Ensiklopedya

Ang isang ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya, o ensayklopidiya (Ingles: encyclopedia) ay isang koleksiyon ng mga kaalaman ng tao.

Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na εγκύκλιος παιδεία, enkyklios paideia ("sa loob ng sirkulo ng pagturo"). Mula sa salitang εγκύκλιος, na may ibig sabihing hugis sirkito na binubuo ng mga salitang κύκλος o sirkito at παιδεία, o instruksiyon.

Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan (Ang Encyclopædia Britannica ay isang kilalang halimbawa), or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya ng medisina o pilosopiya). Mayroon din mga ensiklopedya na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw, tulad ng Great Soviet Encyclopedia.

Ang mga tao ay bumuo ng maraming ensiklopedya sa kasaysayan nito, ngunit ang terminong ensiklopedya ay ginamit lamang noong ika-16 daantaon.

Der Neue Pauly

Mga naunang ensiklopedya

Maraming naunang manunulat (tulad ni Aristotle) ang sumubok na isulat ang buong kaalman ng tao. Ngunit si John Harris ay ang madalas na kinikilala sa pagbu noong 1704 ng format na ginagamit ng mga ensiklopedya ngayon sa pamamagitan ng kanyang Lexicon technicum. Ang doktor na si Sir Thomas Browne ay gumamit ng salitang ensiklopedya upang tawagin ang pinagsamsang refuted Vulgar Errors na tinatawag din bilang Pseudodoxia Epidemica noong 1646 (ika-6 na edisiyon 1676). Ang kinikilalang Encyclopædia Britannica ay mayroong mapakumbabang pinagmulaanan: mula 1768 hangang 1771 tatlong tomo ang naipalimbag. Maari na ang pinakakinikilalang sa mga naunang ensiklopedya ay ang French Encyclopédie ni Jean Baptiste le Rond d'Alembert at ni Denis Diderot na nabuo noong 1772 (28 tomo, 71,818 na artikulo, 2,885 na larawan o ilustrasyon).

Ang hirarkiyal na kaayusan at ang paglaki ng mga ensiklopedya ay bagay na bagay sa disk-based o on-line na pormang pangkompyuter, at ang karamihan ng mga nakasulat na ensiklopedya ay lumipat na sa ganitong paraan ng paglimbag sa katapusan ng Ika-20 siglo. Disk-based (kadalasang sa pormang CD-ROM) ay murang murang magagawa at napakadaling dalahin kung saan saan. At maari din magsama ng mga impormasyong hindi magagawa sa nakasulat sa papel na porma tulad ng mga animation, audio, at video. Hyperlinking mula sa mga iba't ibang bagay ay malaki din ang naitutulong, dahil makakatipid sa oras sa pagbuklat ng mararaming tomo ng kasulatan. Ang on-line na ensiklopedya ay nagbibigay naman ng impormasyong dynamic - ang mga makabagong impormasyon ay maaring agad-agad na maidadagdag sa dokumento na hindi kaya ng pormang statiko tulad ng galing sa CD-ROM o libro.

Ang mga impormasyon sa nakalimbag na ensiklopedya a nangangailangan ng isang hirarkiyal na kaayusan, at kadalasan ang ginagamit na paraan ay ang pagaayos ng mga impormasyon base sa alphabeto ng mga titulo. Sa pamamagitan ng dynamic na porma, ang ganitong klaseng kaayusan ay hindi na kinakailangan. Ngunit, karamihan ng mga elektronik na ensiklopedya ay nagbibigay pa rin ng kaayusan sa mga artikulo nito tulad ng pagaayos ayon sa paksa o ang pangkaraniwang ayos base sa alphabeto.

Ang artikulong ito ay parte ng Wikipedia, na isang ensiklopedya.

Patungkol sa pagbaybay

Hindi mali ang mga baybay na encyclopedia, encyclopaedia, o encyclopædia. Gayon man sa kasaysayan, kumakatawan sa isang napakalumang pagkakamali ang dalawang nahuli. Ayon sa Oxford English Dictionary, isang "psuedo-Greek" ang baybay na may ae o æ at "isang anyo na lubusang mali (sinasabing maling pagbasa) na nangyayari sa MSS. ni Quintilian, Pliny, at Galen". Sinusulat ng Oxford English Dictionary na di matagpuan ang æ sa orihinal na Griyego enkyklios paideia para sa "edukasyong encyclical", isinisalarawan bilang "ang sirkulo ng sining at agham na inaayunan ng mga Griyego bilang kailangan sa isang liberal na edukasyon".

