Tangway ng Iberia

Ang Tangway ng Iberia (Ingles: Iberian Peninsula) ay matatagpuan sa pinakatimog-kanlurang dako ng Europa at kinalalagyan ng mga bansang Portugal, Espanya, Andorra, Teritoryong Britaniko ng Gibraltar at ng isang maliit na kapiraso ng Pransiya. Ang timog nito ay halos kadikit ng hilagang baybay ng kontinente ng Aprika, pinaghihiwalay lamang ng Kipot ng Gibraltar.

Ang katagang Iberia ay mula sa itinawag ng mga sinaunang Griyego sa tangway na ito (Ιβηρία).



HeograpiyaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Iberian map europe
Ang Tangway ng Iberia (luntian) sa loob Europa.
Espanya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Espanya (paglilinaw).

Ang Kaharian ng Espanya (Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Biscay; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.

Kasama rin sa nasasakupan ng Espanya ang mga pulo ng Baleares sa Mediteraneo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko sa labas ng baybayin ng Aprika, ang tatlong teritoryo sa Hilagang Aprika, Ceuta, Melilla at Peñón de Vélez de la Gomera na hinahangganan ang Maruekos, at mga pulo at peñones (mga bato) ng Alborán, Chafarinas, Alhucemas, at Perejil. Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 sq mi), ang Espanya ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europa at sa Unyong Europeo, at panlimang pinakamalaking bansa sa Europa.

Ang mga modernong tao ay unang dumating sa Tangway ng Iberia mga 35,000 taon na ang nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BK, at lumaon ang rehiyon ay binansagang Hispania. Noong Gitnang Panahon, sinakop ito ng mga tribong Alemaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Katolikong Monarka (Reyes Católicos) at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, o Reconquista, sa Tangway mula sa mga Moro noong 1492. Sa unang bahagi ng makabagong panahon, naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya at isa sa mga unang pandaigdigang imperyong kolonyal sa kasaysayan, na nag-iwan ng malawak na pamanang kultural at lingguwistika kabilang ang mahigit 500 milyong nagsasalita ng wikang Kastila, dahilan upang ito'y maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.

Ang modernong Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang bansa ay kasapi ng Nagkakaisang Bansa, NATO, OECD, at WTO. Sa kasalukuyan, ang krisis sa ekonomiya ay naging malaking suliranin ng ekonomiya ng Espanya.

Gibraltar

Para sa ibang gamit, tingnan ang Gibraltar (paglilinaw).Ang Gibraltar ay panlabas na teritoryo ng United Kingdom sa ibayong dagat. Matatagpuan ito sa katimogang bahagi ng Tangway ng Iberia sa Kipot ng Gibraltar na nag-uugnay sa Karagatang Atlantiko at Dagat Mediterranean at matatagpuan sa pagitan ng Europa at Aprika. Nakikibahagi ang teritoryong lupa nito sa Espanya, sa hilaga. Sa kasaysayan, naging mahalagang base para sa Sandatahang Lakas ng Britanya, at naging lugar para malaking base ng hukbong-dagat.

Nagmula ang saltia ng bato sa pangalang Arabo na Jebel al Tariq (جبل طارق) na nangangahulugang bato ng Tariq. Tumutukoy ito sa heneral na Ummayad na si Tariq ibn-Ziyad na namuno sa mga Muslim sa pagsakop ng Espanya noong 711. Kilala noong una bilang Calpe, isa sa Haligi ng Hercules. Sa ngayon, kilala ang Gibraltar sa kolokyal na tawag na "Gib" "the Rock" (ang Bato).

Ang malaking isyu ng pagtatalo ang soberenya ng Gibraltar sa relasyong Anglo-Kastila. Hinihiling ng Espanya ang pagbalik ng soberenya, inilipat ng Pransiya sa benipisyo ng Espanya magpakailaman noong 1713. Palagiang sinasalungat ng mga taong-bayan sa Gibraltar ang anumang paglipat.

Ilog Duero

Ang Ilog Duero (Portuges at Ingles: Douro) ay isang mahabang ilog sa Tangway ng Iberia, na dumadaloy mula sa Espanya patungong Portugal, kung saan ito may bibig sa Karagatang Atlantiko, sa lungsod ng Oporto. Ang haba nito ay 897 kilometro, ngunit ang bahagi lamang na nasa dako ng Portugal ay maaaring gamitan ng mga sasakyang pang-ilog.

