Isaac

Para sa ibang gamit, tingnan ang Isaac (paglilinaw).
Isaac
Sacrifice of Isaac-Caravaggio (c. 1603)
Kapanganakan
Kamatayanunknown value
AnakJacob, Esau
Mga magulang
Mag-anakIsmael

Si Isaac ang nag-iisang anak nina Abraham at Sara, batay sa Lumang Tipan o Bibliyang Hebreo. Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "siya ay tatawa".[1] Katumbas ito ng Isjaq sa Hebreo. Siya ang ama nina Jacob at Esau.[1] Itinuturing siya bilang isa sa mga patriyarka ng mga Hudyo. Ayon sa Aklat ng Henesis, isangdaang taong gulang na si Abraham noong ipanganak si Isaac.[1][2][3] Si Isaac ang may pinakamatagal na buhay sa lahat ng mga patriyarka. Nabuhay siya magpahanggang sa edad na 180 mga taon. Siya lamang ang natatanging patriyarkang hindi binago ang pangalan, at siya rin ang nag-iisang patriyarkang hindi umalis mula sa Canaan, bagaman isang beses na sinubok niyang lumisan ngunit sinabi sa kanya ng Diyos na huwag gawin ito. Kapag inihambing sa iba pang mga patriyarkang nasa mga pahina ng Bibliya, hindi gaanong makulay ang kanyang kuwento. Bagaman isang pangunahing tauhan sa mga kabanatang 18 hanggang 27 ng Aklat ng Henesis, naglalaman lamang ang mga ito ng iilang mga pangyayaring may kaugnayan sa kanyang buhay.

Tingnan din

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Isaac, Isjac, "siya'y tatawa"; Pagsilang ni Isaac". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 35.
  2. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "[http://adb.scripturetext.com/genesis/21.htm Isaac]". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com. External link in |= (tulong)
  3. "Isaac". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008., nasa Ang Kapanganakan ni Isaac



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

1992

Ang 1992 ay isang bisiyestong taon na nagsisimula sa Miyerkoles sa kalendaryong Gregorian.

Abenida ng United Nations

Ang Abenida ng United Nations (Ingles: United Nations Avenue, at karaniwang tinatawag na U.N. Avenue at maaring isalin nang literal sa Tagalog bilang Abenida ng mga Nagkakaisang Bansa) ay isang pangunahing lansangan sa Maynila, Pilipinas, na nagdurugtong sa Ermita at ang mga distrito sa silangan ng lungsod, tulad ng Pandacan at Paco. Nagsisimula ito sa sangandaan (fork) ng karugtong ng Abenida Quirino at Kalye Paz Mendoza Guanzon sa may kanluran ng Pandacan. Tutuloy ito sa mga pook ng Tanque at Isla de Provisor sa hilagang Paco habang dinaraanan nito ang ilang hanay ng mga bodega at iilang gusaling institusyonal. Sa kanluran ng Abenida Taft, dadaan ito sa maabalang distrito ng Ermita na may mga otel, gusali pang-opisina, at ospital. Nagwawakas ito sa Bulebar Roxas. Ang kabuuang haba nito ay 1.9 kilometro (1.2 milya).

Isang pangunahing daang arteryal na pang-komersiyal, pantahanan, at pang-industriya ang abenidang ito. Matatagpuan rito ang himpilan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) sa Kanlurang Pasipiko. Ilan pa sa mga kilalang pook na matatagpuan rito ay ang tanggapan ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (o NBI, sa sangandaan nito sa Abenida Taft), punong-tanggapan ng Manila Police District, bahay-ampunan ng Asilo de San Vicente de Paul, pampublikong kompanya ng Unilever Philippines, Inc., at Waterfront Manila Pavilion Hotel.

Itinakda ang Abenida United Nations bilang isang pambansang daang sekundarya ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang N156 (o Pambansang Ruta Blg. 156).

Emperador Ankan

Si Emperador Ankan (安閑天皇, Ankan-tennō) ay ang Ika-dalawampu't-pitong Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Ankō

Si Emperador Ankō (安康天皇, Ankō-tennō) ay ang Ikadalawampung Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Buretsu

Si Emperador Buretsu (武烈天皇, Buretsu-tennō) ay ang Ika-dalawampu't-limang Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Go-Shirakawa

Si Emperador Go-Shirakawa (後白河天皇 Go-Shirakawa-tennō) (Oktubre 18, 1127 – Abril 26, 1192) ay ang Ika-77 Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono. Ang kanyang pamumuno ay tamagal simula sa taong 1155 hanggang 1158.

Emperador Ingyō

Si Emperador Ingyō (允恭天皇, Ingyō-tennō) ay ang Ikalabinsiyam na Emperador ng Hapon Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Keikō

Si Emperador Keikō (景行天皇,, Keikō-tennō); kilala rin bilang Ootarashihikooshirowake no Sumeramikoto, ay ang Ikalabindalawang Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Richū

Si Emperador Richū (履中天皇, Richū-tennō) ay angIkalabimpitong Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Seimu

Si Empeadror Seimu (成務天皇, Seimu-tennō); kilala rin bilang Wakatarashihiko no Sumeramikoto;ay ang Ikalabintatlong Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Seinei

Si Emperador Seinei (清寧天皇, Seinei-tennō) ay ang Ika-dalawampu't dalawang Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Suinin

Si Emperador Suinin (垂仁天皇, Suinin-tennō); kilala rin bilang Ikumeiribikoisachi no Mikoto; ay ang Ikalabingisang Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Yūryaku

Si Emperador Yūryaku (雄略天皇, Yūryaku-tennō) ay ang Ikadalawampu't-isang Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Emperador Ōjin

Si Emperador Ōjin (応神天皇, Ōjin-tennō), kilala rin bilang Homutawake o Hondawake (誉田別), ay ang Ikalabinlimang Emperador ng Hapon. Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod-sunod ng pagtaas sa trono.

