Hukbo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Hukbo (paglilinaw).

Ang militar o hukbo ay isang samahan na pinapahintulot ng bansa nito na gamitin ang puwersa, kadalasang kinabibilangan ng paggamit ng mga sandata, sa pagsanggalang ng bansa (o pagsalakay sa ibang mga bansa) sa pamamagitan ng paglaban ng aktuwal o nakikitang mga banta. Bilang isang pang-uri, ginagamit ang katawagang "militar" bilang pantukoy sa kahit anong pagmamay-ari o aspeto ng isang militar. Kadalasang gumagana ang mga militar bilang mga lipunan sa loob ng mga lipunan, sa pamamagitan ng sarili nilang militar na mga pamayanan, ekonomiya, edukasyon, medisina at iba pang aspeto ng isang gumaganang lipunang sibil.



Militar Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Agosto 14

Ang Agosto 14 ay ang ika-226 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-227 kung taong bisyesto) na may natitira pang 139 na araw.

Agosto 21

Ang Agosto 21 ay ang ika-233 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-234 kung taong bisyesto) na may natitira pang 132 na araw.

Alejandrong Dakila

Si Alejandro III ng Macedon (20/21 Hulyo 356 – 10/11 Hunyo 323 BCE) na kilala bilang Alejandrong Dakila o Dakilang Alejandro (Griyego: Ἀλέξανδρος ὁ Μέγας, Aléxandros ho Mégasiii[›] galing sa Griyegong ἀλέξω alexo "ipagtanggol, tulungan" + ἀνήρ aner "man") ang hari ng Macedon na isang estado ng hilagaang Sinaunang Gresya. Ipinanganak siya sa Pella noong 356 BCE. Siya ay inaralan ni Aristoteles hanggang sa edad na 16. Sa edad na 30, nilikha niya ang isa sa pinakamalaking imperyo sa sinaunang daigdig na sumasaklaw mula sa Dagat Ionian hanggang sa mga Himalaya. Hindi siya natalo sa digmaan at itinuturing sa kasaysayan na isa sa mga pinakamatagumpay na mga komander.Hinalinhan sa trono ni Alejandro ang kanyang amang si Felipe II ng Macedon noong 336 BCE pagkatapos paslangin si Felipe II. Sa kamatayan ni Felipe, namana ni Alejandro ang isang malakas na kaharian at hukbo na bihasa. Ginawaran siya ng pagkaheneral ng Gresya at gumamit sa kapangyarihang ito upang ilusan ang mga planong pagpapalawig na pang-hukbo ng kanyang ama. Noong 334 BCE, sinakop niya ang pinamunuan ng Persia na Asya Menor at nagpasimula ng mga sunod-sunod pakikidigma na tumagal ng 10 taon. Binali ni Alejandro ang kapangyarihan ng Persia sa sunod-sunod na pagwawagi sa pakikipagdigmaan na kabilang sa mga yaon yaong Labanan sa Issus at Labanan sa Gaugamela. Kalaunan ay pinatalsik niya ang haring Persa (Persian) na si Dario III at sinakop ang kabuuan ng Imperyong Akemenida. Sa puntong iyon, ang kanyang imperyo ay sumaklaw mula sa dagat Adriatiko hanggang sa Ilog Indus. Sa paghahangad niyang maabot ang "mga dulo ng mundo at ang dakilang panlabas na dagat" ay sinakop niya ang India noong 326 BCE ngunit kalaunan ay napaurong sa paghiling ng kanyang mga hukbo. Namatay si Alejandro sa Babilonya sa edad na 32 noong 323 BCE nang hindi nagsagawa ng sunod-sunod na planadong mga pakikidigma na nagsimula sa kanyang pananakop ng Arabia. Sa mga sumunod na taon pagkatapos ng kamatayan niya'y nabahagi ang kaniyang imperyo dahil sa sunod-sunod na digmaang sibil na nauwi sa ilang mga estadong pinamunuan ng Diadochi na mga natitirang heneral ni Alejandro at mga tagapagmana. Ang kaniyang pamana ay kinabibilangan ang pagkalat ng kultura na dinulot ng kaniyang mga pananakop . Kaniyang itinatag ang mga 20 siyudad na ipinangalan sa kanya na ang pinakakilala ay ang Alehandriya sa Ehipto. Ang pagtira ng ng mga kolonistang Griyego ni Alejandro at ang nagresultang pagkalat ng kulturang Griyego sa silangan ay nagresulta sa isang bagong kabihasnang Helenistiko na ang mga aspeto ay umiiral pa rin sa mga tradisyon ng Imperyong Bizantino noong gitnang ika-15 siglo CE. Si Alejandro ay naging maalamat bilang isang klasikong bayani sa molde ni Achilles. Siya ay prominente sa kasaysayan at mitong Griyego at mga kulturang hindi Griyego. Naging sukatan siya na pinaghahambingan sa sarili ng mga pinunong militar at ang mga akademiyang militar sa buong mundo ay nagtuturo pa rin ng mga taktika niya.

