Tanakh

Ang Tanakh (Ebreo: תַּנַ״ךְ) ay isang kalipunan ng mga itinuturing na banal na kasulatan sa Hudaismo. Tinatawag din itong Mikra (Ebreo: מקרא).

Mga bahagi

Kinalalangkapan ang Tanakh ng mga sumusunod na 24 aklat na ginugrupo sa tatlong pangunahing bahagi: Tora, Nevi’im, at Ketuvim. Binabanggit sa talang ito ang mga pamilyar na katawagan na sinundan ng sulat at pagkakabigkas sa Ebreo.

Entire Tanakh scroll set

Tora (תורה)

Nevi’im (נביאים, "Mga Propeta")

Ketuvim (כתובים, "Mga Kasulatan")

Mga panlabas na kawing


Hudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Aklat ng Exodo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Exodo (paglilinaw).Ang Aklat ng Exodo o Exodus ay ang ikalawang aklat ng Torah o Pentateuko, ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Hebreo, ito'y tinatawag na Shemot (שְׁמוֹת) na galing sa pariralang Ve-eleh shemot, ואלה שמות, "At ito ang mga pangalan". Nangangahulugang "Paglabas" ang salitang Exodo na hinango mula sa wikang Griyego. Nilalahad sa librong ito ang paglabas ng bayang Israel mula sa Ehipto noong ika-13 daantaon habang pinangangasiwaan ni Moises. Karugtong ito ng kasaysayan ng mga Israelita na isinalaysay sa Aklat ng Henesis (ang kanilang pagkaalipin sa ilalim ng mga Ehipsiyo, pagtawid nila sa Dagat na Pula, at ang paglalakbay sa ilang para marating ang Bundok Sinai, kung saan gumawa ang Diyos ng pakikipagtipan sa bayan ng Israel). Sa pamamagitan ni Moises, ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ang Sampung Utos o Batas.

Aklat ng mga Bilang

Ang Aklat ng mga Bilang o Mga Bilang ay ang ikaapat aklat sa Tanakh at sa Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa Pentateuko o Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.

Aklat ng mga Hukom

Para sa ibang gamit, tingnan ang Hukom (paglilinaw).Ang Aklat ng mga Hukom o Mga Hukom ay ang ika-pitong aklat sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dito nakatitik ang kasaysayan ng "labindalawang bayani" ng bayang Israel, ang mga isinugo ng Diyos para maging mga pinuno ng mga hukbo sa kapanahunan ng pakikidigma at mga tagapagdaos ng katarungan kung panahon naman ng kapayapaan.

Aklat ni Daniel

Ang Aklat ni Daniel ay isa sa mga aklat sa Tanakh Hudyo at Bibliyang Kristiyano. Ayon sa tradisyon ng mga Hudyo, ang aklat na ito ay isinulat noong ipatapon ang mga Hudyo sa Babilonia, mga ika-anim na daantaon BCE. Umiikot ang aklat sa propetang Daniel na naging tagapayo ni Nabucodonosor, ang hari ng Babilonia noong mga 605–562 BK.Sumasailalim ito sa bahaging Ketuvim sa Tanakh ng mga Hudyo, habang sumasailalim naman ito sa Mga Propeta sa Bibliya ng mga Kristyano.

Aklat ni Josue

Para sa ibang gamit, tingnan ang Josue (paglilinaw).Ang Aklat ni Josue o Josue ay ang ikaanim na aklat ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Nagmula ang pamagat ng librong ito sa pangalan ni Josue, ang humalili kay Moises bilang pinuno ng mga Israelita. Nanggaling ang pangalan Josue sa Hosea na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan."

Bibliya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.

Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

David

Si Haring David o David ben Yishay [nangangahulugang "David na anak ni Isai"] (Ebreo: דוד בן ישי) ay isa sa mga magigiting na hari ng Israel. Sa katunayan, siya ang ikalawa at isa sa mga pinakatanyag na hari ng mga Israelita at isang taong pinakamadalas na binabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Itinuturing din siyang isang propeta sa pananampalatayang Islam. Kaugnay sa Tanakh at sa Bibliya, sinabing nangako ang Diyos na pamumunuan ng mga kasapi ng mag-anak ni David ang isang kahariang magtatagal magpasawalanghanggan. Sinasabi pa rin na isinilang si Hesus mula sa angkan ni David at nilarawan pang si Hesus ang "Anak ni David" na mamumuno sa kaharian ng Diyos nang magpasawalanghanggan.

Deuteronomio

Huwag itong ikalito sa Deuterokanoniko.Ang Aklat ng Deuteronomio ay ang panlima at pinakahuling aklat ng Torah o Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa Diyos sa Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni Moises para sa bayang Israel, bago siya sumakabilang-buhay.

