Tsipre

Ang Republika ng Cyprus o Republika ng Tsipre[1] (Griyego: Κύπρος, Kýpros; Turko: Kıbrıs; tingnan din ang Talaan ng mga tradisyunal na mga pangalan ng mga Griyegong lugar) ay isang pulong bansa sa silangang Dagat Mediterranean, 113 kilometro (70 milya) timog ng Turkey at mga 120 km kanluran ng pampang ng Syria.

Republika ng Cyprus
Κυπριακή Δημοκρατία (Griyego)
Kypriakí Dhimokratía
Kıbrıs Cumhuriyeti
(Turko)
Republic of Cyprus
Watawat ng Cyprus Sagisag ng Cyprus
Pambansang Kasabihan: wala
Pambansang Awit:  Ύμνος εις την Ελευθερίαν
Imnos is tin Eleftherian  (literal na salin)
Hymn to Freedom 1

Kinaroroonan ng Cyprus
Location of  Cyprus  (circled beside inset)

– at the southwestern tip of mainland Asia ( grey),
– near Africa ( grey, bottom) and Europe ( camel & white)
– in the European Union ( camel)                    [Legend]

Pununglunsod
(at pinakamalaking lungsod)
Nicosia
35°08′N 33°28′E / 35.133°N 33.467°E
Opisyal na wika Griyego, Turko
Pamahalaan Republika
 -  Pangulo Nicos Anastasiades
Kalayaan mula United Kingdom 
 -  Petsa 16 Agosto 1960 
Lawak
 -  Kabuuan 9,251 km2 (ika-167)
3,572 sq mi 
 -  Katubigan (%) -
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2006 784,301 (ika-157)
 -  Lahatambilang ng 2005 835,000 
 -  Kakapalan 90/km2 (ika-105)
233/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2007
 -  Kabuuan $ 23.74 bilyon (ika-113)
 -  Bawat ulo $ 31,053 
TKT (2004) Increase 0.903 (high) (ika-29)
Pananalapi Euro (EUR)
Pook ng oras EET (TPO+2)
 -  Tag-araw (DST) EEST (TPO+3)
Internet TLD .cy3
Kodigong pantawag 357
[1] "Ymnos pros tin Eleutherian" ay ginagamit din bilang pambansang awit ng Gresya.

[2] Taya ng populasyon na gawa ng UN para sa buong pulo kasama ang mga lugar na kontrolado ng mga Turko.

[3] Ginagamit din ang domain na .eu na ginagamit din ng ibang kasaping estado ng Unyong Europeo.
Cyprus lrg

Mga teritoryong pampangasiwaan

    Tingnan din

    Mga sanggunian

    1. Philippine Bible Society. (1973). "Tsipre, hinango sa Chipre". Magandang Balita Biblia.



    Tsipre Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsipre ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

    .cy

    Ang .cy ay ang Internet country code top-level domain (ccTLD) para sa Tsipre.

    Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

    Agosto 16

    Ang Agosto 16 ay ang ika-228 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-229 kung leap year) na may natitira pang 137 na araw.

    Akrotiri at Dhekelia

    Ang Soberanong mga Baseng Area ng Akrotiri at Dhekelia (Ingles: Sovereign Base Areas of Akrotiri and Dhekelia) ay dalawang mga pook o areang pinangangasiwaan ng Nagkakaisang Kaharian sa pulo ng Tsipre na binubuo ng mga base militar ng Soberanong mga Baseng Area ng Nagkakaisang Kaharian. Pinanatili ng Nagkakaisang Kaharian ang mga base pagkaraan ng pagbibigay ng kasarinlan at kasunod na transisyon ng Tsipre bilang isang kolonya ng korona upang maging isang nagsasariling soberano o malayang estado. Hiningi ng at nagtagumpay ang Nagkakaisang Kaharian sa pagpapatuloy na okupahan ang isang bahagi ng Tsipre sa anyo ng mga base militar ng estratehikong lokasyon ng Tsipre sa Dagat Mediteraneo kaugnay ng pagtataguyod ng mga hangarin ng Nagkakaisang Kaharian.

