David

Si Haring David o David ben Yishay [nangangahulugang "David na anak ni Isai"] (Ebreo: דוד בן ישי) ay isa sa mga magigiting na hari ng Israel.[1] Sa katunayan, siya ang ikalawa at isa sa mga pinakatanyag na hari ng mga Israelita at isang taong pinakamadalas na binabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Itinuturing din siyang isang propeta sa pananampalatayang Islam. Kaugnay sa Tanakh at sa Bibliya, sinabing nangako ang Diyos na pamumunuan ng mga kasapi ng mag-anak ni David ang isang kahariang magtatagal magpasawalanghanggan. Sinasabi pa rin na isinilang si Hesus mula sa angkan ni David at nilarawan pang si Hesus ang "Anak ni David" na mamumuno sa kaharian ng Diyos nang magpasawalanghanggan.[1]

David
David SM Maggiore
Kapanganakan1040 BCE, 1039 BCE, 907 BCE
  • Belen
  • Bethlehem Governorate, Palestinian National Authority
Kamatayan970 BCE, 969 BCE
PagkamamamayanKaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya)
Hanapbuhaypastol, sovereign, manunula, manunulat, leader, instrumentalist
Pamagatmonarko
AnakSalomon

Sa Islam

Sa Koran at sa Islamikong tradisyon, si David ay kilala bilang Dawud at isa sa mga propeta ng Islam, na kung kanino ang Zabur ("Mga Salmo") ay ipinakita ng Diyos (Allah). Ang Islamikong pananaw ay nagtataglay ng maraming katangian mula sa kasaysayang Hudyo ng buhay ni David, tulad ng labanan nila ng higanteng si Goliath (Galut), ngunit itinatakwil ang paglalarawan sa kaniya ng Bibliya bilang isang mangangalunya at mamamatay-tao - ang pagtatakwil na ito ay dahil sa kabutihan ng mga Propeta ng Diyos ayon sa Islam (kapuna-puna, ngunit mababakas sa karaniwang pagkakamaling-tao) at sa diwa ng ismah, o ang pagiging walang-sala ng mga propeta. Ayon sa ilang mga Islamikong tradisyon[2] siya ay hindi taga-Judah, kundi ay taga-Levi at Aron. panahon ni david hanggang sa kanyang kamatayan

Tingnan din

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation (1984). "David". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
  2. Behar al Anvar V:13 P:440, Tafseer Al-Qomi V:1 P:82, The story of Prophets of Jazayeri Page 331



KasaysayanBibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

1964

Ang 1964 ay isang bisiyestong taon na nagsisimula sa Miyerkoles sa kalendaryong Gregorian.

Abril 6

Ang Abril 6 ay ang ika-96 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-97 kung taong bisyesto) na may natitira pang 271 na araw.

David Cameron

Si David William Donald Cameron (bigkas: /ˈkæm(ə)rən/), ipinanganak noong ika-9 ng Oktubre, 1966 ay ang Punong Ministro ng United Kingdom mula ika-11 ng Mayo, 2010 hanggang ika-11 ng Hulyo, 2016. Siya ay naging Pinuno ng Partido Konserbatibo mula ika-6 ng Disyembre, 2005 hanggang ika-11 ng Hulyo, 2016.

David J. Wineland

Si David Jeffrey Wineland (ipinanganak noong 24 Pebrero 1944) ay isang pisikong Amerikano sa National Institute of Standards and Technology (NIST) laboratoryo ng pisika. Ang kanyang mga paggawa ay kinabibilang ng mga pagsulong sa optika sa spesipiko ay paglalamig na laser ng mga ion sa mga Paul trap at paggamit ng mga nabitag na ion upang ipatupad ang mga operasyon ng pagkukwentang quantum. Siya ay nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 2012 kasama ni Serge Haroche para sa "nagpapasimulang mga paraan sa eksperimento na pumapayag sa pagsukat at manipulasyon ng mga indibidwal na sistemang quantum" na isang pag-aaral ng partikulo ng liwanag na photon.

Herusalem

Ang Herusalem ay isang lungsod sa Gitnang Silangan, na matatagpuan sa talampas ng bulubundukin ng Hudea, sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Patay. Isa ito sa pinakamatandang lungsod sa buong mundo, at itinuturing banal ayon sa tatlong pangunahing relihiyong Abraamiko—Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Parehong inaangkin ng Israel at ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang kabisera. Lahat ng punong tanggapan ng bansang Israel ay nasa lungsod, samantalang nakikita ng Pambansang Awtoridad ng mga Palestino ang Herusalem bilang luklukan ng kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. Ngunit, hindi kinikilala ang pahayag ng dalawang bansa ukol sa lungsod ng iba pang mga bansa.Ayon sa Bibliya, sinakop ni Haring David ang lungsod mula sa Hebusito at itinatag ito bilang kabisera ng Kaharian ng Israel, at ang kanyang anak na si Salomon, ang nagpaggawa ng Unang Templo.