Kabayo

Ang kabayo (Ingles: Horse ; Equus caballus, kung minsan ay kinikilalang subspecies ng mailap na kabayong Equus ferus caballus) ay isang malaking ungulate na may di-karaniwang daliri sa paa na mammal, isa sa sampung mga makabagong species ng genus na Equus. Isa sa mga pinakamahalagang hayop sa larangan ng kabuhayan ang mga kabayo; kahit na ang kanilang kahalagahan ay bumaba dahil sa mekanisasyon, nakikita pa rin sila sa buong mundo, na nakatutulong sa buhay ng tao sa ilang mga paraan. Prominente ang kabayo sa relihiyon, mitolohiya at sining; gumanap ito ng mahalagang papel sa transportasyon, agrikultura at digmaan; pinagkukunan rin ito ng pagkain, gatong at damit.

Halos lahat ng lahi ng kabayo, ayon sa isang teorya, ay nagsasakay ng mga tao sa kanilang likod at ginagamit sa pagtutulak ng mga bagay tulad ng mga kariton at paragos. Ngunit, sinasanay ang ilang mga lahi ng kabayo upang gumanap sa isang gawain, magaang mga kabayo para sa karera o pagsasakay, mabigat na kabayo para sa pag-aararo at ibang mga gawaing nangangailangan ng paghihila. Sa ilang lipunan, pinagkukunan ng pagkain ang mga kabayo, parehong karne at gatas; sa ilan ito ay masangsang na pagkain. Sa ilang mga mauunlad na bansa, inaalagaan ang mga kabayo para sa pagpapahinga at pampalakasan, bagaman ginagamit pa rin sila sa pagtatrabaho sa maraming bahagi sa mundo.

Lumang Tipan

Ang Lumang Tipan ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Bibliya. Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan, ayon sa pagkakasunud-sunod na pampanahon, ng Apokripa at ng Bagong Tipan. Tinatawag din itong Matandang Tipan, Matandang Testamento, at Lumang Testamento. Sa Ingles, tinatawag na testament ang salitang tipan kaya't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New Testament para sa Bagong Tipan. Hinango ang testament ng Ingles at testamento ng Tagalog at Kastila mula sa testamentum ng wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan", at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mga Kristiyano. Sa Katolisismo, binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa Tanakh ng Hudaismo. Ayon kay Jose C. Abriol, may tatlong bahagi ang Lumang Tipan: ito ang Batas o Pentateuco, ang Mga Propeta, at ang Mga Salmo. Tungkol ang aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya, samantalang hinggil sa karunungan ang aklat ng Mga Salmo. Ayon din kay Abriol, tungkol ang mga aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya.

Moises

Si Moises (Ebreo: משה, Moshe; Ingles: Moses) ay isang mahalagang propeta sa Hudaismo, at pati na rin sa Kristiyanismo at Islam. Sa Tora ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya, siya ang dakilang pinuno ng mga Hudyo sa paglikas nila mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Siya ang nagdala ng batas ng Diyos sa mga tao ng Israel. Sa kalaunan, dinala ni Moises ang mga Israelita sa ilang o disyerto, patungo sa Canaan (o Palestina) noong mga 1200 BK. Isa siyang inapo ni Levi. Namatay si Moses bago pa man narating o napasok ng mga Israelita ang Lupang Ipinangako sa kanila ng Diyos. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, nilarawan si Moises bilang isang matapat na pinuno na tumurong pausad patungo sa kapanahunan ni Kristong Hesus. Dating isang pangalang Ehipsiyo ang Moises.Tuwirang nilalahad ang kuwento tungkol kay Moises sa apat na aklat ng Tora ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya: sa Exodo, Levitico, Mga Bilang, at Deuteronomyo. Mayroon ding pagbanggit hinggil sa pagpapalayas ng Israel at mga Hebreo mula sa Ehipto mula sa isang Ehiptong inskripsiyon noong mga 1200 BK, at binanggit din ito ng isang Ehiptong manunulat ng kasaysayang si Manetheo, isang historyador na nagsulat noong mga 200 BK.Ayon sa Tanakh at sa Bibliya, isang sinisiil na pangkat ng mga tao ang mga Israelita at napagkukunan ng mga gawaing pang-alipin. Sa loob ng maraming mga taon, mga palabuy-laboy lamang ang mga Israelita o walang pirming tirahan. Narating lamang nila ang Canaan pagkaraang mamatay si Moises.Nagmula ang pangalang Moises mula sa Hebreong Masha na may ibig sabihing "kinuha". Ngunit may mga dalubhasa ring nagsasabing galing ito sa Ehipto, na nangangahulugang "anak".

Muslim

Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: مسلم) ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na kahulugan ng salita, paa sa paatao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang Arabo)..

Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga Muslim, dahil, bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.

Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

Nergal

Si Nergal, Nirgal, o Nirgali ang Diyos ng sinasamba sa buong Mesopotamia sa Akkad, Asirya at Babilonya. Ang pangunahing upuan ng kanyang pagsamba ang Kutha o Cuthah. Si Nergal ay binanggit sa Tanakh o Bibliyang Hebreo bilang Diyos ng Cuth (Cuthah) sa 2 Hari 17:30. Siya ay anak nina Enlil at Ninlil.

