Deuteronomio

Huwag itong ikalito sa Deuterokanoniko.

Ang Aklat ng Deuteronomio[1] ay ang panlima at pinakahuling aklat ng Torah o Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa Diyos sa Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni Moises para sa bayang Israel, bago siya sumakabilang-buhay.

Bibliya/Tanakh
Torah | Nevi'im | Ketuvim
Mga Aklat ng Torah/Pentateuco
1. Aklat ng Henesis
2. Aklat ng Exodus
3. Aklat ng Levitico
4. Aklat ng Mga Bilang
5. Aklat ng Deuteronomio

Kaugnayan sa Bagong Tipan

Gumamit ng ilang mga bahagi rito si Hesus, katulad ng sa mga sinabi niya laban kay Satanas sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 4; Dt 6, 13), at maging ang mga binanggit niya sa isang manananggol hinggil sa unang utos ng Diyos, na matatagpuan rin sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 22, 35-39; Dt 6, 4).

Komposisyon

Kasaysayan ng pagkakasulat

Simula ng ebidensiyang iminungkahi ni W.M.L de Wette noong 1805, tinanggap ng mga modernong skolar na ang kaibuturan ng Deuteronomio ay nilikha sa Herusalem noong ika-7 siglo BCE sa konteksto ng mga repormang relihiyosong isinulong ng Haring si Josias (na sinasabing naghari noong 641-609 BCE).[2] Ang isang malawak na consensus ng mga skolar ay umiiral na nakikita ang kasaysayang ito sa sumusunod na mga termino:[3]

  • Sa huli nang ika-8 siglo BCE, ang parehong hari ng Judah at hari ng Israel ay mga basalyo ng Assyria. Ang Israel ay nagrebelde at winasak ng Assyrian noong c.722 BCE. Ang mga tumakas tungo sa Judah ay nagdala ng mga bagong tradisyon (bago sa Judah kahit papaano). Ang isa sa mga ito ay ang diyos na si Yahweh na kilala na at sinasamba sa Judas ay hindi lang ang pinaka-mahalaga sa mga diyos ngunit ang tanging diyos na dapat pagsilbihan. Ang pananaw na ito ay umimpluwensiya sa mga elitistang Judahite na nagmamay-ari ng mga lupain na naging labis na makapangyarihan sa mga palibot ng korte pagkatapos ilagay ng mga ito ang walong taong gulang na si Josias sa trono pagkatapos ng pagpaslang ng kanyang ama.
  • Sa ika-18 taon ng paghahari ni Josias, ang kapangyarihang Assyrian ay mabilis na lumulubog at ang isang kilusang pro-independensiya ay nagtipon ng lakas sa korte. Ang kilusang ito ay naghayag ng sarili nito sa isang teolohiya ng estado ng katapatan kay Yahweh bilang nag-iisang diyos ng Israel. Sa suporta ni Josias, kanilang inilunsad ang isang buong skalang reporma ng pagsamba batay sa sinaunang anyo ng Deuteronomio 5–26 na kumukuha ng anyo ng isang tipan (i.e. kasunduan) sa pagitan ng Judah at ni Yahweh upang palitan ang tipan sa pagitan ng Judah at Assyria. Ang tipang ito ay pinormula bilang pagsasalita ni Moises sa mga Israelita (Deut.5:1).
  • Ang ikalawang yugto ay nangyari noong pagkakatapon sa Babilonia ng pamayanang Israelita. Ang pagkakawasak ng Judah ng Imperyo Babilonia noong 586 BCE at ang wakas ng paghahari ang okasyon ng labis na pagninilay nilay at teolohikal na spekulasyon sa mga eliistang Deuteronomistiko na ngayon (sa panahong ito) ay ipinatapon na sa Babilonia. Kanilang ipinaliwanag ang sakunang ito bilang parusa ni Yahweh sa kanilang pagkabigo na sundin ang batas at lumikha ang mga ito ng kasaysayan ng Israel (ang mga Aklat ni Josue hanggang sa Aklat ng mga Hari) upang ipakita ito.
  • Sa huli nang pagkakatapon sa Babilonia nang ang mga Persian ay pumayag na magbalik ang mga Hudyo upang muling itayo ang kanilang templo, ang mga kapitulo 1–4 at 29–30 ay idinagdag at ang Deuteronomio ay ginawang introduktoryong aklat sa kasaysayang ito upang ang kuwento tungkol sa mga tao na papasok sa Lupang Pangako (Canaan) ay naging kuwento ng mga tao na babalik sa lupaing ito. Ang mga legal na seksiyon ng mga kapitulo 19–25 ay pinalawig upang magtagpo sa mga bagong sitwasyon na lumitaw at ang mga kapitulo 31–34 ay idinagdag bilang isang bagong konklusyon.