Ito ang pangatlong pinakamahabang ilog sa Tangway ng Iberia, kasunod ng Tajo at ng Ebro.

Ilog Tajo

Ang Tajo o Ilog Tajo (Ingles: Tagus; Portuges: Tejo) ay ang pinakamahabang ilog sa Tangway ng Iberia. Ito ay 1,038 kilometro sa loob ng Espanya, 47 km bilang hangganan sa pagitan ng Espanya at Portugal, at 275 km sa loob ng Portugal bago nagtatapos sa Karagatang Atlantiko.

Ang mga rehiyong Portuges na Alentejo ("sa kabilang dako ng Tajo") at Ribatejo ("sa pampang ng Tajo") ay pinangalanan mula sa ilog na ito.

Kipot ng Gibraltar

Ang Kipot ng Gibraltar (Ingles: Strait of Gibraltar) ay ang kipot na nag-uugnay ng Karagatang Atlantiko sa Dagat Mediterraneo, at naghihiwalay sa pagitan ng mga kontinenteng Europa at Aprika. Ito ay ipinangalan mula sa kinalalagyan nito sa timog ng Teritoryong Britaniko ng Gibraltar.

Dahil sa kakiputan nito, ang pagtawid ng mga lantsa sa pagitan ng dalawang kontinente ay nakukuha sa loob ng 35 minuto.

Lisboa

Ang Lisboa (bigkas Portuges: liz-BU-wa; Ingles: Lisbon) ay ang kabisera at pinakamataong lungsod sa bangsang Portugal. Ang kasalukuyang populasyon nito ay 564,657 sa loob ng mismong lungsod, ngunit mahigit na 2.4 milyong katao sa Kalakhang Lisboa. Ito ay matatagpuan sa kanluraning bahagi ng Tangway ng Iberia sa Karagatang Atlantiko, sa bibig ng Ilog Tajo. Ito ang himpilan ng Distrito ng Lisboa at ang sentro ng Kalakhang Lisboa. Ito rin ang sentrong pampolitika ng bansa, bilang kinalalagyan ng pamahalaan at ang tirahan ng Pangulo.

Ang Lisboa ay kilala bilang isang alpha city dahil sa kahalagahan nito sa pinansiya, kalakalan, medya, aliwan, sining, edukasyon at turismo. Isa ito sa mga pangunahing sentrong pang-ekonomiya ng kontinente, na may lumalagong sentrong pinansiyal at ang daungan nito ay ang pinakamalaki sa "baybaying Atlantiko ng Europa." Mayroon dalawang gusali sa Lisboa na kinikilalang makasaysayan ng UNESCO: ang Tore ng Belem at ang Monasteryo ng mga Heronimos.

Dito pinirmahan ang Tratado ng Lisboa noong 13 Disyembre 2007 at ipinatupad simula noong 1 Disyembre 2009.

Madrid

Ang Madrid ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Espanya. Ang populasyon ng lungsod ay humigit-kumulang sa 3.3 milyon (noong Disyembre 2009); ang kalahatang populasyon ng Kalakhang Madrid (lungsod at mga matataong karatig-pook nito) ay kulang-kulang na 6.5 milyon. Ito ang ikatlong pinakamataong lungsod sa Unyong Europeo, kasunod ng Londres at Berlin, at ang kalakhan nito ikatlong pinakamatao sa unyon, kasunod ng Paris at Londres.Ang Madrid ay ang pinaka-dinadalaw na lungsod sa Espanya, nauuna sa Barcelona, at ika-apat sa buong kontinente ng Europa. Ang lungsod ay matatagpuan sa Ilog Manzanares, sa kalagitnaan ng bansa at ng Pamayanan ng Madrid (na binubuo ng lungsod ng Madrid at ng mga matataong karatig-pook nito); ang kabayanan ay napapaligiran ng mga lalawigang awtonomo ng Castilla-Leon at ng Castilla-La Mancha. Bilang kabisera ng Espanya, upuan ng pamahalaan at tirahan ng hari, ang Madrid din ang sentrong pampolitika ng Espanya.

