Kretaseyoso

Ang Kretaseyoso (Ingles: Cretaceous) (play /krɪˈtʃəs/, krə-TAY-shəs), na hinango mula sa Latin na "creta" (chalk), na karaniwang pinaikling K para sa saling Aleman nitong Kreide (chalk) ay isang panahong heolohiko mula 145 milyong taon ang nakalilipas hanggang 66 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay sumusunod sa panahong Jurassic at sinundan ng panahong Paleohene. Ito ang huling panahong ng era na Mesosoiko at sumasaklaw sa 80 milyong mga taon na pinakamahabang panahon ng era na Phanerozoic. Ito ay isang panahon ng relatibong mainit na klima na nagresulta sa isang mataas na mga lebel ng dagat na eustatiko at lumikha ng maraming mga mababaw na mga dagat na panloob ng lupain. Ang mga karagatan at dagat na ito ay napuno ng ngayong ekstinkt na mga reptilyang pang-dagat, mga ammonita, at mga rudista samantalang ang mga dinosauro ay nagpatuloy na manaig sa lupain. Sa parehong panahon, ang mga bagong pangkat ng mga mamalya at mga ibon gayundin ang mga namumulaklak na mga halaman ay lumitaw. Ang Kretaseyoso ay nagwakas sa isang malaking ekstinksiyong pang-masa na pangyayaring ekstinksiyong na Kretaseyoso-Paleoheene kung saan ang maraming mga pangkat kabilang ang mga hindi-ibon na dinosauro, mga pterosaur at malalaking mga reptilyang pang-dagat ay namatay. Ang huli nang Kretaseyoso ay inilalarawan ng hangganang K-Pg na isang lagdang heolohiko na nauugnay sa ekstinksiyong pang-masa na nasa pagitan ng mga era na Mesosoiko at Cenozoic.

Panahong Kretaseyoso
145–145 milyong taon ang nakalilipas
Mean na atmosperikong nilalamang O2sa loob ng tagal ng panahon ca. 30 Bolyum %[1]
(150 % ng modernong lebel)
Mean na atmosperikong nilalamang CO2 sa tagal ng panahon ca. 1700 ppm[2]
(6 mga beses sa lebel na pre industriyal)
Mean na temperatura ng surpasyo(ibabaw) sa loob ng tagal ng panahon ca. 18 °C[3]
(4 °C na higit sa modernong lebel)

Heolohiya

Kasaysayang pagsasaliksik

Ang Kretaseyoso bilang isang hiwalay na panahon ay unang inilarawan ng heologong Belhiyanong si Jean d'Omalius d'Halloy noong 1822 gamit ang strata sa Paris Basin[4] at ipinangalan ito para sa ekstensibong mga kama ng chalk(kalsiyum karbonata) na idineposito ng mga shell ng mga marinong inbertebrata na pangunahin ang mga coccolith na natagpuan sa Itaas na Kretasyeso ng kanluraning Europa. Ang pangalang "Cretaceous" ay hango sa Latin na creta na nangangahulugang chalk.[5] Ang pangalan ng island Creta ay may parehong pinagmulan.

Mga subdibisyong stratigrapiko

Ang panahong Kretaseyoso ay nahahati sa Simulang Kretaseyoso at Huling Kretaseyoso o Mababa at Itaas na Kretaseyosong serye. Sa mga mas matandang literatura, ang Kretaseyoso ay minsang hinahati sa tatlong mga serye: Neocomian (maababa/simula), Gallic (gitna) and Senonian (itaas/huli). Ang isang labingisang mga yugto na lahat ay nagmumula sa stratigrapiyang Europea ay ginagamit na ngayon sa buong mundo. Sa maraming mga bahagi ng mundo, ang alternatibong mga lokal na subdibisyon ay ginagamit pa rin. Gaya ng ibang mga mas matandang panahon, ang mga kamang bato ng Kretaseyoso ay mahusay na natukoy ngunit ang mga eksaktong edad ng tuktok at base nito ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Walang malaking enkstinksiyon o putok ng dibersidad ang naghihiwalay sa Kretaseyoso mula sa panahong Jurassic. Gayunpaman, ang tuktok ng sistemang ito ay matalas na inilarawan na inilagay sa mayaman sa iridium na patong na natagpuan sa buong mundo at pinaniniwalaang nauugnay sa banggang krater na Chicxlub sa Yucatan at Golpo ng Mehiko. Ang patong na ito ay mahigpit na pinetsaha ng 65.5 milyong taon ang nakalilipas.[6]

Mga pagkakabuo ng bato

MosasaurusHoffmann
Drawing of fossil jaws of Mosasaurus hoffmanni, from the Maastrichtian of Dutch Limburg, by Dutch geologist Pieter Harting (1866).

Ang mataas na eustatikong lebel ng dagat at katamtamang init na klima ng Kretasyoso ay nangangahulugang ang isang malaking sakop ng mga kontinente ay natatakpan ng isang katamtamang init na mga mabababaw na dagat. Ang Kretasyoso ay ipinangalan sa ekstensibong mga deposito ng chalk ng panahong ito sa Europa ngunit sa maraming mga bahagi ng mundo, ang sistemang Kretaseyoso ay binubuo sa karamihang bahagi ng mga marinong batong apog na isang uri ng bato na nabubuo sa katamtamang init at mga sirkunstansiyang mababaw na marino. Sanhi ng mataas na lebel ng dagat, may isang ekstensibong espasyong akomodasyon para sa sedimentasyon upang ang mga makakapal na deposito ay mabuo. Dahil sa relatibong batang edad at malaking kakapalan ng sistema, ang mga batong Kretaseyoso ay nakausli sa maraming mga lugar sa buong mundo. Ang chalk ay isang uri ng bato na karakterisiko ng(ngunit hindi limitado sa) Kretaseyoso. Ito ay binubuo ng mga coccolith at mikroskopikong maliit na mga kalansay na kalsito ng mga coccolithophore na isang uri ng algae na yumabong sa mga dagat na Kretaseyoso. Sa hilagang kanluranin ng Europa, ang mga depositong chalk mula sa Itaas na Kretaseyoso ay karakteristiko ng pangkat Chalk na bumubuo ng mga puting talampas ng Dover sa timog baybayin ng Inglater at mga katulad na talampas sa baybayin ng Normandy sa Pransiya. Ang pangkat ay matatagpuan sa Inglater, hilagaang Pransiya at mga mababang ansa, hilagaang Alemanya, Denmark at sa subsurpasiyo ng katimugang bahai ng Dagat Hilaga. Ang chalk ay madaling makokonsolida at ang pangkat Chalk ay binubuo ng mga maluwag na sedimento sa maraming mga lugar. Ang pangkat ay may mga ibang batong apog at mga arenita. Kabilang sa mga fossil na nilalaman nito ang mga dagat urchin, mga belemnita, mga ammonita at mga reptilya ng dagat gaya ng Mosasaurus. Sa katimugang Europa, ang Kretaseyoso ay karaniwang isang sistemang marino na binubuo ng kompetenteng mga kama ng batong apog o mga inkompetenteng mga marl. Dahil ang mga kadenang bundok na Alpine ay hindi pa umiiral sa panahong Kretaseyoso, ang mga depositong ito ay nabuo sa katimugang gilid ng shelf na kontinental ng Europa sa marhin ng Karagatang Tethys. Ang stagnasyon ng mga kuryente malalalim na mga dagat sa Gitnang Kretaseyoso ay nagsanhi ng anoksikong kondisyon sa katubigan ng dagat. Sa maraming mga lugar sa buong mundo, ang isang maitim na anoksikong mga shale ay nabuo sa interbal na ito.[7] Ang mga shale na ito ay mahalagang pinagkukunang bato para sa langis at gaas halimbawa sa subsurpasiyo ng Dagat Hilaga.

