Infrared

Ang infrared (pinapaiksi bilang IR; Espanyol: infrarroja[* 1]) ay isang uri ng radyasyong elektromagnetiko (isang alon o daluyong na may kuryente). Ang daluyong ay mas mahaba kaysa liwanag na nakikita ng mga tao at mas maiksi kaysa sa mga mikro-alon (microwave). Ang salitang infrared ay nangangahulugang nasa ilalim ng pula. Nagmula ito sa salitang Latin na infra (may ibig sabihing nasa ilalim) at ng salitang Ingles na red o kulay "pula". (Ang liwanag na infrared ay may prekwensiya o dalas na nasa ibaba o nasa ilalim ng prekwensiya ng pulang liwanag.) Ang pulang liwanag ang may pinakamahabang liboyhaba o "haba ng alon" na nakikita ng mga tao. Hindi nakikita ng mata ang mga alon na infrared. Ang daluyong na infrared ay nasa pagitan ng 750 nm at 1 mm. Nararamdaman ng mga tao ang infrared bilang init. Karamihan sa mga pangmalayuang pantaban o remote control ay gumagamit ng infrared upang makapagpadala ng mga signal na pangkontrol.

Infrared dog
Larawan ng aso na nasa gitnang-inprared.

Telekomunikasyon

Bago naimbento ang Bluetooth, ilan sa mga kompyuter, personal digital assistant, at teleponong mobil ay gumagamit ng teknolohiyang infrared upang makapagpadala ng mga talaksan papunta sa ibang mga aparato. Pumalit ang Bluetooth sa infrared noong kaagahan ng dekada 2000. Hinahanggahan ang infrared ng pangangailangang ang mga aparato ay kapwa nasa "linya ng paningin" ng bawat isa.[1]

Ang mga leyser (laser) ay ginagamit upang makapagbigay ng liwanag na para sa mga sistema ng komunikasyong may hiblang optikal (pibrang optikal). Ang liwanag na infrared na may liboyhabang nasa bandang 1,330 nm (pinakamababang pagkalat o pinakakaunting dispersyon) o 1,550 nm (pinakamahusay na transmisyon) ang pinakamahusay na pili para sa pampamantayang mga hiblang silika.

Ispektroskopiya

Ang ispektroskopiyang infrared (partikular na ang ispektroskopiyang bibrasyunal [may pagyanig] na infrared) (ispektroskopiyang IR) ay maaaring gamitin upang makilala ang mga molekula sa pamamagitan ng paglilista ng kanilang mga kabuklurang kimikal (chemical bond). Ang ispektrometrong IR ay isang makinang nagsisinag ng liwanag na infrared magmula sa isang itinakdang sakop ng mga prekwensiya sa ibabaw ng isang halimbawa (sampol). Sinusukat nito kung aling mga prekwensiya ng liwanag ang nasisipsip ng halimbawa.

Bawat isang kabuklurang kimikal sa loob ng isang molekula ay yumayanig na nasa dalas na katangian ng kabuklurang iyon. Ang isang pangakat ng mga atomo sa loob ng isang molekula ay maaaring may pangmaramihang mga moda o asta ng oskilasyon na sanhi ng pabanat o pabaluktot na mga mosyon o galaw ng pangkat bilang isang kabuuan. Kung ang isang oskilasyon ay humantong papunta sa isang pagbabago sa dipolong nasa loob ng molekula, sisipsipin nito ang isang poton na mayroon katulad na prekwensiya. Ang mga prekwensiyang bibrasyonal ng karamihang sa mga molekula ay tumutugma sa mga prekwensiya ng liwanag na infrared. Tipikal na ang teknik ay ginagamit sa pag-aaral ng mga kumpwestong organiko na ginagamit ang radyasyong magmula sa 4000–400 cm−1, ang panggitnang infrared. Inirerekord na ispektrometro ang lahat ng mga prekwensiya ng absorpsyon sa loob ng isang halimbawa. Maaari itong gamitin upang makakuha ng impormasyon hinggil sa kumposisyon ng halimbawa ayon sa mga pangkat na kimikal na naroroon at pati na ang kadalisayan o puridad nito (halimbawa na ang isang basang halimbawa ay magpapakita ng malawak na pagsipsip ng O-H sa paligid 3200 cm−1).