    Nahahari ang mga base sa Akrotiri (Griyego: Ακρωτήρι; Turko: Agrotur, kasama ang Garisong Episkopi, na bahagi ng isang pook na kilala bilang Kanlurang Soberanong Baseng Area o Western Sovereign Base Area, WSBA) at Dhekelia (Griyego: Δεκέλεια; Turko: Dikelya), kasama ng Ayios Nikolaos, na bahagi ng Silanganing Soberanong Baseng Area o Eastern Sovereign Base Area, ESBA).

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsipre at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

    Aphroditos

    Si Aphroditus, Aphroditos (Sinaunang Griyego: Ἀφρόδιτος), Aproditus, o Aproditos ay isang lalaking Aphrodite na nagmula sa Amathus na nasa pulo ng Tsipre at ipinagdiriwang sa Atenas sa isang rito ng mga lalaking nagsusuot ng damit na pambabae.

    Inilalarawan si Aphroditus bilang isang hugis ng babae at nakadamit na pambabae na katulad ni Aphrodite subalit mayroong balbas at galit na titi, kung kaya't may pangalang panlalaki. Ang diyus-diyosang ito ay maaaring nakarating sa Atenas mula sa Tsipre noong ika-4 ng daantaon BK. Subalit, noong ika-5 daantaon BK, mayroong hermae o herma ni Aphroditus, o mga estatwang phallic o mayroon hugis ng galit na titi na may ulo ng isang babae.Ayon kay Macrobius na bumanggit sa diyosa sa kanyang Saturnalia, si Philochorus sa kanyang Atthis (na tinukoy ni Macrobius) ay kumilala sa lalaki-babaeng diyos na ito bilang may kaugnayan sa Buwan, nagsabing sa mga pagsasakripisyo o pag-aalay ay nagpapalitan ng mga kasuotan ang mga lalaki at mga babae, na ang mga lalaki ay magdadamit pambabae habang ang mga babae ay magsusuot ng kasuotang panlalaki.

    Si Philostratus, sa paglalarawan ng mga rituwal na kasangkot sa mga pestibal, ay nagsabi na ang imahe o ang impersonador o gumagaya ng diyos na ito ay may kasamang isang malaking kahanayan ng mga tagasunod kung saan ang mga babae ay nakikisalamuha sa mga lalaki dahil pinahihintulutan ng kapistahan na gumanap ang kababaihan bilang mga lalaki, at ang kalalakihan ay magsusuot ng damit na pambabae at gaganap bilang babae.Si Aphroditus ay katulad ng mas nahuling diyos na si Hermaphroditus, na ang pangalan ay may kahulugang "si Aphroditus sa anyo ng isang herma" - isang istatwa na hinugisan bilang isang parihabang talukod o haligi na may pang-ibabaw o ituktok na isang ulo o busto, at unang lumitaw sa mga tauhan ni Theophrastus. Ipinaliwanag din ni Photius na si Aphroditus ay si Hermaphroditus (o iisa lamang), at nagbanggit ng mga piraso mula sa Atikong mga komendya na bumanggit sa banal na ito. Sa lumaon pang mga mitolohiya, itinuring si Hermaphroditus bilang anak na lalaki nina Hermes at Aphrodite.Isa sa pinakamaagang nananatili pang imahe mula sa Atenas ay ang isang piraso (mula sa huli ng ika-4 na daantaon BK), na natagpuan sa agorang Atenyano, ng isang hulmang putik para sa isang piguring terakota. Ang pigurin o maliit na estatwa ay maaaring nakatindig na nasa 30 mga sentimetro ang taas, na kumakatawan sa isang estilong nakikilala bilang άνασυρόμενος (anasyromenos) na isang babaeng nag-aangat ng pangharapan ng kanyang damit upang ibunyag ang kanyang nakatayong titi.

    Euro

    Para sa ibang gamit, tingnan Euro (paglilinaw) o EUR (paglilinaw).

