Paris

Ang Paris (bigkas: pa-RIS; bigkas sa Pranses: pa-RI) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino). Ang lungsod ng Paris, na ang mga hangganang panlungsod nito ay hindi nagbago simula noon taong 1860, ay may tinatayang populasyon na 2,193,031[1] (Enero 2007), ngunit ang Kalakhang Paris ay may populasyon na 11,836,970[2] (Enero 2007), at ito isa sa mga pinakamataong kalakhan sa Europa[3].

Noong mga taong 2009 at 2010, ang Paris ay hinalal bilang isa sa tatlong mga mahahalaga at maiimpluwensiyang lungsod sa daigdig, isa sa tatlong unang "mga Europeong lungsod ng hinanarap," - ayon sa pananaliksik na inilathala ng Financial Times - at bilang kasama sa sampung pinakamagandang tirhang lungsod sa daigdig, ayon sa Britanikong magasinang Monocle (Hunyo 2010)[4]. Isang mahalagang kabayanan sa mahigit na dalawa nang milenyo, ang Paris ngayon ay isa sa mga pangunahing sentrong pinansiyal at pangkultura ng daigdig, at ang impluwensiya nito sa politika, edukasyon, aliwan, midya, pananamit, agham at mga sining ay lahat nag-aambag sa kalagayan nito bilang isa sa mga pangunahing lungsod pandaigdig.[5] Ang Paris ay hinahalal ding kabilang sa 10 mga luntiang lungsod sa Europa[6] sa taong 2010.

Paris - Eiffelturm und Marsfeld2
Ang Paris, na ang Tore ng Eiffel ay nasa harapan at ang mga gusali ng La Défense ay nasa likuran.

Ekonomiya

  • GDP: €552.1 bn (US$768.9 bn) sa taong 2009, mahigit pa sa isang kapat[7] ng GDP ng buong Pransiya
  • Ang Kalakhang Paris ay ang pinakamalagong ekonomiyang panlungsod sa buong Europa[8]; ika-limang pinakamalago sa buong daigdig
  • 37 sa 500 na mga kompanyang Fortune Global 500[9], na ang karamihan sa mga ito ay nakahimpil sa distrito ng La Défense
  • Ang buong rehiyon ng Paris ay isa sa mga bantog na desting turistiko sa daigdig, na may taunang 45 milyong turista, na 27 sa mga ito ay mga dayuhan.[10]

Transportasyon

  • Ang RATP[11] at ang SCNF[12] ay ang mga nangangasiwa sa sistemang panlungsod ng mga bus, trambiya at metro (Métro de Paris) at ng mga sistemang panlalawigan, tulad ng mga tren ng RER
  • Ang Paliparan ng Paris-Charles de Gaulle, ang Paliparan ng Paris-Orly at ang mas maliit at mas malayong Paliparan ng Beauvais-Tillé ay ang mga paliparang nagsisilbi sa rehiyong Parisino.

