Sari

Para sa ibang gamit, tingnan ang Sari (paglilinaw).

Ang sari[1] (genus [isahan] o genera [maramihan])[1] ay isang mababang kahanayang pangtaksonomiya na ginagamit sa pagtitipun-tipon ng mga nilikhang nabubuhay at maging ng mga bakas ng mga organismong nawala na sa mundo. Katulad ng lahat ng iba pang mga pamangkat (yunit) na pangtaksonomiya, ang sari ay maaaring hatiin pa sa mga subsari (subgenus o subgenera). Nasa ilalim ng hanay ng mga sari ang mga uri

EspesyeSariPamilyaOrdenKlasePhylumKaharianDominyoBuhay

Ang pagkakasunud-sunod (herarkiya) ng walong pangunahing hanay pang-taksonomiya sa katipunang biyolohikal. Hindi ipinakikita ang mga ranggong panggitna.

Pamantayan at patakaran

Ang patakarang-gabay sa pagtatakda ng hangganan ng isang sari ay ang mga sumusunod,[2] kung saan sinasabing dapat na matupad ang tatlong pamantayang nakalahad upang maging ganap ang paglalarawan:

  • monopilya (monophyly) – lahat ng mga anak ng mga ninunong “taxon” ay pinagsama-sama
  • makatuwirang pagkakasiksik (reasonable compactness) – dapat na hindi pinapalawig ang sari kung hindi naman kinakailangan
  • kaibahan (distinctness) – hinggil ito sa pamantayang may kaugnayan sa pagunlad (ebolusyon) ng sari, katulad ng ekolohiya, morpolohiya, o biyoheograpiya; tandaan lamang na ang mga pag-uugpungang pang-DNA ay mga “kinalabasan,” sa halip na mga “pangyayari” ng mga nagsasangang mga pagunlad ng salinlahi, maliban na lamang sa mga kaso kung saan tuwiran nilang pinipigilan ang saling-agos ng mga yunit ng pagmamana ng mga katangian o (gene). Tinatawag na mga pangharang matapos mabuo ang zygote (postzygotic barrier) ang mga ito.

Tingnan din

Mga sanggunian

Mga talababa

  1. 1.0 1.1 "Sari at Genus, pahina 1200". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
  2. Gill, et al. 2005

Iba pang mga sanggunian

Actinobacteria

Ang Actinobacteria ay isang phylum ng bakterya sa kahariang Protista. Ito ay Gram Positive Bacteria.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Bakterya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Angkak

Ang angkak o sereales ay mga butil o halaman na karaniwang itinatanim, inaalagaan, at inaani para sa kanilang nakakaing mga bungang buto. Sa botanika, tinatawag itong mga bunga o "prutas" na pinangalanang karyopsis (o caryopsis). Sa kasalukuyang panahon, mas maramihan na ang pagtatanim ng mga angkak at nakapagbibigay ng enerhiyang pangkatawan at pangkalusugan sa buong mundo kaysa iba pang mga pananim. Samakatuwid, kasama sila sa mga pangunahing pagkain ng tao at hayop. Mapagkukunan sila ng mga karbohaydreyts. Sa ilang mga umuunlad na mga bansa, ang mga angkak ang halos bumubuo sa mga pang-araw-araw na inihahaing pagkain (agahan, tanghalian, meryenda at hapunan). Sa mga mauunlad na mga bansa, mas banayad at sari-sari ang pagkonsumo ngunit itinuturing pa ring mahalagang bahagi ng diyeta. Kabilang sa mga angkak ang mga halaman at bungang butil na nagmumula sa mga trigo, palay (bigas), obena, at iba pang katulad. Tinatawag ding sebada at senteno ang mga angkak. Kabilang din sa mga uri o produktong nagmula sa mga angkak ang mga otmil, ipa, darak, at ang mga lugaw na katulad ng tsamporado at mga katulad. Tinatawag na mga angkak na pang-agahan o sereales na pang-almusal ang mga angkak na kinakain tuwing oras ng pag-aagahan.

Hinango ang salitang Ingles na cereal (katunog at kahawig ng sereales) mula sa pangalang Ceres, isang diyosang nauna pa sa pagkakaroon ng Sinaunang Roma. Si Ceres ang diyosa ng ani at pagsasaka.

Antimonyo

Huwag itong ikalito sa antinomya, isang uri ng kabalintunaan.

