Pulo ng Wight

Ang Pulo ng Wight (Ingles: Isle of Wight) ay isang kondado at ang pinakamalaking pulo ng bansang Inglatera, na matatagpuan sa Bambang ng Inglatera, 5-8 kilometro mula sa timog ng kondado ng Hampshire, at pinaghihiwalay ng isang kipot na tinatawag na Solent.[1] Ang pulong ito ay bantog sa likas na kagandahan, sa paglalayag na nanggagaling sa lungsod ng Cowes, at sa mga pahingahan na pinupuntahan ng mga tao noong pang panahong Biktoryana.

Isle of Wight UK locator map 2010
Kinalalagyan ng Pulo ng Wight (pula) sa Inglatera
Flag of the Isle of Wight
Watawat ng Pulo of Wight

Talasanggunian

  1. Isle_of_Wight (sa Ingles)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kabayo-kabayohan

Ang kabayo-kabayohan (Ingles: seahorse) ay isang uri ng isdang kamukha ng kabayong panlupa. Kabilang ito sa sari ng mga Hippocampus na kasama sa mga pamilya ng mga Syngnathidae, na kinabibilangan din ng mga isdang-tubo at mga madahong dragong-dagat. Matatagpuan ang mga kabayo-kabayohan sa mga tropikal at subtropikal na mga dalampasigan at mga anyon ng tubig na mabato at mabuhangin (reef) sa kabuuan ng mga karagatan ng Pasipiko, Atlantiko at Indiya.

Ang mga may-gulang na mga kabayo-kabayohan ay karaniwang may habang 13.3 mm (0.52 pulgada) mula ulo-hanggang-buntot, katulad ng bagong-tuklas lamang na Hippocampus denise, hanggang 35 sm [cm] (13.78 pulgada). Ang mga kabayo-kabayohan at mga isdang-tubo ay natatangi sa pagiging kaisa-isang sari kung saan ang mga lalaki ang nagbubuntis.May panlikod na palikpik ang kabayo-kabayohan na nalagay sa ibabang bahagi ng katawan at mga palikpik sa may harapan ng dibdib na nakalagay sa may ulunan malapit sa mga hasang.

Ang mga dragong-dagat ay malapit na kamag-anak ng mga kabayo-kabayohan ngunit mayroong mas malalaking mga katawan at parang mga dahong mga tangkay o sanga na nakatutulong sa pagkukubli sa mga lumulutang na mga halamang dagat o himlayan ng mga kelp. Kumakain ang mga kabayo-kabayohan at mga dragong-dagat ng mga maliliit at mala-uod na mga isda (mga punla) at ng mga ampipoda, katulad ng mga maliliit at mala-hipong krustasyano na kung tawagin ay mga mysid (oppossum shrimp, hipong oposum). Hinihigop nila ang kanilang mga pagkain sa pamamagitan ng mga maliliit na bibig. Ang karamihan sa mga ampipodang ito ay kumakain ng mga pulang alga na namumuhay sa mga lilim ng mga kagubatan ng mga kelp kung saan naninirahan ang mga dragong-dagat.

Kapuluang Britaniko

Ang Kapuluang Britaniko (Ingles: British Isles) ay isang kapuluang matatagpuan sa hilagang-kanluraning baybayin ng lupain ng Europa na binubuo ng malalaking pulo ng Gran Britanya at ng Irlanda, at ng higit pa sa anim na libong maliliit na pulo.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.