Panahon ng Tansong Pula

Ang Panahon ng Tansong Pula, Panahon ng Tansong Dilaw, o Panahon ng Bronse ay, pakundangan sa isang binigay na lipunan bago ang kasaysayan, ang panahon sa lipunang iyon kung saan kabilang sa pinakamaunlad na metalurhiya (sa sistematiko at laganap na gamit) ang patunaw ng tanso at lata mula likas na pagkahayag ng mambato ng tanso at lata, na lumilikha ng haluang metal na tanso sa pamamagitan ng pagtunaw ng mga metal na iyon ng sama-sama, at paghahagis sa kanila sa tansong artepakto. Tipikal na kabilang ang arseniko sa likas na mambatong ito bilang karaniwang impuridad. Bibihira ang mambatong tanso/lata, dahil sa maliwanag na katotohanan na walang latang tanso sa kanlurang Asia bago ang 3000 BC. Pinapalagay ang Panahon ng Tanso bilang pangalawang bahagi sa tatlong-panahong sistema para sa mga lipunan bago ang kasaysayan, bagaman, may mga kulturang may malawak na sinulat noong sarili nilang Panahon ng Tanso. Sa sistemang ito, sa ilang mga lugar sa mundo, sinundan ng Panahong Neolitiko ang Panahon ng Tanso.

Sword bronze age (2nd version)
Isang higanteng panseremonyang punyal na uring Plougrescant-Ommerschans sa Plougrescant, Pransiya, 1500–1300 BK.

Tingnan din

Asiria

Ang Asiria ay isang pangunahing Mesopotamyanong Silangang Semitiko na nagsasalita na kaharian at imperyo ng sinaunang Malapit na Silangan, umiral bilang isang malayang estado mula siguro sa kasing aga ng ika-25 na siglo BK, hanggang pagbagsak nito sa pagitan ng 612 BK at 599 BK, na nagtaguyod sa kalagitnaan hanggang Maagang Panahon ng Tansong Pula hanggang sa huling Panahon ng Bakal.

Ang mga Asirio ay ang mga taong namuhay sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Irak noong mula mga 2900 BK magpahanggang 600 BK. Nanirahan sila sa mataas na pook sa may Ilog ng Tigris. Kabilang sa kanilang pangunahing mga lungsod ng Assur at Nineveh. Nagkaroon sila ng Imperyong umaabot mula Ehipto hanggang Golpo ng Persa.Noong Gitnang Panahon ng Tanso, ang Asiria ay isang rehiyon sa Ilog ng Tigris na ipinangalan sa unang kabisera nito, ang sinaunang lungsod ng Assur (Akkadiano: Aššur; Hebrew: אַשּׁוּר Aššr, Arameo: Aṯr). Di-naglaon, bilang isang nasyon at imperyo na namahala sa buong Matabang Kresyente, Ehipto, at malaking bahagi ng Anatolia, tumutukoy ang katawagang "mismong Asiria" sa hilagang hati ng Mesopotamya (ang timog na hati ay ang Babilonya na ang Nineveh ang kabisera).

Nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga haring Asirio ang isang malaking kaharian sa tatlong magkakaibang bahagi ng kasaysayan. Tinatawag ang mga ito na panahon o kahariang Matanda (ika-20 hanggang ika-15 dantaon BK), Gitna (ika-15 hanggang ika-10 dantaon BK), at Neo-Asirio (911-612 BK), kung saan ang pinakahuli ang pinakatanyag at may maraming naidokumento.

Asya

Ang Asya ay ang isa sa mga kontinente ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak, sakop nito ang halos 30% ng kabuuang lupa at 8.7% ng mundo. May sukat ng 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ito ay may populasyon ng halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang kontinente ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman ay ang Aprika.

Bronse

Huwag ikalito sa brass na tinatawag ding tansong dilaw.Ang bronse o tansong dilaw (sa Ingles: bronze) ay isang haluang metal na pangunahing binubuo ng tanso, na karaniwang may lata bilang pangunahing kasama. Matigas ang tansong pula at malutong o madaling mabasag, at partikular itong mahalaga noong unang panahon, kung kaya't gayon ang Panahon ng Tansong Pula ay pinangalanan mula sa metal na ito. Subalit dahil sa ang bronse ay tila isang hindi tiyak na kataga, at ang pangkasaysayang mga piraso ay may samu't saring mga kahaluan o pagkakahalo, partikular na ang isang hindi malinaw na kahangganan ng tanso, kung kaya't, bilang panghalip o panghalili, ang makabagong mga paglalarawang pangmuseo at pangdalubhasa ng mas lumang mga bagay ay mas dumadaming gumagamit ng mas maingat at nagbibilang (nagsasama) na katagang "haluang tanso".Ang salitang bronse ay hiniram mula sa Pranses: bronze, na hiniram din naman mula sa Italyano: bronzo (ihambing ang midyibal na Latin: bronzium), ang pinagmulan ay malabo. Maaari itong may kaugnayan sa Venetian: bronza "kumikinang na mga uling", o Aleman: Brunst "apoy", subalit maaari itong matumbas na bumalik sa, o maaaring naimpluwensiyahan, ng pangalang Latin na Brundisium ng lungsod ng Brindisi (aes Brundusinum, na may ibig sabihing "tanso ng Brindisi", na may pagpapatotoo ni Pliny). Ngunit, marahil ito ay napakahangu-hango mula sa Persanong salita para sa tanso na birinj.