Ang antimony o antimonyo (baryant: antimonya; Kastila: antimonio) ay isang uri ng elementong kimikal na may sagisag na Sb (Latin: stibium, may kahulugang "marka") at atomikong bilang na 51. Bilang isang metaloyd, mayroon itong apat na alotropikong mga anyo o porma. Isang matatag na anyo nito ang metaloyd na kulay asul-puti. Hindi matatatag na mga hindi-metal ang dilaw at itim na mga antimonya. Ginagamit ang antimonya sa hindi-pagtalab ng apoy sa isang bagay, sa mga pintura, sa mga seramika, sa mga enamel, sa malawak na mga sari ng mga aloy, sa elektroniks, at sa goma.

Brazil

Ang Brasil, opisyal na tinatawag na Pederatibong Republika ng Brasil (Portuges: República Federativa do Brasil), ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

Espesye

Para sa ibang gamit, tingnan ang Espesye (paglilinaw).

Sa larangan ng biolohiya, ang espesye (mula sa Kastilang especie; Ingles: species), na tinatawag ding uri kung minsan, ay isa sa mga pinakapayak na pangkat sa kahanayang para sa mga nilikhang may-buhay at isang antas ng pagkakapangkat-pangkat. Kadalasang ipinakakahulugan na isa itong lipon ng mga organismo na may kakayahang makipagtalik sa isang kalahi at nakapagsisilang ng supling na maaari ring magka-anak. Bagaman sapat na ang kahulugang ito para sa karamihan ng mga kaso, mayroong mas tumpak at naiibang pamamaraan na madalas ding gamitin, katulad ng paghahambing kung magkatulad ang mga pagsusuri ng DNA o morpolohiya. Maaari pa ring mahati ang mga uri sa mga subespesye ayon sa pagkakaroon ng mga tiyakan, mapantukoy, at namanang katutubong katangian.

Kung minsan, ang mga pangalan na pangkaraniwang ginagamit para sa mga halaman at hayop ay umaayon sa mga uri nito: halimbawa na ang “liyon”, “kambing”, at “puno ng mangga, na mga katawagang tumutukoy sa mga uri. Sa ibang mga kaso, ang mga pangalan ay hindi tumutukoy sa mga uri: katulad ng “usa” na tumutukoy sa pamilyang may 34 na mga uri, katulad ng usa ni Eld, pulang usa, at wapiti (isang elk). Dating itinuturing na nakapaloob sa iisang uri ang dalawang huli, na nagpapakita lamang na maaaring mabago ang hangganan ng pag-uuri sa pamamagitan ng mga karagdagang kaalamang pang-agham.

Inilalagay ang bawat uri sa loob ng isang sari (genus). Isa itong pagpapalagay (hipotesis) na ang isang uri ay higit na mas malapit sa iba pang mga uri sa loob ng kaniyang sariling sari kung ihahambing sa uri ng ibang sari. Binigyan ng dalawahang pangalan ang lahat ng mga uri na nalalangkapan ng pangalang pampamilya at tiyakang pangalan. Halimbawa na ang “Tilapiine cichlid” (na karaniwang tinatawag na “tilapya”).

Halamang namumulaklak

Ang mga halamang namumulaklak, na tinatawag ding Angilperma, Angiospermae o Magnoliophyta ay ang nangingibabaw na mga halamang panlupa sa kasalukuyan. Kasama ng mga gymnosperm, binubuo nila ang mga halamang may buto. Kaiba sila mula sa mga gymnosperm dahil ang mga angiosperma ay nagkakaroon ng mga bulaklak, at may nakalakip o nakasarang mga obyul. Ang mga gymnosperm ay nagkakaroon ng hubad na mga buto sa ibabaw ng mga alimusod (balisungsong) o sa mga kayariang bukas.

Ang mga halamang namumulaklak ang pinaka iba't iba na pangkat ng mga embryophyte (halamang panlupa). Dahil sa nagkakaroon sila ng mga buto, tinatawag silang mga spermatophyte, katulad nga ng mga gymnosperm. Subalit kaiba nga sila mula sa mga gymnosperm dahil sa isang serye ng mga sinapomorpiya (mga hinangong mga katangian). Ang mga katangiang ito kinabibilangan ng mga bulaklak, endosperma sa loob ng mga buto, at ang pamumunga ng mga prutas na naglalaman ng mga buto. Sa pang-etimolohiya, ang angiosperma ay nangangahulugang isang halaman na nakagagawa ng mga buto sa loob ng isang lakipan; sila ay mga halamang namumunga (mga halamang may bunga o prutas), bagaman mas pangkaraniwan silang tinatawag bilang mga halamang namumulaklak.

