Estado

Para sa ibang gamit, tingnan ang Estado (paglilinaw).

Ang estado ay isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang pamayanang pampolitika na nakatira sa ilalim ng iisang sistema ng pamahalaan.[1] ng mga estado ay maari o di maaring malaya. Halimbawa, mga kasapi ang mga estadong pedaratibo ng isang unyong pederal, at maaring may bahagyang kalayaan lamang, ngunit mga estado sila.[1] May mga estado na nasa sa ilalim ng panlabas na soberanya o pananakop, kung saan nakasalalay ang hantungang kalayaan sa ibang estado.[2] Ang mga estadong may soberanya o kalayaan ay tinatawag na mga malayang estado.

Maaring tumukoy din ang "estado" sa isang sekular na sangay ng pamahalaan na nasa loob ng estado,[3] na kadalasang ginagamit upang ipagkaiba sa mga simbahan at institusyong sibilyan.

Maraming mga lipunan ng tao ang pinamahalanan ng estado sa nakaraang libo-libong taon, ngunit marami ang naging lipunang walang estado. Sa paglipas ng panahon, may mga iba't ibang anyo ang nabuo na ginagamit ang pagbibigay ng katuwiran sa lehitimong pagkabuo nila (katulad ng dibinong karapatan ng mga hari, teoriya ng kontratang panlipunan, atbp.). Sa ika-21 siglo, ang makabagong bansang-estado ang namamayaning anyo ng estado na kung saan ang tao ang sumasailalim.

Elemento ng estado

Ang isang estado ay nagtataglay ng apat na mahahalagang elemento:

Ang estado ay maaring mayroong populasyon ng tao na libo lamang ang dami.

Bansang-estado

Ang mga estado ay maaring ipagkaiba sa konsepto ng isang "bansa", kung saan tumutukoy ang "bansa" sa isang pamayanan ng taong pang-kalinangan at pampolitika.

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Thompson, Della, ed. (1995). "state". Concise Oxford English Dictionary (sa Ingles) (9th ed.). Oxford University Press. 3 (also State) a an organized political community under one government; a commonwealth; a nation. b such a community forming part of a federal republic, esp the United States of America
  2. Halimbawa, opisyal na tinutukoy ng Vichy France (1940-1944) ang kanyang sarili bilang l'État français (ang estadong Pransya).
  3. https://mises.org/pdf/anatomy.pdf
Alemanya

Ang Alemánya (internasyonal: Federal Republic of Germany; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, pinakamalapit na bigkas [bun·des·re·pu·blík dóych·land]) ay isang bansa sa gitnang Europa na kasáma sa Unyong Europeo (EU). Ito ay pinaliligiran ng Hilagang Dagat, Dinamarka at ng Dagat Baltiko sa hilaga; ng Polonya at Tsekya sa silangan; Austria at Switzerland sa timog, at ng Pransiya, Luxembourg, Belhika, at Netherlands sa kanluran. Ang teritoryo ng Alemanya ay sumasaklaw sa 375,201 kilometro kuwadradong lupain na may pabago-bagong klima. Ang bansa ay mayroong higit 82 milyong mamamayan at natatangi at unang bansang may pinakamataong kasapi ng Unyong Europeo. Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.

Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya (internasyonal: Federal Republic of Germany) na nakilala bílang Kanlurang Alemanya (Ingles: West Germany) at Demokratikong Republika ng Alemanya (internasyonal: German Democratic Republic) na nakilala naman bilang Silangang Alemanya (internasyunal: East Germany). Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.

Altai

Ang Altai Republic (Ruso: Респу́блика Алта́й, Respublika Altay; Altay: Алтай Республика, Altay Respublika) ay isang kasakupang pederal ng Rusya (isang republika). Bayan ng Gorno-Altaysk ang kabisera nito. Ang lawak ng republika ay 92,600 square kilometer (35,800 mi kuw) na may populasyong 206,195 (Senso 2010).

