Parokya

Ang isang parokya ay isang yunit pang-teritoryo ng isang simbahan na binubuo ng paghahati sa loob ng isang diyosesis. Nasa alaga at pamamahala ng isang kura parako, na maaaring pang tulungan ng isa o higit pa na kura, at namamahala mula sa isang parokyang simbahan. Sa kasaysayan, kadalasang nasasakop ng parehong lugar ang isang parokya bilang isang manor (ang kanyang pagkakabit sa parokyang simbahan ay nanatiling mataas).[1]

BerndorfEnsembleMargaretenplatz
Ang Parokyang Simbahan ng St. Margarete sa Berndorf, Austria; ang mga parokyang simbahan ay naging bahagi na ng pamayanang Kristiyano sa mga nagdaang siglo.

Mga sanggunian

  1. Michael Trueman and Pete Vere (Hulyo 2007), "When Parishes Merge or Close", Catholic Answers, 18 (6)
Alfonso, Kabite

Ang Bayan ng Alfonso ay isang Ika-3 klaseng bayan sa lalawigan ng Cavite sa Pilipinas. Ayon sa 2010 census, mayroon itong 48,567. Mayroon ito ng 72.60 kilometro kwadradong sukat ng lupa.

Ang pananampalatayang katoliko kristiyano ay lumago at umunlad sa pagdaan ng mahabang panahon sa pagkakaroon ng sariling parokya na hiwalay sa bayan ng Indang noong taong 1861. Taong 1861 napasimulan ang Parokya ni San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso, Cavite. Ang parokya ni San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso ang may pinakamagandang patyo sa buong lalawigan ng Cavite at siya ding may pinamagandang tunog ang kampana. Noong taong 1997, nagkaroon ng pangalawang parokya sa Kaytitinga, Alfonso, Cavite. Ang bagong parokya ay binubuo ng barangay Kaytitinga I, II, III, Sta. Theresa, Sinaliw Malaki, Sinaliw Munti, Bilog, Buck Estate, Kaysuyo, Amuyong, Palumlum at Upli. Ang kasalukuyang Paring tagapamahala sa bagong parokya ay si Reb. Padre Lino N. de Castro.

Antigua at Barbuda

Ang Antigua at Barbuda ay isang bansa na matatagpuan sa silangang Dagat Carribean na may hangganan sa Karagatang Atlantiko. Bahagi ang Antigua at Barbuda ng kapuluan ng Lesser Antilles. Napapaligiran ang bansa ng mga pulo ng Guadeloupe sa timog, Montserrat sa timog-kanluran, Saint Kitts at Nevis sa kanluran at Saint-Barthélemy sa hilagang-kanluran.

Arkidiyosesis ng Maynila

Ang Kalakhang Arkidiyosesis ng Maynila (Latin: Archidioecesis Manilensis) ay ang partikular na diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na sumasaklaw sa mga parokya sa mga lungsod ng Maynila, Makati, Pasay at San Juan sa Kalakhang Maynila. Tinuturing itong primasyal na sede ng Pilipinas at pinamumunuan ng Arsobispo ng Maynila. Noong 1949 naluklok si Rufino Kardinal Santos na kauna-unahang Pilipino bilang Arsobispo at Primado ng Pilipinas mula nang ito'y maitatag bilang supraganeong diyosesis ng Mexico noong 1579.

Baybay, Leyte

Ang Lungsod ng Baybay ay isang Lungsod o Siyudad sa lalawigan ng Leyte, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2015, ito ay may populasyon na umaabot sa 109,432 na katao. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng probinsiya ng Leyte. Ito ay pinaliligiran ng mga bayan ng Albuera, Leyte sa hilaga, bayan ng Inopacan, Leyte sa timog, bayan ng Burauen, Leyte, La Paz, Leyte at MacArthur, Leyte sa hilagang-silangan, bayan ng Javier, Leyte sa silangan at bayan ng Mahaplag, Leyte at Abuyog, Leyte sa timog-silangan. Matatagpuan din ang Camotes Sea sa kanluran nito. Ito ay matatagpuan 600 na kilometro sa Kalakhang Maynila, 57 na kilometrong nautical sa Lungsod ng Cebu, 44 na kilometro timog ng Lungsod ng Ormoc, 105 na kilometro kanluran ng Lungsod ng Tacloban at 54 na kilometro hilaga ng Lungsod ng Maasin.