Paleoheograpiya

Sa panahong Kretaseyoso, ang huling Paleozoic hanggang simulang Mesosoiko, kinumpleto ng superkontinente na Pangaea ang tektonikang paghahati nito sa kasalukuyang panahong mga kontinente bagaman ang mga posisyon nito ay malaking iba sa panahong ito. Habang ang Karagatang Atlantiko ay lumalapad, ang konberhenteng marhin na mga oroheniya na nagsimula noong panahong Jurassic ay nagptuloy sa Kordilyerang Hilagang Amerika dahil ang oreheniyang Nevadan ay sinundan ng mga oroheniyang Sevier at Laramide. Bagaman ang Gondwana ay buo pa rin pagsisimula ng Kretaseyoso, ito ay nahati habang ang Timog Amerika, Antarctica at Australia ay nahating papalayo sa Aprika bagaman ang India at Madagascar ay nanatiling magkakabit sa bawat isa. Dahil dito, ang mga karagatang Timog Atlantiko at Karagatang Indiyano ay bagong nabuo. Ang gayong aktibong paghahati ay nagtaas ng malalaking kadeng pang-ilalim na dagat na mga kabundukuan sa kahabaan ng mga welt na nagtataas ng eustatikong mga lebel ng dagat sa buong mundo. Ang mga malalawak na mga mababaw na mga dagat ay sumulong papatawid sa sentral Hilagang Amerika(ang Kanluraning Panloob na daangdagat) at Europa at pagkatapos ay umurong sa huli ng panahon na nag-iiwan ng makapal na mga depositong marino sa pagitan ng mga kamang coal. Sa rurok ng transgresyon sa panahong Kretaseyoso, isang tatlo ng kasalukuyang sakop ng lupain ng mundo ay lumubog.[8] Ang Kretaseyoso ay makatwirang sikat sa batong chalk nito. Ang katunayan, ang mas maraming chalk ay nabuo sa panahong Kretaseyoso kesa sa anumang panahon ng epoch na Phanerozoic. [9] Ang gawaing ridge na Gitnang Karagatan o ang sirkulasyon ng alat tubig hanggang sa mga lumaking ridge ay nagpayam ng karagatan sa kalsiyum. Ito ay gumawa sa mga karagatan na mas saturado gayundin ay nagpataas ng pagiging makakuha nang biolohiko ng mga elemento para sa kalkareyosong nanoplankton.[10] ANg mga malawakang karbonatang ito at iba pang mga depositong sedimentaryo ay gumagawa sa rekord ng batong Kretaseyoso na lalong mahusay. Ang sikat na mga pormasyon mula sa Hilagang Amerika ay kinabibilangan ng mayamang mga marinong fossil ng Chalk na Mausok na Bundo ng Kansa at mga faunang pang-luapin ng Pormasyong Hell Creek sa Huling Kretaseyoso. Ang ibang mga mahahalagang pagkakalantad ng Huling Kretaseyoso ay nangyari sa Europa (halimabawa ang Weald, Tsina). Sa area ng ngayong India, ang mga malalaknig kamang lava ng mga Trap na Deccan ay sumabog sa Huling Kretaseyoso at Simulang Paleoseno.

Klima

Ang epoch na Berriasian ay nagpapakita ng kagawiang paglalamig na nakita sa huling epoch na Jurassic. May ebidensiya na ang mga pagbagsak ng niyebe ay karanian sa mga mas mataas na latitudo at ang mga tropiko ay naging mas basa kesa sa mga panahong Triassic at Jurassic.[11] Gayunpaman, ang glasiasyon(pagyeyelp) ay limitado sa mga glasyer na alipin sa ilang mga matataas na latitudo bagaman ang mga pang-panahong niyebe ay maaaring umiral sa mas malayong timog. Ang pagrarapto ng yelo ng mga bato sa mga kapaligirang marino ay nangyari sa halos panahon ng Kretaseyoso ngunit ang ebidensiya ng deposisyon ng direkta mula sa mga glasyer ay limitado sa Simulang Kretaseyoso ng Basin na Eromanga sa katimugang Australia.[12][13] Gayunpaman, pagkatapos ng wakas ng Berriasian, ang mga temperatura ay muling tumaas at ang mga kondisyong ito ay halos hindi nagbabago hanggang sa wakas ng panahong ito.[11] Ang kagawiang ito ay sanhi ng masidhing gawaing pang-bulkano na lumikha ng malalaking mga kantidad ng karbon dioksido. Ang produksiyon ng malalaking mga kantidad ng magma na iba't ibang itinuro sa mga plumang mantel o sa mga ekstensiyal na plato [14] ay karagdagang nagpataas ng mga lebel ng dagat upang ang mga malalaking area ng mga krustong kontinental ay natatakpan ng mababaw na mga dagat. Ang Karagatang Tethys na nagdudugtong sa mga dagat tropiko mula sa silangan hanggang kanluran ay tumulong rin sa katamtamang pag-iinit ng klimang pandaigdigan. Ang umangko sa katamtamang init na mga fossil na halaman ay alam mula sa mga lokalidad na kasinglayo ng Alaska at Greendland samantalang ang mga fossil ng mga dinosauro ay natagpuan sa loob ng 15 digri ng timog polo sa panahong Kretaseyoso.[15] Ang isang napakamahinahong gradientong temperatura mula sa ekwador hanggang sa mga polo ay nangangahulugang mas mahinang mga hanging pandaigdigan na nag-aambag sa kaunting pag-uupwell at mas stagnanteng mga karagatan kesa sa kasalukuyan. Ito ay binibigyang ebidensiya ng malawakang itim na pagdedeposito ng shale at kadalasang mga pangyayaring anoksiko.[16] Ang mga core na sedimento ay nagpapakita ang tropikong temperatura ng surpasiyo ng dagat ay maaaring maikling katamtamang init bilang 42 °C (107 °F), 17 °C ( 31 °F) na mas katamtamang init kesa sa kasalukuyan at ang mga ito ay may aberaheng mga 37 °C (99 °F). Samantala, ang mga temperatura ng malalalim na karagatan ay mga 15 hanggang 20 °C (27 to 36 °F) na mas mataas kesa temperatura sa kasalukuyan.[17][18]

Buhay

Conguillio llaima
Bagaman ang mga unang representatibo ng mga madahong puno at mga tunay na damo ay lumitaw sa panahong Kretaseyoso, ang flora ay pinananaigan pa rin ng mga konipero gaya ngAraucaria (Dito ay modernong Araucaria araucana sa Chile).

Flora

Ang mga namumulaklak na mga halaman(mga angiosperma) ay kumalat sa panahogn ito bagaman ang mga ito ay hindi naging nananaig hanggang sa yugtong Campanian na malapit sa wakas ng epoch. Ang ebolusyon ng mga ito ay tinulungan ng paglitaw ng mga unang bubuyog. Ang katunayan, ang mga angiosperma at mga insekto ay isang mahusay na halimbaw ng kapwa ebolusyon. Ang unang mga kinatawan ng maraming mga madahong puno kabilang ang mga igos, platanus at mga magnolia ay lumitaw sa panahong Kretaseyoso. Sa parehong panahon, ang ilang mas naunang mga Mesosoikong mga gymnsperm tulad ng mga konipero ay patuloy na yumabong. Ang mga pehuén (monkey puzzle trees na Araucaria) at iba pang mga konipero ay kilalang sagana at malaganap. Ang ilang mga order ng fern gaya ng Gleicheniales[19] ay lumitaw sa fossil rekord sa Kretaseyoso at nagkamit ng simulang malawakang distribusyon. Ang taksang Gymnosperm tulad ng Bennettitales ay namatay bago ang wakas ng panahong ito.

