Repolyo

Tumuturo papunta rito ang Brassica oleracea. Para sa ibang gamit, tingnan ang Brassica oleracea (paglilinaw).
Cabbage
A white cabbage, whole and in longitudinal section

A white cabbage, whole and in longitudinal section
Uri
Brassica oleracea
Pangkat ng Kultibar
Capitata Group
Pinagmulan
Europe, prior to 1000 BC
Mga kasapi ng Pangkat ng Kultibar
  • White cabbage
  • Red cabbage
  • Savoy cabbage

Ang repolyo o Brassica oleracea Linne (pangkat Capitata) (Ingles: cabbage, Kastila: repollo) ay isang uri ng gulay[1] na may maikling tangkay at mga dahong bumubuo ng isang bilog na ulo.[2] Bilang isang halamang inaalagaan na mula pa noong mga 400 BK sa Kanluraning Mundo, itinuturing itong isang mahalagang halamang-gamot. Mula pa noong kapanahunan ni Dioscorides, ginagamit na ito bilang isang panlunas sa suliranin sa dihestiyon o panunaw, bilang toniko para sa mga kasu-kasuan, bilang gamot para sa mga sakit sa balat, at panlaban sa mga lagnat. Kinakain ng sinaunang mga Romano ang hilaw na repolyo upang maiwasan ang pagkalasing. Lagi rin itong nakahanda upang magamit para sa anumang karamdamang nararanasan ng mag-anak.[3]

Nagagamit ang mga dahon ng repolyo bilang panggamot sa mga sugat, mga ulser (partikular na ang nasa loob ng tiyan), mga pamamaga, mga pananakit ng kasu-kasuan o rayuma, at akne. Bilang nakaugaliang gamot, kinakain ito o iniinom ang katas para sa mga sakit sa dihestiyon, karamdaman sa baga, matinding pananakit ng ulo, pananatili ng pluido sa loob ng katawan, at iba pang mga kahapdian sa katawan.[3]

Noong 1967, tinawag itong "ang gamot ng mga mahihirap" ni Dr. Jean Valnet.[3]

Mga sanggunian

  1. English, Leo James. Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. "Cabbage". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 42.
  3. 3.0 3.1 3.2 Ody, Penelope (1993). "Cabbage". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc., pahina 42.


HalamanPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Bersa

Para sa ibang gamit, tingnan ang Kales (paglilinaw).

Huwag itong ikalito sa berso.Ang mga bersa, lunting kolardo, o kales (Ingles: collard greens; Kastila: berza o col (pati sa ibang mga bansang nagsasalita ng Espanyol; Galego: verza) ay ang sari-saring mga kultibar na may maluluwag na mga dahon ng Brassica oleracea (Pangkat Acephala), ang kaparehong mga uri na pinagmulan ng repolyo at ng brokoli. Pinatutubo ang mga halamang ito dahil sa angkin nitong malalaki, maiitim, at nakakaing mga dahon. Pangunahing ginagamit din itong palamuting halaman sa mga halamanan sa Brasil (tinatawag doon na couve), Portugal (kilala bilang couve-galega), Katimugang Estados Unidos, maraming mga bahagi ng Aprika, Montenegro (kilala bilang Raštan), Espanya, at sa Kashmir (kilala bilang haak). Tinatawag itong kovi o kobi sa Kabo Berde. Nagmula ang pangalan nito sa Ingles na collard mula sa Angglo-Saksong colewort o colewyrt na may ibig sabihing ("halamang repolyo"). Kinaklasipika ang mga ito sa katulad na pangkat ng mga kultibar ng mga kale at mga lunti ng tagsibol.

Brassica oleracea

Ang Brassica oleracea ay maaaring tumukoy sa:

Repolyo, (Brassica oleracea Linne, pangkat Capitata)

Koliplor, (Brassica oleracea var. botrytis)

Brokoli, (Brassica oleracea italica)

Usbong ng bruselas, (Brassica oleracea, pangkat Gemmifera)

Koleng lunti, (Brassica oleracea convar. acephala var. sabellica)

Bersa, (Brassica oleracea, pangkat Acephala)

Lunti ng tagsibol, isang kultibar ng Brassica oleracea sa pangkat ng Acephala.

