O) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng idroheno sa bawat isang atomo ng oksiheno. Sa pangkahalatan, ang tiyak na rasyon (ratio) na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang ang mga materyal na gaya ng tanso, ang superkonduktor na YBCO, ang semikonduktor na aluminum galium arsenide o tsokolate ay itinuturing na mga mixture o alloy at hindi kompuwesto.

Ang katangitanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng pormulang kimikal. Inilalarawan ng pormula ang ratio ng mga atomo sa isang sustansiya, at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansiya (kaya ang pormula ng ethene ay C2H4 hindi CH2). Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga molekula; halimbawa, ang sodium chloride (karaniwang asin, NaCl) ay isang kompuwesto ioniko.

Ang mga kompuwesto ay maaring magkaroon ng maraming yugto. Maraming mga kompuwesto ay solido. Ang mga kompuwestong molekula ay maari ring maging likido o gas. Ang lahat ng kompuwesto ay masisira upang maging mas maliit na kompuwesto o indibidwal na atomo kung papainitan sa isang tiyak na temperatura na tinatawag na temperatura ng dekomposisyon. Ang bawat kompuwesto ay binibigyan sa lathala ng isang natatanging bilang, ang kanyang bilang ng CAS.

Mantsa

Ang mantsa ay mga hi duming-dungis sa anumang bagay tulad ng mga damit at tela, na karaniwang mahirap alisin kahit labhan, hugasan o punasan man. Tinatawag din itong batik at bahid. Halimbawa ng mga nagiging mantsa ang mga tinta, dugo, nginunguyang gam, tsokolate, kokwa, katas ng prutas, damo, grasa, sorbetes, at sopdrinks.

Nestlé Chunky

Ang Nestlé Chunky ay isang candy bar na sa trapezoidal shape at consits ng milk chocolate, California raisins at roasted peanuts. Ang produktong ito ay nagawa sa Nestlé.

Ang mga patalastas ay "Chunky, What a Chunk of Chocolate" and "Open Wide for Chunky".

Padron:Confection-stub

Padron:Nestlé

Panghimagas

Ang panghimagas, matamis, o minatamis (Pranses: dessert, Kastila: postre) ay karaniwang matamis na putahe na nagtatapos sa pagkain ng pananghalian o ng hapunan. Ang pagkain na bumubuo sa putahe o kurso ay kinabibilangan ng, ngunit hindi hanggang dito lamang, ng mga pagkain matatamis. Mayroong isang malawak na kasamu't sarian ng mga panghimagas na maaaring kabilangan ng mga keyk (mamon), mga cookie, mga biskuwit, mga pastelerya, mga leche flan, mga sorbetes, mga pastel )[[empanada), mga puding at mga kendi. Ang mga prutas ay karaniwan ding natatagpuan sa mga putahe ng panghimagas dahil sa likas na katamisan ng mga ito.

Maraming mga kultura ang mayroong pansarili nilang mga kakaibang anyo ng kahalintulad na mga panghimagas sa buong mundo, katulad ng sa Rusya na ang maraming mga pagkaing pang-agahan na katulad ng blint, oladi, a] syrniki ay maaaring isilbi na mayroong pulut-pukyutan at halea upang maging mga panghimagas. Ang hindi mahigpit na kahulugan ng "putaheng panghimagas" ay maaaring ilapat sa maraming mga pagkain. Sa ilang mga bansa, ang mga keso na katulad ng kesong Brie at prutas ay inihahain bilang panghimagas. Ang ilang mga panghimagas ay napapalamutian (nadedekorasyunan), katulad ng mga keyk na pangkaarawan. Ang iba naman ay payak, katulad ng puding o tsokolate. Maraming mga panghimagas ang hinuhurno (niluluto sa loob ng isang hurnuhan) and mayroon din namang ibang mga panghimagas na isinsilbing mayroong binating krema bilang pamatong. Kung minsan ang panghimagas ay tinatawag ding pamutat na may kahulugang "panggilid na pagkain" o "pagkaing palamuti" na kasama ng nakaplatong pangunahing pagkain o putahe.

Pankeyk

Ang pankeyk (Ingles: pancake) o puto kawali ay isang manipis, sapad, at bilog na mamon o keyk na inihanda mula sa isang rebosado o galapong, at iniluluto sa mainit na kawaling malanday o kawaling prituhan. Karamihan sa mga puto kawali ay yari sa mga ginagamitan ng pampaalsang hindi lebadura; ang ilan ay ginagamitan ng nilebadurahan o nagdaan sa permentasyong galapong. Madalas nag ga itong iniluluto na una muna ang isang mukha at pagkaraan ay ibinabaligtad upang maluto ang kabilang mukha. Depende sa rehiyon, ang mga puto kawali ay maaaring ihain sa anumang oras, na may sari-saring mga pamatong o pampalaman kabilang ang halaya, mga piraso ng tsokolate, prutas, arnibal, o karne.