Talababa

  1. maaring baybayin sa Tagalog na impraroho

Mga sanggunian

  1. Bedell, Doug (2002-08-29). "Electronics unplugged - Bluetooth radio technology becoming reality in cellphones, printers, PDAs, headsets ..." (NewsBank). The Dallas Morning News. p. 3D. Hinango noong 2010-12-13.
1008 La Paz

Ang 1008 La Paz ay isang planetang hindi pangunahin.

2M1207b

Ang 2M1207b ay isang planetang extrasolar na nag-oorbit sa 2M1207A, isang brown dwarf. Ito ay limang beses na mas malaki sa Jupiter. Ang mga unang image ng planeta ay nakuha sa simula ng 2005 gamit ng VLT sa Paranal, Chile. Ito ay nadiskubre ng grupo na pinamunuan ni Gael Chauvin mula sa European Southern Observatory. Kilala ang 2M1207b dahil ito ang unang planetang extrasolar na direkta at kapanipanilawang obserbahan.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Boron

Ang boron (Kastila: boro, Ingles: boron, may sagisag na B, atomikong bilang na 5, atomikong bigat na 10.118, punto ng pagkatunaw na 2,300oC, nagkakaroon ng sublimasyon sa 2,550oC, may espesipikong grabidad na 2.34 (anyong kristalina), at balensiyang 3) ay isang hindi metalikong elemento na malambot at kakulay ng kape, at nasa anyong amorpus o kristalina. Nakukuha ang mga ito mula sa kerito at boraks. Naihiwalay ito nina Humphry Davy, Joseph Louis Gay-Lussac at Louis Jacques Thénard noong 1808 sa pamamagitan ng reaksiyon ng asidong boriko at ng potasyo. Tinawag ito ni Davy bilang boracium. Nagagamit ang elementong ito para sa paggawa ng mga pampasibad na kemikal, sa mga pampailaw, panggasgas, at maging para sa aloy na matitigas.

Bumbilya

Ang bumbilya ng ilaw o ilaw na dekuryente ay isang uri ng aparato na lumilikha ng liwanag sa pamamagitan ng paggamit ng kuryente. Bilang karagdagan sa pagbibigay ng liwanag sa isang puwang na madilim, maaaring gamitin ang bumbilya ng liwanag upang maipakita na ang isang aparatong elektroniko ay buhay o binuhay, katulad ng upang magabayan ang daloy ng trapiko, para sa pagpapainit, at marami pang mga layunin.

Bago naging nakakakuha o nakakagamit ng kuryente noong hulihan ng dekada ng 1800, ang mga tao ay gumagamit ng mga kandila at ng mga ilawang may langis (lamparang ginagamitan ng langis upang magsindi). Ang mga bumbilya ng ilaw ay naimbento noong kaagahan ng daantaong iyon, subalit nagkaroon ng mga suliranin ang mga ito at hindi naging magagamit. Ang mga pagpapainam na isinagawa ni Thomas Edison at ni Nikola Tesla ang nagawang maging mas praktikal ng mga ito para sa paggamit noong kapanahunang iyon. Gumamit si Edison ng mas mainam na materyal na inkandesente (nagbabaga, nagliliwanag, o namumula dahil sa init), ng isang mataas na bakyum, at ng isang mas mataas na resistensiyang elektrikal. Dahil dito, ang mga bumbilyang may sindi o buhay ay naging mas matingkad at mas tumatagal ang buhay o katagalan ng pagbibigay ng liwanag. Inimbento naman ni Tesla ang mga bumbilya ng ilaw na ploresente (literal na "mailaw"), na gumagamit na mas kapaki-pakinabang na paraan upang makagawa ng liwanag.

Carbon dioxide

Ang karbon dioksido (Ingles: carbon dioxide) ay isang kompuwestong kimikal na binubuo ng dalawang mga atomong oksiheno na kobalenteng nakakawing isang atomong karbono. Ang pormulang kimikal ng carbon dioxide ay CO2.

