Tiglath-Pileser III

Si Tiglath-Pileser III (mula anyong Hebreo[Note 1] ng Wikang Akkadiano Tukultī-apil-Ešarra, "ang aking pagtitiwala ay nasa anak na lalake ni Esharra") ang hari ng Assyria noong ika-8 siglo BCE na namuno noong 745–727 BCE[1][2] at malawakang kinikilala bilang ang pinuno na nagpakilala ng napakaunlad na mga sistemang sibil, pangmilitar, at pampolitika sa Imperyo Neo-Asiryo.[3][4] Sinunggaban ni Tiglath-Pileser III ang tronong Asiryo noong digmaang sibil at pinatay ang pamilyang maharlika. Kanyang pinabuti ang ang pamahalaan ng Assyria at seguridad nito. Ang hukbong Asiryo na pinakadakila nang hukbo simula noong panahon ni Ashur-uballit I (1366-1330 BCE) ay naging ang unang propesyonal na hukbo noong kanyang panahon. Pinasuko at sinakop ni Tiglath-Pileser III ang karamihan ng kilalang mundo sa panahong iyon: sa timog, ang mga Mesopotamiano sa Babilonya at Kaldea, mga Arabo, Magan, Meluhha at mga taga-Dilmun ng Arabian Peninsula. Sa timog kanluran, kanyang pinabagsak ang Israel, Kaharian ng Judah, Philistia, Samarra, Moab, Edom, Suteans at Nabatea. Sa hilaga,kanyang sinakop ang Urartu, Armenia atvScythia sa Bulubunduking Caucasus, Cimmeria sa Dagat Itim, at Nairi. Kanyang pinasuko ang hilagang kanluran at karamihan ng silanganin at timog kanlurang Asya menor kabilang ang mga Hittite, Phrygia, Cilicia, Commagene, Tabal, Corduenne and Caria. Sa kanluran, kanyang pinasuko ang mga Griyego ng Cyprus at Aram(modernong Syria) gayundin ang Phoenicia/Caanan. Sa silangan, kanyang pinasuko ang Persia, Medes, Gutium, Mannea, Cissia at Elam. Kalaunan sa kanyang paghahari, si Tiglath-Pileser III ay kinoronahang Hari ng Babilonya. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na mga komander ng militar sa kasaysayan ng mundo.

Tilglath pileser iii
Tiglath-Pileser III: stela mula sa mga pader ng kanyang palasyo (British Museum, London).

Mga sanggunian

  1. Lendering, Jona (2006). "Assyrian Eponym List (2/3)". Livius.org.
  2. Tadmor, Inscriptions, p. 29.
  3. Healy, Assyrians, p. 17
  4. "History of Mesopotamia". Encyclopædia Britannica.
  1. Spelled as "Tiglath-Pileser" in the Book of Kings (2Kings 15:29) and as "Tilgath-Pilneser" in the Book of Chronicles (2Chronicles 28:20).
Inunahan ni:
Ashur-nirari V
Hari ng Asirya
745 – 727 BCE
Sinundan ni:
Shalmaneser V
Inunahan ni:
Nabu-mukin-zeri
Hari ng Babilonya
729 – 727 BCE
Adad-nirari II

Si Adad-nirari II ang unang hari ng Imperyong Neo-Asiryo.

Adad-nirari III

Si Adad-nirari III (o Adad-narari) ang hari ng Asirya mula 811 hanggang 783 BCE. Siya ang anak at kahalili ni haring Shamshi-Adad V.

Ashur-dan II

Si Ashur-Dan II ang hari ng Asirya (c. 935 BCE – 912 BCE). Kanyang hinalinhan ang kanyang amang si Tiglath-Pileser II. Siya ay sinundan ng kanyang anak na si Adad-nirari II.

Ashur-dan III

Si Ashur-dan III ang hari ng Asirya mula 773 hanggang 755 BCE.

Si Ashur-dan III ang anak ni Adad-nirari III at humalili sa kanyang kapatid na si Shalmaneser IV noong 773 BCE. Ang kanyang paghahari ay isang mahirap na panahon sa monarkiyang Asiryo.

Ashur-etil-ilani

Si Ashur-etil-ilani ang hari ng Asirya mula ca. 631 BCE – ca. 627 BCE. Kanyang hinalinhan ang kanyang amang si Ashurbanipal.

Ashur-nirari V

Si Ashur-nirari V ang hari ng Asirya mula 755 hanggang 745 BCE. Siya ay sinundan ni Tiglath-Pileser III. Si Ashur-nirari V ang anak ni Adad-nirari III at humalili sa kanyang kapatid na si Ashur-dan III. Namana niya ang isang mahirap na kalagayan mula sa kanyang hinalinhan.

Ashur-resh-ishi II

Si Aššūr-reš-iši II (nakainskribangmaš-šur-SAG-i-ši,"Itinaas ni Ashur ang aking ulo") ang hari ng Asirya mula 971–967 BCE. Siya ang ika-96 sa talaan ng haring Asiryo.

Ashur-uballit II

Si Ashur-uballit II (Aššur-uballiṭ II) ang huling hari ng Imperyong Asiryo. Siya ay naghari sa huling kabiserang siyudad ng Harran mula 612 BCE hanggang noong pagitan ng 609 at 605 BCE na nakatakas sa Nineveh noong pagkukubkob at pagbihag ng siyudad ng alyansang Babilonio-Mede-Scythian noong 612 BCE.