Ang mga ninuno ng mga halamang namumulaklak ay humiwalay magmula sa mga gymnosperm noong bandang 245 hanggang 202 milyong mga taon na ang nakararaan, at unang mga halamang namumulaklak na nalalamang umiral ay magmula sa 140 milyong mga taon na ang nakalilipas. Malakihan ang naging pagkakasari-sari nila noong panahon ng Mas Mababang Cretaceo at naging laganap noong nasa tinatayang 100 milyong mga taon na ang nakararaan, subalit pumalit sa mga conifer bilang nangingibabaw na mga puno noong bandang 60 hanggang 100 milyong mga taon lamang ang nakalilipas.

Himpapawid

Ang atmospero, atmospera, o panganorin ay ang "kapisanan ng mga hangin at ng sari-saring mga singaw ng panahon na nakaliligid sa sangdaigdig hanggang sa sanggayong lawak". Tinatawag din itong himpapawid, agay-ay, alangaang, o kahanginan dahil ito ang hangin na bumabalot sa daigdig. Nagmula ang salitang atmospera sa wikang Griyego na binubuo ng mga salitang ἀτμός - atmos, "singaw" at σφαῖρα - sphaira, "bilog" o "timbulog"). Isang sapin ng mga gas o mga singaw (mga hangin) ang atmospera na maaaring pumaligid sa isang katawang materyal na may sapat na masa sa pamamagitan ng grabidad ng katawang iyon, at napapanatili sa loob ng matagal na panahon kapag mataas ang grabidad at mababa ang temperatura ng atmospera. May ilang mga planeta ang pangunahing naglalaman lamang ng sari-saring mga gas o singaw, subalit tanging ang kanilang panlabas na sapin o patong (balot) lamang ang tinatawag na atmospera nila (tingnan ang mga higanteng gas).

Nilalarawan ng katagang atmosperang istelar o atmosperang pambituin ang panlabas na rehiyon ng isang bituin, at karaniwang nagsasama ng bahaging nagsisimula sa malabo o malamlam na potospero papalabas. Maaaring bumuo ng mga molekulang kumpuwesto ang mga bituing may mababang temperatura sa kanilang panlabas na atmospera. Ang atmospera ng daigdig ay naglalaman ng oksihenong ginagamit ng karamihan sa mga organismo para sa respirasyon o paghinga, at ng karbong dioksidong ginagamit naman ng mga halaman, mga lumot, at mga siyanobakterya para sa potosintesis. Pinupruteksyunan din ng atmospera ng daigdig ang mga organismong may buhay mula sa mga kapinsalaang henetikong dulot ng radyasong ultrabiyoleta mula sa sinag ng araw. Ang pangkasalukuyang komposisyon ng atmospera ng daigdig ay isang produkto ng bilyun-bilyong mga taong pagbabagong biyokimikal ng paleoatmospera ng mga organismong nabubuhay.

Hisopo (sari)

Para sa ibang gamit, tingnan ang hisopo (paglilinaw).

Ang hisopo (Ingles: Hyssop o Hyssopus) ay isang henerong may mga 10 hanggang 12 uri ng mga mala-yerba o tila-palumpong na mga halamang nasa pamilya ng mga Lamiaceae. Katutubo ito sa Mediteranyo at mula silangan hanggang kalagitnaang Asya. Mababango ang mga ito, na may mga nakatayong sangang humahaba hanggang 60 sentimetro. Mabalahibo ang mga dulo ng mga sangang ito, samantalang payat naman at bilohaba ang mga dahon na may habang 2 hanggang 5 sentimetro. Sumisibol ang mga asul na bulaklak nito sa gawing itaas na bahagi ng mga sanga, sa tuwing sasapit ang tag-araw. Ang Hyssopus officinalis (herb hyssop) ang siyang pinakakilalang uri ng mga hisopo, na itinatanim din sa labas ng Mediteranyo.

Mga espesye

Homo

Ang henus na Homo ay binubuo ng modernong tao at mga uring katulad nito. Ang henus na ito ay tinatatayang may mga 2.3 hanggang 2.4 milyong taong gulang, nag-evolve ito mula sa mga Australopitikong ninuno sa paglabas ng Homo habilis. Sinasabing ang H. habilis ay direktang nagmula sa Australopithecus garhi na namuhay ng 2.5 milyon taong nakalipas. Subalit noong May 2010 ay natuklasan ang H. gautengensis, isang uri na maaaring mas matanda pa sa H. habilis.

