Karbala

Tandaan: Kapag ginagamit ang salitang "Karbala" sa konteksto ng kasaysayan o kultura ng Muslim , malimit itong tumutukoy as mga pangyayari na may kaugnayan sa Labanan sa Karbala kung saan napatay si Hussein, at hindi ang lungsod kung na makikita roon sa ngayon.

Ang Karbala (Arabe: كربلاء‎; BGN: Al-Karbala’; binabaybay ring Karbala al-Muqaddasah) ay isang lungsod sa Irak, na matatagpuan mga 100 km (60 mi) timog-kanluran ng Baghdad sa 32.61°N, 44.08°E. Noong panahong nabubuhay pa si Husayn ibn Ali, kilala rin ang lugar bilang al-Ghadiriyah, Naynawa, at Shathi'ul-Furaat. Tinatayang nasa 572,300 ang populasyon nito noong 2003. Ito ang kabisera ng Karbala Governorate. Itinuturing ito ng mga Islam na Shi'a bilang isa sa mga pinakasagradong lungsod kasunod ng Mecca, Medina, Herusalem at Najaf. Kilala ang lungsod bilang lugar na pinangyarihan ng Labanan sa Karbala.


Irak Ang lathalaing ito na tungkol sa Irak ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.


[[en:Karbala]

Karbala

كربلاء

Karbala al-Muqaddasah
Mga Islam na Shi'a na patungong Dambana ng Imam Hussein sa Karbala, Irak noong 2008.
Mga Islam na Shi'a na patungong Dambana ng Imam Hussein sa Karbala, Irak noong 2008.
Karbala is located in Iraq
Karbala
Karbala
Lokasyon sa Irak
Mga koordinado: 32°37′N 44°02′E / 32.617°N 44.033°EMga koordinado: 32°37′N 44°02′E / 32.617°N 44.033°E
Bansa Iraq
GovernorateKarbala Governorate
Populasyon
 (2003)
 • Kabuuan572,300
Sona ng orasArabia Standard Time
Hulyo 2010

Ang Hulyo 2010 ay ika-7 buwan ng taong iyon. Nagsimula ito ng Huwebes at magtatapos ng Sabado pagkatapos ng 31 araw.

Islam

Ang Islam (Arabiko: الإسلام; al-islām), "pagsuko (sa kalooban ng Diyos)", ay isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Ito ay isang Abrahamikong relihiyon kasama ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't malapit na kamag-anak ng mga pananampalatayang ito. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.

Pambobomba sa Baghdad noong 1 Pebrero 2010

Ang Pambobomba sa Baghdad noong 1 Pebrero 2010 ay isang pambobomba sa pamamagitan ng pagpapasabog ng sarili sa Baghdad Irak na kumitil ng hindi bababa sa 54 katao, at nag-iwan pa ng 100 sugatan. Nakatuon ang pag-atake sa isang grupo ng mga manlalakbay na naglalakad sa isang relihiyosong pagdiriwang.

Shiismo

Ang Shiismo (Islam na Shia Arabe: شيعة‎ Shī‘ah, Shi'a, o Shi'ite) ang pangalawang-pinakamalaking sekta ng Islam na bumubuo sa pagitan ng 10 hanggang 20% ng populasyon ng mga Muslim sa buong mundo o may populasyong mga 130 hanggang 190 milyon. Ang Shia Islam ay matatagpuan sa karamihan ng populasyon sa Azerbaijan, Bahrain, Iran, at Iraq, Lebanon at Yemen.

Ang sektang Shia ay nahahati din sa iba't ibang mga sekta gaya ng teolohikong paniniwala, mga skwela ng batas, mga pilosopikong paniniwala, at mga kilusang espiritwal. Ang sektang Shia ay lumitaw pagkatapos ng kamatayan ni 'Umar Ibnil-Khattab (ang pangalawang kalipa) at ang unang gobyerno at lipunang Shia ay itinatag sa wakas ng ikasiyam na siglo. Bukod sa paniniwala sa Qur'an at mga katuruan ni Muhammad, ang mga Shia muslim ay naniniwala na ang kanyang pamilya, ang Ahl al-Bayt, pati ang kanyang mga inapo na kilala bilang mga imam ay may espesyal na espirituwal at pampolitikang kapangyarihan sa komunidad. Sila ay naniniwala rin na si Ali ibn Abi Talib, pinsan ni Muhmmad at manugang na lalaki, ang una sa mga imam na ito at ang karapatdapat na kahalili ni Muhammad. Bukod dito hindi nila tinatanggap ang pagkalehitimo ng mga naunang tatlong kalipa ng Rashidun. Ang Shia Islam ay nahahati pa sa mga grupong Imami (اثنا عشرية), Ismaili (الإسماعيليون), Zaidiyyah (الزيدية), Alawi (علوية‎) at Alevi (علوي). Ang Imami ay naniniwala sa mga hinirang na labindalawang imam at sa mahdi o tagapagligtas na sa kanilang paniniwala ay ang ikalabindalawang imam na naglaho at muling magbabalik. Ang Zaidi ay tumatanggap sa unang apat na imam na pinaniniwalaan ng Imami ngunit naniniwalang ang ikalimang imam ay si Zayd ibn Ali. Ang Ismaili ay tumatanggap sa unang limang imam na pinaniniwalaan ng Imami ngunit tumututol sa ikaanim na imam. Para sa mga Ismaili, si Ja'far's na pinakamatandang anak ni Ismail ang ikaanim na imam samantalang ang Imami ay naniniwalang ito ang nakababatang anak na si Musa al-Kazim. Ang Imami ay nahati pa sa mga sektang usulismo, akhabrismo at shaykismo. Ang Ismaili ay nahahati din sa mga sektang Nizari, Mustaali, Dawoodi Bohra, Sulaimani Bohra, Alahvi Bohra, Hebtiahs Borah, Atbai-i-Malak, at Druze.

Talaan ng mga insedente ng terorismo, 2010

The following is a timeline of acts and failed attempts that can be considered non-state terrorism in 2010.

Talaan ng mga lungsod sa Iraq

Ang artikulong ito ay nagpapakita ng isang talaan ng mga lungsod sa Iraq.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.