Iapetus (buwan)

Ang Iapetus ay isang buwan sa Saturn.

Leo James English

Si Padre Leo James English, C.Ss.R. (Agosto 1907–1997) ay isang taga-Australia na taga-lipon at editor ng dalawa sa mga pinakaunang pinakagamiting diksiyunaryong pang-dalawang wika sa Pilipinas.

Level E

Ang Level E (レベルE) ay isang seryeng mangang science fiction ni Yoshihiro Togashi. Ito ay orihinal na inilathala ng Weekly Shōnen Jump mula noong 1995 hanggang 1997.Kasama ang mga maiikling mga istorya, nakatuon ang istorya sa pangkalangitan na iba sa kanyang seryeng shōnen na YuYu Hakusho at Hunter × Hunter.

Ang Level E ay nailathala sa labing-anim na kabanata na kinolekta sa tatlong bolyum (tankōbon) na magkakasama. Unang inilabas ito noong 4 Marso 1996, Ang ikalawa noong 3 Oktubre 1996, at ang huli noong 1 Mayo 1997. Ang Level E ay inilabas muli bilang bahagi ng seryeng Shueisha Jump Remix. Inilabas ang dalawang bolyum noong 2009. Isang adapsiyong anime ang inanunsiyon para sa Level E na binubuo ng 12-13 episodyo na ipapalabas sa 2011 at ilalabas ni Studio Pierrot at David Production.

Marso 19

Ang Marso 19 ay ang ika-78 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-79 kung leap year) na may natitira pang 287 na araw.

Matematika

Ang matematika (Aleman: Mathematik, Pranses: mathématiques, Ingles: mathematics, Kastila, Portuges: matemática) ang pag-aaral ng kantidad, espasyo, estraktura at pagbabago. Ang mga matematiko na nag-aaral ng matematika ay naghahanap ng mga paterno (patterns) at isinasa-pormula ang mga bagong konhektura. Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito. Ang pagsasaliksik na kinakailangan upang lumutas ng mga problemang matematikal ay maaaring tumagal ng mga taon o kahit mga siglo ng patuloy na pagsisiyasat. Gayunpaman, ang mga matematikal na pagpapatunay ay mas hindi pormal at nakakapagod kesa sa mga patunay sa matematikal na lohika. Simula ng pasimulang akda ni Guiseppe Peano, David Hilbert at iba pa sa mga aksiomatikong mga sistema sa huli ng ika-19 na siglo, naging kaugalian na tingnan ang pagsasaliksik matematikal na nagtatatag ng katotohanan sa pamamagitan ng mahigpit na deduksiyon mula sa angkop na napiling mga aksioma at depinisyon. Kapag ang mga matematikal na istrakturang ito ay mabuting mga modelo ng tunay na penomena, kung gayon ang pangangatwirang matematikal ay kalimitang makapagbibigay ng kabatiran o mga prediksiyon.

Sa pamamagitan ng paggamit ng abstraksiyon at lohikal na pangangatwiran, ang matematika ay nabuo mula sa pagbibilang, pagkukwenta, pagsukat at sa sistematikong pag-aaral ng mga hugis at mosyon ng mga pisikal na obhekto. Ang praktikal na matematika ay naging gawain ng tao mula pa sa pag-iral ng isinusulat na rekord. Ang mga mahigpit na argumento ay unang lumitaw sa Griyegong matematika na ang pinakilala dito ang Mga Elemento ni Euclid. Ang matematika ay nabuo sa relatibong mabagal na hakbang hanggang sa Renasimiyento nang ang mga matematikal na inobasyon na nakikipag-ugnayan sa mga bagong siyentipikong pagkakatuklas ay nagdulot ng mabilis na pagtaas sa bilis ng mga pagkakatuklas matematikal na nagpapatuloy sa kasalukuyang panahon.