Ang lungsod na ito ay pumapangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Leyte pagkatapos ng Lungsod ng Ormoc {ayon sa laki at lawak ng lupain} na may sukat na 459.34 km2 o 45,934 ektarya. Nang ang lungsod na ito ay bayan pa at kabilang sa Leyte, ito ang pinakamalaking bayan sa buong probinsiya maging sa buong Silangang Visayas. Dahil dito, binubuo ito ng 92 na barangay, 23 ay nasa poblacion at 68 ay nasa mga liblib o rural na lugar.

Diyosesis ng Antipolo

Ang Diyosesis ng Antipolo (Latin: Dioecesis Antipolensis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 1983 mula sa dating Diyosesis ng Lingayen.

Noong 23 Enero 1983, sa mensahe ng Orasyon, inihayag ni Papa Juan Pablo II ang paggawa sa Diyosesis ng Antipolo. Binubuo ito ng buong lalawigan ng Rizal, ang buong Lungsod ng Marikina, at ilang bahagi ng Lungsod ng Pasig (ang dating Bikaryo ng Santo Tomas de Villanueva, na ngayo'y kasama na sa Diyosesis ng Pasig). Ito ang lugar na dating kilala sa Arkidiyosesis ng Manila bilang Eklesyastikong Distrito ng Silangang Rizal. Naitatag na makanoniko ang diyosesis noong 25 Hunyo 1983 at isang supragan ng nasabing arkidiyosesis.

Ang unang residenteng obispo ng diyosesis ay si Protacio Gungon. 3 Disyembre 2001, pinalitan siya ni Reb. Crisostomo Yalung bilang ikalawang obispo. Ang ikatlong obispo ng diyosesis si Gabriel V. Reyes, dating obispo ng Kalibo sa Aklan. Ang kasalukuyang Obispo ng diyosesis ay si Francisco M. De Leon.

Nakaranas na ang diyosesis ng ilang pagbabago sa kanyang nasasakupan simula nang mabuo ang Diyosesis ng Pasig. Nasa limang parokya mula sa mga hangganan ng Lungsod ng Pasig ang naibigay sa bagong tayong diyosesis kasama na ang mga nagsisilbing mga pari nito.

Nagdiwang ang Diyosesis ng Antipolo ng kanilang Silver Jubilee ng pagkakatatag noong 2008. Ang tema ng pagdiriwang "25 Taon ng Mabuting Paglalakbay: Pasasalamat, Pagdiriwang at Panibagong Pagsasabuhay!". Malaking pagdiriwang ang ginanap noong 5 Disyembre 2008 sa Katedral ng Antipolo para sa pagtatapos ng isang taong pagdiriwang. Ang Apostolic Nuncio sa Pilipinas, ang Lubhang Kgg. Edward Joseph Adams, D.D., ang nagpasinaya ng pagdiriwang. Gayundin naman, ang ikalawang Sinodo ng Diyosesis ay pinaplanong ganapin sa 2010 para makita ang mga pangangailangang pang-ispiritwal at pangpastoral.

Sa kasalukuyan ang Diyosesis ng Antipolo ay itinuturing na is sa pinakamalaking lokal na simbahan sa bilang ng mga Katoliko. Mayroon itong mga paring pangdiyosesis na umaabot sa 76. Mayroon din itong nasa 30 pangunahing (kolehiyo at theolohiya) seminaryo at 74 na minor (mataas na paaralan) na seminaryo mula sa John Paul II Minor Seminary sa diyosesis. May tinatayang 40 na kongregasyon rin ang nagsisilbi sa diyosesis.