Mga pinagkunan

Ang propetang si Isaias na aktibo sa Herusalem bago ang isang siglo (century) bago ang panahon ni Josias ay hindi nagbanggit ng isang Exodo (paglisan mula sa Ehipto), mga tipan sa diyos o paglabag sa mga batas ng diyos. Ito ay sinasalungat ng kakontemporaryo (o nabuhay sa parehong panahon) si Hosea na aktibo sa hilagang Kaharian ng Israel na kadalasang nagbibigay reperensiya sa Exodo, paglalakbay sa ilang, isang tipan, panganib ng dayuhang diyos at ang pangangailangan ng tanging pagsamba kay Yahweh. Ito ay nagtulak sa mga skolar na makita na ang mga tradisyong ito sa likod ng Deuteronomio ay may hilagaang pinagmulan.[4] Kung ang kodigong Deuteronomiko na hanay ng mga batas sa Kapitulo 12–26 na bumubuo ng orihinal na kaibuturan ng aklat ay isinulat sa panahon ni Josias (huli nang ika-7 siglo BCE) o mas maaga pa rito ay pinagdedebatehan pa rin ng mga skolar. Gayunpaman, maraming mga indibidwal na batas ay mas matanda kesa sa mismong koleksiyon na ito.[5] Ang dalawang mga tula sa kapitulo 32–33 – ang Awit ni Moises at Pagpapala ni Moises ay malamang na orihinal na independiyente.[4]

Posisyon sa Tanakh (Bibliyang Hebreo)

Ang Deuteronomio ay humawak ng isang palaisipang posisyon sa Bibliya na nag-uugnay ng kuwento ng paglalakbay ng mga Israelita sa ilang sa kuwento ng kanilang kasaysayan sa Canaan nang hindi nabibilang ng buo sa dalawang ito. Ang kuwento sa ilang ay maaring madaling magwakas sa Aklat ng mga Bilang at ang kuwento ng pananakop ni Josue ay maaaring umiral nang wala ito, kahit papaano sa lebel ng kuwento. Gayunpaman, sa parehong mga kaso, may elementong tematiko (teolohikal) na nawawala. Ang mga skolar ay nagbigay ng iba't ibang mga sagot sa problemang ito. Ang kasaysayang Deuteronomistiko ay kasalukuyang ang pinakakilala (ang Deuteronomio ay orihinal na tanging mga kodigo ng batas at tipan na isinulat upang sementuhan ang mga repormang relihiyoso ni Josias at kalaunang pinalawig upang tumayong introduksiyon sa buong kasaysayan); ngunit may isang mas matandang teoriya na nakikita ang Deuteronomio bilang nabibilang sa Aklat ng mga Bilang at ang Aklat ni Josue bilang karagdagan dito. Ang ideyang ito ay mayroon pa ring mga sumusuporta ngunit ang nananaig na pananaw ng mga skolar ay ang Deuteronomio pagkatapos na maging introduksiyon sa kasaysayan ay kalaunang inalis mula dito ay isinama sa Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng mga Bilang dahil ito ay mayroon na si Moises bilang sentral na karakter. Ayon sa hipotesis na ito, ang kamatayan ni Moises ay orihinal na dulo ng Aklat ng mga Bilang at simpleng inilipat mula dito tungo sa dulo ng Deuteronomio. [6]

Mga bahagi

Lumang Tipan ng Bibliya

Binubuo ang Deuteronomio ng apat na mga bahagi:

  • Paggunita sa Nakaraan at Parangal (1, 1–4, 43)
  • Ang Diyos at ang Kaniyang Tipan (4, 44–11, 32)
  • Pagpapahayag ng Batas (12, 1–26, 19)
  • Huling mga Salita ni Moises (27, 1–34, 12)

