Dagat Egeo


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga koordinado: 39°N 25°E / 39°N 25°E Ang Dagat Egeo ay bahagi ng Dagat Mediteraneo na matatagpuan sa pagitan ng mga tangway ng Balkan at Anatolia. Sakop ito ng bansang Gresya

Ang Museo ng Filisteong Culture

Ang Museo ng Filisteong Culture (המוזיאון לתרבות הפלשתים ע"ש קורין ממן - The Corinne Mamane Museum of Philistine Culture) ay isang archaeological museo sa Ashdod, Israel. Ito explores ang kultura ng mga Filisteo na nanirahan sa lugar ng lungsod. Ang museo ay ang tanging museo sa mundo na nakatuon sa mga Filisteo kultura. Ito ay ang unang museo na binuksan sa Asdod noong 1990.

Ang museo ay may 3 palapag. Ang una ay isang eksibisyon ng mga Filisteo kultura. Ang pangalawa ay para sa pagbabago ng mga eksibisyon. Ang ikatlong palapag ay nakatuon sa "mga Filisteo Kitchen" sa pamamagitan ng paggalugad ng kultura ng pagkain ng Dagat Egeo.

Asya

Ang Asya ay ang isa sa mga kontinente ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak, sakop nito ang halos 30% ng kabuuang lupa at 8.7% ng mundo. May sukat ng 44,579,000 square kilometers (17,212,000 sq mi). Ito ay may populasyon ng halos 4.5 bilyon o 60% ng kabuuang populasyon ng buong mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang kontinente ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman ay ang Aprika.

Cyclades

Ang Cyclades ( /ˈsɪklədiːz/; Griyego: Κυκλάδες, [cikˈlaðes]) ay isang pangkat ng islang Griyego sa Dagat Egeo. Ito ay timog silangan ng pangunahing lupain ng Gresya at dating administratibong prepektura ng Gresya. Ang mga ito ay isa sa mga grupong isla na bumubuo ng kapulugang Egeo. Ang pangalan ay tumutukoy sa mga islang pumapalibot (κυκλάς) sa sagradong isla ng Delos. Ang Cyclades ay kung saan ang katutubong breed na Griyego ng pusa na pusang Egeo ay nagmula.

Dagat Itim

Para sa ibang gamit, tingnan ang Dagat Itim (paglilinaw).

Ang Dagat Itim (Ingles: Black Sea) ay isang dagat na napalilibutan o nakapaloob sa lupa na napaliligiran ng timog-silangang Europa, ang Caucasus ang Tangway ng Anatolia (Turkey) at nakarugtong sa Karagatang Atlantiko sa pamamagitan ng Dagat Mediteranyo,Dagat Egeo at iba't ibang kipot. Ang kipot ng Bosporus ay nadurugtong nito sa Dagat Marmara, at ang kipot ng Dardanelles ang nagdurugtong nito sa rehiyon ng Dagat Aegean ng Mediteranyo. Ang tubig nito ang naghihiwalay sa silangang Europa at kanlurang Asya. Ang Dagat Itim ay nakakonekta sa Dagat Azov sa pamamagitan ng Kipot ng Kerch.

Ang Dagat Itim ay may area na 436,400 km² (168,495 sq mi), ang pinakamalalim na bahagi nito ay umaabot ng 2,212 m (7,257 ft), at bolyum na 547,000 km³ (133,500 cu mi). Ang Dagat Itim ay gumagawa ng eliptikal na depresyon na makikita sa pagitan ng Bulgaria, Georgia, Romania, Russia, Turkey, at Ukraine. Napapalibutan ito ng Kanbundukan ng Pontic sa timog, ang kabundukan ng Caucasus na sa silangan at mayroong malawak na shelf sa hilagang-kanluran. Ang pinakamahabang lawak nito mula sa silangan hanggang kanluran ay 1,175 km.

Ang mga mahahalagang lungsod sa baybayin ng dagat ay ang mga sumusunod: Constanţa (306,000 na may metropolitan area na 550,000), Istanbul (11,372,613), Odessa (1,001,000), Mangalia (41,153), Burgas (229,250), Varna (357,752 na may metropolitan area ng 716,500), Kherson (358,000), Sevastopol (379,200), Yalta (80,552), Kerch (158,165), Novorossiysk (281,400), Sochi (328,809), Sukhumi (43,700), Năvodari (34,669), Poti (47,149), Batumi (121,806), Trabzon (275,137), Samsun (439,000) Ordu (190,143) at Zonguldak (104,276).