Brassicaceae

Ang Brassicaceae o Cruciferae ay isang medium-sized at mahalaga sa ekonomiya na pamilya ng mga namumulaklak na halaman na karaniwang kilala bilang mustasa, crucifers, o pamilya ng repolyo.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Brokoli

Ang brokoli o Brassica oleracea italica (Ingles: broccoli, mula sa pangmaramihan ng salitang Italyanong broccolo, na tumutukoy sa "ang namumulaklak na tuktok ng isang repolyo") ay isang halaman mula sa pamilya ng mga repolyo na Brassicaceae (dating Cruciferae). Isa itong uri ng koliplor na nagsasanga ng mga lunting kumpol.

Dak galbi

Ang dak galbi ay isang sikat na lutuin sa Timog Korea na karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng paggisa ng inatsarang dais na manok sa isang sawsawan na tawag na gochujang (pastang gawa sa sili) na batayang sarsa, at hiniwang repolyo, obi, scallion, sibuyas at tteok sama-sama sa isang mainit na pinggan. Ito ay isang lokal na espesyalidad ng pagkain para sa mga lungsod ng Chuncheon, sa lalawigan ng Gangwon-do ng Timog Korea na kung saan nagmula ito. Dahil sa kanyang pinagmulan, ang luto na ito ay tinatawag din na dak galbi ng Chuncheon.

Eudicots

Ang mga Eudicot, Eudicota, Eudicotidae o mga Eudicotyledon ay isang monopiletikong panlupang (klade o ebolusyonaryong magkakaugnay na pangkat) ng mga halamang namumulaklak na tinawag na mga tricolpate o mga "hindi magnoliid na mga dicot" ng dating mga may-akda. Ang mga katagang pambotanika ay ipinakilala noong 1991 ng ebolusyonaryong botanistang si James A. Doyle at ng paleobotanistang si Carol L. Hotton upang bigyan ng diin ang lumaong pagkakaiba-iba o kasamu't sariang pang-ebolusyon ng mga dikotang trikolpado (mga tricolpate dicot) magmula sa mas maagang hindi gaanong espesyalisadong mga dikota. Ang malapit na pagkakaugnay ng mga halamang namumulaklak sa piling ng mga butil o grano ng mga bulo ng bulaklak (mga pollen) na trikolpado ay unang nakita sa mga pag-aaral na pangmorpolohiya ng pinagsasaluhang mga katangiang nahango. Ang mga halamang ito ay mayroong bukod-tanging katangian sa kanilang mga butil ng bulo na nagtatanghal ng tatlong mga colpi o mga uka na pumapantay sa aksis (palaikutan) na pampolo (polar). Ang dumating pagdaka na mga katibayang pangmolekula ang tumiyak sa batayang henetiko para sa mga ugnayang pang-ebolusyon sa piling ng namumulaklak na mga halaman na mayroong mga grano ng bulong trikolpado at mga katangiang dikotiledanoso. Ang kataga ay mayroong kahulugan na "tunay na mga dikotiledon" dahil laman nito ang karamihan sa mga halaman na itinuturing bilang mga dikota at mayroong mga katangian ng mga dikota. Sa pagdka, ang katagang "eudikota" ay malawakang inampon o ginamit sa botanika upang tukuyin ang isa sa dalawang mga malalaking mga klade ng mga angiosperma (na binubuo ng mahigit sa 70% mga espesye), na ang isa pa ay ang mga monokota. Ang natitira pang mga angiosperma ay paminsan-minsang tinutukoy bilang mga angiospermang basal (mga angiospermang batayan) o mga paleodikota, subalit ang mga katagang ito ay hindi malawakan o hindi palagiang ginagamit dahil hindi tumutukoy ang mga ito sa isang pangkat na monopiletiko.

