Munisipalidad

Ang bayan (Ingles: town), munisipyo o munisipalidad (Ingles: municipality) ay isang subdibisyon ng pamahalaan sa isang bansa. Ito ay isang lugar kung saan ang mga residente ay nasa daan-daan hanggang sa libu-libong tao. Sa pamahalaan, ito ay isang distritong administratibo na mayrong maliwanag na nakakatuturang teritoryo at ay nagtutukoy sa pamahalaang pambayan o panlungsod. Hindi ito magkapareho sa isang kanayunan o kabayanan.

Maaari ring tumukoy ang salitang munisipalidad sa namamahalang lawas ng isang munisipalidad.[1] Ang munisipalidad ay karaniwang isang subdibisyon ng pamahalaan na may pangkalahatang layunin, taliwas sa isang distritong espesyal o special-purpose district.

A munisipalidad ay maaaring maging anumang hurisdiksyong politikal mula sa pinakamataas na estado, tulad ng Prinsipalidad ng Monaco, hanggang sa isang maliit na nayon, tulad ng West Hampton Dunes, New York.

Maaaring sumaklaw sa teritoryo kung saan may hurisdiksyon ang munisipalidad ang mga sumusunod:

  • isang pinagtitirahang pook tulad ng isang lungsod, bayan, o nayon
  • iilan sa mga nasabing lugar (hal. mga maagang hurisdiksyon sa Amerikanong Estado ng New Jersey (1798–1899) bilang mga munisipyong namamahala sa ilang nayon, Mga munisipalidad ng Mehiko, Mga munisipalidad ng Kolombya)
  • mga ilang bahagi lamang ng mga nasabing lugar, paminsan-minsang mga boro ng lungsod tulad ng 34 munisipalidad ng Santiago, Tsile.[2]
Ponce City Hall
Ang Gusaling Panlungsod ng Ponce sa lungsod ng Ponce, Puerto Rico, ay ang upuan ng pamahalaan para sa lungsod at sa mga pumapaligid na barrio na bumubuo sa munisipalidad.
Map of all City Municipalities in Slovenia
Mapa ng lahat ng munisipalidad na lungsod sa Eslobenya

Mga kapangyarihang pampulitika

Saklaw sa mga kapangyarihan ng mga munisipalidad ang mula sa awtonomiyang birtwal hanggang sa lubusang pagpapasupil sa estado. Maaaring magkaroon ng karapatan ang mga munisipalidad na pabuwisin ang mga indibidwal at korporasyon na may buwis sa kinikita, buwis sa ari-arian, and buwis sa kinikita sa korporasyon, ngunit makatatanggap din ng kargdagang pagpopondo mula sa estado.

Sa mga iba't ibang bansa

5 Boroughs Labels New York City Map
Munisipalidad ang lahat ng Lungsod ng New York pati na rin ang kanyang pinagsamang limang boro. ██ 1. Manhattan ██ 2. Brooklyn ██ 3. Queens ██ 4. The Bronx ██ 5. Staten Island

Komuna

Sa mga iba't ibang bansa, karaniwang tinutukoy ang mga munisipalidad bilang mga "komuna" o "komyun", lalo na sa mga wikang Romanse (na nagmula sa Latin) tulad ng Pranses na commune (Pransya, mga rehiyon ng Belhiko at Suwesa na nagsasalita ng Pranses, mga bansa ng Aprika na nagsasalita ng Pranses, hal. Benin), Italyanong comune, Rumanong comună, at ang Kastilang comuna (Tsile), at sa mga Hermanikong wika tulad ng Alemang Kommune (sa pulitikal na pagsasalita, Gemeinde ang opisyal na termino), Suwekong kommun, Peroes na kommuna, Noruwego, Danes na kommune, Polakong gmina, Olandes/Flamenkong Gemeente, at Luksemburgues na Gemeng.

Munisipalidad

Nagkakaugnay ang lahat sa "municipality" (kadalasang tumutukoy sa teritoryo o istrakturang pampulitikal) Sa Kastila municipio (Espanya, Teritoryo), municipalidad (Tsile, Munisipyo or Teritoryo), Katalan municipi (Teritoryo).

Mga ibang salita

Ikinalilito ng ilang mga tao ang mga salitang tumutukoy sa teritoryo o sa istrakturang pampulitkal (Komuna o Munisipalidad) laban sa Munisipyo. Kastilang ayuntamiento (na tumutukoy sa Munisipyo). Halimbawa, sa Moldova at Romania mayroong mga munisipalidad (municipiu; lunsuring pangkat ng pamamahala) at mga komuna (comună; lahat ng mga kanayunang pangkat), at maaaring maging bahagi ng munisipalidad ang isang komuna (tingnan din: mga komun ng Moldova, mga komun ng Rumanya).