ii[›]

Constans

Si Constans (Latin: Flavius Julius Constans Augustus) (c.323–350) ang emperador ng Imperyo Romano mula 337 hanggang 350. Kanyang tinalo ang kanyang kapatid na si Constantine II noong 340 CE ngunit ang galit ng hukbo sa kanyang personal na buhay at preperensiya para sa kanyang mga barbarian na bantay ay humantong sa paghihimagsik ni heneral Magnentius na humantong sa asasinasyon ni Constans noong 350.

Disyembre 22

Ang Disyembre 22 ay ang ika-356 na araw sa Kalendaryong Gregoriano (ika-357 kung taong bisyesto) na may natitira pang 9 na araw.

Heneral

Para sa ibang gamit, tingnan ang Heneral (paglilinaw).Ang kaheneralan o pagiging opisyal na heneral ay isang opisyal na may mataas na ranggo sa militar, karaniwang sa hukbong katihan, at sa ilang mga bansa, sa hukbong himpapawid. Ang katagay ay malawakang ginagamit ng maraming mga bansa ng mundo, at kapag ang isang bansa ay gumagamit ng ibang katawagan, may katumbas na pamagat na ibinibigay. Ang salitang Heneral ay ginagamit sa dalawang mga paraan: bilang isang pangkaraniwan o henerikong pamagat para sa lahat ng mga grado ng opisyal na heneral; at bilang isang espesipikong ranggo. Bilang karagdagan, ang heneral o pangulo ng hukbo ay isang opisyal sa hukbong sandatahan na nasa mataas na kahanayan ng militar. Ginagamit ang katawagan o katumbas nito sa halos lahat ng mga bansa sa mundo. Maaari ring gamitin ang heneral bilang isang pangkaraniwang katawagan para sa lahat ng mga grado o ranggo ng mga opisyal na heneral, o maaaring tiyakang tumutukoy sa isang nag-iisang ranggo na tinatawag lamang bilang heneral. Magmula noong kahulihan ng ika-20 daantaon, ang ranggo ng Heneral ay karaniwang pinakamataas na masigla o aktibong ranggo ng isang militar na hindi nakikidigma.

Horemheb

Si Horemheb (na minsang binabaybay na Horemhab o Haremhab at nangangahulugang Si Horus ay nasa Pagdiriwang) ang huling Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto mula 1319 hanggang sa huli ng 1292 BCE, o 1306 hanggang sa huli ng 1292 BCE (kung siya ay namuno sa loob ng 14 taon) bagaman wala siyang kaugnayan sa naunang pamilyang hari at pinaniniwalaang nang isang kapanganakan ng karaniwang tao. Bago siya naging paraon, siya ang hepeng komander ng hukbo sa ilalim ng mga pamumuno nina Tutankamun at Ay. Pagkatapos niyang umupo sa trono, kanyang binago ang estado at sa ilalim ng kanyang pamumuno nang ang opisyal na aksiyon laban sa naunang mga pinunong Amarna ay nagsimula. Binuwag ni Horemheb ang mga monumento ni Akhenaten at muling ginamit ang mga labi nito sa pagtatayo ng kanyang mga proyekto at sinunggaban ang mga monumento nina Tutankhamun at Ay. Si Horemheb ipinagpapalagay na nanatiling walang anak dahil kanyang hinirang ang kanyang vizier Paramesse bilang kahalili na naghari bilang Ramesses I.

