Salomon

Si Salomon o Solomon (Ebreo: Shlomo) ay, ayon sa Ebreong Bibliya, isang hari ng Israel at ayon sa Koran, isang propeta, anak ni Dawud (David) at kilala bilang Sulayman o Sulaiman. Ang mga kuwento ng Bibliya ay nagkikilala rin sa kaniya bilang anak ni David.[1] Siya ay tinawag rin na Jedidiah sa 2 Samuel 12:25, at inilalarawan bilang pangatlong hari ng Pinag-isang Monarkiya, at ang huling hari bago nang pagkakahati nito sa dalawa bilang hilagang Kaharian ng Israel (Samarya) at timog na Kaharian ng Juda. Pagkatapos ng paghihiwalay, ang kaniyang mga supling ay namuno sa Juda lamang.

Ang Ebreong Bibliya ay tumutukoy kay Salomon bilang nagtaguyod ng Unang Templo sa Jerusalen,[2] at inilalarawan siyang dakila sa katalinuhan, kayamanan at kapangyarihan ngunit sa huli ay bilang isang hari na ang mga pagsasala ay naging sanhi ng pagkakahati ng kaharian sa dalawa noong pamamahala ng anak niyang si Roboam.[3] Si Salomon ay naging paksa ng marami pang ibang mga salaysay at alamat.

Berruguete, Pedro - Salomon - c. 1500
Salomon ni Pedro Berruguete.

Tingnan din

Talasanggunian

  1. http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=129&letter=T
  2. http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=129&letter=T
  3. Peter J. Leithart, A House for My Name, 157, Canon Press, 2000.



Israel Ang lathalaing ito na tungkol sa Israel ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Aklat ng Karunungan

Ang Aklat ng Karunungan o Ang Karunungan ni Solomon ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya, na nasusulat sa wikang Griyego. Dahil nasa Griyego, hindi ito kabilang sa kanon ng mga Hudyo.

Aklat ng mga Bilang

Ang Aklat ng mga Bilang o Mga Bilang ay ang ikaapat aklat sa Tanakh at sa Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa Pentateuko o Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.

Aklat ng mga Hukom

Para sa ibang gamit, tingnan ang Hukom (paglilinaw).Ang Aklat ng mga Hukom o Mga Hukom ay ang ika-pitong aklat sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dito nakatitik ang kasaysayan ng "labindalawang bayani" ng bayang Israel, ang mga isinugo ng Diyos para maging mga pinuno ng mga hukbo sa kapanahunan ng pakikidigma at mga tagapagdaos ng katarungan kung panahon naman ng kapayapaan.

Aklat ng mga Kawikaan

Ang Aklat ng mga Kawikaan ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Ito ang pinakamagandang katipunan ng mga salawikain sa Lumang Tipan, na isinulat ng patula at naglalaman ng mga magagandang aral at mga banal na pagpapatotoo hinggil sa karunungan, kapangyarihan, lakas, kabutihan, at pagkalinga ng Diyos sa taong umaasa sa kaniya. Ibinatay ang buong pangaral ng aklat na ito sa paniniwalang "Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng Karunungan" o "Upang magkaroon ng kaalaman, unahin ang paggalang sa Panginoon."

Aklat ni Baruc

Ang Aklat ni Baruc o Aklat ni Baruch ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Binubuo ito ng apat na maiiksing mga pahayag pinaniniwalaang inakdaan ni Baruc, ang kalihim ng propetang si Jeremias, at pinaniniwalaan ding nasusulat sa Ebreo bago nalipon upang maging isang aklat.

Aklat ni Esdras

Ang Aklat ni Esdras ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dating kabahagi, bilang Unang Aklat ni Esdras, lamang ito ng Mga Aklat ni Esdras, subalit inihiwalay sa Bibliyang Vulgata. Karugtong ito ng Mga Aklat ng mga Paralipomeno o mga Cronica. Si Esdras ang sumulat nito, maging ng kasunod at isa pang aklat ni Esdras na pinamagatang Aklat ni Nehemias (o "aklat tungkol kay Nehemias").

Aklat ni Ester

Ang Aklat ni Ester o Aklat ni Esther ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isa rin ito sa mga aklat na isinalin ni San Jeronimo at kabilang sa Deuterokanoniko. Ito ang batayan ng Purim, isang pagdiriwang ng mga Hudyo.

Aklat ni Judit

Ang Aklat ni Judit o Aklat ni Judith ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Aklat ni Nehemias

Ang Aklat ni Nehemias ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya na isinulat ni Esdras. Ito ang kasunod ng naunang Aklat ni Esdras. Pinamagatan itong Aklat ni Nehemias sapagkat tungkol ito kay Nehemias, isang matapang na pinuno ng mga mamamayang nagsibalik sa Herusalem noong taong 445 BK (katumbas ng taong 20 ni Artajeres). Tinatayang naganap ang mga salaysayin sa pangalawang aklat na ito ni Esdras sa pagitan ng 538 BK at 432 BK. Sa Bibliyang Vulgata, kilala ang aklat na ito bilang 2 Esdras, II Esdras, o Ikalawang Aklat (na isinulat) ni Esdras (tungkol kay Nehemias).

