Ika-16 na daantaon

Bilang isang paraan ng pagtala ng pagdaan ng oras, ang the Ika-16 na daantaon ay nagsimula mula 1501 hanggang 1600.

Mona Lisa, by Leonardo da Vinci, from C2RMF retouched
Mona Lisa
(Italiano: La Gioconda, Pranses:La Joconde)
Leonardo da Vinci, c. 1503–1506
Oil on poplar
77 × 53 cm, 30 × 21 in
Musée du Louvre, Paris
Martin Luther, 1529
Martin Luther sa gulang na 46 (Lucas Cranach the Elder, 1529)

Mga Dekada at Taon


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Aklat ni Judit

Ang Aklat ni Judit o Aklat ni Judith ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Alchemilla vulgaris

Ang alkemilyang bulgar, alkemilyang bulgaro, o alkemilyang bulgaris (mula sa pangalang pang-agham na: Alchemilla vulgaris) ay isang uri ng halamang yerba. Isa ito sa mga halamang tinatawag na lambong ng babae (Lady's mantle sa Ingles) na kabilang sa mga alkemilya, na mahalaga sa mga hinekolohikal na paggamit, partikular na sa labis na pagdurugo sa panahon ng pagreregla at pangangati sa puki. Nakapipigil ito ng pagdurugo at mayaman sa mga tanin (tannin). Naging isang tanyag na panghilom ng mga sugat ito noong mga panahon ng digmaan sa Kanluraning mundo noong mga ika-15 at ika-16 na daantaon. Nagagamit ang mga bahagi nito (pinatuyo o sariwa) bilang mga pamahid at tintura, na mainam sa paglulunas ng pagtatae, gastroentiris, malakas na pagreregla, pananakit sa pagreregla, at pangkontrol o pagpapanatili sa regular na siklo ng pagreregla. Dahil malamig sa pandama, nagagamit din itong pang-alis ng mga pamamaga at mga impeksiyon.

Computus

Ang computus (salitang Latin na may kahulugang "komputasyon") ay ang tawag sa paraan ng pagtutuos o kalkulasyon ng petsa ng Pasko ng Pagkabuhay. Noong ika-4 na daantaon, nagkaroon ng pagkalito hinggil sa tamang petsa ng ipagdiwang ng Kristiyanong Araw ng Pagkabuhay o ang Muling Pagkabuhay ni Hesus. Ang pagkakalkulang ng petsa ng Pasko ng Pagkabuhay ay nakaayon, sa unang lagay, sa Kalendaryong Juliano, at pagdaka ay nakaayon na sa Kalendaryong Gregoriano. Ang katawagan o pangalan ay ginagamit na para sa hakbang o pagsasagawang ito magmula noong mga Gitnang Kapanahunan, dahil ito ay itinuturing pinakamahalagang pagtutuos noong panahong iyon.

Pagkaraan ng Unang Konsilyo ng Nicaea, ang petsa ng Pasko ng Pagkabuhay ay talagang nakahiwalay na magmula sa kalendaryong Hudyo at pati na ang pagtutuos nito para sa Pesah o Paskwa (Passover sa Ingles). Magmula noon, batay sa prinsipyo, ang Pasko ng Pagkabuhay ay pumapatak sa Linggo matapos ang kabilugan ng buwan kasunod ng Ekwinoks ng tagsibol sa Hilaga (ang tinatawag na Buwang Buo ng Mahal na Araw, at panahon kung kailan magkasinghaba ang tagal ng araw at ng gabi). Subalit, ang ekwinoks sa panahon ng tagsibol (ekwinoks na bernal o vernal equinox) at ang buo na buwan ay hindi inaalam sa pamamagitan ng pagmamasid pang-astronomiya. Sa halip, ang ekwinoks na bernal ay ipnako sa ika-21 araw ng Marso, habang ang buwang buo (sa tawag na eklesyastikal na buwang buo) ay nakalagi sa ika-14 na mga araw pagkalipas ng simula ng eklesyastikal na buwang lunaryo (nakikilala bilang eklesyastikal na buwang bago). Dahil dito, ang Pasko ng Pagkabuhay ay pumapatak sa Linggo pagkaraan ng eklesyastikal na buwang bago.

