Teolohiya

Ang teolohiya ay isang termino na unang ginamit ni Plato sa Ang Republika (aklat ii, kabanata 18). Ito ay galing sa dalawang pinagsamang salitang Griyego: theos (diyos) at logos (rasyunal na binigkas). Binibigyang kahulugan ng katagang ito ang makatuwirang usapan tungkol sa Diyos o mga diyos, o sa mas pangkalahatang bagay tungkol sa relihiyon o espirituwalidad.
Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Agham pangkalikasan

Ang mga agham pangkalikasan (Aleman: Naturwissenschaft, Pranses: science de la nature, Kastila, Portuges: ciencia natural, Ingles: natural science) ay ang pag-aaral sa pisikal, mga aspeto na di para sa tao na tungkol sa Daigdig at ng Sansinukob na nasa paligid natin. Sa pangkalahatan, sinusubok nitong ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong pang-diyos. Ginagamit pantukoy ng katagang agham pangkalikasan ang mga "agham" bilang disiplinang sumusunod sa pamamaraang makaagham (scientific method), salungat sa pilosopiyang pangkalikasan o sa agham panlipunan, na ginagamit ang kaparehong kaparaanang agham upang ilapat sa iba't ibang paksa.

Binubuo nito ang basehan para sa mga nilapat na agham. Kapag pinagsama, ang pangkalikasan at nilapat na mga agham ay natutukoy sa mga agham panlipunan sa isang banda, at sa humanidades, teolohiya at mga sining sa iba pang banda. Sa kanyang sarili, hindi agham pangkalikasan ang Matematika, ngunit nagbibigay ng mga kagamitan at balangkas na ginagamit sa loob ng agham pangkalikasan.

Katabi ng tradisyunal na gamit, kamakailan lamang ang salitang "agham pangkalikasan" ay ginagamit minsan sa kaparaanang kalapit ng pang-araw-araw na kahulugan, nagsisimula sa natural na kasaysayan. Sa ganitong kaisipan, maaaring maging alternatibong pananalita ang "agham pangkalikasan" para sa mga agham biyolohikal, sumasangkot sa prosesong biyolohikal, o marahil din sa mga agham pandaigdig, na maaaring matukoy na iba sa mga agham pisikal (mas direktang sangkot sa pag-aaral ng pisikal at kimikal na batas sa sansinukob).

Doktor ng Simbahan

Ang Doktor ng Simbahan (Latin doctor, guro, mula sa Latin na docere, magturo) ay isang titulong iginagawad ng iba't ibang simbahang Kristiyano sa mga indibidwal na kanilang kinikilala na may partikular na kahalagahan, lalo na sa kanilang naging ambag sa teolohiya o doktrina.

Isip

Tingnan ang pagkakaiba nito mula sa kaluluwa.Ang isip ay isang paksa tungkol sa napakalabis na pag-teoriya, pagsubok at seryosong pagdadahilan na nangyayari sa pilosopiya (pinag-aaralan sa ilalim ng pamuhatan na pilosopiya ng pag-iisip), sikolohiya, at relihiyon (kung saan sa teolohiya, kadalasang kinukunsidera na nasa tabi ito ng mga iba pang kaugnay na palagay katulad ng kaluluwa at espiritu). Iniisip ng iba na kasing kahulugan ito ng utak. Para sa mga iba na nag-teoriya, software ng isang utak ang isip, at maaari na maunawaan ang problema ng isip-katawan sa pagkahawig nito sa koneksiyon ng software-hardware. Sinasabi ng ibang mga tao, katulad ng pilosopo na si John Searle, na hindi kahawig sa isang program ang isip at kamalayan, ngunit sa halip, isang katangian ng isang biyolohikal na sistema, na katulad ng katangian ng isang tubig ang pagiging basa.

Kalayaan

Ang kalayaan, sa pilosopiya, ay binubuo ng kalayaan ng kalooban at ito ay salungat ng determinismo. Sa usaping politikal, ang kalayaan ay binubuo ng panlipunan at pampulitikal na kalayaan na tinatamasa ng lahat. Sa teolohiya, ang kalayaan ay kalayaan mula sa pagkalugmok sa kasalanan.

Ang modernong konsepto ng politikal na kalayaan ay nagmula sa konsepto ng mga Griyego ng kalayaan at pagkaalipin. Ang pagiging malaya, para sa mga Griyego, ay ang hindi pagkakaroon ng amo at ang kakayahang mabuhay nang hindi umaasa sa kahit na sinong amo (mabuhay nang kung paano mo gustong mabuhay). Iyan ang orihinal na konspeto ng kalayaan ng mga Griyego. Ito ay malapit na maiuugnay sa konsepto ng demokrasya.