Tignan din

Paris-Tour Eiffel-082-Vom Arc de Triomphe-1991-gje

Tour Eiffel

Paris-Notre Dame-082-abends-Westfassade-1991-gje

Notre Dame

Paris-Arc de Triomphe-108-Le Triomphe de 1810-Jean-Pierre Cortot-2017-gje

Arc de Triomphe

Paris-Arc de Triomphe du Carrousel-104-2017-gje

Arc de Triomphe du Carrousel

Paris-Eglise du Val-de-Grace-130-Hochaltar-2017-gje

Val-de-Grace

Paris-Seine-116-Pont des Arts-Institut de France-Tour Eiffel-2017-gje

Pont des Arts

Paris-Rue Mouffetard-148-Baeckerei-2017-gje

Marché à la Rue Mouffetard

Paris-von Montmartre-164-Notre Dame-2017-gje

Vue depuis Montmartre

Talasanggunian

  1. http://www.recensement.insee.fr/chiffresCles.action?codeMessage=5&zoneSearchField=PARIS&codeZone=75056-COM&idTheme=3&rechercher=Rechercher
  2. http://www.recensement.insee.fr/chiffresCles.action?codeMessage=5&zoneSearchField=PARIS&codeZone=001-AU1999&idTheme=3&rechercher=Rechercher
  3. http://web.archive.org/web/20071001000616/www.world-gazetteer.com/wg.php?x=&men=gcis&lng=en&dat=32&srt=pnan&col=aohdq&va=&pt=a
  4. http://www.monocle.com/specials/35_cities/
  5. http://www.lboro.ac.uk/gawc/world2008t.html
  6. http://www.citymayors.com/environment/greenest-cities-europe.html
  7. http://www.insee.fr/fr/ppp/bases-de-donnees/donnees-detaillees/pib-va-reg/pib-va-reg-pib-1990-2009.xls
  8. http://esa.un.org/unup/index.asp?panel=2
  9. http://money.cnn.com/magazines/fortune/global500/2010/countries/France.html
  10. http://www.iledefrance.fr/english/sports-loisirs-tourisme/tourism/tourism/
  11. http://www.ratp.fr/
  12. http://www.scnf.com/
Albert Fert

Si Albert Fert (ipinanganak noong 7 Marso 1938) ay isang pisikong Pranses at isa sa mga kapwa nakatuklas ng higanteng magnetoresistance na nagdulot ng isang h breakthrough sa mga gigabyte hard disk. Siya ay kasalukuyang emeritus propesor sa Université Paris-Sud sa Orsay at direktor na siyentipiko ng isang magkasanib na laborataryo ('Unité mixte de recherche') sa pagitan ng Centre national de la recherche scientifique (Pambansang Sentrong Pagsasaliksik na Siyentipiko) at Thales Group. Siya ay isa ring Adjunct professor ng pisika sa Michigan State University. Siya ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 2007 kasama ni Peter Grünberg.

Disyembre 10

Ang Disyembre 10 ay ang ika-344 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-345 kung taong bisyesto) na may natitira pang 21 na araw.

George Smoot

Si George Fitzgerald Smoot III (ipinanganak noong Pebrero 20, 1945) ay isang astropisikong Amerikano at nanalo ng $1 milyon sa TV quiz show Are You Smarter than a 5th Grader?. Siya ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 2006 para sa kanyang paggawa sa Cosmic Background Explorer kasama ni John C. Mather na humantong sa pagsukat ng anyong black body at anisotropiya ng cosmic microwave background radiation. Ito ay nakatulong sa sa teoriyang Big Bang ng uniberso gamit ang Cosmic Background Explorer Satellite (COBE). Ayon sa Nobel Prize committee, "ang proyektong COBE project ay maitituring ring panimulang punto para sa kosmolohiya bilang isang presisyong agham." Ibinigay ni Smoot ang bahagi ng salaping napanalunan niya sa Gantimpalang Nobel na binawasan ng mga gastos ng paglalakbay sa isang pundasyong kawang gawa.

Siya ay propesor ng pisika sa University of California, Berkeley, nakatatandang siyentpiko sa Lawrence Berkeley National Laboratory, at mula 2010 ay propesor ng pisika sa Paris Diderot University, Pransiya. Noong 2003, siya ay ginawaran ng Einstein Medal at noong 2009 ay ng Oersted Medal.

Hulyo 15

Ang Hulyo 15 ay ang ika-196 na araw ng taon (ika-197 kung leap year) sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 169 na araw ang natitira.

