Kapuluan ng Ryukyu

Ang Kapuluan ng Ryukyu (Hapon: 琉球諸島, Ryūkyū-shotō, kilala rin bilang Kapuluan ng Nansei (南西諸島 Nansei-shotō, literal na "Kapuluan ng Timog Kanluran")[1] ay isang kapuluan sa kanlurang Pasipiko, sa silangang hangganan ng Dagat ng Silangang Tsina at timog kanluran ng pulo ng Kyūshū sa Hapon.

Kapuluan ng Ryukyu
Katutubong pangalan: 琉球諸島 (Ryūkyū-shotō)
Kapuluan ng Nansei (南西諸島 Nansei-shotō)
East China Sea Map
Tagpuan ng Kapuluan ng Ryukyu
Heograpiya
LokasyonDagat Silangang Tsina
Mga koordinato26°19′58″N 127°44′56″E / 26.33278°N 127.74889°EMga koordinato: 26°19′58″N 127°44′56″E / 26.33278°N 127.74889°E
Bilang ng pulohigit sa 100
Mga Pangunahing puloOkinawa
Bansa
Hapon
PrepekturaKapuluan ng Satsunan, Prepekturang Kagoshima at Ryūkyū Shotō, Prepekturang Okinawa
Demograpiko
DemonymMga Ryukyuano

Mga sanggunian

  1. Tsuneyoshi, Ukita (1993). Nihon-dai-chizuchō (Grand Atlas Japan). Heibonsha. ISBN 4-582-43402-9.
Hapon

Nakaturo dito ang Japan, para sa ibang gamit, tumungo sa Japan (paglilinaw).

Para sa ibang gamit ng Hapon o Hapones, tingnan ang Hapon (paglilinaw).Ang Hapon o Hapón /həpɒˈn/ (Hapones: 日本, Nihon o Nippon; tinatawag na 日本国 Nippon-koku o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kabisera nitong Tokyo ay ang pinakamalaking lungsod sa buong mundo.

Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga pulo. Karamihan sa mga pulo dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.

May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga kapuluan ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.Ang bansang Hapon ay ang ikatlong pinamalaking ekonomiya sa buong mundo noong 2012 (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naaangkat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa, G8, at ng APEC.

Heograpiya ng Taiwan

Ang Formosa (Tsino: 福爾摩沙 mula sa Portuges: (Ilha) Formosa na ibig sabihin "(pulong) maganda"), kilala rin bilang Taiwan (Tsino: 台灣 kasaysayan Tsino: 大灣 / 台員 / 大員 / 台圓 / 大圓 / 台窩灣), ay ang pinakamalaking pulo sa Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) sa Silangang Asya. Matatagpuan ang Taiwan sa silangan ng Kipot ng Taiwan, sa dakong timog-silangang baybayin ng Punong-lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina.

Ang mga pangunahing pulo ng pangkat ay 394 km (245 milya) ang haba at 144 km (89 mi) ang lapad. Naihiwalay ito mula sa kontinente ng Asya ng 180-kilometro kalapad na Kipot ng Taiwan. Pahilagang-silangan ay ang mga pangunahing pulo ng Hapon, at ang katimugang dulo ng Kapuluan ng Ryukyu ng Hapon ay katapat sa silangan; ang Pilipinas ay matataputan sa timog. Bulubundukin ang pulo at matatagpuan sa Tropiko ng Kanser. Nababalutan ito ng mga halamang tropikal at subtropikal. Ang iba pang mga maliliit na grupo ng pulo ay ang Pescadores, Pulong Lunti at Pulo ng Orkidya; pati na rin ang Kapuluan ng Diaoyutai na kontrolado ng Hapon mula noong dekada 1970 at kilala bilang Senkaku-shotō.

Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) mula 1945 nang natamo ng ROC ang Taiwan mula sa Hapon bilang bunga ng Ikalang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng apat na taon, natalo sa Digmaang Sibil ng Tsina ang ROC sa Partido Komunista ng Tsina at umurong sa Taiwan. Ngayon, ang Taiwan ang bumubuo sa karamihan ng teritoryo ng ROC at ang ROC mismo ay karaniwang kilala bilang "Taiwan". Komplikado ang katayuang pampolitika ng Taiwan dahil inaangkin ito ng Republikang Popular ng Tsina (People's Republic of China; PRC) na naitatag noong 1949 sa Mainland China at itinuturing ang sarili bilang kahaliling estado ng ROC. Unang idinagdag ng Hapon ang Taiwan sa Dinastiyang Qing noong 1895. Sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isinuko ng Hapon soberanya nito sa Taiwan. Gayunman, hindi matukoy kung paano isinaalang-alang ng Hapon ang soberanya ng Taiwan. Hindi maliwanag ang katayuan ng Taiwan.Ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Taiwan sa mga dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagpabago nito tungo sa isang masulong na ekonomiya (advanced economoy) bilang isa sa Apat na Tigreng Asyano (Four Asian Tigers). Kilala bilang Milagro ng Taiwan (Taiwan Miracle) ang pagtaas ng ekonomiyang ito. Isinauri ito bilang isang maunlad o masulong na ekonomiya ng IMF at may mataas na kitang ekonomiya (high-income economy) ng World Bank. Gumaganap ng isang mahalagang papel sa pandaigdigang ekonomiya ang industriya ng teknolohiya nito. Gumagawa ang mga kompanyang Taywanes ng malaking bahagi ng consumer electronics ng mundo, bagaman gawa sa kanilang mga pabrika sa Punong-lupain ng Tsina ang karamihan sa mga ito.

Kilusang Kasarinlan ng Ryukyu

Ang Kilusang Kasarinlan ng Ryukyu (Hapones: 琉球独立運動, Ryūkyū Dokuritsu Undō) o ang Republika ng mga Ryukyu (Hapones: 琉球共和国, Kyūjitai: 琉球共和國, Hepburn: Ryūkyū Kyōwakoku) ay ang kilusang pagsasarili ng Okinawa at ng mga naka-palibot na kapuluan ng Ryukyu mula sa bansang Hapon. Umusbong ang naturang kilusan noong 1945, pagkatapos ng Digmaang Pasipiko.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga lalawigan ng Hapon

Bago ipinatupad ang kasalukuyang sistemang prepektura, ang mga pulo ng Hapon ay hinati sa ilanpung kuni (国, bansa), na karaniwang isinasalin bilang lalawigan. Ang bawat lalawigan ay hinati naman sa mga gun (郡, distrito, dating pangalan kōri).

Pulo ng Okinawa

Ang Pulo ng Okinawa (沖縄本島 Okinawa-hontō, o 沖縄島 Okinawa-jima) ay ang pinakamalaki sa mga pulo sa Kapuluan ng okinawa at ng Kapuluan ng Ryukyu ng Hapon at ang Nara, ang kabisera ng Prepektura ng Okinawa ay naririto.

Ryukyuano

Ang mga Ryukyuano o Lewchewano (琉球民族, Ryūkyū minzoku, Okinawano: るーちゅーみんずく Rūchū minzuku) ay mga katutubo ng Kapuluan ng Ryukyu sa pagitan ng mga pulo ng Kyūshū at ng Taiwan.

Unang Pahina/Temp

Ambasada

· Ambasciata

· Ambassad

· Ambassade

· Botschaft

· Embaixada

· Embajada

· Embassy

· 大使館

Pag-uugmang Multilingwal

· Paano magsimula ng isang Wikipedia

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.