Mousterian

Ang Mousterian ang pangalang ibinigay ng mga arkeologo sa isang istilo ng pangunahing mga kasangkapang flint o industriyang arkeolohikal na pangunahing nauugnay sa mga Neandertal. Ito ay mula Gitnang Paleolitiko at gitnang bahagi ng Lumang Panahong Bato.

Ang Paleolitiko

↑ bago ang Homo (Plioseno)

Mababang Paleolitiko (c. 2.6 Ma–300 ka)

Oldowan (2.6–1.8 Ma)
Acheulean (1.7–0.1 Ma)
Clactonian (0.3–0.2 Ma)

Gitnang Paleolitiko (300–30 ka)

Mousterian (300–30 ka)
Aterian (82 ka)

Itaas na Paleolitiko (50–10 ka)

Baradostian (36 ka)
Châtelperronian (35–29 ka)
Aurignacian (32–26 ka)
Gravettian (28–22 ka)
Solutrean (21–17 ka)
Magdalenian (18–10 ka)
Hamburg (15 ka)
Ahrensburg (13 ka)
Swiderian (10 ka)
Mesolitiko
Panahong Bato
Acheulean

Ang Acheulean ( /əˈʃuːliən/ o Acheulian) ( mula sa wikang Pranses na acheuléen na isang katagang batay sa pangalang Saint-Acheul na isang suburb ng Amiens na kabisera ng departamentong Somme sa Picardy kung saan ang mga dalawang mukhang ay natagpuan noong 1859), ang pangalan na ibinigay sa industriyang arkeolohikal ng paggawa ng kasangkapang bato na nauugnay sa genus na Homo noong Mababang Paleolitiko sa buong Aprika at karamihan ng Kanlurang Asya, Timog Asya at Europa. Ang mga kasangkapang Acheulean ay karaniwang natagpuan sa tabi ng mga fossil ng Homo erectus. Pinaniniwalaang ito ay umunlad mula sa mas primitibo o sinaunang teknolohiyang Oldowan ng Homo habilis noong mga 1.76 milyong taong nakakaraan. Ang Acheulean ang nananaig na teknolohiya para sa karamihan ng kasaysayan ng tao mula pa noong higit sa 1 milyong taong nakakaran. Ang kanilang natatanging hugis obal at hugis peras na mga palakol na may dalawang mukha ay natagpuan sa isang malawak na lugar at ang ilang mga halimbawa nito ay nagpapakita ng napakataas na lebel ng sopistikasyon.

Gitnang Paleolitiko

Ang Gitnang Paleolitiko (Ingles: Middle Paleolithic o Middle Palaeolithic) ang ikalawang subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahong Bato gaya ng pagkaunaw sa Europa, Aprika at Asya. Ang terminong Gitnang Panahong Bato ay ginagamit bilang katumbas o kasing kahulugan para sa Gitnang Paleolitiko sa arkeolohiyang Aprikano. Ang Gitnang Paleolitiko at Gitnang Panahong Bato ay malawak na sumasaklaw mula 300,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. May malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng mga rehiyon. Ang Gitnang Paleolitiko/Gitnang Panahong Bato ay sinundan ng Itaas na Paleolitiko na unang nagsimula sa pagitan ng 50,000 at 40,000 taon ang nakalilipas. Sa panahong ito, ang Homo neanderthalensis ay yumabong sa Europa sa pagitan ng 300,000 at 30,000 taon ang nakalilipas at ang pinaka unang anatomikong modernong mga tao ay lumitaw noong mga 195,000 taon ang nakalilipas. Ang paghihiwalay na pilohenetiko ng mga modernong tao ay may petsa sa panahong ito: ang ebang mitokondriyal sa tinatayang mga 150,000 taon ang nakalilipas at ang adan na Y-kromosomal sa tinatayang mga 90,000 taon ang nakalilipas. Ang mga ito ay nag-ebolb sa Aprika. Ayon sa kamakailang pinagmulang Aprikano, Ang mga homo sapiens ay nagsimulang lumisan sa Aprika noong Gitnang Panahong Bato/Gitnang Paleolitiko noong mga 100,000 o 70,000 taon ang nakalilipas at nagsimulang pumalit sa mga mas naunang mga pre-eksistenteng mga espesye ng Homo gaya ng mga Neandertal at Homo erectus.

