Kanlurang Europa

Ang Kanlurang Europa o Kanluraning Europa ay ang rehiyon na sumasaklaw sa kanluraning bahagi ng Europeong lupalop.

Makasaysayang mga paghahati

Digmaang Malamig

Noong panahon ng Digmaang Malamig, ang Kanlurang Europa ay pangunahing isang pangsosyopolitikang diwa at nangangahulugang mga bansang Europeo ng Unang Daigdig. Sa kasalukuyan, ang katagang Kanlurang Europa ay kakaunti ang kaugnayan sa heograpiya at mas marami sa ekonomiya. Ang konsepto ay karaniwang kaugnay ng demokrasyang liberal, kapitalismo at sa Unyong Europeo. Karamihan sa mga bansa sa rehiyon ang nakikihati o may bakas ng kulturang Kanluranin, at marami ang may mga kabuklurang pang-ekonomiya at pampolitika sa mga bansang nasa Hilaga at Timog Amerika at Oceania. Bilang karagdagan, ang Iskandinabya (sa Hilagang Europa) ay pangkaraniwang may kaugnayan sa demokrasyang panlipunan at nananatiling patas ang kawalan ng pinapanigan sa kahabaan ng mga pagtatalong internasyunal.

Modernong mga paghahati

United Nations Statistics Division geoscheme

Alexios I Komnenos

Si Alexios I Komnenos, kilala sa Latin bilang Alexius I Comnenus (Griyego: Ἀλέξιος Α' Κομνηνός, 1048 – 15 Agosto 1118), ay ang Emperador Bisantino mula 1081 hanggang 1118, at ang tagapag-tatag ng Dinastiyang Kommenio.

Andorra

Ang Prinsipalya ng Andora o Prinsipalidad ng Andora (Katalan: Principat d'Andorra) ay isang maliit na bansa at prinsipado sa timong-kanlurang Europa. Ito ay matatagpuan sa silangang Kabundukan ng Pyrenees sa pagitan ng Pransiya at Espanya.

Bayang Keltiko

Ang anim na mga Bayang Keltiko o Bansang Keltiko (Ingles: Celtic Nations), sa kahulugang pangkultura, pangwika at/o panlahi lamang, ay:

Bretaña

Cornualles

Irlanda

Pulo ng Man

Eskosya

GalesAng mga sumusunod na pamayanan ay tumututol sa paglimita sa nasabing anim:

Cantabria

Asturias

Galicia (kasama ang Hilagang Portugal)Bago ng paglawak ng Imperyong Romano at ng mga Hermanikong tribu, ang malaking bahagi ng Kanlurang Europa ay halos Celtico lahat.

Belhika

Ang Kaharian ng Belhika (o Belhika; Ingles: Kingdom of Belgium; Olandes: Koninkrijk België; Pranses: Royaume de Belgique; Aleman: Königreich Belgien) ay isang estadong Pederal na nasa patuloy na proseso ng debolusyon. Isa itong bansang nakasulong sa Hilagang-Kanlurang Europa na napapaligiran ng Olanda, Alemanya, Luksemburgo, Pransiya, at ang Hilagang Dagat. Mayroon higit sa sampung milyong katao ang Belhika sa may tatlumpung libong kilometro kudwadrong lupain, na naging ika-17 pinakamakapal na populasyong bansa sa buong daigdig. Nasa ikasiyam naman ito sa 2005 na Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao ng Mga Nagkakaisang Bansa.

Batay sa kasaysayan, kabilang sa mga Mabababang Lupain (o Low Countries sa Ingles) ang kaharian bukod sa karamihang bahagi ng Olanda at Luksemburgo. Ang sakop ng rehiyong ito ay mas malaki pa sa saklaw ng kasalukuyang lipon ng mga bansang Benelux na dating kilala sa Latinong katawagang Belgica na siyang hango sa Gallia Belgica na isang Romanong lalawigang sakop mahigit-kumulang ang sukat ng sinabing bahagi ng Europa. Mula sa katapusan ng Gitnang Panahon hanggang sa ika-17 siglo, ang rehiyon ay naging maunlad na lunduyan ng kalakalan at kultura. Mula sa ika-16 na siglo hanggang sa Himagsikang Belhikano ng 1830 nang humiwalay ang Belhika sa Olanda, maraming naganap na labanan sa pagitan ng maraming puwersang Europeo sa kinalalagyan ng Belhika na siyang tinaguriang "Battlefield of Europe" sa Ingles.