Andhra Pradesh

Ang Andhra Pradesh ( /ˌɑːndrə prəˈdɛʃ/) ( pronunciation ) ay isang estado ng Indiya na nasa timog ng bansa. Ito rin ay tinatawag na "Palayan ng Indiya" (Ingles: Rice Bowl of India). Ang nasa hilaga nito ay ang mga estado ng Maharashtra, Chhattisgarh at Odisha, ang Look ng Bengal sa silangan, Tamil Nadu sa timog at Karnataka sa kanluran. Ang Andhra Pradesh ang ikalimang pinakamalaking estado ng Indiya sa lawak at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking estado ng Timog India sa lawak at populasyon. Dalawang ilog ay dumadaan dito: ang Godavari at ang Krishna.

Australia

Ang Komonwelt ng Australia (Kastila: Aus·tra·lia; Ingles: Aus·tra·lia /əˈstreɪljə,_ɒʔ,_ʔiə/,) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki rito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang pederasyon at pinamamahalaan bilang parlamentaryong monarkiyang konstitusyonal (constitutional monarchy). Kasama sa mga karatig-bansa ng Australia ay ang Indonesia, Silangang Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Kapuluang Pasipiko sa hilagang-kanluran, ang Kapuluang Solomon at Vanuatu sa hilagang-silangan, at ang New Zealand sa timog-silangan.

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Australian, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.

Ang Australia ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.

Bansa

Naka-redirect ang "Country" dito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Country (paglilinaw).Sa heograpiyang politikal at pandaigdigang politika, ang isang bansa (mula sa Sanskrito: वंश [vanśa]) ay isang pagkakahating pampolitika ng isang entidad pang-heograpiya, isang soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipang estado o nasyon at pamahalaan. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado.

Sa karaniwang paggamit, ang salitang bansa ay malawak na ginagamit sa diwa ng pagiging nasyon at estado, na may iba't ibang kahulugan. Sa ilang mga kaso tumutukoy ito sa mga estado at sa ibang mga pampolitikang entidad, ngunit sa ilang mga panahon tumutukoy lamang ito sa mga estado Itinuturing na karaniwan para sa mga lathalaing tungkol sa pangkalahatang impormasyon o estadistika na angkinin ang mas malawak na kahulugan para sa layong maglarawan o maghambing.Maraming mga entidad na nagbubuo ng isang heograpiking entidad na may kohesyon, kung saan ilan ay dating estado, ngunit sa ngayon ay hindi estadong suberano (tulad ng Inglatera, Eskosya at Gales), ay karaniwang tinutukoy bilang mga bansa. Ang antas ng pagsasarili ng gayung mga bansa ay malawak na nag-iiba. May ilang sinasakupan ng mga estado, sapagka't maraming mga estado ay may mga teritoryong umaasa (tulad ng Kapuluang Birhen ng Britanya, ang Netherlands Antilles at Samoang Amerikano), na may teritoryo at mamamayang magkaiba sa kanilang mga sarili. Ang ganung mga teritoryong umaasa ay minsang nakatala sabay ng mga malayang estado sa tala ng mga bansa.

Bolivia

Ang Estadong Plurinasyunal ng Bolivia (Ingles: Plurinational State of Bolivia; alternatibong baybay: Bulibya) ay bansa sa gitnang Timog Amerika. Hinahanggan ito Brazil sa hilaga at silangan, Paraguay at Arhentina sa timog, at Chile at Peru sa kanluran.

California

Ang California /ka·li·for·nya/ ay isang estado na matatagpuan sa kanlurang pampang ng Estados Unidos. Ito ang pinakamataong estado sa Estados Unidos, at kung magiging independeng bansa, magiging pang-anim sa pinamalaking ekonomiya sa buong mundo, pagkatapos ng Pransiya na halos magkalapit lamang at nilagpasan ang lahat ng mga pinagsamang bansa. Marahil ang pinaka-ibang estado sa bansa sa pisikal at demograpikal na anyo, "Ang Ginuntuang Estado" o The Golden State ang kanyang opisyal na palayaw. Kadalasang inaakalang pantukoy sa Gold Rush (Dagsa ng Ginto) ng California noong 1849 ngunit sa katotohanan tumutukoy ito sa mga natural na damo na nagiging ginto ang kulay tuwing panahon ng tag-araw. CA ang opisyal na daglat pangkoreo ng California, at sa Associated Press, Calif. naman ang daglat nito.