Bilang bahagi ng siklong karbono, ang mga halaman, algae at mga cyanobakterya ay gumagamit ng enerhiyang liwanag upang magpotosintesis ng karbohidrata mula sa dioksidong karbono at tubig na lumilikha ng oksiheno bilang isang tinatapong produkto. Gayunpaman, ang potosintesis ay hindi maaaring mangyari sa kadiliman at sa gabi, ang ilang dioksidong karbono ay nalilikha ng mga halaman tuwing respirasyon ng selula. Ang dioksidong karbono ay nalilikha sa pamamagitan ng kombustiyon ng coal o hidrokarbono, permentasyon ng mga asukal sa serbesea at paggawa ng wine at sa pamamagtian ng respirasyon ng lahat ng mga organismong nabubuhay. Ito ay inilalabas sa hininga ng mga tao at hayop na panglupain. Ito ay nilalabas sa mga bulkan, mga maiinit na batis, mga geyse at ibang mga lugar kung saan ang kortesa ng mundo ay manipis at pinapalaya mula sa mga abtong karbonata sa pamamagitan ng disolusyon. Ang CO2 May malaking interes sa mga epektong pangkapaligiran ng dioksidong karbono. Ito ay isang mahalaang gaas na greenhouse na nag-iinit ng ibabaw ng mundo sa mataas na temperatura sa pamamagitan ng pagbabawas ng panlabas na radyasyon. Ang pagsusunog ng mga nakabase sa karbonong panggatong simula ng himagsikang industriyal ay mabilis na nagpataas ng mga konsentrasyon ng dioksidong karbono sa atmospero na nagpapataas ng rate ng pag-iinit na pang-globo at pagsasanhi ng antropohenikong pagbabago sa klima. Ito rin ang pangunahing pinagmumulan ng asidipikasyon sa karagatan dahil tinutunaw nito ang tubig upang bumuo ng asidong karboniko na isang mahinang asido dahil sa ang ionisasyon nito sa tubig ay hindi kumpleto.

CO2 + H2O H2CO3

Chlorofluoromethane

Ang Chlorofluoromethane o Freon 31 ay isang magaas na hinaluan ng halomethane (hydrochlorofluorocarbon - HCFC).

Ang estrukturang kristal nito ay monokliniko na may pangkat espasyong P21 at parehong latisong a = 6.7676, b = 4.1477, c = 5.0206 (.10−1 nm), β = 108.205°.Sa taas na 22 km, makikita ang mga chlorofluoromethane(148 ppt)Ginagamit ito bilang refrigerant na may Potensiyal na pinapaliit ang ozone 0.02.

Epektong greenhouse

Ang epektong greenhouse (Ingles, greenhouse effect) ay ang proseso kung saan mas malaki ang iniaambag na init sa ibabaw ng isang planeta ng radyasyon mula sa atmospera nito kumpara sa kung ang planeta ay walang atmospera.Kung ang atmospera ng isang planeta ay naglalaman ng mga radyatib-aktibong gas (greenhouse gas) ikakalat ng atmospera ang enerhiya sa lahat ng direksiyon. Ilang bahagi ng radyasyong ito ay mapupunta sa ibabaw ng planeta, na dahil dito ay iinit. Ang bahaging ito ng radyasyon (na maaaring isipin bilang ang lakas ng epektong greenhouse) ay nakasalalay sa temperatura ng atmospera at sa dami ng greenhouse gas dito.

Sa mundong ito, ang atmospera ay iniinit sa pamamagitan ng infrared na radyasyong termal, pag-absorb ng shorter-wavelength radiant energy mula sa araw, at mga convective na heat flux mula sa ibabaw ng lupa. Nagkakalat ng enerhiya ang mga greenhouse gas sa atmospera, kung saan ang iba ay napupunta sa mas mababang bahagi ng atmospera. Ang mekanismo na ito ay tinatawag na epektong greenhouse).Malaki ang tulong ng natural na epektong greenhouse sa mundo upang mapagpatuloy ang buhay. Subalit ang natural na penomenang ito ay napalakas ng mga gawaing-tao (tulad ng pagsusunog ng fossil fuel at deporestasyon), at ito'y naging sanhi ng global warming.Ang pangalan ng mekanismong ito ay (maling) ipinangalan sa isang greenhouse.

