Ika-5 daantaon BC

(ika-2 milenyo BC - ika-1 milenyo BC - ika-1 milenyo AD)

Daang Taon: ika-6 na daantaon BC - ika-5 daantaon BC - ika-4 na daantaon BC
Mga dekada: 490 BC 480 470 460 450 440 430 420 410 400 BC

Pangkalahatang buod

Ang ika-5 at ika-6 na siglo ay isang panahon ng karunungang pilosopikal sa mga sumusulong na mga sibilisasyon. Sumulong ang Lumang pilosopiyang Griyego noong ika-5 siglo BC, na ginawang haligi para sa ideolohiyang Kanluranin. Sa Athens at saan mang sa mundo ng Mediterranean, tinatakda ang ika-5 siglo BC ng isang mataas na punto ng pagsulong ng mga politikal na institusyon, sining, arkitektura, at panitikan.

Mga pangyayari

Mga mahahalagang tao


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Amytis

Si Amytis (Griyego: Ámitys, Matandang Persa (Persian): *Umati) ay isang prinseang Mediano, na anak babae ni Haring Xerxes I at ni Reyna Amestris. Siya ang kapatid na babae ni Haring Artaxerxes I. Ipinakasal siya sa maharlikang si Megabyzus. Inilarawan sina Amytis at ang kaniyang ina sa salaysay ni Ctesias bilang ang pinaka makapangyarihang mga babae noong panahon ng pamumuno ni Artaxerxes.

Noong humigit-kumulang sa 445 BC, nagsimula ang kaniyang asawang si Megabyzus ng isang matagumpay na himagsikan sa Syria laban kay Artaxerxes I. Noong una, nanatili si Amytis sa piling ng hari noong panahon ng digmaan, subalit sa pagdaka ay lumahok siya, kasama ni Amestris at ng satrap na si Artarius sa pagkakasundo ng rebelde at ng hari. Gayunpaman, muling napahiya si Megabyzus at pinalayas mula sa korte (kaharian) at ipinadala sa isang bayan na nasa Tangway ng Persiya. Pagkalipas ng limang taon ng pagpapalayas sa kaniya, pinatawad si Megabyzus at pinahuntulutang magbalik sa korte, sa muli ito ay dahil sa pamamagitan nina Amytis at Amestris.

Nagkaroon si Amytis ng dalawang mga anak na lalaki mula kay Megabyzus: sina Zopyrus II at Artyphius. Pagkaraan ng kamatayan ng kaniyang ama at ina, nagpunta si Zopyrus sa Atenas, kung saan - ayon kay Ctesias - naging mabuti ang pagtanggap sa kaniya dahil sa mga paglilingkod na nagawa ng kaniyang ina para sa mga Atenyano.Inilarawan si Amytis ng mga sangguniang Griyego bilang isang lisensiyosa o liberal. Ayon kay Ctesias, naparatang si Amytis ng pakikiapid ni Megazybus noong panahon ng pamumuno ni Xerxes. Pinatunayan pa din ni Ctesias na, pagkaraan ng kamatayan ng kaniyang asawa, nagkaroon si Amytis ng pakikipag-ugnayan sa Griyegong manggagamot na si Apollonides ng Cos, at nang matuklasan ang ugnayan ay pinahirapan si Apollonides at ipinapatay ng inang reynang si Amestris. Ayon naman sa isa pang Griyegong manunulat ng kasaysayan na si Dinon, si Amytis ay ang pinka maganda at mapagparayang (lisensiyosa) babae ng Asya. Ang pinakamahirap na hamon sa paggamit ng mga manunulat ng kasaysayan na sina Ctesias o Dinon bilang mapagkakatiwalaang mga sanggunian ay ang katotohanang may gawi silang magsulat ng kamangha-manghang mga kuwento na mas magiging nakakahikayat ng mga mambabasa nila, na kadalasang walang pagbibigay ng pansin sa kahigpitang pangkasaysayan. Ang kawalan o kakulangan ng pangunahing mga sanggunian ay nakagagawa kung gayon na imposibleng magkaroon ng isang tumpak na paglalarawan kay Amytis.

Ika-4 na daantaon BC

(ika-2 milenyo BC - ika-1 milenyo BC - ika-1 milenyo AD)

Myrtis

Myrtis ang pangalang ibinigay ng mga arkeologo sa isang batang babaeng 11 taon ang gulang na nagmula sa Sinaunang Atenas, na ang mga labi ay natuklasan mula 1994 hanggang 1995 sa loob ng isang libingang pangmaramihan habang nagsasagawa ng pagtatayo ng estasyong pangtren sa Kerameikos, Gresya. Pinili ang pangalan mula sa karaniwang mga pangalang Griyego. Nagpakita ang pag-uuri na si Myrtis at dalawa pang ibang mga katawan sa libingang pangmaramihan ay namatay dahil sa tipos noong ng panahon ng Plaga sa Atenas noong 430 BCE.Ginawa ng Pangrehiyong Sentro ng Impormasyon ng mga Nagkakaisang Bansa si Myrtis bilang isang kaibigan ng Mga Layuning Pangkaunlaran ng Milenyo at ginamit siya sa pangangampanya ng Mga Nagkakaisang Bansa upang mawakasan ang pagdarahop, sa pamamagitan ng pariralang "We Can End Poverty" (Mawawakasan Natin ang Kahirapan).

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.