Pula

Para sa ibang gamit, tingnan ang Pula (paglilinaw).


Ang pula ay isang uri ng kulay sa dulo ng nakikitang spectrum ng liwanag , sa tabi ng orange at sa tapat na bayolet . Ito ay may isang nangingibabaw na wavelength ng humigit-kumulang na 625-740 nanometers .  Ito ay isang pangunahing kulay sa modelo ng kulay RGB at ang kulay ng CMYK modelo , at ang komplimentaryong kulay ng cyan . Ang mga Red ay mula sa makikinang na kulay-dilaw na kulay at iskarlata hanggang sa mala-bughaw-pula na pulang- pula , at nag-iiba sa lilim mula sa maputlang pulang kulay - rosas hanggang sa madilim na pulang burgundy .  Ang pulang kalangitan sa paglubog ng araw ay nagreresulta mula sa scattering ng Rayleigh , habang ang pulang kulay ng Grand Canyon at iba pang mga tampok na geological ay sanhi ng hematite o pulang okre , parehong anyo ng iron oxide . Ang iron oxide ay nagbibigay din ng pulang kulay sa planeta Mars . Ang pulang kulay ng dugo ay nagmumula sa protina na hemoglobin , habang hinog na mga strawberry , pulang mansanas at mapula ang mga dahon ng taglagas ay kulay ng mga anthocyanin .

Pula
About these coordinatesAbout these coordinates
— Color coordinates —
Hex triplet #FF0000
sRGBB (r, g, b) (255, 0, 0)
HSV (h, s, v) (0°, 100%, 100%)
Source X11[1]
B: Normalized to [0–255] (byte)
Red Red
Ang kulay na pula.

Klase ng pula

Iskarlata

Iskarlata (Scarlet) #FF2000/255,32,0

Pulang Persa (Persian)

Pulang Persa (Persian) (Persian red) #CC3333/204,51,51

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. W3C TR CSS3 Color Module, SVG color keywords



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Araw (astronomiya)

Ang araw ay ang tala na nasa gitna ng sangkaarawan. Sa ating sangkaarawan, ang araw ay nag-iisang tala na nasa gitna ng walong buntalang nagsisilibot dito, kasama na sa mga lumilibot ay ang Daigdig. Kasama sa walong buntalang nagsisilibot sa araw ay ang iba pang mga bagay, tulad ng mga makabuntala, kometa, at alikabok.

Hidroheno, helyo, at mga bakas ng iilang mga bagay tulad ng bakal, nikel, oksiheno, silikon, asupre, magnesiyo, neon, kalsiyo, at kromyo. Ang araw ay mayroong init na 5780K, na nagbibigay rito ng puting kulay, na kadalasang nakikitang dilaw mula sa Daigdig dahil sa paghihiwalay sa himpapawid, na siyang nagbabawas mula sa mga maiigsing liboyhaba ng ilaw, tulad ng bughaw at lila, na nag-iiwan ng mga frequency na nakikita ng mata bilang dilaw. Itong paghihiwalay na ito ang nagbibigay sa kalawakan ng bughaw nitong kulay. Kapag ang araw ay mababa sa kalawakan,tulad na lang tuwing bukangliwayway at takipsilim, mas marami pang ilaw ang napaghihiwalay, kaya ang kalawaka'y nagmumukhang pula o kulay kahel

Ang enerhiyang mula sa araw sa anyong ilaw at init ang siyang nagpapatakbo ng photosynthesis na siyang nagpatatakbo ng buhay sa Daigdig, at siyang nagpapatakbo ng panahon at mga klima sa naturang buntala.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Bebiankh

Si Seuserenre Bebiankh ay isang katutubong Ehipsiyong paraon ng ika-16 dinastiyang Theban ng Ehipto. Siya ay naghari ng 12 taon ayon sa Kanon na Turin. Si Seuserenre ay pangunahing alam sa isang stelang natagpuan sa Gebel Zeit na nagpapatunay ng isang gawaing pagmimina na isinagawa sa lugar na ito sa tabi ng dagat pula sa kanyang paghahari at nag-iingat ng kanyang maharlikang nomen na Bebiankh. Siya ay kilala rin na nagtayo ng ekstensiyon ng Templo ng Medamud.

