Ideolohiya

Ang ideolohiya ay mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos. Binubuo ito ng mga paniniwala ukol sa pananaw sa sandaigdigan, ng programa para sa pampulitika at panlipunang pagbabago, ng pagkaunawang kailangang ipaglaban ang programang ito, at ng pag-akit sa mga tao na isagawa ang programang ito. Ang kapitalismo,sosyalismo, at komunismo ay ilan lamang sa mga halimbawa nito.

Liberalismo isang ideolohiya o pananaw na naniniwala sa pagtatanggol ng kalayaan ng isang indibidwal.

Empresa isang negosyang pang ekonomiya

Marxismo isang pampulitika at pang-ekonomiyang pilosopiya na naniniwala sa konsepto ng tunggalian ng uri sa lipunan (class struggle). Itinaguyod nito ang pakikipaglaban sa kapitalismo upang mawala ang diskriminasyon sa pagitan na mayaman at mahirap at magkaroon ng tinaguriang "lipunag walang uri"o"classless society"

Kagalingang Panlipunan (social welfare) pag aasikaso sa kapakanan ng mga tao sa lipunan

Asasinasyon

Ang pagsasagawa ng isang asasinasyon, ayon sa The American Heritage Dictionary ay ang "pagpaslang o sinadyang pagpatay (karaniwan na ng isang mahalagang tao) sa pamamagitan ng isang biglaan at/o palihim na pag-atake, karaniwang para sa mga dahilan pampolitika. Kabilang sa mga kahulugan ng asasinasyon ang mga sumusunod (ang karamihan sa mga kahulugan ay isinalin mula sa Ingles na mga pananalita):

Ayon sa Gabby's Dictionary, isa itong "pataksil na pagpatay sa importanteng tao".

Collins English Dictionary: "pagpaslang sa (isang tao, partikular na ang isang pigurang publiko o pampolitika), karaniwang sa pamamagitan ng biglaang paglusob."

Webster's New World College Dictionary: "pagpaslang (lalo na isa taong mahalaga sa politika o tanyag) sa pamamagitan ng nakagugulat na pag-atake, karaniwang para sa salapi o mula sa masugid na paniniwala".

Concise Oxford English Dictionary 2008: assassinate-"pagpatay sa (isang pinuno sa politika at relihiyon)."

Oxford English Dictionary: "Ang aksiyon ng pagpaslang; ang pagbawi ng buhay ng sinuman sa pamamagitan ng mapagkanulong karahasan, partikular na sa pamamagitan ng isang binayarang emisaryo o sugo, o isang tao na umako ng gawaing ito upang maisagawa ang pagpaslang."

Merriam-Webster Dictionary:

"ang pagsalanta o pagwasak na hindi inaasahan o mapagkanulo";

ang sadyang pagpatay (ng isang taong prominente) sa pamamagitan ng biglaan o palihim na paglusob na kadalasang para sa mga dahilang pampolitika

Black's Law Dictionary: "ang gawain ng sinasadyang pagpatay sa isang tao partikular na ng isang pigurang pampubliko, na karaniwang binayaran o para sa mga kadahilanang pampolitika". Bilang pamalit, ang asasinasyon ay maaaring bigyang kahulugan bilang "ang gawain ng sadyang pagpatay sa isang tao, natatangi na ang isang taong pampubliko, na karaniwang binayaran o para sa mga kadahilanang pampolitika."Ang asasinasyon ay maaaring inuudyok ng mga motibong panrelihiyon, pang-ideolohiya, pampolitika, o pangmilitar; maaari itong isagawa para sa pananaw na may pagkamal ng salapi o pagpatay na may kontrata, upang maipaghiganti ang isang hinaing, mula sa isang pagnanais upang makakuha ng katanyagan o kabantugan iyung isang pangangailangang sikolohikal upang magkamit ng pagkilalang pansarili at pampubliko, mula sa isang kahilingan makabuo ng isang uri ng "ugnayan" sa isang pigurang pampubliko, o mula sa kagustuhang mapatay o magsagawa ng pagpapatiwakal o pagpapakamatay dahil sa ginawang asasinasyon.