Ang computus ay ang hakbang ng pag-alam sa unang Linggo pagkalipas ng unang eklesyastikal na buwang buo na tumatapat sa o pagkalipas ng ika-21 ng Marso, at ang nagkasuliranin sa loob ng kahabaan ng mga daantaon na walang tumpak na mga pamamaraan ng pagsukat sa tiyak na mga taóng solar (pang-araw) o lunar (pambuwan).

Ang modelo o huwarang nagawa ay nagpapalagay na ang 19 na mga tropikal na mga taon ay mayroong magkakatulad na tagal o durasyon ng 235 mga buwang sinódiko (kasalukuyang halaga: 234.997).Magmula noong ika-16 na daantaon, nagkaroon ng mga pagkakaiba-iba sa mga pagtutuos ng Pasko ng Pagkabuhay sa pagitan ng mag Kristyanismong Kanluranin at ng Silanganin. Magmula noong 1583, ginagamit na ng Simbahang Katóliko Romano ang ika-21 ng Marso ng Kalendaryong Gregoriano upang kalkulahin ang petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; samantalang ang Simbahang Ortodoksong Silanganin ay nagpatuloy sa paggamit ng ika-21 ng Marso ayon sa Kalendaryong Juliano. Bunsód nito, ang mga denominasyong Katóliko at Protestante ay gumagamit ng isang eklesyastikal na buwang buo na nagaganap 4 hanggang 5 mga araw nang mas maaga kaysa sa ginagamit ng mag simbahang Ortodoksiyang Silanganin.

Dama Jane Seymour

Si Dama Jane Seymour, na sa Ingles ay Lady Jane Seymour (sirka 1541-1561), ay isang maimpluwensiyang Inglesang manunulat noong ika-16 na daantaon sa Inglatera, kasama ang kanyang mga kapatid na babaeng sina Dama Margaret Seymour at Anne Seymour, Kondesa ng Warwick. Siya ay anak na babae ni Edward Seymour, Unang Duke ng Somerset, na mula 1547 ay ang Panginoong Tagapagprutekta ng Inglatera pagkalipas ng kamatayan ni Henry VIII at noong pagkabata (pagkamenor de edad) ng pinsang buo ni Jane na si Edward VI. Kaya't siya ay pamangking babae ng pangatlong asawa ni Henry VIII na si Reyna Jane Seymour, na maaaring napagkuhanan ng kanyang pangalan. Siya lamang ang nag-iisang saksi sa lihim na pagpapakasal ng kanyang kapatid na lalaking si Edward kay Dama Catherine Grey (isang potensiyal na tagapagmana ni Elizabeth I) noong 1560. Pagdaka ay namatay siya pagkaraan ng isang taon, sa gulang na 20, na maaaring dahil sa tuberkulosis.

Magawi na gumagawang magkakasama ang magkakapatid na babaeng mga Seymour, na ang kanilang pinaka tanyag na akda ay ang isang kalipunan ng 103 mga distich na nasa wikang Latin para sa puntod ni Margaret de Valois, reyna ng Navarre at isa ring babaeng may-akda, na nalathala noong 1550.

Hayreddin Barbarossa

Si Hayreddin Barbarossa, o Barbarossa Hayreddin Pasha (Turko: Barbaros Hayreddin (Hayrettin) Paşa o Hızır Hayreddin (Hayrettin) Paşa; na nakikilala rin bilang Hızır Reis bago iangat sa ranggong Pasha at naging Kapudan-ı Derya. Ipinanganak siya bilang Khizr o Khidr, Turko: Hızır; c. 1478 – 4 Hulyo 1546), ay isang almirante ng pulutong ng Imperyong Ottomano na ipinanganak sa pulo ng Lesbos at namatay sa Constantinople, ang kabiserang Ottomano. Ang mga tagumpay na panghukbong-dagat ni Barbarossa ang nakapagtiyak ng pangingibabaw ng mga Ottomano sa Mediteraneo noong kalagitnaan ng ika-16 daantaon, mula sa Labanan ng Preveza noong 1538 hanggang sa Labanan ng Lepanto noong 1571.