Ang isa pang pangalan para sa mga eudikota ay bilang mga tricolpate (mga trikolpado), isang pangalan na tumutukoy sa mga kayariang mayroong uka ng mga bulo ng bulaklak. Ang mga kasapi sa pangkat ay mayroong mga pollen na trikolpado, o mga porma o anyo na hinango magmula rito. Ang mga bulo na ito ay mayroong tatlo o mas marami pang mga napakaliliit na mga butas na nakahanay sa loob ng mga tudling o mga kulubot na tinatawag na mga colpi. Sa kabaligtaran, karamihan sa iba pang mga halamang may buto (iyong mga gymnosperm, ang mga monocot at ang mga paleodicot) ay gumagawa ng mga bulo na monosulkado (monosulcate), na mayroong nag-iisang maliit na butas na nakatalaga na kakaiba ang pagharap ng uka na tinatawag bilang sulcus. Ang pangalang tricolpate ay mas ninanais ng ilang mga botaniko upang maiwasan ang kalituhan sa piling ng mga dikota, na isang pangkat na hindi monopiletiko (Judd & Olmstead 2004).

Maraming mga halamang pangkaraniwan na eudikota, kabilang na ang mararaming mga pangkaraniwang halaman, mga puno, at mga ornamental (pampalamuti) na nakakain. Ang ilan sa mga pangkaraniwan at madaling makilalang mga eudikota ay kinabibilangan ng mga miyembro ng mag-anak ng mirasol (pamilya ng mga sunflower), katulad ng pangkaraniwang dandelion, ng halamang kung tawagin ay huwag mo akong kalimutan (o huwag mo akong limutin), ng repolyo at iba pang mga kasapi sa mag-anak nito, ng mansanas, ng "kopa ng mantekilya", ng maple at ng macadamia. Ang karamihan sa mga punong madahon na nasa mga pook na nasa panggitnang mga latitud ng mundo ay kasali rin sa mga eudikota, na mayroong natatanging mga hindi isinasali na katulad ng mga magnolia, at ng Ginkgo biloba na hindi naman talaga isang angiosperma.

Ang pangalang "eudicots" (maramihan ng "eudicot" sa wikang Ingles) ay ginagamit sa sistemang APG ng 1998, at sa sistemang APG II ng 2003, para sa klasipikasyon ng mga angiosperm. Inilalapat ito sa isang clade, isang pangkat na monopiletiko, na kinasasamahan ng karamihan sa mga (dating) mga dikota.

Hentai

Ang Hentai (変態 or へんたい) pakinggan ay salitang Nihonggo na nangangahulugang "pagbabago" o "taliwas sa karaniwan" na ginagamit sa biyolohiya na pang-tukoy sa metamorposis. Bagaman, sa kolokyal na gamit, tumutukoy ito sa mga "pagiging mahalay" at ginagamit sa labas ng bansang Hapon at sa kalakha ng mga Kanluraning bansa at sa mga bansang nagsasalita ng wikang Ingles bilang tumutukoy sa anime, manga, mga larong pang-kompyuter, na may hayag na sekswal o pornograpikong nilalaman.

Sa Hapon, ang salitang Hentai ay isang Kanji na tinatambalan ng 変 (hen kahulugan "kaibahan" "kalituhan" o "iba") at 態 (tai kahulugan "pag-uugali" o "panlabas"). Sa salitang balbal, ang 変 态 (Hentai) ay ginagamit bilang isang ma-insultong kahulugan na tinatayang "masamang tao" o "wirdi". Ang kataga ay hindi madalas na ginagamit sa pornograpiya sa Hapon. Sa halip, ang mga kataga tulad ng 18-kin (18禁, literal "18-prohibited") na ibig sabihin ay "ipinagbabawal sa mga hindi pa 18 taong gulang", at seijin manga (成人漫画"adult manga") ay ginagamit kapag tumutukoy sa pornograpiya. Ang mga titik Ingles AV ay ginagamit din, na nakatayo para sa mga matatandang palabas.