Estado ng Palestina

Ang Estado ng Palestina (Arabo: دولة فلسطين) ay isang bansang idineklara noong 15 Nobyembre 1988 ngunit kasalukuyang de jure na hindi nagtataglay ng kasarinlan sa anumang teritoryo.

Sa kasalukuyan, ihinahangad ng Pambansang Pangasiwaan ng Palestina (Ingles: Palestinian National Authority, PNA), kasama ng Estados Unidos, Unyong Europeo, at ng Ligang Arabo, ang pagkatatag ng isang Estado ng Palestina na kalakip ang kabuuan o karamihan ng Kanlurang Pampang, ang Banda ng Gaza, at ang silangang bahagi ng Jerusalem, na payapang naninirahan katabi ng Israel sa ilalim ng pamumuna ng isang demokratiko at transparenteng pamahalaan. Gayumpaman, hindi nag-aangkin ng kasarinlan ang PNA sa anumang teritoryo at sa gayon ay hindi ang pamahalaan ng Estado ng Palestinang iprinoklama noong 1988.

Hindi ito kinikilala ng Mga Nagkakaisang Bansa, bagaman nagtataglay ito ng katayuang observer, alinsunod sa General Assembly resolution 3237.

Estados Unidos

Nakaturo ang "Amerika" at "USA" dito. Para sa hayop, tingnan ang usa.Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika (EUA) (Ingles: United States of America o USA) na may limampung (50) estado at isang distritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.

Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon, ang Estados Unidos ay ang ikatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehong sukat ng lupa at populasyon. Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos, kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado, na pinatibay ng Kasunduan sa Paris noong 1783. Mula kalagitnaan ng ika-20 dantaon, naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya sa ekonomiya, politika, militar, at kultura.

Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang-ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo. Nakopya rin ng maraming pang bansa, lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika, ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan-kongresyonal.

Israel

Para sa ibang gamit, tingnan ang Israel (paglilinaw).Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל‎, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل‎, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.

Italya

Ang Italya (Italyano: Italia), opisyal na Republikang Italyano (Italyano: Repubblica italiana) ay isang bansa sa Katimugang Europa. May populasyon na 62 milyon, ito'y ang ika-siyam na pinakamataong lugar sa Europa at ika-dalawampu't tatlong pinakamatao sa buong mundo.

Ang kanyang teritoryo ay binubuo ng isang mahabang peninsula o tangway at ng dalawang malaking isla sa Dagat Mediterranean: Sicily at Sardinia. Ang Alps at mga bansang Pransiya, Suwisa, Austria, at Eslobenya ay nasa hilagang hangganan nito. Ang mga malayang estado ng San Marino at Lungsod ng Vaticano ay enclaves sa loob ng teritoryong Italyano. Ang Italya ay kasama sa G7 o grupo ng pitong pinakaindustriyalisadong bansa sa mundo. Ito ay nasa puso ng sinaunang Imperyong Romano, at sa ngayon ay puno pa rin ng mga yamang kasaysayang pinagbabasehan ng sibilisasyong kanluranin.

Ang Roma, kabisera ng Italya, ay naging sentro ng pamahalaan ng Kanlurang Sibilisisasyon dahil ito'y ang naging kabisera ng Imperyong Romano. Pagkatapos ng pag-inog ng Imperyo ay pinrotektahan ng Italya ang Roma mula sa pag-sakop ng mga Alemanyang Tribo katulad ng mga mga Lombard at mga Ostrogoth, hanggang sa mga Norman at sa mga Byzantine at iba pa. Ilang siglo ang nakalipas, ang Italya ay ang naging kapanganakan ng Renaissance.Sa kanilang kasasaysayan bago ang mga Romanong Kastila, ang Italya ay nahati sa mga walang ka kupas-kupas na mga Kaharian at mga Estadong Lungsod (katulad ng Kaharian ng Sardinia at Ang Kaharian ng dalawang Sicily at duchy ng Milano) pero'y nagkaisa noong 1861. Sa kahulihulian ng ika-19 na Siglo, sa daan ng Digmaan Pandaigdig I at hanggang sa Digmaan Pandaigdig II, ang Italya ay humawak ng Imperyanong Kolonyal, na umabot mula sa Libya, Eritrea, Italyanong Somaliland, Ethiopia, Albanya, Rhodes, Ang Dodecanese at sa Tianjin, Tsina. Ang Italya ay isa sa mga miyembro na nagsimula ng Europeong Komunidad na naging Unyong Europeo.