Sa lahat ng 86 na eklisyastikong hurisdiksiyon sa Pilipinas ngayon, ang Diyosesis ang ikalima sa pinakamalaking lokal na simbahan ayon sa bilang ng mga katoliko, sumunod sa Arkidiyosesis ng Cebu, San Fernando (Pampanga), Manila, at Diyosesis ng Malolos (Bulacan). Ang populasyon ng buong lugar na nasasakupan ng diyosesis ay 3,037,029, kung saan 2,429,665 (80%) ang mga Katoliko.

Mayroon itong 54 parokya sa buong Lalawigan ng Rizal at Lungsod ng Marikina.

Diyosesis ng Cubao

Ang Diyosesis ng Cubao (Lat: Dioecesis Cubaoensis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 8 Agosto 2003 sa kapistahan ni San Agustin mula sa Arkidiyosesis ng Manila.

Diyosesis ng Daet

Ang Diyosesis ng Daet (Latin: Daëntien(sis)) ay isang diyosesis na makikita sa bayan ng Daet sa eklesyastikong lalawigan ng Arkidiyosesis ng Caceres sa Pilipinas.

Diyosesis ng Gumaca

Ang Diyosesis ng Gumaca (Latin: Dioecesis Gumacana) ay isang diyosesis ng Ritung Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.

Diyosesis ng Libmanan

Ang Diyosesis ng Libmanan (Lat: Dioecesis Libmanana) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.

Diyosesis ng Roma

Ang Diyosesis ng Roma (sa Latin: Diœcesis Urbis o Diœcesis Romana, sa Italyano: Diocesi di Roma) ay ang diyosesis ng Simbahang Katolika sa Roma, Italya. Sinasaklaw rin nito ang probinsiyang eklesyastiko ng Roma. Sa kabuuan may lawak na 881 kilometro kuwadrado at may 341 parokya ang naturang diyosesis. Ang 336 nitong parokya ay nasa lungsod ng Roma at ang natitirang isa ay ang Parokya ni Santa Ana sa Vaticano. Itinatag ang diyosesis noong unang siglo at ang Santo Papa na ngayo'y si Papa Francisco, ang naninilbihang obispo nito.

Diyosesis ng Virac

Ang Diyosesis ng Virac (Lat: Dioecesis Viracen(sis)) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Ito ay nilikha mula sa Diyosesis ng Legazpi at supragan ng Arkidiyosesis ng Caceres.

Indang

Indang, opisyal na Bayan ng Indang (Ingles: Municipality of Indang) ay isang unang-klaseng bayan sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2015, mayroon itong 65,599 katao.

Malabon

Ang Malabon o sa ganap na katawagan nitong Lungsod ng Malabon ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila. Ayon sa senso ng taóng 2015, tinatayang 365,525 ang populasyon nito. Isa ito sa mga lungsod na may pinakamakapal na populasyon sa rehiyon dahil sa kabuuang lawak nito na 15.96 na kilometro kwadrado.

Bilang nasa hilaga lamang ng Maynila, ang kalakihan ng bayang ito ay natutuon sa paninirahan at pangkapamuhayan. Nasa timog at silangang hangganan ng Malabon ang Caloocan, sa kanluran ang Navotas at sa hilaga ang Valenzuela. Nasa hilagang-kanlurang bingit naman nito ang bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulacan.

