Confucius

Si Confucius, K'ung-tze, o K'ung-Qiu (551 BK - 479 BK) ay isang Tsinong guro, patnugot, politiko, at pilosopo ng Panahong Tagsibol at Taglagas sa kasaysayan ng Tsina.[1]

Si Confucius ang sinasabing nag-akda at namatnugot ng marami sa mga klasikong teksto ng Tsina kabílang ang lahat ng Five Classics, ngunit ang mga makabagong iskolar ay maingat sa pagbibigay ng tiyak na mga asersiyon kay Confucius. Ang mga Aphorism na tungkol sa kaniyang mga turò pinagsáma-sáma sa Analects, mga ilang taon matapos siyang mamatay.

Ang prinsipiyo ni Confucius ay nakabase sa mga paniniwala at tradisyonng mga tsino. Pinalaganap niya ang matatag na katapatan sa pamilya, paggalang sa mga sumakabilang-buhay, paggalang ng mga bata sa mga matanda at ng mga bána sa kanilang asawa. Pinapayo niya rin na gawing basihan ang pamilya para sa isang ulirang pamahalaan. Siya ang yumakap sa tanyag na prinsipyong "Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin din nila sa iyo", ang Ginintuang patakaran.

Siya ang nagtatag ng Confucianismo noong panahon ng Dinastiyang Zhou sa Tsina. Tumutuon ang Confucianismo sa mabuting asal ng mga tao na dapat nilang pagbutihin. Layunin nito na magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.


TalambuhayKasaysayanTsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Preece], [gen. ed.: Warren E. (1973). Encyclopædia Britannica, vol. 6 (sa Ingles) (14. ed., reprinted. ed.). Chicago [u.a.]: Encyclopædia Britannica, Inc. p. 310-312. ISBN 0-85229-173-6. |access-date= requires |url= (tulong)
Confucius
Confucius Tang Dynasty
Kapanganakan孔丘
551 BCE
Kamatayan479 BCE
PagkamamamayanLu
Hanapbuhaypilosopo, guro, manunulat
AnakKong Li
Mga magulang
  • Shu-liang He
  • Yan Zhengzai
Mag-anakMeng Pi
Confucianismo

Ang Confucianismo (Ingles: Confucianism; Tsino: 儒家; pinyin: rú jiā) ay isang sinaunang sistemang pang-etika at pampilosipiyang Tsino na unang pinaunlad mula sa mga turo ni Confucius, isang sinauang paham at pilosopong Tsino. Itinuturo nito ang tao ay sadyang itinulak ng tadhana upang makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang mga abnormal lamang at ang hindi "natural" na tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan. Ang pakikisalamuha sa kapwa tao ang pinakamahalaga upang mabuhay sapagkat sa lipunan lamang malalaman ng tao sa lipunan ay tinatawag na "jen". Ipinaliwanag ang salitang ito bilang "pagiging mabuti at mapagbigay sa nangangailangan", "simpatya", "pusong makatao" at "makatuwid na kaugalian".Kasama sa jen ang "pagnanais na makatulong sa iba na maabot nila ang kanilang hangarin'. Dahil dito, ipinanukala na Confucianismo ang tamang aksiyon na makikita sa pagtupad sa mga tungkulin sa lipunan: Pinuno at mga tagasunod; ama at anak; matandang kapatid at nakakabatang kapatid; asawang lalaki at asawang babae;at kaibigan sa kaibigan; at lahat ng relasyon maliban sa huli ay nangangahulugan ng pagkilala ng awtoridad ng isang tao sa nakabababa sa kanya. Subalit maisasakatuparan ng nagsabing awtoridad ng may responsibilidad at pagmamahal. Ang nakabababa ay may tungkulin sumunod nang may pagmamahal at katapatan sa nakakataas sa mantalang ang nakatataas ay may tungkuling magpakita ng responsibilidad ng may pagmamahal ng nakakababa sa kanya.