Ang "Hayreddin" (Arabe: Khair ad-Din خير الدين, na may literal na kahulugang "kabutihan" o "pinakamahusay ng relihiyon" ng Islam) ay isang pangalang pamparangal na ibinigay sa kaniya ni Sultan Suleiman ang Magnipiko. Nakilala siya bilang "Barbarossa" ("Pulang Balbas" sa Italyano) sa Europa, isang pangalang namana niya mula sa nakatatanda niyang kapatid na lalaking si Baba Oruç (Amang Aruj) pagkaraang mapatay si Aruj sa isang pakikipaglaban sa mga Kastila sa Alheriya. Ang pangalang ito ay parang katunog ng "Barbarossa" ("Pulang Balbas") para sa mga Europeo, at si Aruj ay mayroong ngang isang balbas na kulay pula. Nadikit din ang bansag na ito sa pangalang Turko ni Hayreddin, na nasa anyong Barbaros. Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Hiawatha

Si Hiawatha, na nakikilala rin bilang Ayenwatha, Aiionwatha, o Haiëñ'wa'tha (sa Onondaga) ay isang maalamat na Amerikanong Katutubong pinuno at kasamang tagapagtatag ng kumpederasyang Iroquois. Alinsunod sa napiling bersiyon ng salaysay, si Hiawatha ay namuhay noong ika-16 na daantaon at siya ang pinuno ng mga Onondaga o kaya ng mga Mohawk.

Si Hiawatha ay isang tagasunod ni Dakilang Tagagawa ng Kapayapaan, isang pinunong propeta at espirituwal, na nagmungkahi ng pag-iisa ng mga taong Iroquois, na nagsasalu-salo ng magkakahalintulad na mga wika. Si Hiawatha, na isang may kasanayan at may karismang mananalumpati, na nakatulong sa paghikayat sa mga Seneca, Cayuga, Onondaga, Oneida, at mga Mohawk, na tanggapin ang pananaw ng Dakilang Tagagawa ng Kapayapaan at magsama-sama sila upang maging Limang mga Bansa (Limang mga Nasyon) ng kumpederasyang Iroquois. Sa pagdaka, sumanib sa Kumpederasya ang Tuscarora upang Ikaanim na Bansa (Ikaanim na Nasyon).

Hiero II ng Siracusa

Si Hieron II (c. 308 BCE – 215 BCE), na nakikilala rin bilang Hiero II, Hiero II ng Siracusa at Hieron II ng Siracusa, ay ang Griyegong haring Siciliano ng Siracusa mula 270 BCE hanggang 215 BCE, at ang lalaking "anak sa labas" ("putok sa buho") ng isang maharlikang Siracusano na si Hierocles ng Siracusa, na umangkin ng katayuan bilang nagmula sa angkan ni Gelo (Gelon). Dati siyang heneral ni Pyrrhus ng Epirus at isang mahalagang pigura o tao sa Unang Digmaang Puniko. Ang asawa niya ay si Philistis.

Sa paglisan ni Pyrrhus mula sa Sicilia noong 275 BCE, itinalaga si Hieron II ng hukbong panlupa at ng mga mamamayan ng Siracusa bilang komandante ng mga tropa. Pinalakas niya ang kaniyang posisyon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa anak na babae ni Leptines, ang nangungunang mamamayan. Samantala, ang Mamertines, na isang katawan ng mga mersenaryo ng Campania na binabayaran ni Agathocles ang kanilang paglilingkod, ay kinuha ang matibay na tanggulan ng Messana, at nagpatuloy sa panliligalig ng mga Siracusano. Nagapi sila, sa wakas, ni Hieron II sa isang labanan na naganap malapit sa Mylae, na napigilan lamang na madakip ang Messana dahil sa pakikialam ng mga Carthaginiano. Pagkaraan nito, ginawa siyang hari ng nagpapasalamat niyang mga kababayan noong 270 BCE.