Puding

Ang puding o pudding ay isang uri ng meryenda o panghimagas, partikular na ang yari sa tinapay. Tinatawag na mahablangka ang puding kapag gawa mula sa mais. Kapag niluto naman mula sa saging, tinatawag itong nilupak. Mayroon ding uri ng sorisong tinatawag na puding. Tinatawag na semolina ang puding na gawa mula sa bigas. Mayroon pa ring puding na gawa mula sa isteyk at atay.

Matamis ang panghimagas o pangminandal na puding at may maraming mga lasa. Pinakakaraniwan ang uring gawa sa tsokolate, ngunit mayroon ding banilya, butterscotch, saging, at pistasyo (pistachio). Subalit karamihan sa mga puding sa ngayon ang gawa mula sa gatas na may asukal, pampalasa, at harina, na nilalagyan din ng itlog.

Siling-pula

Ang siling-pula, kampana o lara ay isang grupong kultibar ng espesyeng Capsicum annuum. Kilala itong bell pepper sa Ingles, sa United Kingdom at Ireland tinatawag itong sweet pepper o basta pepper, sa India, Australia at New Zealand capsicum naman ang tawag dito. Ang kultibar na ito ay namumunga ng hugis kampanang prutas na iba-iba ang kulay, may pula, dilaw, kahel, berde, tsokolate/kayumanggi, puti/banilya at lila. Ang siling-pula ay isinasama sa grupo ng hindi masyadong maanghang na mga uri ng sili bilang "matamis na sili". Ang siling ito ay likas sa Mexico, Gitnang Amerika at hilagang bahagi ng Timog Amerika. Ang mga buto nito ay dinala sa Espanya noong 1493 at mula roon ay kumalat na sa ibang mga bansa sa Europa, Aprika at Asya. Sa ngayon, ang Tsina ang may pinakamaraming naaaning siling-pula, sinundan ng Mexico at Indonesia.Ang pinakaangkop na kalagayan para sa siling-pula ay ang pagtatanim nito sa lupang may katamtamang init, tamang-tama ang temperaturang 21-29 °C (70-84 °F), na pinanatiling basa ngunit hindi masyadong babad sa tubig. Sensitibo ang siling-pula at madaling naaapektuhan ang paglaki nito kapag masyadong babad sa tubig ang lupa at labis ang temperatura.

The Hershey Company

Ang The Hershey Company, (dati kilala bilang Hershey Foods Corporation bago ang Abril 2005) karaniwang tinatawag bilang Hershey's, ay isang kompanyang nakabase sa Estados Unidos at isa sa mga pinakamalaking kompanyang gumagawa ng tsokolate sa buong mundo. Gumagawa din sila ng mga produktong inihurno, tulad ng kukis at keyk; milk shake, mga inumin at marami pang iba, na nadaragdagan ang malawak na pagpipilian. Nasa Hershey, Pennsylvania ang kanilang punong-tanggapan, na kilala din bilang tahanan ng Hersheypark at Hershey's Chocolate World. Itinatag ito ni Milton S. Hershey noong 1894 bilan ang Hershey Chocolate Company, isang sangay ng kanyang Lancaster Caramel Company. May minoryang bahagi ang Hershey Trust Company sa kompanya ngunit nanatili ang mayoryang kapangyarihan sa pagboto sa loob ng kompanya.

Tsamporado

Ang tsamporado, samporado o sampurado (Kastila: champurrado) ay isang uri ng nilugawang bigas na hinaluan ng tsokolate, masarap kainin sa umaga may halong asukal cacao at kondensadang gatas na kalimitang kinakain kasama ng tinuyong dilis o tapang karne.

Tse (Siriliko)

Ang tse (Ц ц; pahilis: Ц ц) ay isang titik sa alpabetong Siriliko.

Ito ay nakakarepresenta sa tunog na /ts/, kagaya ng salita sa wikang Tagalog na tsokolate.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Tsokolateng burol

Ang mga Tsokolateng Burol (Ingles: Chocolate Hills), o ang mga "karamelo", ay isang anyong lupa sa Bohol, Pilipinas. Mayroon tinatayang 1,260 mga burol subalit maaaring nasa 1,776 ang mga burol ang nakakalat sa kabuuang lupa na 50 square kilometre (20 mi kuw). Nababalot ng mga luntiang damo ang burol at nagiging kulay tsokolate kapag tag-araw, kaya naging Tsokolateng Burol ang pangalan nito.

Sikat na atraksiyon ang mga Tsokolateng Burol sa Bohol. Tampok ang mga ito sa panlalawigang watawat at sagisag ng lalawigan ng Bohol na sumasagisag nang mayamang likas na yaman ng lalawigan.

Tsokolatero

Ang tsokolatero ay isang taong gumagawa ng minatamis mula sa tsokolate. Magkaiba ang mga tsokolatero sa mga mantstsokolate na bumubuo ng tsokolate mula sa mga buto ng kakaw at iba pang mga sangkap.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.