Gitnang Silangan

Ang Gitnang Silangan ay isang rehiyong makasaysayan at pangkultura sa Aprika-Eurasya na tinuturing sa tradisyon bilang ang mga bansa o rehiyon ng Timog-kanlurang Asya kasama ang Ehipto. Sa ibang konteksto, kabilang sa rehiyon ang ilang bahagi ng Timog Aprika at/o Gitnang Asya. Hindi sinasali sa sa pangkalahatan ang Pakistan at ang Caucasus sa rehiyong ito.

GreaterMiddleEast2
Ang tradisyunal na Gitnang Silangan at Kalakhang Gitnang Silangan ng G8.

Mga katangian

Sa Kanlurang mundo, kadalasang tinuturing ang Gitnang Silangan bilang isang lugar na karamihan ay mga Islam at Arabong komunidad. Bagaman mayroon ang lugar ng mga kakaibang kultural at etnikong mga grupo, kabilang ang mga Arab, Assyrian, Azeris, Berbers, Chaldean, Druze, Griyego, Hudyo, Kurdi, Maronita, Persa (Persian) at Turko. Kabilang sa mga pangunahing mga wika sa grupo ang: Arabo, Asiryo (kilala din bilang Arameo at Siryano), Hebreo, Persa (Persian), Kurdi, at Turko.

Karamihan sa mga kahulugan ng "Gitnang Silangan" — pareho sa aklat reperesya at karaniwang gamit — ang mga rehiyon sa 'mga bansa sa Timog-kanlurang Asya, mula sa Iran (Persiya) hanggang sa Ehipto'. Kadalasang sinasama ang Ehipto, kasama ang kanyang Tangway ng Sinai, sa 'Gitnang Silangan', bagaman nasa Hilagang Aprika ang karamihan ng bansa. Ang mga bansang walang kaugnayan sa Asya katulad ng Libya, Tunisia at Moroko, ay tinatawag na sa kadalasan bilang mga bansang Hilagang Aprika — salungat sa Gitnang Silangan (Iran hanggang Ehipto-Asya) — ng mga internasyunal na midya.

Isa sa malaganap na kahulugan ng "Gitnang Silangan" ang ginagamit ng industriyang airline, na pinapanatili ng IATA standards organization. Kabilang sa kahulugan na ito — noon pang 2006 — ang Bahrain, Ehipto, Iran, Irak, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Mga Teritoryong Palestino, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Sudan, Siryanong Arabong Republika, United Arab Emirates, at Yemen.[1] Ginagamit ang kahulugan na ito sa internasyual na pamasahe sa eroplano at pagtuos ng buwis para sa mga pasahero at kargamento.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. http://www.iata.org/ps/services/cargois/middle_east.htm



Gitnang Silangan Ang lathalaing ito na tungkol sa Gitnang Silangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Agosto 4

Ang Agosto 4 ay ang ika-216 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-217 kung taong bisyesto) na may natitira pang 149 na araw.

Aladdin

Si Aladdin (Arabe: علاء الدين‎, ʻAlāʼ ad-Dīn, IPA: [ʕalaːʔ adˈdiːn]; meaning, "glory of religion") o Aladino ay isang tauhan at pamagat ng kuwentong bayan mula sa Gitnang Silangan. Bilang kuwento, isa itong bahagi ng Ang Aklat ng Isang Libo't Isang Gabi (Mga Gabing Arabo), at isa sa pinakatanyag, bagaman idinagdag lamang ito sa kalipunang ito ni Antoine Galland. Ang kuwento hinggil kay Aladdin ay pinamagatang Si Aladino at ang Mahiwagang Lampara.

Asya

Ang Asya ay ang isa sa mga kontinente ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak, sakop nito ang halos 30% ng kabuuang lupa at 8.7% ng mundo. May sukat ng 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ito ay may populasyon ng halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang kontinente ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman ay ang Aprika.

Asya Menor

Ang Asya Menor ay ang tawag sa rehiyon ng Anatolia o Anadolu sa Turkiya na matatagpuan sa Gitnang Silangan ng Asya. May mga makasaysayang kabihasnan din at imperyo na sumakop dito. Nakuha ito ng mga Persa (Persian) noong 530 BKE. Naging probinsiya rin ito ng Imperyo Romano at Silangang Imperyo Romano (Bisantino) noong Gitnang Panahon. May imperyo-relihiyoso din na sumakop dito, ang Imperyong Otoman, isang Imperyong Muslim.