Dagat Pula

Ang Dagat Pula (Ingles: Red Sea) ay unang tumukoy sa serye o sunud-sunod na mga lawa at latiang nasa pagitan ng ulo ng Golpo ng Suez at ng Mediteraneo, ang rehiyong malawakang itinuturing bilang pook o sityo ng mga kaganapan nilalarawan sa kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo ng Lumang Tipan sa Bibliya. Ginamit din ito dati bilang designasyon o katawagan para sa mismong Golpo ng Suez, at maging para sa Golpo ng Aqaba.Isa ang Dagat Pula sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay— ang iba pa ay ang Dagat Itim, ang Dagat Puti, at ang Dagat Dilaw.

Den (paraon)

Si Den na kilala rin bilang Hor-Den, Dewen at Udimu ang pangalang Horus ng isang paraon na namuno sa Unang dinastiya ng Ehipto. Siya ang pinaka-pinatutunayang pinuno ng panahong ito. Siya ay sinasabing nagdala ng kasaganaan sa kanyang nasasakupan at ang maraming mga inobasyon ay itinuturo sa kanyang paghahari. Siya ang unang gumamit ng titulong "Hari ng Mababa at Itaas na Ehipto" at ang una na inilalarawan na nagsuot ng dobleng korona(pula at puti). Ang sahig ng kanyang libingan sa Umm el-Qa'ab malapit sa Abydos ay gawa sa pula at itim na granito na unang pagkakataon sa Ehipto na ang matigas na batong ito ay ginamit na pantayong materyal. Sa panahon ng kanyang mahabang paghahari, kanyang itinatag ang mga pattern ng korteng ritwal at pang-hari na ginamit ng mga kalaunang pinuno.

Djibouti

Para sa ibang gamit, tingnan Djibouti (paglilinaw).Ang Djibouti (bigkas: /ji•bú•ti/; Arabe: جيبوتي‎ Jībūtī, Pranses: Djibouti, Somali: Jabuuti, Afar: Gabuuti), opisyal Republika ng Djibouti, ay isang bansa na matatagpuan sa Horn of Africa. Ito ay napapaligiran ng Eritrea sa hilaga, Ethiopia sa kanluran at timog, at Somalia sa timog-silangan. Ang natitirang bahagi ay napapaligiran ng Dagat Pula at ang Golpo ng Aden sa silangan. Ang Djibouti sumasakop ng 23,200 km2 (8,958 mi kuw).

Noong unang panahon, ang teritoryo ay bahagi ng Lupain ng Punt. Ang kalapit na Zeila (na ngayon ay nasa Somalia) ay ang kabesera ng medyebal na sulatanong Adal at Ifat. Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang mga kolonyang French Somaliland ay itinatag kasunod ng nga pinirmahang kasunduan (treaty) ng mga sultang Somali at Afar sa mga Pranses at ang riles ng tren nito na papuntang Dire Dawa (sumunod ang Addis Ababa) ang naging dahilan upang masapawan ang Zeila bilang daungan sa Ethiopia at ng Ogaden. Pinangalanan itong French Territory of the Afars and the Issas (lit. Teritoryong Pranses ng mga Afar at Issa) noong 1967. Pagkatapos ng isang dekada, bumoto ang mga taga-Djibouti para sa pagsasarili. Ito ang tanda ng pagkakatatag ng Republika ng Djibouti na ipinangalan sa kabiserang lungsod. Lumahok ang Djibouti sa United Nations sa taon ding iyon, noong 20 Setyembre 1977. Sa unang bahagi ng dekada 1990, tensiyon sa representasyon sa pamahaan ay humantong sa armadong bakbakan, na nagtapos sa isang kasunduan sa pagbabahagi ng kapangyarihan ng namumunong partido at ng oposisyon noong 2000.Ang Djibouti ay isang multietnikong bansa na may populasyong higit sa 828,324. Ang Arabic at Pranses ang bumubuo sa dalawang opisyal na wika ng bansa. Mga 94% ng mga residente ay tagasunod ng Islam, ang relihiyong nangingibabaw sa rehiyon nang higit sa 1,000 taon. Ang Somali Issa at Afar ang bumubuo sa dalawang pinakamalaking pangkat-etniko. Ang mga ito kapuwa nagsasalita ng mga wikang Afroasiatic, na kinikilalang mga pambansang wika.