Hukbong-kati

Ang hukbong-kati o hukbong katihan (Ingles: army na mula sa Latin na Armata "gawain ng pag-aarmas" sa pamamagitan ng Lumang Pranses na armée), sa malawak na kaisipan, ay ang panlupang hukbong sandatahan ng isang bansa. Maaaring mapasama din ang ilang sangay ng militar katulad ng hukbong panghimpapawid.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Hukbong Pula

Ang Hukbong Pula ng mga Manggagawa at mga Magbubukid (Ingles: Workers' and Peasants' Red Army, Ruso: Рабоче-крестьянская Красная армия, Raboche-krest'yanskaya Krasnaya armiya; RKKA o Hukbong Pula) ay ang sandatahang-lakas na binuo ng mga Bolshevik noong panahon ng Digmaang Sibil ng Rusya noong 1918 at naging hukbo ng Unyong Sobyet noong 1922. Lubhang lumaki ang Red Army upang mabuo ang pinakamalaking hukbo sa kasaysayan mula noong 1940 hanggang sa pagbagsak ng Unyong Sobyet noong 1991, bagaman maaaring mas malaki pa ang People's Liberation Army ng Tsina sa ilang mga panahon. Tinutukoy ng “Pula” ang dugong nagdanak sa pakikipaglaban para sa kapitalismo. Mula noong 1946, opisyal na binago ang pangalan ng Hukbong Pula na naging Hukbong Sobyet, ngunit ginamit pa rin ng mga taong Kanluranin ang Hukbong Pula upang tukuyin ang militar ng Sobyet matapos ang petsang iyon.

Tinutukoy ng artikulong ito ang hukbong katihan ng Hukbong Pula, hindi nagtagal ay tinawag na Hukbong Panlupa. Tignan ang kasaysayan ng militar ng Unyong Sobyet para sa deskripsiyon ng sandatahang-lakas ng Unyong Sobyet sa madaling salita.

Hukbong dagat

Ang hukbong dagat ay bahagi ng militar ng isang bansa na lumalaban sa anyong tubig sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat o bapor. Tinatawag na mga malalayag (sailor) ang mga taong nasa hukbong dagat. Karamihang binubuo ng mga sasakyang pandagat na pandigma ang hukbong dagat. Maaaring may sarili silang hukbong himpapawid at mga sundalo. Mayroon din silang mga natatanging mga sasakyang pandagat na maaaring pumunta sa ilalim ng dagat, tinatwag na submarino. Sila rin ang hukbong nangangalaga at nagbabantay sa katubigan.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Krisis ng Ikatlong Siglo

Ang Krisis ng Ikatlong Daangtaon o Krisis ng Ikatlong Siglo (tinawag ding "Anarkiyang Hukbo" o "Krisis Imperyal") (235–284 AD) ay isang panahon na kung saan ang Imperyo Romano ay malapitán nang bumagsak sa ilalim ng mga magkasamang suliranin ng paglusob, digmaang sibil, sakit, at pagbagsak ng ekonomiya. Ang kriris ay nagsimula sa pagkamatay ni Emperador Alexander Severus sa kamay ng kanyang sariling mga hukbo na naghudyat ng isang limampung-taong panahon na kung saan nagkaroon ng 20 hanggang 25 taong umangkin sa titulo ng Emperador Romano. Sa panahong 258-260, ang imperyo ay nahati sa tatlong nagtutunggaling mga estado, isa aya ang Imperyong Galliko na binubuo ng mga lalawigang Romano ng Gaul, Britannia, at Hispania; at ang Imperyong Palmyrene na binubuo ng mga silangang lalawigan ng Syria Palaestina at Aegyptus na kung saan ang dalawang mga estadong ito ay naging malaya sa Imperyong Romano na nakatuon sa Italia at nasa pagitan nila. Ang krisis ay natapos sa pagiging Emperador ni Diocletian.

Ang Krisis ay nagbunga ng napakamasidhing mga pagbabago sa mga institusyon, lipunan, buhay ekonomiko, at hindi nagtangal, relihioyn ng Imperyo na tulo-tuloy na nakikita nga mga historiko bilang ang pagbabago sa pagitan ng mga bahaging kasaysayang Classical antiquity at Late antiquity.

Napoleon I ng Pransiya

Si Napoleon I (ipinanganak na Napoleone di Buonaparte, na naging Napoleon Bonaparte) (15 Agosto 1769 - 5 Mayo 1821) ay ang unang emperador ng Unang Imperyong Pranses ng Pransiya, unang hari ng Italya, tagapamagitan ng Kumpederasyong Suwiso at unang tagapagtanggol ng Kumpederasyon sa Rhine (kalaunan ay nagkaisa bilang Alemanya noong 1871). Ang kanyang mga nagawa ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa politika ng Europa sa ikalabingsiyam na siglo.