Ito ay para lang sa malalayang lalaki. Tulad na lamang sa Athena, ang mga kababaihan ay hindi maaaring bumoto o mamuno ng opisina at sila rin ay dumedepende, sa legal at panlipunang usapin, sa kanilang mga lalaking kamag-anak.

Kapatawaran

Para sa ibang gamit, tingnan ang Tawad (paglilinaw).Ang kapatawaran o pagpapatawad, katumbas ng pagpapaumanhin ay ang hindi pagbibigay ng kaparusahan sa kamalian o kasalanang nagawa ng isang tao sa kapwa tao, partikular na kung humingi o himiling ito ng paumanhin. Sa pananampalataya, katulad ng Kristiyanismo, sinasabing ang "pagpapatawad ang Diyos" ang pinakamaringal at pinakamarangal na mensahe ng Bibliya, na kaugnay ng pagaako ni Hesus sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan. Ginagawa rin ang pagpapatawad, sa pamamagitan ng isang pari, sa pagkukumpisal o pagsasabi ng kasalanan.

Malayang kalooban

Ang malayang kalooban o bukal sa kalooban ay ang kakayahang mamimilì sa pagitan ng magkaibang maaaring kahantungan ng isang ginawa. Ito'y malapit na iniuugnay sa mga konsepto ng pananagutang moral, papuri, pagkakasala, at iba pang kahatulang nauukol sa mga bagay na ginawa nang malaya. Iniuugnay din ito sa mga konsepto ng pagpapayo, paghimok, deliberasyon, at pagbabawal. Ayon sa kaugalian, tanging ang mga ginawa lang nang bukal sa kalooban ang nararapat na papurihan o pagsisihan. Maraming iba't ibang alalahanin hinggil sa mga banta sa posibilidad ng malayang kalooban, na nag-iiba mula sa kung gaano ito nauunawaan, na siya namang maaaring pagdebatihan.

Matuwid at makatuwiran

Ang matuwid at makatuwiran (Ingles: righteous, righteousness) ay ang paggawa ng kung ano ang tama, gayon din ang kung ano ang gawaing banal o pagpapakabanal, o kaya ang pagiging matapat sa mga pangako sa isang tipan o tipanan. Isa rin itong pandiwang tumutukoy para sa isang taong makatuwiran at matuwid.

Mitolohiyang Romano

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o kosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil, kasaysayan ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat ng mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular sa mga relief.

Pamantasang Ateneo de Manila

Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas ang Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo de Manila University sa wikang Ingles). Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, purong agham at teknolohiya.

Isa sa dalawang pamantasan sa Pilipinas ang Ateneo na nabigyan ng Level IV Accreditation, ang pinakamataas na antas, mula sa Federation of Accrediting Agencies of the Philippines, at ang PAASCU. Ang tanda na ito ay iginagawad sa mga institusyong nagpakilala sa sarili sa iba't ibang mga disiplina ng karunungan na nagbibigay sa Ateneo ng awtoridad at karangyaan na maihahambing sa mga ibang tanyag na pamantasan sa ibang bansa.

Papa Juan XXII

Si Papa Juan XXII (1244 – 4 Disyembre 1334) na ipinanganak na Jacques Duèze (o d'Euse) ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 7 Agosto 1316 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang ikalawang papa ng Kapapahang Avignon na inihalal ng isang konklabeng pampapa sa Lyon na tinipon ng kapatid ni Louis X ng Pransiya na si Felipe, Konde ng Poitiers at kalaunang naging Haring Felipe V ng Pransiya. Gaya ng kanyang predesesor, kanyang sinentralisa ang kapangyarihan at sahod ng kapapahan ng Katoliko at namuhay ng buhay prinsipe sa Avignon, Pransiya. Kanyang sinalungan ang mga patakrang pampolitika ni Louis IV bilang Banal na Emperador Romano na nagtulak kay Louis na sakupin ang Italya at ilagay ang Antipapa Nicholas V. Si Juan XXII ay naharap sa kontrobersiya sa kanyang teolohiya na kinasasangkutan ng kanyang mga pananaw sa Pangitaing Beatipiko at pagsalungat sa pagkaunawang Pransiskano ng pagiging dukha ni Kristo at mga apostol. Siya ang nagkanonisa kay Thomas Aquinas.