Imperyong Neo-Babilonio

Ang Imperyong Neo-Babilonio o Imperyong Neo-Babilonyano o Imperyong Kaldeo ay isang panahon sa kasaysayan ng Mesopotamia na nagsimula noong 626 BCE at nagwakas noong 539 BCE. Noong mga nakaraang tatlong siglo, ang Babilonya ay pinamunuan ng kanilang kapwa nagsasalita ng wikang Akkadiano at mga hilaagang mga kapitbahay na Assyria. Sa buong panahong iyon, ang Babilonya ay nagtamasa ng isang prominenteng katayuan. Nagawa ng mga Asiryo na panatilihin ang katapatan ng mga Babilonyano sa panahong Imperyong Neo-Asiryo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga tumaas na pribilehiyo o sa militar. Gayunpaman, ito ay nagbago noong 627 BCE sa kamatayan ng huling malakas na pinunong Asiryo na si Assurbanipal at ang Babilonya ay naghimagsik sa ilalim ng Kaldeong si Nabopolassar sa sumunod na taon. Sa pakikipag-alyado sa Medes, ang Nineveh ay sinakop noong 612 BCE at ang upuang imperyo ay muling nilipat sa Babilonya. Ang panahong ito ay nakasaksi ng isang malaking pagyabong mga proyektong pangarkitektura, mga sining at agham sa Babilonya. Ang mga pinuno ng imperyo Neo-Babilonya ay malalim na may kamalayan sa pagiging sinauna ng kanilang mga lahi at nagpursigi ng mga patakarang arko-tradisyonalista na bumuhay ng karamihan ng kanilang sinaunang Sumero-Akkadianong kultura. Bagaman ang wikang Aramaiko ay naging pang-araw araw na wika, ang wikang Akkadiano ay ibinalik bilang wika ng pamamahala at kultura. Ang mga sinaunang ekspresyon mula sa nakaraang 1,500 taon ay muling ipinakilala sa mga inskripsiyong Akkadiano kasama ng mga salitang matagal na hindi sinalita sa panahong ito na wikang Sumeryo. Ang skriptong kuneiporma na Neo-Babilonyano ay binago upang magmukhang tulad ng lumang ika-3 milenyong skripto ng wikang Akkadiano. Ang mga sinaunang sining Neo-Babylonian cuneiform script was also modified to make it look like the old 3rd-millennium BC script of Akkad. Ang mga sinaunang sining mula sa heydey ng kaluwalhatiang imperyal ng Babilonya ay tinrtto may malapit sa pagpipitagang pang relihiyon at iningatan. Halimbawa ang estataw ni Sargon ng Akkad ay natagpuan noong pagtatayo at ang isang templo ay itinayo para dito at hinandugan ng mga handog. Ang kuwento sinalaysay kung paano sa mga pagsisikap ni Nabucodonosor na ibalik ang Templo sa Sippar ay kinailangang gumawa ng mga paulit ulit na paghuhukay hanggang sa matagpuan ang depositong pundasyon ni Naram-Suen na pumayag sa kanyang muling itayo ang templo ng angkop. Muli ring binuhay ng mga Neo-Babilonyano, ang sinaunang kasanayang Sargonid ng paghihirang ng isang maharlikang anak na babae bilang saserdotisa ng diyosang-buwan na si Sin.