    Ang euro (simbolo: €; kodigong bangko: EUR) ay ang opisyal na pananalapi ng Unyong Europeo at isang nag-iisang pananalapi ng higit sa 300 milyong mga Europeo pagkatapos ng labing-dalawang kasaping estado sa Unyong Europeo kolektibong kilala bilang eurozone:

    Austria

    Belhika

    Finland

    Pransiya

    Alemanya

    Gresya

    Ireland

    Italya

    Latbiya

    Lithuania

    Luxembourg

    Malta

    ang Netherlands

    Portugal

    Espanya

    Tsipre

    Eslobakya

    Eslobenya

    EstoniaHinggil sa bilateral na mga kasunduan, ito ang opisyal na mga pananalapi sa mga sumusunod na mga hindi kasaping estado: Andorra, Monaco, San Marino, at Lungsod ng Batikano. Isang de facto ng pananalapi saKosovo at Montenegro.

    Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

    Hilagang Tsipre

    Ang Hilagang Tsipre (Turko: Kuzey Kıbrıs) pormal na ipinangalan bilang ang Republikang Turko ng Hilagang Tsipre (TRNC) (Turko: Kuzey Kıbrıs Türk Cumhuriyeti, KKTC) ay isang estadong de facto na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Tsipre. Matagalang mga alitan sa pagitan ng mga Griyego at Cypriotang Turko — na nagsimulang lumaki nang nagkaroong ng isang kudeta na nagtatangkang isanib ang pulo sa Gresya at isang hukbong pangingialam ng Turkiya ang iginanti — ay nagbunga ng paghahati ng pulo paglilipat-lipat ng bahay ng mga naninirahan at kasunod ng isang pansariling pagtatatag ng kalayaan ng hilagang bahagi noong 1983. Ang Hilagang Tsipre ay nakatatanggap ng diplomatikong pagtanggap mula sa Turkiya lamang na umaaasa rito para sa mga tulont pang-ekonomiko, pampolitika at panghukbo o pangdigma. Ang ibang bahagi ng pandaigdigang pamayanan kasama na ang Mga Nagkakaisang Bansa at Samahang Europeo ay tanggap ang kalayaang de jure ng Republika ng Tsipre sa buong pulo.

    May mga pagtatangkang makakuha ng sagot sa alitan ngunit sa ngayon, walang pagtatangka ang naging matagumpay. Noong 2004 isang ikalimang pagbabago ng Panukalang Annan ng Mga Nagkakaisang Bansa ang tinanggap ng karamihan ng mga Cypriotang Turko ang tumanggap sa reperendum ngunit tinanggihan ng karamihan ng mga Cypriotang Griyego. Ang Hukbo ng Turkiya ay nananatili na nagpapagana ng isang malaking hukbo sa Hilagang Tsipre at ang pagpapagana ay itinataguyod at sinasang-ayunan ng lokal na pamahalaan na de facto lamang ngunit ang Republika ng Tsipre at ang pandaigdigang pamayanan ay tinitingnan ito bilang isang hukbong mananako na ilegal at ang pagpapagana nito ay hindi tinanggap sa mga pagsasa-ayos ng Kapulungang Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa.Ang mga hangganag ng Hilagang Tsipre ay mula sa dulo ng Tangway ng Karpass (Kabo Apostolos Andreas) sa hilagang-silangan, pakanluran sa Look ng Morphou at Kabo Kormakitis (ang exclave ng Kokkina/Erenköy ay ang pinakakanlurang bahagi ng lugar) at patimog papunta sa pamayanan ng Louroujina/Akıncılar. Isang lugar pampahina ng lakas na nasa ilalim ng Mga Nagkakaisang Bansa o buffer zone ay nasa kahabaan ng Hilagang Tsipre at ang natitirang bahagi ng mga pulo at hinahati ang Nicosia, ang pinakamataong lungsod sa pulo at ang kabisera ng magkabilang mga estado.

    Nea Salamis Famagusta FC

    Ang Nea Salamis Famagusta FC o Nea Salamina Famagusta FC (Griyego: Νέα Σαλαμίνα Αμμοχώστου) ay isang propesyonal na koponang futbol na nakabase sa Ammochostos (Famagusta), Cyprus (Tsipre). Naging bakwit ang koponan dahil sa 1974 Turkong Paglusob sa Tsipre, nang sakupin ng Turkiya ang hilagang bahagi ng isla. Pansamantalang nakabase ang koponan sa Larnaca, Cyprus.

