Edom

Ang Edom ay isang pangalan o salitang may ibig sabihing "mapula".[1] Ito ang naging katawagan o isa pang pangalan para kay Esau na anak ni Isaac. Kakambal siya ng mas nakababatang kakambal na si Jacob (kilala rin bilang Israel). Batay sa salaysay na nasa Lumang Tipan ng Bibliya (sa Henesis 25:30), tinawag siyang ganito sapagkat ipinagbili muna ni Esau kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay (naunang iluwal si Esau) bago bigyan ni Jacob si Esau ng hinihingi nitong "pulang pagkain" na niluto ng kapatid. Noong panahon nina Esau at Jacob, ibinibigay o ipinamamana sa panganay na anak ang malaking bahagi ng mana o pag-aari ng angkan. Sa pagbibili ni Esau ng kanyang pagkapanganay kay Jacob  – dahil sa pagkaing kulay pula  – hindi binigyan ng kahalagahan ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay na tagapagmana.[1]

Ayon pa din sa Lumang Tipan ng Bibliya, kay Esau, na naging Edom, nagmula ang pangalan ng mga Edomita, isang sinaunang mga taong nanirahan sa isang pook na malapit sa Israel. Sila ang mga inapo ni Esau.[1] Sa loob ng Imperyong Romano, kilala bilang Idumaea ang lugar na kanilang pinananahanan.

Edom
Ang kinaroroonan ng sinaunang kaharian ng Edom.

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Edom, mapula; may paliwanag ukol sa karapatan ng panganay na anak kaugnay ng mana; Esau at Edomita". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 43, 44, at 46.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Aklat ng Genesis

Ang Henesis o Genesis (Griyego: Γένεσις, kahulugan: "pagkasilang", "paglikha", "sanhi", "simula", "pinaghanguan", "ugat", o "pinagmulan") ay ang unang aklat ng Torah, Tanakh at ng Kristiyanong Lumang Tipan. Tinatawag din itong Unang Aklat ni Moises, ayon sa tradisyong Hudyo, dahil pinaniniwalaang sinulat ito ni Moises. Laganap na pananaw na Abramahiko na inspirado ito ng "Banal" o "isinulat mismo ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao," kaya pinaniniwalaan ring may tiyak na katotohanan at walang pagkakamali ang aklat na ito.

Sa Ebreo (o Hebreo), tinatawag itong B'reshit o Bərêšîth (בראשית, mula sa unang salita ng tekstong Ebreo) na nangangahulugang "sa simula". Katulad rin ng pagpapangalan sa Henesis ang ginawang pagbibigay ng pamagat para sa iba pang apat na mga aklat ng Pentateuko.

Aklat ni Abdias

Ang Aklat ni Abdias, Aklat ni Obadias, o Aklat ni Obadiah ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Ito ang pinakamaliit na aklat sa Lumang Tipan sapagkat mayroong dalawamput-isang talataan lamang. Dahil dito, si Abdias din ang natatanging manunulat na umakda sa pinamaiksing aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya.

Aklat ni Job

Ang Aklat ni Job (Hebreo: איוב‎) ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol ito sa isang lalaking nagngangalang Job at mula sa Edom. Tinawag ang aklat na ito bilang "pinakamalalim at pinakamakapampanitikang gawa sa kabuoan ng Lumang Tipan." Ilan ang mga bahagi ng Aklat ni Job sa mga sinaunang pagtatangka o pagsubok na mailarawan ang suliranin hinggil sa kasamaan, partikular na ang pagtunghay sa pagkakaroon ng kasamaan o paghihirap sa mundo at ang pagkakaroon ng Diyos.

Bibliya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.

Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

Esau

Huwag ikalito sa Isaw.Si Esau ay ang lalaking kapatid ni Jacob (na pinangalanang muli ng Diyos bilang Israel) na isang patriyarka o ama at tagapagtatag ng mga Israelita sa Bibliyang Hebreo o Lumang Tipan ng Bibliya. Nangangahulugan ang pangalang ito ng "mabalahibo". Si Esau ang pinakamatanda o panganay na anak nina Isaac at Rebeca (o Rebekah). Apo siya ni Abraham. Mga kambal na praternal sina Jacob at Esau. Unang ipinanganak ni Rebeca si Esau, habang pangalawa naman si Jacob na "nakakapit ang isang kamay sa sakong ni Esau". Kilala rin siya bilang Edom at pinagmulan ng mga Edomita.