Ang Confucianismo ay ang pamamalakad ng tao sa halip na batas. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at maayos na relasyon ay higit na mahalaga kaysa konsepto ng labis na pagpapairal ng karapatang pang tao. Pinahahalagahan ng Konpusyanismo ang pamilya bilang taga-hubog ng moralidad. Inihahalintulad ang pamilya sa isang paaralan kung saannatutuhan nang bata ang mga responsibilidad at pribilehiyo na mararanasan sa labas ng tahanan. Naniniwala rin ang mga maka-Konpusyanismo sa isang matagumpay na rebolusyon. Tinatawag itong "utos ng langit" (mandate of heaven) sa katauhan ng emperador. Bilang anak ng langit, nagiging matuwid para sa kanila ang mabilis na pagbabago maaaring gawin ng estado bilang utos ng langit.

Dinastiyang Zhou

Ang Dinastiyang Zhou (Tsino: 周朝; pinyin: Zhōu cháo) (1112–256 BK) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang Ginintuang Panahon ng Pilosopiya na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim.

Ang mag-amang sina Wu Wang at Ch'eng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong bayani na kinikalala ng mga Zhou.

Naipasa sa dinastiyang Zhou ang Basbas ng Langit at ang titulo na Anak ng Langit. Naimbento ang bakal na araro. Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho. Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan. Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot. Dahil malawak ang teritoryo ng Zhou, humina ang kontrol nito sa nasasakupang estadong lungsod. Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado. Lumitaw ang pilosopiyang Confucianismo at Taoismo. Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.

Ginintuang patakaran

Ang Ginintuang Patakaran (Ingles: Golden Rule, Ethic of Reciprocity, o Norm of Reciprocity) ay ang pamantayan ng gantihan ng kabutihan o palitan ng gawaing mabuti, na nagsasaad ng ganito o katulad nito: "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo." Tinatawag din itong Pamantayan ng Resiprosidad o Etiko ng Resiprosidad, isang kasunduan ng pagtutulungan. Sa Ingles, ganito ang kaanyuan ng pangungusap na ito: Do unto others as you would have them do unto you. Sa pagnenegosyo o iba pang pagkakataon, madudugtungan ito ng mga negosyante ng ganitong pangungusap: Ginagamit ang Ginintuang Patakaran, sa lahat ng panahon (o oras), sa lahat ng mga bagay, sa lahat ng mga pook. Na maiaangat pa sa ganitong kataga: Palaging sinusubukang itrato ang mga tao na mas mainam ng bahagya kaysa kung paano nila ako tinatrato. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, matatagpuan ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 7:12): Kaya nga gawin ninyo sa iba ang ibig ninyo na gawin nila sa inyo. Katumbas ng Ingles na: Do to others as you would have them do to you. Sa isang bersiyong ginagamit ng pormal na matandang Ingles, ganito ang pagkakabanggit nito mula sa Mateo 7:12 ng The Holy Bible, Authorized King James Version, sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo: "Therefore all things whatsoever ye would that men should do to you, do ye even so to them: for this is the law and the prophets."Sa larangan ng musika sa Pilipinas, matutunghayan ang diwa ng Ginintuang Patakaran sa mga panitik o liriko ng awiting Lupa ng grupong Asin. Ganito ang sinasaad sa taludturan ng refrain o parteng inuulit ng kantang ito:

Kung ano ang 'di mo gusto

Huwag gawin sa iba

Kung ano ang iyong inutang

Ay s'ya ring kabayaranAng mga pahayag na katulad ng patakarang Ginintuan ay makikita sa sinaunang Ehipto sa kuwento ng Ang Maliwanag na Magsasaka. Tinalakay ni Rushworth Kidder ang mga sinaunang kontribusyon ni Confucius (551–479 BCE). Ayon kay Kidder, ang balangkas ng konseptong ito ay kilalang lumilitaw sa karamihan ng mga relihiyon kabilang ang Hinduismo, Budismo, Taoismo, Zoroastrianismo at iba pang mga pangunahing relhiyon.

Go

Para sa ibang gamit, tingnan ang Go (paglilinaw).