Ang Italya sa kasalukuyan ay isang republikang demokratiko at isang maunlad na bansa.

Lungsod ng Vaticano

Ang Lungsod ng Vaticano opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Latin: Status Civitatis Vaticanae) ay isang engklabe na pinalilibutan ng Roma–ang kabisera ng Italya–at siyang bumubuo ng nakapangyayaring teritoryo ng Banal na Sede (Sancta Sede), ang pamahalaang sentral ng Simbahang Katolika. Ito ang pinakamaliit na malayang estado sa daigdig sa sukat at populasyon. Ang Lungsod ng Vaticano ang tahanan ng Santo Papa. Latin ang wikang opisyal ng Banal na Sede, samantalang Aleman naman ang salita ng Suwisong Tanod.

Mehiko

Ang Mehiko, opisyal na Mehikanong Estados Unidos (Kastila: Estados Unidos Mexicanos; Nahuatl: Mexihco Tlacetililli Tlahtohcayotl) o higit na kilala bilang Mehiko, ay isang bansa sa Hilagang Amerika na hinahanggan sa hilaga ng Estados Unidos at sa timog-silangan ng Guwatemala, Belize at Dagat ng Karibe; at sa silangan ng Look ng Mehiko. Sumasakop ang Mehiko ng mahigit sa 2 milyon kilometro parisukat (mahigit 760,000 sq mi), kaya ito ang naging ikalimang pinakamalaking bansa sa Amerika ayon sa kabuuang sukat nito, at ika-14 sa buong mundo. May tinatayang 111 milyon ang populasyon nito,, kaya ito ang ika-11 pinakamataong bansang sa buong mundo, at pinakamalaking bansa na nagsasalita ng wikang Kastila o Espanyol. Ang Mehiko ay isang bansang pederal na binubuo ng tatlumpu't isang estado at isang Distritong Pederal, ang Lungsod ng Mehiko, na nagsisilbi rin bilang kabiserang-lungsod.

Nagsimula ang pagdating ng mga unang tao sa Mehiko mahigit 30,000 taon na ang nakararaan. Makalipas ang ilang libong taon ng pag-unlad ng mga kalinangan, umusbong sa mga lupain ng bansa ang mga kulturang Mesoamerikano, Aridoamerikano at Oasisamerikano. Matapos ang halos 300 taon ng pananaig ng mga Kastila, sinimulan ng mga Mehikano ang maghimagsik upang makamit ang kasarinlang pampulitika noong 1810. Makalipas naman ng halos isang dantaon, naharap ang bansa sa serye ng mga digmaang panloob at pagsalakay ng mga banyaga na kumitil sa buhay ng mga Mehikano. Noong ika-20 dantaon naman (partikular noong unang gitnang bahagi), nagsimulang maranasan ng bansa ang pag-unlad pang-ekonomiya sa pagkakaroon ng pulitikang pinananaigan ng nag-iisang partidong pulitikal.

Ang Mehiko ang isa sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo: ito ay ika-10 pinakamalaking tagalikha ng langis sa buong mundo, ang pinakamalaking tagamina ng pilak sa buong mundo, at itinuturing na makapangyarihan sa rehiyon at isa sa mga nakaaangat na bansa. Dagdag dito, ang Mehiko ang unang kasapi mula sa Latin Amerika ng Organisasyon para sa Pagtutulungang Pang-ekonomiya at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD) mula pa noong 1994, at itinuturing na bansang kumikita ng higit sa katamtaman ayon sa Bangkong Pandaigdigan (World Bank). Itinuturing din ang Mehiko bilang isang bagong industriyalisadong bansa (newly industrialized country) at isang umaangat na lakas (emerging power). Taglay nito ang ika-labinlimang pinakamalaking nominal na GDP at ikasampung pinakamalaking GDP batay sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity). Ang ekonomiya ng Mehiko ay matatag na nakaugnay sa mga bansang kabilang sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa Hilagang Amerika (North American Free Trade Agreement o NAFTA), partikular na ang Estados Unidos. Nakatalá ang Mehiko bilang ikaanim sa mundo at una sa buong Amerika pagdating sa bilang ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO (UNESCO World Heritage Site) na 32, at noong 2010 ay ang ikasampung pinakabinibisitang bansa sa daigdig na may 22.5 milyong turista bawat taon. Ayon sa Goldman Sachs, sa taóng 2050 inaasahang ang Mehiko ay magiging ikalimang may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Tinaya naman noong Enero 2013 ng PricewaterhouseCoopers (PwC) na pagdating ng 2050, maaaring maging ikapitong may pinakamalaking ekonomiya ang bansa. Kasapi ang Mehiko sa mga kilalang institusyon gaya ng UN, WTO, G20 at Uniting for Consensus.