Neandertal

Ang mga Neanderthal (English pronunciation IPA: /niˈændərˌθɔls/, IPA: /niˈændərˌtɔls/, IPA: /niˈændərˌtɑls/ or IPA: /neɪˈɑndərˌtɑls/) ay isang hindi na umiiral ngayong espesye o subespesye sa loob ng henus na Homo at malapit na nauugnay sa mga Homo sapiens(modernong tao). Ang mga ito ay alam mula sa mga specimen ng fossil na may petsa sa panahong Pleistocene at natagpuan sa Europa at sa mga bahagi ng kanluaran at sentral na Asya. Ang terminong Neanderthal na pagpapaikli ng taong Neanderthal ay minsang binabaybay na Neandertal na modernong baybay ng Lambak na Neander sa Alemanya kung saan ang espesyeng ito ay unang natuklasan. Ang mga Neanderthal ay alternatibong inuuri bilang isang subespesye ng Homo sapiens(Homo sapiens neanderthalensis) o bilang isang hiwalay na espesye ng Homo (Homo neanderthalensis). Ang unang katangiang proto-Neanderthal ay lumitaw sa Europa mga 600,000–350,000 taon ang nakalilipas. Ang mga katangiang Proto-Neanderthal ay minsang pinapangkat sa isa pang espesyeng phenetiko na Homo heidelbergensis, o isang anyong migrante na o Homo rhodesiensis. Ang pinakabatang mga natuklasang Neanderthal ay kinabibilangan ng Hyena Den (UK) na itinuturing na mas matanda sa 30,000 taon ang nakalilipas samantalang ang mga Neanderthal na Vindija (Croatia) ay muling pinetsahan sa pagitan ng 33,000 at 32,000 taon ang nakalilipas. Walang tiyak na mga specimen na mas bata sa 30,000 taon ang nakalilipas ay natagpuan. Gayunpaman, ang ebidensiya ng apoy ng mga Neanderthal sa Gibraltar ay nagpapakitan ang mga ito ay nagpatuloy doon hanggang 24,000 taon ang nakalilipas. Ang Cro-Magnon o mga labing kalansay ng sinaunang modernong tao na may katangiang Neanderthal ay natagpuan sa Lagar Velho (Portugal) at pinetsahan ng 24,500 tao ang nakalilipas at pinakahulugang mga indikasyon ng malawak na paghahalong mga populasyon. Ang ilang mga pagtitipong kultural ay naiugnay sa mga Neanderthal sa Europa. Ang pinaka una ang kulturang kasangkapang batong Mousterian na may petsang mga 300,000 ang nakalilipas. Ang Huling mga artipaktong Mousterian ay natagpuan sa kweba ni Gorham sa timog na humaharap sa baybayin ng Gibraltar. Ang ibang mga kulturang kasangkapan na nauugnay sa Neanderthal ay kinabibilangan ng Châtelperronian, Aurignacian, at Gravettian. Ang mga kalaunang pagtitipong kasangkapang ito ay lumilitaw na unti unting umunlad sa loob ng mga populasyon kesa sa pagiging naipakilala ng mga bagong populasyon na dumating sa rehiyon.Ang kapasidad pang-bungo ng Neanderthal ay inakalang kasing laki na sa mga modernong tao at marahil ay mas malaki na nagpapakitan ang sukat ng utak ng mga ito ay maaaring maihahambing o mas malaki. Noong 2008, ang isang pangkat ng mga siyentipiko ay lumikha ng isang pag-aaral gamit ang isang tatlong dimensiyonal na tinulungan ng kompyuter na mga rekonstruksiyon ng mga sanggol na Neanderthal batay sa mga fossil na natagpuan sa Rusya at Syria. Ang pag-aaral ay nagpapakitang ang utak ng mga Neanderthal at modernong tao ay may parehong sukat sa kapanganakan ngunit sa pagtanda, ang utak ng Neanderthal ay mas malaki kesa sa utak ng modernong tao. Ang mga neanderthal ay higit na mas malakas sa mga modernong tao na may mga malalakas na mga braso at mga kamay. Ang mga lalakeng Neanderthal ay may taas na 164–168 cm (65–66 in) at ang mga babaeng Neanderthal ay may taas na mga 152–156 cm (60–61 in).Ang Proyekong Genome ng Neanderthal na inilimbag noong 2010 ay nagmumungkahing ang mga Neanderthal ay nag-ambag ng DNA sa anatomikong modernong mga tao na malamang ay sa pamamagitan ng pagtatalik sa pagitan ng mga Neanderthal at pinakaunang mga tao na kumalat mula sa Aprika. Ito ay pinaniniwalaang nangyari sa pagitan ng 80,000 at 50,000 ang nakalilipas o sa sandaling pagkatapos na ang mga proto-Eurasyano ay lumisan mula sa Aprika. Ayon sa pag-aaral, ang 1–4% ng genome ng populasyon ng mga tao na pumuno sa Eurasya ay inambag ng mga Neanderthal.Ang mga neanderthal ay naglaho noong mga 35,000 taong nakakaraan.