Aklat ni Rut

Para sa ibang gamit, tingnan ang Rut (paglilinaw).Ang Aklat ni Ruth o Aklat ni Rut ay ang ikawalong aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Naglalahad ito ng kasaysayan ni Rut, isang Moabitang babae na nasapi sa bayan ng mga Israelita, dahil ito sa kaniyang pagpapakasal kay Boaz, isang mayamang nagmula sa Belen. Nangyari ito noong kapanahunan ng mga hukom, kaya karugtong at kasunod ito ng Aklat ng Mga Hukom.

Aklat ni Tobias

Ang Aklat ni Tobias o Aklat ni Tobit ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Kabilang ito sa mga deuterokanonikong aklat ng Bibliya.

Awit ng mga Awit

Ang Ang Awit ng mga Awit o Aklat ng Awit ng mga Awit, na tinatawag ding Awit ni Solomon o Ang Awit ni Solomon ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tinatawag din itong Ang Awit ni Solomon dahil sa pamagat nito sa wikang Ebreo kung saan nakalagay ang pangalang Solomon. Tinatawag din itong Mga Kantikulo na nangangahulugang "awit ng mga awit" na nagpapahiwatig na isa itong awit na higit pa sa ibang mga awit o kaya awit na binubuo ng ilan at iba pang mga awitin. Isa ang Aklat ng mga Awit sa mga pinakamaiikling aklat na nakalangkap sa Bibliya. Mayroon itong mga 117 taludtod lamang. Ito lamang ang librong nasa Bibliyang tinatawag ang sarili bilang isang awit na tungkol sa pag-ibig, at matinding dagsa ng damdamin, ngunit may maingat, mapagkandili, mapagsaalang-alang, mahinahon, at malambing na pakikipagtalik.

David

Si Haring David o David ben Yishay [nangangahulugang "David na anak ni Isai"] (Ebreo: דוד בן ישי) ay isa sa mga magigiting na hari ng Israel. Sa katunayan, siya ang ikalawa at isa sa mga pinakatanyag na hari ng mga Israelita at isang taong pinakamadalas na binabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Itinuturing din siyang isang propeta sa pananampalatayang Islam. Kaugnay sa Tanakh at sa Bibliya, sinabing nangako ang Diyos na pamumunuan ng mga kasapi ng mag-anak ni David ang isang kahariang magtatagal magpasawalanghanggan. Sinasabi pa rin na isinilang si Hesus mula sa angkan ni David at nilarawan pang si Hesus ang "Anak ni David" na mamumuno sa kaharian ng Diyos nang magpasawalanghanggan.

Eclesiastes

Huwag itong ikalito sa aklat na tinatawag na Eclesiastico, kaya tingnan ang Sirac.Ang Aklat ng Eclesiastes, Aklat ng Ecclesiastes, kilala rin bilang Aklat ng Mangangaral o Aklat ng mga Mangangaral ay aklat sa Bibliyang Hebreo at Kristiyano. Matatagpuan ito sa Lumang Tipan ng Bibliya. Ang pangalang Eclesiastes (Ecclesiastes sa Ingles) ay hango sa saling Griyego ng pangalang Hebreo ng aklat na ito na Cohelet (o Qohelet) na nangangahulugang "isang guro" o "isang mangangaral na nasa isang kapulungan." Isa ito sa mga huling aklat na natanggap sa kanon ng Eskriturang Ebreo. May ilang mga nalalabing kaputol o mga piraso nito ang natagpuang kasama ng Mga Balumbong mula sa Patay na Dagat (Ingles: Dead Sea Scrolls) sa Qumran.

Hermann Mayer Salomon Goldschmidt

Si Hermann Mayer Salomon Goldschmidt (17 Hunyo 1802 – 26 Abril 1866) ay isang Aleman-Pranses na astronomo and pintor na inilagak ang kanyang buhay sa Pransiya.

Herusalem

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay. Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo, at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong Abraamiko—Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera. Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod, samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. Ngunit, hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.Ayon sa Bibliya, sinakop ni Haring David ang lungsod mula sa Hebusito at itinatag ito bilang kabisera ng Kaharian ng Israel, at ang kanyang anak na si Salomon, ang nagpaggawa ng Unang Templo.

Kapuluang Salomon

Ang Kapuluang Salomon o Solomon Islands ay isang bansa sa Timog Karagatang Pasipiko, silangan ng Papua New Guinea at bahagi ng Komonwelt ng mga Bansa. Binubuo ng mga 990 pulo, na sinasakop ang 28,000 kilometro kuadrado na lupain kapag pinagsama.

Lumang Tipan

Ang Lumang Tipan ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Bibliya. Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan, ayon sa pagkakasunud-sunod na pampanahon, ng Apokripa at ng Bagong Tipan. Tinatawag din itong Matandang Tipan, Matandang Testamento, at Lumang Testamento. Sa Ingles, tinatawag na testament ang salitang tipan kaya't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New Testament para sa Bagong Tipan. Hinango ang testament ng Ingles at testamento ng Tagalog at Kastila mula sa testamentum ng wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan", at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mga Kristiyano. Sa Katolisismo, binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa Tanakh ng Hudaismo. Ayon kay Jose C. Abriol, may tatlong bahagi ang Lumang Tipan: ito ang Batas o Pentateuco, ang Mga Propeta, at ang Mga Salmo. Tungkol ang aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya, samantalang hinggil sa karunungan ang aklat ng Mga Salmo. Ayon din kay Abriol, tungkol ang mga aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.