Ginto

Ang ginto ay isang kemikal na elementong may simbulong Au at atomic number na 79. Sa pinakapuro nitong anyo ito ay makinang, bahagyang mamula-mulang dilaw, siksik, malambot, nagbabago ng anyo at hugis, at ductile na bakal. Ayon sa kemika, ang ginto ay isang transition metal at kabilang sa ikalawang grupo ng mga elemento. Ito ay isa sa mga hindi pinaka-aktibong elementong kemikal at solid sa ilalim ng standard na kondisyon. Ang bakal na ito ay madalas na nabubuo bilang isang free elemental form, bilang tipak o mga butil, sa mga bato, sa mga ugat at minsan sa mga naaanod na mga deposito. Ito ay nangyayari sa isang solid series solution kasama ang mga native element silver at pati rin ang mga natural na alloyed na may kasamang copper at palladium. Di kadalasan, ito ay nangyayari sa mga mineral bilang gold compounds, kung saan madalas ay may tellurium.

Ang atomic number ng ginto na 79 ay ang naging daan upang ang ginto ay maging isa sa mga elementong natural na nabubuo sa kalawakan. Ito ay napag alamang nabuo sa supernova nucleosynthesis at nakikita sa alikabok na nilikha ng Solar System. Dahil ang mundo ay malambot pa noong ito ay nabuo, halos lahat ng mga gintong naroroon sa mga unang bahagi ng mundo ay maaring lumubog sa planetary core. Samakatuwid, ang karamihan ng mga ginto na naroroon ngayon sa crust at mantle ng mundo ay maaaring mapunta sa ibabaw ng mundo sa pamamagitan ng mga asteroid impacts noong mahigit apat na bilyong taon na ang nakalipas.

Pinipigilan ng ginto ang pag-atake ng isahang asido ngunit maaari itong matunaw ng aqua regia. Ang pinaghalong mga asido ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng natutunaw na gold tetrachloride anion. Ang ginto ay natutunaw din sa alkaline solutions ng cyanides, na kung saan ito ay nagagamit sa pagmimina at electroplating. Ito rin ay natutunaw sa mercury, kung saan ito ay bumubuo ng amalgam alloys: ito ay hindi natutunaw sa nitric acid, kung saan natutunaw ang silver at mga base metals, isang katangian na matagal nang ginagamit upang alamin ang pagkakaroon ng ginto sa mga bagay, pagbibigay buhay sa terminong acid test.

Nokia 5500

Ang Nokia 5500 ay isang modelo ng cellphone ng Nokia.

Pisika

Ang pisika o liknayan (Ingles: physics) ay isang natural na agham na sumasangkot sa pag-aaral ng materya at mosyon nito sa espasyo-panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng enerhiya at pwersa. Sa malawak na paglalarawan, ito ang pangkalahatang analisis o pagsisiyasat ng kalikasan na isinasagawa upang maunawaan kung paano umaasal ang uniberso.Ang pisika ang isa sa mga pinakamatandang disiplinang akademika na marahil ang pinakamatanda sa pamamamagitan nito ng astronomiya. Sa paglipas ng mga huling milenya, ang pisika ang bahagi ng natural na pilosopiya kasama ng kemika, ilang mga sangay ng matematika, at biolohiya ngunit noong Himagsikang Siyentipiko noong ika-16 siglo, ang mga natural na agham ay lumitaw bilang walang katulad na mga programang pagsasaliksik sa kanilang sarili. Ang pisika ay bumabagtas sa maraming mga interdisiplinaryong mga area ng pagsasaliksik gaya ng biopisika at kemikang kwantum at ang mga hangganan ng pisika ay hindi mahigpit na inilalarawan. Ang mga ideya sa pisika ay kadalasang nagpapaliwanag ng mga pundamental na mekanismo ng ibang mga agham habang nagbubukas ng mga bagong pamamaraan ng pagsasaliksik sa mga sakop gaya ng matematika at pilosopiya.