Si Napoleon I ay isinilang sa Corsica at nagsanay bilang hukbo ng sandatahang lakas ng Pransiya sa ilalim ng Unang Republikang Pranses at isa sa mga matagumpay na pinuno ng hukbo na tumalo sa Una at Ikalawang mga Koalisyon laban sa pamahalaan ng Pransiya. Noong 1799, pinamunuan niya ang isang kudeta at iniluklok ang sarili bilang unang Konsul ng Pransiya; pagkalipas ng limang taon, bilang Emperador ng mga Pranses. Sa pagpasok ng mga unang dekada ng ikalabingsiyam na siglo, matagumpay niyang nilabanan ang mga makapangyarihang bansa sa Europa kasabay ng pagtatatag ng Imperyong Pranses.

Ang Pananalakay ng mga Pranses sa Rusya noong 1812 ang naging hudyat ng pagbabago ng kanyang kapalaran. Noong 1813, tinalo ng Ikaanim na Koalisyon ang kanyang hukbo sa labanan sa Leipzig; noong 1814, sinalakay ng koalisyon ang Pransiya kung saan ay napuwersa si Napoleon I na iwanan ang trono at magtungo nang palihim sa isla ng Elba. Makalipas ang kalahating taon, tumakas siya sa Elba at muling umakyat sa kapangyarihan, ngunit siya ay tuluyang natalo sa pamosong labanan sa Waterloo, Belhika noong Hunyo 1815. Siya ay ipinatapon ng pumalit na haring Bourbon sa isla ng Saint Helena sa ilalim ng mga bantay na Briton. Ilang aral ang nag-imbestiga sa kaso ng kamatayan ni Napoleon I, kung saan siya ay pinatunayang namatay sa kanser sa bituka, ngunit ayon naman kay Sten Forshufvud, siya ay namatay dahil sa paglason gamit ang arseniko.

Ang kaguluhan sa Europa na idinulot ng malawakang pananakop ni Napoleon I ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang politika ng mga nasakop na mga bansa: ang kanyang mga istilo sa kampanyang pangdigmaan ay inaral ng iba't ibang paaralang pang-militar. Ginamit rin ang kanyang kodigong Napoleonic bilang batayan ng batasan ng mga kasalukuyang mga bansa.

Oktubre 14

Ang Oktubre 14 ay ang ika-287 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-288 kung taong bisyesto) na may natitira pang 78 na araw.

Pebrero 5

Ang Pebrero 5 ay ang ika-36 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 329 (330 kung leap year) na araw ang natitira.

Scorpion I

Si Scorpion I ang unang hari ng Itaas na Ehipto sa Panahong protodinastiko ng Ehipto. Ang kanyang pangalan ay maaaring tumutukoy sa diyosang alakdan na si Serket. Siya ay pinaniniwalaang nabuhay sa Thinis na isa o dalawang mga siglo bago ang pamumuno ng mas kilalang Haring Scorpion ng Nekhen at pinagpapalagay na unang tunay na hari ng Itaas na Ehipto. Sa kanya nabibilang ang libinang U-j na natagpuan sa sementeryo ng hari sa Abydos kung saan ang mga haring Thinite ay inilibing. Ang libingang ito ay pinagnakawan sa sinaunang panahon ngunit dito ay natagpuan ang maraming mga maliliit na plakang garing na ang bawat isa ay may butas upang pagtalian ng isang bagay at minamarkahan ng isa o higit pang uring hieroglipong inukit na mga larawan na pinaniniwalaang mga pangalan ng mga bayan . Dalawa sa mga plakang ito ay tila ang pangalan ng mga bayang Deltang Bubastis at Buto na nagpapakita sa mga hukbo ni Scorpion na nakapasok sa Deltang Nilo. Maaring ang mga pananakop ni Scorpion ang nagpasimula ng sistemang Hieroglipo ng Sinaunang Ehipto sa pamamagitang ng pagsisimula ng pangangailangan sa pagtatago ng mga talaan sa pagsulat. Ang isang kamakailang 5,000 taong gulang na grafitto ay natuklasan na may mga simbolo rin ni Scorpion at nagpapakita ng kanyang pagkapanlo sa pinunong protodinastiko na posibleng ang hari ng Naqada. Ang natalong hari o pangalan ng lugar sa grafitto ay ulo ng toro na isang markang matatagpuan rin sa U-j. Ang libingan ni Scorpion ay kilala sa arkeolohiya para sa posibleng ebidensiya ng sinaunang pag-inom ng alak. Natuklasan ng mga arkeologo ang dose dosenang mga inangkat na seramikong garapon na naglalaman ng labing dilaw na umaayon sa alak at pinetsahan ng mga 3150 BCE. Ang mga buto ng ubas, mga balat at tuyong pulpo ay natagpuan rin.