Nevi’im

Ang Nevi’ím (Ebreo: נְבִיאִים, "Mga Propeta") ang isa sa mga bahagi ng Tanakh. Ito ang ikalawang bahagi sa tatlong pangunahing seksiyon ng Tanakh.

Pagtatalik

Ang pagtatalik, pagsisiping, o pag-uulayaw, ayon sa biyolohikal na kahulugan, ay isang pamamaraan ng isang babae at ng isang lalaki upang makabuo ng kanilang magiging supling sa pamamagitan ng kanilang mga ari. Sa Tanakh at sa Bibliya, ginamit ang salitang nakilala (o sumiping), kung kaya't ang proseso ng pagtatalik ay ang pagkilala ng lalaki sa kaniyang asawa, gayon din ng babae sa kaniyang esposo. Ang pamamaraang pisikal na ito ay ang pagsiping at pagniniig ng diwa, isipan, katawan at puso na bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao. Ang pagkakaroon ng anak ang resulta ng prosesong ito. Sa mabuting biro at makatang paghahambing, tinatawag din itong "luto ng Diyos". - sa pabiro at makatang paraan - ang pagsisiping ng mag-asawa na may pagtatalik. Sa ibang kahulugan na bukod sa pakikipagtalik, nangangahulugan ang pagsisiping ng pagtabi, pagpiling, at pagdais, katulad ng sa pagtulog, pag-upo, o paghiga.

Propeta

Para sa ibang gamit, tingnan ang Propeta (paglilinaw).Ang propeta ay isang taong inaangking pinili ng Diyos upang maghatid ng mga propesiya o hula sa mga tao. Sa Tanakh at sa Bibliya, tinatawag silang "mga tagapaglingkod" ng Diyos. Kung minsan, binibigyan sila ng Diyos ng isang mensaheng hinggil sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. May dalawang uri ng mga propeta: ang tunay o mga totoong propeta at ang hindi tunay o mga huwad na propeta. Palaging nagsasabi ang tunay na mga propeta na matapat ang Diyos sa kanyang mga pangako sa tao at nangangaral sa taong magtiwala at sundin ang Diyos, samantalang nagbibigay ang hindi tunay na mga propeta ng mga mensaheng hindi naman talaga nanggagaling mula sa Diyos.

Tekstong Masoretiko

Ang Tekstong Masoretiko (MT, 𝕸, o ) ang autoratibo at opisyal na Hebreong teksto ng bibliya ng Hudaismo na tinatawag ding Tanakh. Ang Tanakh ay katumbas ng Lumang Tipan sa bibliya ng Kristiyanismo. Ang Masoretiko ay umaayon sa 60 % ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh. Ang Masoretiko ay kinopya ng mga Hudyo na tinatawag na Masorte sa pagitan ng ika-7 hanggang ika-10 siglo CE. Ang pinakamatandang umiiral na manuskrito ng Masoretiko ay mula ika-9 na CE.

Torah

Ang Tora (Ebreo: תורה, "Turo") ay ang katawagan sa unang limang mga aklat ng Tanakh. Kinabibilangan ito ng: Bereshit (Henesis), Shemot (Eksodo), Vayikra (Lebitiko), Bemidbar (Mga Bilang), at Devarim (Dyuteronomyo).Sinulat ni Moshe (Kastila: Moisés) ang Tora upang ipaalala sa mga Israelita ang mga batas na ibinigay sa kanila ng Diyos noong Shavu'ot.

Binabasa ang isang kabahagi ng Tora tuwing umaga ng Shabat.

Wikang Ebreo

Ang Ebreo (Ebreo: עברית, ’Ivrit; Kastila: hebreo [e'βɾeo]; Ingles: Hebrew) ay isang wikang Semitiko ng sangay Apro-Asyatikong sinasalita ng anim na milyong katao karamihan sa Israel, ilang bahagi ng Palestina, ang Mga Istadong Nagkakaisa, at ng mga pamayanang Hudyo sa buong daigdig. Ang sentro ng Tanakh, ang Tora (na pinanghahawakan ng Hudaismo at Kristiyanismo sa tradisyon na unang itinala noong panahon ni Moisés mga 3,300 taong nakaraan), ay sinulat sa Ebreo. Itinuturing ito ng mga Hudyo bilang lashon hakodesh (Ebreo: לשון הקודש, “ang banal na wika”) dahil sinulat ang mga kasulatan sa wikang ito na itinuturing na banal. (Dahil dito, ang mga kasulatan lamang sa wikang ito ang isinasama sa Tanakh maliban sa aklat ni Daniel na ang karamihang bahagi ay nakasulat sa Arameo.)

Ang wikang Ebreo ay nakasulat sa sulat Ebreo, na binabasa mula kanan pakaliwa.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.