Herodes Arquelao

Si Herodes Arquelao (23 BK – sirka 18 AD), kilala sa Ingles bilang Herod Archelaus, ay ang etnarka ng Samaria, Hudea, at Edom mula 4 BK hanggang 6 AD. Anak siyang lalaki nina Herodes na Dakila at Malthace, kapatid na lalaki siya ni Herodes Antipas, at lalaking kapatid sa magulang ("kalahating kapatid") ni Herodes Felipe I. Ayon kay Jose C. Abriol, noong 4 BK, nagpunta si Herodes Arquelao sa Roma upang tanggapin ang pamamahala sa kaharian, isang pamana sa kanya ni Herodes na Dakila, pero tumutol ang mga Hudyo.

Kaharian ng Judah

Ang Kaharian ng Judah (Hebreo: מַמְלֶכֶת יְהוּדָה‎, Mamlekhet Yehuda) ay isang estado na itinatag sa Katimugang Levant noong panahon ng bakal. Ito ay kadalsang tumutukoy sa "Katimugang Kaharian" upang itangi it mula sa hilagang Kaharian ng Israel (Samaria). Ang Judah ay lumitaw bilang isang estado na malamang na hindi mas maaga sa ika-9 siglo BCE ngunit ito ay paksa ng labis na kontrobersiya sa mga skolar. Noong ika-7 siglo BCE, ang kabisera ng Kaharian na Herusalem ay naging isang siyudad na may populasyon na maraming beses na mas malaki bago nito at may maliwanag na pananaig sa mga kapitbahay nitong bansa na malamang bilang resulta ng kaayusang pakikipagtulungan sa mga Assyrian na nagnais na magtatag ng isang pro-Assyrian na estadong basalyo na kumokontrol ng isang mahalagang industriya. Ang Judah ay lumago sa ilalim ng pagkabasalyo ng Assyria sa kabila ng nakapipinsalang paghihimagsik laban sa haring Assyrian na si Sennacherib. Sa huli ng kalahataing ika-7 siglo BCE, ang Assyria ay biglaang gumuho at ang kinalabasang alitan sa pagitan ng mga Ehipsiyo at imperyong Neo-Babylonian para sa kontrol sa Levant ay tumungo sa pagkakawasak ng kaharian sa sunod sunod na mga kampanya sa pagitan ng 597 at 582 BCE, ang pagpapatapon sa mga elitista ng pamayanang Hudyo at ang pagsasama ng Lupain ng Israel bilang isang probinsiya ng imperyong Neo-Babylonian.

Talaan ng mga lungsod sa Texas

Ang Texas ay isang estado na matatagpuan sa Katimugang Estados Unidos. May 961 lungsod sa mga seksiyon sa ibaba.

Tiglath-Pileser III

Si Tiglath-Pileser III (mula anyong Hebreo ng Wikang Akkadiano Tukultī-apil-Ešarra, "ang aking pagtitiwala ay nasa anak na lalake ni Esharra") ang hari ng Assyria noong ika-8 siglo BCE na namuno noong 745–727 BCE at malawakang kinikilala bilang ang pinuno na nagpakilala ng napakaunlad na mga sistemang sibil, pangmilitar, at pampolitika sa Imperyo Neo-Asiryo. Sinunggaban ni Tiglath-Pileser III ang tronong Asiryo noong digmaang sibil at pinatay ang pamilyang maharlika. Kanyang pinabuti ang ang pamahalaan ng Assyria at seguridad nito. Ang hukbong Asiryo na pinakadakila nang hukbo simula noong panahon ni Ashur-uballit I (1366-1330 BCE) ay naging ang unang propesyonal na hukbo noong kanyang panahon. Pinasuko at sinakop ni Tiglath-Pileser III ang karamihan ng kilalang mundo sa panahong iyon: sa timog, ang mga Mesopotamiano sa Babilonya at Kaldea, mga Arabo, Magan, Meluhha at mga taga-Dilmun ng Arabian Peninsula. Sa timog kanluran, kanyang pinabagsak ang Israel, Kaharian ng Judah, Philistia, Samarra, Moab, Edom, Suteans at Nabatea. Sa hilaga,kanyang sinakop ang Urartu, Armenia atvScythia sa Bulubunduking Caucasus, Cimmeria sa Dagat Itim, at Nairi. Kanyang pinasuko ang hilagang kanluran at karamihan ng silanganin at timog kanlurang Asya menor kabilang ang mga Hittite, Phrygia, Cilicia, Commagene, Tabal, Corduenne and Caria. Sa kanluran, kanyang pinasuko ang mga Griyego ng Cyprus at Aram(modernong Syria) gayundin ang Phoenicia/Caanan. Sa silangan, kanyang pinasuko ang Persia, Medes, Gutium, Mannea, Cissia at Elam. Kalaunan sa kanyang paghahari, si Tiglath-Pileser III ay kinoronahang Hari ng Babilonya. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na mga komander ng militar sa kasaysayan ng mundo.

Yahweh

Ang Yahweh ang pangalan ng Diyos na sinasamba sa Hudaismo at pati na rin sa Kristiyanismo

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.