Ang pisika ay gumagawa rin ng malalaking mga ambag sa pamamagitan ng pagsulong ng mga bagong teknolohiya na lumilitaw mula sa mga teoretikal na pagkakatuklas. Halimbawa, ang pagsulong sa pagkakaunawa ng elektromagnetismo o pisikang nukleyar ay direktang tumungo sa pagkakabuo ng mga bagong produkto na kahangang hangang nagbago ng modernong lipunan gaya ng telebisyon, mga kompyuter, mga kasangkapang pangbahay at mga sandatang nukleyar. Ang mga pagsulong sa termodinamika ay tumungo sa pag-unlad ng industriyalisasyon at ang mga pagsulong sa mekanika ay pumukaw sa pagkakabuo ng kalkulo.

Quasar (Makalangit na katawan)

Ang mga Quasar, o tinatawag na quasi-stellar radio sources ay ang mga pinaka-makapangyarihan at pinakamalalayong miyembro sa isang klase ng mga bagay na tinatawag na active galactic nuclei (AGN). Ang mga Quasar ay sobrang maliwanag at unang nakita bilang pinanggagalingan ng enerhiyang elektromagnetiko, radio waves, at ilaw, na mala-bituin kumpara sa mga mas malalaking sanggunian tulad ng mga galaxy, at matatagpuan sa mataas na parte ng redshift. Sila ay may malalawak na emission lines sa kanilang spectra, hindi tulad ng mga bituin, kaya sila tinawag na quasi-stellar o mala-bituin. Ang liwanag nila ay maaaring maging 100 beses na mas maliwanag kaysa sa ating sariling galaxy. Kahit na naging kontrobersyal ang kalikasan ng mga bagay na ito hanggang noong maagang 1980s, mayroon na ngayong siyentipikong pagkakaisa na ang quasar ay isang siksik na rehiyon sa gitna ng napakalaking galaxy na nakapalibot sa isang mas malaki pang Itim na butas. Ang laki nito ay 10-10,000 beses lamang ng Schwarzschild radius ng itim na butas. Ang enerhiyang ibinibigay nito ay nakukuha mula sa bagay na nahuhulog sa accretion disc sa paligid ng isang itim na butas.

Ang mga quasar ay nagpapakita ng mataas na redshift, na epekto ng paglawak ng universe mula sa quasar at sa Earth. Kapag isinama sa batas ni Hubble, ang implikasyon ng redshift ay napakalalayong bagay ng mga quasar. Sila ay mahilig na tumahan sa gitna ng mga napaka-aktibo at batang galaxy, at sila ay isa sa mga pinaka-maliwanag, malakas at masiglang bagay sa universe, na naglalabas ng mahigit sa isang libong beses ng enerhiya na inilalabas ng Milky Way, na naglalaman ng 200-400 bilyong bituin. Ang radyasyong ito ay inilalabas sa buong electromagnetic spectrum, na halos pare-pareho, m[1]ula sa mga x-rays, hanggang sa mga malayong infrared na may taluktok sa ultraviolet-optical bands, may mga quasar din na malakas na sanggunian ng paglabas ng radio waves at gamma-rays

Radio galaxy

Ang mga radio galaxy at mga kahalintulad, mga radio-loud quasar at blazar, ay mga uri ng active galaxy na napaka-luminous sa radio wavelength, na may luminosity hanggang sa 1039 W sa pagitan ng 10 MHz at 100 GHz. Ang radio emission ay dulot ng synchrotron process. Ang naoobservang estruktura sa radio emission ay natutukoy sa interkasiyon ng twin jet at ng panlabas na medium, na binago ng epekto ng relativistic beaming. Ang host galaxy ay halos eksklusibong malaking elliptical galaxy. Ang mga radio-loud active galaxy ay maaaring makita sa malaking distansya, kaya ang mga ito ay nagiging mahalagang kasangkapan para sa observational cosmology. Kamakailan lamang, maraming trabaho ang natapos sa epekto ng mga bagay na ito sa intergalactic medium, lalo na sa galaxy groups at clusters.