    Ang koponan ay bahagi ng Nea Salamina Famagusta na samahang itinatag noong 1948. Ang samahan ay pinangalanan sa Salamis na isang sinaunang lungsod sa Cyprus, na kasalukuyang matatagpuan malapit sa Famagusa. Ang katagang "nea" ay nangangahulugang "bago" sa wikang Griyego.

    Nicos Anastasiades

    Si Nicos Anastasiades (Griyego: Νίκος Αναστασιάδης; ipinanganak noong 27 Setyembre 1946) ay isang Tsipriyotang Griyegong politiko na pinuno ng makananang partidong pampulikang DISY (ang Democratic Rally) ang nahalal ng pangulo ng Republika ng Tsipre.Noong halalang parlamentaryo ng 22 Mayo 2011, nagwagi ang Democratic Rally ng 20 mga upuan, na mas mahigit kaysa sa iba pang mga partido subalit hindi isang mayoriya ng Kapulungan ng mga Kinatawang binubuo ng 56 na mga kasapi. Siya ang opisyal na kandidato para sa halalang pampangulo ng 2013. Sa halalang pampangulo noong 24 Pebrero 2013, nanalo si Nicos Anastasiades na mayroong 57.48% ng mga boto.

    Othello

    Si Othello ay isang tauhan sa dulang Othello ni Shakespeare (c. 1601-1604). Ang pinagmulan ng tauhan ay matutunton sa kuwentong "Un Capitano Moro" (Isang Kapitang Moro) sa Gli Hecatommithi ni Giovanni Battista Giraldi Cinthio. Doon, tinukoy lamang siya bilang ang Moro (Moor).

    Si Othello ay isang sundalong matapang at angkop ang kakayahan na may masulong na edad at may katangian na pang-Moro na naglilingkod para sa Republika ng Venecia. Nakipagtanan siya kay Desdemona, ang magandang anak na babae ng isang iginagalang na senador ng Venecia. Pagkaraan maipadala sa Tsipre, minanipula si Othello ni Iago, na kanyang Sinaunang Ensenya (ensign; katumbas ng segunda tenyente), na si Desdemona ay isang babaeng nangangalunya. Pinaslang ni Othello si Desdemona bago niya patayin ang kanyang sarili.

    Unang nabanggit si Othello sa loob ng isang kuwento ng isang kasayahan noong 1604 habang ipinapalabas ang dula noong ika-1 ng Nobyembre sa Palasyong Whitehall kung saan si Richard Burbage ang halos unang "interprete" o tagapagganap ng papel na Othello. Kabilang sa natatanging makabagong gumanap sa tauhang Othello sina Paul Robeson, Orson Welles, Richard Burton, James Earl Jones, at Laurence Olivier.

    Pamantasang Bukas ng Cyprus

    Ang Pamantasang Bukas ng Tsipre (Ingles: Open University of Cyprus, OUC; Griyego: Ανοικτό Πανεπιστήμιο Κύπρου), sa Lefkosia (Nicosia), ay ang tanging unibersidad sa distansyang pag-aaral sa Tsipre. Iminodelo sa Open University ng Britanya, ang OUC ay itinatag upang punan ang isang mahalagang puwang para sa bukas at distansyang mas mataas na edukasyon sa bansa, bilang pagtugon sa lumalaking pangangailangan para sa patuloy na edukasyon at habambuhay na pagkatuto. Ito ang una at tanging institusyon para sa mas Mataas na Edukasyon sa Tsipre na nagbibigay ng naturang uri ng instruksyon sa mga antas undergraduate at postgradweyt. Isang unibersidad sa pananaliksik, ang OUC nagtataguyod ng mga programa patungo sa pag-unlad ng mga pamamaraan at metodolohiya para sa bukas na pag-aaral.