Pinapahayag ng Oxford English Dictionary na ang baybay na may æ ay "pinangalagaan na maging lipas na sa pamamagitan ng katotohanan na may pamagat na Latin bilang Encyclopædia Britannica ang karamihan ng mga tinatawag na mga gawa. Kinabibilangan ng gayong ensiklopedya ang pinagbigkis na anyo na æ sa kanyang opisyal na pangalan.

Di bababa sa kalahati ang pagkabanggit sa Oxford English Dictionary sa mga tinatawag na "maling" baybay. Di naghahayag ng pagpili ang Oxford English Dictionary o ang Webster's Third New International Dictionary, bagaman nilalagay ng Britanikong Oxford English Dictionary ang anyong æ sa una, at nilalagay naman Amerikanong Webster sa ikalawa.

Tingnan ang listahan ng mga ensiklopedya para sa mga link sa isang partikular na ensiklopedya.

Tingnan din

Mga tanyag na ensiklopedista bago mag-1700

  • Suidas
  • Vincent ng Beauvais (Vicente ng Beauvais)
  • Bartholomeus de Glanvilla (Bartolome ng Ingglaterra)
  • John Henry Alsted
  • Louis Moréri
  • John Jacob Hoffman
  • Pierre Bayle, para sa mga edisyong nasa Internet, pumunta sa www.lett.unipmn.it
  • Vincenzo Coronelli
  • Theodor Zwinger (1533-1588)
  • Sir Thomas Browne (1605-82), tingnan ang penelope.uchicago.edu
  • Pliny the Elder
  • San Isidoro ng Seville (San Isidro ng Sevilla)
  • Hrabanus Maurus
  • Ensiklopedyang Yongle

Mga kawing panlabas

Anime News Network

Ang Anime News Network (ANN) ay isang websayt na pambalita para sa industriya ng anime na nag-uulat hinggil sa kalagayan ng mga anime, manga, popular na musikang Hapones at iba pang mga pang-Otaku na may kinalaman sa kultura sa loob ng Hilagang Amerika, Australya at sa bansang Hapon. Karagdagan pa, minsan, ang mga katangian katulad mga pangyayaring pang-otaku sa buong Anglosphere at sa ibang lugar sa mundo.

Ang website ay nag-aalok ng mga review at iba pang mga editoryal na nilalaman, na kung saan ang mga mambabasa ay maaaring forums-usapan ang mga isyu at mga kaganapan, at isang ensiklopedya na naglalaman ng isang malaking bilang ng mga anime at manga na may impormasyon tungkol sa Hapon at Ingles na kawani, mga tema songs, buod, at ratings.

Itinatag noong Hulyo 1998 ni Justin Sevakis, sinasabi ng kanilang website na sila ang nangungunang Ingles-wika para sa mga balita at impormasyon tungkol sa anime at manga sa Internet.

Sila rin ang nag-ooperate ng magazine na Protoculuture Addicts.

Ang website ay may hiwalay na mga bersiyon ng mga balita na nilalaman naglalayong patungo sa mga mambabasa sa Amerika at Australia.

Bakuman

Ang Bakuman, isinusulat bilang Bakuman。 (バクマン。) ay isang shōnen manga na isinulat ni Tsugumi Ohba at iginuhit ni Takeshi Obata.

Beelzebub (manga)

Ang Beelzebub (べるぜバブ, Beruzebabu) ay isang manga (komiks ng Hapon) na isinulat at iginuhit ni Ryūhei Tamura na inilathala nang baha-bahagi sa magasing Weekly Shōnen Jump ng Shueisha. Ito ay unang inilathala nang isang bagsakan ni Tamura sa 2008 Weekly Shōnen Jump mula sa ika-37 hanggang sa ika-38 na tomo, kung saan ito ay nanalo sa ikaapat na Gold Future Cup. Ito ay inilathala nang baha-bahagi sa kaparehong magasin sa simula ng ika-13 na tomo noong 2009. Isang OVA na gawa ng Studio Pierrot ay ipinalabas sa Jump Super Anime Tour noong Oktubre 2010, kasunod ng TV anime series na sinimulang ipalabas sa bansang Hapon noong ikasiyam na Enero 2011.