Noong 264 BCE, nagbalik siyang muli sa paglusob, at tumawag ang mga Mamertines ng pagtulong mula sa Roma. Kaagad na sumapi si Hieron II sa pinunong Puniko na si Hanno, na noon ay kamakailan lamang na dumaong at lumapag sa Sicilia; subalit dahil ang pakikipaglaban sa isang pakikipaglaban sa mga Romano na pinamumunuan ng konsul na si Appius Claudius Caudex ay walang tiyak na kahihinatnan, umurong si Hieron II na papunta sa Siracusa. Dahil nagigiit at napapaatras ng mga puwersang Romano, nakipagkasundo siya sa mga Romano noong 263 BCE sa pamamagitan ng isang tratado, kung saan siya ay mamumuno sa timog-silangan ng Sicilia at sa silangang dalampasigan na umaabot sa Tauromenium.Magmula noong panahong ito hanggang sa kaniyang kamatayan noong 215 BCE, nanatiling matapat si Hiero II sa mga Romano, at madalas na tinutulungan ang mga ito sa pamamagitan ng mga tauhan at ng mga kailangang mga bagay-bagay noong panahon ng digmaang Puniko. Nagpanatili siya ng isang makapangyarihang pulutong ng mga hukbong pandagat at mga sasakyang dagat para sa mga layunin ng pagtatanggol, at hinirang na maghanapbuhay para sa kaniya ang bantog na kamag-anak na si Archimedes sa pagbubuo ng mga makina, na sa sumunod na petsa, ay gumanap ng isang mahalagang gampanin noong panahon ng paglusob ng mga Romano sa Siracusa.

Ayon sa isang kuwento na isinalaysay ni Vitruvius, nagduda si Hiero II kung nililinlang siya ng kaniyang platero (panday-ginto) na binigyan niya ng ginto upang magpagawa ng isang korona ng pangako para sa isang templo. Hiniling niya kay Archimedes na alamin kung ang lahat ng mga ginto ay ginamit ng platero, at pumayag naman si Archimedes. Nang matuklasan ni Archimedes ang prinsipyo ng paglinsad (displacement, "pagkawala sa ayos") ay nangailangang sukatin ang densidad (kasiksikan) ng korona, at sinabing napasigaw ng "Eureka, eureka!" habang tumatakbong naka-hubo't hubad sa kahabaan ng Siracusa. Tinapos ni Vitruvius ang kuwentong ito sa pagpapahayag na matagumpay na napuna at nalaman ng pamamaraan ni Archimedes ang panlolokong ginawa ng panday-ginto; kinuha ng platero ang ilan sa ginto at pinalitan ang kinuha niya ng pilak.

Isang paglalarawan ng kasaganaan ng Siracusa habang namumuno si Hiero II ay ibinigay sa isang maiksing tula hinggil sa "maligayang buhay" (idyll) noong ika-16 na daantaon na isinulat ni Theocritus, ang paboritong makata ni Hiero II.Sa Ang Prinsipe (VI), binanggit ni Machiavelli si Hiero II bilang isang katangi-tanging mabuti, mabati at malinis na tao at isang bihirang halimbawa ng isang tao na umangat sa kaprinsipehan (pagkaprinsipe) mula sa katayuang pribado.

Itim na Alamat

Ang Itim na Alamat (Kastila: La Leyenda Negra) ay isang uri ng pagtingin sa kasaysayan na lumitaw sa ika-16 na daantaon at nagpapalaganap ng isang masamang larawan ng Espanya. Nagmula ang pagtingin na ito sa iba’t-ibang mga bansang Europeo na naging kalaban ng Espanya sa panahong yaon. Ayon dito, itinuturing ang mga Kastila bilang malupit, mapanghamak, tamad, at makaluma sa mga paniniwala. Inilikha ni Julián Juderías ang katawagang Itim na Alamat noong 1914.

Jean Bourdichon

Si Jean Bourdichon (1457 o 1459, maaaring sa Tours - 1521, Tours) ay isang tagapagpinta ng mga minyatura at iluminador ng mga manuskrito sa korte ng Pransiya noong pagitan ng katapusan ng ika-15 daantaon at ng simula ng ika-16 na daantaon, noong kapanahunan ng mga pamumuno nina Louis XI ng Pransiya, Charles VIII ng Pransiya, Louis XII ng Pransiya at Francis I ng Pransiya.

Juan Diego

Si Juan Diego Cuauhtlatoatzin o Juan Diego (1474–Mayo 30, 1548) ay, ayon sa tradisyon ng Katolikong Mehikano, isang katutubong Mehikano na nag-ulat ng isang aparisyon ni Santa Mariang Ina ng Guadalupe, noong 1531. Ang pagpapakita o pangitain ay nagkaroon ng mahalagang epekto sa paglaganap ng pananampalatayang Katoliko sa loob ng Mehiko. Ikinanonisa siya ng Simbahang Katoliko Romano noong 2002, bilang unang santong katutubong Amerikano.