Mga sanggunian

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Deuteronomio". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. Rofé, pp.4-5
  3. Rogerson, John W (2003). "Deuteronomy". In James D. G. Dunn and John William Rogerson. Eerdmans Commentary on the Bible. Eerdmans.
  4. 4.0 4.1 Van Seters, p.17
  5. Knight, p.66
  6. Bandstra, pp.190-191

Panlabas na kawing

Aklat ng Karunungan

Ang Aklat ng Karunungan o Ang Karunungan ni Solomon ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya, na nasusulat sa wikang Griyego. Dahil nasa Griyego, hindi ito kabilang sa kanon ng mga Hudyo.

Aklat ng Levitico

Ang Aklat ng Levitico o Leviticus mula sa Griyegong Λευιτικός, Leuitikos, na nangangahulugang "nauugnay sa mga Levita" ang ikatlong aklat ng Bibliya. Ito rin ang pangatlong aklat ng Torah o Pentateuch. Ang pangalang Ingles nito ay nagmula sa Latin na Leviticus na kinuha naman mula sa salitang Griyego at isang reperensiya sa mga Levita na liping pinagkuhanan ng mga saserdote(priests). Sa karagadagan ng mga instruksiyon para sa mga saserdoteng ito, ito ay umuukol rin sa papel at mga katungkulan ng laity.Ang tradisyonal na pananaw ng mga Hudyo at Kristiyano ay ang Levitico ay tinipon ni Moises at ang materyal na ito ay nagmula sa kanyang panahon. Gayunpman, ang tradisyong ito ay komparatibong huli. Ito ay pinepetsahan mula kay Josephus na ika-1 siglo CE historyang Hudyo.. Ang mga skolar ng Bibliya ay umaayon na ang aklat na ito ay may mahabang panahon ng paglago, at ito ay kinabibilangan ng ilang materyal na nagmula sa sinaunang panahon at umabot sa kasalukuyang anyo nito sa panahong Persian (538-332 BCE).

Aklat ng mga Bilang

Ang Aklat ng mga Bilang o Mga Bilang ay ang ikaapat aklat sa Tanakh at sa Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa Pentateuko o Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.

Aklat ng mga Hukom

Para sa ibang gamit, tingnan ang Hukom (paglilinaw).Ang Aklat ng mga Hukom o Mga Hukom ay ang ika-pitong aklat sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dito nakatitik ang kasaysayan ng "labindalawang bayani" ng bayang Israel, ang mga isinugo ng Diyos para maging mga pinuno ng mga hukbo sa kapanahunan ng pakikidigma at mga tagapagdaos ng katarungan kung panahon naman ng kapayapaan.

Aklat ni Baruc

Ang Aklat ni Baruc o Aklat ni Baruch ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Binubuo ito ng apat na maiiksing mga pahayag pinaniniwalaang inakdaan ni Baruc, ang kalihim ng propetang si Jeremias, at pinaniniwalaan ding nasusulat sa Ebreo bago nalipon upang maging isang aklat.

Aklat ni Esdras

Ang Aklat ni Esdras ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dating kabahagi, bilang Unang Aklat ni Esdras, lamang ito ng Mga Aklat ni Esdras, subalit inihiwalay sa Bibliyang Vulgata. Karugtong ito ng Mga Aklat ng mga Paralipomeno o mga Cronica. Si Esdras ang sumulat nito, maging ng kasunod at isa pang aklat ni Esdras na pinamagatang Aklat ni Nehemias (o "aklat tungkol kay Nehemias").

Aklat ni Ester

Ang Aklat ni Ester o Aklat ni Esther ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isa rin ito sa mga aklat na isinalin ni San Jeronimo at kabilang sa Deuterokanoniko. Ito ang batayan ng Purim, isang pagdiriwang ng mga Hudyo.