Julian ang Tumalikod

Si Julian (Latin: Flavius Claudius Julianus Augustus, Griyego: Φλάβιος Κλαύδιος Ἰουλιανός Αὔγουστος; 331/332 – 26 Hunyo 363), at karaniwang kilala bilang Julian the Apostate o Julian the Philosopher ang emperador ng Imperyo Romano mula 361 hanggang 363 at isang kilalang pilosopo at manunulat na Griyego. Siya ay isang kasapi ng dinastiyang Constantian. Siya ay ginawa ni Constantius II na Caesar sa mga kanlurang probinsiya noong 355 CE kung saan ay matagumpay siyang nangampanya laban sa mga Alamanni at Frank. Ang pinakakilala ang kanyang pagkapanalo sa mga Alamanni noong 357 CE sa Labanan ng Argentoratum sa kabila dami ng Alemanni. Noong 360 CE sa Lutetia(Paris), siya ay hinayag na Augustus ng kanyang mga sundalo na humantong sa isang digmaan sibil sa pamamagitan ni Julian at Constantius II. Gayunpaman, bago magharap sa labanan ang dalawa, si Constantius ay namatay pagkatapos pangalanan si Julian na kanyang nararapat na kahalili sa trono. Noong 363 CE, si Julian ay nangampanya laban sa Imperyong Sassanid. Bagaman matagumpay sa simula, siya ay nasugatan nang nakamamatay at sa sandaling pagkatapos ay namatay. Si Julian ay isang tao na may hindi karaniwang masalimuot na karakte: siya ang miltaryong komander, teosopista, repormer ng lipunan at tao ng mga letra.. He was the last non-Christian ruler of the Roman Empire, and it was his desire to bring the Empire back to its ancient Roman values in order to save it from dissolution. Kanyang inalis ang mabigat sa itaas na burokrasya at tinangkang muling buhayin ang tradisyonal na relihiyong Romano sa kapinsalaan ng Kristiyanismo. Ang kanyang pagtakwil sa Kristiyanismo para sa Neoplatonikong paganismo ay humantong sa kanya na tawaging tumalikod (Ἀποστάτης o Παραβάτης "sumalangsang") ng Simbahang Kristiyano. Siya ang huling emperador ng dinastiyang Constantian na unang dinastiyang Kristiyano ng Imperyo Romano.

Kapisanan ni Hesus

Ang Kapisanan ni Hesus (Ingles:Society of Jesus; Latin: Societas Iesu), mas kilala sa tawag na "Heswita" (Jesuit), ay isang relihiyosong orden ng Romano Katoliko. Itinatag noong 1534 ng isang pangkat ng mag-aaral ng Pamantasan ng Paris na pinangunahan ni Iñigo Lopez de Loyola (Ignatius ng Loyola).

Manila Times

Ang The Manila Times ay ang pinakamatandang pahayagan sa Pilipinas, kung saan nakasulat sa wikang Ingles ang mga artikulo nito. Una itong itinatag noong 11 Oktubre 1898, ilang oras makatapos inilagda ang Tratado ng Paris na nagwakas sa Digmaang Espanyol-Amerikano, at kung saan inilipat ang soberanya ng Pilipinas mula Espanya sa Estados Unidos.

Marie Curie

Si Marie Skłodowska-Curie (ipinanganak bilang si Maria Salomea Skłodowska, 7 Nobyembre 1867 – 4 Hulyo 1934) ay isang kimiko na kilala para sa kaniyang pagsasaliksik na naging batayan ng radyoaktibidad at ng larangan ng radyolohiya. Siya ang unang babaeng nakatanggap ng Gantimpalang Nobel—sa kimika at sa pisika, ang unang babaeng propesor sa Pamantasan ng Paris, at ang unang babaeng inilibing sa Panthéon ng Paris dahil sa sariling sikap.

Ipinanganak si Curie sa Warsaw, sa noo'y dating Kaharian ng Polonya na bahagi ng Imperyong Ruso. Nag-aral siya sa tagong Pamantasang Lumilipad ng Warsaw at doon niya sinimula ang kaniyang pagsasanay sa pagiging siyentipiko. Noong 1891, sa edad na 24, sinundan niya ang kaniyang ate na si Bronisława at lumipat sa Paris, kung saan itinamo niya ang kaniyang mga karagdagang mga katibayan at itinanghal ang kaniyang mga sumusunod na gawaing maka-agham, at noong 1903, iginawad siya ng Gantimpalang Nobel sa Pisika kasama ng kaniyang asawa na si Pierre Curie at ang pisikong si Henri Becquerel dahil sa kanilang pagtutuklas ng radyoaktibidad (isang salita na kaniyang inilikha). Siya naman mismo ang nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Kimika noong 1911 para sa kaniyang paghihiwalay ng purong radyum (radium) at polonyo (polonium).

Namatay si Curie noong 1934 dahil sa anemyang aplastiko (aplastic anemia) bunsod ng maraming taon ng paghaharap sa radyasyon.

Marso 31

Ang Marso 31 ang ika-90 na araw ng taon sa Gregorian calendar (ika-91 sa mga leap year), na mayroon pang 275 na araw na natitira, bilang huling araw ng Marso.