Papa Pio XII

Si Papa Pio XII (Ingles: Pope Pius XII; Latin: Pius Duodecimus o Pius PP. XII; Italyano: Pio XII) na ipinanganak na Eugenio Maria Giuseppe Giovanni Pacelli (2 Marso 1876 – 9 Oktubre 1958) ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-261 Papa at soberanya ng Batikano, na nanungkulan mula 2 Marso 1939 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1958.Bago ang kanyang pagkahalal bilang papa, si Pacelli ay nagsilbing kalihim ng Kagawaran ng Ekstraordinaryong Eklesiyastikal na mga Bagay, nunsiyo ng papa sa Alemanya (1917–1929) at Kardinal na Kalihim ng Estado na sa kapasidad na ito ay gumawa sa pagtatapos ng mga kasunduan sa mga bansang Europeo at Latinong Amerikano na ang pinakakilala ang Reichskonkordat sa Alemanyang Nazi. Ang concordat ng 1933 kung saan ay hinangad ng Batikano ang proteksiyon ng Simbahan sa Alemanya at paghahangad ni Hitler na wasakin ang Katolisismong pampolitika at pagkapinuno ni Pio XII noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kabilang ang kanyang "desisyon na manataling tahimik sa publiko tungkol sa kapalaran ng mga Hudyo" ay nananatiling paksa ng kontrobersiya.

Pagkatapos ng digmaan, itinaguyod ni Pio XII ang kapayapaan at pakikipagkasunduan kabilang ang mga maluluwag na patakaran tungo sa mga bansang Aksis at Aksis-satelayt. Ang Simbahang Romano Katoliko ay nakaranas ng malalang pag-uusig at pagpapatapon na pang-masa ng klerong Romano Katoliko sa Silanganing Bloke. Sa hayagang pakikisangkot ni Pio XII sa politika ng Italya, ang sinumang bumoto para sa isang kandidatong Komunista noong 1948 ay binantaan ng automatikong pagtitiwalag mula sa Simbahang Katoliko Romano. Hayagang hinimok ni Pio XII ang ex cathedra inpalibilidad ng papa sa dogma ng pag-akyat ni Maria sa langit noong 1950 sa kanyang konstitusyong apostoliko Munificentissimus Deus. Ang kanyang magisterium ay kinabibilangan ng halos 1,000 mga pagtugon at mga paghahayag sa radyo. Ang knayang apatnapu't isang ensiklikal ay kinabibilangan ng Mystici Corporis, ang Simbahan ng Katawan ni Kristo; Mediator Dei sa repormang liturhiya; at Humani generis tungkol sa mga posisyon ng Simbahang Romano Katoliko tungkol sa teolohiya at ebolusyon. Kaniyang tinanggal ang mayoridad na Italyano sa Kolehiyo ng mga Kardinal noong 1946.

Papa Víctor I

Si Papa Víctor I ang Obispo ng Roma mula 189 CE hanggang 199 CE. Ayon sa Vatikano, ito ay mula 186 CE o 189 hanggang 197 o 201 CE. Siya ang unang obispo ng Roma na ipinanganak sa probinsiyang Romano ng Aprika. Malamang na siya ay ipinanganak sa Leptis Magna (o Tripolitania). Siya ay kalaunang kinanonisa at ang kanyang pista ay pinagdiriwang sa Simbahang Katoliko Romano tuwing Hulyo 28 bilang "San Victor I, Papa at Martir".

Bago ang kanyang pagluklok sa episkopasiyang Romano, ang isang pagkakaiba sa pagpepetsa ng pagdiriwang ng Pascha(easter) sa pagitan ng Roma at mga obispo ng Asya menor ay pinayagan ng parehong mga simbahan sa Roma at silangan. Ipinagdiriwang ito ng mga simbahan sa Asya menor tuwing ika-14 ng buwang Nisan ng mga Hudyo na araw bago ang paskuwa ng mga Hudyo nang hindi isinasaalang kung anong araw ng linggo it mahulog dahil ang pagpapako ni Hesus ay nangyari sa Biyernes bago ang paskuwa. Tinawag ang mga ito ng Latin na Mga Quartodeciman. Ipinagdiriwan ng Roma at Kanluran ang Pascha tuwing linggo kasunod ng ika-14 ng Nisan. Si Victor I ay naaalala sa kanyang malaking pagkabahala na kanyang ipinakita para sa kaayusan ng simbahan sa pamamagitan ng pagputol ng mga kaugnayan sa mga obispong gaya nina Polycrates ng Efeso na sumalungat sa kanyang mga pananaw tungkol sa Pascha. Siya ay kumalas rin kay Theodotus ng Byzantium dahil sa mga paniniwala nito tungkol kay Kristo.Hanggang sa panahon ni Victor, ang Roma ay nagdiriwang ng misa sa Griyego. Binago ni Victor ang wika nito sa Latin na ginagamit sa kanyang katutubong Hilagang Aprikano. Ayon kay Jeronimo, siya ang unang may akdang Kristiyano na sumulat tungkol sa teolohiya sa wikang Latin. Gayunpaman, ang mga misang Latin ay hindi naging pangkalahatan hanggang sa huli ng ika-4 na siglo CE.May ilang nagmumungkahi na siya ang unang itim na Aprikanong papa ng Simbahang Katoliko Romano.