Nang makamit nito ang kalayaan, naging bahagi ng Rebolusyong Industriyal ang Belhika at sa buong ika-20 siglo ay nakapagmay-ari ng ilang kolonya sa Aprika. Ang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo ang pagsilakbo ng agwatan sa pagitan ng mga Plamengko at mga Prangkopono (mga Valon) na pinasidhi ng pagkakaiba sa wika at di-pantay na pag-unlad ng ekonomiya ng Plandes at Valonia. Nagpatuloy ito sa mas lumubhang mga alitan na nagbigay-daan sa malawakang reporma sa pamahalaan ng Belhika na mula sa pinag-isang estado (unitary state) ay siyang ginawang pederal. Maliban pa dito, kabikabilang krisis pampolitika ang pinagdaanan ng bansa tulad ng nangyari mula 2007 hanggang 2011 na pinakamahaba sa kasaysayan.

Sa ngayon, ang Belhika ay nahahati sa dalawang rehiyon at dahil dito, dalawang wika. Ang mga nag-o-Olandes, o mga Plamengko (Flemish sa Ingles), ay nakatira sa Plandes (Flanders). Samantala, ang mga nagpa-Pranses, tinaguriang mga Valon (Walloon), ay nasa Valonia (Wallonia).

Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ay ang Bruselas.

Espanya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Espanya (paglilinaw).

Ang Kaharian ng Espanya (Kastila: Reino de España) ay isang soberanyang estado o bansang matatagpuan sa Tangway ng Iberya sa timog-kanlurang Europa. Ang pangunahing lupain ay hinahangganan sa timog at silangan ng Dagat Mediteraneo maliban na lamang sa maliit na mga hangganang lupa ng Gibraltar; sa hilaga at hilangang-silangan, ng Pransiya, ng maliit na prinsipado ng Andorra, at ng Look ng Biscay; at sa kanluran at hilagang-kanluran naman, ng Portugal at ng Karagatang Atlantiko. Kasama ng Pransiya at Maruekos, isa lamang sila sa tatlong bansa na may baybaying Atlantiko at Mediteraneo. Ang 1,214 km (754 mi) na hangganan ng Espanya sa Portugal ay ang pinakamahabang tuluy-tuloy na hangganan sa buong Unyong Europeo.

Kasama rin sa nasasakupan ng Espanya ang mga pulo ng Baleares sa Mediteraneo, ang Canarias sa Karagatang Atlantiko sa labas ng baybayin ng Aprika, ang tatlong teritoryo sa Hilagang Aprika, Ceuta, Melilla at Peñón de Vélez de la Gomera na hinahangganan ang Maruekos, at mga pulo at peñones (mga bato) ng Alborán, Chafarinas, Alhucemas, at Perejil. Sa lawak na 505,992 km2 (195,365 sq mi), ang Espanya ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europa at sa Unyong Europeo, at panlimang pinakamalaking bansa sa Europa.

Ang mga modernong tao ay unang dumating sa Tangway ng Iberia mga 35,000 taon na ang nakalilipas. Sumailalim ito sa pamumuno ng Roma noong 200 BK, at lumaon ang rehiyon ay binansagang Hispania. Noong Gitnang Panahon, sinakop ito ng mga tribong Alemaniko at lumaon ng mga Moro sa katimugan. Nabuo bilang isang bansa ang Espanya noong ika-15 dantaon, pagkatapos ng pagpapakasal ng mga Katolikong Monarka (Reyes Católicos) at ang pagwawakas ng dantaong pagsakop muli, o Reconquista, sa Tangway mula sa mga Moro noong 1492. Sa unang bahagi ng makabagong panahon, naging maimpluwensiyang imperyo sa daigdig ang Espanya at isa sa mga unang pandaigdigang imperyong kolonyal sa kasaysayan, na nag-iwan ng malawak na pamanang kultural at lingguwistika kabilang ang mahigit 500 milyong nagsasalita ng wikang Kastila, dahilan upang ito'y maging ikalawang pangunahing sinasalitang wika sa daigdig.

Ang modernong Espanya ay isang demokrasyang itinatag sa paraang pamahalaang parlamentaryo sa ilalim ng saligang batas ng monarkiya. Isang maunlad na bansa ang Espanya na ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig. Ang bansa ay kasapi ng Nagkakaisang Bansa, NATO, OECD, at WTO. Sa kasalukuyan, ang krisis sa ekonomiya ay naging malaking suliranin ng ekonomiya ng Espanya.