Kangkong

Ang kangkong (Ipomoea aquatica) ay isang halamang nabubuhay sa lupa at matubig na lugar at ginagamit bilang madahong gulay. Hindi alam ang tumpak na kalawakan ng sakop ng pagpapalawig nito dahil sa kadalian sa pagpapatubo nito. Karaniwan itong nagmumula sa mga maiinit na pook ng mundo. Kabilang sa mga karaniwang-ngalan nito sa wikang Ingles ang water spinach, swamp cabbage, water convolvulus, water morning-glory. Iba pang karaniwang pangalan ang kangkung (wikang Malay), tangkong (wikang Cebuano), kang kung (wikang Sinhales), trawkoon (wikang Khmer), pak boong (wikang Thai:ผักบุ้ง), rau muống (wikang Biyetnames), kongxincai (wikang Intsik: 空心菜 o kōngxīncài na may kahulugang "gulay na walang laman ang puso"), home sum choy (wikang Hakka), ong choy (wikang Kantones: ngônkcôi). Kung minsan, natatawag din itong Asian watercress sa Ingles, ngunit mali ang katawagang ito sapagkat kabilang ang mga watercress sa Nasturtium. Hindi kapamilya ng mga Ipomoea (mga kangkong) ang mga Nasturtium bagaman namumuhay sila sa mga katangian ng lugar na kinalalakhan at kinababagayan ng mga kangkong).

Nabubuhay ang kangkong sa tubig o basang lupa. May 2–3 mga metro o mahigit na haba ang katawan nitong walang laman, na nagiging dahilan ng paglutang, at naguugat ito sa mga singit-ugpungan. Maaaring sagittate (karaniwan) o lanceolate ang mga dahon nito na may habang 5–15 sentimetro at luwang na 2–8 sentimetro. May hugis trompeta ang mga bulaklak na may diyametrong 3–5 mga sentimetro, at karaniwang puti ang kulay.

Kimtsi

Ang kimtsi, binabaybay na kimchi, gimchi, kimchee, o kim chee sa Ingles, ay isang pagkaing itinuturing na pampalusog sa Korea. Mahalaga ang paglalagay ng pampalasa rito. Maaari itong gawin na may sari-saring mga uri ng mga gulay, ngunit mas pangkaraniwan ang repolyo at labanos. Binuburo ang mga gulay sa inasnang tubig at hinuhugasan pagkaraan. Pagkaraang matanggal ang tubig, nilalagyan ng mga pampalasa ang mga gulay. Mababa sa kaloriya at kolesterol ang kimtsi, at may mataas na antas ng hibla o pibra. Kung ihahambing sa mansanas, mas mataas ang bilang ng mga bitamina ng kimtsi.

Kobi

Ang kobi ay maaaring tumukoy sa:

Tawag sa Kabo Berde para sa bersa, isang gulay na kapamilya ng repolyo.

Kobi Vidanes, isang artista sa Pilipinas.

Koli (paglilinaw)

Ang koli, kole, koles, kale, at kales, ay maaaring tumukoy sa o kinabibilangan ng mga sumusunod:

Repolyo, (Brassica oleracea Linne, pangkat Capitata)

Koliplor, (Brassica oleracea]] var. botrytis)

Brokoli, (Brassica oleracea italica)

Usbong ng bruselas, (Brassica oleracea, pangkat Gemmifera)

Koleng lunti, (Brassica oleracea convar. acephala var. sabellica)

Bersa, (Brassica oleracea, pangkat Acephala)

Lunti ng tagsibol, isang kultibar ng Brassica oleracea sa pangkat ng Acephala.

Koliplor

Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Koli (paglilinaw), Kole (paglilinaw), Koles (paglilinaw), Kale (paglilinaw), at Kales (paglilinaw).Ang koli, koles, kales, koliplor, o kaliplawer (Ingles: cauliflower, Kastila: coliflor), may pangalang pang-agham na Brassica oleracea var. botrytis, ay isa sa ilang mga gulay na nasa loob ng uring Brassica oleracea, sa pamilyang Brassicaceae. Isa itong uri ng repolyong nakakain ang puting mga ulo ng mga bulaklak. Mabuting pagkaing pangkalusugan ang koliplor, na maaaring kainin ng luto, hilaw, o binuro.

