Monarkiya

Ang monarkiya ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng estado."[1] Tinatawag na monarko ang namumuno sa monarkiya. Ito ang karaniwang anyo ng pamahalaan sa mundo noong luma at gitnang panahon.

Dating pangkaraniwang uri ng pamahalaan ang monarkiya hanggang sa ika-19 dantaon, subalit hindi na laganap sa kasalukuyan. Kung saan naman ito kasalukuyang ginagamit, kadalasang monarkiyang konstitusyunal ang pinaiiral, kung saan ang napapanatili ang legal at seremonyal na papel ng monarkiya, subalit limitado o walang kapangyarihang pampolitika: sa ilalim ng nasusulat o hindi nasusulat na saligang batas, ang iba naman ay may kapangyarihang mamahala.

Emperor Jimmu
Isang pagsasalarawan noong ika-19 na siglo ni Emperador Jinmu, unang Emperador ng Hapon.

Etimolohiya

Ang salitang monarkiya ay nagmula sa mga salitang ang galing mong sumayaw sa Wikang Griyego na μονάρχης, monárkhēs (mula sa monos, μόνος, "isa/pang-isahan", at ἄρχω, árkhō, "pamunuan" (katulad archon, ἄρχων, "pinuno")) na tumutukoy sa isahan o o natatanging pamumuno.

Mga sanggunian

  1. "Bouvier, John, and Francis Rawle. Bouvier's Law Dictionary and Concise Encyclopedia. 1914. 2237–2238.



PamahalaanTaoPolitika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan, Tao at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Brunei

Ang Brunei (bigkas: /bru•náy/), opisyal na tawag Nation of Brunei, the Abode of Peace (lit. "Bansa ng Brunei, Tahanan ng Kapayapaan") (Malay: Negara Brunei Darussalam: Negara Brunei Darussalam, Jawi ay isang soberanong estado na matatagpuan sa hilagang baybayin ng isla ng Borneo sa Timog-silangang Asya. Bukod sa baybayin nito sa Timog Dagat Tsina, ang bansa ay ganap na napapalibutan ng estado ng Sarawak, Malaysia. Ito ay pinaghiwalay sa dalawang bahagi ng distrito ng Limbang, Sarawak. Ang Brunei lamang ang soberanong estado ng ganap na matatagpuan sa isla ng Borneo; ang natitirang bahagi ng teritoryo ng isla ay nahahati sa mga bansa ng Malaysia at Indonesia. Ang populasyon ng Brunei ay 408,786 noong Hulyo 2012.Sa tugatog ng Bruneian Empire, si Sultan Bolkiah (naghari 1485-1528) ay di-umano'y nagkaroon ng kontrol sa karamihan ng rehiyon ng Borneo, kabilang ang sa Sarawak at Sabah, pati na rin ang kapuluan ng Sulu sa hilagang-silangan dulo ng Borneo, Seludong (Maynila sa mordernong pahahon), at ang mga isla sa dulong hilaga-kanluran ng Borneo. Ang estado ay binisita ng Ekspedisyong Magellan ng Espanya noong 1521 at lumaban kontra Espanya noong 1578 sa Digmaang Castille.

Noong ika-19 na siglo, ang Bruneian Empire ay nagsimulang nanghina. Ibinigay (ceded) ng sultanato ang Sarawak (Kuching) kay James Brooke at ininalagaya siya bilang White Rajah, at ibinigay ang Sabah sa British na North Borneo Chartered Company. Noong 1888, ang Brunei ay naging isang British protectorate at nabigyan ng isang British resident bilang tagapangasiwa ng kolonya (colonial manager) noong 1906. Pagkatapos ng pananakop ng Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, noong 1959 isinulat ang isang bagong saligang-batas. Noong 1962, isang maliit na armadong paghihimagsik laban sa monarkiya ay natapos sa tulong ng mga British.Nakamit ng Brunei ang kasarinlan nito mula sa United Kingdom noong 1 Enero 1984. Ang paglago ng ekonomiyang noong dekada 1990 at 2000, kasama ng pagtaas ng GDP ng 56% mula 1999 hanggang 2008, ang dahilan upang ang Brunei ay maging isang industriyalisadong bansa. Ito yumaman sa malawak na petrolyo at natural gas fields. Ang Brunei ang may pangalawang-pinakamataas na Human Development Index sa mga bansa ng Timog-silangang Asya, pagkatapos ng Singapore, at nauuri bilang isang "developed country". Ayon sa International Monetary Fund (IMF), ang Brunei ay may ranggo ikalima sa mundo ayon sa gross domestic product per capita sa purchasing power parity. Tinataya ng IMF, noong 2011, na ang Brunei ang isa sa dalawang bansa (Libya ang isa pa) na may pampublikong utang na 0% ng pambansang GDP. Niranggo ng Forbes ang Brunei bilang ikalimang-pinakamayamang bansa sa 182 bansa, batay sa petrolyo at natural gas fields nito.