Bansang komunista

Ang isang komunistang bansa ay isang bansang malaya na may pamahalaan na kinakikitaan ng nag-iisang partido o may nangingibabaw na partido ng isang partidong komunista at kakikitaan din ng pagsunod sa mga ideolohiya at alituntunin ng mga kaisipang pang-komunista bilang isang kaisipang gumagabay sa bansa.

Cold War

Ang Cold War (literal na salin: Malamig na Digmaan) ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991, nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa Ekonomiya, ang hindi pagkakasundo ng mga politiko, at tensiyong militar, ang "digmaan" ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa kasáma ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet kasáma ang mga kaalyado nito. Pinatanyag ang katawagang Cold War ng tagapayong pampolitika at tagapondo na Amerikanong si Bernard Baruch sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang Truman.

Ang paghihirap ng Cold War ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito ang labanáng pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ng Silangang Europa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong Sobyet). Naging labanán ito ng ideolohiya at tinawag na Cold War dahil walang naganap na putúkan o tuwirang komprontasyon (ang mga proxy war ay hindi tuwiran) sa pagitan ng dalawang bansa.

Demokrasya

Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang pampolitika na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.

Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapag ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila. Ang Switzerland ay may tuwirang demokrasya samantalang ang Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan. Ang demokrasya ay nangangahulugan rin na nasa taong bayan ang kapangyarihan na ang pinahihiwatig ay nasa taong bayan ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang lugar o sa bansa man . Ito ay isa rin sa mga uri ng ideolohiya kung saan nangangahulugang agham ng kaalaman o ideya.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Estilistika (panitikan)

Ang estilistika o estaylistika (Ingles: stylistics, literal na "mga kaestiluhan" o "mga pang-estilo") ay isang sangay ng linggwistika na may kinalaman sa agham o pag-aaral ng literatura sa pamamagitan ng pagsusuri sa mismong teksto ng isang nasulat na akda. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa teksto gamit ang mga sangay na linggwistika tulad ng ponolohiya, morpolohiya atbp., maaring ipakita kung anong tipong istilo ang naipapaloob sa pagsulat ng isang manunulat at kung anong ideolohiya ang ipinapalabas sa teksto. Madalas na ginagamit ang estaylistika sa pagsusuri ng mga pampanitikang akda, bagaman ginagamit din ito sa mga realista o mga hindi kathang-isip na akda.

Ang Ruso na si Roman Jakobson ang pormal na nagpasimula ng pormalista o makatekstong estaylistika. Ang sangay na ito ng estaylistika ay nagpapalagay na ang pakahulugan o ibig ipahiwatig ng isang teksto ay ganap na maipapahiwatig ng teksto lamang. Sa medaling sabi, hindi nito binibigyang halaga ang personal na pagkaintindi ng mambabasa sa teksto. Sa kabila nito at sa iba pang kritisismo sa ganitong istilo ng estaylistika, ipinasimula ni Jakobson ang pormal na pag-aaral ng literatura sa paggamit ng mga opisyal na sangay ng linggwistika.

Ang mga sumunod na uri ng estaylistika ay nagsilbing hamon sa naunang ideya ni Jakobson na ang teknikal na aspeto ng teksto lamang ang nararapat na bigyang-suri sa pag-aaral ng estaylistika. Kabilang dito ang functionalist na paggamit sa estaylistika ni Michael Halliday na ipinapahiyag na ang statistikal na pagsusuri sa teksto, tulad ng pagbibilang ng bilang ng pang-uri o pang-abay, ay nagpapahiwatig ng mainam na pagpapahalaga sa teksto. Ang apektibong estaylistika naman ay nagbibigay-halaga sa katayuan ng mambabasa sa isang teksto. Pinaninindigan nito na ang kahulugan ng isang teksto ay nakasalalay sa pagpapakahulugan dito na isang mambabasa. Isang kahinaan ng ganitong estaylistika ay ang pagkakaibaiba ng interpretasyon ng mga mambabasa sa isang teksto na nagbubunga ng kahirapan sa pag-iisa ng pakaulugan ng isang teksto.