Ehipto

Ang Republikang Arabo ng Ehipto, (Arabo: جمهوريّة مصرالعربيّة, Ǧumhuriyat Misr al-ˁArabiyah; internasyunal: Arab Republic of Egypt) karaniwang kilala bilang Ehipto (Arabo: مصر, Misr o Masr sa dyalektong Ehipsiyo; internasyonal: Egypt), ay isang republika sa hilagang-silangang Aprika at maliit na bahagi ng timog-kanlurang Asya.

May sukat na 1,020,000 km², hinahanggan ang Egypt ng Libya sa kanluran, Dagat Mediterraneo sa hilaga, Israel sa hilagang-silangan, Dagat Pula sa silangan, at Sudan sa timog.

Ang Ehipto ang pinaka-mataong bansa sa Aprika at sa Gitnang Silangan. Nakatira ang karamihan ng mga 76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa pampang nga Ilog Nile (mga 40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang lupang agrikultural na maaaring mapagtatamnan ng halaman. Ang disyerto ng Sahara ang malalaking bahagi ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. Sa kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at Alexandria.

Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyang sinaunang kabihasnan at ilang sa mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang ang Mga Piramide ng Giza, ang Templo ng Karnak at ang Lambak ng mga Hari; naglalaman ang katimogang lungsod ng Luxor ng isang malaking bilang ng mga lumang artifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang pangunahing politikal at kultural na sentro ng Arabo at Gitnang Silangang mga rehiyon.

GMA Pinoy TV

Ang GMA Pinoy TV ay nalalakip noong Pebrero, 2004 sa GMA Network, ay isang pandaigdig ng estasyon ng telebisyon sa mga Pilipino.

Ang pagguhit ng programa na galing sa Estasyon ng Hulang Bandila sa Pilipinas, ang lambat lambat ng programa ay puwedeng makakita sa bansang Estados Unidos (kabilang Hawaii), Hapon, Guam, Saipan, Papua New Guinea, Canada, Singapore, Gitnang Silangan, Hilagang Aprika, Hong Kong, Europa at Australya.

Noong Hulyo, 2008 Ito ay inilunsad sa bansang Australya at Nueba Selanda sa UBI World TV.

Gresya

Ang Gresya (Ingles: Greece), opisyal na Republikang Helenika (Griyego: Ελληνική Δημοκρατία, Ellinikí Dimokratía; tingnan din Talaan ng mga tradisyunal na mga Griyegong lugar), ay isang bansa sa katimugang Europa sa dulo ng Balkans.

Ang Gresya ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at Aprika. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo Romano, at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Ottoman. Tinaguriang "Duyan ng Sibilisasyong Kanluranin" at pinagmulan ng demokrasyang pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga palarong Olimpiko, panitikang kanluranin, agham pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Gresya ay mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan nito ay naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa Gitnang Silangan, at naging basehan ng kultura ng Europa at ng tinatawag na Kanluran.

Sa ngayon, ang Gresya ay isang makabagong bansa, miyembro ng Unyong Europeo mula noong 1981. Ang kabisera ay Atenas, at ang ibang mga pangunahing lungsod ay Tesalonika, Patras, Heraklion, Bolos, at Larisa.

napapaligiran ng mga dagat:Dagat Egeo sa silangan, Dagat Jonico sa kanluran, Mediterraneo sa timog.

klima: katamtaman at maaliwalas.

likas na kagandahan ng bansa: bughaw na kalangitan, kumikinang na karagatan at magagandang tanawin.

Imperyong Otomano

Ang Imperyong Ottoman (Turkong Otomano: دولت عالیه عثمانیه Devlet-i Âliye-yi Osmâniyye) ay isang Muslim na estado na matatagpuan sa Turkiya na nagtagal mula noong ika-13 siglo hanggang noong ika-20 siglo.

Sakop ng Imperyong Ottoman ang mga lupain mula sa Tangway Balkan hanggang sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika sa pinakatuktok nito sa pamumuno ni Sulayman I noong ika-15 siglo.

Unti-unting nagwakas ang imperyo matapos ang pamumuno ni Sulayman, at noong pumasok ang ika-20 siglo ay hawak na lamang nito ang Asia Minor (ang rehiyong Anatolya sa Turkiya) at mga bahagi ng Balkan at Gitnang Silangan. Higit na maraming teritoryo ang nawala sa Imperyong Ottoman noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918).