Ang katotohanan ng pag-iral ni Juan Diego ay pinag-alinlanganan ng ilang mga dalubhasa sa maagang pampananampalatayang kasaysayan ng Bagong Espanya kabilang na sina Bernardino de Sahagun, Joaquin Garcia Icazbalceta, Stafford Poole, Louise Burkhart at David Brading, na nangatwirang buo ang kawalan ng mga mapagkukunan hinggil sa pag-iral ni Juan Deigo bago ang paglalathala ng Nican Mopohua makaraan ang isang daantaon noong 1649 (hindi nila tinatanggap ang pagkatotoo ng Codex Escalada bilang katibayang pangkasaysayan). Sa kabila ng mga pagdududang ito, ang mga pagkakatuklas ng isang pag-aaral na interdisiplinaryo, ng halos dalawang dosenang mga dalubhasa na kinasasangkutan ng isang bantog na pamantasang Mehikano at ng isang dalubhasa mula sa Estados Unidos na malam sa lingguwistika at antropolohiyang Mesoamerikano bago ang kapanahunan ni Christopher Columbus sa Kaamerikahan, ang nagpapahimatong ng pagiging tunay ng dokumento at pinagmulang petsa na nasa ika-16 na daantaon.

Kristiyanisasyon

Ang pangkasaysayang kababalaghan o penomeno ng Kristiyanisasyon o Pagsasakristiyano ay ang pagbabagong-loob na pampananampalataya (kumbersiyong panrelihiyon) ng mga indibiduwal papuntang Kristiyanismo o ang pagbabagong-relihiyon ng kabuuang dami ng mga tao na nangyayari sa loob ng isang ulit lamang. Kinabibilangan din ito ng pagsasagawa ng pagpapabagong-loob ng mga gawain at kulturang pagano, banghay o larawan na panrelihiyong pagano, mga lugar na pagano at kalendaryong pagano upang magamit na pangkristiyano, dahil sa mga pagsisikap ng mga Kristiyano sa proselitismo (ebanghelismo) batay sa tradisyon ng Dakilang Komisyon. Isang payak na halimbawa nito ang pagbabago ng pananampalataya ng isang bansa o rehiyon upang maging kabahagi ng Kristiyanismo, na kadalasang nagsisimula sa pagbibinyag ng isang katutubo o lokal na pinuno.

Sari-saring mga pamamaraan ang ginamit sa mga pangangampanya ng Kristiyanisasyon magmula sa Huling Kasinaunahan hanggang sa mga Panahong Panggitna: ang sinaunang mga banal na pook ay winasak o binago upang maging mga simbahang Kristiyano, ang indihena o katutubong mga diyos na pagano ay sumailalim sa demonisasyon, at ang nakaugaliang mga gawaing panrelihiyon ay hinatulan bilang mga gawain ng pangkukulam at naging krimen din, na kung minsan ay napaparusahan ng parusang kamatayan.Ang pagbabagong anyo ng katutubong mga gawain at mga paniniwala panrelihiyon at pangkalinangan upang maging isang anyo Kristiyanisado o Naisakristiyano ay opisyal na pinahihintulutan; napanatili ito sa Historia ecclesiastica gentis Anglorum ng Kagalang-galang na Bede, na isang liham mula kay Papa Gregorio II kay Mellitus na ipinagmamatuwid na ang pagpapabagong-loob ay mas madali kung ang mga tao ay pinayagang panatilihin ang panlabas na mga anyo ng kanilang mga tradisyon, habang inaangkin na ang mga kaugalian ay para sa pagpaparangal ng Kristiyanong Diyos, na sa panghuli ay kung panlabas na papahintulutan ang ilang pagpapabuya o gratipikasyon (ng kaugalian), ang mga taong pinagbabagong-pananampalataya ay mas madaling papayag sa panloob na mga konsolasyon o pakunsuwelo ng grasya ng Diyos. Sa kaibuturan, nilayon na umiiral pa rin ang mga tradisyon at mga gawain, ngunit ang katwiran sa likuran ng mga ito ay binago. Ang pag-iral ng sinkretismo sa kaugaliang Kristiyano ay matagal nang kinikilala ng mga dalubhasa, at sa kamakailang mga panahon maraming mga pagkakataon ng sinkretismo ay kinilala na rin ng simbahang Katoliko Romano.