Isaac Asimov

Si Dr. Isaac Asimov (c. 2 Enero 1920 – 6 Abril 1992, orihinal na sinusulat bilang Исаак Озимов ngunit ngayon ay sinusulat na sa wikang Ruso bilang Айзек Азимов) ay isang Amerikanong Hudyo na ipinanganak sa Rusya. Isa siyang biokemiko at manunulat na kilala sa kanyang mga akdang kathang-isip na salaysaying pang-agham at kanyang mga popular na aklat agham. Ang pinakatanyag na gawa ni Asimov ay ang Foundation Series na bahagi ng isa sa kanyang mga malalaking serye, ang Galactic Empire Series, na kalauna'y napag-isa rin sa Robot Series. Sumulat din siya ng mga akdang misteryo at pantasya, gayundin ng maraming di-piksiyon. Sumulat at nakapag-edit si Asimov ng higit kumulang 500 bolyum at 90,000 sulat at poskard, kung saan nakapag-ambag siya sa bawat kategorya ng Sistemang Desimal ni Dewey maliban sa Pilosopiya. Sa karamihan, tinagurian si Asimov bilang bihasa sa siyensiyang piksiyon, at kasama sina Robert A. Heinlein at Arthur C. Clarke, kinilala siya bilang isa sa "Big Three" o Malalaking Tatlo ng piksiyon pangsiyensiya.

Isaac Newton

Si Sir Isaac Newton, PRS (25 Disyembre 1642 (OS) – 20 Marso 1727 (OS) / 4 Enero 1643 (NS) – 31 Marso 1727 (NS)) ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensiyang siyentipiko sa kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.

Ang kanyang monograpong Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na inilambag noong 1687 ang naglatag ng mga pundasyon sa karamihan ng mekanikang klasiko. Sa akdang ito, inilarawan ni Newton ang unibersal na grabitasyon at ang tatlong batas ng mosyon. Ang mga konseptong ito ang nanaig sa siyentipikong pananaw ng uniberso sa mga sumunod na tatlong siglo(300 taon). Ipinakita ni Newton na ang mga mosyon(galaw) ng mga obhekto(bagay) sa mundo at ng mga katawang pangkalawakan ay pinamamahalaan ng parehong hanay ng mga natural na batas sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ayon ng mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler sa kanyang teoriya ng grabitasyon. Ito ang nag-alis ng pagdududa sa pananaw na heliosentrismo(pag-ikot ng mga planeta sa araw) at nagpasulong ng rebolusyong siyentipiko. Ang Principia ang itinuturing na isa sa pinakamahalagang aklat siyentipiko na isinulat.

Sa matematika, si Newton ay kahati ni Gottfried Leibniz sa kredito at karangalan ng pagbuo ng kalkulo. Kanya ring ipinakita ang teoremang binomial ang bumuo ng paraang Newton na pagtatantiya ng mga ugat ng isang punsiyon at nag-ambag sa pag-aaral ng mga seryeng kapangyarihan.

Si Newton ay isa ring napakarelihiyosong tao. Siya ay sumulat ng mas marami tungkol sa hermeneutikong Biblikal at pag-aaral okulto kesa sa agham at matematika. Sikretong itinakwil ni Newton ang Trinitarianismo ng Katolismo dahil sa takot na maakusahan ng pagtanggi sa kautusang banal ng simbahan.

Jacob

Para sa ibang gamit, tingnan ang Israel (paglilinaw).

Sa ibang pagkakataon, ang Jacob o Jacobo ay katumbas ng pangalang Santiago.Si Jacob ay ang anak ni Isaac at apong lalaki ni Abraham. Batay sa Bibliya, muli siyang pinangalanan ng Diyos bilang Israel. Siya ang ama ng labindalawang tribo ng Israel. Ang mga tribong ito ang pinagmulan ng Sinaunang Israel, ang nasyon o bansang nagbuhat sa linya ng mag-anak ni Jacob. Nangangahulugan ito ng "kumakapit sa sakong [ng kakambal na si Esau]". Kapatid siya ng kakambal niyang si Esau. Mas matanda si Esau kaysa kay Jacob.

Lansangang N156 (Pilipinas)

Ang Pambansang Ruta Blg. 156 (N156) o Rutang 156 ay isang pambansang daang sekundarya ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan ito sa timog ng Ilog Pasig sa lungsod ng Maynila, ang kabisera ng bansa.

Papa

Para sa ibang gamit, tingnan ang Papa (paglilinaw).Ang Papa (Ingles: Pope) ay isang titulong pang-relihiyon na tradisyonal na ibinibigay sa Obispo ng Alexandria (pinagmulan ng titulong "Papa") at Obispo ng Roma.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.