Lapi

Para sa ibang gamit, tingnan ang Lapi (paglilinaw).

Sa taksonomiya ng larangan ng biyolohiya, ang lapi o kalapian (Ingles: phylum [isahan] o phyla [maramihan]; Griyego: Φῦλα) ay isang kahanayang ng pagkakapangkat-pangkat na nasa antas sa ilalim ng kaharian at nasa ibabaw ng biyolohiya. Kinuha ang salitang "phylum" mula sa phylai (φυλαί) ng wikang Griyego, mga grupo ng mga angkan na naninirahan sa mga lungsod ng isinaunang Gresya; may kakayahan at karapatan sa paghalal ng pinunong-kaangkan ang mga phylai. Ang salitang lapi naman ay akmang-akma sa salin ng phylum o phylai sapagkat nangangahulugan itong "isang kapanalig sa loob ng isang partidong pampolitika". Sa larangan ng taksonomiya, kinakatawan ng mga lapi ang pinakamalaki at pinakakaraniwang kinikilalang pagbubuklod-buklod ng mga hayop at iba pang mga nilalang na may-buhay, at may tiyak na mga katangiang pang-ebolusyonaryo, bagaman kung minsan maaaring ihanay ang mga mismong lapi sa mga superlapi (superphyla) (katulad ng Ecdysozoa na may walong lapi, kabilang ang mga arthropod at bulating-bilog; at ang Deuterostomia na kabilang ang mga echinoderm, chordate, hemichordate at bulating-pana) (arrow worm).

Sa impormal na paraan, maaaring isipin na ang mga lapi ay isang paglilipon ng mga hayop batay sa isang panlahatang kayarian ng katawan; Tinatawag itong pagpapangkat-pangkat na pang morpolohiya (ayon sa pagkakahawig ng mga anatomiya). Samakatuwid, sa kabila ng tila pagkakaiba ng mga panlabas na mga kaanyuhan ng mga nilalang, inihanay sila sa mga lapi ayon sa kanilang mga panloob na kayarian. Halimbawa, bagaman tila magkahiwalay at magkaiba, kapwa kabilang ang mga gagamba at mga alimango sa mga Arthropoda, samantalang ang mga bulating-lupa at bulating-payat, bagaman magkahugis, ay mula sa dalawang kahanayan. Kabilang ang mga bulating-lupa sa mga Annelida, samantalang ang mga bulating-payat ay mula sa mga Platyhelminthes. Datapwa pinapayagan ng Kodigong Pansandaigdigan ng Pagpapangalang Pang-botaniko ang paggamit ng salitang "lapi" (phylum) bilang panukoy sa mga halaman, higit na mas ginagamit ng mga botanista ang salitang "kahatian".

Ang pinakakilalang mga lapi ng hayop ay ang Mollusca, Porifera, Cnidaria, Platyhelminthes, Nematoda, Annelida, Arthropoda, Echinodermata, at Chordata. Sa huli nabibilang mga ang mga tao. Bagaman may 35 - humigit-kumulang - na mga lapi, kabilang sa siyam na nabanggit ang karamihan sa mga sari. Marami sa mga lapi ang nabubuhay sa tubig, at nag-iisa lamang ang wala sa mga karagatan ng mundo: ito ang Onychophora o bulating-pelus (bulating-tersiyupelo).

Ang pinakabagong natuklasang sari ay ang Cycliophora, na natuklasan noong 1993; tatlong bagong sari lamang ang natuklasan sa loob ng huling dantaon.

Ang pagsabog na Kambriyano ay isang malakihang pamumulaklak ng mga nilalang na may-buhay na naganap sa pagitan, humigit-kumulang, ng 530 at 520 milyong taon na ang nakalipas; noong mga panahong ito mayroon nang mga nilalang na kahawig ng makabagong sari, bagaman hindi naman kabilang sa mga ito; habang ang ilan naman ay parang mga kinatawan na nasa loob ng Ediacaran biota, nananatili itong isang usapin na kung ang lahat ba ng mga sari ay namumuhay na bago man dumating ang pagsabog. Sa loob ng maraming panahon, nagpabagu-bago ang mga gawain ng iba't ibang mga sari. Halimbawa, noong panahong Kambriyano, ang nakalalamang na mga megafauna (megahayop), o malalaking mga hayop, ay ang mga artropoda, ngunit sa ngayon ang mga megahayop ay nalalamangan ng mga vertebrata (kordata) Magpahanggang sa ngayon, ang pinaka-nakalalamang na sari ay ang mga artropoda.