Ang mga pag-aaral na pantao ng Kasinaunahan at ng Repormasyon na pinagsama noong ika-16 na daantaon upang makalikha ng mga akda ng pagkadalubhasa na may marka ng isang adyenda na abala sa pagkilala ng mga gawaing Katoliko Romano bilang may kaugnayan sa paganismo, at ang pagkilala sa bumabangong mga simbahang Protestante na may mapagpurgang "muling pagsasakristiyano" ng lipunan. Ang dalubhasang Lutherano na si Philip Melanchthon ay nilikha ang kanyang Apologia Confessionis Augustanae (1530) na nagdedetalye ng mga ritong hinango mula sa mga gawaing pagano. Ang De origine erroris libris duo (1539) ni Heinrich Bullinger ay nagdetalye ng mga paganong mga "pinagmulan ng mga kamaliang (Katoliko)".

Si Isaac Casaubon, sa kanyang De rebus sacris et ecclesiasticus exercitationes (1614), ay gumawa ng isang pamilya na halimbawa, kung saan ang magaling na kadalubhasaan ay tila nakumpromiso o naalintana ng panghihimok o pangangatwirang sektaryano. Kung kaya, ang mga sinunang paganong mga gawain para sa mga gawaing Kristiyano ay may taglay na pinahihina o pinagwawalangbahala (binabalewala) ng mga apolohistang Kristiyano bilang isang anyo ng Apolohetiks na Protestante.

Ang ika-20 daantaon ay nakakita ng mas dalisay na mga pag-uusisa, na malaya mula sa mga pagkiling na sektaryano; isang maagang klasikong historisista sa larangang ito ng pag-aaral ay ang The Survival of the Pagan Gods: the mythological tradition and its place in Renaissance humanism and the arts (1972) ni Jean Seznec.

Masalimuot na bilang

Ang masalimuot na bilang o numerong kompleks (Italyano: numero complesso, Aleman: komplexe Zahl, Ingles:complex number, Kastila: número complejo) ay isang bilang, ngunit kaiba sa mga karaniwang bilang sa maraming paraan. Nabubuo ang bilang na masalimuot sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang mga bilang na pinagsama, isang imahinaryong bilang na i, binibigyang kahulugan bilang , at ng isang totoong bilang, na isang pangkaraniwang bilang. Sa paggamit ng aritmetiko, magagamit ang adisyon, subtraksiyon, multiplikasyon, at dibisyon. Sinusunod din nila ang mga pag-aaring komutatibo at mga pag-aaring asosyatibo, katulad ng mga ordinaryong bilang. Subalit ang mga sagot sa mga ekuwasyong may eksponente sa loob nila ay nagsimulang magbigay ng tunay na mga suliranin para sa mga matematiko. Bilang paghahambing, kapag ginamit ang mga negatibong bilang, maaaring mahanap ang x sa ekuwasyong para sa lahat ng totoong mga halaga ng a at b.

Sa eksponensyasyon, may isang problema. Walang tunay na bilang na nagbibigay ng -1 kapag kinukuwadrado ito, na dumaraan sa multiplikasyon sa sarili niya. Sa ibang mga pananalita, ang -1 (o ibang negatibong mga bilang) ay walang totoong ugat na kuwadrado. Upang matugunan ang suliraning ito, ipinakilala ng mga matematiko ang numerong imahinaryong tinawag na i. Ang imahinaryong bilang na iyan ang magbibigay ng -1 kapag kinuwadrado (nangangahulugan ang "kinuwadrado" na "pinadami sa pamamagitan ng sarili" o dumaan sa multiplikasyon sa pamamagitan ng sarili).

Ang unang mga matematiko nakaisip nito ay maaaring sina The first Gerolamo Cardano at Raffaele Bombelli. Namuhay sila noong ika-16 na daantaon. Maaaring si Leonhard Euler ang nagpakilala ng pagsulat ng para sa ganyang bilang.

Maaari nang maisulat ang bilang na masalimuot na (o ), kung saan ang a ay tinatawag na tunay na bahagi ng bilang, at ang b ay tinatawag na bahaging kathang-isip o imahinaryo. Sa pangkaraniwan, isinusulat ang masalimuot na numero bilang teoriyang pampangkat na (a, b). Kapwa tunay na mga bilang ang a at ang b.