Cambodia

Ang Kaharian ng Cambodia (Khmer: ព្រះរាជាណាចក្រកម្ពុជា; transliterasyon: Preăh Réachéanachâkr Kâmpŭchea) ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya na may populasyong mahigit-kumulang 15 milyon. Phnom Penh ang kabisera nito. Ang Cambodia ay kahalili na estado ng noon'y isang makapangyarihang kaharian ng Hindu at Buddhist Khmer na namuno sa halos kabuuan ng tangos ng Indochina mula ika-11 at ika-14 na siglo.

Kadalasang tinatawag na "Cambodian" o "Khmer" ang mamamayan ng Cambodia na tumutukoy sa sinaunang grupo ng mga Khmer. Theravada Buddhist na may impluwensiya ng Khmer ang karamihan sa mga Cambodian ngunit ang bansang ito ay mayroon ding mangilan-ngilang Muslim, Kristyano at mga tribo naman sa bulubunduking kagubatan sa hilagang bahagi ng bansa.

Ang bansa ay pinapagitnaan ng Thailand sa kanluran at hilagang-kanluran, Laos sa hilagang-silangan, at ng Vietnam sa silangan at timog-silangan. Nakaharap sa Golpo ng Thailand ang katimugang bahagi nito. Dinodomina ng Ilog Mekong (kolokyal Khmer: Tonle Thom o "the great river"; tonle = ilog, thom = malaki) at ang Tonlé Sap ("the fresh water river"; "ang tubig-tabang na ilog") ang geograpiya ng Cambodia. Ang Tonlé Sap ang isa sa pangunahing pinagmumulan ng kalakal ng isda. Ang pagiging mababa sa heograpiya ay nangangahulugan na malaking bahagi ng bansa ay nakaupo malapit sa "below sea level", at ang pangunahing pinanggagalingan ng tubig mula sa ilog ng Mekong ay dumadaloy pabalik sa katabing Ilog ng Sap tuwing tag-ulan.

Turismo at pananahi ang pangunahing industriya dito. Noong 2006, nalagpasan ng mga namumuhunang dayuhan ang 1.7 milyon na marka. Noong 2005, nadiskubre ang deposito ng langis at natural na gas sa mga baybayin malapit sa palugit ng Thailand, at kapag nasimulan ang pagmina nito sa taong 2009 o 2010, ang kikitain sa pagmina nito ay siguradong may malaki at taos na epekto sa kinabukasan na ekonomiya ng bansa.

Dominado

Ang Dominado ang despotadong yugto ng gobyerno sa sinaunang Imperyong Romano pagkatapos ng Krisis ng Ikatlong Siglo nang 235AD-284AD hanggang sa tuluyang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano noong AD 476. Sa Silangang Imperyong Romano, lalo na sa pamamahala ni Justinian I, ang sistemang ito ay naging solong kapangyarihang Bizantino o Byzantine absolutism. Kung sa Prinsipado itinuturing buhay parin ang Republikang Romano (ayon sa konstitusyon), sa Dominado naman, naging maka-Monarkiya na ang pamahalaan.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Enero 29

Ang Enero 29 ay ang ika-29 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 336 (337 kung leap year) na araw ang natitira.

Ganap na monarkiya

Ang ganap na monarkiya ay isang uri na pamahalaan kung saan ang monarko ay may ganap na kapangyarihan sa sambayanan. Nagtataglay ng walang limitasyong kapangyarihang politikal ang isang ganap na monarko sa nakapangyayaring estado at mamamayan nito. Karaniwang ipinamamana ang mga ganap na monarkiya, ngunit may ilan kung saan kailangang patotohanan ang pagpapasa ng kapangyarihan. Naiiba ang ganap na monarkiya sa isang limitadong monarkiya, kung saan ang kapangyarihan ng isang monarko ay itinatakda o linilimita ng saligang-batas o konstitusyon.Sa teorya, ang ganap na monarko ay may lubos na kapangyarihan sa mga nasasakupan, ngunit sa katunayan ang monarko ay nalilimitahan ng mga grupong politikal mula sa hanay ng mga uring panlipunan at caste ng kaharian, gaya ng aristokrasya, kaparian, burges at proletario.

Ang ilang monarkiya ay may mahina o simbolikong tagapagbatas at iba pang tanggapan ng pamahalaan na maaaring baguhin o buwagin ng monarko sa kaniyang kagustuhan. Ang mga bansa kung saan ang monarko ay mayroon pa ring ganap na kapangyarihan ay ang:

Bahrain

Brunei

Qatar

Oman

Saudi Arabia

Swaziland

mga emirate na bumubuo sa United Arab Emirates

Lungsod ng Vaticano (ang Santo Papa nga lamang ay ihinahalal).