Oldowan

Ang Oldowan, Olduwan o Oldawan ang katagang arkeolohikal na tumutukoy sa pinakamaagang industriyang kasangkapang bato sa panahong bago ang kasaysayan na ginamit noong Mababang Paleolitiko noong mga 2.6 milyong taong nakakaraan hanggang noong 1.7 milyong nakakaraan ng mga Hominine. Ito ay sinundan ng mas sopistikadong industriyang Acheulean. Ang katagang Oldowan ay mula sa lugar ng Olduvai Gorge sa Tanzania kung saan ang mga unang kasangkapang Oldowan ay natuklasan ng arkeologong si Louis Leakey noong mga 1930. Hindi pa masiguro kung aling species na hominin ang aktuwal na lumikha at gumamit ng mga kasangkapang Oldowan. Ang paglitaw nito ay kadalasang nauugnay sa species na Australopithecus garhi at yumabong sa mga maagang species ng Homo na H. habilis at H. ergaster. Ang maagang Homo erectus ay lumilitaw na nagmana ng teknolohiyang Oldowan at pinaunlad ito sa industriyang Acheulean noong mga 1.7 milyong taong nakakaraan.

Paleolitiko

Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.

Relihiyon sa Mesopotamia

Ang relihiyon sa Mesopotamia ay tumutukoy sa mga paniniwalang pang-relihiyon at mga kasanayang panrelihiyon na sinunod ng mga taong Sumeryo at Silangang Semitikong Akkadian, Asiryo, Babilonio at mga Kaldeo na nabuhay sa Mesopotamia (ngayong modernong Iraq at hilagang silangang Syria) na nanaig sa rehiyong ito sa 4,200 taon mula sa ika-4 na milenyo BCE sa buong Mesopotamia hanggang ika-10 siglo CE sa Asirya.

Ang relihiyong sinanay sa sinaunang Mesopotamia ang politeismo sa mga libo libong taon. Ito ay unti unting naglalaho sa pagsisimula ng ika-1 siglo CE sa pagpapakilala ng Silangang Ritong Kristiyanismo gayundin ng Manicheanismo at Gnostisismo na tumagal ng 3 hanggang 4 na siglo hanggang sa ang mga paniniwalang ito ay namatay na na may mga huling bakas nito sa mga ilang pamayanang Asiryo hanggang noong ika-10 siglo CE. Ang Diyos na si Ashur ay sinasamba pa rin sa Assyrian hanggang noong ika-4 siglo CE at ang Ashurismo ay sinanay ng mga menoridad hanggang noong ika-10 siglo CE.

Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na relihiyon sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga relihiyong Cananeo, relihiyong Arameo, relihiyon ng Sinaunang Gresya, mga relihiyong Poeniko gayundin din sa mga kalaunang lumitaw na relihiyong Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang mitolohiya ng Bibliya gaya ng mito ng paglikha, Adan at Eba, Arko ni Noe, Tore ng Babel, Nimrod at Lilith. Ang mga kuwento ni Moises ay katulad sa kuwento ni Sargon ng Akkad at ang mga kautusan ni Moises ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio, halimbawa ang batas na "mata sa mata" ni king Hammurabi. Ang mga Israelita ay sinakop ng Imperyong Babilonio noong 587 CE at ipinatapon sa Babilonia. Pinaniniwalaan ng mga skolar na ang Torah at karamihan ng Tanakh o Lumang Tipan ay isinulat pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelite sa babylonia.

Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang kabilang buhay na isang lupain sa ilalim ng ating mundo. Ito ay kilala number Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nila.

Sinaunang Malapit na Silangan

Ang sinaunang Malapit na Silangan (Ingles: ancient Near East) ay ang tahanan ng mga sinaunang kabihasnan sa loob ng rehiyon na tumutugon sa modernong Gitnang Silangan (Middle East). Ang mga sinaunang kabihasnan o bansang ito ang Mesopotamia (modernong Iraq, timog silangang Turkey at hilagang silangang Syria), sinaunang Ehipto, sinaunang Iran (Elam, Media, Parthia at Persia), Anatolia/Asia Menor (modernong Turkey), Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan), Malta at Peninsulang Arabiano. Ang sinaunang malapit na silangan ay pinag-aaralan sa mga larangan ng arkeolohiya ng malapit na silangan at ng sinaunang kasaysayan. Ito ay nagsimula sa paglitaw ng Sumer noong 4000 BCEE bagaman ang petsa ng wakas nito ay iba-iba mula sa panahong Tanso at panahong Bakal hanggang sa pananakop ng Imperyong Achaemenid noong ika-anim na siglo BCEE o ni Alexander the Great noong ikaapat na siglo BCEE. Ang sinaunang malapit na silangan ay itinuturing na duyan ng kabihasnan. Ito ang una na nagsanay ng intensibong taunang agrikultura, nagbigay sa ibang panig ng daigdig ng unang sistema ng pagsulat, nag-imbento ng gulong ng magpapalayok at gulong ng sasakyan at gilingan, lumikha ng mga unang sentralisadong pamahalaan, mga batas kodigo at mga imperyo gayundin ang nagpakilala ng stratipikasyong panlipunan, pang-aalipin at organisadong digmaan. Ito ang naglatag ng pundasyon ng mga larangan ng astronomiya at matematika.

Sumerya

Ang Sumerya o Sumer (mula sa wikang Akkadiano Šumeru; Sumeryo 𒆠𒂗𒂠 ki-en-ĝir15, tinatayang "lupain ng mga sibilisadong hari" o "katutubong lupain") ay ang unang urban na kabihasnan sa makasaysayan na rehiyon ng silanganing Mesopotamya, kasulukuyang araw na timog Irak, noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso, at marahil ang unang kabihasnan sa mundo kasama ang Sinaunang Ehipto. Habang naninirahan sa kahabaan ng lambak ng Tigris at Euphrates (Mesopotamya ay Griyego para sa lupa sa pagitan ng dalawang ilog), ang mga Sumeryong magsasaka ay nakapagtanim ng kasaganaan ng mga butil at iba pang mga pananim, ang kalabisan ng mga ito ang nagbigay-daan upang manirahan sa isang lugar.

Ang kauna-unahang pagsusulat sa bago ang kasaysayan ay masusundan sa c. 3000 BK. Iminungkahi ng mga modernong historyador na ang Sumerya ay unang permanenteng tinirhan noong pagitan ng c. 5500 at 4000 BK ng mga Kanlurang Asya na mga tao na maaring nagsalita ng wikang Sumeryo (dahil sa mga pangalan ng mga lungsod, mga ilog, mga simpleng trabaho, atbp. bilang katibayan).Ang mga pinagpapalagay na sinaunang-panahon na mga taong ito ay tinatawag ngayon ng mga iskolar na mga "proto-Euphratean" o mga "Ubaidian", na pinaniniwalaang nanggaling mula sa kalinangang Samarra ng Hilagang Mesopotomya (Asiria). Ang mga Ubaidian ang mga unang nagpaunlad ng kabihasnan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng irigasyon, pagpapaunlad ng kalakalan, pagtatatag ng mga industriya kabilang ang paghahabi, pagkakatad, pagmemetal, masonriya at pagpapalayok.