Sinabi ni Galileo Galilei na "ang uniberso ay hindi mababasa hanggang sa matutunan natin ang wika at maging pamilyar sa mga karakter na isinulat dito. Ito ay isinulat sa wikang matematikal at ang mga letra ang tatsulok, bilog at iba pang mga heometrikal na pigura na kung wala ang mga ito ay hindi posible sa tao na maunawaan ang isang salita. Kung wala ng mga ito, ang isa ay pagala-gala sa isang madilim na labirinto". Tinawag ng matematikong si Benjamin Peirce ang matematika na "agham na humuhugot ng mga kinakailangang konklusyon". Sinaad naman ni David Hilbert tungkol sa matematika na "Hindi tayo nagsasalita rito ng pagiging arbitraryo sa anumang kahulugan. Bagkus, ito ay isang konseptwal na sistemang nag-aangkin ng panloob na pangangailangan na maaaring ganoon lamang at sa walang kahulugan na iba dito". Si Albert Einstein ay nagsaad naman na "sa saklaw na ang mga batas ng matematika ay tumutukoy sa realidad, ang mga ito ay hindi tiyak at sa saklaw na ang mga ito ay tiyak, ang mga ito ay hindi tumutukoy sa realidad". Sa mas kamakailan lamang, tinawag ni Marcus du Sautoy ang matematika na "ang reyna ng agham...ang pangunahing nagpapatakbong pwersa sa likod ng siyentipikong pagkakatuklas."

Ang matematika ay ginagamit sa buong mundo bilang mahalagang kasangkapan sa maraming mga larangan kabilang ang natural na agham, inhinyerya, medisina at mga panlipunang agham. Ang Nilalapat na matematika na sangay ng matematikang hinggil sa aplikasyon ng kaaalamang matematikal sa ibang mga larangan ay pumupukaw at gumagamit ng mga bagong pagkakatuklas matematikal at minsan ay nagdudulot ng pagkakabuo ng kabuuang bagong mga disiplinang matematikal gaya ng estadistika at teoriya ng laro. Ang mga matematiko ay nakikitungo sa purong matematika o matematika para sa sarili nitong kapakanan na walang aplikasyong iniisip. Walang maliwanag na linyang humihiwalay sa puro at nilalapat na matematika at ang mga praktikal na aplikasyon para sa naging purong matematika ay kalimitang tinutuklas.

Mga Aklat ni Samuel

Ang Mga Aklat ni Samuel, Una at Ikalawang Aklat ni Samuel o Una at Ikalawang Aklat ng mga Hari sa Bibliyang Vulgata ay mga aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol sa mga kasaysayan ni Haring Samuel at ni Haring Saul ang Unang Aklat ni Samuel; samantalang hinggil naman sa kasaysayan ni Haring David ang pangalawa, na tinatawag ding Ikalawang Aklat ni Samuel. Tinatayang naganap ang mga pangyayari sa mga aklat na ito noong 1120 BK hanggang 970 BK.

Niels Bohr

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885 – Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik.

Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito.

Itinatag ni Bohr ang Instituto ng Panteoryang Pisika sa Unibersidad ng Copenhagen, kilala ngayon bilang Instituto ng Niels Bohr, na nagbukas noong 1920. Naging tagapagturo at nakipagtulungan si Bohr sa mga pisikong na kinabibilangan nina Hans Kramers, Oskar Klein, George de Hevesy, at Werner Heisenberg. Hinulaan niya ang pagkakaroon ng isang bagong elemento na parang zirconium, na pinangalan niyang hafnium, ang pangalang Latin ng Copenhagen, kung saan ito natuklasan. Nang naglaon, ipinangalan ang elementong bohrium sa kanya.

Piye

Si Piye (minsang tinransliterang Piankhi; namatay noong 721 BCE) ang haring Kush at tagapagtatag ng Ikadalawampu't limang Dinastiya ng Ehipto na namuno sa Ehipto mula 753/752 BCE hanggang c.722 BCE ayon sa pinakakamakailang pagsasaliksik na akademiko nina Rolf Krauss and David Warburton. Siya ay namuno mula sa siyudad ng Napata na matatagpuan sa malalim na Nubia sa modernong Sudan. Ang kanyang predesesor bilang hari ng Kush ay si Kashta na halos tiyak na nagsanay ng isang malakas na digri ng impluwensiya sa Thebes bago ang pagluklok sa trono ni Piye dahil nagawa ni Kashta ang kanyang anak na babaeng si Amenirdis I na ampunin bilang babaeng tagapagmana sa naglilingkod na Asawa ng Diyos ni Amun na si Shepenupet I bago ang pagwawakas ng kanyang paghahari.

Planetang unano

Ang planetang unano (Ingles: dwarf planet, Kastila: planeta enano) ayon sa International Astronomical Union (IAU), ay isang bagay sa kalangitan na umiikot palibot sa Araw na may sapat na bigat upang maging mabilog na dulot ng sariling balani ngunit hindi nalinis ang kalapit na rehiyon nito ng mga planetesimal at hindi isang satelayt.