Ang Go (wikang Hapones: 碁) na binabaybay din kung minsan bilang Goe, kilala sa wikang Intsik bilang weiqi (pinapayak na Intsik: 围棋; nakaugaliang Intsik: 圍棋; pinyin: wéiqí; Wade-Giles: wei ch'i) at sa wikang Koreano bilang baduk (hangul: 바둑), ay isang sinaunang larong may tabla para sa dalawang manlalaro na natatangi dahil sa pagiging mayaman sa estratehiya sa kabila ng payak nitong mga patakaran sa paglalaro.

Ang larong ito ay nilalaro ng dalawang mga manlalarong naglalagay ng salit-salitang itim at puting mga bato sa ibabaw ng isang bakante o walang lamang mga interseksiyon ng mga grid ng 19×19 na mga guhit. Kapag inilagay na sa laruang tabla, hindi na maililipat ang mga bato sa ibang lugar, maliban na lamang kapag napaligiran sila at nahuli ng mga bato ng katunggali o kalaban. Ang layunin ng laro ay matabanan o makontrol (mapaligiran) ang isang malaking porsyon o bahagi ng tablang laruan kaysa sa kalaban.

Ang magkakalapit na paglalagay ng mga bato ay nakakatulong sa pagsusuporta nila sa isa't isa at maiwasan ang pagkahuli. Sa kabilang banda, ang magkakalayong paglalagay ng mga bato ay nakalilikha ng impluwensiya sa kahabaan ng mas marami pang bahagi ng tabla. Bahagi ng kahirapang pang-estratehiya ng laro ay nagsasanga mula sa paghahanap ng isang balanse sa pagitan ng nagsasalungatang mga nais o layunin. Nagsusumikap ang mga manlalaro na makamit ang mga layunin pampagtatanggol (depensa) at paglaban (opensibo) at pumili sa pagitan ng pagmamadaling pangtaktika at mga plano pang-estratehiya.

Nagmula ang Go sa sinaunang Tsina mahigit sa 2,500 mga taon na ang nakararaan. Bagaman hindi talagang nalalaman kung kailan naimbento ang laro, isa nang tanyag na libangan ang laro noong pagsapit ng ika-3 daangtaon, na ipinapakita ng isang pagtukoy sa laro sa Mga Analekto ni Confucius. Nagpapakita ang mga ebidensiyang pang-arkeolohiya na ang maagang anyo ng laro ay nilalaro sa isang tablang may grid na 17×17, subalit sa pagsapit ng panahong lumaganap na ang laro sa Korea at sa Hapon noong bandang ika-7 daangtaon, naging pamantayan na ang mga tablang may grid na 19×19.

Tanyag na tanyag ang laro sa Silangang Asya. Ang isang konserbatibong pagtataya ay naglalagay ng bilang ng mga manlalaro ng Go sa buong mundo sa bandang 27 mga milyon. Nakarating sa Kanluran ang Go sa pamamagitan ng Hapon, ang dahilan kung bakit pangkaraniwang mas nakikilala ito sa pamamagitan ng pangalang Hapones nito (orihinal na Igo (wikang Hapones: 囲碁)).

Ika-5 daantaon BC

(ika-2 milenyo BC - ika-1 milenyo BC - ika-1 milenyo AD)

Mencius

Si Mencius (Tsino: 孟子; pinyin: Mèng Zǐ; Wade–Giles: Meng Tzu; Zhuyin Fuhao: ㄇㄥˋ ㄗˇ; pinaka tinatanggap na mga petsa: 372 – 289 BCE; iba pang posibleng mga petsa: 385 – 303/302 BCE), na nakikilala rin bilang Mencio, Ji Mèngkē (姓孟軻), Meng Zi (Mèng Zǐ, Mèngzǐ), o Meng Ke (nangangahulugang "Gurong Meng"), ay isang Intsik na pilosopo na itinuturing bilang isa sa pinaka bantog na Kumpusyano pagkaraan ng mismong si Confucius.si Mencius ang pinakadakilang mag aaral ni confucius.

naniniwala siyang ang lahat ng tao ay likas na mabuti.

Mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina

[[File:

Ang mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay ang pagkakasunud-sunod ng pagpapalitan ng mga pinuno at tagapamahalang kabilang sa iisang mag-anak o "kabahayan" sa loob ng maraming mga salinlahi sa bansang Tsina. Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.