Aklat ni Jeremias

Ang Aklat ni Jeremias, Sulat ni Jeremias, o Aklat ni Jeremiah ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Ang propetang si Jeremias ang sumulat nito, isang lalaking may malambot na kalooban at labis na pagmamahal sa kanyang mga kababayan. Sinasabing si Jeremias ay nabuhay noong ika-7 hanggang ika-6 siglo BCE noong pananakop ng Babilonya sa Judah na kalaunang ipinatapon sa Babilonya. Ayon sa mga skolar, ang Aklat ni Jeremias ay binago at naimpluwensiyahan ng mga Deuteronomista o mga manunulat ng Aklat ng Deuteronomio na nagsulong ng pagbabagong panrelihiyon. Ito ay maliwanag na makikita sa magkatulad na mga wikang matatatagpuan sa parehong Deuteronomio at Jeremias. Halimbawa, sa paghahambing ng Jer 11.4 at Deut 4.20, ang parehong aklat ay gumamit ng metaporang bakal na pugon. Gayundin, ang impetus para sa pagbabagong pangrelihyon ay lumilitaw na magkalinya sa parehong aklat ng Deutronomio at ng Jeremias sa pagwawakas ng paghahandog ng mga sanggol(Jer 7.31, 19.5, 32.35; Lev 18.21). Gayunpaman, pinagtatalunan pa rin ng mga skolar kung ang manunulat ng Aklat ni Jeremias ay aktuwal na kasapi ng eskwelang Deuteronomistiko dahil hindi niya hayagang binanggit ang Deuteronomio o ang reporma ni Josias, Sa katunayan, dahil sa paulit ulit na kalikasan ng ilang mga parirala o intertekstuwalidad kay Jeremias, ang isang argumento ay isinulong na ang "historikal na Jeremias" ay mahirap patunayan at dapat abandonahin.

Aklat ni Judit

Ang Aklat ni Judit o Aklat ni Judith ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Aklat ni Rut

Para sa ibang gamit, tingnan ang Rut (paglilinaw).Ang Aklat ni Ruth o Aklat ni Rut ay ang ikawalong aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Naglalahad ito ng kasaysayan ni Rut, isang Moabitang babae na nasapi sa bayan ng mga Israelita, dahil ito sa kaniyang pagpapakasal kay Boaz, isang mayamang nagmula sa Belen. Nangyari ito noong kapanahunan ng mga hukom, kaya karugtong at kasunod ito ng Aklat ng Mga Hukom.

Aklat ni Tobias

Ang Aklat ni Tobias o Aklat ni Tobit ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Kabilang ito sa mga deuterokanonikong aklat ng Bibliya.

Bibliya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.

Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

Deuterokanoniko

Huwag itong ikalito sa Deuteronomio.Ang Deuterokanoniko o Deuterokanonika ay mga aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Ginagamit na ang katawagang deuterokanonikong mga aklat ng Simbahang Romano Katoliko at Silanganing Kristiyanismo mula pa noong ika-16 daantaon para ilarawan ang mga partikular na aklat at mga pananalita sa Kristiyanong Lumang Tipan na hindi bahagi ng Bibliyang Hebreo. Dating naging bahagi ang paghihiwalay na ito ng usapin at pagtatalo sa loob ng maagang simbahan hinggil sa kung dapat bang basahin ang mga ito sa mga simbahan at sa gayon maituturing bilang mga tekstong kanoniko.

Nagbuhat ang salitang deuterokanoniko mula sa Griyego na nangangahulugang "kabilang sa pangalawang kanon." Nakalilito ang etimolohiya o pinagmulan ng salita, ngunit nagpapahiwatig ng pagaalinlangan ng ilang dalubhasa na tanggapin ang mga ito para maging bahagi ng kanon. Sa mahigpit na kahulugan, hindi nangangahulugang "hindi-kanoniko" ang salita; kaya't ang maraming mga taong hindi tumatanggap sa mga ito bilang bahagi ng kanon ng Kasulatan ang sinadyang tawagin itong apokripong makabibliya (o apokripang biblikal), na humantong sa pagaalis ng mga ito mula sa kahanayan ng mga aklat ng Bibliya o kaya'y pagdaragdag sa Bibliya subalit nasa ilalim ng seksyon na pinamagatang Apokripo o Apokripa.

Grasya

Para sa ibang gamit, tingnan ang Grasya (paglilinaw).

