La Défense

Ang distrito ng La Défense (tinatayang bigkas: la-DI-fongs;[1] Pranses ng "Ang Pagtatanggol") ay isang pangunahing distritong pangkalakalan sa mataong bahagi ng kalakhang Paris, na may populasyong 20,000.[2] Ito ang pinakakanluraning bahagi ng 10 km-kahaba na tinatawag na Makasaysayang Aksis[3] ng Paris, na nagsisimula sa museo ng Louvre at dumadaan sa Arc de Triomphe sa pamamagitan ng abenida ng Champs-Élysées bago nagtatapos sa La Défense.

Kabilang sa mga gusali rito ay ang bantog na Grande Arche de la Fraternité, o mas kilala bilang Arko ng La Défense.

Defense10
Tanawin ng distrito ng La Défense sa Paris.

Talasanggunian

  1. http://translate.google.com/#en%7Cfr%7CThe%20Defense
  2. Fallon, Steve; Annabel Hart (2006). Paris. Footscray, Victoria: Lonely Planet. p. 155.
  3. http://www.frenchmoments.com/Paris_Louvre_Tuileries_files/Paris%20Historical%20Axis%20by%20French%20Moments.jpg



Pransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Kolwezi

Ang Kolwezi o Kolwesi ay ang kabiserang lungsod ng Lalawigan ng Lualaba sa katimugang bahagi ng Demokratikong Republika ng Congo, kanluran ng Likasi. Mayroon itong paliparan at daambakal na papuntang Lubumbashi. Ang tinatayang populasyon ay humigit-kumulang 453,000 katao.

Malapit sa Kolwezi ang isang plantang static inverter ng HVDC Inga-Shaba.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024

Naka-redirect ang "Paris 2024" dito. Para sa the Summer Paralympics, tingnan ang 2024 Summer Paralympics.Padron:2024 Summer Olympics

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2024, na kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXXIII Olimpiyada, (Pranses: Jeux olympiques d'été de 2024), (French: Jeux de la XXXIIIe Olympiade) at kinilala run bilang Paris 2024, ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na itinakdang isasagawa mula 26 Hulyo – 11 Agosto 2024 sa lungsod ng Paris, Pransya. nahalal ang lungsod na ito noong 13 Setyembre 2017 sa ika-131 sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Lima, Peru.

Ang Lungsod ng Paris ay dati naging punong abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1900 at Palarong Olimpiko sa Tag-init 1924.

Pamantasang Paris-Nanterre

Ang Université Paris Nanterre, ay isang pamantasang Pranses. Ito ay isa sa mga pinakaprestihiyoso sa bansa, lalo na sa batas, humanidades, agham pampulitika, agham panlipunan at ekonomiks. Ito ay isa sa mga labintatlong kahaliling unibersidad ng Unibersidad ng Paris (Sorbonne). Ito ay matatagpuan sa kanlurang suburb ng Nanterre, sa erya ng La Défense, ang pangnegosyong distrito ng Paris. Ang university ay karaniwang tinutukoy bilang Nanterre.

Ang Nanterre ay itinayo noong dekada 1960 sa labas ng Paris bilang isang ekstensyon ng Sorbonne. Ito ay na-set up bilang isang malayang university noong disyembre 1970. Binatay ito sa modelong Amerikano, at nilikha bilang isang satellite campus.

Ang Nanterre ay naging tanyag ilang sandali matapos ang pagbubukas nito bilang naging sangkot sa May '68 student rebellion. Ang campus ay may palayaw na "Nanterre, la folle" (Galit na Nanterre) o "Nanterre la rouge" (Pulang Nanterre, bilang reperensya sa komunismo).

Ang university ' s undergraduate batas ng programa ay niraranggo ang ika-9 ng France sa pamamagitan ng Eduniversal, may 2 stars (2016/17).

Paris

Ang Paris (bigkas: pa-RIS; bigkas sa Pranses: pa-RI) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa kalagitnaan ng rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino). Ang lungsod ng Paris, na ang mga hangganang panlungsod nito ay hindi nagbago simula noon taong 1860, ay may tinatayang populasyon na 2,193,031 (Enero 2007), ngunit ang Kalakhang Paris ay may populasyon na 11,836,970 (Enero 2007), at ito isa sa mga pinakamataong kalakhan sa Europa.

Noong mga taong 2009 at 2010, ang Paris ay hinalal bilang isa sa tatlong mga mahahalaga at maiimpluwensiyang lungsod sa daigdig, isa sa tatlong unang "mga Europeong lungsod ng hinanarap," - ayon sa pananaliksik na inilathala ng Financial Times - at bilang kasama sa sampung pinakamagandang tirhang lungsod sa daigdig, ayon sa Britanikong magasinang Monocle (Hunyo 2010). Isang mahalagang kabayanan sa mahigit na dalawa nang milenyo, ang Paris ngayon ay isa sa mga pangunahing sentrong pinansiyal at pangkultura ng daigdig, at ang impluwensiya nito sa politika, edukasyon, aliwan, midya, pananamit, agham at mga sining ay lahat nag-aambag sa kalagayan nito bilang isa sa mga pangunahing lungsod pandaigdig. Ang Paris ay hinahalal ding kabilang sa 10 mga luntiang lungsod sa Europa sa taong 2010.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.