Bilang karagdagan, nahati ang Tsina sa mahahabang mga kapanahunan ng kasaysayan, na may iba't ibang mga rehiyong pinamamahalaan ng iba't ibang mga pangkat. Sa panahong tulad nito, isang nagkakaisang Tsina. Bilang isang kasong tinatalakay, maraming pagtatalo hinggil sa mga panahon sa loob at pagkalipas ng kapanahunan ng Kanluraning Dinastiyang Zhou. Ang isang halimbawa ng isang dinastiya na nahati pero gumagamit parin ng parehas na pangalan ay ang Dinastiyang Zhou, na may Silangang Bahagi at Kanluraning Dinastiyang Zhou. Sapat na ang isang halimbawa na maaaring makapagdulot ng kalituhan:

Nilalahad sa nakaugaliang petsang 1644 ang taon kung kailan sinakop ng mga hukbong Manchu ng Dinastiyang Qing ang Beijing at nagdala ng pamamahalang Qing sa mismong Tsina, kapalit ng dinastiyang Ming. Subalit, inilunsad ang mismong dinastiyang Qing noong 1636 (o maaaring 1616 din, na maaaring nasa ilalim ng ibang pangalan), habang hindi pa natatanggal ang huling tagapagpanggap ng dinastiyang Ming noong 1662, kaya't hindi tumpak na akalaing nagbago ang Tsina sa isang iglap lamang noong taong 1644.

Pampamahalaang Unibersidad ng Bulacan

Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Bulacan (Ingles: Bulacan State University) ay isang pamantasan na matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, Pilipinas. Ito ay ang pamantasang panlalawigan ng Bulacan, na itinatag noong 1904 at kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Cecilia N. Gascon. Ang pamantasang partner ng Confucius Institute ng Bulacan State University Malolos kampus sa bansang Tsina ay ang Northwest University (China).

Panahong Asuka

Ang panahon ng Asuka ay kinilala sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, panlipunan at pampolitika na nagsimula sa huling bahagi ng Panahon ng Kofun. Ang pangalang Asuka ay galing sa isang rehiyon (timog ng presenteng Nara) na kung saan maraming mga pansamantalang kapitolyo ng bansa ang itinayo. Sa panahong Asuka din sinimulang gamitin ang pangalang Nihon o Dai Nippon para tawagin ang buong bansa ng Japan.

Sa panahong ito, lalo pang umusbong ang estado ng Yamato at ang kanyang imperyal na Korte. Ipinamalas ng Korteng ito ang kanyang kontrol sa mga angkang-tribo na nasa Kyushu at Honshu. Nagpataw ito ng mga maharlikang titulo na namamana sa mga pinuno ng mga tribo dito.

Kapag binanggit ang pangalang Yamato noong unang panahon ang ibig sabihin din nito ay kasing kahulugan ng bansang Japan. Kinilala ang kapangyarihang imperyal ng Yamato dahil sa pagpuksa at pagkubkob nila sa iba't ibang angkan at lupain.

Halaw sa modelo ng sinaunang Tsina ang kanilang istrukturang pampolitika. Gumawa sila ng isang sentralisadong pamumuno at ng isang maharlikang korte na kinuha nila sa mga pinuno ng mga angkang kanilang sinakop. Bagaman sentralisado ang pumunuan hindi sila nagtatag ng isang permanenteng kapitolyo. Sa panahong ding ito, kinopya, at kinukop nila ang pagsulat ng mga tsino ng kung tawagin ay kanji.

Sa kalagitnaan ng ikapitong dangtaon, lumaki pa ang lupaing teritoryal at mga lupaing pansakahan sa ilalim na Yamato at natural din na lumaki ang sakit ng ulo ng mga namumuno. Dahil dito nangailan sila ng sentralisadong polisiya ng nagbago ng kalagayang putikal at kalagayang panglipunan. Binuo nila ang mga bayan-bayan bilang batayang yunit ng pamamahala, at ang lipunan ay igrinupo o pinangkat-pangkat ayon sa kanilang mga trabaho. Karamihan sa mga tao ay magsasaka, ang iba ay mangingisda, mananabi, tagagawa ng mga palayok at banga, tagagawa ng mga balabal-pandigma, at mga espesyalista sa mga ritwal.