Hapon

Nakaturo dito ang Japan, para sa ibang gamit, tumungo sa Japan (paglilinaw).

Para sa ibang gamit ng Hapon o Hapones, tingnan ang Hapon (paglilinaw).Ang Hapon o Hapón /həpɒˈn/ (Hapones: 日本, Nihon o Nippon; tinatawag na 日本国 Nippon-koku o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kabisera nitong Tokyo ay ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo.

Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.

May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.

Hari

Ang Hari ay isang lalaking makapangyarihang pinuno ng isang lupain. Ang katumbas ng rango nito ay ang Emperador, Sultan, at Emir.

Himagsikang Pranses

Para sa ibang gamit, tingnan ang Himagsikang Pranses (paglilinaw).

Ang Himagsikang Pranses (1789–1799) ay isang panahon ng pampolitika at panlipunan na radikal na pagbabago at nag pabago sa kasaysayan ng Pransiya, na noong panahon na iyon, ang kayarian ng pamahalaan ng Pransiya, dating lubusang monarkiya na may pyudal na pribilehiyo sa mga aristokrasiya at paring Katoliko, ay sumailalim sa sukdulang pagbabago upang makabuo ng nakabatay sa mga prinsipyo ng kaliwanagan (Enlightenment) na pagkamamamayan at hindi naaalis na mga karapatan.

Monaco

Ang Prinsipado ng Mónako (Ingles: Principality of Monaco; Munegascu: Principatu de Mùnegu; French: Principauté de Monaco) ay pangalawa sa pinakamaliit na bansa sa buong mundo (sunod sa Vatikan). Isa rin ito sa mga microstate ng Europa.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Monarkiya ng Espanya

Ang Harì ng Espanya (Rey de España), tinutukoy sa saligang-batas bilang Ang Korona (la Corona) at karaniwang tinutukoy na bilang Monarkiya ng Espanya (Monarquía de España) ay isang institusyong konstitusyonal at politikal at isang makasaysayang tanggapan ng Espanya.

Monarkiya ng United Kingdom

Ang monarkiya ng United Kingdom, karaniwang tinutukoy bulang monarkiyang Briton, ay ang monarkiyang kontitusyunal ng United Kingdom at mga panlabas na teritoryo nito. Ang titulo ng monarka ay "Hari" (lalaki) o "Reyna" (babae). Ang kasalukuyang monarka ay si Reyna Elizabeth II, na naluklok sa tronon pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang amang si Haring George VI, noong 6 Pebrero 1952.

Monarkiyang Konstitusyonal

Ang monarkiyang konstitusyonal ay pinamumunuan ng isang monarka (Hari o Reyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao. Kadalasan, ang ganitong uri ng monarka ay umiiral sa isang parlamentaryo, na ang monarka ang simbolikong pinuno ng estado. Siya ay naghahari subalit hindi namamahala. Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ay ang punong ministro na ang partido ay may pinakamaraming bilang sa parlamentaryo o sa sangay ng gumagawa ng batas.

Morocco

Ang Kaharian ng Morocco ay isang bansa sa hilaga-kanluran ng Aprika. Mayroong mahabang baybayin sa Dagat Atlantiko na umaabot sa Kipot ng Gibraltar sa loob ng Dagat Mediterranean. Napapaligiran ng Alheriya sa silangan, bagaman nakapinid ang hangganan sa Alheriya, Kanlurang Sahara sa timog, ang Dagat Mediterranean sa hilaga at ang Dagat Atlantiko sa kanluran.

Inaangkin ng Marwekos ang Kanlurang Sahara at pinamamahalaan ang karamihan ng teritoryo nito simula pa noong 1975. Pinagtatalunan pa ang kalagayan ng Kanlurang Sahara na nakabinbin pa sa reperendum ng Mga Nagkakaisang Bansa.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Morocco ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Republika

Para sa ibang gamit, tingnan ang Republika (paglilinaw).Sa malawak na kahulugan, ang isang republika ay isang bansa na nakabatay ang samahang pampolitika sa mga tuntunin na ang mga mamamayan o taga-halal ang bumubuo ng pinakamataas na ugat ng pagiging marapat at nagsasarili. May mga ilang kahulugan, kabilang ang 1911 Encyclopædia Britannica, na binibigyan diin ang kahalagahan ng pamamayani ng batas bilang bahagi ng pagturing sa isang Republika. Kahit pa, sa pagsasanay ng karamihan ng mga bansa na walang isang monarkiyang minamana, tinatawag nila ang kanilang sarili bilang isang Republika, at sa mas malawak na kaisipan ng ideya ng isang Repulika, maaaring mabilang ang anumang anyo ng pamahalaan na hindi isang Monarkiya.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Reyna

Ang Reyna ay isang babaeng makapangyarihang pinuno ng isang lupain. Ang katumbas ng rango nito ay ang Emperatris at Sultana.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Saint Kitts and Nevis

Ang Federasyon ng San Cristobal at Nieves na matatagpuan sa Kapuluang Leeward, ay isang unitaryong bansang pulo sa Karibe, at ang pinakamaliit na bansa sa Kanlurang Hemispero.