Irlanda (bansa)

Ang Irlanda (Ingles: Ireland ( /ˈaɪərlənd/ o /ˈɑrlənd/), Irlandes: Éire, pronounced [ˈeː.ɾʲə] ( listen)), kilala rin bilang Republika ng Irlanda (Irlandes: Poblacht na hÉireann) ay isang soberanya-estado o bansa sa kanlurang Europa na sumasakop sa limang-kaanim (five-sixths) ng pulo ng Irlanda. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay ang Dublin, na matatagpuan sa silangang bahagi ng pulo, kung saan ang pook ng punong-lungsod (metropolitan area) nito ay tahanan ng halos isang-kapat ng 4.6 na milyong nananahan sa bansa. Kabahagi ng estado sa tanging hangganang lupa nito ang Hilagang Irlanda, na bahagi ng Nagkakaisang Kaharian (United Kingdom). Pinaliligiran ito ng Karagatang Atlantiko, na sa timog nito ay ang Dagat Celtico, ang Saint George's Channel sa timog-silangan, at ang Dagat Irlandes naman sa silangan. Isa itong unitaryo at parlamentaryong republika na may inihao. Ang pinuno ng pamahalaan, ang Taoiseach, ay nominado ng mababang kapulungan ng parlamento, ang Dáil Éireann.

Kasunod ng Digmaang Irlandes para sa Kasarinlan at ng sumunod nitong Kasunduan Anglo-Irlandes, natamo nang tuluyan ng Irlanda ang kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian bilang isang Malayang Estadong Irlandes nong 1922. Pinili naman ng Hilagang Irlanda na gamitin ang tinatawag na Ulster Month upang manatiling bahagi ng Nagkakaisang Kaharian. Sa umpisa'y isang dominyo sa loob ng Imperyong Britaniko (kinalauna'y Komonwelt ng mga Bansa), natanggap ng Malayang Estado ang opisyal na pagkilalang Britaniko ng ganap na malayang tagapagbatas (full legislative independence) sa Statute of Westminster ng 1931. Isang bagong saligang-batas ang pinagtibay noong 1937, kung saan ang pangalan ng estado'y naging Irlanda. Noong 1949 ang mga natitirang tungkulin ng hari - na itinadhana ng Batas Kapangyarihang Tagapagpaganap (Ugnayang Panlabas) ng 1936 (Executive Authority (External Relations) Act 1936) - ay inalis at ipinahayag ang Irlanda bilang isang republika sa ilalim ng Batas Republika ng Irlanda ng 1948 (Republic of Ireland Act 1948). Ang estado ay walang pormal na pakikipag-ugnayan sa Hilagang Irlanda sa malaking bahagi ng ikadalawampung siglo, subalit mula noong 1999 ang dalawa ay nagtutulungan sa ilang mga patakaran sa ilalim ng North-South Ministerial Council na nilikha ng Kasunduang Biyernes Santo (Good Friday Agreement).

Kasama ang Irlanda sa pinakamayayamang mga bansa sa mundo batay sa GDP per capita. Matapos sumali sa dating Pamayanang Ekonomikong Europeo (European Economic Community) na ngayon ay Unyong Europeo taong 1973, nagpatupad ng serye ng mga patakarang pang-ekonomiyang liberal na nagbunga ng mabilis na pag-angat ng ekonomiya, na sinabayan din ng mabilis na pagsipa ng di-pagkakapantay-pantay. Nakamit din ng bansa ang kasaganahan mula 1995 hanggang 2007, kung saan nakilala ang bansa bilang Celtic Tiger. Nabalam ito ng di-inaasahang krisis sa pananalapi na nagsimula noong 2008, kasabay ng pandaigdigang pagbulusok ng ekonomiya.

Bagama't bumabangon pa rin mula sa pagbagsak ng ekonomiya, ang Irlanda ay nananatiling isa sa mga pinakamasaganang bansa sa daigdig. Noong taong 2011 at 2013, naitala ito bilang ikapitong pinakamaunlad na bansa sa daigdig ayon sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao ng Nagkakaisang Bansa. Mahusay rin ang Irlanda sa iba't ibang sukatan ng pambansang gawain (national performance), kasama ang kalayaan sa pamamahayag, kalayaang pang-ekonomiya at kalayaang sibil. Ang Irlanda ay kasapi rin ng Unyong Europeo at kasaping tagapagtatag ng Konseho ng Europa at ng OECD. Itinataguyod nito ang patakaran ng walang kinikilingan sa pamamagitan ng di-pagpanig at hindi rin miyembro ng NATO, bagaman at nakikiisa ito sa Samahan para sa Kapayapaan (Partnership for Peace).