Museo ng Louvre

Ang Museo ng Louvre (Pranses: Musée du Louvre) sa Paris, Pransiya ay isa sa mga mahahalagang mga museo sa mundo. Itinatag ito noong 1793, may sukat na 60,000 m² at binisita ng may 8,300,000 katao noong 2007. Matatagpuan ito sa palasyo ng Louvre. Makikita rito ang mga dibuhong Mona Lisa, Ang Birhen at Bata kasama si Santa Ana, Benus ng Milo, Kodigo ni Hammurabi, at Napapakpakang Tagumpay ng Samothrace.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Oras Gitnang Europa

Ang Oras Gitnang Europa o Central European Time (CET), ginagamit sa karamihang bahagi ng Unyong Europeo, ay ang pamantayang oras na 1 oras na nauuna sa Coordinated Universal Time (UTC). Ang pagkakaiba ng oras mula sa UTC ay maaring isulat bilang +01:00. Kilala din ang kaparehong pamantayang oras, UTC+01:00, sa Ingles bilang Middle European Time (MET, Aleman: MEZ) at ibang pang pangalan sa Ingles tulad ng Berlin Time, Romance Standard Time, Paris Time or Rome Time.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900

Naka-redirect ang "Paris 1900" dito. Para sa the 1947 French film, tingnan ang Paris 1900 (film).Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900 (Pranses: Les Jeux olympiques d'été de 1900) ay ginanap sa Paris, Pransiya. Ito'y ang ikalawang Olimpiko at Ito rin ang unang Olimpiko kung saan ang babae ay unang tinanggap bilang manglalaro. Ito'y sinalihan ng 997 na mga manglalaro kung saan 22 sa kanila ay mga babae.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024

Naka-redirect ang "Paris 2024" dito. Para sa the Summer Paralympics, tingnan ang 2024 Summer Paralympics.Padron:2024 Summer Olympics

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2024, na kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXXIII Olimpiyada, (Pranses: Jeux olympiques d'été de 2024), (French: Jeux de la XXXIIIe Olympiade) at kinilala run bilang Paris 2024, ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na itinakdang isasagawa mula 26 Hulyo – 11 Agosto 2024 sa lungsod ng Paris, Pransya. nahalal ang lungsod na ito noong 13 Setyembre 2017 sa ika-131 sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Lima, Peru.

Ang Lungsod ng Paris ay dati naging punong abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900 at Palarong Olimpiko sa Tag-init 1924.

Pransiya

Ang Republikang Pranses o Pransiya, ay isang bansa sa Europa na bahagi ng Unyong Europeo (UE). Isa ito sa mga pinakamalaking bansa sa Europa. Ang kabisera nito ay Paris.

Ito ay pinaliligiran sa timog ng Espanya, Andorra, Monaco at Dagat Mediterraneo, sa hilaga at kanluran ng Karagatang Atlantiko, at sa silangan ng Belhika, Luxembourg, Alemanya, Suwisa, at Italya.

Roma

Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Roma (paglilinaw). Huwag ikalito sa Rumanya, Rumano, Rumana.Ang Roma (pagbigkas [ˈroːma]) ang punong lungsod ng Italya at ng regione ng Lazio. Matatagpuan ito sa mga ilog ng Tevere at Aniene, malapit sa Dagat Mediterranean, sa 41°54′N 12°29′E. Ang Lungsod ng Vatikan, isang malayang enclave sa loob ng Roma, ang himpilan ng Simbahang Katoliko at ang tirahan ng Papa.

Ang Roma ang pinakamalaking lungsod sa Italya at ang bayan nito ang isa sa pinakamalalaki sa Roma, na may lawak ng 1290 km². Madali nitong malalakihan ang iba pang mga lungsod ng Italya pati na rin ang mga lungsod tulad ng Paris, Berlin, Stockholm, o Brussel. May populasyon ito ng 2 546 807 (2004) na may halos 4 milyong naninirahan sa kalakhan.

May GDP ito ng €75 bilyon—higit na mataas pa sa Bagong Zeeland at katumbas ng Singapore—noong taong 2001. Ipinrodyus ng bayan ng Roma ang 6.5% ng pangkalahatang GDP ng Italya, ang pinakamalaking halaga sa lahat ng mga lungsod ng bansa.