Ang alin mang tunay na bilang ay maaaring payak na isulat bilang o bilang isang pangkat na (a, 0).

Maaari sa mga bilang na masasalimuot ang adisyon, subtraksiyon, multiplikasyon, dibisyon (basta't hindi sero ang dibisor o panghati), at eksponensiyasyon (pagtataas ng mga bilang sa eksponente). May ilang mga kalkulasyon na maaari ring magawa para sa mga bilang na masasalimuot.

Ang pangkat ng lahat ng mga bilang na masasalimuot ay karaniwang isinusulat na C.

Mga Halamanan ng Lungsod ng Batikano

Ang Mga Halamanan ng Lungsod ng Batikano o Mga Hardin ng Batikano (Italyano: Giardini Vaticani, Ingles: Vatican Gardens o Gardens of Vatican City) ay ang mga halamanang urbano at mga liwasan (parke) na bumabalot sa mahigit kaysa sa kalahati ng teritoryo ng Batikano na nasa Timog at Hilagang-silangan. Mayroon ditong mga gusaling katulad ng Radyong Batikano na nasa loob ng mga hardin. Ang mga halaman ay tinatayang sumasakop sa 23 hectare (57 acre), na ang karamihan ay para sa Burol ng Batikano. Ang pinakamataas na tuldok ay 60 metre (200 ft) na nakaangat sa karaniwang antas ng dagat. Nahahangganan ang pook ng mga pader na bato sa Hilaga, Timog at Kanluran. Ang mga hardin at mga liwasan ay itinatag noong panahon ng Renasimyento at panahon ng Baroque, at napapalamutian ng mga balong (mga fountain) at mga lilok (eskultura). Mayroong ilang mga bukal na nasa ilalim ng lupa na mula noong 2009 ay hindi na ginagamit. Mayroong isang malawak na kasamu't sarian ng mga flora (sanghalamanan), at ang pook ay itinuturing bilang isang biyotopo.

Palamuting pamasko

Ang palamuting pamasko ay anumang ilang mga uri ng palamuti na ginagamit tuwing kapanahunan ng Pasko. Ang nakaugaliang mga kulay ng Pasko ay ang lunti ng punong pino (palagiang lunti), puti ng niyebe, at pula ng puso. Ang bughaw at puti ay kadalasang ginagamit upang kumatawan sa taglamig, o sa paminsan-minsan ng Hanukkah, na nagaganap sa halos kaparehong panahon. Ang ginto at pilak ay napakakaraniwan din, katulad ng anumang iba pang mga kulay na metaliko. Ang karaniwang mga ikono o kinatawang larawan ng pagdiriwang ay ang mga wangis ng Sanggol na Hesus, Santa Claus, at ang bituin ng Betlehem. Ang karaniwang ikono ng taglamig ay kinabibilangan ng tiklap ng niyebe, taong niyebe, at mga yelong nakabitin, at pati na ang mga penguino at mga oso ng polo.

Sa maraming mga bansa, maraming iba't ibang mga uri ng mga palamuting ginagamit ayon sa mga kaugalian at nakukuhang mga bagay.

Ang punong pamasko ay kadalasang ipinaliliwanag bilang isang Kristiyanisasyon ng tradisyon at ritwal na pagano na nakapaligid sa solstisyo ng taglamig, na kinabibilangan ng paggamit ng mga sangang palaging lunti ang kulay, at isang pag-aangkop ng pagsamba sa puno. Ang pariralang Ingles na "Christmas tree" ay unang naitala noong 1835 at kumakatawan sa pag-aangkat mula sa wikang Aleman. Ang makabagong tradisyon ng punong pamasko ay pinaniniwalaang nagsimula sa Alemanya noong ika-18 daantaon bagaman maraming mangangatwiran na si Martin Luther ang nagpasimula ng tradisyon noong ika-16 na daantaon. Magmula sa Alemanya, ang kostumbre ay ipinakilala sa Inglatera, una sa pamamagitan ni Reyna Charlotte, asawa ni George III, at pagkaraan ay mas matagumpay na nailunsad ni Prinsipe Albert noong panahon ni Reyna Victoria. Ang maimpluwensiyang imahe ng pinalamutiang punong pamasko ng Reyna na may kulay na nananatiling lunti ay muling inilathala sa Estados Unidos, at bilang unang malawakang ipinamudmod na larawan ng isang pinalamutiang punong pamasko sa Amerika, ang kostumbre ay lumaganap doon. Ang mga punong pamasko ay maaaring palamutian pa ng mga ilaw at mga ornamentong pamasko.