Kaharian ng Netherlands

Ang Kaharian ng Netherlands (Dutch: Koninkrijk der Nederlanden) malimit na tinutukoy na Netherlands ay isang nakapangyayaring estado, at monarkiyang konstitusyonal na may teritoryo sa kanlurang Europa at sa Caribbean. Ang apat na bahagi ng kaharian — Aruba, Curaçao, Netherlands at Sint Maarten — na tinutukoy na "bansa" (landen sa Dutch), ay lumalahok bilang pantay na magkakatuwang sa kaharian. Subalit sa katunayan, karamihan sa mga pakikipag-ugnayan ng kaharian ay pinangangasiwaan ng Netherlands (na may sakop sa humigit-kumulang 98% ng lawak at populasyon ng kaharian) sa ngalan ng buong kaharian. Samakatuwid, nakasalalay ang Aruba, Curaçao, at Sint Maarten sa Netherlands sa ilang mga bagay gaya ng patakarang panlabas at tanggulan, bagaman mayroon silang takdang antas ng awtonomiya sa kanilang mga parlamento.

Ang malaking bahagi ng bansang bumubuo ng Netherlands (pati na rin ng kaharian) ay matatagpuan sa Europa, maliban sa tatlong espesyal na munisipalidad (Bonaire, Saba, at Sint Eustatius) na matatagpuan sa Caribbean. Ang mga bansang bumubuo ng Aruba, Curaçao, at Sint Maarten ay matatagpuan din sa Caribbean.

Kazakhstan

Ang Kasakistan (bigkas: /ka•zaks•tán/; Kazakh: Қазақстан, Qazaqstan; Russian: Казахстан), na opisyal na tinutukoy na Republika ng Kasakistan ay isang transkontinental na bansa sa Gitnang Asya. Sa sukat nitong 2,727,300 kilometro kuwadrado, na higit pa sa lawak ng Kanlurang Europa, ito ang ika-9 na bansa na may pinakamalaking lupain at pinakamalaki naman sa mga bansang looban o lubos na napapalibutan ng kalupaan ang mga hangganan. Kahangganan nito, mula hilaga paikot sa kanan, ang Russia, China, Kyrgyzstan, Uzbekistan at Turkmenistan, at malaking bahagi naman ng baybayin ng Dagat Caspian ang nasa sa timog-kanluran nito. Kahit hindi nito kahangganan ang Mongolia, may layong 38 kilometro lamang ito mula ang dulong silangan ng Kazakhstan. Binubuo ng mga kapatagan, kaparangan, taiga, kanyon, burol, sabangan at mga kabundukang may niyebe sa tuktok, hanggang sa mga disyerto ang lupain ng bansa. Sa populasyong nitong 16.6 milyong katao, ang Kasakistan ay ang ika-62 may pinakamalaking populasyon sa mundo, ngunit 6 na katao lang ang naninirahan sa bawat kilometro kuwadrado ng bansa. Ang kabisera nito ay inilipat noong 1998 sa Nur-Sultan (dating Astana hanggang Marso 2019) mula sa Almaty, ang pinakamataong lungsod ng bansa.

Sa malaking bahagi ng moderno nitong kasaysayan, iba't-ibang tribong lagalag ang nanirahan sa teritoryong nasasakupan ng Kazakhstan. Noong ika-16 na siglo, nanaig ang mga Kazakh bilang isang natatanging pangkat, na nahahati sa tatlong Juz. Nagsimulang dumating ang mga Russian sa mga kaparangan ng Kasakistan noong ika-18 siglo, at noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo ang kabuuan ng bansa ay naging bahagi na ng Imperyong Russian. Pagkaraan ng Rebolusyon sa Russia noong 1917 at ang sumunod pang digmaang-sibil, ilang-ulit na isinaayos ang teritoryo ng Kasakistan bago ito naging Kazakh Soviet Socialist Republic noong 1936, na bahagi ng USSR.

