David Ricardo

Si David Ricardo (Abril 18, 1772 – Setyembre 11, 1823) ay isang ekonomiko mula sa Nagkakaisang Kaharian. Kadalasang binibigyan siya ng kredito sa paggawa ng sistema sa ekonomika, at isa sa mga pinakamaimpluwensiyang klasikong ekonomista, kasama sina Thomas Malthus at Adam Smith.[1]

Ricardo - Opere, 1852 - 5181784
Works, 1852

Mga sanggunian

  1. Sowell, Thomas (2006). On classical economics. New Haven, CT: Yale University Press.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Ekonomika

Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.Ang salitang "ekonomika" ay nagmula sa Sinaunang Griyegong οἰκονομία (oikonomia, "pangangasiwa ng isang sambahayan, administrasyon") mula sa οἶκος (oikos, "bahay") + νόμος (nomos, "kustombre" o "batas") at kaya ay "mga batas ng sam (bahay)an".

Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Ang pokus ng paksang ito ay kung paanong ang mga ahenteng ekonomiko ay umaasal o nakikipag-ugnayan at kung paanong ang mga ekonomiya ay gumagana. Sa pag-ayon dito, ang isang pangunahing pagtatangi sa mga aklatan ay sa pagitan ng mikroekonomika at makroekonomika. Ang mikroekonomika ay sumusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing elemento sa ekonomiya kabilang ang mga indibidwal na ahente (gaya ng mga sambahayan at negosyo o bilang mga mamimili o tagatinda) at mga pamilihan (markets) at mga interaksiyon nito. Ang makroekonomika ay sumusuri sa kabuuang ekeonomiya at sa mga isyu na umaapekto rito kabilang ang kawalang trabaho, inplasyon, paglagong ekonomiko, at patakarang piskal at pananalapi.

Nagsisimula ang ekonomiya sa premisa (premise) o proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomika ang mga tradeoff. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo, nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatibo—ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo. Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.Ang iba pang mga malawak na distinksiyon sa ekonomika ay kinabibilangan ng sa pagitan ng positibong ekonomika at normatibong ekonomika, sa pagitan ng teoriyang ekonomika at nilalapat na ekonomika, sa pagitan ng teoriyang makatwirang pagpili at ekonomikang pag-aasal, at sa pagitan ng nananaig na ekonomika (mas ortodokso at nakikitungo sa "rasyonalidad-indibidwalismo-ekwilibrium nexus") at ekonomikang heterodokso (mas radikal at nakikitungo sa "mga institusyon-kasaysaysan-panlipunan na istrakturang nexus").Ang analis na ekonomiko ay maaaring ilapat sa buong lipunan gaya ng sa negosyong ekonomika, pinansiyang ekonomika, kalusugang ekonomika at pamahalaan gayundin din sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, politika, relihiyon, mga institusyong panlipunan, digmaan, at agham. Sa pagliko ng ika-21 siglo, ang lumalawig na sakop ng ekonomika sa mga agham panlipunan ay inilarawan bilang imperialismong ekonomiko.

Ekonomiyang Ricardiana

Ang Ekonomiyang Ricardiyana ay ang mga teoryang ekonomiko ni David Ricardo, isang ekonomistang-pulitikal na mula sa Inglatera, na ipinanganak noong 1772 na yumaman bilang isang stockbroker at loan broker. Sa edad na 27 taong gulang, binasa niya ang “Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations” ni Adam Smith at nabuhayan sa mga teorya ng ekonomika.

Sa “Sa mga prinsipyo ng Ekonomiyang pulitikal at Pagbubuwis” nakapaloob ang kanyang mga pangunahing kaisipang ekonomiko. Inilatag nito ang iba’t ibang teorya na naging batayan ng Das Kapital ni Karl Marx at ang ekonomikang Marshallian, kabilang ang renta, teoriya ng paggawa ng halaga (labor theory of value), at higit sa lahat, ang teorya ng kumparatibong pakinabang.