Nagsasalita ng Ingles

  • Sa Australya, ginagamit ang terminong local government area (LGA) sa halip ng panlahatang munisipalidad. Dito, ang mga "Istraktura ng LGA ay sumasaklaw lamang sa mga ininkorporadang bahagi ng Australya. Ang mga ininkorporadang bahagi ay ligal na itinalagang bahagi ng mga estado at teritoryo kung saan may responsibilidad ang mga ininkorporadang lokal na namamahalang lawas."[3]
  • Sa Canada, ang mga munisipalidad ay mga pamahalaang lokal na itinatag sa pamamagitan ng panlalawigang at teritoryal na pagbabatas, karaniwang sa loob ng mga pangkalahatang munisipal na kautusan.[4][5] Kabilang sa mga uri ng mga munisipalidad sa loob ng Canada ang mga lungsod, distritong munisipalidad, munisipal na distrito, munisipalidad, parokya, panlalawigang munisipalidad, bayan, nayon, bukod sa iba pa.[5] Ang Lalawigan ng Ontario ay may iba't ibang baitang ng munisipalidad, kasama ang mga mababa, mataas, at solong baitang.[6] Kasama sa mga uri ng mga munisipalidad na may mataas na baitang sa Ontario ang mga kondehan, distrito, o bayan bilang mga yunit na munisipal.[7]
  • Sa Indya, ang Munisipalidad o Nagar Palika ay isang lunsuring lokal na lawas na namamahala sa lungsod na may populasyon na 100,000 o higit pa. Gayunpaman, mayroong mga pagbubukod doon, dahil itinatag dati ang mga Munisipalidad sa mga lunsuring sentro na may populasyong humihigit sa 20,000, kaya lahat ng mga lunsuring lawas na dating nauri bilang Munisipalidad ay nauri muli bilang Munisipalidad kahit na mas mababa kaysa sa 100,000 ang kanilang populasyon. Sa ilalim ng sistema ng Panchayati Raj, nakikipag-ugnayan ito nang direkta sa pamahalaan ng estado, pero administratibong bahagi ito ng distrito. Karaniwang may mga Munisipalidad ang mga mas maliit na distritong lungsod at mas malalaking bayan. Ang munisipalidad ay isa ring anyo ng lokal na panariling-pamahalaang ipinagkatiwala ng mga tungkulin at responsibilidad, tulad ng nabuo sa Constitutional (74th Amendment) Act,1992.
  • Sa Reyno Unido, ginamit ang salita hanggang na naisakatuparan ang 1972 Local Government Act noong 1974 sa Inglatera and Gales, at hanggang 1975 sa Eskosya at 1976 sa Hilagang Irlanda, "parehas para sa lungsod o bayan na isinaayos para sa panariling-pamahalaan sa ilalim ng munisipal na korporasyon, at para sa namumuno mismo. Binubuo itong korporasyon sa Britanya ng pinuno bilang mayor o puno, at nakatataas na miyembro, tulad ng konsehal".[8] Mula noong pagbabaguntatag ng lokal na goberyno, kilala ang yunit bilang district sa Inglatera, Hilagang Irlanda, at Gales, at council area sa Eskosya. Maaaring pagkalooban ang isang district ng katayuan bilang borough o city, o maaaring panatilihin ang kanyang titulo bilang district.
  • Sa Jersey, tumutukoy ang munisipalidad sa mga marangal na opsiyal na nahahal para patakbuhin ang tig-isa sa mga 12 pinaghatiang parokya. Ito ang pinakamataas na antas ng pamahalaang rehiyonal sa hurisdiksyong ito.
  • Sa Trinidad at Tobago, naiintindihan ang "munisipalidad" bilang lungosd, bayan, o iba pang yunit ng lokal na pamahalaan na binuo sa pamamagitan ng kartang munisipal mula sa estado bilang korporasyong munisipal. Maaaring parangalan ang bayan ng estado ng boro at kalaunang itaas sa estado ng lungsod. Chaguanas, San Fernando, Port of Spain, Arima at Point Fortin ang 5 kasalukuyang munisipalidad sa Trinidad at Tobago.
  • Sa Estados Unidos, naiintindihan ang "munisipalidad" bilang lungsod, bayan, nayon, o iba pang yunit ng lokal na pamahalaan, na binuo ng kartang munisipal mula sa estado bilang korporasyong munisipal.[9] Sa konteksto ng batas ng estado, mas malawak ang kahulugan ng mga ilang Amerikanong estadong kodigo sa salitang "munisipalidad", mula sa estado mismo hanggang sa anumang subdibisyong pulitikal na ibinigay ng hurisdiksyon sa isang lugar na maaaring isama ang iilang populadong pook at di-populadong pook.[10][11] (Tingnan din ang Pampulitikang paghahati ng Estados Unidos.)

