Edukasyon

Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

Tingnan din

  • Sosyalisasyon



Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito..

Bicol

Para sa ibang gamit, tingnan ang Bikol (paglilinaw).

Ang Bicol (binabaybay ding Bikol; tinatawag ding Kabikulan at Rehiyon 5) ay isa sa 17 mga rehiyon ng Pilipinas. Binubuo ang Bicol ng limang lalawigan sa Tangway ng Bikol, ang pinakatimog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon, at ng dalawang pulong lalawigan malapit sa tangway. Ang Lungsod ng Legazpi ang kabisera, sentro ng pulitika at administrasyon ng rehiyon, samantalang ang Lungsod ng Naga naman ang sentro ng relihiyon, edukasyon, ekonomiya, industriya at ekonomiya sa rehiyon.

Brazil

Ang Brasil, opisyal na tinatawag na Pederatibong Republika ng Brasil (Portuges: República Federativa do Brasil), ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

Cebu

Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng Kalakhang Cebu kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.

Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.

Colegio de San Juan de Letran

Ang Colegio de San Juan de Letran (CSJL) (o San Juan de Letran College (SJLC), Letran College (LC), o Letran) ay isang mataas at pribadong kolehiyo pang Katoliko na matatagpuan sa Intramuros, Maynila. Itinatag ito noong taong 1620 ng mga prayleng Dominikano, at mayroon itong programa para sa elementarya, sekondarya, at mga kolehiyo ng malalayang sining at agham, negosyo at edukasyon.

Ito ay kasalukuyang pinamumunuan ni Rev. Fr. Tamerlane Lana, O.P., Rector.

Guimaras

Ang Guimaras (pagbigkas: gi•ma•rás) ay isang pulong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kilala ang lalawigan sa mangga na pangunahin nitong produktong na iniluluwas pa sa ibang bansa. Jordan ang kabisera ng lalawigan.

Inang diwa

Ang inang diwa (o inang-diwa) ay isang parirala na mas kilala bilang alma mater, isang pariralang Latin na nangangahulugang "inang nagpapalusog". Ginamit ang parirala sa sinaunang Roma upang tumukoy sa ilang mga inang diyosa, lalo na kay Seres o Sibeles, at ng mga Kristiyano noong Gitnang Panahon bilang pantukoy sa Mahal na Birheng Maria.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang parirala upang tumukoy sa paaralan, dalubhasaan o pamantasan na ikinatapos ng isang mag-aaral at kung saan kinuha niya ang kanyang katibayan ng pagtatapos: diploma, batsilyer o doktorato man. Maaari rin itong tumukoy sa isang awit o himno na may kaugnayan sa nasabing paaralan, dalubhasaan o pamantasan: halimbawa, ang U.P. Naming Mahal ay kinikilala na awiting alma mater ng Unibersidad ng Pilipinas.

Kalakhang Maynila

Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metropolitan Manila), tinatawag din bilang Pambansang Punong Rehiyon (Ingles: National Capital Region), ay isang kalakhang rehiyon na binubuo ng Maynila kasama ang mga karatig lungsod ng Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasay, Pasig, Lungsod ng Quezon, San Juan, Taguig, at Valenzuela kasama ang bayan ng Pateros.

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon.

Lungsod Quezon

Ang Lungsod Quezon (Ingles: Quezon City, pinaikling QC) o Lungsod ng Quezon ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kabisera ng bansa.

Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.

Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas at ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Diliman. Paki-tingnan rin ang RSHS-NCR.

Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga pamahayan (residential) na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.

Lungsod ng Dabaw

Ang Lungsod ng Dabaw (Kastila: Davao) ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakalan at pananalapi sa Mindanao. Ito rin ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop ng lupain, na may higit sa 2444 kilometro kwadrado. Ang lungsod rin ang nagsisilbing sentro ng Kalakhang Dabaw, ang pinakamataong sentrong urbano sa Mindanao. Ito ay isa sa mga lungsod ng Pilipinas na nagmamahalang nagsasarili, bagaman pinapangkat ito sa lalawigan ng Davao del Sur para sa ibang layuning estadistiko. Ang lungsod ay sentrong pangrehiyon din ng Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI).

Ayon sa senso noong 2010, mayroon itong populasyon na 1,449,296 katao. Sa katunayan ang BARANGAY ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas sa labas ng Kalakhang Maynila at ang ika-4 sa bansa.