Isa ang Dagat Itim sa apat na mga dagat na pinangalanan mula sa mga kulay— ang iba pa ay ang Dagat Puti, ang Dagat Pula, at ang Dagat Dilaw.

Delos

Ang isla ng Delos (Griyego: Δήλος, [ˈðilos]; Attic Δῆλος, Doric Δᾶλος), malapit sa Mykonos na malapit sa sentro ng kapuluang Cyclades ang isa sa pinakamahalagang mga lugar na mitolohikal, historikal at arkeolohikal ng Gresya. Ang mga paghuhukay sa islang Delos ay isa sa pinaka-ekstensibo sa Mediterraneo. Ang Delos ay may posisyon bilang isang banal na dambana sa loob ng isang milenyo bago ang ang Olimpianong Mitolohiyang Griyego ay gumawa ritong lugar ng kapanganakan nina Apollo at Artemis. Mula sa sagradong daungan nito, ang horison ay nagpapakita ng mga sagradong lugar sa isang Diyosa sa ibang mga lugar. Ang isa na nagpapanatili ng pangalang bago ang Griyego nito na Mount Kynthos, ay kinoronahang isang dambana kay Zeus.

Egeo

Maaring tumukoy ang Egeo sa:

Dagat Egeo, isang dagat na bahagi ng Dagat Mediteranyo

Rehiyon ng Egeo, isang pangheograpiyang rehiyon sa Turkiya

Europa

Ang Europa ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Kabundukang Ural at Caucasus, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.

Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.

Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ng Sinaunang Roma at ng Sinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba't ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sa kolonyalismo ng mga iba't ibang parte ng mundo. Ang Unang Digmaang Pandaigdig at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. Sa Digmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig sa NATO at isa sa Unyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyong Unyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente.

Lalawigan ng Balıkesir

Ang Lalawigan ng Balıkesir (Turko: Balıkesir ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na may baybayin sa parehong Dagat ng Marmara at ang Dagat Egeo. Katabi ito ng mga lalawigan ng Çanakkale sa kanluran, İzmir sa timog-kanluran, Manisa sa timog, Kütahya sa timog-silangan, at Bursa sa silangan. Ang panlalawigang kabisera nito ay ang lungsod ng Balıkesir.

Lalawigan ng Denizli

Ang Lalawigan ng Denizli (Turko: Denizli ili) ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa Kanlurang Anatolia, sa mataas na lupa na mas mataas sa baybayin ng Dagat Egeo. Ang mga katabing lalawigan ay Uşak sa hilaga, Burdur, Isparta, Afyon sa silangan, Aydın, Manisa sa kanluran at Muğla sa timog. Matatagpuan ito sa pagita ng mga koordinadong 28° 30’ at 29° 30’ Silangan at 37° 12’ at 38° 12’ Hilaga. Sinasakop nito ang sukat na 11,868 km2, at may populasyon na is 931,823. Noong 1990, nasa 750,882 ang populasyon nito. Ang lungsod ng Denizli ang panlalawigang kabisera nito.

Lalawigan ng Muğla

Ang Lalawigan ng Muğla (Turko: Muğla ili, pagbigkas [muːɫa iˈli]) ay isang lalawigan sa Turkiya, sa timog-kanlurang sulok ng bansa, sa dakong Dagat Egeo. Ang upuan ng pamahalaan ay ang Muğla, mga 20 km (12 mi) sa loob ng bansa, habang nasa baybayin ng Muğla ang ilang mga malalaking bakasyunan sa Turkiya, tulad ng Bodrum, Ölüdeniz, Marmaris at Fethiye.

Lalawigan ng İzmir

Ang Lalawigan ng İzmir (Turko: Izmir ili) ay isang lalawigan at kalakhang munisipalidad sa Turkiya na matatagpuan sa kanlurang Anatolia, sa baybayin ng Dagat Egeo. Ang kabisera ay ang lungsod ng İzmir, na binubuo mismo ng 10 sa 30 kalagitnaang distrito ng lalawigan. Sa kanluran, pinapaligiran ito ng Dagat Egeo, at sinasara ang Gulpo ng Izmir. Mayroon itong sukat na 11,973 kilometro kuwadrado, na may populasyon na 4,279,677 noong 2017. Ang populasyon noong 2000 ay 3,370,866. Ang mga katabing lalawigan ay ang Balıkesir sa hilaga, Manisa sa silangan, at Aydın sa timog.