    Pangulo ng Tsipre

    Ang Pangulo ng Tsipre ay ang pinuno ng estado at pinuno ng pamahalaan ng Republika ng Tsipre. Ang tanggapan ay nagawa noong 1960, matapos makamit ng Tsipre ang kalayaan nito mula sa Nagkakaisang Kaharian. Sa kasalukuyan, si Dimitris Christofias ang Pangulo ng Tsipre.

    Matapos ang kudeta noong 1974 na nagluklo kay Nikos Sampson, sinalakay ng Turkiya ang Hilagang Tsipre noong 20 Hulyo 1974, at noong 1983 binuo ang Turkish Republic of Northern Cyprus, na tanging Turkiya lamang ang kumikilala. Samakatwid, ang hurisdiksiyon ng Republika ng Cyprus ay de facto hindi umaabot sa hilagang ikatlong bahagi ng isla.

    Pita

    Tungkol ito sa tinapay. Para sa mithiin, pumunta sa pita (mithi).

    Ang pita o pitta ay isang uri ng tinapay na patag o pinisa. Kalimitang binilog ito, kulay kayumanggi, at gawa mula sa trigo na hinaluan ng lebadura. Kalimitan itong ginagamit sa Tsipre, sa mga bansa sa Balkans, Hilagang Aprika, Iran, Armenia, Turkiya, at ilang bahagi ng subkontinente ng Indiya.

    Richard I ng Inglatera

    Si Ricardo I o Richard I ng Inglatera (Setyembre 8, 1157 – Abril 6, 1199) ay ang hari ng Inglatera mula 1189 hanggang 1199. Paminsan-minsan siyang tinatawag na Ricardo ang Pusong Leon (Ricardo na may Puso ng Leon). Siya ang anak na lalaki nina Henry II ng Inglatera at Eleanor ng Aquitania. Noong 1168, naging Duke siya nga Aquitania. Isa siya sa mga pinuno ng Ikatlong Krusada laban kay Saladin, na hindi kailanman nagtagumpay. Habang naglalakbay siya, nasakop niya ang Sicilia at Tsipre. Nakipaglaban siya sa Labanan sa Acre at sa Labanan ng Arsuf. Sa huli, dahil sa hindi niya muling napagwagian ang Herusalem mula sa mga Muslim, nagpasya siyang magbalik sa Inglatera. Habang pabalik na mula sa Krusada, nadakip si Richard ng mga Aleman at kinailangang magbayad ng malaking halagang panubo ang mga taong Ingles upang mapalaya siya. Itinuturing siya bilang isang napakatapang at marangal na hari, subalit hindi siya gumugol ng maraming panahon sa Inglatera - anim na buwan lamang ng kaniyang labing-isang taon ng pamumuno ang naigugol niya sa loob ng kaniyang bansa.

    Namatay siya pagkaraang matamaan ng palaso mula sa isang baril na pana habang nagaganap ang pagkubkob sa isang kastilyo. Ang kaniyang mga labi ay inilibing sa iba't ibang mga lugar. Ang kaniyang katawan ay inilibing sa Monasteryo ng Fontevraud na malapit sa Saumur sa Pransiya, kung saan nakalibing din ang kaniyang ama at ina. Ang kaniyang mga laman-loob ay inilibing sa Chalus, malapit sa Limoges sa loob ng gitnang Pransiya. Ang puso niya ay inilibing sa Katedral ng Notre Dame sa Rouen. Natagpuan ito noong 1838 at sinuri ng mga dalub-agham noong 2012. Nagsagawa sila ng mga pagsusulit upang makatuklas ng mga lason, dahil mayroong isang kuwento noong gitnang kapanahunan na si Richard ay namatay dahil sa isang palasong may lason. Walang katibayan upang masuportahan ang ideyang ito, at maaaring namatay siya dahil sa grangrena o septisimiya mula sa sugat na dulot ng palaso.

    Sinaunang Gresya

    Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE). Pagkatapos ng panahong ito ang pasimula ng Maagang mga gitnang panahon at panahong Bisantino. Kabilang sa Sinaunang Gresya ang panahon ng Klasikong Gresya na yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong Gresya ay nagsimula sa pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong Atenian. Dahil sa mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay yumabong mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Dagat Mediteraneo.

    Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang nakaimpluwensiya sa Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi ng Europo at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang Europa. Ito rin ang naging batayan ng pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga Amerika noong ika-18 at ika-19 na dantaon.

    Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Aegea, ang baybayin ng Anatolia (kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin ng Kolkis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica, timog Gaul, silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang Iberiko, Iberia at Taurica.

    Talaan ng mga bansa

    Ito ang alpabetikong talaan ng mga bansa ng mundo, kasama ang mga parehong internasyonal na kinikilala at pangkalahatang hindi kinikilalang mga malayang estado, may nanirahang dumidependeng teritoryo, kasama din ang mga lugar na may espesyal na soberanya. Sinasakop lahat ang mga bahagi sa ilalim ng hurisdiksiyon ng mga natalang bansa, kabilang ang teritoryo, teritoryong bahagi ng tubig (kabilang ang panloob na mga bahagi ng tubig at karatig na sona), Ekslusibong Sonang Pang-ekonomiya, continental shelf at espasyong panghimpapawid. Para sa isang talaan ng mga malalayang estado lamang, tingnan ang talaan ng mga malalayang estado.

    Talaan ng mga pamayanan sa Tsipre

    Ito ay isang talaan ng mga pamayanan sa Tsipre (Cyprus sa Wikang Ingles). Unang nakalagay ang pangalang Ingles, sumunod ang pangalang Griyego sa iskriptong Griyego (kapag naiiba ito sa pangalang Ingles, may nakalagay na pangalang Griyego sa alpabetong Latin), sumunod naman ang pangalang Turko. Nakatala sa huli ang dating pangalan nito o pangalang ginamit noong sinaunang kasaysayan. Tandaan na bagaman umiral ang mga pangalang Turko sa ilang pamayanan bago ang paglusob ng mga Turko ng Tsipre noong 1974, binigyan ng ibang pangalang Turko ang mga ito sa mga kadahilanang politikal. Ang mga pinakamalaking lungsod sa Tsipre ay Nicosia (kabisera), Limassol, Larnaca, Famagusta, Paphos at Kyrenia.

    Tassos Papadopoulos

    Si Tassos (Efstathios) Nikolaou Papadopoulos (sa Griyego, Τάσσος Νικολάου Παπαδόπουλος– 7 Enero 1934 – 12 Disyembre 2008) ay isang politiko sa Tsipre. Nagsilbi siya bilang Pangulo ng Republika ng Tsipre mula Pebrero 28, 2003 hanggang Pebrero 28, 2008.

    Unibersidad ng Cypus

    Ang Unibersidad ng Tsipre (Ingles: University of Cyprus, UCY; Griyego: Πανεπιστήμιο Κύπρου, Turko: Kıbrıs Üniversitesi) ay isang pampublikong unibersidad na itinatag sa Republika ng Tsipre noong 1989. Tinanggap nito ang mga una nitong mag-aaral noong 1992 at may humigit-kumulang sa 7000 mga mag-aaral sa kasalukuyan.

    Wikang Turko

    Ang Wikang Turco ay isáng wikang ginagamit ng halos 77 angaw na tao sa buong sanlibutan, at ini ay ang pinakamalakíng kasapi ng mga wikang Turquico (Turkic languages). Karamihan sa mga mananalitâ ng Turco ay naninirahan sa Turquía at Chipre, kung saan pampamunuán na ginagamit ang wikà roón, at may lalong maliliít na pangkát sa Irak, Grecia, Bulgaria, Macedonia, Albania at iba pang bahagi ng Silangang Europa. Ginagamit rin ang wikà ng angaw-angaw na mandarayuhan sa Europa, lalo na sa Alemania, kung saán may malaking diaspora ng mga Turco roón.

    Gitnang Silangan
    Pinalawak na Gitnang Silangan
    Mga bansa at dependensiya sa Asya
    Soberanong estado
    Mga estadong may limitadong pagkilala
    Mga dependensiya at
    espesyal na rehiyong administratibo

    Sa ibang wika

    This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
    Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
    Images, videos and audio are available under their respective licenses.