Moro

Ang mga Moro (Ingles: Moor, Moorish) ay ang katawagang sa mga Muslim na naninirahan sa Morocco, kanlurang Alherya, Kanlurang Sahara, Mauritania, Tangway ng Iberia, Septimania, Sicilia at Malta noong Gitnang Kapanahunan (Panahong Midyebal). Tinawag ng mga Moro ang kanilang teritoryong Iberiano bilang Al-Andalus, isang pook na binubuo ng Gibraltar, ang karamihan sa mga pook na ngayon ay pangkasalukuyang Espanya, Portugal, at bahagi ng Pransiya. Mayroon ding mga Moro sa pangkasalukuyang katimugang bahagi ng Italya pagkaraang saklawin nila ang Mazara noong 827 hanggang sa panghuli nilang pamayanan sa Lucera ay nawasak noong 1300. Ang kaibahan sa relihiyon ng mga Muslim na Moro ay humantong sa isang hidwaang nagtagal nang mga daantaon laban sa mga mga kahariang Kristiyano sa Europa, isang hidwaang tinawag bilang Rekongkista (Reconquista). Ang Pagbagsak ng Granada noong 1492 ang nakamalas sa pagwawakas ng pagkakaroon ng mga Muslim sa Iberia.

Ang katagang "Moro" ay ginamit sa Europa, sa malawakang diwa upang tukuyin ang sinumang may pinagmulang ninuong mga Arabo o Aprikano na nabubuhay sa Espanya o sa Hilagang Aprika. Ang mga Moro ay hindi isang mga tao na namumukod-tangi o naglalarawan ng sarili. Ang pangalan ay inilapat ng mga Europeo noong Gitnang Kapanahunan o ng mga Europeo ng maagang panahong moderno sa mga Berber, sa mga Arabo ng Hilagang Aprika, sa mga Muladi (mga Iberyanong Muslim) and West Africans from Mali and Niger who had been absorbed into the Almoravid dynasty. Noong 1911, naobserbahan ng pangunahing mga paham na ang katagang Moor o "Moro" ay walang tunay na halagang pang-etnolohiya.Ang mga Morong Andalusiano (ng Andalusia) noong hulihan Panahong Midyebal ay nanirahan sa Tangway na Iberiano (Peninsulang Iberyo) pagkaraan ng Pananakop ng Umayyad sa Hispania noong kaagahan ng ika-8 daantaon. Ang pamumuno ng mga Moro ay umabot, sa ilang mga pagkakataon, hanggang sa pangmakabagong panahon na Mauritania, mga bansa sa Kanlurang Aprika, at sa Ilog ng Senegal.

Sa mas maaga pang kapanahunan, nakipag-ugnayan (at pagdaka ay nasakop) ng mga Romanong Klasikal ang mga bahagi ng Mauretania, isang estado na tumatakip sa hilagang mga bahagi ng modernong Morocco at sa karamihan ng hilaga-kanluran at gitnang Alherya noong panahong klasiko. Ang mga tao ng rehiyon ay naitala sa panitikang Klasiko bilang Mauri. Sa kasalukuyan, ang ganiyang mga pangkat ay nakatira sa Mauritania at mga bahagi ng Alherya, Gitnang Sahara, Morocco, Niger, at Mali. Sa mga wika ng Europa, mayroong isang bilang ng kaugnay ng mga pangkat na etniko ang pangkasaysayang itinalaga bilang mga "Moro". Sa makabagong Iberia, ang kataga ay inilapat para sa mga tao na mayroong etnisidad na Moroccano. Ang "Moor" ay paminsan-minsang inilalapat para sa anumang tao na nagmula sa Hilagang Aprika, subalit itinuturing ng ilang mga tao na ang paggamit ng kataga ay nakakainsulto, natatangi na ang bersiyong Kastila na "Moro".

Sa Pilipinas, ang salitang "Moro" ay ginagamit pa rin magpahanggang sa kasalukuyan bilang pantukoy sa mga katutubong tao na naninirahan sa Mindanao. Umiiral ang salita sa pangalan ng isang pangkat ng mga Muslim sa Pilipinas na nakikilala bilang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Bilang kaugnay ng pakikipagkasundong pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas, na nasa ilalim ng administrasyon ng Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino, Jr., lilikhain ang Bangsamoro (literal na "lupain ng mga Moro"), isang bago at namamahala sa sarili na entidad na pampolitika at pangheograpiya ng mga Muslim sa Pilipinas.