Ang kabihasnang Sumeryo ay nagkaanyo sa panahong Uruk (ika-4 milenyo BK) na nagpatuloy hanggang sa Jemdat Nasr at mga panahong Maagang Dinastiko. Noong ika-3 milenyo BK, ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng Hiwalay na wika) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo. Ang impluwensiya ng wikang Sumerian sa wikang Akkadian at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na leksikal hanggang sa pagtatagpong sintaktiko, morpolohikal at ponolohikal. Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumerian at Akkadian noong ikatlong milenyo BK bilang isang sprachbund. Ang Sumerya ay sinakop ng mga nagsasalita ng Semitikong mga hari ng Imperyong Akkadian noong mga 2270 BK (maikling kronolohiya) ngunit ang wikang Sumeryo ay nagptuloy bilang isang sagradong wika. Ang katutubong pamumunong Sumeryo ay muling umahon sa loob ng isang siglo ng Ikatlong Dinastiya ng Ur (Renasimiyentong Sumeryo) ng ika-21 hanggang ika-20 siglo BK ngunit ang wikang Akkadian ay nanatiling ginagamit sa panahong ito. Ang siyudad na Sumeryong Eridu sa baybayin ng Golpong Persiko (Persian Gulf) ang kauna-unahang siyudad sa mundo kung saan ang tatlong magkakahiwalay na mga kultura ay nagsama-ng mga magsasakang Ubaidiano na nabubuhay sa mga kubong putik at brick at nagsasanay ng irigasyon, mga nomadikong Semitikong mga magpapastol na nabubuhay sa mga itim na told at nagpapastol ng mga tupa at kambing, at mga mangingisda na nabubuhay sa mga kubong reed na maaaring mga ninuno ng mga Sumeryo.Ang labis na maiimbak na mga pagkain na nalikha ng ekonomiyang ito ay pumayag sa populasyon ng rehiyong ito na tumira sa isang lugar sa halip na magpagala-gala bilang mga mangangaso. Ang Sumerya ay lugar rin ng maagang pag-unlad ng pagsusulat na sumulong mula sa isang yugto ng proto-pagsusulat noong gitnang ika-4 milenyo BK hanggang sa kuneipormang Sumeryo sa ikatlong milenyo BK.

Wikang Sumeryo

Ang wikang Sumeryo o wikang Sumerian (𒅴𒂠 EME.ĜIR15 "katutubong wika") ang wika ng sinaunang Sumerya na sinalita sa katimugang Mesopotamia(modernong Iraq) mula sa ca. ika-4 milenyo BCE. Noong ika-3 milenyo BCE, ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng Hiwalay na wika) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo. Ang impluwensiya ng wikang Sumerian sa wikang Akkadian at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na leksikal hanggang sa pagtatagpong sintaktiko, morpolohikal at ponolohikal. Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumeryo at Akkadiano noong ikatlong milenyo BCE bilang isang sprachbund. Ang wikang Akkadiano ay unti-unting pumalit sa wikang Sumeryo bilang isang sinasalitang wika noong mga 2000 BCE(ang eksaktong petsa ay pinagdedebatihan pa rin). Gayunpaman, ang wikang Sumeryo ay patuloy na ginamit bilang isang wikang sagrado, seremonyal, pampanitikan, at pang-agham sa Mesopotamia hanggang sa ika-1 siglo CE. Ito ay nakalimutan hanggang noong ika-19 siglo CE, nang simulang maunawaan ng mga Asiryologo ang mga inksripsiyong kuneiporma at naghukay ng mga tabletang naiwan ng mga tagapagsalita nito. Ang wikang Sumeryo ay isang hiwalay na wika. Ang ilang mga skolar ay naniniwalang ang wikang Sumeryo ay nauugnay sa pangkat austriko ng mga wika.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.