Ang Djibouti ay estratehikong matatagpuan malapit sa mga pinakaabalang shipping lane ng daigdig, na nagkokontrol ng daanan sa Dagat Pula at Karagatang Indian. Ito ay nagsisilbi bilang pangunahing sentro ng refueling at transshipment, at ito ay ang pangunahing daungang pandagat para sa pag-import papunta at pag-export ng kalapit na Ethiopia. Ito ay isang lumalagong sentro ng kalakalan; matatagpuan sa bansa ang iba't-ibang dayuhang base militar, kabilang ang Camp Lemonnier. Ang Intergovernmental Authority on Development (IGAD) na isang regional body na may punong-himpilan sa Djibouti City.

Ehipto

Ang Republikang Arabo ng Ehipto, (Arabo: جمهوريّة مصرالعربيّة, Ǧumhuriyat Misr al-ˁArabiyah; internasyunal: Arab Republic of Egypt) karaniwang kilala bilang Ehipto (Arabo: مصر, Misr o Masr sa dyalektong Ehipsiyo; internasyonal: Egypt), ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang Asya.

May sukat na 1,020,000 km², hinahanggan ang Egypt ng Libya sa kanluran, Dagat Mediterraneo sa hilaga, Israel sa hilagang-silangan, Dagat Pula sa silangan, at Sudan sa timog.

Ang Ehipto ang pinaka-mataong bansa sa Aprika at sa Gitnang Silangan. Nakatira ang karamihan ng mga 76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa pampang nga Ilog Nile (mga 40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang lupang agrikultural na maaaring mapagtatamnan ng halaman. Ang disyerto ng Sahara ang malalaking bahagi ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. Sa kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria.

Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyang sinaunang kabihasnan at ilang sa mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang ang Mga Piramide ng Giza, ang Templo ng Karnak at ang Lambak ng mga Hari; naglalaman ang katimogang lungsod ng Luxor ng isang malaking bilang ng mga lumang artifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang pangunahing politikal at kultural na sentro ng Arabo at Gitnang Silangang mga rehiyon.

Eritrea

Tungkol sa bansa sa Aprika ang artikulong ito. Para sa Griyegong lungsod, tingnan Eretria.

Ang Estado ng Eritrea, (internasyunal: State of Eritrea, mula sa Italyanong anyo ng Griyegong pangalang ΕΡΥΘΡΑΙΑ [Erythraîa; tingnan din Talaan ng mga tradisyunal na mga Griyegong lugar], na hinango mula sa Griyegong pangalan para sa Dagat Pula) ay isang bansa sa hilaga-silangang Aprika. Napapaligiran ito ng Sudan sa kanluran, Ethiopia sa timog, at Djibouti sa timog-silangan. Mayroong mahabang pampang sa Dagat Pula ang silangan at hilaga-silangan bahagi nito. Naging malaya noong Mayo 24, 1993 mula sa Ethiopia, ang bansang ito ang isa sa pinakabatang estadong malaya.

Hatshepsut

Si Hatshepsut o Hatchepsut ay isang reyna ng Ehiptong namuno sa Ehipto mula 1503 BK hanggang 1482, na naging isa sa dalawang mga pinakatanyag na mga pinunong Ehipsiyong nagpadala ng ekspedisyong pangkalakalan sa Lupain ng Punt na nasa baybayin ng Dagat na Pula. Si Haring Mentohotep III ang isa pa.

Hayreddin Barbarossa

Si Hayreddin Barbarossa, o Barbarossa Hayreddin Pasha (Turko: Barbaros Hayreddin (Hayrettin) Paşa o Hızır Hayreddin (Hayrettin) Paşa; na nakikilala rin bilang Hızır Reis bago iangat sa ranggong Pasha at naging Kapudan-ı Derya. Ipinanganak siya bilang Khizr o Khidr, Turko: Hızır; c. 1478 – 4 Hulyo 1546), ay isang almirante ng pulutong ng Imperyong Ottomano na ipinanganak sa pulo ng Lesbos at namatay sa Constantinople, ang kabiserang Ottomano. Ang mga tagumpay na panghukbong-dagat ni Barbarossa ang nakapagtiyak ng pangingibabaw ng mga Ottomano sa Mediteraneo noong kalagitnaan ng ika-16 daantaon, mula sa Labanan ng Preveza noong 1538 hanggang sa Labanan ng Lepanto noong 1571.