Faunang pang-lupain

Sa lupain, ang mga mamalya ay isang maliit at relatibo pa ring maliit na bahagi ng fauna. Ang sinaunang mga mamalyang marsupyal ay nag-ebolb sa Simulang Kretaseyoso na ang mga tunay na placental ay lumitaw sa Huling Kretaseyoso. Ang fauna ay pinananaigan ng mga reptilyang arkosauro lalo na ang mga dinosauro na nasa pinaka dibersong yugto nito. Ang mga pterosaur ay karaniwan sa simula at gitnang Kretaseyoso ngunit habang ang Kretaseyoso ay nagpapatuloy, ang mga ito ay naharap sa papalagong kompetisyon mula sa radiasyong pag-aangkop ng mga ibon at sa wakas ng panahong ito, ang tanging dalawang mataas na espesyalisadong mga pamilya nito ang nanatili. Ang lagerstätte na Liaoning (Chaomidianzi formation) sa Tsina ay nagbibigay ng isang sulyap ng buhay sa Simulang Kretaseyoso kung saan ang mga naingatang labi ng maraming mga uri ng maliliit na mga dinosauro, mga ibon at mga mamalya ay natagapuan. Ang mga dinosaurong coelurosauro na natagpuan doon ay kumakatawan sa mga uri ng pangkat ng Maniraptora na fossil na transisyonal sa pagitan ng mga dinosauro at ibon at kilala sa pagkakaron ng mga tulad ng buhok na mga balahibo. Ang mga insekto ay nagdibersipika sa panahong Kretaseyoso at ang pinakamatandang alam na mga langgam, mga anay at ilang mga lepidoptera na katulad ng mga paru-paro at mga mariposa ay lumitaw. Ang mga aphid, mga tipaklong at mga gall wasp ay lumitaw.[20]

Tyrannosaurus BW

Ang Tyrannosaurus rex na isa sa pinakamalaking mga maninilang panlupain ng lahat ng panahon ay namuhay sa Huling Kretaseyoso.

Velociraptor dinoguy2

Hanggang 2 metrong habang Velociraptor ay malamang na may balahibo at gumala sa Huling Kretaseyoso.

Triceratops BW

Ang mga Triceratop ang isa sa pinaka nakikilalang mga henera ng Kretaseyoso.

Eomaia NT

Ang mga mamalya ay isang maliit na bahagi ng faunang Kretaseyoso na ang Eomaia ang unang eutherian.

Coloborhynchus piscator jconway

Isang pterosaur, Anhanguera piscator

Marinong fauna

Sa mga dagat, ang mga ray, mga modernong pating at mga teleosta ay naging karaniwan.[21] Ang mga marinong reptilya ay kinabibilangan ng mga ichthyosauro sa simula at gitnang Kretaseyoso(na naging ekstinkt sa pangyayaring ekstinksiyon gna Cenomanian-Turonina sa huli ng Kretaseyoso), mga plesiosauro sa buong panahong Kretaseyoso at mga mosasauro na lumitaw sa Huling Kretaseyoso. Ang Baculite na isang henus ng ammonita na may tuwid na shell ay yumabong sa mga dagat kasama ng mga nagtatayo ng reef na mga rudistang tulya. Ang mga Hesperornithiformes ay hindi nakakalipad na sumisid sa dagat na mga ibon na lumangoy ng tulad ng mga grebe. Ang Globotruncanid Foraminifera at mga echinoderma gaya ng mga dagat urchin atdagat bituin ay yumabong. Ang unang radiasyong pag-aangkop ng mga diatoma(na pangkalahatang siliseyoso kesa sa kalkareyoso) sa mga karagatan ay lumitaw sa Kretaseyoso. Ang mga sariwang tubig na diatoma ay hindi lumitaw hanggang sa Mioseno lamang.[20] Ang panahong Kretaseyoso ay mahalaga ring interbal sa ebolusyon ng bioerosyon na produksiyon ng mga pagbubutas at pagkakaskas sa mga bato, matigas na lupain at mga shell. (Taylor and Wilson, 2003).

Kronosaurus hunt1DB

Isang eksena mula sa Simulang Kretaseyoso: isang Woolungasaurus na inaatake ng Kronosaurus.

TylosaurusDB2

Ang Tylosaurus ang pinakamalaking alam na mosasauro na isang karniborosong marinong reptilya na lumitaw sa Huling Kretaseyoso.

Hesperornis BW

Ang malakas na lumalango at may ngiping maninilang ibongtubig na Hesperornis ay gumala sa mga karagatan ng Huling Kretaseyoso.

DiscoscaphitesirisCretaceous

Isang ammonita Discoscaphites iris, Pormasyong Owl Creek (Itaas na Kretaseyoso), Ripley, Mississippi.

The fossils from Cretaceous age found in Lebanon

Isang plato na may Nematonotus sp. , Pseudostacus sp., at isang parsiyal na Dercetis triqueter na natagpuan sa Hakel, Lebanon

Pangyayaring ekstinksiyong sa Wakas ng Kretaseyoso

Impact event
Ang pagbangga ng isang asteroyd o kometa ay malawakang tinatanggap ngayon bilang pangunahing dahilan ng pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene.

May isang patuloy na pagbagsak ng biodibersidad sa yugtong Maastrichtian ng panahong Kretaseyoso bago ang iminungkahing krisis ekolohikal na pinukaw ng mga pangyayari sa hangganan K-Pg. Sa karagdagan, ang biodibersidad ay nangangailangan ng malaking halaga ng panahon upang makaahon mula sa pangyayaring K-T sa kabilang ng malamang pag-iral ng kasagaanan ng bakanteng mga niche na ekolohikal.[22] Sa kabila ng pagiging malala ng pangyayaring hangganang ito, may isang malaking pagkakaiba sa rate ng eksinksiyon sa pagitan at loob ng iba't ibang mga klaso. Ang mga espesyeng nakasalalay sa potosinteiss ay bumagsak ay naging ekstinkt dahil sa pagbabawas ng enerhiyang pang-araw na umaabot sa mundo sanhi ng mga partikulong atmosperiko na humaharang sa liwanag ng araw. Gaya ng sa kaso ngayon, ang mga organismong nagpoposintesis gaya ng mga phytoplankton at mga halamang pang-lupain ay bumuo ng pangunahing bahagi ng kadena ng pagkain sa Huling Kretaseyoso. Ang ebidensiya ay nagmumungkahi na ang mga hayop na herbiboros na nakasalalay sa mga halaman at plankton sa pagkain ng mga ito ay namatay dahil ang mga pinagkukunang pagkain ng mga ito ay nagkulang. Dahil dito, ang mga mataas na maninila gaya ng Tyrannosaurus rex ay napahamak rin.[23] Ang mga Coccolithophorid at mga molluska kabilang ang mga ammonita, mga rudista at mga sariwang tubig na mga suso at tahong gayundin ang mga organismo na ang kadenang pagkain ay kinabibilangan ng mga nagbubuo ng mga shell na ito ay naging ekstinkt o dumanas ng mabigat na mga kawalan. Halimbawa, inakalang ang mga ammonita ang mga pangunahing pagkain ng mga mosasauro na isang pangkat ng mga marinong reptilya na naging ekstinkt sa hangganan.[24]

Ang mga ombinora, insektibora at mga kumakain ng bangkay ay nakaligtas sa pangyayaring ekstinksiyon na marahil ay dahil sa tumaas na pagiging makukuha ng mga mapagkukunang pagkain. Sa wakas ng Kretaseyoso, tila walang purong mga herbiboros o karniborosong mga mamalya. Ang mga mamalya at mga ibon na nakaligtas sa ekstinksiyon ay kumakain ng mga insekto, larva, mga uod, mga suso na ang mga ito ay kumakain naman ng mga patay na halaman at materya ng hayop. Tineorisa ng mga siyentipiko na ang mga organismong ito ay nakaligtas sa pagguho ng nakabatay sa halamang mga kadena ng pagkain dahil ang mga ito ay kumakain ng detritus.[25][22][26]

Sa mga pamayanang batis, ang ilang mga pangkat ng hayop ay naging ekstinkt. Ang mga pamayanang batis ay mas kaunting umaasa sa pagkain mula sa mga buhay na halaman at mas marami sa detritus na natatangay mula sa lupain.[27] Ang mga katulad ngunit mas komplikadong mga paterno ay natagpuoan sa mga karagatan. Ang ekstinksiyon ay mas malala sa mga hayop na namumuhay sa sonang Pelahiko kesa sa mga hayop na namumuhay sa sahig ng dagat. Ang mga sa kolumn ng tubig ay halos buong nakasalalay sa pangunahing produksiyon mula sa mga nabubuhay na phytoplankton samantalang ang mga hayop na nabubuhay sa sahig ng karagatan ay kumkain ng detritus o maaaring lumipat pagkain ng detritus.[22] Ang pinakamalaking humihinga ng hanging mga nakaligtas sa pangyayaring ekstinksiyon na mga crocodilian at mga champsosauro ay mga semi-akwatiko at may paglapit sa detritus. Ang mga modernong crocodilian ay maaaring mamuhay bilang mga naghahanap ng mga itinapong materya at maaaring magpatuloy ng mga buwan nang walang pagkain o pumasok sa hibernasyon nang ang mga kondisyon ay hindi kanais nais. Ang mga batang supling nito ay maliit, mabagal na lumalaki at malaking kumakain sa mga inbertebrata at mga patay na organismo o pragmento ng mga organismo para sa unang mga ilang taon nito. Ang mga katangiang ito ay nauugnay sa pagpapatuloy ng mga crocodilian sa wakas ng Kretaseyoso.[25]

FaringdonCobble

Maraming mga pagbubutas sa cobble na Kretaseyoso sa Faringdon, England; Ang mga ito ang mahusay na mga halimbaw ng bioerosyong fossil.

