Endemismo

Ang endemismo ay isang kalagayan o estadong ekolohikal na pagiging kakaiba dahil sa partikular na lokasyong heograpikal, tulad ng espesipikong isla, uri ng habitat, bansa, o iba pang depenidong lugar.[1] Ang pagiging endemiko sa isang lugar ay ibig sabihin na nahahanap lang ito sa iisang parte ng mundo at wala nang iba. Halimbawa, maraming species ng lemur ay endemic lamang sa Madagascar. Ang mga pisikal, klimatiko at mga biolohikal na factors ang umaapekto at puwedeng makadulot endemismo. Halimbawa, ang Orange-breasted Sunbird ay endemiko lamang sa Fynbos, ibig sabihin, ito ay nahahanap lamang sa behetasyong Fynbos sa Timog Amerika.

May dalawang subkategorya ang endemismo - paleoendemism at neoendemism. Ang paleoendemism ay tumutukoy sa mga species na dating kalat, ngunit ngayon ay nasa mas maliit na lugar na lang ang habitat nito. Ang neoendemism ay tumutukoy sa mga species na bago lamang ngunit ang species ay nag-iba at neging isolado sa pamamaraan ng panganganak, o sa proseseo na tinatawang na hybidization at ngayon ay tinutukoy sa bilang hiwalay na species. Ito ay isang madalas na proseso sa mga halaman na nagpapakiyta ng polyploidy. Ang kabaliktad na nosyon ay tinatawag na cosmopolitan distribution.

Orange-breasted Sunbird (Nectarinia violacea)
Ang Orange-breasted Sunbird (Nectarinia violacea) ay nahahanap lamang sa behetasyong Fynbos.

Mga rehiyon na may mataas na endimismo

Ayon sa organisasyong World Wildlife Fund, ang mga sumusunod sa ecoregions ay may pinakamalaking bahagdan ng mga endeikong mga halaman:

Mga sanggunian

  1. http://dictionary.reference.com/browse/endemic Endemic sa dictionary.reference .com
Capparis spinosa

Ang Capparis spinosa (Ingles: caper, caper bush, Flinders rose; Espanyol: alcaparro) ay isang santaunan o perenyal na halamang nalalagasan ng dahon tuwing taglamig na nagkakaroon ng mga dahong malaman at mabilog at namumulaklak ng malalaking puti hanggang marosas na puting mga bulaklak. Kilala ang halaman para sa mga nakakain na mga usbong ng mga bulaklak na tinatawag na mga caper, na kadalasang ginagamit bilang panimpla, at ang bungang caper berry, na kapwa kinukunsumo bilang inatsara o binuro. Ang ibang mga espesye ng Capparis ay binuburo ring katulad ng C. spinosa dahil sa kanilang mga usbong at mga bunga. Ang ibang mga bahagi ng mga halamang Capparis ay ginagamit sa pagmamanupaktura ng mga gamot at mga kosmetiko.

Mayroong Capparis spinosa sa halos lahat ng mga bansang nasa paligid ng lunas ng Mediteraneo, at kasama sa kabuoang pambulaklak ng karamihan sa mga ito, subalit hindi natitiyak kung katutubo ito sa rehiyong ito. Bagaman ang mga halaman ng rehiyong Mediteraneo ay mayroong sapat na endemismo, ang palumpong ng caper ay maaaring nagmula sa tropiko, at lumaong naging likas sa lunas ng Mediteraneo.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.