Lungsod ng Masbate

Ang Lungsod ng Masbate ay isang ika-5 klaseng lungsod sa lalawigan ng Masbate, Pilipinas. Ito rin ang nagsisilbing kabisera ng lalawigan. Ayon sa 2000 census, ito ay may kabuuang populasyong 71,441 katao sa 13,400 kabahayan.

Mga kagawarang tagapagpaganap ng Pilipinas

Ang mga Kagawarang Tagapagpaganap ng Pilipinas ay ang pinakamalaking bahagi ng pambansang sangay tagapagpaganap ng pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga kagawaran ay nagbubuo ng pinakamalaking bahagi ng burukrasya ng bansa.May kabuuang labing-siyam na kagawarang ehekutibo. Ang mga namumuno sa mga Kagawarang Tagapagpaganap ay kilala rin bilang Gabinete ng Pilipinas.

Noong panahon ng pamumuno ni Ferdinand Marcos, ayon sa mandato ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1973, binago niya ang mga kagawaran at ginawang mga ministeryo mula 1978 at sa pagwawakas ng kanyang pamahalaan. Kaya't ang Kagawaran ng Edukasyon ay naging Ministeryo ng Edukasyon, Kultura at Palakasan.

Mosku

Ang Mosku (mula sa Kastila: Moscú, Ruso: Москва o Moskva, Inggles: Moscow) ay ang kabisera, pinakamataong lungsod at pinakamataong lipunang pederal ng Rusya. Ang lungsod ay isang mahalagang sentrong pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, pang-agham, panrelihiyon, pansalapian, pang-edukasyon at pantranportasyon ng Rusya at ng kontinente. Ang Mosku ay ang pinaka-hilagang lungsod sa daigdig sa mga may populasyong higit sa 10 milyon, pinakamataong lungsod na nasa kontinente ng Europa at ang ika-anim na pinakamalaking lungsod sa daigdig. Ang populasyon nito, ayon sa simula ng mga resulta ng bilangan ng 2010, ay 11,514,300. Ayon sa Forbes 2011, ang Mosku ay mayroong 79 bilyonaryo, at siyang pumalit sa Nueva York bilang lungsod na may pinakamaraming bilyonaryo.

Ang Mosku ay matatagpuan sa ilog Moscova sa Gitnang Distritong Pederal ng Europeong Rusya. Sa pagdaan ng kasaysayan nito, ang lungsod ay nagsilbing kabisera ng mga nagsilipasang mga bansa, mula sa Dakilang Dukado ng Mosku at sa sumunod na Zarato ng Rusya hanggang sa Unyong Sobyet. Ang Mosku ay ang kinalalagyan ng Kremlin, isang moog na sa ngayon ay siyang tahanan ng Rusong Presidente at ng sangay-tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Rusya. Ang Kremlin ay isa sa ilang mga World Heritage Site sa lungsod. Ang dalawang pangkat ng Rusong parlamento (ang Duma ng Estado at ang Konsilyo ng Pederasyon) ay nakaupo rin sa Mosku.

Ang lungsod ay sinerserbisyuhan ng malawakang sistemang pantransportasyon, na kasama ang apat na paliparang pandaigdig, siyam na estasyon ng "malayuang" tren at ang Moscow Metro, pangalawa lamang sa Tokyo pagdating sa dami ng sumasakay at kilala bilang isa sa mga palatandaan ng lungsod dahil sa iba't ibang disenyo ng 182 estasyon nito.

Sa paglipas ng panahon, ang Mosku ay binansagan ng ilang mga palayaw, na ang karamihan ay tumutukoy sa laki nito at katayuan sa loob ng bansa: Ang Pangatlong Roma (Третий Рим), Putimbato (Белокаменная), Ang Unang Trono (Первопрестольная), Ang Apatnapung Apatnapu (Сорок Сороков).

Ang tawag sa mga taga-Mosku ay Muscovita.

Pagadian

Matatagpuan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ang lungsod ng Pagadian ay isang "2nd class city." Ito ang kabisera ng nasabing lalawigan at tinatayong sentro rehiyonal ng Tangway ng Zamboanga (Zamboanga Peninsula). Ang Pagadian ay binansagang "Munting Hong Kong ng Katimugan."