Sa kalaunan ay nagkaroon na rin ng gamit ang estaylistika sa pagtuturo, sa larangan ng pragmatika at pati na rin sa gamit ng feminismo. Napapaloob sa mga nasabing turo sa estaylistika na ang bawat teksto, lalo na ang mga literaryong uri, ay napapalooban ng ideolohiya, mga representasyon ng lipunan, pagkatao at mga nosyon ng subersibong pag-iisip. Sa pamamagitan ng pagsusuri at paggamit ng mga halimbawa mula sa teksto, maipapakita kung anong klase ng ideolohiya o pagpapahalaga ang ipanapahiwatig ng isang teksto.

Isang epektibong panuri ng teksto ang estaylistika. Nagbibigay ito ng iba’t ibang perspektibo kung paano maipapakita o mahihinuha ang kahulugan ng isang pampanitikang akda.

Ideolohiyang pampolitika

Sa araling panlipunan, ang isang adhikaing pampolitika, mithiing pampolitika, ideolohiyang pampolitika, o paniniwalang pampolitika ay ang isang partikular o tiyak na pang-etikang pangkat ng mga ideolohiya, mga adhikain, mga mithiin, mga paniniwala, mga doktrina, mga mito, o mga simbolo ng isang kilusang panlipunan, institusyon, klase, at/o malaking pangkat na nagpapaliwanag ng kung paanong gagalaw o kikilos ang lipunan, at nag-aalok ng ilang mga balangkas na pampolitika at pangkalinangan para sa isang partikular na kaayusang panlipunan. Ang isang ideolohiyang pampolitika ay malawakang nakatuon sa kung paano ilalaan o ipapamahagi ang kapangyarihan at sa kung anong mga hangarin ito dapat gamitin. May ilang mga partido na napakahigpit na sumusunod sa isang tiyak na ideolohiya, habang ang iba ay kumukuha ng malawak na inspirasyon magmula sa isang pangkat ng kaugnay na mga ideolohiya na hindi tiyak na yumayakap sa anuman sa mga ito. Ang katanyagan ng isang ideolohiya, sa isang bahagi, ay dahil sa impluwensiya ng mga mangangalakal ng moralidad, na paminsan-minsang gumaganap o kumikilos para sa kanilang pansariling mga layunin o mga hangarin.

Ang mga ideolohiyang pampolitika ay mayroong dalawang mga dimensiyon:

Mga layunin: kung paano iaayos ang lipunan.

Mga pamamaraan o metodo: ang pinaka naaangkop na paraan upang makamit ang mga layunin. Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Indibidwalismo

Ang Indibidwalismo ay ang paninindigang moral, pilosopiyang pampolitika, ideyolohiya, o pananaw na panlipunan na nagbibigay-diin sa "ang kahalagahang moral ng indibidwal". Isinusulong ng mga indibidwalista ang pagsasakatuparan ng mga layunin o mga nais ng isang tao, kaya't ang pinahahalagahan ay ang kalayaan at pansariling kapakanan habang tinututulan ang karamihan sa panlabas na mga panghihimasok sa pansariling mga kainaman, maging ng lipunan, mag-anak o anumang iba pang pangkat o institusyon.Ginagawa ng indibidwalismo na maging tuon ng pansin nito ang indibidwal kung kaya't nagsisimula "na may pundamental na premisa o pahayag na ang indibidwal na tao ay may pangunahing kahalagahan sa pagpupunyagi para sa kalayaan." Ang Liberalismong klasikal (kasama ang libertaryanismo), eksistensiyalismo at anarkismo (natatangi na ang anarkismong indibidwalismo) at obhetismo ay mga halimbawa ng mga kilusang ginagamit ang indibidwal na tao bilang isang panggitnang yunit ng pagsusuri.Ginamit din ito bilang isang termino o katagang nagpapahiwatig ng "kalidad ng pagiging isang indibidwal; indibidwalidad" kaugnay na pag-ari ng "Isang katangiang pang-indibidwal; isang sumpong o idiosinkrasya." Kaya't ang indibidwalismo ay may kaugnayan din sa mga kagustuhan at estilo ng pamumuhay na artistiko at Bohemiano kung saan mayroong tendensiya o pagpaling papunta sa paglikha ng sarili at eksperimentasyon na kabaligtaran ng tradisyon o mga opinyon at ugaling popular ng masa o nakararami, at gayundin ng mga posisyon at etikang humanista.