Mayo 2014

Ang Mayo 2014 ay ang ikalimang na buwan ng taong iyon. Nagsimula ito ng Huwebes at nagtapos ng Sabado pagkatapos ng 31 araw.

Orakulo

Sa Klasikong Antikwidad, ang isang orakulo ay isang taon o ahensiyang itinuturing na nakikipag-ugnayan ng mga matatalinong payo o mga hula o mga prekognisyon ng hinaharap na napukaw ng mga diyos. Sa gayon, ito ay isang anyo ng dibinasyon. Ang orakulo ay nagmula sa pandiwang wikang Latin na ōrāre "na magsalita" at tumutukoy sa saserdote o saserdotisa na bumibigkas ng hula. Ito ay maaari ring tumukoy sa lugar ng orakulo o sa mga mismong pahayag na orakular na tinatawag sa Griyegong khrēsmoi (χρησμοί). Ang mga orakulo ay pinaniniwalang mga portal kung saan ang mga diyos ay direktang nangungusap sa mga tao. Sa kahulugang ito, sila ay iba sa mga seer (manteis, μάντεις) na nagpakahulugan sa mga tandang ipinadala ng mga diyos sa pamamagitan ng mga tanda ng ibon, mga lamang loob ng mga hayop at iba't ibang mga paraan.Ang pinakamahalagang mga orakulo ng Sinaunang Gresya ang Pythia na saserdotisa ni Apollo sa Delphi at orakulo ni Dione at Zeus at Dodona sa Epirus. Ang ibang mga templo ni Apollo ay natagpuan sa Didyma sa baybayin ng Asya menor sa Sinaunang Corinto at Bassae sa Peloponneses at sa mga kapuluan ng Delos at Aegina sa Dagat Egeo. Ang mga orakulong sibilina ay isang kalipunan ng mga pahayag na orakular na isinulat sa mga heksametrong Griyego na itinuturo sa mga Sybil na mga propetisa na naghayag ng mga pahayag ng diyos sa isang estadong kabaliwan.

Rehiyon ng Egeo

Ang Rehiyon ng Egeo (Turko: Ege Bölgesi) ay isa sa pitong pang-heograpiyang rehiyon ng Turkiya. Matatagpuan sa kanlurang Turkiya, ito ay napapaligiran ng Dagat Egeo, na kinuha ang pangalan ng rehiyon, sa kanluran, ang Rehiyon ng Marmara sa hilaga, ang Kalagitnaang Rehiyon ng Anatolia sa silangan at Rehiyon n Mediteranyo sa timog. Sa apat na rehiyon na nasa baybayin, ang Rehiyon ng Egeo ang may pinakamahabang baybayin.

Rehiyon ng Marmara

Ang Rehiyon ng Marmara (Turkish: Marmara Bölgesi) ay isang pangheograpiyang rehiyon sa Turkiya.

Matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Turkiya, napapaligiran ito ng Gresya at ang Dagat Egeo sa kanluran, Bulgaria at ang Dagat Itim sa hilaga, ang Rehiyon ng Dagat Itim sa silangan, ang Kalagitnaang Rehiyon ng Anatolia sa timog-silangan at ang Rehiyon ng Egeo sa timog. Nasa gitna ng rehiyon ang Dagat ng Marmara, kung saan kinuha ang pangalan nito.

Sa pitong mga rehiyong pang-heograpiya, ang Rehiyon ng Maramara ay ang ikalawang pinakamaliit na lugar, ngunit may pinakamalaking populasyon; ito ang may pinakamakapal na populasyon sa rehiyon ng bansa.

Sappho

Si Sappho o Safo ng Lesbos (610 BK - 580 BK) ay isang babaeng manunula mula sa pulo ng Lesbos na nasa Dagat Egeo ng Sinaunang Gresya. Tanging si Sappho lamang ang nag-iisang babaeng manunula mula sa kanyang kapanahunan na naaalala sa ngayon.