Ashurnasirpal II

Si Ashur-nasir-pal II (transliterasyon: Aššur-nāṣir-apli, si "Ashur ang bantay ng tagpagmana") ang hari ng Asirya mula 883 hanggang 859 BCE. Kanyang hinalinhan ang kanyang amang si Tukulti-Ninurta II noong 883 BCE.

Imperyong Neo-Asiryo

Ang Imperyong Neo-Asiryo ang imperyo sa kasaysayan ng Mesopotamia na nagsimula noong 934 BCE at nagwakas noong 609 BCE. Sa panahong ito, ang Asirya ang naging pinakamakapangyarihang estado sa mundo na nadaig pa sa pananaig ang mga Babylonia, Sinaunang Ehipto, Urartu/Armenia at Elam sa pananaig sa Sinaunang Malapit na Silangan, Asya menor, silangang Mediterraneo. Sa panahon ni Tiglath-Pileser III noong ika-8 siglo BCE nang ito ay naging isang malawakang imperyo. Sinundan ng Imperyong Neo-Asiryo ang Panahong Gitnang Asiryo at Gitnang Imperyong Asiryo (ika-14 hanggang ika-10 BCE). Itinuturing ng ilang mga skolar gaya ni Richard Nelson Frye ang imperyong Neo-Asiryo bilang ang unang tunay na imperyo sa kasaysayan ng tao. Sa panahong iyon, ang wikang Aramaiko ang ginawang opisyal nawika ng Imperyong Neo-Asiryo kasama ng Wikang Akkadiano.

Nabonidus

Si Nabonidus ( /ˌnæbəˈnaɪdəs/; Wikang Akkadiano Nabû-naʾid, "si Nabu ay pinuri") ang huling hari ng Imperyong Neo-Babilonyano na naghari mula 556 BCE hanggang 539 BCE.

Sargon II

Si Sargon II ( Wikang Akkadiano Šarru-ukin "ginawa niyang(ang Diyos) matatag ang hari") ay isang hari ng Imperyong Neo-Asiryo. Siya ay naging kapwa hari ni Shalmaneser V noong 722 BCE at naging nag-iisang pinuno ng kaharian ng Babilonya noong 722 pagkatapos ng kamatayan ni Shalmaneser V. Hindi maliwanag kung siya ay anak ni Tiglath-Pileser III o isang mang-aagaw ng trono na walang kaugnayan sa maharlikang pamilya. Kanyang tinawag ang kanilang sarili bilang isang bagong tao at kinuha ang pangalang Sharru-kinu ("tunay na hari") pagkatapos ni Sargon ng Akkad na nagtatag ng unang Imperyong Semitiko sa rehiyon mga 1600 taon ang nakakaraan.

Shalmaneser III

Si Shalmaneser III (Šulmānu-ašarēdu, "Ang Diyos na si Shulmanu ay nakatataas") ang hari ng Asirya mula 859 BCE hanggang 824 BCE. Siya ang anak ng nakaraang pinunong siAshurnasirpal II.

Shalmaneser IV

Si Shalmaneser IV ang hari ng Asirya mula 783 hanggang 773 BCE. Kanyang sinundan ang kanyang amang si Adad-nirari III at hinalinhan ng kanyang kapatid na si Ashur-dan III.

Shalmaneser V

Si Shalmaneser V (Wikang Akkadiano: Šulmanu-ašarid; Hebreo: שַׁלְמַנְאֶסֶר, Moderno: Shalman'eser, Tiberiano: Šalmanʼéser; Griyego: Σαλαμανασσαρ Salamanassar; Latin: Salmanasar) ang hari ng Asirya mula 727 hanggang 722 BCE. Siya ay gobernador ng Zimirra sa Phoenicia sa paghahari ng kanyang amang si Tiglath-Pileser III. Sa kamatayan ng kanyang ama, siya ay humalili sa trono ng Asirya noong ika-25 ng Tebet 727 BCE at pinalitan ang kanyang pangalang Ululayu sa "Shalmaneser".

Sin-shumu-lishir

Si Sin-shumu-lishir (o Sin-shum-lishir) ang mang-aagaw ng trono ng hari ng isang bahagi ng imperyong Asiryo noong 626 BCE. Si Sin-shumu-lishir ay unang lumitaw sa mga sangguniang Asiryo bilang heneral ng haring Asiryo na si Ashur-etil-ilani. Kalaunan niyang tinangkang agawin ang trono. Siya ay naghari ng isang taon ng talaan ng hari ng Uruk at nauna kay Sin-shar-ishkun.

Sinsharishkun

Si Sinsharishkun (Sin-shar-ishkun, ca. 627 - 612 BCE) na tila ang Saràkos (Saracus) ng Berossus ang isa sa mga huling hari ng Imperyong Asiryo at sinundan ni Ashur-uballit II.

Tiglath-Pileser II

Si Tiglath-Pileser II (mula sa Hebraikong anyo ng wikang Akkadianong Tukultī-apil-Ešarra) ang hari ng Asirya mula 967 BCE hanggang 935 BCE. Kanyang hinalinhan ang kanyang amang si Ashur-resh-ishi II. Siya ay hinalinhan ng kanyang anak na si Ashur-dan II.

Tukulti-Ninurta II

Si Tukulti-Ninurta II ang hari ng Asirya mula 891 BCE hanggang 884 BCE. Siya ang ikalawang hari ng Imperyong Neo-Asiryo.

Mga haring Asiryo
Maagang Panahong Bronse
Gitnang Panahong Bronse
Huling Panahong Bronse
Panahong Bakal

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.