Pamayanan ng Madrid

Ang Pamayanan ng Madrid ay isa mga nagsasariling pamayanan ng Espanya. Ito ay nasa gitna ng bansa, sa Tangway ng Iberia, at ng Gitnang Talampas ng Castilia (Meseta Central). Ito ay kaparehas ng lalawigan ng Madrid, na "nagpapawalang-bisa" sa pagka-lalawigan nito, dahil sa ang komunidad ay nasa iisang probinsiya lamang. Ang kabesera ay ang lungsod ng Madrid, na pambansang kabesera din ng Espanya. Sa timog at silangan, ito ay napaliligiran ng Castilla-La Mancha samantalang sa hilaga at kanluran ng Castilla y León. Ito ay may populasyon ng 6,369,167 (2011) na karamihan ay naninirahan sa Kalakhang Madrid.

Pirineos

Ang mga Pirineos (Pranses: Pyrénées; Catalan: Pirineus; Inggles: Pyrenees) ay isang kabundukan sa timog-kanlurang Europa na nagsisibling likas na bakuran sa pagitan ng Pransiya at Espanya. Kinakabit nito ang Tangway ng Iberia sa natitirang mga lupain ng Europa, at umaabot ng 491 km (305 mi) mula sa Dagat ng Vizcaya hanggang sa Dagat Mediteraneo.

Kung tutuusin, ang pangunahing tuktok ay bumubuo ng napakalaking paghahati sa pagitan ng Pransiya at Espanya, at kung saan ang maliit na bansa ng Andorra ay napapaligiran sa gita ng mga ito. Ang Cataluña at Navarra ay noong panahon sumasaklaw sa magkabilang dako ng kabundukan, at ang mga maliliit na bahagi sa hilaga ay ngayon nasa Pransiya, at ang higit na malalaking bahagi sa timog ay ngayon nasa Espanya.

Portugal

Naka-redirect ang "Portuges" dito. Para sa wika, tingnan ang wikang Portuges.Ang Portugal, o opisyal na tinatawag na Republikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ]), ay bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Pinaka-kanluraning bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Bahagi ng Portugal ang Atlantikong kapuluan ng Azores at Madeira na kapwang awtonomong rehiyon na may kanilang sariling mga pamahalaang rehiyonal.

Ang Portugual ay ang pinakamatandang estado sa Tangway ng Iberia at isa sa mga pinakamatanda sa Europe na patuloy na pinagtirahan, pinagsakupan, at pinaglabanan mula noong sinaunang panahon. Sumunod sa mga tauhang dipa-Kelta, Kelta, Cartagineses, at Romano ang mga pagsasalakay ng mga Hermanikong Visigodo at Suebi. Itinatag ang Portugal bilang bansa noong Kristiyanong Reconquista laban sa mga Morong nanghimasok sa Tangway ng Iberia noong 711 PK. Itinatag noong 868, sumikat ang Kondehan ng Portugal pagkatapos ng Laban sa São Mamede noong 1128. Ipinroklama ang Kaharian ng Portugal pagkasunod sa Labanan sa Ourique noong 1139, at kinilala ang kalayaan mula sa León ng Tratado ni Zamora noong 1143.

Rekongkista

Ang Rekongkista (Kastila at Portuges: Reconquista o "pagsakop muli"; Ingles: Reconquest) ay isang yugto ng kulang-kulang na 700 taon (539 sa Portugal) noong Gitnang Panahon na kung saan ang ilang mga Kristiyanong kaharian sa Tangway ng Iberia ay nagtagumpay sa pagbawi (at pagpapatao) ng tangway mula sa Muslim na lalawigan ng Al-Andalus.

Republikang Katalan (2017)

Ang Republika ng Katalunya (Katalan: República Catalana) ay isang sandaling malayang estado sa tangway ng Iberia. Nagpahayag ng kasarinlan ang Parliyamento ng Katalunya mula sa Espanya sa gitna ng isang krisis sa saligang batas sa isyu ng reperendum para sa kasarinlan ng Katalunya, taong 2017. Hanggang nakuha muli ng mga kinauukulan ng Espanya ang pagkontrol sa teritoryo ng Katalunya nang mayroong kaunting paglaban.