Ipinakasal ng Pamilyang Soga ang kanilang mga anak sa maharlikang pamilya ng Imperyo. At noong taong 587, si Umako Soga, ang pinuno ng angkang Soga, ay nagkaroon ng malawakang kapangyarihang pampolitika na kung saan nagawa niyang iluklok ang kanyang pamangkin bilang Emperador pero di naglaon ay ipinapatay niya din ito. Ipinalit ni Umako Soga si Emperador (o Emperatris) Suiko (592-628).

Si Emperatris Suiko ay isa lamang sa walong babae na umupo bilang Emperador sa Trono ng Krisantemo. (Sa Panahon ng Meiji lamang tinuldukan ang pag-upo ng mga babae sa Trono at ang Emperatris simula noon ay tawag na lang sa asawa ng Emperador)

Si Emperador Suiko ay naging pinunong sagisag lamang dahil ang tunay na namumuno talaga ay Umako Soga at ang Prinsipeng Pansamantalang Pinuno (Regent) na si Shotoku Taishi (574-622). Si Shotoku Taishi ay kilala bilang isang dakilang mangingisip sa panahong ito ng reporma. Isang siyang deboto ng Budismo at may malawak na kaalaman sa Panitikang Tsino. Impluwensiyado siya ng mga prinsipyo at kaisipan ni Confucius, lalo na ang yaong sinasabing Kautusan ng Langit. Sa ilalim ng kautusang ito sinasabi na ang maharlika ay namumuno lamang ayon sa kagustuhan ng banal sa kapangyarihan sa langit.

Sa ilalim ng pamumuno ni Shotoku, kinopya niya ang ranggo at mga akmang gawain ng mga alagad ni Confucius at sa labimpitong artikulong Saligang Batas na isinulat ni Shotoku ay inilatag niya kung papaano magkakaroon ng katiwasayan sa isang lipunan batay sa mga pangaral ni Confucius.

Kinopya din ni Shotoku ang kalendaryong Tsino. Gumawa din siya ng mga lansangang nag-uugnay ugnay, nagtayo siya ng napakaraming mga templong para sa Budismo, nangalap din siya ng mga nakasulat na kaganapan sa kanyang korte, nagpadala ng mga mag-aaral sa Tsina para pag-aralan ang Budismo at Konpyusyanismo, at nagpundar siya ng isang pormal na diplomatikong ugnayan sa Tsina.

Napakaraming mga embahador, pari at mga estudyante ang ipinadala sa Tsina noong ikapitong daangtaon. Ang ilan ay namalagi doon ng higit pa sa dalawampung taon, at iyong mga bumalik ay kinilalang mga magagaling na repormador.

Ang isang ikinagalit ng mga Tsino kay Shotoku ay ang paghahangad nitong maging pantay ang turing niya sa Emperador ng Tsina sa pagpapadala niya ng sulat na may katagang “Mula sa Anak ng Langit sa Lupang Sinisikatan ng Araw patungo sa Anak ng Langit sa Lupang Kinalulubugan ng Araw.”

Naging pasimuno itong hakbang ni Shotoku para hindi uriing isang mababang klase ang ugnayan ng Japan sa Tsina. Dahil sa patuloy na ugnayan ng Japan at Tsina patuloy na nagbago dito ang kulturang Hapones. Dati-rati malakas ang ugnayan at impluwensiya ng kaharian ng Korea sa panahon ng Kofun pero dahil sa patuloy na opisyal na misyon sa Tsina humina naman ang impluwensiya ng Korea sa Japan.

Dalawang dekada makalipas mamatay sina Shotoku (622), Soga Umako (626) at Emperatris Suiko (628), ang mga intriga sa Korte at ang bantang pananakop ng mga Tsino ang siyang naging usbong para magkaroon ng kudeta laban sa paniniil ng mga Soga noong taong 645. Pinangunahan ni Prinsipe Naka at Kamatari Nakatomi ang pag-aaklas na naging matagumpay naman kung kayat nabawi nila ang kapangyarihan sa kamay ng Pamilyang Soga. Itinulak nila ang Repormang Taika.