Louisiana

Ang Estado ng Louisiana (bigkas: /lu·wi·si·ya·na/ (Ingles: State of Louisiana, bigkas: /lōō-ē'zē-ăn'ə/)) ay isang estado ng Estados Unidos. Ang Louisiana ay nasa Katimugan ng Estados Unidos. Nagkaroon ito ng populasyon na humigit-kumulang sa 4,533,372 katao noong 2010. Ang estado ay mayroong kabuoang area o pook na humigit-kumulang sa 51,885 mi kuw (134,382 km2). Ang Louisiana ay ang ika-25 na pinakamalaking estado batay sa populasyon at ang ika-31 pinakamalaking estado batay sa area. Nakikilala rin ang Louisiana sa pamamagitan ng palayaw nitong "Ang Estadong Pelikano" (The Pelican State). Ang lupain na magiging Louisiana ay binili noong Pagbili sa Louisiana (Louisiana Purchase noong 1803. Ang Louisiana ay naging isang estado noong Abril 30, 1812. Ito ang ika-18 estado na naging bahagi ng Estados Unidos (Mga Nagkakaisang Estado). Ang mga taong naninirahan sa estado ay tinatawag bilang mga Louisiano (mga Louisianan). Ang kabisera ng estado ay ang Baton Rouge, at ang pinakamalaking lungsod nito ay ang New Orleans (Bagong Orleans).

Ang Louisiana ay mayroong mga kapatagan sa may baybayin, mga latian, at mabababang mga gulod. Ang kalahatan (kabuoan) ng estado ay nasa loob ng Sinturon ng Araw. Ang Louisiana ay nasa rehiyong subtropikal, at mayroong isang ekosistemang sari-sari at iba't iba.

Isang-ikatlo () ng mga adulto sa Louisiana ay labis ang katabaan. Ito ang pinakamataas na antas sa Estados Unidos.

Mamalya

Ang mga wilik o mamalya ay ang mga kasapi ng klaseng Mammalia. Ito ay mga bertebrado na inilalarawan ng pagkakaroon ng glandulang pangsuso na nagpapahintulot sa paglikha ng gatas para sa mga kababaihan upang magkaroon ng pagkain ang supling, ang pagkakaroon ng tatlong mga gitnang mga buto ng tainga, ang pagkakaroon ng buhok o balahibo at pagkakaroon ng mga endotermikong katawan (mainit na dugo). Pinapangasiwaan ng neokorteks ng utak ang mga endotermikong katawan nito (mainit na dugo) at sistemang sirkulatoryo na nagpapakita ng mga pulang dugong selula na walang mga nukleyus ng selula at isang apatang-kamarang puso.

Ang mga mamalya ay kinabibilangan ng pinakamalaking hayop sa planeta, ang mga rorkuwal at iba pang malaking balyena, gayundin ang ilang mga matatalino, tulad ng mga elepante, ilang primado, mga tao, at ilang mga seteseo. Ang batayang uri ng katawan ay isang apatang-paang lupang-sinilang na hayop, ngunit ang ilang mamalya ay nakaangkop para sa buhay sa dagat, sa himpapawid, sa mga puno, o sa pamamagitan ng dalawang mga paa. Ang karamihan ng mga mamalya ay nag-aangkin rin ng mga glandula ng pawis at dinalubhasang mga ngipin. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mamalya na mga may inunan ay may isang inunan na nagpapakain sa mga anak nito sa pagbubuntis. Ang mga mamalya ay may sukat mula 30–40 milimetro(1- to 1.5-pulgada) gaya ng paniking bubuyog hanggang sa 33 metrong(108 talampakan) balyenang bughaw.