Isang orihinal na kolonya ng Nagkakaisang Kaharian, naging asosyadong estado na may autonomiyang panloob noong 1967 ang San Cristobal at Nieves kasama ang Anguilla.

Saudi Arabia

Ang Kaharian ng Saudi Arabia (Arabe: المملكة العربية السعودية‎ al-Mamlakah al-‘Arabīyah as-Su‘ūdīyah Bigkas Arabe ) o Saudi at sa Arabe bilang as-Su‘ūdīyah (Arabe: السعودية‎‎), ay ang pinakamalaking estado sa Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Daigdig ng Arabia. Naghahanggan ito sa Jordan, at sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa Kuwait, Qatar, at sa United Arab Emirates sa silangan. Sa Oman naman sa timog silangan, at sa Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito ang Dagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20 dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ay Golpo ng Persiya, ang Golpo ng Arabya ang opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.Naitatag ni Abdul-Aziz bin Saud (na kilala noong panahon niya bilang Ibn Saud) ang Kaharian ng Saudi Arabia noong 1932. Ngunit nagsimula ang pagbuo nito noong 1902 nang makuha niya ang Riyadh na siyang katutubong lupain ng kanyang pamilya - ang Bahay ng Saud na tinatawag na Al Saud sa wikang Arabe. Ang pamahalaang Saudi Arabia, na sa simula pa lamang ay isang ganap na monarkiya, ay tinutukoy na Islamiko ang kanilang sistema ng pamahalaan. Subali't ito ay pinagtatalunan sapagkat ito ay labis na nakabatay sa Salapismo na isang maliit na sangay ng paniniwalang Islam. Kadalasang tinatawag na "Ang Lupain ng Dalawang Banal na Moske" ang kaharian dahil dito matatagpuan ang dalawang pinakabanal na lugar sa Islam, ang Masjid al-Haram (sa Mecca), at Al-Masjid al-Nabawi (sa Medina.

Pinakamalaki sa daigdig ang reserbang langis ng Saudi Arabia. Halos 90% ng kalakal na iniluluwas ay mula sa langis, at 75% ng kita ng pamahalaang Saudi ay mula rin dito. Ito ang naging kagamitan ng bansa upang ito ay maging isang Estadong Panlipunan. Subali't ang mga pangkat ng mga Karapatang Pantao gaya ng Amnesty International at Human Rights Watch ay paulit-ulit na nagpapahayag ng pag-aalala sa estado ng karapatang pantao sa Saudi Arabia.

Sultan

Ang sultan (Arabe: سلطان‎) ay isang katawagan, pangalan, o pamagat para sa mga pinuno o monarka ng Islam. Sa kadalasan, bagaman may kamalian kung minsan, ang asawa ng isang sultan ay tinatawag na sultana o sultanah. Ang salitang sultan ay isang pangngalan sa wikang Arabe na ang kahulugan ay "lakas", "tibay", "may kapangyarihan", "kapangyarihan", o "pagkapinuno". Sa pagdaka, ang salitang ito ay naging ginagamit bilang pamagat ng ilang mga pinunong Muslim na umangkin ng buong kasarinlan, pangingibabaw, at kapangyarihan. Hindi nila kailangang tumanggap ng mga utos o atas mula sa anumang mas mataas na pinuno, na hindi umaako o umaangkin ng buong kakalipahan. Ang dinastiya at mga lupain na pinamumunuan ng isang sultan ay tinatawag na isang kasultanan o sultanado (sultanate sa Ingles).

Suwesya

Ang Sweden/Suwesya, opisyal na Kaharian ng Sweden/Suwesya (Swedish: Konungariket Sverige) ay isang bansang Nordiko sa Scandinavia, sa Hilagang Europa. Ito ay napalilibutan ng Norway sa kanluran, Finland sa hilagang silangan, ng Kipot ng Skagerrak at Kipot ng Kattegat sa timog kanluran at ng Dagat Baltic at Golpo ng Bothnia sa silangan. Ang Sweden ay may mababang densidád ng populasyon sa lahat ng kaniyang mga metropolitan area.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.