Bagamat hindi ito isang legal na batas, ang Repormang Taika ay nag-utos ng mga sunod-sunod na pagbabago na bumuo ng sistemang ritsuryo. Isang mekanismo na nagpabago ng lipunan, panunungkulan, at sa pamamahala mula ikapito hanggang ikasampung daangtaon. Ang Ritsu ay mga kodigo penal na may nagsasabing halaw sa mga Tsino samantalang ang ryo ay kodigo ng pamamahala na halaw sa lokal na konteksto. Kapag pinagsama ang dalawang termino, ito nagbibigay ngalan sa isang sistemang patrimonyal na nakabase sa isang magarbong kodigo ng batas.

Ang reportmang Taika na impluwensiyado ng mga kaugaliang Tsino ay nagsimula sa pamamahagi ng lupa para putulin ang pagmamay-ari ng mga malalaking angkan at ang kanilang kapangyarihan sa mga taong naninirahan dito. Iyong mga dating tinawag na pribadong lupa at mga pribadong tao ay naging pampublikong mga lupa at pampublikong mga tao. Isa itong paraan para ipakita ang kontrol ng Imperyong korte sa buong bansa at para gawin ang mga karaniwang tao na mga sinasakupan ng trono para sumunod dito at hindi sa kanilang mga pinunong-bayan.

Sa panahong ito pinutol din ang kaugalian ng pagmamana ng lupa. Hindi na namamana ng lupa bagkus ay naibabalik sa estado ito kapag namatay na ang nagmamay-ari. Pinatawan din ng buwis ang mga ani sa seda, bulak, tela, sinulid, at marami pang produkto. Isang buwis para sa lakas paggawa ang binuhay para sa mga pagrerekrut ng mga sundalo at pagtatayo ng mga pagawaing bayan.

Tinanggal din ang mga namamanang titulo ng mga pinuno ng angkan, at tatlong ministro ang binuo para magpayo sa trono. Ito ay ang Kaliwang Ministro, Kanang Ministro, at Gitnang Ministro o Chancellor. Hinati-hati ang bansa sa mga lalawigan at pinamunuan ito ng mga gubernador na itinatalaga ng korte. Dito lamang hahatiin ang mga lalawigan sa kaniniyang distrito at baryo.

Si Naka ang naging Gitnang Ministro, at si Kamatari naman ay binigyan ng panibagong pamilyang pangalan na Fujiwara bilang tanda ng kanyang malaking serbisyo sa maharlikang pamilya. Si Fujiwara Kamatari ang naging una sa mga pinakamahabang linya sa mga aristokrata sa korte ng Imperyo. Sa panahon nila Naka at Fujiwara unang ginamit ang pangalang Nihon, o minsan Dai Nippon (Dakilang Japan) sa mga diplomatikong dokumento at mga kasulatan.

Pagkatapos ng pamumuno ng tiyuhin at ina ni Naka, umupo si Naka bilang si Emperador Tenji noong taong 662 na kung saan ginamit niya ang pangalang Tennou (o makalangit na maharlika). Itong panibagong titulo ay para iangat ang imahe ng angkan ng mga Yamato at para bigyang diin ang banal na pinagmulan ng maharlikang pamilya sa pag-asam na mailalayo ito sa mga politikang pagkilos gaya ng ginawa ng angkang Soga. Subalit sa loob ng maharlikang pamilya mismo ay nagkaroon ng mga sigalot dahil ang anak at kapatid ng emperador ay nag-aaway-away para sa trono. Ang kapatid ni Emperador Tenji ang nakakuha ng trono na naging si Emperador Temmu na kung saan lalo pa niyang pinagtibay ang reporma ni Tenji at kapangyarihan ng estado sa korte ng imperyo

Ang sistemang ritsuryo ay isinabatas sa tatlong bahagi o antas. Ito ay ang Kodigo Mi, Kodigo Asuka-Kiyomihara, at ang Kodigo Taiho o Kodigo ng Dakilang Kayamanan.

Ang Kodigo Mi ay nabuo noong taong 668, at ipinangalan sa lalawigan kung nasaan naroroon ang korte ni Emperador Tenji.