Ang Kasakistan ang huli sa mga republikang Soviet na nagpahayag ng kasarinlan nito noong Disyembre 16, 1991. Si Nursultan Nazarbayev ang lider nito noong kapanuhunan ng komunismo, ang naging una at hanggang sa ngayo'y pangulo ng bansa. Pinananatili ni Nazarbayev ang mahigpit na kontrol sa politika ng bansa. Mula noong kasarinlan, nagsulong ang Kasakistan ng balanseng polisiyang panlabas at nagsasagawa ng paraan upang mapaunlad ang ekonomiya, lalo na ang industriya ng hydrocarbon. Matapos ang panahong Soviet, nakakitaan ng aktibong pakikilahok ang bansa sa mga samahang internasyonal, kasama na rito ang United Nations, Euro-Atlantic Partnership Council, Commonwealth of Independent States at Shanghai Cooperation Organisation. Isa ang Kasakistan sa anim na mga bansang dating bahagi ng USSR na may ugnayan sa NATO na nagpapatupad ng Individual Partnership Action Plan.

Dahil na rin sa malawakang pagpapatapon sa Kasakistan ng iba't-ibang grupong etniko noong pamumuno ni Stalin, naghalo-halo ang iba't-ibang kultura at etniko sa bansa. Ang 16.6 milyong populasyon nito ay may 131 etnisidad, kasama rito ang Kazakh, Russian, Uyghur, Ukrainian, Uzbek, Tatar, at German. Nasa 63 porsiyento ng populasyon ang Kazakh. Pinahihintulutan sa Kasakistan ang kalayaan sa pananampalataya at maraming relihiyon ang matatagpuan sa bansa. Islam ang pangunahing panampalataya sa Kasakistan ng 70 porsiyento ng mamamayan nito, habang malaking bahagi naman ng natitira ay Kristiyanismo. Ang wikang Kazakh ay ang wikang pambansa, samantala opisyal na wika rin ang Russian na kapantay ng Kazakh sa mga pampublikong institusyon.

Kotse

Ang kotse ay isang de-makinang sasakyan na may mga gulong, kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon. Karamihan sa kahulugan ng katagang ito ay nagsasabing ang mga kotse ay ginawa at dinesenyo para tumakbo sa mga kalsada para magbigay ng upuan para sa isa hanggang walong tao, karaniwang mayroong apat na gulong, at ginawa lalong lalo na para sa paglipat ng mga tao kaysa sa mga ibang produkto. Ang taong 1886 ay itinala bilang simula ng produksiyon ng modernong kotse. Sa taong iyon, isang Alemang imbentor na si Karl Benz ay nagtayo ng Benz Patent-Motorwagen. Ang mga kotse ay hindi nagamit nang maramihan hanggang maagang 20th siglo. Ang 1908 Model T, isang Amerikanong kotse na ginawa ng Ford Motor Company, ay isa sa mga pinakaunang kotse na maaring magamit ng taong masa. Ang mga kotse ay mabilis na lumaganap sa Estados Unidos, kung saan pinalitan nila ang larawang-hayop na daladalahan at mga karetela, pero tumagal ng mas mahabang panahon para tanggapin ng Kanlurang Europa at iba pang mas hindi maunlad na parte ng mundo.

Nilagyan ng mga kasangkapan na ginagamit sa pagmamaneho, pagparada, at para sa kaginhawaan at kaligtasan ng pasahero ang mga kotse. May idinagdag din na mga bagong pangkontrol sa mga sasakyan, ginawa itong mas komplikado. Halimbawa nito ay erkon (air conditioning), sistemang paglilibot (navigating system) at libangan. Karamihan sa mga kotse na ginagamit sa ngayon ay tumatakbo gamit ang panloob na makinang kombustiyon, gamit ang mabilis na pagliyab ng gasolina (kilala rin bilang petrol) o diesel. Parehong nagdudulot ng polusyon sa hangin at meron ding kontribusyon sa pagbabago ng klima at pag-init ng daigdig. May mga sasakyang gumagamit ng ethanol flexibe-fuel at natural na gas na nagkakaroon ng popularidad

sa ibang bansa.