Hinawakan ng mga sundalo ng mga Nagkakaisang Bansa ang imperyo hanggang sa katapusan ng digmaan noong 1922, nang palayasin sila ng mga nasyonalistang sundalo na pinamunuan ni Mustafa Kemal; Pinawalang-bisa ni Kemal ang imperyo noong taong ding iyon at iprinoklama ang Republika ng Turkiya noong 1923.

Iraq

Ang Republika ng Iraq ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon ng Mesopotamia sa pinagsasaniban ng mga ilog Tigris at Euphrates pati na rin ang timog Kurdistan. Hinahanggan ito ng Kuwait at Saudi Arabia sa timog, Jordan sa kanluran, Syria sa hilagang-kanluran, Turkey sa hilaga, at Iran (Lalawigan ng Kurdistan) sa silangan. May makitid itong seksiyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpong Persiko.

Israel

Para sa ibang gamit, tingnan ang Israel (paglilinaw).Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל‎, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل‎, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.

Kuwait

Tungkol sa bansa ang artikulong ito. Para sa lungsod, tignan ang Lungsod Kuwait.Ang Estado ng Kuwait (internasyunal: State of Kuwait) ay isang maliit na monarkiyang mayaman sa langis sa Gitnang Silangan. Matatagpuan ito sa pampang ng Golpo ng Persia. Hinahangganan ito ng Saudi Arabia sa timog at ng Iraq sa hilaga.

Lebanon

Ang Lebanon (Arabo: لبنان Loubnân; Pranses: Liban) ay isang maliit at mabundok na bansa na napaparoon sa silangang dulo ng Dagat Mediterraneo. Hinahangganan ito ng Sirya sa silangan at hilaga, at ng Israel sa timog. Nanggaling ang pangalang Lebanon mula sa Semitikong ugat na LVN, nangangahulugang ang mga “puting” tuktok ng Bulubunduking Lebanon (Bundok Lebanon).

May ilang mga dantaong naging mahalagang daanan sa pagitan ng Asya, Europa, at Aprika ang Lebanon dahil pagiging sentro ng kalakalan at transportasyon. Dahil sa angkin kagandahan noon, tinawag itong "ang palaruan sa Gitnang Silangan" Subalit, dahil sa pagkakaroon ng digmaang sibil, nahati ang mga mamamayan ng bansang ito.

Mga Arabe

Ang mga Arabe (Arabe: العرب ʻarab) ay isang etnikong pangkat na kalat sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. Kinikilala ng mga kasapi sa pangkat etnikong ito bilang may kaugnayan sa isa o maraming mga aspetong pangwika, pangkalinangan, pampolitika, o panghenealohiya. Subalit ang mga kumikilala sa sarili bilang Arabe ay bihirang kinikilala ang sarili bilang may ganitong iisang katauhan o pagkakakilanlan. Karamihan sa kanila ang humahawak ng maraming mga katauhan, na may mas makakatutubong may pangunahing pambansang katauhan - katulad pagiging Ehipsiyo, Libano, o Palestino - bilang karagdagan sa mga katauhang pangtribo, pangnayon, pambayan, at pang-angkan.

Ang Arabe ay isa sa mga semitikong wika.

Pakistan

Tingnan ang Lindol sa Kashmir, 2005 para sa lindol noong Oktubre 8, 2005 sa Azad Kashmir, na pinamamahalaan ng Pakistan.Ang Republikang Islamiko ng Pakistan (Urdu: اسلامی جمہوریۂ پاکستان, islāmī jamhūriya i pākistān), o Pakistan (Urdu: پاکستان, pākistān) ay isang bansa sa Timog Asya na sinasakop ang bahagi ng Gitnang Silangan at Gitnang Asya. Napapaligiran ito ng India, Afghanistan, Iran (dating Persia), Tsina at ng Dagat Arabo Ang Pakistan ay humiwalay sa India sa kadahilanan na maraming Hindu sa India.

Ang Allama Iqbal ay pambansang makata ng Pakistan. Bukod sa kanyang tinubuang-bayan, siya ay sikat din sa Iran, ang rehiyon ng Kurdistan at Iraq kung saan siya ay kilala bilang Iqbāl-e Lāhorī.

Qatar

Estado ng Qatar (Arabo: قطر), ang emirate sa Gitnang Silangan, sinasakop ang maliit na tangway sa labas ng mas malaking Tangway ng Arabia. Nasa hangganan ng Saudi Arabia sa timog; pinapalibutan ng Golpo ng Persia ang natitirang hangganan ng bansa.