Ang salitang "mammal" ay moderno, galing sa siyentipikong pangalan na ''Mammalia na nilikhang-salita ni Carl Linnaeus noong 175, na hinango mula sa Latin na mamma ("utong, suso"). Ang lahat ng mga babaeng mamalya ay nagpapasuso ng kanilang mga supling ng gatas na inilalabas sa glandulang pangsuso. Ayon sa Mammal Species of the World (Filipino, 'Mamalya Espesye/Uri ng Mundo'), ang 5,702 espesye o uri ng Mamalya ay napag-alaman noong 2005. Ang mga ito ay ipinangkat sa 1,229 mga sari o henero, 153 mga pamilya, at 29 mga orden. Sa 2008 kinumpleto ng IUCN ang isang limang taong, 17,000 siyentipikong Pandaigdigang Pagtatasa ng Mamalya para sa Pulang Talaan ng IUCN na bumilang ng mga 5,488 espesyse o uri sa wakas ng panahong iyon.Sa ilang mga pag-uuri, ang mga mamalya ay nahahati sa dalawang mga pangalawang-klase(hindi kabilang ang mga fossil): ang Protheria, iyan ay, ang ordeng Monotremata; at ang Theria, o ang mga ibabang-klaseng Metatheria at Eutheria. Ang mga marsupiyal ay bumubuo ng putong na pangkat ng Metatheria, at kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na metatheriano gayundin ang mga ilang nalipol; ang mga may inunanay ang putong na pangkat ng Eutheria.

Maliban sa limang espesye o uri ng mga monotreme (mga nangingitlog na mamalya), ang lahat ng mga nabubuhay na mamalya ay nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga mamalya kabilang ang anim na pinakamayaman sa espesye o uring mga ordern ay kabilang sa pangkat na may inunan. Ang tatlong pinakamalalaking orden sa pagkakasunod-sunod na pababa ang Rodentia(mga maliit na daga, daga, mga porkyupayn, mga babera, mga kapibara at mga ngumunguyang mga mamalya), Chiroptera(mga paniki) at ang Soricormpha(mga musaranya, mga mowl at mga solendon). Ang tatlong pinakamalalaking mga orden na depende sa pag-uuring ginagamit ang mga primado na kinabibilangan ng mga tao, ang Cetartiodactyla (na kinabibilangan ng mga ungguladong may paang patas at mga balyena), at ang Carnivora(mga pusa, mga aso, mga musang, mga oso, mga karnerong-dagat at mga kamag-anak nito). Bagaman ng pag-uuri ng mga mamalya sa antas na pamilya ay kaugnay na matatag, ang mga iba-ibang pagtrato sa mas mataas na mga antas na pangalawang-klase, ibabang-klase at orden ay lumilitaw sa mga panitikang magkakasabay lalo na para sa mga marsupiyal. Ang karamihan ng mga kamakailang pagbabago ay sumasalamin sa mga resulta ng pagsusuri na kladistiko at henetikang molekular. Ang mga resulta mula sa henetikang molekular ay halimbawa sa pagtumungo sa pagggamit ng mga bagong pangkat gaya ng Afrotheria at ang paglisan sa mga tradisyonal na pangkat gaya ng Insectivora. Ang mga sinaunang ninuno ng mga mamalya na sinapsido ang mga sphenacodont na pelikosauro na isang pangkat na kinabibilangan din ng Dimetrodon. Sa wakas ng panahong Carboniferous, ang pangkat na ito ay nag-naiiba mula sa hanay ng sauropsida na tumungo sa mga kasalukuyang nabubuhay na mga reptilya at ibon. Ito ay pinangunahan ng maraming mga sari-saring pangkat na mga hindi mamalyang sinapsido(na minsang tinutukoy na mga tulad ng mamalyang reptilya) at ang mga unang mamalya ay unang lumitaw sa Kapanahunana ng Simulang Mesosoiko. Ang mga modernong orden ng mamalya ay lumitaw sa mga panahong Paleoheno at Neoheno ng Kapanahunang Senosoiko.

Mansanilya (krisantemo)

Para sa ibang gamit, tingnan ang Mansanilya (paglilinaw).Ang krisantemo, krisantemum, o mansanilya (Ingles: chrysanthemum) ay mga sari ng bulaklak at halaman na may kakayahang mamumulaklak sa buong taon. Kabilang sa mga ito ang may 30 mga sari na nasa pamilyang Asteraceae, at katutubo sila sa Asya at hilagang-silangang Europa. Kabilang dito ang mga butonsilyo.