Nakuha ang pangalan nito mula sa Latin na caulis ("repolyo") at bulaklak, na isang pagkilala sa hindi pangkaraniwang lugar nito sa piling ng mga pagkaing halamang karaniwang nagbibigay lamang ng lunting dahong madadahong nakakain. Bukod sa repolyo, kabilang pa rin sa Brassica oleracea ang kole ng brusela (usbong ng brusela), mga kaleng tinatawag na koleng lunti (Brassica oleracea convar. acephala var. sabellica), brokoli at bersa, bagaman magkakaiba ang kanilang kapangkatang kultibar.

Lutuing Kastila

Ang lutuing Kastila ay kinabibilangan ng sari-saring mga pagkaing nagmula sa iba't ibang bahagi ng Ispanya. Kilala ito sa paggamit ng mga sangkap na nagmula sa mga dating kolonya nito. Ito ang isa sa mga naging batayan ng kasalukuyang lutuing Pilipino, partikular na sa pamamaraan ng pagluto.

Marami sa mga gulay na ginagamit sa lutuing Kastila ay idinala mula sa Kaamerikahan ng mga Kastilang manunuklas noong ika-15 at ika-16 dantaon. Sa kasalukuyan, ang mga gulay tulad ng kamatis, sili, patatas, at Cucurbita pepo ay malakas na nauugnay hindi lamang sa lutuing Kastila kundi pati man sa kabuuan ng lutuing Mediterano. Ilan pa sa mga gulay na madalas na ginagamit ay ang sibuyas, bawang, isparago, talong, ispinaka, repolyo, pepino, alkawsil, letsugas, at kabute.

Ang València ang pinagmulan ng paelya, isa sa mga pangunahing kasapi ng lutuing Pilipino.

Mustasa

Ang mustasa (Ingles: mustard o mustard greens; Kastila: mostaza) ay isang uri ng gulay. Katangian nito ang pagkakaroon ng mga malalapad at madililim na dahon at mga mapanglaw ngunit lunti ring mga sanga. Karaniwan din itong ginagawang dilawin na panimplang sarsa para sa mga hotdog.

Pangunahing pinanggagalingan ang mga buto ng ilang mga uri ng mustasa ng langis o mantika at mga sarsa. Partikular na nagmumula ang ganitong mga buto sa mga matataas na mga halamang mustasang may mabubuhok na mga dahon, maiikling mga likbit (sisidlan ng mga buto), at dilaw na mga bulaklak.Nagbubuhat naman sa ilang mga uri ng mustasang may mga dahong kamukha ng repolyo ang mga pagkaing lunting gulay.Kabilang ang mustasa sa pangkat na kinasasamahan ng puting singkamas, repolyo, kaliplawer. Dating katutubo ang mga mustasa sa Matandang Mundo ngunit isa nang pangkaraniwang halamang pinararami at inaalagahan sa lahat ng bahagi ng mundo.

Pesa

Ang pesa ay isang putahe o paglulutong Pilipinong may sabaw kung saan ang isda o manok ay niluluto na may luya, repolyo, petsay, sibuyas at iba pang gulay, na ang sawsawan ay sarsa ng miso.

Petsay

Ang petsay o pechay ay ang tinatawag na Chinese cabbage sa Ingles na nangangahulugan "repolyong Intsik", na may madidilim na luntiang dahon at mga malalapad na mapuputing tangkay. Karaniwang namumunga ito ng mga dilaw na bulaklak. Tinatawag din itong bok tsoy.