Isinulat ni Ricardo ang kanyang unang artikulong ekonomiko makalipas ang sampung taon nang mabasa niya ang kay Adam Smith at, kung tutuosin sa lahat, ang kontrobersiyang bullion ang nagbigay-sikat sa kanya sa pamayanang ekonomiko para sa kanyang teorya tungkol sa paglolobo ng presyo sa Inglatera noong ika-19 na siglo. Nakilala ang teoryang ito bilang monetarismo, na nagsasabing magdudulot ng paglobo sa mga presyo ang labis na pananalapi. Naging sangkot din siya sa paglikha ng klasikong ekonomika, na nangahulugang ipinaglaban niya ang malayang pangangalakal at ang malayang tagisan nang walang pangingialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas o mga patakarang paghihigpit.

James Mill

Si James Mill (Abril 6 1773 – Hunyo 23 1836) ay isang historyador, teorikong pampolitika, at pilosopo. Siya ang nagtatag ng klasikong ekonomika, kasama si David Ricardo, at siya ang ama ni John Stuart Mill, ang pilosopo ng liberalismo. Ang kaniyang maimpluwensiyang "History of British India" ay naglalaman ng tahasang pagsasakdal at pagtatakwil ng kultura at sibilisasyong Indiano.

John Maynard Keynes

Si John Maynard Keynes, Unang Baron Keynes, CB (5 Hunyo 1883 – 21 Abril 1946) ay isang ekonomistang Briton na nagkaroon ng malaking impluwensiya ang kanyang mga ideya, tinatawag na ekonomikong Keynesian, sa makabagong teoriya ng ekonomiya at politika gayon din sa maraming patakaran pang-pisikal ng maraming pamahalaan. Sinulong niya ang patakarang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya, kung saan ginagamit ng pamahalaan ang pamamaraang piskal at pananalapi upang mabawasan ang epekto ng resesyon, depresyon at pagsulong ng ekonomiya. Isa rin siya sa ama ng makabagong teoriya ng makroekonomiya. Kilala din siya ng karamihan sa katagang "In the long run, we are all dead." (Sa kalaunan, mamatay tayong lahat). Kadalasan siyang tinuturing bilang ang pinakamaimpluwensiyang ekonomista ng ika-20 dantaon.

Kapital (ekonomika)

Ang artikulong ito ay tumutukoy sa kapital bilang isang terminong pang-ekonomika. Para sa kapital bilang puhunan tingnan ang pamumuhunan.Ang kapital ay may iba't ibang kahulugan sa ekonomika, pananalapi at pagtutuos.

Sa pananalapi at pagtutuos (accounting), tumutukoy ang kapital sa yamang pananalapi, lalo na kung gagamitin sa pagsimula o pagpapanatili ng negosyo.

Sa klasikong ekonomika, ang kapital ay isa sa mga tatlong sanhi ng produksiyon kasama ang lupain at paggawa. Kapital ang mga kalakal na may katangian na tulad ng mga sumusunod:

Maari itong gamitin sa produksiyon ng ibang kalakal o goods (ito ang nagiging sanhi ng produksiyon).

Ginawa ito ng mga tao, kontra sa "lupain," na tumutukoy sa likas na namamayaning yaman tulad ng heograpikal na lokasyon at mga mineral.

Hindi ito ginagamit agad sa proseso ng produksiyon, hindi tulad ng hilaw na materyales o mga tagapamagitang kalakal.Ang ikatlong bahagi ng kahulugan ay hindi palaging ginagamit ng mga klasikong ekonomista. Ang klasikong ekonomista na si David Ricardo ay ginamit ang kahulugan sa itaas para sa terminong

The third part of the definition was not always used by classical economists. The classical economist David Ricardo would use the above definition for the term fixed capital habang sinasama ang mga hilaw na materyales at mga tagapamagitang produkto ay kasama sa kanyang umiikot na kapital (circulating capital). Para sa kanya, pareho itong mga uri ng kapital.