Cretaceous hardground

Matigas na lupain mula sa Kretaseyoso mula sa Texas na nagkukrusto ng mga talaba at mga pagbubutas. Ang barang iskala ay 10 mm.

RudistCretaceousUAE

Mga Rudistang bibalbo mula sa Kretaseyoso ng mga Bulubunduking Omani,United Arab Emirates. Ang barang iskala ay 10 mm.

InoceramusCretaceousSouthDakota

Isang Inoceramus mula sa panahong Kretaseyoso, South Dakota.

Mga sanggunian

  1. Image:Sauerstoffgehalt-1000mj.svg
  2. Image:Phanerozoic Carbon Dioxide.png
  3. Image:All palaeotemps.png
  4. Great Soviet Encyclopedia (sa Russian) (3rd ed.). Moscow: Sovetskaya Enciklopediya. 1974. vol. 16, p. 50.
  5. Glossary of Geology (3rd ed.). Washington, D.C.: American Geological Institute. 1972. p. 165.
  6. The official geologic timescale of the ICS (in 2008) gives 65.5 Ma as upper boundary of the Cretaceous, new callibrations by Kuiper et al. (2008) yield 65.9 Ma
  7. See Stanley (1999), pp. 481–482
  8. Dougal Dixon et al., Atlas of Life on Earth, (New York: Barnes & Noble Books, 2001), p. 215.
  9. Stanley, Steven M. Earth System History. New York: W.H. Freeman and Company, 1999. ISBN 0-7167-2882-6 p. 280
  10. Stanley, pp. 279–81
  11. 11.0 11.1 The Berriasian Age
  12. Alley, N.F. and Frakes, L.A. 2003. "First known Cretaceous glaciation: Livingston Tillite, South Australia". Australian Journal of Earth Science 50:134–150.
  13. Frakes, L.A. and Francis, J. E. 1988. "A guide to Phanerozoic cold climates from high latitude ice rafting in the Cretaceous". Nature 333:547–549.
  14. Foulger, G.R. (2010). Plates vs. Plumes: A Geological Controversy. Wiley-Blackwell. ISBN 978-1-4051-6148-0.
  15. Stanley, pp. 480–2
  16. Stanley, pp. 481–2
  17. "Warmer than a Hot Tub: Atlantic Ocean Temperatures Much Higher in the Past" PhysOrg.com. Retrieved 12/3/06.
  18. Skinner, Brian J., and Stephen C. Porter. The Dynamic Earth: An Introduction to Physical Geology. 3rd ed. New York: John Wiley & Sons, Inc., 1995. ISBN 0-471-59549-7. p. 557
  19. C.Michael Hogan. 2010. Fern. Encyclopedia of Earth. National council for Science and the Environment. Washington, DC
  20. 20.0 20.1 http://www.ucmp.berkeley.edu/mesozoic/cretaceous/cretlife.html
  21. http://www.talkorigins.org/origins/geo_timeline.html
  22. 22.0 22.1 22.2 MacLeod, N, Rawson, PF, Forey, PL, Banner, FT, Boudagher-Fadel, MK, Bown, PR, Burnett, JA, Chambers, P, Culver, S, Evans, SE, Jeffery, C, Kaminski, MA, Lord, AR, Milner, AC, Milner, AR, Morris, N, Owen, E, Rosen, BR, Smith, AB, Taylor, PD, Urquhart, E & Young, JR (1997). "The Cretaceous–Tertiary biotic transition". Journal of the Geological Society. 154 (2): 265–292. doi:10.1144/gsjgs.154.2.0265.CS1 maint: Multiple names: authors list (link)
  23. Wilf, P & Johnson KR (2004). "Land plant extinction at the end of the Cretaceous: a quantitative analysis of the North Dakota megafloral record". Paleobiology. 30 (3): 347–368. doi:10.1666/0094-8373(2004)030<0347:LPEATE>2.0.CO;2.
  24. Kauffman, E (2004). "Mosasaur Predation on Upper Cretaceous Nautiloids and Ammonites from the United States Pacific Coast". PALAIOS. Society for Sedimentary Geology. 19 (1): 96–100. doi:10.1669/0883-1351(2004)019<0096:MPOUCN>2.0.CO;2. Hinango noong 2007-06-17.
  25. 25.0 25.1 Shehan, P & Hansen, TA (1986). "Detritus feeding as a buffer to extinction at the end of the Cretaceous". Geology. 14 (10): 868–870. Bibcode:1986Geo....14..868S. doi:10.1130/0091-7613(1986)14<868:DFAABT>2.0.CO;2. Hinango noong 2007-07-04.CS1 maint: Multiple names: authors list (link)
  26. Aberhan, M, Weidemeyer, S, Kieesling, W, Scasso, RA, & Medina, FA (2007). "Faunal evidence for reduced productivity and uncoordinated recovery in Southern Hemisphere Cretaceous–Paleogene boundary sections". Geology. 35 (3): 227–230. Bibcode:2007Geo....35..227A. doi:10.1130/G23197A.1.CS1 maint: Multiple names: authors list (link)
  27. Sheehan, PM & Fastovsky, DE (1992). "Major extinctions of land-dwelling vertebrates at the Cretaceous–Paleogene boundary, eastern Montana". Geology. 20 (6): 556–560. Bibcode:1992Geo....20..556S. doi:10.1130/0091-7613(1992)020<0556:MEOLDV>2.3.CO;2. Hinango noong 2007-06-22.CS1 maint: Multiple names: authors list (link)
Pinangunahan ng Eon na Proterozoic 542 Ma - Eon na Phanerozoic - Kasalukuyan
542 Ma - Era na Paleozoic - 251 Ma 251 Ma - Era na Mesosoiko - 65 Ma 65 Ma - Era na Cenosoiko - Kasalukuyan
Cambrian Ordovician Silurian Deboniyano Carboniferous Permian Triassic Jurassic Kretaseyoso Paleohene Neohene Kwaternaryo
Ahas