Sayaw sa silangan

Ang pagsasayaw ng tiyan ay isang uri ng tradisyunal na anyo ng sayaw sa silangan o sayawin sa silangan na nagmula sa Gitnang Silangan ng Asya. Tinatawag itong "sayaw ng tiyan" o "pagsasayaw ng puson" (Ingles: belly dancing) sa Kanluran, partikular na sa Estados Unidos, sapagkat kamangha-mangha at mas napapansin sa sayaw na ito ang namumukod na maalindog na paggalaw ng tiyan ng mananayaw, bagaman gumagalaw din ang ibang bahagi ng katawan; kaya tinatawag ding mananayaw ng tiyan o mananayaw ng puson (Ingles: belly dancer) ang may kaalaman o nagtatanghal ng sining na ito.

Sa Arabe, kilala ito bilang raqs sharqi (رقص شرقي, binibigkas na raks syarki, ang "sayaw sa oryente," o ang "sayaw sa silangan") o kaya raqs baladi (رقص بلدي, binibigkas na raks baladi, ang "pambansang sayaw," "pambayang sayaw," "sayawing bayan," o "sayaw ng bayan"). Pinaniniwalaang nagmula ang terminong raqs sharqi sa Ehipto. Sa Gresya at sa mga Balkan, tinagurian itong tsiftetelli (τσιφτετέλι). Isang likha ng kaisipang Oryentalismo ang katawagan sa Ingles na belly-dance noong 1899, isang pagsasalin ng pariralang Pranses na danse du ventre.

Timog Yemen

Ang Popular na Demokratikong Republika ng Yemen — tinatawag din na Demokratikong Yemen, Timog Yemen o Yemen (Aden) — ay isang sosyalistikang republika sa kasalukuyang timog at silangang Lalawigan ng Yemen. Ito ay pinag-isa kasama ng Republikang Arabo ng Yemen na mas karaniwang kilala bilang ang Hilagang Yemen noong Mayo 22, 1990 para mabuo ang kasalukuyang Republika ng Yemen.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Turkey

Para sa ibang gamit, tingnan ang Turkesa (paglilinaw).Ang Turkey, na may opisyal na pangalang Republika ng Turkey (Turko: Türkiye Cumhuriyeti) ay isang bansa na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog-silangang Europa. Hinahanggan ang Turkey ang Bulgaria at Greece sa kanluran, Georgia, Armenia, Azerbaijan, at Iran sa silangan, at Iraq at Syria sa timog. Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano.

Yemen

Ang Republika ng Yemen o Yemen (Arabo: الجمهورية اليمنية), binubuo ng dating Hilaga at Timog Yemen, ay isang bansa sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapaligiran ng Dagat ng Arabia at Golpo ng Aden sa timog at Dagat na Pula sa kanluran, Oman sa timog-silangan at Saudi Arabia sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ay ang Pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang tao o bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na Yemeni. Ang kabiserang lungsod ng Yemen ay ang Sana'a. Bagaman ang ipinahayag na kabisera ng Yemen ay ang lungsod ng Sana'a, ang lungsod ay nasa ilalim ng kontrol ng rebeldeng Houthi mula noong Pebrero 2015.

Ang Yemen ay ang pinagmulang lupain ng lahat ng mga Arabo na nasa Gitnang Silangan. Noong sinaunang panahon, ang Yemen ay isang mahalagang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Maraming mga kahariang makapangyarihan ang dating nasa Yemen, kabilang na ang mga Sabaean. Mahalaga rin ang Yemen sa pangangalakal ng mga pampalasa. Nakikilala ang Yemen ng sinaunang mga Romano bilang Arabia Felix ("Masayang Arabia") sa Latin dahil ang pook ay maganda at makapangyarihan.

Noong ika-8 dantaon, ang mga Yemeni ay kabilang sa mga unang sumali sa bagong relihiyong Islam. Magmula noon, ang mga Yemeni ay naging matibay na mga Muslim na naging nasa harapan ng lahat ng mga pananakop na isinagawa para sa Islam, at ang mga taga-Yemen ay dating naging mga pinuno ng Espanyang Islamiko sa loob ng mahigit sa 800 mga taon.

Sa kasalukuyan, ang Yemen ay mayroong 20 milyong katao. Karamihan sa kanila ay nagsasalita ng wikang Arabe.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.