Bukod sa mga makabagong nagsasariling kotse o autonomous car, and mga kotse ay minamaneho ng isang tagamaneho na mayroon tamang pagsasanay at opisyal na lisensya sa pagmamaneho ng kotse. Hindi lamang kasanayan sa pagpapatakbo ng kotse ang kailangan ng nagmamaneho kundi na rin kaalaman sa mga batas trapiko at polisiya sa pagmamaneho. Ang hindi maingat na pagmamaneho o reckless driving ay may katumbas na parusa o kabayaran ayon sa nasasaad sa batas ng isang bansa o ng estado.

Mga Italyano

Ang mga Italyano ay isang pangkat etnikong pangunahing matatagpuan sa Italia at nagtataglay ng kalat at malawak na diaspora sa kalawakan ng kanlurang Europa, Kaamerikahan, at Australia. Italyano ang kanilang katutubong wika at Katolisismong Romano ang kanilang pinakanamamayaning relihiyon.Ang mga Italyano ay may iba’t ibang pinagmulan dulot sa walang-tigil na pananakop ng tangway Italyano at pandarayo rito. Marahil na ang pangalang Italyano ay nagmula sa mga Griyego, na ginamit ang katawagan upang tumukoy sa mga Sinaunang Italiko, na inunahan ang pagdating ng mga wikang Indo-European.

May halos 56 milyong katutubong Italyano mismo sa Italya lamang, habang 750 000 ang matatagpuan sa Switserland, at mahigit-kumulang 28 000 ang nasa San Marino. Makakatagpo rin ng mga mas maliliit na pangkat sa Slovenia at Croatia. Mayroong kapansin-pansing komunidad Italyano sa Estados Unidos, Brazil, Arhentina, Venezuela, Urugway, Canada, Belgium, Australia, United Kingdom, Pransiya, at Alemanya. Kapansin-pansin din ang makasaysayang patern ng pagdayo noong ika-19 dantaon sa Austria, Hungary, at Czechia, gayundin ang iilang mga expatriate sa Egypt, Israel, Ethiopia, at Timog Afrika.

Mundong Kanluranin

Ang Mundong Kanluranin o Mundong Pangkanluran, kilala rin bilang Ang Kanluran at ang Oksidente (mula sa Latin na occidens "takipsilim, kanluran; na kabaligtaran ng Oryente), ay isang katagang tumutukoy sa Hilagang Amerika, Kanlurang Europa, at Gitnang Europa, pati na ang Australya at Bagong Selanda. Walang napagkasunduang kahulugan hinggil sa kung ano ang pangkaraniwang katangian ng mga bansang ito para sa mayorya o karamihan ng kanilang mga populasyon.

Ang diwa ng Kanlurang bahagi ng daigdig ay nag-ugat mula sa kabihasnang Griyego at Romano sa Europa, sa pagsapit ng pagsisimula ng Kristiyanismo. Sa makabagong panahon, ang kabihasnang Kanluranin o kalinangang Kanluranin ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga kaugalian ng Renasimyento, Repormasyong Protestante, Panahon ng Pagkamulat, at nahugisan ng malawakang kolonyalismo o pananakop noong ika-16 hanggang ika-19 mga daantaon. Ang paggamit na pampolitika nito ay pansamantalang kinabatiran ng sabayang antagonismo o pakikipagsalungatan sa blokeng Sobyet noong panahon ng Digmaang Maginaw noong gitna hanggang hulihan ng ika-20 daantaon (1944-1989). Sa pangkasalukuyang kahulugan na panrelihiyon at pangkultura, ang Kanluraning mundo ay tumutukoy sa mga bansa sa Europa (natatangi na ang Kanlurang Europa) pati na ang mga bansa na may simulaing pangkolonya ng kanlurang Europa na nasa Bagong Mundo (iyong Kaamerikahan at Australasya), katulad ng Estados Unidos, Brasil, Mehiko, Canada, Australya, Arhentina, at iba pa.

Netherlands

Naka-redirect ang "Dutch" dito. Para sa paglilinaw, tingnan ang Mga Pangalan ng Olanda.Ang Netherlands (literal na mga Mga Bayang Mabababa) ay isang bansa sa hilagang Europa. Ang Netherlands ay isang demokrasyang parlamentaryo sa ilalim ng isang monarkang konstitusyonal na matatagpuan sa hilagang-kanlurang Europa. Napaliligiran ito ng Dagat Hilaga (North Sea) sa hilaga at kanluran, Belgium sa timog, at Alemanya sa silangan.