Ang ahas (Ingles: snake o serpent) ang mahaba at walang hitang mga reptilyang karnibora ng suborden na Serpentes. Ito ay maitatangi mula sa mga butiking walang hita sa kawalan ng mga takipmata (eyelid) at panlabas na tenga sa mga ahas. Tulad ng lahat ng kasapi ng Squamata, ang mga ahas ay ektotermiko, amniotang mga bertebrata na natatakpan ng mga kaliskis. Maraming mga espesye ng ahas ay may bungo na mas maraming mga dugtong kesa sa mga ninuno nitong butiki. Ito ay pumapayag sa mga ito na makalunok ng sinisinilang hayop na mas malaki sa mga ulo nito na may mataas na magagalaw na mga panga nito. Upang makaangkop sa mga makikitid na katawan nito, ang mga magkapares na organo ng mga ahas gaya ng bato ay nasa harap ang isa kesa magkatabi at ang karamihan ng mga espesye nito ay may isa lamang gumaganang baga. Ang ilang espesye ng ahas ay nakapagpanatili ng isang butong pelvis na may isang pares ng mga kukong bestihiyal sa alinmang panig ng cloaca. Ang mga nabubuhay na ahas ay matatagpuan sa bawat kontinente ng mundo maliban sa Antarctica, sa Karagatang Pasipiko at Indiyano at sa karamihan ng mas maliliit na mga masa ng lupain. Ang mga eksepsiyon dito ang ilang malalaking mga isla gaya ng Ireland at New Zealand at marami pang maliliit na mga isa sa Atlantiko at sentral Pasipiko. Ang higit sa 20 pamilya ng ahas ay kasalukuyang kinikilala na binubuo ng mga 500 henera at mga 3,400 espesye. Ang mga ito ay may sukat mula maliit na may habang 10 cm gaya ng ahas na sinulid hanggang sa sawang retikulado na umaabot hanggang 8.7 meter (29 ft) ang haba. Ang espesyeng fossil na Titanoboa cerrejonensis ay may habang 15 meter (49 ft). Ang mga ahas ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa mga butiking naglulungga o nabubuhay sa tubig sa panahong Gitnang Kretaseyoso. Ang pinakaunang fossil ay may petsang mga 112 milyong taon ang nakalilipas. Ang dibersidad ng mga modernong ahas ay lumitaw sa panahong Paleoseno mga 66 hanggang 56 milyong taon ang nakalilipas. Ang karamihan sa mga espesye ng ahas ay walang kamandag at ang mga merong kamandag ay pangunahing gumagamit nito upang patayin at pasukuin ang sinisila nito kesa sa pagtatanggol sa sarili. Ang ilang espesye ng ahas ay may mga kamandag na sapat na malakas upang magsanhi ng sakit o kamatayan sa mga tao. Ang mga hindi makamandag na ahas ay buhay na lumulunok ng mga sinisila nito at pumapatay sa pamamagitan ng konstriksiyon.

Compsognathidae

Ang Compsognathidae ay isang pamilya ng maliliit na mga karniborosong dinosauro na pangkalahatang konserbatibo sa anyo at umiral mula sa panahong Jurassic at Kretaseyoso.

Crocodilia

Ang Crocodilia (o Crocodylia) ay isang order ng malalaking mga reptilya na lumitaw noong 83.5 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Huling Kretaseyoso(yugtong Campanian). Ang mga ito ang pinakamalapit na mga nabubuhay na mga kamag-anak ng mga ibon dahil ang dalawang mga pangkat na ito ay mga alam na mga nagpatuloy(survivors) ng Archosauria. Ang mga kasapi ng buong pangkat na kladong Crurotarsi ay lumitaw mga 220 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Triassic at nagpakita ng isang malawak ng dibersisdad ng mga anyo nito sa era na Mesosoiko. Ang Crocodilia ay kinabibilangan ng mga tunay na buwaya, ang alligator at mga caiman(pamilyang Alligatoridae) at mga gharial(pamilyang Gavialidae) gayundin din ang Crocodylomorpha na kinabibilangan ng mga prehistorikong kamag-anak at mga ninuno ng buwaya. Bagaman ang terminong 'crocodiles' ay minsang ginagamit upang tukuyin ang lahat ng mga ito, ang isang hindi malabong terminong bernakular para sa pangkat na ito ay ang 'crocodilians'.

Eutheria

Ang Eutheria ( /juːˈθiːriə/; mula sa Sinaunang Griyego na nangangahulugang "tunay/mabuting mga hayop" ay isang klado na binubuo ng mga primado, mga armadillo at lahat ng ibang mga mamalya sa maraming mga order na mas malapit na nauugnay sa mga ito kesa sa mga marsupyal. Ang Placentalia ang klaso na nagmumula sa huling karaniwang ninuno ng umiiral na mga eutherian. Dahil ang mga Placentalia ay kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na eutherian, ang mga hindi placental na mga eutherian ay nangangailang ektinkt. Ang larawan sa kanan ay nagpapakita ng fossil ng isang gayong hayop naEomaia.

Ang mga eutherian ay itinatangi mula sa mga hindi eutherian sa iba't ibang mga katangian ng mga paan, bukong bukong, mga panga at mga ngipin. Ang isang pangunahing mga pagkakaiba sa pagitan ng placental at hindi placental na mga eutheian ay ang mga placental ay walang mga butong epipubiko na umiiral sa lahat ng ibang mga fossil at buhay na mga mamalya(monotreme at marsupyal). Ang pinakamatandang alam na espesyeng eutherian ang Juramaia sinensis na may petsang 160 milyong taon ang nakalilipas mula sa panahong Hurassiko sa Tsina. Ang nakaraang pinaka-unang alam na fossil ng eutheria ang Eomaia scansoria na mula rin sa Tsina ay may petsang mula sa Simulang Kretaseyoso mga 125 milyong taon ang nakalilipas. Ang "Eutheria" ay ipinakilala ni Thomas Henry Huxley noong 1880 upang ipakahulugan ang mas malawak na depinisyon kesa Placentalia na terminong nakaraang ginagamit.

Ichthyosauria

Ang mga Ichthyosauro (Griyego para sa "isdang butiki") ay mga higanteng pangdagat na reptilya na kamukha ng mga dolphin sa isang halimbawa sa aklat pampaaralan ng ebolusyong konberhente. Ang mga ichthyosauro ay yumabong sa halos era na Mesosoiko. Batay sa ebidensiyang fossil, ang mga ito ay unang lumitaw mga 245 milyong taon ang nakalilipas at naglaho sa fossil rekord mga 90 milyong taon ang nakalilipas mga 25 milyong taon bago ang paglaho o ekstinksiyon ng mga dinosauro. Sa panahong Gitnang Triassic, ang mga ichthyosauro ay nag-ebolb mula sa hindi pa natutukoy na mga reptilyang pang-lupain na muling lumipat sa pamumuhay pantubig sa isang pag-unlad na kahilera ng mga ninuno ng kasalukuyang mga dolphin at balyena. Ang mga ito ay partikular na sagana sa panahong Jurassic hanggang sa mapalitan bilang mga nangungnang mga maninila sa tubig ng isa pang order ng reptilya na plesiosauro sa panahong Kretaseyoso. Ang mga ito ay kabilang sa order na Ichthyosauria o Ichthyopterygia.

Mamalya

Ang mga wilik o mamalya ay ang mga kasapi ng klaseng Mammalia. Ito ay mga bertebrado na inilalarawan ng pagkakaroon ng glandulang pangsuso na nagpapahintulot sa paglikha ng gatas para sa mga kababaihan upang magkaroon ng pagkain ang supling, ang pagkakaroon ng tatlong mga gitnang mga buto ng tainga, ang pagkakaroon ng buhok o balahibo at pagkakaroon ng mga endotermikong katawan (mainit na dugo). Pinapangasiwaan ng neokorteks ng utak ang mga endotermikong katawan nito (mainit na dugo) at sistemang sirkulatoryo na nagpapakita ng mga pulang dugong selula na walang mga nukleyus ng selula at isang apatang-kamarang puso.

Ang mga mamalya ay kinabibilangan ng pinakamalaking hayop sa planeta, ang mga rorkuwal at iba pang malaking balyena, gayundin ang ilang mga matatalino, tulad ng mga elepante, ilang primado, mga tao, at ilang mga seteseo. Ang batayang uri ng katawan ay isang apatang-paang lupang-sinilang na hayop, ngunit ang ilang mamalya ay nakaangkop para sa buhay sa dagat, sa himpapawid, sa mga puno, o sa pamamagitan ng dalawang mga paa. Ang karamihan ng mga mamalya ay nag-aangkin rin ng mga glandula ng pawis at dinalubhasang mga ngipin. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mamalya na mga may inunan ay may isang inunan na nagpapakain sa mga anak nito sa pagbubuntis. Ang mga mamalya ay may sukat mula 30–40 milimetro(1- to 1.5-pulgada) gaya ng paniking bubuyog hanggang sa 33 metrong(108 talampakan) balyenang bughaw.