Nagsasalita ng Tsino

  • Sa Republikang Bayan ng Tsina, ang munisipalidad na direktang kinokontrol (直辖市 sa pinyin: zhíxiáshì) ay isang lungsod na may pantay na katayuan sa isang probinsya: Beijing, Tianjin, Shanghai, at Chongqing (tingnan ang Munisipalidad ng Tsina).
  • Sa Taiwan (Republika ng Tsina), isang espesyal na munisipalidad (直轄市 sa pinyin: zhíxiáshì) ay isang lungsod na may pantay na katayuan sa isang probinsya: Kaohsiung, New Taipei, Taichung, Tainan, Taipei and Taoyuan (tingnan ang Espesyal na munisipalidad ng Taiwan).

Tingnan din

Talasanggunian

  1. "Municipality". Merriam-Webster.
  2. "Santiago de Chile – Comunas". Mapas de Chile, Castor y Polux Ltda.
  3. "Australian Standard Geographical Classification (ASGC)". Australian Bureau of Statistics.
  4. "Municipal Government". The Canadian Encyclopedia > Government > Government, General > Municipal Government. Historica Foundation of Canada. 2009. Hinango noong 2011-07-17.
  5. 5.0 5.1 "Interim List of Changes to Municipal Boundaries, Status, and Names – From January 2, 2010 to January 1, 2011" (PDF). Statistics Canada. April 2011. Hinango noong 2011-07-17.
  6. "List of Ontario Municipalities". Ontario Ministry of Municipal Affairs and Housing. 2011-07-04. Hinango noong 2011-07-17.
  7. "Municipal Government Act" (PDF). Office of the Legislative Counsel, Nova Scotia House of Assembly. 2010-01-07. Hinango noong 2011-07-17.
  8. Wikisource:1911 Encyclopædia Britannica/Municipality
  9. "Legal Dictionary: Municipal Law". FindLaw.
  10. "2009 Nevada Code". Justia.
  11. "Kansas Statues". Lesterama.
Iloilo

Ang Iloilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Kanlurang Visayas. Lungsod ng Iloilo ang kapital nito at matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Pulo ng Panay, at nasa hangganan ng Antique sa kanluran at Capiz sa hilaga. Matatagpuan naman ang Guimaras sa timog-silangan ng pampang ng Iloilo at Negros Occidental naman sa ibayo ng Golpo ng Panay at Kipot ng Guimaras.

Komuna

Ang komuna o komyun, (Ingles: comune, commune; Kastila: comuna) ay maaaring ihalintulad sa isang bayan o munisipalidad.

Lalawigan ng Agrigento

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Agrigento.

Ang Agrigento ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Agrigento ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Caltanissetta

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Caltanissetta.

Ang Caltanissetta ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Agrigento ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Catania

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Catania.

Ang Catania ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Catania ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Enna

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Enna.

Ang Enna ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Enna ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Messina

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Messina.

Ang Messina ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Messina ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Palermo

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Palermo.

Ang Palermo ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Palermo ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Ragusa

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Ragusa.

Ang Ragusa ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Ragusa ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Syracuse

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Syracuse.

Ang Syracuse ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Syracuse ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lalawigan ng Trapani

Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Trapani.

Ang Trapani ay isang lalawigan sa rehiyon ng Sicilya sa Italya. Ang lungsod ng Trapani ang kabisera nito.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Lanao del Norte

Ang Lanao del Norte (Filipino:Hilagang Lanao) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Tubod ang kapital nito at napapaligiran ng Lanao del Sur sa timog, Zamboanga del Sur sa kanluran, Misamis Oriental sat hilaga-silangan, Bukidnon sa silangan, at nahihiwalay sa Misamis Occidental sa pamamagitan ng Iligan Bay.

Mga bayan ng Pilipinas

Ang bayan (Filipino: munisipalidad) ay isang bahagi ng lokal na pamahalaan ng Pilipinas.

Ang mga lalawigan ay binubuo ng mga lungsod at mga bayan. Ang mga bayan naman ay binubuo ng mga distrito o barrio (baryo).