New York

Para sa ibang gamit, tingnan ang New York (paglilinaw).Ang New York ay isang estado sa hilagang-silangang bahagi ng Estados Unidos. Minsan itong tinatawag na Estado ng New York kung kinakailangang itangi mula sa Lungsod ng New York. Dahilan sa malaking populasyon na katimugang bahagi ng estado, sa may Lungsod ng New York, ito ay hinati sa dalawang bahagi na tinatawag ng Upstate at Downstate. Ang Bagong York ay ang tirahan ng tanyag na Pulong Ellis.

Daglat postal: NY

Puerto Rico

Ang Puerto Rico, o Komonwelt ng Puerto Rico (Ingles: Puerto Rico, bigkas: /ˌpwɛrtə ˈriːkoʊ/ o /ˌpɔrtə ˈriːkoʊ/, opisyal na Commonwealth of Puerto Rico (Kastila: Estado Libre Asociado de Puerto Rico, literal na Kasaping (Asosyadong) Malayang Estado ng Puerto Rico, Ingles: Associated Free State of Puerto Rico), ay isang awtonomo o namamahala ng sarili na di-inkorporadong teritoryo ng Estados Unidos (hindi pa isang estado ng bansang Amerika) na matatagpuan sa hilagang-katimugang Caribe, sa silangan ng Republikang Dominikano at sa kanluran ng Mga Kapuluang Birhen Binubuo ito ng isang kapuluan o arkipelagong kinabibilangan ng pangunahing pulo ng Puerto Ricoat at isang bilang ng mas maliliit na mga kapuluan at mga Cay, na ang Vieques, Culebra, at Mona ang pinakamalalaki. Ang pangunahing pulong Puerto Ricoang pinakamaliit sa area ng mga lupain at pangalawang maliit sa bilang ng populasyon mula sa apat na Kalakhang Antiles (Kuba, Hispaniola, Hamayka, at Puerto Rico).

Karaniwang tinatawag ng mga Portorikenyo (nagiging Portorikenya kung mga kababaihan lamang) ang pulo ng Portoriko bilang Borinquen, mula sa Borikén, ang pangalan nito sa katutubong wikang Taíno. Hinango sa Borikén at Borinquen ang mga salitang boricua at borincano, ayon sa pagkakasunud-sunod, at karaniwang ginagamit upang kilalanin ang isang nagmula sa liping Portorikenyo. Tanyag ding tinatawag ang pulo bilang "La Isla del Encanto", na nangangahulugang "Ang Pulo ng Engkanto."

Rusya

Ang Pederasyong Ruso (Ruso: Российская Федерация, Rossijskaja Federacija) o Russia (Rusya) ay isang bansang sumasaklaw sa napakalawak na bahagi ng Silangang Europa at ng buong Hilagang Asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig na may tinatayang sukat na 17 075 40 km² at halos doble ng laki ng Canada, ang sumunod na pinakamalaking bansa. Ito rin ang ikasiyam na bansa na may pinakamaraming populasyon na umabot sa 142,000,000 katao. Umaabot hanggang buong Hilagang Asya at 40% ng Europa, na humigit kumulang siyam na sona ng oras at malawak na kalikasan at likas na yaman. Ito ang pinakamalaking reserba ng mineral at lakas enerhiya.Ang Rusya dati ang pinakanangingibabaw na republika ng Unyong Sobyet. Ngayon, bilang isang malayang bansa mula nang nabuwag ang Unyong Sobyet noong Disyembre 1991, isa itong maimpluwensiyang kasapi ng Commonwealth of Independent States (Komonwelt ng mga Malalayang Estado).