Sa ekonomiya, ang salitang kapital ang siyang ugat ng kapitalismo na isang uri ng kalakalan.

Mayroon din namang kapital na tinatawag na yamang kapital o capital resources' sa Ingles. Ito naman ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong produkto.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Noam Chomsky

Si Avram Noam Chomsky (ipinanganak 7 Disyembre 1928) ay isang Amerikanong lingguwista, pilosopo, cognitive scientist, historyador, at social critic. Minsan inilalarawan bilang "ama ng modernong lingguwistika", si Chomsky ay isa ring pangunahing pigura sa analytic philosophy at isa sa mga tagapagtatag ng sangay ng cognitive science. Sabay nilang hawak ang posisyong Institute Propesor Emeritus sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) at pinagpipitagan propesor sa University of Arizona, at siya rin ang may-akda ng higit sa 100 aklat sa iba't ibang paksa tulad ng lingguwistika, digmaan, politika, at mass media. Ang kanyang ideolohiya ay nakahilig sa anarcho-syndicalism at libertarian socialism.

Ipinanganak sa middle-class na imigranteng Ashkenazi Jewish sa Philadelphia, nabuo ang maaging interes ni Chomsky sa anarkismo mula sa mga alternatibong tindahan ng aklat sa New York City. Nagsimila siyang mag-aral sa University of Pennsylvania sa edad na 16, at kumuha ng mga kurso sa lingguwistika, matematika, at pilosopiya. Mula 1951 hanggang 1955, siya ay itinalaga sa Harvard University Society of Fellows. Habang nasa Harvard, binuo niya ang teorya ng transformational grammar; dito, iginawad sa kanya ang doctorate noong 1955. Nagsimulang magturo si Chomsky sa MIT noong 1957 at lumitaw bilang isang makabuluhang pigura sa larangan ng lingguwistika para sa kanyang makabuluhang gawa na Syntactic Structures, na nanghulmang muli sa makaagham na pag-aaral ng wika. Mula 1958 hanggang 1959, siya ay isang National Science Foundation fellow sa Institute for Advanced Study. Kinilala si Chomsky bilang tagalikha o kapwa-tagalikha ng teorya sa universal grammar, ang teorya sa generative grammar, ang Chomsky hierarchy, at ang minimalist program. May mahalang papel si Chomsky sa pagbagsak ng behaviorism, lalo na sa pagiging kritikal sa mga gawa ni B. F. Skinner.

Tahasang tumataliwas si Chomsky sa paglahok ng Estados Unidos sa Digmaan sa Vietnam, naniniwalang ang digmaan ay isang kilos ng imperyalismong Amerikano. Noong 1967, nakaakit si Chomsky ng mawalakang pansin sa sa kanyang mga sanaysay kontra digmaan na pinamagatang "The Responsibility of Intellectuals". Nauugnay sa New Left, ilang beses din siyang inaresto sa kanyang aktibismo at inilagay sa Nixon's "Enemies List". Habang lumalawak ang gawa sa lingguwistika sa mga kasunod na dekada, nasangkot rin siya sa Linguistics Wars. Sa pakikipagtulungan ni Edward S. Herman, si Chomsky kapwa-sumulat ng isang pagsusuri, na nagpapaliwanag sa modelong propaganda ng mga media criticism, at inilantad ang pagsakop ng Indonesia sa East Timor. Bukod pa rito, ang kanyang pagtatanggol sa kalayaan ng pananalita—kabilang ang mga malayang pananalita ng Holocaust deniers—ay nakabuo ng makabuluhang kontrobersya sa Faurisson affair noong maagang bahagi ng dekada 1980. Matapos ng kanyang pagreretiro sa aktibong pagtuturo, ipinagpatuloy ni Chomsky ang kanyang vocal political activism sa pamamagitan ng paglaban sa Digmaan Kontraterorismo at pagsuporta sa Occupy Movement.

