Panahon ng Bato

Ang Panahon ng Bato o Stone Age [ Ingles ] ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato (Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko).[1][2] Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.[1]

Каменный век (2)
Isang paglalarawan ng mga taong namumuhay noong Panahon ng Bato.
Pieza foliácea africana
Halimbawa ng isang kagamitang panghiwa na yari sa isang bato.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "The Stone Age". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
  2. Mga literal na salin ng Old Stone Age (Paleolithic), Middle Stone Age (Mesolithic), at New Stone Age (Neolithic).



Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Agham ng mga materyal

Ang agham ng mga materyal, agham na pangmateryal, agham na pangmateryales, o agham ng materyales (Ingles: materials science), na kilala rin na inhinyeriyang pangmateryales o inhinyeriyang pangmateryal (Ingles: materials engineering) ay isang interdisiplinaryong larangan kung saan may kinalaman sa pagtuklas at pagdisenyo ng mga bagong materyales. Kahit na ito ay bagong pang-agham na larangan na may kinalaman sa pag-aaral ng mga paradigmo ng mga materyales (pagbubuo, kayarian, katangian, at pagsasagawa), ang pinagmulan nitong intelektwal ay umuusbong sa larangan ng kimika, mineralohiya, at inhinyeriya sa kasagsagan ng Kaliwanagan. Sinasama nito ang mga elemento ng pisika at kimika at pinangungunahan nito ang pananaliksik sa larangan ng nanoscience at nanotechnology. Sa mga nagdaang taon, ang agham ng mga materyales ay naging mas kilala bilang isang mas partikular na larangan ng agham at inhiyeriya.

Bago ang kasaysayan

Huwag ikalito sa sinaunang kasaysayan.Ang katagang bago ang kasaysayan o prehistorya (Ingles: pre-history o prehistory, Kastila: prehistoria, Latin, præ = bago ang; Griyego, ιστορία = kasaysayan) ay ang kasaysayan o historya ng sangkatauhan bago natutong makapagsulat ang mga tao ng kasaysayan. Nilalarawan ng parirala o pamagat na ito ang kapanahunan bago ang nakatalang kasaysayan. Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng larangan ng arkeolohiya. Orihinal na nilikha ni Paul Tournal ang katagang Pranses na pré-historique upang ilarawan ang mga natagpuan niya sa loob ng mga kuweba ng katimugang Pransiya. Naging gamitin ito sa Pransiya noong dekada ng 1830 upang ilarawan ang panahon bago ang pagsusulat, at ang salitang prehistoric o prehistoriko ay ipinakilala ni Daniel Wilson sa Ingles noong 1851.

Maaaring gamitin ang katawagang "prehistorya" o "bago ang kasaysayan" upang tukuyin ang lahat ng mga panahon magmula ang simula ng sanlibutan, bagaman mas madalas itong ginagamit para tukuyin ang saklaw ng panahon magmula noong lumitaw ang mga nilalang na wangis-tao. Sa paghahati ng prehistoryang pangtao, karaniwang ginagamit ng mga prehistoryano (mga arkeologo) ang sistema ng tatlong kapanahunan, habang ginagamit naman ng mga dalubhasa ng mga kapanahunan bago magkaroon ng mga tao ang talagang matukoy o tunay na malarawang (kronostratigrapiya) tala ng bato at ang pandaigdigang nailarawang kalipunan ng istratum na nasa loob ng heolohikong sukatan ng panahon o era. Ang sistema ng tatlong panahon ay ang peryodisasyon o pagpapanahon-panahon ng prehistorya ng tao sa tatlong magkakasunod na mga saklaw ng panahon, na pinangalanan para sa kani-kanilang nangingibabaw na mga teknolohiya sa paggawa ng mga kagamitan o mga kasangkapan: ang Panahon ng Bato, ang Panahon ng Tanso (Panahon ng Tansong Kobre at Panahon ng Bronse), at ang Panahon ng Bakal.

Ang pagkakaroon ng nasusulat na mga materyal (na simula ng katutubong "mga panahong pangkasaysayan" o "mga panahong historiko") ay pangkalahatang nagkakaiba-iba sa mga kalinangang ikinakategorya sa loob ng maaaring hulihan ng Panahon ng Tanso o sa loob ng Panahon ng Bakal. Lumalalong hindi nililimita ng mga manunulat ng kasaysayan o mga historyano ang kanilang mga sarili sa mga katibayang mula sa mga nasusulat na mga tala at nagsisimulang sumandig sa mga ebidensiyang buhat sa likas at panlipunang mga aghan, kaya't lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang "kasaysayan" (hitorya) at "bago ang kasaysayan" (prehistorya). Ang ganitong pananaw ay ipinahayag na mga tagapagtangkilik ng malalim na kasaysayan.

Itaas na Paleolitiko

Ang Itaas na Peleolitiko (Ingles: Upper Paleolithic, Upper Palaeolithic o Late Stone Age) ang ikatlo at huling subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahon ng Bato gaya ng pagkaunawa sa Europa, Aprika at Asya. Sa napakalawak, ito ay may petsa sa pagitan ng 50,000 at 10,000 taong nakalilipas na tinatayang kasabay ng paglitaw ng pagiging moderno ng pag-aasal at bago ang pagsisimula ng agrikultura. Ang mga terminong Huling Panahong Bato at Itaas na Paleolitiko ay tumutukoy sa parehong mga panahon. Para sa mga kadahilanang historikal, ang "Panahong Bato" ay karaniwang tumutukoy sa panahon sa Aprika samantalang ang "Itaas na Paleolitiko" ay pangkalahatang ginagamit upang tukuyin ang panahon sa Europa.