Pluto

Para sa ibang gamit, tingnan ang Pluto (paglilinaw).

Ang Pluto (minor-planet designation: 134340 Pluto) ay isang dwarf planet sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito ay ang pinakamalaki at ikalawang pinaka-massive na kilalang dwarf planet sa Solar System at ang ikasiyam na pinakamalaking at ikasampung pinaka-massive na bagay na direktang nag-oorbit sa Araw. Ito ay ang pinakamalaking kilalang trans-Neptununian object (TNO) ayon sa volume ngunit magaan kaysa Eris, isang dwarf planet sa scattered disc. Tulad ng iba pang bagay sa Kuiper belt, ang Pluto ay pangunahing gawa ng yelo at bato at mas maliit-mga isang-kaanim ng mass ng Buwan at isang-katlo ng volume nito. Ito ay mayroong katamtamang eccentric at nakahilig naorbit at may layong 30 hanggang 49 astronomical unit o AU (4.4-7300000000 km) mula sa Araw. Nangangahulugan ito na ang Pluto ay may panahong mas malapit sa Araw kaysa Neptune, ngunit mayroon Pluto at Neputune ng isang matatag na orbital resonance na pumipigil sa kanilang pagbabanggaan. Noong 2014, Pluto ay 32.6 AU ang layo mula sa Araw Ang liawanag ng Araw ay umaabot ng 5.5 oras upang maabot ang Pluto sa kanyang average na layo (39.4 AU).Ang Pluto ay natuklasan noong 1930 ni Clyde Tombaugh, at noon ay orihinal na itinuturing na ikasiyam na planeta mula sa Araw Matapos ang 1992, ang katayuan nito bilang isang planeta ay pinag-alinlangan nang makatulas ng ilang mga bagay na may kaparehong laki sa Kuiper belt. Noong 2005, Eris, na 27% na mas massive kaysa sa Pluto, ay natuklasan, na nagtulak sa International Astronomical Union (IAU) upang pormal na bigyan ng depisiyon ang salitang "planeta" sa unang pagkakataon sa sumunod na taon. Ang depinisyong ito ibinukod at Pluto at nauri bilang isang miyembro ng bagong kategoryang "dwarf planeta" (at partikular bilang isang plutoid). Tingin ng ilan astronomo na ang Pluto, pati na rin ang iba pang dwarf planet, dapat itururing na mga planeta.Ang Pluto ay may limang kilalang buwan: Charon (ang pinakamalaki, na may diameter na lagpas kalahati ng Pluto), Styx, Nix, Kerberos, at Hydra. Ang Pluto at Charon ay itinuturing rin na isang binary system dahil ang barycenter ng ​​kanilang mga orbit ay hindi matatagpuan sa loob ng mga ito. Hindi pormal na binigyang depinisyon ng IAU ang "binary dwarf planet", kaya ang Charon ay opisyal na nauuri bilang isang buwan ng Pluto.Noong 14 Hulyo 2015, ang spacecraft New Horizons ang naging unang spacecraft na nag-fly-by sa Pluto. Sa loob ng maikling flyby na ito, ang New Horizons ay nakagawa ng detalyadong pagsukat at mga obserbasyon ng Pluto at mga buwan nito.

Ramesses IX

Si Ramesses IX (na isinusulat ringRamses) (orihinal na pangalan: Amon-her-khepshef Khaemwaset) (ruled 1129 – 1111 BC) ang ikawalong paraon ng Ikadalawampung Dinastiya ng Ehipto. Siya ang ikatlong pinakamatagal na naglingkod na hari ng dinastiyang ito pagkatapos nina Ramesses III at Ramesses XI. Siya ay pinaniniwalaan ngayon na umakyat sa trono noong I Akhet araw 21 batay sa ebidensiya na prinisinta ni Jürgen von Beckerath sa isang 1984 artikulo. Ayon sa Papyrus Turin 1932+1939, si Ramesses IX ay nagtamasa ng isang paghahari ng 18 tao at 4 buwan at namatay sa kanyang ika-19 taon ng paghahari sa unang buwan ng Peret sa pagitan ng araw 17 at araw 27. His throne name, Neferkare Setepenre, means "Beautiful Is The Soul of Re, Chosen of Re." Si Ramesses IX ay pinaniniwalaang ank ni Mentuherkhepeshef na anak ni Ramesses III dahil ang asawa ni Montuherkhopshef na si Takhat sa mga dingding ng libingang KV10 na kanyang sinunggaban at muling ginamit sa huli nang ika-20 dinastiya ay nagdadala ng prominenteng pamagat ng Ina ng Hari. Walang ibang mga ika-20 dinastiyang hari ang alam na may inang may ganitong pangalan. Kaya si Ramesses IX ay malamang na apo ni Ramesses III.