Ang Kodigo Asuka-Kiyomihara ay isinabatas noong taong 689 ni Emperatris Jito at ipinangalan kung nasaan ang Korte ng namayapang si Emperador Temmu.

Ang panghuling pagsasabatas nito ay noong taong 701 na pinangalanang Kodigo Taiho o Kodigo ng Dakilang Kayamanan na kung susuriing maigi ay pagsabatas lamang ng mga kodigo penal na merong mga magagaang parusa ayon modelo na batay sa mga tagasunod kay Confucius. Binaybay din dito ang isang sentralisadong pamamahala batay sa modelong Tsino sa pamamagitan ng kanyang Kagawaran ng mga Ritwal, na nakasandal sa paniniwalang Shinto. Nakasulat din dito ang pagkakaroon ng Kagawaran ng Estado na may ministro para sa sentral na pamamahala, seremonyas, ugnayang sibil, bahay tanggapan ng imperyo, ugnayang pangmasa at ang ingat-yaman.

Kinopya din nila ang sistemang pagsusulit para sa serbisyo sibil ng mga Tsino. Pero ang mga pumapasa dito ay hindi nakakaupo sa mataas na katungkulan sa Imperyo dahil pero mas nanaig ang tradisyon kesa sa eksaminasyon. Kung kayat ang pagiging anak ng isang maharlika ang siyang pangunahing kwalipikasyon para sa mas mataas na katungkulan sa imperyo.

Hindi din binanggit sa Kodigo Taiho kung papaano pipiliin ang mga magiging Emperador. Ilang mga Emperatris din ang umupo sa Trono ng Krisantemo mula ikalima hanggang ikawalong daangtaon hanggang sa tukuyin na na pawang mga lalaki na lamang ang uupo sa trono na paghahalinhinanan ama at anak nito, subalit meron ding, namumuno napunta sa tiyuhin o kapatid kesa sa anak.

Panahong Kamakura

Nagsimula ang panahon ng Kamakura noong taong 1185. Panahon ito sa kasaysayan ng Hapon na kung saan nagsimula ang mga sugun. Opisyal itong itinatag ng unang sugun na si Minamoto no Yoritomo noong taong 1192. Maituturing din itong simula ng panahong pyudal.

Natapos ang Panahon ng Kamakura noong taong 1333 nang maibalik ang kapangyarihan sa Trono ng Krisantemo sa ilalim ni Takaharu o mas kilala bilang Emperador Go-Daigo sa tulong nila Ashikaga Takauji, Nitta Yoshisada at Kusunoki Masashige.

Panahong Muromachi

Ang Panahon ng Muromachi ay nagsimula sa taong 1336 hanggang sa taong 1573. Kinilala din itong bilang Muromachi bakufu, Panahong Ashikaga, at bakufu ng Ashikaga. Dito sa panahong ito nagsimula ang Kasugunang Ashikaga ng sa pagkakaluklok ni Takauji Ashikaga bilang sugun. Natapos ang panahong ito ng itaboy ni Nobunaga Oda ang ika-15 sugun ng Ashikaga na si Yoshiaki paalis sa Kyoto noong taong 1573.

Hinati ang Panahong Muromachi ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi mula taong 1336 hanggang 1392 ay tinaguriang Nanbokuchou o Panahon ng mga Korte sa Hilaga at Silangan. Ang ikalawang bahagi ay pagkaraan ng taong 1467 hanggang sa katapusan ng Panahong Muromachi. Ito ay tinawag na Sengoku jidai o Panahon ng Naglalaban-laban ang Bansa.

Ang pangalang Muromachi ay hinalaw mula sa isang lugar na kung saan itinayo ni Yoshimitsu Ashikaga, ang ikatlong sugun ng kasugunang Ashikaga, ang kanyang tahanan noong taong 1378. Ang malaking pinagkaiba ng kasugunang Muromachi sa Kasugunang Kamakura ay sa pagpapatakbo ng gubyerno. Ang mga kasugunang Kamakura ay pantay ang turing sa kapangyarihan sa mga nasa Korte ng Imperyo sa Kyoto, samantalang ang mga Kasugunang Ashikaga ang tuwirang namamahala sa buong bansa.