Pan (diyos)

Si Pan (Griyego: Πᾶν, Pān), sa relihiyong Griyego at mitolohiya, ay ang diyos ng ilang o liblib na pook, mga pastol at mga kawan, kalikasan, ng mga mababangis na hayop sa mga bundok, ng pangangaso at ng tugtuging rustiko, pati na ang pagiging kasama ng mga nimpa. Nanggaling ang kanyang pangalan mula sa wikang Griyego, mula sa salitang paein (πάειν), na nangangahulugang "mag-alaga ng hayop." Mayroon siyang panig ng likuran ng katawan (binubuo ng pata at isa o dalawang tadyang), puwit o pigi, mga binti, at mga sungay ng isang kambing, na kahalintulad ng sa isang fauno o satiro. Sa kanyang inang bayan sa rustikong Arcadia, kinikilala siya bilang diyos ng mga bukirin, mga kahuyan, at makakahoy na mga libis: dahil dito, may kaugnayan si Pan sa pertilidad at sa panahon ng tagsibol. Itinuturing din si Pan ng sinaunang mga Griyego bilang diyos ng pagsusuring pangdulaan o kritisismong pangtanghalan.Sa relihiyon at mito ng Roma, katumbas si Pan ni Faunus, isang diyos ng kalikasan na ama ni Bona Dea, na kung minsan ay kinilala bilang Fauna. Noong ika-18 at ika-19 na mga daantaon, si Pan ay naging isang mahalagang pigura sa kilusang Romantiko ng kanlurang Europa, at gayundin sa kilusang Neopagano noong ika-20 daantaon.

Portugal

Naka-redirect ang "Portuges" dito. Para sa wika, tingnan ang wikang Portuges.Ang Portugal, o opisyal na tinatawag na Republikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ]), ay bansang matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Pinaka-kanluraning bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Bahagi ng Portugal ang Atlantikong kapuluan ng Azores at Madeira na kapwang awtonomong rehiyon na may kanilang sariling mga pamahalaang rehiyonal.

Ang Portugual ay ang pinakamatandang estado sa Tangway ng Iberia at isa sa mga pinakamatanda sa Europe na patuloy na pinagtirahan, pinagsakupan, at pinaglabanan mula noong sinaunang panahon. Sumunod sa mga tauhang dipa-Kelta, Kelta, Cartagineses, at Romano ang mga pagsasalakay ng mga Hermanikong Visigodo at Suebi. Itinatag ang Portugal bilang bansa noong Kristiyanong Reconquista laban sa mga Morong nanghimasok sa Tangway ng Iberia noong 711 PK. Itinatag noong 868, sumikat ang Kondehan ng Portugal pagkatapos ng Laban sa São Mamede noong 1128. Ipinroklama ang Kaharian ng Portugal pagkasunod sa Labanan sa Ourique noong 1139, at kinilala ang kalayaan mula sa León ng Tratado ni Zamora noong 1143.

Silangang Kristiyanismo

Ang Silangang Kristiyanismo ay binubuo ng mga tradisyon at simbahan na umunlad sa mga Balkan, Silangan Europa, Asya Menor, Gitnang Silangan, Aprika, India at mga bahagi ng Malayong Silangan sa loob ng mga siglo ng sinaunang panahon ng Kristiyanismo. Ang terminong ito ay pangkalahatang ginagamit sa Kanlurang Kristiyanismo upang ilarawan ang lahat ng mga tradisyong Kristiyano na hindi umunlad sa Kanlurang Europa. Sa gayon, ang terminong ito ay hindi naglalarawan sa anumang isang komunyon o karaniwang tradisyong pang-relihiyon at sa katunayan, ang ilang mga "silangang" simbahan ay may higit na pagkakatulad sa "kanlurang" Kristiyanismo sa kasaysayan at teolohiya. Ang mga terminong "Silangan" at "Kanluran" sa bagay na ito ay nagmula sa mga pagkakabahagi sa Simbahan na sumasalamin sa paghahating pangkultura sa pagitan ng silangang Helenestiko at kanlurang Latinado at paghahating pangpolitika sa pagitan ng Silangang Imperyo Romano at Kanlurang Imperyo Romano. Dahil ang pinamakapangyarihang simbahan sa Silangan ay nakilala bilang Simbahang Silangang Ortodokso, ang terminong "Ortodokso" ay kadalasang ginagamit sa isang katulad na maluwag na paraan bilang "Silangan" bagaman sa pagsasalitang strikto, ang karamihan ng mga simbahan ay tumuturing sa kanilang bahagi ng Ortdokso at komunyong Katoliko.