Ang salitang "mammal" ay moderno, galing sa siyentipikong pangalan na ''Mammalia na nilikhang-salita ni Carl Linnaeus noong 175, na hinango mula sa Latin na mamma ("utong, suso"). Ang lahat ng mga babaeng mamalya ay nagpapasuso ng kanilang mga supling ng gatas na inilalabas sa glandulang pangsuso. Ayon sa Mammal Species of the World (Filipino, 'Mamalya Espesye/Uri ng Mundo'), ang 5,702 espesye o uri ng Mamalya ay napag-alaman noong 2005. Ang mga ito ay ipinangkat sa 1,229 mga sari o henero, 153 mga pamilya, at 29 mga orden. Sa 2008 kinumpleto ng IUCN ang isang limang taong, 17,000 siyentipikong Pandaigdigang Pagtatasa ng Mamalya para sa Pulang Talaan ng IUCN na bumilang ng mga 5,488 espesyse o uri sa wakas ng panahong iyon.Sa ilang mga pag-uuri, ang mga mamalya ay nahahati sa dalawang mga pangalawang-klase(hindi kabilang ang mga fossil): ang Protheria, iyan ay, ang ordeng Monotremata; at ang Theria, o ang mga ibabang-klaseng Metatheria at Eutheria. Ang mga marsupiyal ay bumubuo ng putong na pangkat ng Metatheria, at kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na metatheriano gayundin ang mga ilang nalipol; ang mga may inunanay ang putong na pangkat ng Eutheria.

Maliban sa limang espesye o uri ng mga monotreme (mga nangingitlog na mamalya), ang lahat ng mga nabubuhay na mamalya ay nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga mamalya kabilang ang anim na pinakamayaman sa espesye o uring mga ordern ay kabilang sa pangkat na may inunan. Ang tatlong pinakamalalaking orden sa pagkakasunod-sunod na pababa ang Rodentia(mga maliit na daga, daga, mga porkyupayn, mga babera, mga kapibara at mga ngumunguyang mga mamalya), Chiroptera(mga paniki) at ang Soricormpha(mga musaranya, mga mowl at mga solendon). Ang tatlong pinakamalalaking mga orden na depende sa pag-uuring ginagamit ang mga primado na kinabibilangan ng mga tao, ang Cetartiodactyla (na kinabibilangan ng mga ungguladong may paang patas at mga balyena), at ang Carnivora(mga pusa, mga aso, mga musang, mga oso, mga karnerong-dagat at mga kamag-anak nito). Bagaman ng pag-uuri ng mga mamalya sa antas na pamilya ay kaugnay na matatag, ang mga iba-ibang pagtrato sa mas mataas na mga antas na pangalawang-klase, ibabang-klase at orden ay lumilitaw sa mga panitikang magkakasabay lalo na para sa mga marsupiyal. Ang karamihan ng mga kamakailang pagbabago ay sumasalamin sa mga resulta ng pagsusuri na kladistiko at henetikang molekular. Ang mga resulta mula sa henetikang molekular ay halimbawa sa pagtumungo sa pagggamit ng mga bagong pangkat gaya ng Afrotheria at ang paglisan sa mga tradisyonal na pangkat gaya ng Insectivora. Ang mga sinaunang ninuno ng mga mamalya na sinapsido ang mga sphenacodont na pelikosauro na isang pangkat na kinabibilangan din ng Dimetrodon. Sa wakas ng panahong Carboniferous, ang pangkat na ito ay nag-naiiba mula sa hanay ng sauropsida na tumungo sa mga kasalukuyang nabubuhay na mga reptilya at ibon. Ito ay pinangunahan ng maraming mga sari-saring pangkat na mga hindi mamalyang sinapsido(na minsang tinutukoy na mga tulad ng mamalyang reptilya) at ang mga unang mamalya ay unang lumitaw sa Kapanahunana ng Simulang Mesosoiko. Ang mga modernong orden ng mamalya ay lumitaw sa mga panahong Paleoheno at Neoheno ng Kapanahunang Senosoiko.

Mesosoiko

Ang Era na Mesosoiko ay isang interbal ng panahong heolohiko mula mga 250 milyong taon ang nakalilipas hanggang mga 65 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay kadalasang tinutukoy bilang Panahon ng mga Reptilya dahil ang mga reptilya na mga dinosauro ang mga nananaig na mga berterbratang pang-lupain at pang-tubig ng panahong ito. Ang erang ito ay nagsimula kasunod ng pangyayaring Permian-Triassic na pinakamalaking ekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig at isa pang ekstinksiyong pang-masa na kilala sa pagpapatay sa mga hindi-ibong mga dinosauro gayundin ang ibang mga halaman at mga espesye ng hayo. Ang mesosoiko ay nangangahulugang "gitnang buhay" mula s Griyegong panlapi na meso-/μεσο- na nangangahulugang "gitna" at zōon/ζωον na nangangahulugang "hayop". Ito ang isa sa mga eron na Phanerosoiko na pinangunahan ng Paleozoic("sinaunang buhay") at sinundan ng Cenozoiko("bagong buhay"). Ang erang ito ay hinahati sa tatlong mga pangunahing panahon: Ang Triasiko, ang Hurassiko at ang Kretaseyoso na karagdagan pang hinati sa ilang mga yugto at epoch. Ang panahong Mesososiko ay isang panahong ng mahalagang tektonikang plato, klima at ebolusyonaryo. Ang erang ito ay nakasaki ng unti-unting paghahati ng superkontinenteng Pangaea sa magkakahiwalay na mga masa ng lupain na kalaunan ay lumipat sa mga kasalukuyang posisyon nito. Ang klima ng Mesosoiko ay iba iba na naghahalinhan sa pagitan ng katamtamang pag-i init at paglalamig. Gayunpaman, ang daigdig sa panahong ito ay mas mainit kesa sa kasalukuyang panahon. Ang mga hindi ibong dinosauro ay lumitaw sa Gitnang Triasiko at naging nananaig na mga bertebratang pang-lupain sa simula nang Hurassiko at sumakop ng posisyong ito sa loob ng mga 135 milyong taon hanggang sa pagkamatay ng mga ito sa wakas ng Kretasyoso. Ang mga ibon ay unang lumitaw sa Hurassiko na nag-ebolb mula sa isang sanga ng mga dinosaurong theropoda. Ang unang mga mamalya ay lumitaw rin sa panahong Mesosoiko ngunit nanatiling maliit at katamtaman hanggang sa era na Cenosoiko.

Neoheno

Ang Neoheno (Ingles: Neogene) ay isang panahong heolohiko na sumasaklaw sa 23.03 milyong taon ang nakalilipas hanggang 2.58 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay sumunod sa Paleogene at sinundan ng Kwaternaryo. Ang Neogene ay hinahati sa dalawang mga epoch: ang mas maagang Miocene at ang kalaunang Pliocene. Ang Neogene ay sumasaklaw sa mga 23 milyong taon. Sa panahong ito, ang mga mamalya at mga ibon ay patuloy na nag-ebolb sa tinatayang mga modernong anyo nito, samantalang ang ibang mga pangkat ng buhay ay nanatiling relatibong hindi nagbago. Ang mga sinaunang hominid na mga ninuno ng mga modernong tao ay lumitaw sa Aprika. Ang ilang mga paggalaw kontinental ay nangyari na ang pinaka mahalagang pangyayari ang koneksiyon ng Hilagang Amerika at Timog Amerika sa Isthmus ng Panama sa huli nang Pliocene. Ito ay pumutol sa mga daloy ng karagatan sa pagitan ng Karagatang Atlantiko at Karagatang Pasipiko na nagsanhi ng mga pagbabago sa klima at lumikha ng daloy Golpo. Ang klima ng daigdig ay labis na lumamig sa kurso ng Neogene na humantong sa isang serye ng mga glasiasyong kontinental sa panahong Kwaternaryo na sumunod.

Paleoseno

Ang Paleoseno (Ingles: Paleocene (symbol Pε) o Palaeocene, ang "maagang kamakailan") ay isang epoch na heolohiko na tumagal ng mga 65.5 hanggang 56 milyong taon ang nakalilipas (65.5±0.3 hanggang 55.8±0.2 Ma). Ito ang unang epoch ng Paleohene sa modernong era na Cenozoiko. Gaya ng ibang mas matandang mga panahon, ang strata na naglalarawan ng simula at wakas ng epoch ay mahusay na natukoy ngunit ang eksaktong petsa ng wakas ay hindi matiyak. Ang epoch na Paleoseno ay agad na sinundan ng pangyayaring ekstinksiyon na pang-masa sa huli ng panahong Kretaseyoso na kilala bilang hangganang Kretaseyoso-Paleohene na nagmamarka ng pagkamatay ng mga hindi-ibong mga dinosauro, ang mga higanteng marinong mga reptilya at halos ibang mga fauna at flora. Ang pagkamatay ng mga dinosauro ay nag-iwan ng hindi napunan na mga niche na ekolohikal sa buong mundo. Ang pangalang Paleocene ay nagmula sa Griyego at tumutukoy sa mas matanda (παλαιός, palaios) – "bago" (καινός, kainos) na fauna na lumitaw sa epoch na ito bago ang mga modernong mamalya ay lumitaw sa Eoseno.