Nang inihayag ng Parliyamento ng Katalunya ang kasarinlan mula sa Espanya, pinagtibay ng Senado ng Espanya ang Artikulo 155 ng 1978 Saligang Batas ng Espanya, kung saan magpapahintulot sa pamahalaan ng Espanya na magpataw ng tuwirang pamumuno sa Katalunya. Matapos ang ilang sandali, binuwag ng Punong Ministro ng Espanya na si Mariano Rajoy ang Parliyamento ng Katalunya, pati ang Ehekutibong Lupon ng Katalunya, at nagpatawag ng dagliang rehiyonal na halalan na gaganapin sa ika-21 ng Disyembre, 2017. Bilang tugon, si Carles Puigdemont, ang Pangulo ng Katalunya, inihayag na tanging mga parliyamento lamang ang maaaring makapaghalal o magalis ng mga pamahalaan sa isang demokratikong lipunan at nanawagan sa mga Katalan na "demokratikong tutulan" ang pagpataw ng Artikulo 155, ngunit hindi niya nilinaw kung anong magiging tugon niya sa mga utos ng pamahalaan ng Espanya.

Sa araw ng pagpapahayag nito ng kasarinlan, wala ni isang bansa ang kumikilala sa republika, sa halip, kinikilala ito bilang bahagi pa rin ng Kaharian ng Espanya.

Watawat ng Espanya

Binubuo ang watawat ng Espanya (Kastila: Bandera de España, karaniwang kinikilala bilang "la Rojigualda"), ayon sa itinakda ng Saligang Batas ng Espanya ng 1978, ng tatlong parihabang pahalang: pula, dilaw at pula, kung saan doble ang laki ng parihabang dilaw being sa bawa't parihabang pula. Tradisyonal ding itinuring ang dilaw na parihaba sa makalumang pangalang gualda, kaya kilala rin ang watawat bilang rojigualda (pulang guwalda).

Nagmula ang kasalukuyang watawat ng Espanya sa ensenyang pang-hukbong dagat nito noong 1785, ang Pabellón de la Marina de Guerra sa ilalim ng pamumuno ni Carlos III ng Espanya. Pinili ito mismo ni Carlos III sa 12 magkaibang watawat na dinisenyo ni Antonio Valdés y Bazán (ipinakita ang lahat ng mga minungkahing watawat sa isang dibuho, na ngayo'y nasa Museong Pandagat ng Madrid). Nanatiling pandagat ang watawat sa susunod na halos 50 taon, kung saan lumpiad ito mula sa mga kutang pandagat, mga barakang pang-militar, at kahit ang ibang ari-arian ng hukbong dagat. Natuklasan din noong Digmaan sa Tangway ng Iberia ang watawat na kinakarga ng mga rehimeng pandagat na lumalaban sa lupa. Taong 1820 noong unang binigyan ang isang rehimeng panlupa ang watawat (ang Rehimeng La Princesa), at itinakda ito noong 1843 ni Reyna Isabel II ng Espanya bilang opisyal na watawat ng bansa.Sa loob ng ika-18, ika-19 at ika-20 siglo, nanatili ang kulay na ginamit sa watawat, maliban sa panahon ng Ikalawang Republika ng Espanya (1931–1939); sa eskudo de armas lamang mismo nagbago ang anyo ng watawat.

Wikang Mirandes

Ang wikang Mirandes (autonymo: mirandés o lhéngua mirandesa; Portuges: mirandês o língua mirandesa) ay isang wikang Astur-Leones na madalang na sinasalita sa isang maliit na lugar ng hilagang-silangang Portugal sa mga munisipalidad ng Miranda do Douro, Mogadouro at Vimioso. Ipinagkalooban ng Kapulungan ng Republika ang opisyal na pagkilala nito sa tabi ng Portuges para sa mga lokal na usapin noong Setyembre 17, 1998 sa batas 7/99 ng 29 Enero 1999.

Ang Mirandes ay may natatanging ponolohiya, morpolohiya at palaugnayan. May mga ugat ito sa lokal na Bulgar na Latin na sinasalita sa hilagaing Tangway ng Iberia.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.