Kasangkapan

Para sa ibang gamit, tingnan ang Kasangkapan (paglilinaw).Ang kasangkapan o kagamitan ay mga bagay na ginagamit upang makatulong sa pagpapadali ng mga gawain. Umunlad ang mga kasangkapan sa padaan ng panahon. Dumating ang inobasyon o pagpapainam ng mga kasangkapan sa panahon ng mga kapanahunang katulad ng Panahon ng Bato at Panahon ng Tansong-Pula. Nagamit ang mas nagagamit na mga materyal at nalikha ang mas maiinam na mga kasangkapan. Naging makabagong mga kasangkapan ang mga nalikha at mga imbensiyong ito.

Ilan sa mga halimbawa ng mga kasangkapang kalimitang ginagamit sa kasalukuyan ang martilyo, wrench, lagari, at panghukay. Mga kasangkapan din ang mga kutsilyo at mga panulat tulad ng lapis at bolpen.

Kabilang sa ibang tawag sa kasangkapan ang instrumento, gamit, o antutay. Kasangkapan din ang makina at agmaneho ng sasakyan. Sa ibang pakahulugan, ginagamit din ang salitang kasangkapan upang tukuyin ang isang taong ginagamit, taong sunudsunuran, kaya't parang tau-tauhan lamang o "robot".

Kasaysayan ng mundo

Para sa kasaysayan ng planetang Daigdig, tingnan ang Kasaysayan ng Daigdig.Ang kasaysayan ng mundo, sa popular na salita, ay naglalarawan sa kasaysayan ng tao, mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan na nadetermina mula sa mga nakasulat na talâ. Kung kaya't tinatawag din itong kasaysayan ng tao o kasaysayang pantao, na sa madalíng sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinakamaagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng mga pook sa ibabaw ng Mundo, na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko. Hindi kasáma rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal, maliban na lámang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likás na mundo sa búhay ng mga tao. Kabílang sa kasaysayan ng mundo ang pag-aaral ng nakasulat na mga talâ o rekord, magmula sinaunang panahon pasulong, pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan, katulad ng arkeolohiya. Ang sinaunang naitalang kasaysayan ay nagsisimula sa pagkaimbento, na hiwa-hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo, ng pagsusulat, na lumikha sa imprastraktura (saligan at pamamamaraan) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala, at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman. Subalit, ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat — ang prehistorya (panahon bago ang nakasulat na kasaysayan) ng sangkatauhan.

Palakol

Ang palakol (axe o ax sa wikang Ingles) ay isang kasangkapan na ginagamit sa paghugis, pagbiyak at pagputol ng kahoy, pangani ng troso, bilang sandata at simbolong heraldiko at pangseremonya. Ang palakol ay may iba't ibang anyo para as iba't ibang paggamit ngunit kalimitang binubuo ng ulo ng palakol at ng hawakan o helve.

Paleolitiko

Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

Panitikan ng Bagong Selanda

Tunay lamang na panitikang Ingles ang anyo ng panitikan ng Bagong Selanda (Ingles: Literature of New Zealand), na isinulat ng mga taga-Bagong Selanda (mga Bagong Selandero), o mga mandarayuhan o migrante, na tumatalakay sa mga tema o pook na may kaugnayan sa Bagong Selanda. Ang Maori ay isang kulturang umiiral bago pa sumapit ang edukasyon at isang kalinangang nabubuhay sa panahon ng bato, hanggang sa makatagpo nila ang mga Europeo noong kaagahan ng ika-19 daang taon.

Sa loob ng kaagahan ng ika-19 daang taon, nagpaunlad ang mga misyonerong Kristiyano ng mga nasusulat na anyo ng mga wikang Polinesyo upang makatulong sa kanilang mga gawaing pang-ebanghelyo. Nakaligtas at umiiral pa ang mga tradisyong pasabi ng pagkukuwento at kuwentong-bayan, at nag-ipon ang maaagang mga misyonero ng mga kuwentong-bayan. Sa panahon ng bago sumapit ang pananakop o pangungoloniya, walang panitikan; pagkaraan ng pagtatagpo ng mga Maori at mga Europeo at pagkalipas din ng pagpapakilala o introduksiyon ng literasiya o kakayahan at kalaamang bumasa at sumulat, nagkaroon ng mga lathalaing nasa wikang Maori.

Walang mga akdang pampanitikang nasa wikang Maori ang naisalinwika at naging malawakang nabasa. Umiiral hanggang sa kasalukuyang panahon ang wikang Maori, at bagaman hindi malawakang sinasalita, ginagamit ito bilang midyum o tagapaghatid ng pagtuturo sa edukasyon sa isang maliit na bilang ng mga paaralan. Sa kahinatnan ng panitikang Maori bilang umiiral na panitikan, pangunahin itong isang panitikang nasa wikang Ingles na tumatalakay sa mga temang Maori.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Bagong Selanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Tanum (munisipalidad ng Suwesya)

Ang Munisipalidad ng Tanum (IPA: [²tanːɵm]; Tanums kommun) ay isang munisipalidad sa Lalawigan ng Västra Götaland sa kanluraning bahagi ng Suwesya. Ang luklukan nito ay nasa Tanumshede, na may 1,600 mamamayan.

Ang kasalukuyang munisipalidad ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasanib ng dating tatlong mga kalipunan nito noong 1971. Bago ang pagbabagong pagbabahagi ng 1952 mayroon itong pitong kalipunan.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.