Catholic Encyclopedia

Ang The Catholic Encyclopedia: An International Work of Reference on the Constitution, Doctrine, Discipline, and History of the Catholic Church, tinutukoy rin na Old Catholic Encyclopedia at Original Catholic Encyclopedia, ay isang ensiklopedya sa wikang Ingles na nilathala sa Estados Unidos. Lumabas ang unang tomo noong Marso 1907 at ang huling tatlong tomo ay lumabas noong 1912, na sinundan ng isang master index na tomo noong 1914 at kalaunang mga karagdagang tomo. Ginawa ito "upang mabigyan ang mga mambabasa nito ng ganap at mapagkakatiwalaang impormasyon hinggil sa mga interes, pagkilos at doktrinang Katoliko."Ang Catholic Encyclopedia ay inilathala ng Robert Appleton Company, isang kumpanyang itinatag sa New York noong Pebrero 1905 upang mabilis na mailathala ang ensiklopedya. Ang limang kasapi ng Lupong Patnugutuan ay siya ring nagsilbing mga direktor ng kumpanya. Noong 1912, pinalitan ang pangalan ng kumpanya at naging The Encyclopedia Press. Ang paglathala ng mga tomo ng ensiklopedya ang tanging operasyon ng kumpanya.

DNA²

Ang DNA² (D・N・A² ~何処かで失くしたあいつのアイツ~, DNA² Dokokade Nakushita Aitsuno Aitsu) ay isang seryeng manga na Kathang-isip na salaysaying pang-agham ni Masakazu Katsura, na kung saan ay kinuha ng seryeng anime.

Ito ay binigyang halaga sa magasing Weekly Shōnen Jump ng Shueisha sa pagitan ng 1993 hanggang 1994, na binubuo ng 5 bolyum.

Drugs.com

Ang Drugs.com ay isang onlayn na ensiklopedya ukol sa parmasyutika na kung saan ay nagbibigay ng impormasyon sa gamot para sa mga konsyumer at sa mga propesyonal na makikita sa Estados Unidos.

Encyclopædia Britannica

Ang Encyclopædia Britannica (Latin para "British Encyclopaedia" o Ensiklopedyang Briton), na nilimbag ng Encyclopædia Britannica, Inc., ay isang ensiklopedyang nasa wikang Ingles na tumatalakay sa pangkalahatang kaalaman. May higit sa 100 regular na patnugot at mahigit sa 4,000 nag-aambag, kabilang ang 110 na mga nanalo sa Nobel Prize at limang Pangulo ng Estados Unidos. Itinuturing itong isa sa mga pinaka-paham na ensiklopedyang nakasulat sa wikang Ingles.

Ang ika-15 na edisyon ay may isang tatlong-bahagi ng istraktura: isang 12-volume Micropædia ng maikling artikulo (sa pangkalahatan mas kaunti sa 750 mga salita), isang 17-volume Macropædia ng mahabang artikulo (dalawa hanggang 310 mga pahina), at isang solong Propædia volume upang magbigay ng isang hierarchical balangkas ng kaalaman. Ang Micropædia ay sinadya para sa mabilis na katotohanan-checking at bilang isang gabay sa mga Macropædia; mga mambabasa ay pinapayuhan na pag-aralan ang Propædia outline upang maunawaan ang konteksto ng isang paksa at upang mahanap ang karagdagang detalyadong mga artikulo. Sa paglipas ng 70 taon, ang laki ng mga Britannica ay nanatiling hindi gumagalaw, na may tungkol sa 40 milyong mga salita sa kalahati ng isang milyong mga paksa. Kahit na-publish sa Estados Unidos mula noong 1901, ang Britannica ay para sa pinaka-bahagi pinananatili British English spelling.

Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Internet

Tungkol sa Internet ang artikulong ito, ang malawak na computer network na maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo. Mas pangkalahatang kataga ang isang internet para sa anumang magkakasamang magkakabit na mga computer network na pinagkabit sa pamamagitan ng internetworking.Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba pang teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magkakaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web

Papa Silverio

Si Santo Papa Silverio o Pope Saint Silverius [Ingles] ay nagsilbing papa at tagapamamahala ng Simbahang Katoliko. Bilang isang papa, naglingkol siya mula Hunyo 8, 536 hanggang Marso, 537). Lehitimong anak siya ni Papa Hormisdas, na ipinanganak bago man maging pari ang kaniyang ama. Pinaniniwalaang sumailalim siya sa pamamaraan ng konsekrasyon para maging santo noong Hunyo 8, 536.

Politika ng Pilipinas

Ang Pamahalaang Pambansa o sangay Tagapagpaganap ng ating bansa ay binubuo ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at ng mga kagawad ng Gabinete na binubuo ng iba’t-ibang kagawaran.

The Modern Home Physician

Ang The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge (o "Ang Makabagong Pangtahanang Manggagamot, Isang Bagong Ensiklopedya ng Kaalamang Pangmedisina" sa pagsasalinwika) ay isang ensiklopedyang pang-medisinang unang nilathala ng Wm. H. Wise & Company sa Bagong York noong 1939. Pinatnugutan ito ni Victor Robinson, Ph.C., M.D., na isang manggagamot at propesor ng Kasaysayan ng Panggagamot sa Paaralan ng Medisina ng Pamantasan ng Temple sa Philadelphia, Pennsylvania at isa ring punong-patnugot ng mga babasahing Historia Medicinae (Kasaysayan ng Panggagamot), Medical Life (Buhay sa Medisina), at Medical Review of Reviews (Pagsusuring Panggagamot ng mga Pagsusuri). Isa itong bihirang sanggunian at edisyong pang-kolektor na may mga ipinasok na kaalaman na nasa anyong pang-ensiklopedya at nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga titik sa alpabeto. Idinisensyo ang aklat para sa paggamit sa tahanan. Mayroon itong 792 mga pahinang naglalaman, bukod sa mga teksto, ng 232 mga litrato at halos 700 mga larawang iginuhit ng kamay.

The New Book of Knowledge

Ang The New Book of Knowledge (o Ang Bagong Aklat ng Kaalaman) ay isang ensiklopedyang pangunahing inilimbag para sa mga bata na nasa ikatlo hanggang ikawalong baitang. Nililimbag ng Scholastic Press, nagdaan ito paglalathala ng maraming mga edisyon. Nilimbag ang edisyon ng 2007 na may 21 bolyum o tomo at naglalaman ng mahigit sa 9,000 mga artikulo. Sa pakikipagkasunduan sa Scholastic, nilalathala ng Grolier ang mga nilalaman ng ensiklopedya na nangangailangan ng pagpapatala o rehistrasyon ng gagamit.

Tuluyan

Ang pananalitang tuluyan, tuluyan, o prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng nasusulat o sinasalitang wika. Hindi ito patula, at hindi anumang natatanging anyo na katulad ng mga talaan, tala, o mga talahanayan. Sa pagsusulat, wala itong natatanging ritmo, at kahalintulad ng pang-araw-araw na komunikasyon. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba ng tuluyan sa panulaan, at sa mga akdang pangtanghalan na katulad ng mga dula.

Nagmula ang salitang prosa buhat sa Latin na prosa, na nangangahulugang "tuwiran" o "hindi paliguy-ligoy", kaya't ang katagang "prosaiko" ("deretsahan" o "hawig sa prosa") ay karaniwang ginagamit para sa paglalarawan ng mga katotohanan o talakayan ng kung anuman ang nasa isipan ng isang tao, na isinangkap sa malayang dumadaloy na pananalita. Maaari itong gamitin para sa mga pahayagan, mga nobela, mga ensiklopedya, midyang binobrodkast o sumasahimpapawid, mga liham, mga kuwento, kasaysayan, pilosopiya, talambuhay, at marami pang ibang mga anyo ng midya.

Sa pangkalahatan, walang pormal na kayarian ang tuluyang pananalita, katulad ng metro o rima (tugmaan ng tunog ng huling mga pantig) na kadalasang natatagpuan sa panulaan. Kung gayon, ginagamit ito upang ilarawan ang panitikang hindi patula, at hindi pangteatro. Subalit mayroon isang paghahalo ng dalawang mga anyong ito sa panitikan, na kung tawagin ay tuluyang panulaan o prosang panulaan.