Jose Maria Sison

Si Jose Maria Sison o mas kilala bilang Joma Sison (ipinanganak 8 Pebrero 1939, sa Cabugao, Pilipinas) ay isang manunulat, propesor, aktibista, terorista at traydor na nag-organisang muli ng Partido Komunista ng Pilipinas at nagdagdag ng pilosopiyang Maoismo sa mga ideolohiya nito.

Simula Agosto 2002, binansagan ng Estados Unidos si Sison bilang na "taong sumusuporta sa terorismo". Nagbaba ng kapasiyahan ang ikalawang pinakamataas na hukuman ng European Union na tanggalin siya sa talaan ng "taong sumusuporta sa terorismo" at sinaliwa ang mga kapasiyahan ng mga kasaping pamahalaan na i-freeze ang mga asset ni Sison.Kasalukuyan siyang pinaghahanap ng awtoridad dahil sa patong-patong na kasong isinampa laban sa kanya. Naglalayong papanagutin siya sa terorismong kanyang inihasik na mula noo’t hanggang ngayon ay kinauugatan ng pag-aalay ng buhay. Ang hatol sa kanya ay mahuling buhay o patay (dead or alive).

Komunismo

Ang Komunismo (mula sa Latin na communis, para sa lahat o pankalahatan) ay isang ideolohiya na ekonomiko, pilosopikal, politikal at sosyal na umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas batay sa pantay na laki o height sa gamit ng produksiyon na tinatawag na lipunang komunista, na nakabalangkas sa pagmamay-ari ng buong lipunan ng means of production at pagkawala ng salapi at ng klaseng sosyal. Maaring isa itong sanga ng kilos sosyalista. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nangaling sa iba't ibang tao at kultura. Mga example ay ang Maoismo, Trotskismo, Luxemburgismo, anarkismo-komunismo.

Si Karl Marx ang nagbuo ng isip ng komunismo sa libro niyang Manipestong Komunista na tinapos ng taong 1848.

Sa isang komunistang bansa, hindi pinapayagan ang mga mamamayan na makilahok sa pamamahala. Hindi sila nagtataglay ng mga karapatan at itinuturing silang walang kalayaan. Higit na tinatangkilik ng mga bansang hindi umuunlad ang komunismo. Marahil, naiimpluwensyahan sila ng paniniwalang sa lipunang komunismo, pantay-pantay ang mga tao.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon na ng ilang pagbabago sa kaisipang komunismo, lalo na sa larangang pangkabuhayan at paggawa. Ilan sa mga pagbabagong ito ang pagbibigay ng iba't-ibang pasahod batay sa matratrabaho ng bawat manggagawa at pinapayagan din ang mga tao na magkaroon ng sariling negosyo. Halimbawa, sa Yugoslabya at Unggarya, pinapayagan na ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga propesyonal at ang may-angking kakayahan na magtayo ng mga industriya at negosyo upang magkaroon ng kompetisyon.

Marxismo

Ang Marxismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan. Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na pag-uusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya.