Thales

Si Thalis ng Milito (Griyego: Θαλής ο Μιλήσιος, Thalis o Milisios, Tales ng Mileto), higit na kilala sa anyong Latin ng kaniyang pangalan na Thales, ay ipinanganak sa Ionia sa lungsod ng Milito (624 BK–546 BK) ng Gresya noong mga 2500 taon na ang nakalilipas sa baybayin ng Dagat Egeo, anak nina Examio at Cleobulina. Ang kaniyang mga pangunahing pasyon ay matematika, astronomiya, at politika. Itinuturing siya na isa sa mga Pitong Paham ng Gresya. Siya rin ang kinikilala bilang unang dakilang siyentipiko. Siya ang unang nakatuklas ng magnetismo dahil sa pagkakatagpo niya na nakahahatak o nakaakit ng mga piraso ng bakal o yero (iron sa Ingles) ang mineral na batong may balani (lodestone o loadstone sa Ingles). Kaugnay nito, natuklasan niya rin ang kuryente dahil sa pagdikit ng magagaang na mga bagay sa mga piraso ng amber (electron sa Griyego at pinagmulan ng salitang "elektrisidad" o electricity sa Ingles) pagkaraan niyang kuskusin ang mga amber na ito.

İzmir

Ang İzmir (Pagbigkas sa Turko: [ˈizmiɾ]) ay isang kalakhang lungsod sa pinakakanlurang dulo ng Anatolia sa Turkiya. Ito ang pangatlong pinakamataong lungsod sa Turkiya, kasunod ng Istanbul at Ankara, at ang pangalawang pinakamalaking kalakhang pook sa Dagat Egeo kasunod ng Atenas, Gresya. Noong 2018, mayroong 2,947,000 katao ang lungsod, habang may kabuoang populasyon naman na 4,320,519 na katao ang Lalawigan ng İzmir. Umaabot ang kalakhang pook ng İzmir sa kahabaan ng panlabas na mga katubigan ng Golpo ng İzmir at papaloob sa hilaga sa kahabaan ng delta ng Ilog Gediz; pasilangan sa kahabaan ng kapatangang banlik na nilikha ng ilang maliit na mga sapa; at sa bahagyang mas-mabatong lupain sa timog.Noong sinaunang panahon, kinilala ang lungsod bilang Smyrna, ang pangalan na nanatiling ginagamit sa wikang Ingles at ibang mga banyagang wika hanggang sa ipinatupad ang Posta Hizmet Kanunu (Batas ng Turkong Serbisyo ng Koreo) ng Marso 28, 1930. Nilayon nitong gawing kinikilalang pangalan sa daigdig ang pangalang Turko na İzmir sa maraming mga wika. Ngunit ginagamit pa rin ang makasaysayang pangalang Smyrna sa ilang mga wika, tulad sa Griyego (Σμύρνη, Smýrnē), Armenyo (Զմյուռնիա, Zmyurnia), Italyano (Smirne), at Kastila (Esmirna). Ang İzmir, kasama ang panahong ito'y Smyrna, ay may higit sa 3,000 taon ng nakatalang kasaysayang urbano, at umaabot sa 8,500 taon ng kasaysayan bilang isang pamayanan mula noong panahong Neolitiko. Dahil ito'y nasa kapaki-pakinabang na kinaroroonan sa ulo ng isang golpo na dumadaloy sa malalim deep indentation, kalagitnaan sa kahabaan ng kanlurang baybaying-dagat ng Anatolia, isa ito sa pangunahing mga lungsod sa pangangalakal ng Dagat Mediteraneo para sa malaking bahagi ng kasaysayan nito. Idinaos sa İzmir ang Palarong Mediteraneo ng 1971 and at ang Pandaigdigang Palaro ng Unibersidad (Universiade) ng 2005.

Ang lungsod ng İzmir ay binubuo ng ilang mga kalakhang distrito. Sa mga ito, ang distrito ng Konak ay tumutugma sa makasaysayang İzmir. Dating bumuo bilang sentral na "Munisipalidad ng İzmir" (Turko: İzmir Belediyesi) ng lungsod ang distrito hanggang sa taong 1984. Kalakip ng pagbubuo ng "Kalakhang Munisipalidad ng İzmir" (Ingles: İzmir Metropolitan Municipality, Turko: İzmir Büyükşehir Belediyesi), pinangkat nang magkasama ng lungsod ng İzmir ang labing-isa (unang siyam) na mga distritong urbano – Balçova, Bayraklı, Bornova, Buca, Çiğli, Gaziemir, Güzelbahçe, Karabağlar, Karşıyaka, Konak, at Narlıdere – at sinama ang mga ito sa karagdagang mga distrito ng lalawigan sa labas ng kabayanan o sentro ng lungsod na umaabot mula Bergama sa hilaga hanggang Selçuk sa timog. Dahil diyan ang kabuoang bilang mg mga distritong itinuturing na bahagi ng kalakhang pook ng İzmir's sa tatlumpu (30).

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.