Robert Kennicutt

Si Robert Charles Kennicutt, Jr. FRS ay isang Amerikanong astronomo. Siya ang Plumian Professor of Astronomy sa Institute ng Astronomy sa University of Cambridge. Siya ay dating Editor-in-Chief ng Astrophysical Journal (1999-2006). Ang kanyang mga interes sa pananaliksik ang estruktura at ebolusyon ng galaxy at pagbuo ng bituin sa mga galaxy.Natanggap niya ang kanyang bachelor's degree sa pisika mula sa Rensselaer Polytechnic Institute noong 1973. Siya ay naging graduate student sa astronomiya sa University of Washington, dito natanggap niya ang kanyang master's degree noong 1976 at ang kanyang Ph.D. noong 1978. Iginawad sa kanya ang Dannie Heineman Prize for Astrophysics noong 2007 sa ng American Astronomical Society. Kasama niyang nagwagi ng 2009 Gruber Prize in Cosmology sina Wendy Freedman ng Carnegie Institution of Washington at Jeremy Mould ng University of Melbourne School of Physics, para sa kanilang pamumuno sa tiyak na pagsukat ng halaga ng konstante ng proporsiyonalidad sa Batas ni Hubble. Siya ay naging fellow ng American Academy of Arts and Sciences noong 2001 at itinalagang isang Fellow of the Royal Society noong 2011.

Binuo ni Kennicutt ang isang bersyon ng batas Kennicutt–Schmidt, ang empirikong ugnayan ng gas density sa star formation rate (SFR) sa isang rehiyon.

Sensor

Ang sensor (salitang Ingles, literal na salin sa wikang Tagalog: taga-pakiramdam) ay isang uri ng transducer na ginagamit upang makaramdam (o makapansin) ng mga pangyayari sa paligid. Gumagamit ito ng mga bilang na pagtataya upang maitala ang mga pangyayari o pagbabago na nagaganap sa kanyang paligid at nagbibigay ng resulta sa anyo ng isang signal na elektrikal o optikal. Halimbawa, pinapakita ng isang thermocouple ang mga naitatalang impormasyon ukol sa pagbabago ng temperatura bilang isang boltahe. Subalit, ang isang babasaging termometro na may lamang merkuryo ay isa ring halimbawa ng sensor; ipinapakita ang naitalang resulta ukol sa pagbabago ng temperatura sa pamamagitan ng ekspansyon at kontraksyon ng merkuryo sa loob ng babasaging aparato na nababasa gamit ang mga marka rito

Ang mga sensor ay ginagamit sa mga pang-araw-araw na bagay tulad ng mga elebeytor na may sensor (halimbawa ng tactile sensor) at mga ilaw o lampara na nakokontrol ang liwanag ng ilaw sa pamamagitan ng pagpindot sa base nito; samakatuwid, maraming mga bagay na gumagamit ng sensor na lingid sa kaalaman ng tao. Dahil sa mga pagsulong ng kaalaman sa mga makinarya at mga pinadaling gamit ng mga aparato, ang sensor ay nagagamit hindi na lamang sa pagsusukat ng temperatura, presyon, at pagdaloy ng tubig; ang halimbawa na lamang ay ang mga MARG sensors. Bukod dito, ang mga sensor na analog tulad ng mga potentiometers at mga force-sensing resistor ay ginagamit pa rin ng karamihan. Ang iba pang gamit ng sensor ay sa paggawa ng makinarya, sa mga eroplano at iba pang transportasyong pangkalawakan, sa mga kotse, gamot, at paggawa ng mga robot.

Ang sensitibidad ng isang sensor ang nagpappakita ng pagbabago sa resulta ng mga naitalang datos kapag nakakapagtala ito ng mga pagbabago sa kanyang kapaligiran. Halimbawa ay ang merkuryo sa loob ng termometro, tumataas o bumababa nang isang sentimetro ang sukat ng merkuryo sa loob ng termometro kapag ang temperatura ay tumaas o bumaba nang isang sentigrado. Ang sensitibidad ng aparato ay isang sentimetro kada isang sentigrado (ito ay proporsyon ng deribatibo ng y at x kung ang ekweysyon ay linyar). Ang ibang sensor ay maaaring magkaroon ng epekto sa sinusukat nito; halimbawa, ang termometro na ginagamit sa mga kuwarto ay nakalagay sa isang tasa na may laman na mainit na tubig, ay napapababa ang temperatura ng tubig sa loob ng tasa habang ang tubig na nasa loob ng tasa ay pinapataas naman ang temperatura ng termometro. Ang mga sensor ay dapat nakadisenyo upang mapaliit ang posibilidad na magkaroon ng epekto ito sa mga datos na nakakalap; ang sensor na mayroong mas maliit na sakop ng nasusukatan ay napapaganda ang kalidad nito at nagbibigay pa ng mas maraming pakinabang dito. Ang pag-unlad sa teknolohiya ang nag-udyok ng paggawa pa ng maraming sensor na may mas maliit na sakop tulad ng mga microsensor na gumagamit ng teknolohiya ng MEMS. Karamihan ng mga microsensor ay mas mabilis at mas maganda ang sensitibidad kaysa sa may pangkaraniwang sakop ng sensor.