Pinukaw ng dalawang Alemang pilosopo—sina Karl Marx at Friedrich Engels—ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo. Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideolohiyang pulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan.Walang isang tiyak na teoryang Marxista. Ang Marxistang analisis ay ginagamit sa iba't-ibang paksa, nalilihis ang pag-unawa at nagbabago sa pagdaan ng panahon, na nagdudulot ng iba't-iba at minsa'y magkakasalungat na mga teoryang bumubungad na Marxismo.Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan ay nagiging kabilagtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad. Lumalabas ang kawalang-husayang ito sa mga kontradiksiyon sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.Ayon sa Marxistang analisis, nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksiyon sa pagitan ng produktibo, mekanisado at maayos na paggawa ng proletariat, at ng pribadong pagmamay-ari at pribadong paglalaan ng labis na produkto sa anyo ng labis na halaga (o kita) ng iilang pribadong nagmamay-ari na tinatawag na burges. Habang nagiging kapansin-pansin ang kontradiksiyon sa proletariat, sumisidhi ang pagkabalisa sa pagitan ng dalawang antagonistang uri ng lipunan na humahantong sa isang rebolusyong panlipunan. Ang matagalang kahahantungan ng rebolusyong ito ay ang pagtatatag ng sosyalismo – isang sistemang sosyo-ekonomiko batay sa kooperatibang pag-aari ng paraan ng produksiyon, pamamahagi batay sa naging kontribusyon ng bawat isa, at produksiyong tuwirang isinaayos upang gamitin. Sa paniniwala ni Karl Marx, habang patuloy na sumusulong ang puwersang produktibo at teknolohiya, magbibigay-daan ang sosyalismo sa isang yugto ng komunismong pagbabago ng lipunan. Ang komunismo ay magiging isang makataong lipunan na walang kaurian o estado at naninindigan sa panlahatang pagmamay-ari at sa prinsipyong "Mula sa bawat isa ayon sa kaniyang kakayahan, para sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan".

Nagsanga ng samu't-saring kaisipan ang Marxismo. Binibigyang halaga ng ibang kaisipan ang ilang aspekto ng klasikong Marxismo, habang pinagwawalang-halaga o iwinawaksi ang ilang aspekto nito; kung minsa'y pinagsasanib ang Marxistang analisis at di-Marxistang konsepto. Ang ilang anyo ng Marxismo naman ay nakatuon lamang sa isang aspekto ng Marxismo bilang puwersang magpapasiya sa pag-unlad ng lipunan — gaya ng paraan ng produksiyon, klase, ugnayang pangkapangyarihan, o pag-aari-arian — habang ikinakatuwiran na hindi ganoong kahalaga ang ibang aspekto o ang mga kasalukuyang pananaliksik ang nagpapawalang-halaga nito. Halimbawa, ang mga Marxianong ekonomista ay may magkakasalungat na paliwanag sa krisis pang-ekonomiya at magkakaibang prediksiyon sa kalalabasan ng mga naturang krisis. Higit pa rito, ginagamit ng ibang anyo ng Marxismo ang Marxistang analisis sa pag-aaral ng iba't-ibang aspekto ng lipunan (hal. kulturang pangmadla, krisis pang-ekonomiya, o peminismo).Ang mga pagkakaibang teoretikal na ito ay nagbunsod sa mga partidong sosyalista at komunista at kilusang pulitikal na magkaroon ng magkakaibang estratehiyang pulitikal upang matamo ang sosyalismo, at magsulong ng magkakaibang programa at polisiya. Isang halimbawa nito ay ang pagkahati ng mga sosyalistang rebolusyonaryo at repormista na lumitaw sa German Social Democratic Party (SPD) noong unang bahagi ng ika-20 siglo.