Pamantasan

Ang pamantansan o unibersidad ay isang institusyon ng mas mataas na edukasyon at pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba't-ibang larangan. Naglalaan ang isang pamantasan ng edukasyon para sa 'di pa tapos at sa nagtapos ng edukasyong tersera-klase.

Ang etimolohiya ng salitang "pamantasan" ay ang salitang pantas o matalinong matanda, sapagka't ang etimolohiya ng salitang "unibersidad", na hiniram mula sa Espanyol, ay mula sa pariralang universitas magistrorum et scholarium ng Latin, na nangangahulugang "pamayanan ng mga guro at iskolar".

Parañaque

Ang Lungsod ng Parañaque, o mas kilala bilang Parañaque, ay isa sa mga bayan at lungsod na bumubuo ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay naliligiran sa hilaga ng Lungsod ng Pasay, ng Lungsod ng Taguig sa hilagang-silangan, Lungsod ng Muntinlupa sa timog-silangan, Lungsod ng Las Piñas sa timog-kanluran, at ng Look ng Maynila sa kanluran.

Rusya

Ang Pederasyong Ruso (Ruso: Российская Федерация, Rossijskaja Federacija) o Russia (Rusya) ay isang bansang sumasaklaw sa napakalawak na bahagi ng Silangang Europa at ng buong Hilagang Asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig na may tinatayang sukat na 17 075 40 km² at halos doble ng laki ng Canada, ang sumunod na pinakamalaking bansa. Ito rin ang ikasiyam na bansa na may pinakamaraming populasyon na umabot sa 142,000,000 katao. Umaabot hanggang buong Hilagang Asya at 40% ng Europa, na humigit kumulang siyam na sona ng oras at malawak na kalikasan at likas na yaman. Ito ang pinakamalaking reserba ng mineral at lakas enerhiya.Ang Rusya dati ang pinakanangingibabaw na republika ng Unyong Sobyet. Ngayon, bilang isang malayang bansa mula nang nabuwag ang Unyong Sobyet noong Disyembre 1991, isa itong maimpluwensiyang kasapi ng Commonwealth of Independent States (Komonwelt ng mga Malalayang Estado).

Malaking bahagi ng lawak, populasyon, at kapital ng Unyong Sobyet ay nasa Rusya. Sa ganon, pagkatapos mabuwag ang Unyong Sobyet, nagbigay hangad muli ang Rusya na magkaroon ng maimpluwensiyang papel sa mga kaganapan ng mundo. Kapuna-puna ang impluwensiyang ito, ngunit malayo pa rin sa dating hinahawak ng Unyong Sobyet.

Telebisyon

Ang telebisyon (TV) o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.

Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang telebisyon ay pangmasang panghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok.

Thailand

Ang Kaharian ng Thailand o Taylandiya ay isang bansa sa Timog-Silangang Asya, napapaligiran ito ng Laos at Cambodia sa silangan, ang Tangway ng Thailand at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Thailand bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang Mayo 11, 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Tsino, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.

UNESCO

Ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ay isang ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa na nangangalaga sa:

Edukasyon: Pagkatuto at paraan ng pagkatuto ng mga tao.

Kalinangan: Kung ano ang ginagawa ng mga taong nasa iba't ibang mga bansa, at kung ano ang mahahalaga para sa iba't ibang mga tao.

Agham: Kung ano ang nalalaman ng mga tao tungkol sa daigdig.Isa sa mga bagay na ginagawa ng UNESCO ang gumawa ng isang talaan ng lahat ng pinakamahalaga, natatangi, at nakapagbibigay-pansin o magagandang mga pook sa mundo. Tinatawag itong "UNESCO World Heritage Sites" sa Ingles o Pandaigdig na Pamanang mga Pook ng UNESCO. Hindi dapat guhuin ang mga pook o mga gusaling ito, dahil mahalaga sila at maganda na maaaring kasiyahan ng mga tao sa hinaharap. Nagsasabi ang mga lugar na ito ng ukol sa nakaraan. Halimbawa, naglalahad ang Uluru ng tungkol sa kultura ng mga Aboriheno. Karamihan sa mga bansa ang mayroong kahit na isang lugar sa listahang ito, ngunti may ilang mga bansang may marami. Kasama rito ang makasaysayang mga gusali o sityo, magagandang tanawing panlupa, mga pook na may kahalagang pang-agham (katulad ng heolohiya), o mga pook na napakahalaga sa isang kalinangan (katulad ng Uluru).

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.