Ang mga bayan ay may autonomiya sa pambansang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Ang mga ito ay pinapayagang gumawa ng kanilang sariling mga pang-ekonomiya, industriya at pampolitika na pagpapaunlad ng Pambansang Pamahalaan sa pamamagitan ng pambansang batas na tinatawag na Local Government Code (o Lokal na Kodigo ng Pamahalaan) ng 1991. Sa batas na ito, ang mga pamahalaang lokal ay pinapayagang mamahala, gumawa ng mga alituntunin o pang-lokal na mga ordinansa, at ipatupad ito, at pamahalaan ang kanyang lugar ng sakop. Sila ay maaaring pumasok sa mga pribadong transaksiyon at negosyo sa pamamagitan ng paghalal at pagtalaga ng mga opisyal at lokal na bubuwisan. Sila ay inaatasang ipatupad ang mga batas, mapa-lokal man ito o pambansa. Ang Pambansang Pamahalaan ay umaalalay, nagbabantay at nagsisiguro na ang mga lokal na pamahalaan ay hindi lumalabag sa batas pambansa. Ang Pamahalaan Lokal ay mayroon sariling sangay na Ehekutibo at Lehislatibo. Ang Sangay ng Hudikatura ng Republika ng Pilipinas ay hindi sakop ng Lokal na Pamahalaan. Ang Hudikatura nila ay tulad ng nasa Pambansang Pamahalaan.

Ang mga bayan ay pinamumunuan ng Alkalde (minsan tinatawag ding Punongbayan o Mayor sa Ingles) bilang Opisyal ng Ehekutibo. Ang Lehislatura ay binubuo ng Bise Alkalde at walong konsehal (o minsan ay kagawad). Ang walong konsehal, at ang Pangulo ng Sangguniang Kabataan(SK) at ang Pangulo ng Liga, ay bumubuo sa Sangguniang Bayan. Lahat sila ay mga inihalal na opisyal at nagsisilbi ng 3 taon termino at hindi lalabis sa 3 sunod-sunod na termino. Ang Bise Alkalde naman ang namumuno sa lehislatura, pero hindi maaaring bumoto maliban na lang kung patas.

Mga lalawigan ng Italya

Sa Italya, ang lalawigan (sa Wikang Italyano: provincia) ay isang dibisyong administratibo ng kalagitnaan sa pagitan ng munisipalidad (comune) at rehiyon (regione).

Mga munisipalidad ng Colombia

Ang mga munisipalidad ng Colombia ay ang mga paghahating desentralisado ng Republika ng Colombia.

Misamis Oriental

Para sa iba pang lugar na may kaparehong pangalan, tingnan ang Misamis (paglilinaw).Ang Misamis Oriental (literal na Silangang Misamis) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Hilagang Mindanao. Ang Lungsod ng Cagayan de Oro ang kabisera at sentro ng lalawigan. Napapaligiran ito ng Lanao del Norte at Bukidnon patungong timog, ang Agusan del Norte at Agusan del Sur patungong silangan, at Dagat Bohol sa hilaga kasama ang pulong-lalawigan ng Camiguin na nasa hilagang pampang nito.

Sorsogon

Tungkol ang artikolong ito sa lalawigan. Para sa lungsod, tingnan Lungsod ng Sorsogon.Ang Sorsogon ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Bicol sa Luzon. Lungsod ng Sorsogon ang kapital nito at napapaligiran ng lalawigan ng Albay sa hilaga. Nasa dulo ang Sorsogon ng Tanway ng Bicol at nakaharap sa pulo ng Samar sa timog-silangan sa ibayo ng Kipot ng San Bernardino.

Sultan Kudarat

Para sa sultan kung saan ipinangalan ang isang lalawigan, tingnan ang Muhammad Dipatuan Kudarat. Para sa munisipalidad, tingnan ang Sultan Kudarat, Shariff Kabunsuan.Ang Sultan Kudarat ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong SOCCSKSARGEN sa Mindanao. Isulan ang kapital nito at napapaligiran ng Maguindanao at Cotabato sa hilaga,, Davao del Sur sa silangan, at Timog Cotabato sa timog. Matatagpuan ang Dagat Celebes sa timog-kanluran.

Zamboanga del Norte

Ang Zamboanga del Norte (Filipino:Hilagang Sambuangga) ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Tangway ng Zamboanga sa Mindanao. Lungsod ng Dipolog ang kapital nito at napapaligiran ng Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay sa timog at Misamis Occidental sa silangan. Nasa hilagang-kanluran ng Zamboanga del Norte ang Dagat Sulu.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.