Plesiadapiformes

Ang Plesiadapiformes ("malapit na tulad ng Adapida" o "halos Adapiformes") ay isang ekstinkt na order ng mga mamalya. Ito ay malapit na nauugnay sa mga primado o isang prekursor ng mga ito. Ang mga

Plesiadapiformes ay unang lumitaw sa fossil rekord sa panahong Kretaseyoso bagaman marami ang ekstinkt sa simula ng panahong Eoseno. Posibleng ang mga ito ang mga unang mamalya na nag-ebolb ng mga kuko ng daliri kesa sa mga kukong kalawit.

Ang isang posibleng klasipikayon ng mga pamilyang plesiadapiform ang:

ORDER PLESIADAPIFORMES

Family Micromomyidae

Superfamily Paromomyoidea

Family Paromomyidae

Family Picromomyidae

Family Palaechthonidae

Family Picrodontidae

Family Microsyopidae

Superfamily Plesiadapoidea

Family Chronolestidae

Family Plesiadapidae

Superfamily Carpolestoidea

Family Carpolestidae

Plesiosauria

Ang Plesiosauria ( /ˌpliːsi.ɵˈsɔriə/; Sinaunang Griyego: plesios na nangangahulugang 'malapit sa' at sauros na nangangahulugang butiki) ay isang order ng panahong Mesosoikong mga marinong reptilya. Ang mga Pleisiosauro ay unang lumitaw sa Simulang Hurassiko(at posibleng Rhaetian na pinakahuling panahong Triassic) at naging lalaong karaniwan sa panahong Hurassiko na yumabong hanggang sa pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene sa wakas ng panahong Kretaseyoso. Ang pangalang "plesiosauro" ay ginagamit upang tukuyin ang order na Plesiosauria bilang kabuuan at hindi lang sa may mahahabang leeg na mga anyo(suborder Plesiosauroidea). Ang mga huling ito ay bumubuo sa mga plesiosauro sa popular na imahinasyon("Nessie" o Halimaw ng Loch Ness, "Nahuelito").

Plesiosauroidea

Ang Plesiosauroidea ( /ˈpliːsiəsɔər/; Sinaunang Griyego: plesios na nangangahulugang 'malapit sa' at sauros na nangangahulugang butiki) ay isang ekstinkt na klado ng karniborosong plesiosauro na mga marinong reptilya. Ang mgaPlesiosauroid ay alam mula sa mga panahong Hurassiko at Kretaseyoso. Pag are known from the Jurassic and Cretaceous Periods. Ito ay unang lumitaw sa Simulang Hurassiko at yumabong hanggang sa pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene sa wakas ng panahong Kretaseyoso. Ang pinakamatandang nakumpirmang plesiosauroid ay ang mismong Plesiosaurus dahil ang lahat ng mga mas batang taksa ay kamakailang natagpuang mga pliosauroid. Bagaman, ang mga ito ay mga reptilyang diapsida ng epoch na Mesosoiko na namuhay sa parehong mga panahon ng dinosauro, ang mga ito ay hindi mga dinosauro. Ang mga gastrolith ay kadalasang natatagpuang nauugnay sa mga plesiosauro.

Pterosauria

Ang mga Pterosaur ( /ˈtɛrɵsɔr/ mula sa Griyegong πτερόσαυρος, pterosauros, na nangangahulugang "may pakpak na butiki") ang mga lumilipad na reptilya ng klado o order na Pterosauria. Ang mga ito ay umiral mula sa panahong Huling Triassic hanggang sa wakas ng panahong Kretaseyoso mga 210 hanggang 65.5 milyong taon ang nakalilipas.. Ang mga Pterosauro ang mga pinakaunang mga bertebratang alam na nag-ebolb ng may enerhiyang paglipad. Ang mga pakpak na ito ay nabuo mula sa isang membrano ng balat, masel at iba pang mga tisyu na sumasakop mula sa mga hita hanggang sa isang humabang ikaapat na daliri. Ang mga simulang espesye nito ay may mahaba, buong may mga ngiping pangat at mahahabang mga buntot samantalang ang mga kalaunang anyo ay may mataas na nabawasang buntot at ang ilan ay walang mga ngipin. Marami ay mayroong mabalahibong kapote na gawa na isang tulad ng buhok na mga pilamentong pycnofibres na tumakip ng mga katawan nito at mga bahagi ng pakpak. Ang mga Pterosauro ay sumaklaw sa isang malawak na uri ng mga sukat ng matatanda nito mula sa napakaliit na Nemicolopterus hanggang sa pinakamalalaking na lahat ng panahon na kinabibilangan ng Quetzalcoatlus at Hatzegopteryx.

Saurischia

Ang Saurischia isang dinosauro naniniwala ang mga orden dalubhasa sa agham na unang lumitaw ang mga klado noong mga 230 milyong taon na ang nakararaan. Noong 65 milyong taon sa nakaraan, naglaho ang mga dinosauro. Kung minsan, itinuturing na mga inapo ng mga dinosauro ang mga ibon.

Sauropoda

Ang Sauropoda ( /sɔːˈrɒpɵdə/), o sauropods ( /ˈsɔrəpɒd/), ay isang inpraorder ng saurichiang (may balakang na butiki) mga dinosauro. Ang mga ito ay may mahabang mga leeg, mahabang buntot, maliit na ulo(kumpara sa natitira sa katawan nito) at isang makapal, tulad ng mga haliging hita. Ang mga ito ay kilala sa pagkakaroon ng mga malalaking sukat na nakamit ng ilang mga espesye at ang pangkat na ito ay kinabibilangan ng pinakamalalaking mga hayop sa namuhay sa lupain. Ang mga kilalalng henera nito ay kinabibilangan ng Brachiosaurus, Diplodocus, at Apatosaurus (na sa kasalukuyang klasipikasyon ay isang senyor na sinonimo ng Brontosaurus). Ang mga sauropoda ay unang lumitaw sa panahong Huling Triasiko kung saan ang mga ito ay kamukha ng malapit na nauugnay(at posibleng mga ninuno) ng pangkat na Prosauropoda. Sa panahong Huling Jurassic mga 150 milyong taon ang nakalilipas, ang mga sauropoda ay lumaganap lalo na ang mga diplodocid at brachiosaurid). Sa panahong Huling Kretaseyoso, ang mga pangkat na ito ay pangunahing napalitan ng mga titanosauro na may halos pandaigdigang distribusyon. Gayunpaman, gaya ng lahat ng ibang mga dinosaurong hindi ibon, ang mga titanosauro ay namatay sa pangyayaring ekstinksiyong na Kretaseyoso-Paleohene. Ang mga fossiladong labi ng mga sauropoda ay natagpuan sa bawat kontinente ng daigdig kabilang ang Antarctica. Ang pangalang Sauropoda ay inimbento ni O.C. Marsh noong 1878 at hinango sa Griyegong nangangahulugang "paa ng butiki". Ang mga sauropoda ang isa sa pinakakilalang mga pangkat ng dinosauro at naging bahagi ng kulturang popular sanhi ng mga malalaking sukat nito. Ang mga kumpletong fossil ng sauropoda ay bihira. Maraming mga espesye lalo na ang pinakamalalaki ay alam lamang sa mga hiwalay at disartikuladong mga buto. Maraming halos kumpletong mga specimen ay walang ulo, mga dulo ng buntot at mga biyas.