Malaking bahagi ng lawak, populasyon, at kapital ng Unyong Sobyet ay nasa Rusya. Sa ganon, pagkatapos mabuwag ang Unyong Sobyet, nagbigay hangad muli ang Rusya na magkaroon ng maimpluwensiyang papel sa mga kaganapan ng mundo. Kapuna-puna ang impluwensiyang ito, ngunit malayo pa rin sa dating hinahawak ng Unyong Sobyet.

Taiwan

Ang Republika ng Tsina, kilala bilang Taiwan (Ingles: Taiwan, bigkas: /tay·wán/, literal na kahulugan: "baybaying may pilapil") ay isang teritoryo sa Silangang Asya na binubuo ng isang kapuluan, at ang pinakamalaki at importanteng pulo ay mismong Taiwan. May lawak ito na 35,981². Pinatalsik ito sa United Nations nang iniupo ng mga kasaping bansa ang Republikang Bayan ng Tsina bilang kapalit nito. Kinikilala naman ng 27 mga bansa ang Taiwan bilang Republika ng Tsina. Kahit na hindi kinikilala ng karamihan ng mga bansa sa mundo ang Taiwan, pinapanatili pa rin nito ang kanyang relasyong ekonomiko at militar sa ilan sa kanila.

Makontrobersiya ang kalagayan ng Taiwan dahil sa isyu na kung dapat ba itong manatiling ang Republika ng Tsina, maging bahagi ng Republikang Bayan ng Tsina, o maging isang nakapangyayaring Republika ng Taiwan. Sa kasalukuyan, isa itong de facto na soberanong estadong nakatayo sa isang demokrasyang representatibo. Republika ng Tsina ang opisyal na pangalan ng estado. Iba-iba ang mga pananaw ng mga nagkakaibang grupo sa kung ano sa kasalukuyan ang pormal na sitwasyong pampolitika. Silipin din ang Kalayaang Taiwanese at reunipikasyong Tsino.

Ang Taiwan, dating tinatawag na Formosa, ay isang islang hugis-mani. Ito’y nasa hilaga ng pilipinas at nasa kanluran ng baybayin ng Dagat Luzon. Dalawang hanay ng mga bundok ang nasa silangang baybayin,ang mga ito’y dahan-dahang dumadalisdis sa baybaying kanluranin na tilabai-baytang na mga lupang lambak. Mula sa likas na mga (baibaytang na Look). Sinasabing nabighani ang mga unang maglalayag na Portuges sa kagandahan ng isla, at tinawag itong Ilha Formosa, ang Portuges ng “Magandang Pulo”.

Ang Taipei ang kabisera ng Taiwan. Malapit ito sa Dagat Luzon ng Pilipinas. Dating nasasakupan ng Britanya ang Taiwan, mula noong 1843.

Talaan ng mga bansa

Ito ang alpabetikong talaan ng mga bansa ng mundo, kasama ang mga parehong internasyonal na kinikilala at pangkalahatang hindi kinikilalang mga malayang estado, may nanirahang dumidependeng teritoryo, kasama din ang mga lugar na may espesyal na soberanya. Sinasakop lahat ang mga bahagi sa ilalim ng hurisdiksiyon ng mga natalang bansa, kabilang ang teritoryo, teritoryong bahagi ng tubig (kabilang ang panloob na mga bahagi ng tubig at karatig na sona), Ekslusibong Sonang Pang-ekonomiya, continental shelf at espasyong panghimpapawid. Para sa isang talaan ng mga malalayang estado lamang, tingnan ang talaan ng mga malalayang estado.

Texas

Ang Estado ng Texas /tek·sas/ ay isang estado ng Estados Unidos.

Wikang Telugu

Ang Wikang Telugu (Ingles pronunciation: /ˈtɛlᵿɡuː/; తెలుగు telugu, Padron:IPA-te) ay isang wika ng Dravidian na katutubo sa bansang India, ito ay sinunod ng wikang Hindi, Wikang Ingles, at Wikang Bengali bilang isa sa kaunting wika na may opisyal na status sa mahigit isang Estado ng India; ito ay isang pahunahing wika sa estado ng Andhra Pradesh, Telangana, at sa lugar ng Yanam sa Puducherry.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.