Talaan ng mga bagay sa Sistemang Pang-araw batay sa laki

Ito ang kumpletong talaan ng mga bagay sa Sistemang Pang-araw batay sa laki ng mga ito.

Talatuntunan ng kulay

Sa astronomiya, ang talatuntunan ng kulay (color index) ay isang payak na ekspresyong numerikal na nagdedetermina sa kulay ng isang bagay, na sa kaso ng bituin ay ang kanilang temperatura. Para masukat ang talatuntunan, tuluyang inoobserbahan ang magnitud ng isang bagay gamit ang dalawang magkaibang pansala sa sistemang UBV, tulad ng U at B, o B at V, kung saan sensitibo ang U sa mga silahis na ultrabiyoleta, sensitibo ang B sa bughaw na liwanag, at sensitibo ang V sa liwanag na makikita (luntian-dilaw). The set of passbands or filters is called a photometric system. The difference in magnitudes found with these filters is called the U-B or B–V color index, respectively. The smaller the color index, the more blue (or hotter) the object is. Conversely, the larger the color index, the more red (or cooler) the object is. This is a consequence of the logarithmic magnitude scale, in which brighter objects have smaller (more negative) magnitudes than dimmer ones. For comparison, the yellowish Sun has a B–V index of 0.656 ± 0.005, while the bluish Rigel has B–V –0.03 (its B magnitude is 0.09 and its V magnitude is 0.12, B–V = –0.03).

Color indices of distant objects are usually affected by interstellar extinction —i.e. they are redder than those of closer stars. The amount of reddening is characterized by color excess, defined as the difference between the Observed color index and the Normal color index (or Intrinsic color index), the hypothetical true color index of the star, unaffected by extinction. For example, in the UBV photometric system we can write it for the B-V color:

The passbands most optical astronomers use are the UBVRI filters, where the U, B, and V filters are as mentioned above, the R filter passes red light, and the I filter passes infrared light. This system of filters is sometimes called the Johnson-Cousins filter system, named after the originators of the system (see references). These filters were specified as particular combinations of glass filters and photomultiplier tubes. M. S. Bessell specified a set of filter transmissions for a flat response detector, thus quantifying the calculation of the color indices. For precision, appropriate pairs of filters are chosen depending on the object's color temperature: B-V are for mid-range objects, U-V for hotter objects, and R-I for cool ones.

Utak

Para sa ibang gamit ng katagang utak, tingnan utak (paglilinaw). Para sa impormasyon sa utak ng tao, tingnan ang artikulo nito.

Sa mga hayop, ang utak (Ingles: brain) ang sentro ng sistemang nerbiyos sa lahat ng bertebrado(vertebrate) at karamihan sa mga inbertebradong(invertebrate) mga hayop. Ang ilan sa mga primitibong inbertebrado gaya ng mga sponge, jellyfish, sea squirt at starfish ang walang utak. Ang utak ay matatagpuan sa ulo na malapit sa pangunahing pandamang aparato gaya ng paningin, pandinig, balanse, panlasa at pang-amoy. Ang utak sa isang bertebrado ang pinaka-masalimuot(complex) na organo sa katawan nito. Sa isang tipikal na utak ng tao, ang cerebral cortex ay tinatantiyang naglalaman ng mga 15-33 bilyong mga neuron na ang bawat isa sa mga ito ay pinagdudugtong ng mga sinapse sa iba pang libo libong mga neuron. Ang mga neuron na ito ay nakikipag-usap sa bawat isa sa pamamagitan ng mahabang mga protoplasmikong mga hibla na tinatawag na mga akson(axon) na nagdadala ng mga tren ng mga pulsong signal na tinatawag na mga aksiyon potensiyal sa mga malalayong bahagi ng utak o katawan na umaasinta sa mga spesipikong tagatanggap na mga selula.