Dinastiyang Shang

Ang Dinastiyang Shang (Tsino: 商朝; pinyin: Shāng cháo) o Dinastiyang Yin (Tsino: 殷代; pinyin: Yīn dài), ayon sa tradisyonal na historyograpiya, ay namahala sa lambak ng Ilog Dilaw sa ikalawang milenyo BK, sumunod sa Dinastiyang Xia at sinundan ng Dinastiyang Zhou. Ang klasikong pahayag tungkol sa mga Shang ay nanggagaling sa mga teksto tulad ng Aklat ng mga Dokumento, Mga Salaysay sa Kawayan at Mga Talaan ng Dakilang Historyador. Ayon sa tradisyonal na kronolohiya na batay sa mga kalkulasyon na ginawa noong humigit-kumulang 2,000 taon na ang nakakaraan ni Liu Xin, ang Shang ay namahala mula 1766 hanggang 1122 BK, ngunit ayon sa mga kronolohiya batay sa mga "kasalukuyang teksto" ng Mga Salaysay sa Kawayan, sila ay namahala mula 1556 hanggang 1046 BK. Pinetsahan sila ng Kronolohiyang Proyektong Xia–Shang–Zhou mula sa c. 1600 hanggang 1046 BK.

Ang Dinastyang Shang ay ang pinakamaagang dinastya ng tradisyonal na Tsinong kasaysayan na suportado ng arkeolohikal na katibayan. Ang mga paghuhukay sa Mga Guho ng Yin (malapit sa kasalukuyang araw na Anyang), na kung alin ay natukoy bilang ang huling Shang na kabisera, ay nakatuklas ng labing-isang mga mahahalagang maharlikang puntod at ang mga pundasyon ng mga palasyo at mga lugar ng pagsusulinaw, na naglalaman ng mga sandatang pandigma at mga labi mula sa parehong mga hayop at taong sakripisyo. Libu-libong mga tansong pula, hade, bato, buto, at mga seramikang artipakto ang natagpuan.

Ang lugar sa Anyang ay nagbunga ng pinakamaagang alam na katawan ng Tsinong pagsusulat, karamihan ay mga panghuhula na nakaukit sa butong orakulo - mga talukob ng pagong, mga paypay ng baka, o iba pang mga buto. Higit sa 20,000 ang natuklasan sa unang pang-agham na mga paghuhukay sa panahon ng mga 1920 at 1930, at mahigit apat na beses karami ang natagpuan mula noon. Ang mga paguukit ay nagkakaloob ng mahahalagang pananaw sa maraming mga paksa mula sa pulitika, ekonomiya, at relihiyosong gawain pati na rin sa sining at panggagamot sa maagang yugto ng kabihasnang Tsino.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Ika-18 siglo BK

Ang ika-18 siglo BK (Bago si Kristo) ay ang siglo na tumagal mula 1800 BK hanggang 1701 BK.

Kabihasnang Minoe

Ang kabihasnang Minoe o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta na nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga 2700 BK. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalinangang Miseneo. Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe o Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur Evans ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o mitikong nilalang na si Haring Minos.Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan ng pangunguna ni Evans, isang Britanikong arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo".

Kasangkapan

Para sa ibang gamit, tingnan ang Kasangkapan (paglilinaw).Ang kasangkapan o kagamitan ay mga bagay na ginagamit upang makatulong sa pagpapadali ng mga gawain. Umunlad ang mga kasangkapan sa padaan ng panahon. Dumating ang inobasyon o pagpapainam ng mga kasangkapan sa panahon ng mga kapanahunang katulad ng Panahon ng Bato at Panahon ng Tansong-Pula. Nagamit ang mas nagagamit na mga materyal at nalikha ang mas maiinam na mga kasangkapan. Naging makabagong mga kasangkapan ang mga nalikha at mga imbensiyong ito.

Ilan sa mga halimbawa ng mga kasangkapang kalimitang ginagamit sa kasalukuyan ang martilyo, wrench, lagari, at panghukay. Mga kasangkapan din ang mga kutsilyo at mga panulat tulad ng lapis at bolpen.

Kabilang sa ibang tawag sa kasangkapan ang instrumento, gamit, o antutay. Kasangkapan din ang makina at agmaneho ng sasakyan. Sa ibang pakahulugan, ginagamit din ang salitang kasangkapan upang tukuyin ang isang taong ginagamit, taong sunudsunuran, kaya't parang tau-tauhan lamang o "robot".

Knossos

Ang Knossos (binabaybay ding Knossus, Cnossus, Gnossus; Griyego: Κνωσός - bigkas [kno̞ˈso̞s]), ay ang pinakamalaking pook sa Crete, Gresya noong Panahon ng Tansong-Pula kaya't itinuturing na mahalaga kaugnay ng larangan arkeolohiya. Pinaniniwalaang ito ang sentro ng mga seremonya at politika ng kultura at kabihasnang Minoan. Sa ngayon, isang puntahan ng mga turista, dahil malapit ito sa pangunahing lungsod ng Heraklion at halos muling "naibalik" na sa dating anyo nito pagkaraan ng isinagawang malawakang restorasyon. Dahil dito, mas nauunawaan ng mga bisita ang lugar, sa halip na tatanawin lamang bilang walang-markang mga guho.

Panahon ng Kobre

Ang Panahong Kalkolitiko (mula sa Griyegong khalkos + lithos o "batong tanso"), Panahon ng Tanso, kilala rin bilang Panahong Eneolitiko (Panahon ng bronse o tansong pula) o Panahon ng Kobre, ay isang yugto sa pag-unlad ng kalinangan ng tao, kung saan lumitaw ang paggamit ng sinaunang mga kasangkapang metal habang kasabayan ng mga kasangkapang gawa sa bato.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.