Sinapsido

Ang mga Sinapsido (Griyego, 'pinagsamang arko') na isang pangkat ng mga hayop sa kladong Synapsida na kasingkahulugan ng mga teropsido (Griyego, 'halimaw na mukha') ay isang pangkat ng mga hayop na kinabibilangan ng mga mamalya at bawat hayop na mas malapit na nauugnay sa mga mamalya kaysa sa mga amniyota. Ang mga ito ay madaling maihihiwalay mula sa ibang mga amniyota sa pagkakaron ng mga ito ng isang pilipisang bintana na isang bukasan na mababa sa bubong ng bungo sa likod ng bawat mata na nag-iiwan ng isang sigomatikong arko sa ilalim ng bawat isa. Ang mga primitibong sinapsido ay karaniwang tinatawag na mga pelikosauriyo. Ang mga mas maunlad na tulad ng mamalya ang mga terapsido. Ang mga hindi mamalyang mga kasapi nito ay inilalarawan bilang mga tulad ng mamalyang reptilya sa klasikong sistematika ngunit tinutukoy bilang mga tangkay na mamalya sa ilalim ng terminolohiyang kladistiko. Ang mga sinapsido ay nag-ebolb mula sa mga saligang amniyota at isa sa dalawang mga pangunahing pangkat ng kalaunang mga amniyota. Ang isa ang mga sauropsida na isang pangkat na kinabibilangan ng mga modernong reptilya at ibon. Ang natatanging pilipisang bintana o temporal fenestra ng mga sinapsido ay nag-ebolb sa ninunong sinapsido mga 324 milyong taon ang nakalilipas sa panahong Pensilbaniyano sa Huling Carboniferous. Ang mga sinapsido ang mga pinakamalaking pang-lupaing bertebrado sa panahong Permian 299 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng halos lahat ng mga pangkat na nabubuhay sa panahong ito, ang mga bilang at pagkakaiba nito ay malalang nabawasan sa Pangyayaring pagkalipol na Permian-Triyasiko. Bagaman ang ilang espesye o uri ay nagpatuloy sa panahong Triyasiko, ang mga arkosauro na mga hindi-mamalyang sinapsido ay tumagal ng mas mahaba sa Triyasiko bagaman ang mga nakapagpatuloy na mga sinapsido ay nagpatuloy hanggang sa panahong Kretaseyoso. Gayunpaman, bilang isang yunit na pilohenetiko, ang mga ito ay kinabibilangan ng mga mamalya bilang mga inapo nito at sa kahulugang ito, ang mga sinapsido ay labis pa ring isang nabubuhay na pangkat ng mga bertebrado. Pagkatapos ng pangyayaring pagkalipol ng Kretaseyoso-Paleyoheno, ang mga sinapsido sa anyo ng mga mamalya ay muling naging pinakamalaking mga hayop na pang-lupain.

Therapsida

Ang Therapsida ay isang pangkat ng pinaka-maunlad na mga synapsida at kinabibilangan ng mga ninuno ng mga mamalya. Ang maraming mga katangian na nakikita ngayong walang katulad sa mga mamalya ay may pinagmulan sa loob ng mga sinaunang therapsida kabilang ang posturang nakatayo at laktasyon. Ang pinakaunang fossil na itinuturo sa therapsida ang Tetraceratops insignis na natagpuan sa strata ng Panahong Mababang Permian. Ang mga therapsida ay nag-ebolb mula sa mga pelycosauro na spepisipiko mula sa mga Sphenacodontia 275 milyong taon ang nakalilipas. Pinalitan ng mga ito ang mga pelycousauro bilang mga nananaig na mga malalaking hayop na panglupain sa panahong Gitnang Permian. Ang mga ito ay nanatili na nananaig na fauna hanggang sa mapalitan ng mga arkosauro at rhynchosaur sa panahong Gitnang Triassic bagaman ang ilang mga therapsida halimbawa ng mga kannemeyeriiform ay nanatiling diberso sa Huling Triassic. Ang mga therapsida ay kinabibilangan ng mga cynodont na nagpalitaw sa mga mamalya sa Huling Triassic mga 225 milyong taon ang nakalilipas. Sa mga hindi hindi-mamalyang therapsida, ang tanging mga cynodont at dicynodont ang nakaligtas sa pangyayaring ekstinksiyong Triassic-Hurasiko. Ang huli ng mga hindi-mamalyang therapsidad na mga cynodont tritylodontid ay naging ekstinkt sa Simulang Kretaseyoso mga 100 milyong taon ang nakalilipas.

Tyrannosaurus

Ang Tyrannosaurus ( /tɪˌrænəˈsɔrəs/ or /taɪˌrænəˈsɔrəs/; na nangangahulugang "maniniil na butiki" mula sa Griyegong tyrannos (τύραννος) at sauros (σαῦρος)) ay isang henus ng coelurosaurong therapodang dinosauro. Ang espesyeng Tyrannosaurus rex (na mula sa Latin na rex na nangangahulugang "hari") na karaniwang pinaikling T. rex ay isang bahagi ng kulturang popular. Ito ay namuhay sa buo ng ngayong kanluraning Hilagang Amerika na sa panahong ito ay isang islang kontinente Laramidia na may mas malawak na saklaw kesa sa ibang mga tyrannosaurid. Ang mga fossil nito ay natagpuan sa iba't iabng uri ng mga pormasyon ng bato na may petsang Maastrichtian ng Itaas na Kretaseyoso 67 hanggang 65.5 milyong taon ang nakalilipas. Ito ay kasama sa mga huling hindi-ibonng mga dinosauro na umiral bago ang pangyayaring ekstinksiyon na Kretaseyoso-Paleohene. Tulad ng ibang mga tyrannosaurid, ang Tyrannosaurus ay isang bipedal na karnibora na may malawak na bungo na binalanse ng isang mahaba at mabigat na buntot. Relatibo sa malaki at makapangyarihang mga likurang biyas, ang mga harapang biyas ay maliit bagaman hindi karaniang makapangyarihan para sa sukat nito at may dalawan mga kuko mga daliri. Bagaman ang ibang mga theropoda ay nakipagtunggali o humigit sa Tyrannosaurus rex sa sukat nito, ito ang pinakamalaking alam na tyrannosaurid at ang isa sa pinakamalaking alam na mga maninila ng lupain na may sukat na hanggang 12.3 m (40 ft) sa haba, hanggang 4 metre (13 ft) taas sa mga balakang, at hanggang 6.8 metric ton (7.5 short ton) sa timbang.

Velociraptor

Ang Velociraptor ( /vɪˈlɒsɪræptər/; na nangangahulugang 'mabilis na tagasunggab') ay isang henus na dromaeosaurid na Theropodang dinosauro na umiral ng tinatayang 75 hanggang 71 milyong taon ang nakalilipas sa kalaunang bahagi ng Panahong Kretaseyoso. Ang dalawang espesye nito ay kasalukuyang kinikilala bagaman ang iba pa ay maaaring itinakda sa nakaraan. Ang uring espesye ang V. mongoliensis na ang fossil ng espesyeng ito ay natuklasan sa Mongolia. Ang ikalawang espesye ang V. osmolskae na pinangalanan noong 2008 para sa materyal na bungo mula sa Loob na Mongolia, Tsina. Ito ay mas maliit sa ibang mga dromaeosaurid tulad ng Deinonychus at Achillobator. Gayunpaman, ang Velociraptor ay nakikisalo ng marami sa mga parehong katangiang anatomiko sa mga ito. Ito ay isang bipedal na may balahibong karnibora na may isang mahaba at tumigas na buntot at isang hugis karet na kuko sa bawat likurang paa na inakalang ginagamit sa pagpatay ng mga sinisila nito. Ang Velociraptor ay itinatangi mula sa ibang mga dromaeosaurids sa mahaba at mababang bungo nito na may binaliktad na nguso. AngVelociraptor (na karaniwang pinaikling 'raptor') ang isa sa mga henera ng dinosauro na pinaka pamilyar sa publiko dahil sa mga seryeng pelikulang Jurassic Park. Ang mga pelikulang ito ay nagpakita ng mga pagiging hindi tumpak sa anatomiya nito kabilang ang pagiging labis na malaki kesa sa realidad at walang mga balahibo. Ito ay mahusay na alam rin sa mga paleontologo na may higit sa isang dosenong inilarawang mga kalansay na fossil na pinakamarami sa anumang dromaeosaurid.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.