Mula sa pananaw na ebolusyonaryong bioholikal, ang tungkulin ng utak ay upang magsagawa ng sentralisadong kontrol sa mga iba pang organo(bahagi) ng katawan. Ang utak ay umaasal sa iba pang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng paglikha ng mga paterno ng mga gawain ng masel o sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng sekresyon(paglalabas) ng mga kemikal na tinatawag na mga hormone. Ang sentralisadong kontrol na ito ay pumapayag sa mabilisan at koordinatong mga tugon sa pagbabago ng kapaligiran. Ang ilan sa mga pangunahing uri ng pagtugon gaya ng mga repleks ay maaaring ipamagitan ng kordong espinal o periperal ganglia ngunit ang sopistikadong makalayuning kontrol ng pag-aasal batay sa komplikadong pandamang input ay nangangailangan ng nagsasama ng impormasyong kakayahan ng isang sentralisadong utak.

Mula sa isang pananaw na pilosopikal, ang nagpapagawang espesyal sa utak kumpara sa ibang mga bahagi ng katawan ay ito ang bumubuo ng pisikal na istraktura na lumilikha ng pag-iisip. Gaya ng isinulat ni Hippocrates: "Ang mga tao ay dapat malamang wala na sa iba ngunit sa utak ay nagmumula ang kasiyahan, kaluguran, pagtawa, laro, kalungkutan, kapighatian, kawalang pag-asa at pananaghoy." Sa simulang bahagi ng sikolohiya, ang pag-iisip ay inakalang hiwalay sa utak. Gayunpaman, pagkatapos na ang mga sinaunang siyentipiko ay magsagawa ng mga eksperimento, natukoy na ang pag-iisip ay bahagi ng gumaganang utak na naghahayag ng mga ilang pag-uugali batay sa panlabas ng kapaligiran at pag-unlad ng organismo. Ang mga mekanismo kung saan ang gawain ng utak ay nagpapalitaw ng kamalayan(consciousness) at kaisipan ay labis na nakakahamon upang maunawaan. Kahit pa sa mabilis na pag-unlad siyentipiko, ang karamihan sa kung paano kumilos ang utak ay nananatiling isang misteryo. Ang mga operasyon ng mga indibidwal na neuron sa utak ay alam na sa kasalukuyan sa labis na detalye ngunit ang paraan na pagkakaisa ng sama-samang milyong mga ito ay napakahirap na maunawaan. Ang pinakakanais nais na pakikitungo dito ay ang pagtrato sa utak bilang isang biolohikal na kompyuter na labis na iba sa mekanismo ng ibang mga elektronikong kompyuter ngunit katulad nito sa kahulugan na nagkakamit ng impormasyon sa nakapaligid na mundo, iniimbak at pinoproseso ito sa iba't ibang mga paraan.

William Herschel

Si Frederick William Herschel, KH, FRS (Aleman: Friedrich Wilhelm Herschel; 15 Nobyembre 1738 – 25 Agosto 1822) ay isang Britanikong ipinanganak sa Alemanya na naging astronomo, ekspertong teknikal, at kompositor. Ipinanganak sa Hanover, Alemanya, sinundan ni Herschel ang kaniyang ama sa pagsali sa Banda ng Militar ng Hanover, bago nandayuhan at nanirahan sa Britanya sa gulang na 19. Naging tanyag siya sa pagkakatuklas ng planetang Uranus kasama ang dalawang pangunahing buwan nito (ang Titania at ang Oberon), at pagkakatulas ng dalawang pang buwan ng Saturno. Siya ang unang tao na nakatuklas ng pag-iral ng radyasyong infrared. Nakikilala rin siya sa 24 simponiyang nilikha niya.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.