Isa sa mga pinakabinanggit na iskolar sa kasaysayan, naiimpluwensiyahan ni Chomsky ang isang malawak na hanay ng mga pang-akademikong sangay. Siya ay malawakang kinikilala bilang isang paradigm shifter na nakatulong sa pagsindi ng isang pangunahing rebolusyon sa agham pantao, na nag-ambag sa pag-unlad ng isang bagong cognitivistic framework para sa pag-aaral ng wika at ang isip. Bilang karagdagan sa kanyang patuloy na pananaliksik, siya ay nananatiling isang nangungunang kritiko ng patakarang panlabas ng Estados Unidos, neoliberalism at ng mga makatabagong state capitalism, ang hidwaang Israeli–Palestinian, at mainstream news media. Ang kanyang mga idea ay napatutunayang makabuluhan sa loob ng mga kilusang anti-kapitalista at anti-imperyalista. Ang ilan sa kanyang mga kritiko na inakusahan siya ng anti-Americanism.

Talaan ng mga pilosopong pampolitika

Ito ang isang talaan ng mga pilosopong pampolitika, kasama ang ilan sa mga may mas alam sa ibang disiplina ng pilosopiya. Tandaan na ang mga nasa talaan ay ang mga pangunahing pilosopo. Ang mga pilosopo na nakatala ay ayon sa taon ng pagsilang upang ipakita ang pahapyaw na direksiyon ng mga impluwensiya at ng pagbuo ng kaisipang pampolitika. Tingan din ang pilosopiyang pampolitika.

Matanda, gitnang kapanahunan, at maagang moderno

Moderno (ipinanganak bago ang ika-19 siglo)

Ipinanganak sa ika-19 siglo

Ipinanganak sa ika-20 siglo

The Wealth of Nations

Ang An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (Tagalog: Isang Pagsasaliksik sa Kalikasan at mga Sanhi ng Kayamanan ng mga Bansa), karaniwang tinutukoy sa pinaikling pangalan nitong The Wealth of Nations (Kayamanan ng mga Bansa) ay ang obra maestra ng ekonomistang Scot at pilosopong moral na si Adam Smith. Unang nilimbag noong 1776, ang aklat na ito ay naghahain ng isa sa mga kauna-unahang kinalap na paglalarawan sa mga bagay na bumubuo sa yaman ng isang bansa at ngayon ay itinuturing na mahalagang akda sa klasikong ekonomiya. Sa pamamagitan ng pagbubulay ukol sa ekonomiko noong simula ng Rebolusyong Industriyal, ang aklat na ito ay tumatalakay sa mga malawak na tema tulad ng paghahati ng gawain, pagiging produktibo, at malayang pamilihan.

Ang The Wealth of Nations ay inilimbag noong ika-siyam ng Marso, 1776 sa kasagsagan ng Scottish Enlightenment (Paliwanag) at Rebolusyong Agrikultural ng mga Scot. Halimbawa, bahagyang naimpluwensiyahan si Alexander Hamilton ng The Wealth of Nations sa kanyang pagsulat ng Report on Manufactures, kung saan nakasaad ang kanyang pagtutol sa ilang polisiya ni Smith. Isang interesanteng bagay ay binase ni Hamilton ang ulat na ito sa mga ideya ni Jean-Baptiste Colbert, at ang mga ideyang ito rin ni Colbert ang tinugunan ni Smith sa The Wealth of Nations.

Marami pang ibang may-akda ang naimpluwensiyahan ng aklat at ginamit itong panimula sa kanilang sariling mga akda, kabilang na sina Jean-Baptiste Say, David Ricardo, Thomas Malthus at kalaunan, si Ludwig von Mises. Tinukoy ng Rusong pambansang makata na si Aleksandr Pushkin ang The Wealth of Nations sa kanyang 1833 berso nobelang Eugene Onegin.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.