Mga parokya ng Andorra

Ang Andorra ay binubuo ng pitong pamayanan na tinatawag na mga parokya

* Kabesera ng Andorra

Palaulatang Suweko

Ang Palaulatang Suweko (Suweko: Statistiska centralbyrån, [1]SCB) ay isang pangasiwaang pampamahalaan ng Suwesya na may katungkulang lumikha ng mga tungkulaning palaulatan ukol sa Suwesya. Noon pang taong 1686 nagkaroon ang Suwesya ng palaulatang pambansa kung kailan ang mga parokya ng Simbahan ng Suwesya ay naatasang panatilihin ang mga talaan ukol sa santauhan. Ang dating pangasiwaan ay tinatawag na Tabellverket ("tanggapan ng mga talaan"), na itinatag noong 1749, at ang kasalukuyang katawagan ay ginamit simula noong 1858.

Magmula noong 2015, ang pangasiwaan ay mayroong tinatayang 1,350 mga manggagawa. Ang tanggapan ng pangasiwaan ay matatagpuan sa Estokolmo at Örebro. Inilalathala ng Palaulatang Suweko ang Journal of Official Statistics.

Parokya ni Edgar

Ang Parokya ni Edgar ay isang banda mula sa Pilipinas na nabuo noong 1993 ng isang grupo ng mag-aaral na galing sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila. Nakilala ang banda kanilang mga orihinal na musikang rock novelty at kadalasang paglalapat ng kanta na hinango sa sikat na mga kanta.

Pastoral na liham

Ang pastoral na liham o liham para sa pinuno ng simbahan (Ingles: pastoral epistle) ay mga sulat na nauukol para sa mga pinuno ng parokya o simbahan, partikular na ang sa Kristiyanismo at Katolisismo. Kabilang sa mga nakakatanggap ng ganitong uri ng liham ang mga pinunong pari ng parokya o kura paroko, obispo, pastor, at ministro, na gumaganap bilang mga "pastol" ng simbahan o parokya (ang mga "kawan"). Kabilang sa mga ito ang Unang Sulat kay Timoteo, Ikalawang Sulat kay Timoteo, at Sulat kay Tito na matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Nagmula ang mga sulat na ito kay San Pablo - isang apostol - na ipinadala kina San Timoteo at Tito ang Alagad, na mga pinuno ng sinaunang simbahang Kristiyano. Batay sa mga halimbawang ito mula sa Bibliya, naglalaman ang mga ito ng mga gabay o patnubay hinggil sa pagsasanay at pagpili ng mga pinuno ng simbahan. Samakatuwid, tinatalakay ng mga sulat na pampastor na ito ang mga katangian ng isang pinunong pansimbahan.

Simbahan ng Obando

Ang Simbahan ng Obando (kilala rin bilang Parokyang Simbahan ng San Pascual ng (de) Baylon ) ay isa sa mga pinakamatanda at pinakamakasaysang simbahan sa Pilipinas. Matatagpuan ang parokya nito sa bayan ng Obando sa lalawigan ng Bulakan, sa pulo ng Luzon. Itinayo ng mga misyonerong Pransiskano, sa ilalim ng watawat ng Espanya, isa itong pook na ginaganapan ng taunang may tatlong-araw na pagsasayaw sa Obando, bilang pagbibigay pugay at papuri sa tatlong pintakasing santo nito: San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi at ang Ina ng Salambaw, isang pagdiriwang na binanggit ni Jose Rizal, ang bayaning pambansa ng Pilipinas, sa mga pahina ng kaniyang nobelang nasa wikang Kastila, ang Noli Me Tangere (sa Kabanata 6: Kapitan Tiyago). Tuwing buwan ng Mayo, isinasagaw ng mga parokyano at ibang mga deboto ang tatlong-araw na Sayaw sa Obando (dating kilala bilang Kasilonawan) sa loob ng simbahan, na sinusundang ng isang prusisyon sa kalye.

Sulat kay Tito

Ang Sulat kay Tito ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na kabilang sa mga pangkat ng mga Liham ni San Pablo. Katulad ng Una at Ikalawang Sulat kay Timoteo, isa rin itong sulat na pampastor ng isang parokya o simbahan. Naisatitik ang liham na ito noong mga 65 hanggang 66 AD.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.