Sinaunang Gresya

Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE). Pagkatapos ng panahong ito ang pasimula ng Maagang mga gitnang panahon at panahong Bisantino. Kabilang sa Sinaunang Gresya ang panahon ng Klasikong Gresya na yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong Gresya ay nagsimula sa pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong Atenian. Dahil sa mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay yumabong mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Dagat Mediteraneo.

Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang nakaimpluwensiya sa Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi ng Europo at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang Europa. Ito rin ang naging batayan ng pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga Amerika noong ika-18 at ika-19 na dantaon.

Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Aegea, ang baybayin ng Anatolia (kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin ng Kolkis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica, timog Gaul, silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang Iberiko, Iberia at Taurica.

Sinaunang Roma

Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.

Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.

Nang daan-daang taon kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at bahagi ng kasakupang pumapalibot sa Dagat Itim.

Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.

Triassic

Ang Triassic ay isang panahong heolohiko na sumasaklaw mula 251.902 ± 0.4 hanggang 201.3 ± 0.6. Ito ang unang panahon ng erang Mesozoiko at nasa pagitan ng mga panahong Permian at Jurassic. Ang parehong simula at huli nang panahong ito ay minarkahan ng malaking mga pangyayaring ekstinksiyon. Ang Triassic (Triassic) ay pinangalanan noong 1834 ni Friedrich Von Alberti sa tatlong mga natatanging mga patong ng bato na natagpuan sa buong Alemanya at mga kamang pula ng hilagang kanlurang Europa, na tinatakpan ng chalk na sinundan ng mga itim na shale na tinatawag na mga 'Trias'. Ang panahong ito ay nagsimula kasunod ng pangyayariang ekstinksiyon na Permian-Triasiko na nag-iwan sa biospero ng daigdig na ubos. Umabot sa gitna ng panahong ito upang mapabalik ng buhay ang dati nitong dibersidad. Ang mga therapsido at mga arkosauro ang mga pangunahing bertebratang pang-lupain sa panahong ito. Ang isang espesyalisadong subgrupo ng mga arkosauro na mga dinosauro ay unang lumitaw sa gitnang Triassic ngunit hindi nanaig hanggang sa sumunod na panahong Jurassic. Ang unang totoong mga mamalya ay nag-ebolb rin sa panahong ito gayundin ang mga unang lumilipad na mga bertebrato na mga ptesauro. Ang malawak na superkontinenteng Pangaea ay umiral hanggang sa gitnang Triassic kung saan pagkatapos nito ay unti unti nahiwalay sa dalawang mga masa ng lupain na Laurasia at hilaga at Gondwana sa timog. Ang pandaigdigang klima sa panahong ito ay halos mainit at tuyo na ang mga disyerto ay sumasaklaw sa karamihan ng loob ng Pangaea. Gayunpaman, ang klima ay lumipat at naging mas mahalumigmig habang ang Pangaea ay nagsimulang mahiwalay. Ang huli nang panahong ito ay minarkahan ng isa pang pangyayaring ekstinksiyon na Triasiko-Hurassiko na lumipol sa maraming mga pangkat at pumayag sa mga dinosauro na manaig sa panahong Hurassiko.

Tsar

Tsar (Bulgaro цар, Ruso царь, car’; madalas binabaybay na Czar at minsan Tzar sa Ingles) ay isang titulong ginamit ng mga awtokratang pinuno mula sa mga lupaing Eslabo. Ginamit ito ng mga una at pangalawang Imperyong Bulgaro simula 913. Ginamit din ito sa kasaysayan ng Serbia noong kalagitnaan ng ika-14 dantaon, at sa Rusya mula 1547 hanggang 1917 (bagaman teknikal lang itong tama haggang 1721). Ito ay nanggaling sa salitang Latin na Caesar, na ibig sabihin ay "emperador" sa pag-uunawa ng mga Europeo sa Medyebal na panahon. Ngunit, sa pagdaan ng panahon ito'y iniitindi ng mga mula sa Kanlurang Europa bilang sa kalagitnaan ng hari at emperador. Nawala rin ang ma-emperador na konotasyon nito dahil sa mga pagsasalin ng Bibliya.

Ang unang gumamit sa titulong ito ay si Simeon I ng Bulgaria. Ang huling gumamit nito ay si Simeon II na mula rin sa Bulgaria.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.