Rutabaga

Ang rutabaga, dilaw na singkamas, dilaw na turnip, Suwekong singkamas, singkamas ng Suwesya, o Suwekong turnip, turnip ng Suwesya (Ingles: swede, mula sa Swedish turnip, rutabaga, o yellow turnip; Kastila: nabicol, navicol, o colinabo), may pangalan sa agham na Brassica napobrassica o Brassica napus var. napobrassica, ay isang gulay na ugat na nagmula sa pagsasanib ng repolyo at ng puting singkamas. Maaari ring kainin ang mga dahon nito bilang dahong-gulay. Tinatawag din itong nabikol at kolinabo.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Shabu-shabu

Ang shabu-shabu (しゃぶしゃぶ, , na binabaybay din bilang shyabu-shyabu) ay isang lutuing Hapones na nagtatampok ng maninipis na mga hiwa ng mga karne na pinakuluan sa tubig. Ang kataga ay isang onomatopœia, na hinango mula sa tunog na nalilikha kapag ang mga sahog ay hinahalo sa loob ng isang palayok na lutuan. Ang pagkaing ito ay may kaugnayan sa estilo ng sukiyaki: kapwa sila nalalahukan ng maninipis na hiwa ng mga karne at mga gulay at inihahain na mayroong mga sawsawan. Subalit, ang Shabu-shabu ay itinuturing na mas malasa at hindi gaanong matamis kaysa sa sukiyaki.

Ang Shabu-shabu ay isang bersiyon ng tinatawag sa Ingles bilang hot pot o "mainit na palayok", na karaniwang tinatambalan ng mga sawsawan na mayroong ponzu (sarsang may limon, kalamansi, narangha o iba pang bungang citrus) at/o sarsa na gawa sa mga buto ng sesame (tinatawag na goma sa wikang Hapones). Ang uri ng mga karneng ginagamit ay baka, baboy. Ang uri ng mga gulay ay hakusai

(puting repolyo ng Hapon), shungiku, kabuting enoki ng Hapon, at mga sibuyas na Welsh. Sa kasalukuyan, marami nang mga uri ng shabu-shabu. Bilang dagdag sa karne, gumagamit din ng mga pagkaing-dagat na katulad ng isdang lumolobo (kilala sa Ingles bilang pufferfish, blowfish o globefish), pugita at alimasag. Itinuturing ang shabu-shabu bilang isang lutuing pangtaglamig, subalit sadyang kinakain sa buong taon.

Maraming mga uri ng shabu-shabu sa ngayon. Sa Hokkaido ay mayroong "Takosyabu" na isang shabu-shabu na gumagamit ng pugita. Sa Nagoya, naroon ang "Torisyabu" na gumagamit ng "Nagoyacotin". Sa Toyama, mayroong "Sakesyabu" na gumagamit ng isdang salmon. Sa Kagoshima, naroon ang "Kurobutashabu" na gumagamit ng "itim na baboy ng Kagoshima.

Wasabi

Ang Wasabi (わさび(山葵), originally 和佐比; Wasabia japonica o Eutrema japonica), ay isang kasapi ng pamilyang Brassicaceae, na kinabibilangan ng mga repolyo, malunggay (kamunggay o kalamunggay, ang horseradish na literal na "labanos-kabayo"), at halamang mustasa. Tinatawag din itong Japanese horseradish sa Ingles (literal na "Hapones na labanos-kabayo"), bagaman ang "horseradish" ay naiibang halaman (na madalas na ginagamit upang pamalit para sa wasabi). Ang ugat nito ay ginagamit bilang isang kondimento at mayroong isang napakatapang na lasa. Ang kainitan nito ay mas kahalintulad ng sa isang mainit na panimpla o sawsawang mustasa kaysa sa capsaicin na nasa loob ng isang sili, na lumilikha ng mga singaw na nakakaengganya sa mga butas ng ilong kaysa sa dila. Ang halaman ay likas na tumutubo sa mga tanimang masapa na nasa loob ng mga lambak na mailog sa bulubundukin ng Hapon. Ang dalawang pangunahing mga cultivar na nasa pamilihan ay ang W. japonica 'Daruma' at 'Mazuma', subalit maraming pang iba.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.