Ang "Hayreddin" (Arabe: Khair ad-Din خير الدين, na may literal na kahulugang "kabutihan" o "pinakamahusay ng relihiyon" ng Islam) ay isang pangalang pamparangal na ibinigay sa kaniya ni Sultan Suleiman ang Magnipiko. Nakilala siya bilang "Barbarossa" ("Pulang Balbas" sa Italyano) sa Europa, isang pangalang namana niya mula sa nakatatanda niyang kapatid na lalaking si Baba Oruç (Amang Aruj) pagkaraang mapatay si Aruj sa isang pakikipaglaban sa mga Kastila sa Alheriya. Ang pangalang ito ay parang katunog ng "Barbarossa" ("Pulang Balbas") para sa mga Europeo, at si Aruj ay mayroong ngang isang balbas na kulay pula. Nadikit din ang bansag na ito sa pangalang Turko ni Hayreddin, na nasa anyong Barbaros. Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kaharian ng Dalawang Sicilia

Ang Kaharian ng Dalawang Sicilia (Ingles: Kingdom of the Two Sicilies, Italyano: Regno delle Due Sicilie) ay ang naging pinakamalaki sa mga estadong Itlayano bago ang pag-iisa ng Italya. Nabuo ito dahil sa pag-iisa ng Kaharian ng Sicilia at ng Kaharian ng Naples noong 1816 at nagtagal hanggang 1860, noong isanib ito ng Kaharian ng Sardinia, na naging Kaharian ng Italya noong 1861. Nilikha ito ni Ferdinand I ng Dalawang Italya, pagkaraan ng Konggreso ng Vienna, at pinamunuan ni Joseph Bonaparte noong kapanahunan ni Napoleon Bonaparte. Ang kabisera ng Dalawang Sicilia ay nasa Naples at karaniwang tinutukoy bilang "Kaharian ng Naples". Ang Katolisismong Romano ang relihiyon ng estado. Ang Kabahayan ng Bourbon ang namumunong dinastiya. Noong 1861, nabihag ni Giuseppe Garabaldi at ng kaniyang mga tauhan, na nakikilala bilang "mga kamisetang pula", ang Sicilia at pagkaraan ay tumawid sa Kipot ng Messina at nabihag naman nila ang Naples. Pagkaraan ay sumali na ito sa Kaharian ng Italya. Ang kaharian ay umaabot magpahanggang sa Mezzogiorno (ang katimugang bahagi ng punong-lupain ng Italya) at sa pulo ng Sicilia. Itinala ni Lancaster na ang integrasyon (pagsasama) ng Kaharian ng Dalawang Sicilia sa Kaharian ng Italya ay nakapagpabago sa katayuan ng Naples magpakailanman: "Ang kaaba-abang pagdarahop ay nangangahulugan na sa kabuoan ng Naples at Timog Italya, libu-libong [mga tao] ang nagpasyang lumisan upang maghanap ng isang mas mainam na hinaharap." Marami ang nagpunta sa Estados Unidos. Talagang sakahan ito, katulad ng iba pang mga estadong Italyano; ang simbahan ang nagmamay-ari ng 50–65% ng lupain pagsapit ng 1750.

Kilusang Pandaigdig ng Krus na Pula at Gasuklay na Pula

Ang Kilusang Pandaigdig ng Krus na Pula at Gasuklay na Pula (Ingles: International Red Cross and Red Crescent Movement) ay isang pandaigdigang kilusang humanitaryo na may 97 milyong boluntaryo sa buong mundo kung saan ang kanilang misyon ay ipagsanggalang ang buhay at kalusugan ng tao, na siguraduhin ang respeto para sa tao, at hadlangan at lunasin ang pagdurusang pantao, nang walang diskriminasyon batay sa nasyonalidad, lahi, pananampalataya, klaseng panlipunan o opinyong pampolitika.