Wikang Italyano

Ang wikang Italyano ay kabilang sa malaking pamilya ng mga wikang kilala sa tawag na Indo-Europeo. Ito ay nabibilang sa sangay ng mga wikang Romanse, na nagmula sa Latin, na kinabibilangan ng Espanyol, Pranses, Portuges, Romanian, Galyego at Katalan. Ginagamit ang wikang ito sa Italya, San Marino, ilang bahagi ng Swisa, at mga dating kolonya ng Italya sa Aprika. Ang Italiano ay may mga diyalektong tinatawag na Neo-Romanse, na matatagpuan sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Ang modernong Italiano ang opisyal na wika, at base sa diyalektong Florentino o Toscano, mga wika na ginamit ng mga manunulat na sina Dante Alighieri, Francesco Petrarca, at Boccaccio, mga itinuturing na pambatong manunulat na Italiano. Noong Gitnang Panahon, ang Latin, ang wika ng mga Romano, ang malaganap na ginagamit sa Europa dahil sa sakop ng mga ito ang malaking bahagi ng Europa, kasama na ang ngayon ay Espanya, Pransiya, Portugal, Romanya, England, Alemanya, at marami pang iba.

Wikang Sanskrito

Ang Wikang Sanskrito (संस्कृता वाक् saṃskṛtā vāk, o संस्कृतम् saṃskṛtam) ay isang sinauna at klasikong wika ng Indiya. Ang wikang ito ay pangunahing ginagamit sa liturhiya ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, at Jainismo. Ito rin ay isa sa dalawampu't dalawang opisyal na wika ng Indiya.

Wikang Tamil

Ang wikang Tamil ay isang wikang sinasalita sa estado ng Tamil Nadu ng Indiya. Ginagamit din ang wikang ito sa Sri Lanka, Singgapur at Malaysia. Kabilang ito sa mag-anak ng wikang Drabidyano. Isa itong wikang klasiko, at isa sa pinakamatandang wikang pampanitikan sa mundo. Ang pinakamatandang tekstong natagpuan na nasa wikang Tamil ay ang Tolkāppiyam. Isa ang Tamil sa pinakamatandang nabubuhay o umiiral pang wika sa mundo.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

WikiPilipinas

Ang WikiPilipinas (dating kilala bilang Wikipiniana) ay isang malayang-nilalamang websayt na naglalarawan sa sarili bilang gumaganap na kombinasyon ng "'di-maka-akademikong ensiklopedya", puntahan sa Internet, direktoryo at almanake para sa kaalamang tungkol sa Pilipinas. Tulad ng Wikipedia, naglalaman ito ng iba't-ibang artikulo tungkol sa mga paksang may kaugnayan sa Pilipinas. 'Di-tulad naman sa Wikipedia, marami sa mga artikulo nito ay naglalaman ng mga paksang maaaring ituring na 'di maka-ensiklopedya ng mas mahigpit na Wikipedia. Halimbawa, isinusulong nito ang konsepto ng orihinal na pananaliksik at binabaliwala nito ang simulaing tinging walang kinikilingan ng mas malaking ensiklopedya.

Ibinuo ang ideya ng WikiPilipinas noong 2006 ni Gaspar Vibal, ang may-ari ng Vibal Publishing House na kilala sa paglimbag ng mga araling aklat. Opisyal na naging buhay ang WikiPilipinas (bilang Wikipiniana) noong 12 Hunyo 2007 na may ilang libong artikulo na isinanga (forked) mula sa Wikipediang Ingles. Pinalitan naman ang pangalan nito mula Wikipiniana sa WikiPilipinas noong 7 Hulyo, ilang linggo pagkatapos itong nabuhay. Pormal naman na nailabas na nakilala ang websayt sa ika-28 Pandaigdigdang Peryang Pang-aklat ng Maynila sa huling bahagi ng Agosto sa taong iyon.

Ang kapilas nito sa Filipino ay ang WikiFilipino.

Wikipedia

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may basehang wiki at may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa dahilan na ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.

Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyekto na nasa wikang Ingles noong Enero 15, 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.