Ang Marxistang pag-unawa sa kasaysayan at ng lipunan ay ginagamit ng mga akademiko sa mga disiplina ng arkeolohiya at antropolohiya, araling pangmidya, agham pampulitika, teatro, kasaysayan, sosyolohiya, kasaysayan at teoryang pansining, araling pangkultura, edukasyon, ekonomiks, heograpiya, kritisismong pampanitikan, estetika, sikolohiyang kritikal, at pilosopiya.

National Unity Party (Pilipinas)

Ang National Unity Party ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas.

Partido Komunista ng Pilipinas

Ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP, Ingles: Communist Party of the Philippines) ay ang pangunahing partido Komunista sa Pilipinas. Binuo ang partido sa isang malayong barangay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison, alinsunod sa pagbiyak nito mula sa nakatatandang Partido Komunista ng Pilipinas. Itinyak ni Sison ang pagsilang nito sa Barangay Dulacac sa tatluhang hangganan ng Alaminos, Bani at Mabini sa Pangasinan, kung saan itinanghal ang "kongreso ng muling pagtatag" ng PKP sa isang barung-barong malapit sa bahay ng mga Navarette, ang mga magulang sa kasal ni Arthur Garcia, isa sa mga tagapagtaguyod ng PKP. Inihayag ni Sison na ang mga gerilyang Komunista at nagtanghal ng mga "gawaing kultural" at nagdiriwangng ika-39 anibersaryo ng kilusan. Noong 26 Disyembre 2007, idiniriwang naman ng Partido Komunista ng Pilipinas ang ika-39 anibersaryo nito.

Maoista ang ideolohiya ng PKP at lumalaban ito ng "digmaang bayan" sa pamamagitan ng armadong sangay nito, ang Bagong Hukbong Bayan, simula ng 1969. Nakikilahok ito sa Maoistang Pandaigdigang Kumperensiya ng mga Partido at Organisasyong Marxista-Leninista. Namumuno rin ang PKP sa Pambansang Prenteng Demokratiko.

Partido Liberal (Pilipinas)

Ang Partido Liberal ng Pilipinas (Ingles: Liberal Party of the Philippines) ay isang partido liberal sa Pilipinas, itinatag noong Nobyembre 24, 1945 sa pamamagitan ng isang paghiwalay mula sa Nacionalista Party. Bilang tulad ng ito ay ang pangalawang-pinakalumang partidong pampolitika sa Pilipinas sa mga tuntunin ng pagtatayo, at ang pinakalumang aktibong partidong pampolitika sa Pilipinas. Ang partido ay pinangungunahan ng mga tao na gusto Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Diosdado Macapagal at Benigno Aquino, Jr. Ito ay kasalukuyang occupies limang puwesto sa Senado ng Pilipinas kasama ang Benigno Aquino III (panalo sa halalan 2007), karamihan Floor Leader Francis Pangilinan ng Metro Manila (napanalunan noong 2001; muling nahalal sa 2007) at dating Hukbong Sandatahan Chief General at dalawang -time na senador Rodolfo Biazon ng Metro Manila at dating Trade Secretary Manuel Roxas II ng Capiz, Negros, at Quezon City, (nanalo sa 2004 halalan). Walang magagamit na mga resulta ng huling halalan para sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ngunit ayon sa website ng House, ang partidong humahawak 34 out of 235 upuan (estado ng mga partido, Hunyo 2005). Ang partido ay, sa panahon ng 2,004 na mga halalan, isang miyembro ng Koalisyon ng Katapatan at Karanasan sa Kinabukasan (K-4, koalisyon ng Katotohanan at Karanasan para sa Bukas), ang koalisyon na suportado presidente Gloria Macapagal-Arroyo, na nanalo ng 2,004 pangulo halalan. Ang partido ay isang miyembro ng Liberal International at sa Konseho ng Asian Liberals at Democrats. Ang Liberal Party ang ideolohiya ay halos katulad na ng US Democratic Party at ng Partido Liberal ng Canada.