Pietro Andrea Mattioli

Si Pietro Andrea Gregorio Mattioli (Italyano: [ˈpjɛːtro anˈdrɛːa ɡreˈɡɔːrjo matˈtjɔːli]; 23 Marso 1501 – 1577), na nakikilala rin bilang Matthiolus, ay isang manggagamot at naturalista na ipinanganak sa Siena, Italya.

Puno ng Pasko

Ang punong pamasko o punong pampasko (Ingles: Christmas tree o Tannenbaum) ay isa sa pinakatanyag na mga kaugalian na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Pasko. Karaniwan itong isang puno na palaging lunti at koniperoso (may bungang kono), na dinadala sa isang tahanan o ginagamit sa labas ng bahay, at pinapalamutian ng mga ilaw na pamasko at makukulay na mga ornamento tuwing mga araw na nakapaligid sa panahon ng kapaskuhan. Isang anghel o isang bituin ang madalas na inilalagay sa tuktok ng punong ito, upang maging representasyon ng Bituin ng Betlehem magmula sa Kapanganakan ni Hesus.

Bilang isang punong dinekurasyunan, ang karaniwang ginagamit na palaging lunting koniperong puno ay ang katulad ng punong pino o fir. Ang isang artipisyal na punong pampasko ay isang bagay na nilikha upang maging kahawig ng tunay na punong pamasko, na karaniwang yari mula sa polyvinyl chloride (PVC).

Ang puno ay makatradisyon at dating nadedekurasyunan ng mga pagkaing nakakain, katulad ng mansanas, mga mani, at mga datiles. Noong ika-18 daantaon, nagsimula itong pagliwanagin sa pamamagitan ng mga kandila, kung saan ang elektripikasyon ay maaari ring gamitin sa pamamagitan ng paghalili ng mga pamaskong ilaw. Sa ngayon, mayroong malawak na kasamu't sarian ng pangtradisyong mga ornamentong pamasko, katulad ng mga garland, mga tinsel, at mga kending baston.

Ang kostumbre ng punong pamasko ay umunlad sa loob ng kaagahan ng modernong Alemanya na may mga ninuno na maaaring bakasin mula sa ika-16 na daantaon at maaaring sa ika-15 daantaon, kung kailan ang mga Kristiyanong deboto ay nagdala ng mga punong pinalamutian sa lob ng kanilang mga tahanan. Nagkamit ito ng katanyagan na lampas sa hangganan ng Alemanya noong pangalawang hati ng ika-19 daantaon. Ang punong pamasko ay naging nakikilala rin bilang "puno ng Yule", natatangi na sa mga pagtalakay ng mga simulain nitong pokloristiko.

Sukubo

Sa kuwentong-bayan ng alamat na midyibal, ang isang sukubo ay isang babaeng demonyo o entidad na sobrenatural na lumilitaw sa loob ng mga panaginip, na nagiging isang babaeng tao upang makapang-akit ng mga lalaki, na karaniwang sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang katumbas nitong lalaki ay tinatawag na ingkubo. Pinanghahawakan ng mga tradisyong panrelihiyon na ang paulit-ulit na pakikipagtalik sa isang succubus ay maaaring magresulta sa panghihina ng kalusugan o kaya sa kamatayan.

Sa makabagong kathang-isip na mga representasyon, ang isang sukubo ay maaari o maaaring hindi lumitaw sa mga panaginip at kadalasang inilalarawan bilang isang napakakaakit-akit na babaeng mang-aakit o salamangkera; habang, sa nakaraang mga kapanahunan, pangkalahatang inilalarawan ang mga succubus bilang nakakatakot at parang demonyo.

[[::Decade|Mga dekada]] at [[::Year|mga taon]]
[[::Centuries|Mga daang taon]] at [[::Millennia|mga milenyo]]

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.