Para sa ibang gamit, tingnan ang Benigno (paglilinaw).Ang grasya (Ingles: grace, mercy) ay ang pagpapakita o pagpapamalas ng pagmamahal o pag-ibig at kabutihang loob sa isang tao na hindi naman karapat-dapat na tumanggap nito. Ang grasyang mula sa Diyos ang pinakagitna o "puso" ng mensahe ng Bibliya, na nagpaparating na minamahal at inililigtas ng Diyos ang mga tao kahit na lumalaban sila sa kanya. Kasingkahulugan ito ng kabaitan, kabutihan, kagandahang loob, habag, awa, pang-unawa, pabor, tulong, indulhensya, patawad o pagpapatawad, bagay na hulog o dulot ng langit, pagpapala, pagkasi, biyaya, o pagkandili ng Diyos. Katumbas din ito ng kabutihang loob, kagandahang palad, katighawan ng paghihirap, luwag, at klemensya. Nangangahulugan din itong pagtanggap ng kagandahang loob at kapatawaran na higit pa sa naaangkop o nararapat para sa isang tao. Kaugnay din ito ng salitang benigno (kagandahang-loob) na nangangahulugang mabait, nakabubuti, mayumi, maamo, may maamong-loob, mahabagin, maawain, at kaaya-aya. Tumutukoy din ang grasya sa isang uri ng dasal na paghingi ng biyaya o pagpapala ng Diyos bago kumain o panalangin ng pasasalamat sa Diyos pagkaraang makakain. Ang ganitong dalangin ay bahagi ng tradisyong rabinikal na kailangan ayon sa Deuteronomio 8:10 sa Lumang Tipan ng Bibliya. Inako ng sinaunang mga Kristiyano ang kaugaliang ito.

Ikatlong Aklat ng mga Hari

Para sa ibang gamit, tingnan ang Aklat ng mga Hari (paglilinaw).Ang Ikatlong Aklat ng mga Hari ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya na sumusunod sa Una at Ikalawang Aklat ni Samuel. Pinaniniwalaang nasulat ang librong ito kasama ng kasunod na 4 Mga Hari noong mga 600 BK, na sinanib ang iba pang mga karagdagan mga limampung taon pa ang nakalipasDapat lamang tandaan na katumbas ang Ikatlong Aklat ng mga Hari (o 3 Mga Hari) ng 1 Mga Hari sa Bibliyang Ebreo.

Lumang Tipan

Ang Lumang Tipan ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Bibliya. Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan, ayon sa pagkakasunud-sunod na pampanahon, ng Apokripa at ng Bagong Tipan. Tinatawag din itong Matandang Tipan, Matandang Testamento, at Lumang Testamento. Sa Ingles, tinatawag na testament ang salitang tipan kaya't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New Testament para sa Bagong Tipan. Hinango ang testament ng Ingles at testamento ng Tagalog at Kastila mula sa testamentum ng wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan", at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mga Kristiyano. Sa Katolisismo, binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa Tanakh ng Hudaismo. Ayon kay Jose C. Abriol, may tatlong bahagi ang Lumang Tipan: ito ang Batas o Pentateuco, ang Mga Propeta, at ang Mga Salmo. Tungkol ang aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya, samantalang hinggil sa karunungan ang aklat ng Mga Salmo. Ayon din kay Abriol, tungkol ang mga aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya.

Mga Aklat ng mga Paralipomeno

Ang Mga Aklat ng mga Paralipomeno, Mga Aklat ng mga Cronica (Kronika), o Mga Aklat ng Kasaysayan (Ebreo: דברי הימים, divre hayamim, "mga bagay ng mga araw") ay tumutukoy sa dalawang aklat na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Kabilang dito ang 1 Paralipomeno o 1 Cronica at 1 Paralipomeno o 1 Cronica.

Torah

Ang Tora (Ebreo: תורה, "Turo") ay ang katawagan sa unang limang mga aklat ng Tanakh. Kinabibilangan ito ng: Bereshit (Henesis), Shemot (Eksodo), Vayikra (Lebitiko), Bemidbar (Mga Bilang), at Devarim (Dyuteronomyo).Sinulat ni Moshe (Kastila: Moisés) ang Tora upang ipaalala sa mga Israelita ang mga batas na ibinigay sa kanila ng Diyos noong Shavu'ot.

Binabasa ang isang kabahagi ng Tora tuwing umaga ng Shabat.

Yahweh

Ang Yahweh ang pangalan ng Diyos na sinasamba sa Hudaismo at pati na rin sa Kristiyanismo

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.