Partido Nacionalista

Ang Partido Nacionalista ang pinakamatandang partidong pampolitika ng Pilipinas sa kasalukuyan. Ito ang partidong namuno sa Pilipinas mula 1935–1944 (sa ilalim ni Manuel L. Quezon), 1944–1946 (sa ilalim ni Sergio Osmeña), 1953–1957 (sa ilalim ni Ramon Magsaysay), 1957–1961 (Sa ilalim ni Carlos P. Garcia), at 1965–1978 (sa ilalim ni Ferdinand Marcos).

Pasismo

Ang Pasismo o Fasismo (mula sa Italyanong fascismo na binibigkas na [fa·shíz·mo]), Kapag malaking titik, ay ang dating awtoritaryang kilusang politikal na namayani sa Italya mula 1922 hanggang 1943 sa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini. Kumalat sa buong Europa ang mga katulad na kilusang pampotang ng Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kinuha ang mga ilang anyo ng Nazismo at pasismong klerikal. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginagamit sa pangkalahatan ang neopasismo upang isalarawan ang mga kilusan na may nakitang katangian ng pagiging pasista.

Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi ng, o kasama sa koalisyon, sukdulang makakanan na politika. Ngunit di matapos ang debate at argumento ng mga nasa akademya sa kahulugan ng pasismo. Malinaw na may elemento ng parehong kaliwa at kanang ideolohiya ang pagsulong na Pasismo.

Pinahaba ang kahulugan ng makabagong kolokyal na gamit ng salita sa mga katagang pasismo at neopasismo na tumutukoy sa kahit anong totalitaryong pananaw sa kahit na anong uri ng ideolohiyang pampolitika, bagaman nalulungkot ang mga iskolar dito. Ginagamit minsan ang salitang "pasista" sa isang hiperbolikong dagnay na pampolitika.

Bilang sistemang pampolitika, tumuturing ito sa isang sistemang nagtatampok, pumupuri, dumarakila, nag-aangat ng antas o uri, o nagpapatingkad ng nasyon at lahi o lipi, na hindi nagpapahintulot ng pagkalaban o oposisyon, at nagpapanatili ng pagtaban o kontrol sa lahat ng mga aspeto ng mga buhay ng mga mamamayan ng bansang nasa ilalim ng ganitong sistema.Nagmula ang salitang "pasismo" sa salitang Italyo na fascio, na ibig sabihin ay "bigkis", na parang sa politika o militanteng grupo o sa isang bansa, ngunit nagmula din sa fasces (mga baras na binigkis sa palibot ng palakol), na naging simbolo ng lumang Roma sa awtoridad ng mga mahistrado. Nakilala ang Italyanong 'Fascisti' bilang Mga Itim na Baro para sa istilo ng uniporme na nilalagay sa itim na baro (Tingnan din: kulay pampolitika).

Kadalasang nasa kapital na "P" ang Pasismong Italyano, dahil ito ang magulang ng pangkalahatang pasismo (maliit na "p"). Tinuturing na modelo ng ibang anyo ng pasismo ang Italyanong Pasismo, sa kabila noon mayroon pa ring di pagsangayon sa kung anong aspeto ng kayarian, taktika, kultura at ideolohiya ang kinakatawan ng "pinakamababang pasista".

Pwersa ng Masang Pilipino

Ang Pwersa ng Masang Pilipino ay isang partidong populista sa Pilipinas na itinatag ni Joseph Estrada.

Stalinismo

Ang Stalinismo ay tumutukoy sa sistemang pampulitika sa ilalim ng pamumuno ni Joseph Stalin, kabilang na ang ideolohiya at pangangasiwa ng estado. Ang lihim na kasaysayan ng mga panahong iyon ay nilalaman sa Mga Arkibong Mitrokin. Si Lazar Kaganovich, isang politikong Sobyet, ang umimbento ng katagang ito.

United Nationalist Alliance

Ang United Nationalist Alliance o UNA ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Wikipedia

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may basehang wiki at may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa kadahilanang ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.

Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyektong nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.