Umaabot ang kasaysayan ng lungsod nang 2800 taon, kung kailan ito ay naging himpilan ng sinaunang Roma (ang Kahariang Romano, ang Republikang Romano, at ang Imperyong Romano), at sunod ng Estadong Papa, Kaharian ng Italya, at ngayon ng Republikang Italyano.

Silay

Tumuturo dito ang Silay, para sa kalapit na bulkan, tingnan ang Silay (bulkan).Ang Lungsod ng Silay ay isang ikatlong klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 120,999. Bahagi ito ng Pook Metropolitan na tinatawag na Metro Bacolod, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Bacolod at Talisay. Sa lungsod matatagpuan ang bagong Paliparang Pandaigdig ng Bacolod-Silay; na pumalit sa Paliparang Domestiko ng Lungsod ng Bacolod.

Madalas tawaging "Paris ng Negros" ang Silay dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanataling mga sinaunang kabahayan. Higit sa tatlumpo ng mga kabahayan na ito ay naitalagang mga makasaysayang pook ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na bahagi ng Pambansang Palantaang Pangkasaysayan ng Silay. Noong 2015, ipinagdiwang ng lungsod ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod.Pangalawang lungsod ang Silay na maitalagang museong lungsod, kasunod ng Vigan sa Ilocos Sur.

Stanley Karnow

Si Stanley Karnow (ipinanganak noong 1925 sa Lungsod ng New York) ay isang may-akda na nagwagi ng premyong Pulitzer na naging punong-tagapamahayag para sa mga lathalaing

Time at Life. Hanggang 1974, nasa Timog-Silangang Asya siya bilang mamamahayag ng Saturday Evening Post, ng London Observer, ng Washington Post, at NBC News. Nagtapos siya mula sa Institut d'Etudes Politiques de Paris (Insituto ng mga Pampolitikang Pag-aaral ng Paris).

Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsilbi siya sa United States Army Air Corps sa Asya.

Nasa Vietnam siya noong Hulyo 1959 nang mapatay ang mga unang American, naging tagapamahayag siya ng mga balita sa kabuuan ng digmaan sa Vietnam. Dahil dito, nagkaroon ng lugar ang kaniyang pangalan sa punong-talaan ng mga pampolitikang kalaban ni Nixon. Sa panahong ito na nilikom niya ang sanhi para maisulat ang kanyang aklat noong 1983, ang Vietnam: A History (Vietnam: Isang Kasaysayan). Siya ang punong-tagapagbalita para sa seryeng Vietnam: A Television History (Vietnam: Isang Kasaysayang Pantelebisyon), na naging dahilan ng pagwawagi niya ng anim na premyong Emmy, ng isang premyong Peabody, ng isang premyong George Polk at ng isang DuPont-Columbia. Noong 1990, nanalao si Karnow ng premyong Pulitzer sa larangan ng kasaysayan para sa kaniyang aklat na In Our Image: America's Empire in the Philippines (Sa Wangis Natin: Ang Imperyo ng Amerika sa Pilipinas). Kabilang sa iba pa niyang mga aklat ang Mao and China: From Revolution to Revolution (Mao at Tsina: Mula sa Isang Rebolusyon Hanggang sa Iba Pang Mga Rebolusyon), na nanomina para sa National Book Award (Gawad Aklat pang-Nasyonal); at ang mga aklat na Paris in the Fifties (Paris Ng Dekada 1950) (1997), isang memoir na nagsasalaysay ng kaniyang mga karanasan habang namumuhay sa Paris noong dekada ng 1950.

Sa kasalukuyan, namumuhay si Karnow sa labas ng Washington, D.C. Kabilang siya sa Council on Foreign Relations (Konseho ng mga Ugnayang Panlabas) at ng American Society of Historians (Samahan ng mga Mananalaysay ng Amerika).

Tratado ng Paris (1898)

Ang Kasunduan sa Paris, na nilagdaan noong 10 Disyembre 1898, ay ang nagpatapos ng Digmaang Espanyol-Amerikano. Nasasaad sa kasunduan ang pagpapalaya sa bansang Cuba, ang paglilipat ng pamumuno sa Estados Unidos sa mga bansang Portoriko at Guam, at ang pagbili sa Pilipinas mula sa Espanya sa halagang $20,000,000 ng Estados Unidos.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.