Pasko ng Pagkabuhay

Huwag itong ikalito sa Paskwa. Para sa pagdiriwang na Hudyo, tingnan ang Pesaḥ. Para sa ibang gamit, tingnan ang Paskwa (paglilinaw).Ang Pasko ng Pagkabuhay (Ingles: Easter Sunday), ayon sa Kristiyanismo, ay ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa kaniyang kamatayan.

Pilosopiya

Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.

Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philia" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong.

Sa modernong panahon,ang mga kaguruan ang nagsisilbing modernong pilosopo na may kaparehas na layunin na magturo sa mga nais matuto.

Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod:

Metapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Ano ang kalikasan ng kalunanan at kapanahunan? Ano ang kalikasan ng kaisipan at pag-iisip? Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang tao? Ano ba ang kahulugan ng kamalayan? Meron bang diyos?Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip?Etika: Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain (o pagpapahalaga, o institusyon)? Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay, paano ako dapat mabuhay?Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo (paradigm) ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral o pagmemeron, moralidad o kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang tinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto — mga katanungan na mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.

Protestantismo

Ang Protestantismo ay nagbuhat sa isang kilusang Kristiyanong naglunsad ng Repormasyong Protestante noong ika-16 daantaon na nagsanhi ng pagkalas ng mga pangkat na Protestante mula sa Simbahang Katoliko. Tumutol o sumalungat mula sa Katolisismong Romano ang panuntunang Protestante at kilala rin sa mga tradisyong Europeo bilang doktrinang Ebangheliko (o Ebanghelismo). Pangkaraniwang pinanghahawakan nito na ang Kasulatan, sa halip na nakaugalian o eklesyastikong pagpapaliwanag ng Kasulatan, ang pinagmulan ng ibinunyag na katotohanan.

Purgatoryo

Ang purgatoryo ay isang kalagayan o proseso ng paglilinis kung saan ang mga kaluluwa ng mga namatay na nasa katayuan ng grasya o awa ay inihahanda para sa Kalangitan. Isa itong ideya na may sinaunang mga pinag-ugatan at maiging pinagtitibay ng maagang panitikang Kristiyano, habang ang konsepto ng purgatoryo bilang isang lugar na may kinalalagyang heograpiko ay isang likha ng Kristiyanong midyibal na pagtuon at pagsamba sa Diyos at kathang-isip.

Silangang Kristiyanismo

Ang Silangang Kristiyanismo ay binubuo ng mga tradisyon at simbahan na umunlad sa mga Balkan, Silangan Europa, Asya Menor, Gitnang Silangan, Aprika, India at mga bahagi ng Malayong Silangan sa loob ng mga siglo ng sinaunang panahon ng Kristiyanismo. Ang terminong ito ay pangkalahatang ginagamit sa Kanlurang Kristiyanismo upang ilarawan ang lahat ng mga tradisyong Kristiyano na hindi umunlad sa Kanlurang Europa. Sa gayon, ang terminong ito ay hindi naglalarawan sa anumang isang komunyon o karaniwang tradisyong pang-relihiyon at sa katunayan, ang ilang mga "silangang" simbahan ay may higit na pagkakatulad sa "kanlurang" Kristiyanismo sa kasaysayan at teolohiya. Ang mga terminong "Silangan" at "Kanluran" sa bagay na ito ay nagmula sa mga pagkakabahagi sa Simbahan na sumasalamin sa paghahating pangkultura sa pagitan ng silangang Helenestiko at kanlurang Latinado at paghahating pangpolitika sa pagitan ng Silangang Imperyo Romano at Kanlurang Imperyo Romano. Dahil ang pinamakapangyarihang simbahan sa Silangan ay nakilala bilang Simbahang Silangang Ortodokso, ang terminong "Ortodokso" ay kadalasang ginagamit sa isang katulad na maluwag na paraan bilang "Silangan" bagaman sa pagsasalitang strikto, ang karamihan ng mga simbahan ay tumuturing sa kanilang bahagi ng Ortdokso at komunyong Katoliko.

Teolohiyang mistikal

Ang teolohiyang mistikal ay ang sangay ng teolohiya na nakatuon sa mga karanasan o mga kalagayan ng kaluluwa na nararanasan sa paraang mistikal at hindi maaaring magawa sa pamamagitan ng gawain ng tao lamang.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Teolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Teolohiyang moral

Ang teolohiyang moral ay isang masistemang pagtalakay at pagtrato sa etikang Kristiyano. Karaniwang itong itinuturo sa pakultad ng dibinidad bilang isang bahagi ng saligang kurikulum.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.