Kulay

Ang mga kulay (Ingles: colour (UK) o color (US); Kastila: color) ay mga katangiang bahid ng mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao na maaaring matingkad o mapusyaw. Nanggagaling ang kulay ng kalikasan mula sa sinag ng araw. Pinaghihiwahiwalay ng bahaghari ang lahat ng mga sinag ng araw. Makikita natin sa loob ng bahaghari ang kadalisayan ng bawat kulay.

Mentuhotep III

Si Mentohotep III o Mentuhotep III ay isang hari ng Ehiptong naging isa sa dalawang pinakatanyag na mga pinuno ng Ehiptong nagpadala ng ekspedisyong pangkalakalan sa Lupain ng Punt na nasa baybayin ng Dagat na Pula. Si Reyna Hatshepsut ang isa pa.

Mentuhotep IV

Si Nebtawyre Mentuhotep IV ang huling paraon ng Ikalabingisang Dinastiya ng Ehipto. Tila siya ay nagkakasya sa isang 7 taong panahon sa Kanon na Turin kung saan ay walang naitalang hari at alam mula sa kakaunting mga inkripsiyon na nagtatala ng mga ekspedisyon sa Dagat pula at pagtitibag ng bato para sa mga monumentong maharlika. Tila siya ay isang anak ng kanyang predesesor. Sa kabila ng pagiging wala sa talaan ng mga hari sa Abydos, ang mga inkripsiyon ay nagpapakita ng organisasyon at kabuuan ng isang malaking ekspedisyon. Ang pinuno ng ekspedisong ito sa Wadi Hammamat noong ikalawang taon ng paghahari ni Mentuhotep IV ay ang kanyang vizier na si Amenemhat na ipinagpalagay na hari sa hinaharap na si Amenemhat I na unang hari ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto at agarang kahalili ni Mentuhotep. Pinagpapalagay ng ma Ehiptologo na sinunggaban ni Amenemhet ang trono o umupo sa trono pagkatapos na mamatay ni Mentuhotep IV nang walang anak. Sa kasalukuyan ay walang ebidensiyang arkeolohikal o tekstuwal na nagpapatunay na si Mentuhotep ay inalis sa trono ng kanyang vizier o kanyang pinili si Amenemhat na kanyang kahalili. Ang kanyang mummy o libingan ay hindi natagpuan.

Merkuryo (planeta)

Ang Merkuryo (Ingles: Mercury) ay isang planeta sa sistemang solar. Ito ay ang unang planeta mula sa Araw. Ito ang kasalukuyang pinakamaliit na planeta nang tanggalin ang Pluto sa listahan ng mga planeta noong 2006. Walang atmospera sa Mercury. May pagkakahalintulad ang Mercury sa ating buwan. Marami itong mga craters. Dito matatagpuan ang pinakamalaking crater sa sistemang Solar, ang Caloris Basin. Ang haba ng isang araw doon ay katumbas ng 56.8 na araw sa mundo. Ang planetang ito ay umiikot ng 1 rebolusyon sa loob ng 88 mundong araw. Kulay pula dahil sa kalawang.

Partido Nacionalista

Ang Partido Nacionalista ang pinakamatandang partidong pampolitika ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ito ang partidong namuno sa Pilipinas mula 1935–1944 (sa ilalim ni Manuel L. Quezon), 1944–1946 (sa ilalim ni Sergio Osmeña), 1953–1957 (sa ilalim ni Ramon Magsaysay), 1957–1961 (Sa ilalim ni Carlos P. Garcia), at 1965–1978 (sa ilalim ni Ferdinand Marcos).

Pula, Sardinia

Ang Pula, Sardinia ay isang comune sa lalawigan ng Cagliari sa bansang Italya.

Sudan

Para sa rehiyon na may katulad na pangalan, tingnan Sudan (rehiyon); para sa tina na kulay kahel-pula, tingnan Sudan I.Ang Republika ng Sudan ay ang bansa na may pinakamalaking lupain sa Aprika, matatagpuan sa Hilaga-silangan Aprika. Khartoum ang kapital nito. Napapaligiran ito ng Egypt sa hilaga, ang Dagat Pula sa hilaga-silangan, Eritrea at Etiyopiya sa silangan, Kenya at Uganda sa timog-silangan, Demokratikong Republika ng Congo at Republikang Gitnang-Aprikano sa timog-kanluran, Chad sa kanluran, at Libya sa hilaga-kanluran.

Mga uri ng kulay pula

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.