San Fernando, Pampanga

Para sa ibang gamit, tingnan ang Lungsod ng San Fernando (paglilinaw).Ang Lungsod ng San Fernando, (Kapampangan: Lakanbalen ning San Fernando, Ingles: City of San Fernando) ay isang lungsod sa probinsiya ng Pampanga. Ito ang kabiserang lungsod ng Pampanga at ang sentrong panrehiyon ng Gitnang Luzon (Rehiyon III). Ang lungsod ay kilala sa mga parol nito at binansagang "Christmas Capital of the Philippines" (Kabiserang Pangkapaskuhan ng Pilipinas). Ang taunang Giant Lantern Festival (Pista ng mga Higanteng Parol) ay isinasagawa ng lungsod tuwing Disyembre.

Ayon sa senso noong taong 2000, mayroon itong 221,857 na katao sa 43,649 na kabahayan. Ito ay may layong 67 kilometro mula sa Maynila, 50 kilometro mula sa Look ng Subic sa probinsiya ng Zambales at 16 na kilometro mula sa Paliparang Clark sa Lungsod ng Angeles. Ang lungsod ay nasa gitna ng mga sanga-sangang kalsada sa Gitnang Luzon. Ang lungsod ay ipinangalan kay Fernando VI ng Espanya at inilagay sa pangangalaga ni San Fernando, Hari ng Castile at Leon, kung saan ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 30.

Takelot II

Si Hedjkheperre Setepenre Takelot II Si-Ese ang paraon ng Ikadalawampu't tatlong Dinastiya ng Ehipto sa Gitna at Itaas na Ehipto. Siya ay tinuko bilang ang Dakilang Saserdote ni Amun na si Takelot F na anak ng Dakilang Saserdote ni Amun na si Nimlot C sa Thebes at kaya ay anak ni Nimlot C at apo ni paraon Osorkon II ayon sa pinakahuling pagsasaliksik na akademiko. Batay sa dalawang mga petsang lunar na kabilang kay Takelot II, ang paraong ito ng Itaas na Ehipto ay pinaniniwalaan ngayong umakyat sa trono ng isang nahating Ehipto noong 845 BCE o 834 BCE. Most Egyptologists today including Aidan Dodson, Sina Gerard Broekman, Jürgen von Beckerath, M.A. Leahy at Karl Jansen-Winkeln ay tumatanggap sa hipotesis ni David Aston na si Shoshenq III ang aktuwal na kahalili sa trono ni Osorkon II sa Tanis sa halip na si Takelot II. Si Takelot sa halip ay namuno sa isang hiwalay na kaharian na yumakap sa Gitna at Itaas na Ehipto na natatangi mula sa Tanite na Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto na kumontrol lamang sa Mababang Ehipto. Si Takelot F at ang kanyang anak at kahalili ng Dakilang Saserdote ni Amun Nimlot C ay nagsilbisa isang panahon sa ilalim ni Osorkon II bilang Dakilang Saserdote ni Amun bago iproklama ang kanyang sarili bilang Takelot II sa huling tatlong taon ng paghahari ni Osorkon II. Ang sitwasyong ito ay pinatunayan ng mga eksenang relief sa mga pader ng Templong J sa Karnak na inalay kay Takelot F sa kanyang posisyon bilang Dakilang Saserdote kay Osorkon II na inilalarawan bilang tagadiwan at hari. Ang lahat ng mga dokumentong nagbabanggit kay Takelot II Si-Ese at kanyang anak na si Osorkon B ay nagmula sa Gitna o Itaas na Ehpto(wala sa Mababang Ehipto) at isang libingang maharlika sa Tanis na nagngalan sa isang haring Hedjkheperre Setepenre Takelot kasama ng isang stela ng Taong 9 mula sa Bubastis ay kinikilala ngayon bilang eksklusibong nabibilang kay Takelot I. Bagaman ang parehong sina Takelot I at Takelot II ay gumamit ng parehong prenomen, si Takelot II ay nagdagdag ng epithet na Si-Ese ("Anak na lalake ni Isis") sa kanyang titularyong maharlika na pareho upang iugnay ang kanyang sarili sa Thebes at upang itangi ang kanyang pangalan mula kay Takelot I.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.