Mga wikang Sino-Tibetano

Ang mga wikang Sino-Tibetano ay isang pamilyang wika ng higit-kumulang na 400 wikang sinasalita sa Silangang Asya, Timog-Silangang Asya at Timog Asya. Pangalawa lamang ang pamilyang wikang ito sa mga wikang Indo-Europeo sa bilang ng mga katutubong tagapagsalita. Ang pamilyang wikang ito ang mayroon pinakamaraming katutubong mananalita ay ang mga sari-saring uri ng wikang Tsino (halos 1.2 bilyong tagapagsalita), Birmano (Burmese, halos 33 milyon) at mga wikang Tibetiko (halos 8 milyon). Maraming mga wikang Sino-Tibetano ang ginagamit sa malalayong mabundok na lugar at halos hindi mabuting naisa-tala.

Maraming mga mababang antas na pangkat ang mga mainam na natatag, ngunit nananatiling hindi malinaw ang mataas na antas na hulma ng pamilya. Baga ma't kadalasang ipinapakita naturang pamilyang wika na nakahati bilang Sinitiko at Tibetano, hindi kailan man naipahayag ang pangkaraniwang pinagmulan ng mga wikang di-Sinitiko, at sinasalungat ng mga nagdaramihang bilang ng mga mananaliksik.

Paganismo

Ang paganismo ay (Ingles: paganism, mula sa Lating paganus, na nangangahulugang "naninirahan sa kanayunan", "rustiko", o "karaniwan") ay isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang tukuyin ang sari-saring mga pananampalatayang maraming diyos o relihiyong politeistiko. Kinabibilangan ang nilarawang pangkat sa karamihan ng Silanganing mga relihiyon, relihiyon at mitolohiya ng Katutubong mga Amerikano, pati na ang hindi-Abrahamikong mga relihiyong-bayan sa pangkalahatan. Hindi ibinibilang sa mas makitid na mga kahulugan ang anuman sa mga relihiyon ng mundo at hinahangganan ang katawagan sa lokal o rural na mga daloy na hindi naisaayos bilang mga relihiyong sibil. Katangian ng mga tradisyong pagano ang kawalan ng proselitismo at ang pagkakaroon ng isang nabubuhay na mitolohiya na nagpapaliwanag ng gawaing pampananampalataya.Ang salitang pagano ay isang paghango ng Kristiyano mula sa "hentil" ng Hudaismo, at bilang ganito, mayroon itong kalakip na pagkiling na Abrahamiko, at mga pahiwatig o konotasyong nagpapasama, nagpapalala, o nagpapababa ng antas, kapag nasa piling o inihahambing ng mga monoteistang Kanluranin, na maihahambing sa "hindi-binyagan", taong itinuturing na lapastangan sa relihiyon, o taong nalalabuan ng paniniwala, o kaya "hindi sibilisado" (heathen sa Ingles), at impiyel o taong walang pinaniniwalaang relihiyon o walang relihiyon (katulad ng taong hindi naniniwala sa Kristiyanismo o Islam; Ingles: infidel na kilala rin bilang kafir (كافر) at mushrik sa Islam. Sa kadahilanang ito, iniiwasan ng mga etnolohista (o etnologo) ang salitang "paganismo," dahil sa kawalan ng katiyakan at sari-saring mga kahulugan, sa pagtukoy sa mga pananalig na tradisyonal o makasaysayan, kaya't mas ninanais ang mas tumpak na mga kaurian o kategoryang katulad ng politeismo, shamanismo, panteismo, o animismo; subalit may ibang mga dalubhasang hindi sumasang-ayon sa ganitong mga katawagan dahil, ayon sa kanila, mga aspeto lamang ang mga ito na pinagsasaluhan ng iba't ibang mga pananampalataya at hindi nagpapahiwatig sa mga mismong relihiyon.

Magmula noong hulihan ng ika-20 daang taon, naging malawakan ang paggamit ng pagano o paganismo bilang pansariling katawagang ginagamit na mga sumusunod sa neopaganismo. Bilang ganito, sari-saring makabagong mga iskolar o dalubhasa ang nagsimulang gamitin ang salita sa tatlong magkakahiwalay na mga kapangkatan ng mga pananampalataya: sa politeismong historikal (katulad ng politeismong Keltiko), pambayan/etniko/indihena o katutubo (katulad ng relihiyong-pambayang Intsik at Aprikanong tradisyonal na relihiyon), at neopaganismo (katulad ng Wicca at Hermanikong neopaganismo).