Setyembre 7

Ang Setyembre 7 ay ang ika-250 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-251 kung taong bisyesto) na may natitira pang 115 na araw.

Tefnakht

Si Shepsesre Tefnakht (sa Griyego ay kilala na Tnephachthos) ang prinsipe ng Sais at ang tagapagtatag ng relatibong maikling Ikadalawampu't apat na Dinastiya ng Ehipto na umakyat na maging Hepe ng Ma sa kanyang tahanang lungsod. Siya ay pinaniniwalaang naghari ng tinatayang 732 BCE o 7 taon. Sinimulan ni Tefnakht I ang kanyang karera bilang Dakilang Hepe ng Kanluran at Prinsipe ng Saïs at huling kakontemporaryo ng huling pinuno ng Ikadalawampu't dalawang dinastiya ng Ehipto. Si Tefnakht I ay aktuwal na ikalawang pinuno ng Saïs. Siya ay naunahan ni Osorkon C na pinatutunayan ng ilang mga dokumento na nagbabanggit sa kanya bilang Hepe ng Ma at Pinuno ng Hukbo ng siyudad na ito. Ang isang kamakailang estatwa na inalay ni Tefnakht I kay Amun-Re ay naghahayag ng mga importanteng detalye ng kanyang mga pinagmulan. Ang teksto nito ay nagsasaad na si Tefnakht ang anak ng isang Gemnefsutkapu at apo ni Basa na isang saserdote ni Amun sa Sais.ref>Del Francia, pp.63-112 & 76-82

Thutmose III

Si Thutmose III (na minsang binabasa bilang Thutmosis o Tuthmosis III, Thothmes sa mas matandang mga akdang kasaysayan at nangangahulugang and meaning Si Thoth ay ipinanganak) ang ikaanim na Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. Sa kanyang unang 22 taong paghahari, siya ang kapwa-hari ng kanyang inain at tiyang si Hatshepsut na pinangalanang paraon. Bagaman siya ay unang ipinakita sa mga nakaligtas na monumento, ang pareho ay tinakdaan ng mga karaniwang pangalan ng hari at insignia at wala sa dalawang ito ay may halatang senioridad sa isa pa. Siya ay naglingkod bilang pinuno ng mga hukbo. Pagktapos ng kamatayan ni Hatshepsut, at ang kanyang kalaunang pag-akyat sa pagiging paraon ng kaharian, kanyang nilikha ang pinakamalaking kaharian ng Ehipto na kailanman ay nakit ng Ehipto. Hindi bababa sa mga 17 kampanya ang kanyang isinagawa at sumakop siya mula sa Niya sa hilagang Syra hanggang sa ikaapat na talon ng Nilo sa Nubia. Sa opisyal, si Thuthmose III ay namuno sa Ehipto sa halos 44 taon at ang kanyang paghahari ay kinabibilangan ng 22 taon na siya ay kapwa hari kay Hatshepsut. Sa huling dalawang taon ng kanyang paghahari, kanyang hinirang ang kanyang anak at kahaliling si Amenhotep II bilang batang kapwa-hari. Siya ay inilibing sa Lambak ng mga Hari gaya ng iba pang mga paraon sa panahong ito sa Ehipto.

Tulay ng Mabini

Ang Tulay ng Mabini (Mabini Bridge), na kilala dati bilang Tulay ng Nagtahan (Nagtahan Bridge), ay itinayo noong Enero-Pebrero 1945. Una itong nagsilbing pontoon bridge na tumatawid sa Ilog Pasig, dinudugtong ang mga distrito ng Santa Mesa at Paco. Ginamit ito upang ihatid ang mga dyip ng Hukbo ng Estados Unidos at ilikas ang mga mamamayang naipit sa putukan noong Liberation of Manila.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.