Pamilya (biyolohiya)

Dito nakaturo ang salitang subpamilya. Para sa ibang gamit, tingnan ang pamilya (paglilinaw).Sa pagpapangkat-pangkat na maka-biyolohiya, ang pamilya (Latin: familia [isahan] o familiae [maramihan]; Ingles: family [isahan] o families [maramihan]) ay isang ranggong pang-taksonomiya. Nananangan ang hustong sangkap ng opisyal na pagpapangalan (nomenklatura) sa ipinapatupad na kodigo ng pagpapangalan.

Payak na halimbawa: "Ang mga walnut at hickory ay kabilang sa pamilya ng mga walnut" ay isang maikling paraan sa pagsasabi ng: "Ang mga walnut (sari: Juglans) at mga hickory (sari: Carya) ay nabibilang sa pamilya ng mga walnut (pamilya: Juglandaceae)".

Rodentia

Para sa ibang gamit, tingnan ang Daga (paglilinaw).

Ang mga daga o Rodentia ay isang orden ng mga mamalyang kilala rin bilang mga rodent (mga "wangis-daga", "anyong daga", "itsurang daga", o "hitsurang daga") sa Ingles, na may katangian ng pagkakaroon ng nagpapatuloy na lumalaking mga ngiping pantaga o panghiwa (mga incisor) sa pang-itaas at pang-ibabang mga panga na dapat mapanatiling maiikli sa pamamagitan ng pagngatngat, pagkagat, pagngasab, o pagpungos.Apatnapung bahagdan ng mga uring mamalya ang kabilang sa Rodentia, at matatagpuan sa maraming mga bilang sa lahat ng mga kontinent bukod pa sa Antartika. Kabilang sa mga pangkaraniwang mga daga ang bubuwit o maliit na daga (mouse), malalaking mga daga (mga rat), iskuwirel, tsipmunk, goper, porkupina, kastor, hamster, gerbil, "baboy-Guinea", degu, tsintsila, aso ng parang, at baboy-panglupa. May matatalim na mga ngiping pangtaga ang mga daga na ginagamit nila sa pagkagat ng kahoy, pagputol ng pagkain, at pagkagat sa maninilang mga hayop. Karamihan sa kanila ang kumakain ng mga buto ng mga halaman o ng mga halaman, bagaman mayroon din silang sari-saring mga pagkain. May ilang mga uring, batay sa kasaysayan, na naging mga salot o peste, na kumakain ng mga butil o butong inimbak ng mga tao at nagkakalat din ng mga sakit o karamdaman kagaya ng leptospirosis.

TV5 Network

Ang TV5 Network, Inc., dating kilala bilang ABC Development Corporation at Associated Broadcasting Company, ay isang Pilipinong kompanya ng media na nakabase sa Lungsod ng Mandaluyong. Ito ay pag-aari ng MediaQuest Holdings, isang kompanyang pang-investment ng PLDT, sa pamamagitan ng kanilang Benecicial Trust Fund, at pinamumunuan ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan.

Kabilang sa ari-arian nito ang mga broadcast network ng telebisyon ng 5/The 5 Network at AksyonTV, ang radio network Radyo5 News FM, mga satellite television channel na Colours, Hyper, One News, Sari-Sari Channel at PBA Rush pati na rin ng mga digital at online portal na Digital5, sa TV5.com.ph, ESPN5.com at News5 Digital.

Talaan ng mga sari ng bakterya

Ang artikulong ito ay nagtatala ng mga sari ng bakterya. Ang bakterya ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga nabubuhay na mga organismo. Sila ang pinakamarami sa lahat ng mga organismo, ito ay dahil sa kanilang mabilisang reproduksiyon o pagparami. Mayroong apatnapung milyong selula ng bakterya sa isang gramo ng lupa at isang milyong selula ng bakterya sa isang milimetro ng malinis na tubig; sa pangkalahatan, mayroong tinatantiyang limang nonilyong (5×1030) bakterya sa mundo, na bumubuo ng isang biyomas na humihigit sa bilang ng lahat ng mga halaman at hayop.

Kahanayan sa Taksonomiya
Magnaorden
Dominyo/Punong-kaharian Punong-lapi/Punong-hati Punong-klase Punong-orden Punong-pamilya Punong-tribo Punong-uri
Kaharian Lapi/Hati Klase Lehiyon Orden Pamilya Tribo Sari Uri
Subkaharian Sublapi Subklase Langkap Suborden Subpamilya Subtribo Subsari Suburi
Sanga/Sangay Inpralapi Inpraklase Infraorden Alyansa Inprauri
Mikrolapi Parbklase Parborden Serye Baryaridad
Anyo

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.