Ang isang malaking pinagkaiba din ng dalawang kasugunang ito ay hindi kasing lakas ng impluwensiya ng mga kasagunang Kamakura ang mga Ashikaga dahil nahatak at naubos ang kanilang mga oras sa digmaang bayan. Noong umupo lamang ang ikatlong sugun na si Yoshimitsu nagkaroon ng kaunting kaayusan at tuwirang pamumuno ang kasugunang Ashikaga.

Pinayagan ni Yoshimitsu ang mga hepe sa lalawigan na magkaroon ng malawakang kapangyarihang pampolitika sa kanilang mga nasasakupan. Wala silang ganoong klaseng kapangyarihan sa panahon ng kasugunang Kamakura. Dahil dito sa mga kapangyarihang pampolitika ng mga hepe, tinawag silang mga daimyo.

Noong una, pantay-pantay ang kapangyarihan ng sugun at mga daimyo. Ang tatlo sa mga prominenteng pamilya ng daimyo ay naghalinhinan bilang kinatawan ng sugun sa Korte ng Imperyo sa Kyoto. Nagtagumpay din si Yoshimitsu na pag-isahin ang dalawang Korte na nasa Hilaga at Timog noong 1392, pero kahit na nangako si Yoshimitsu na magkakaroon na balanseng kapangyarihan ang dalawang Korte nanaig ang mga Korte sa Hilaga sa pagpapatuloy ng linya ng mga uupo sa Tronong Krisantemo.

Unti-unting humina ang mga sugun ng matapos ang panunungkulan ni Yoshimitsu. Sa ngayon lumakas na ang mga kapangyarihan ng mga daimyo at iba pang mga pamilya sa lalawigan. Naging walang saysay na ang utos ng mga sugun sa kung sino ang uupo bilang Emperador ng Hapon, dahil ang mga daimyo ay may sinusuportahan din na kani-kanilang mga kandidato.

Di naglaon ang mga angkang Ashikaga din ay nagkaroon ng problema sa kung sino ang mga mamumuno sa angkan. At dahil sa alitang ito umusbong ang sampung taong Digmaang Onin na nagsimula noong taong 1467 hanggang taong 1477. Ang Digmaang Onin ang talagang sumira sa Kyoto at opisyal na tumuldok sa kapangyarihan ng bakufu. Dahil wala ng direktang namumuno sa Japan at malakas ang mga daimyo sa mga lalawigan, nagkanya-kanya sa pamumuno ang mga kapangyarihan kung kayat lumaganap ang anarkiya.

Panitikan

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.

Pilosopiya

Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.

Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philia" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong.

Sa modernong panahon,ang mga kaguruan ang nagsisilbing modernong pilosopo na may kaparehas na layunin na magturo sa mga nais matuto.

Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod:

Metapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Ano ang kalikasan ng kalunanan at kapanahunan? Ano ang kalikasan ng kaisipan at pag-iisip? Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang tao? Ano ba ang kahulugan ng kamalayan? Meron bang diyos?Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip?Etika: Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain (o pagpapahalaga, o institusyon)? Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay, paano ako dapat mabuhay?Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo (paradigm) ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral o pagmemeron, moralidad o kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang tinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto — mga katanungan na mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.

Pilosopiyang Intsik

Ang pinakanakikilalang mga Pilosopiyang Intsik o Pilosopiyang Tsino ay ang Confucianismo, Taoismo , at Legalismo. Naitatag ang mga ito noong Dinastiyang Zhou sa pagitan ng 500 BCE hanggang 550 BCE. Bawat isa sa mga ito ay nakadadamay sa takbo ng pamumuhay ng mga Intsik hanggang sa pangkasalukuyang panahon.

Politika

Ang politika (mula sa Griyegong πολιτικός politikos, nangangahulugang "mula, para, o may kinalaman sa mga mamamayan") ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya sa pandaigdigan, sibiko, o indibidwal na nibel. Bagaman kadalasang iniuugnay ang politika sa pamahalaan, maaari ring pagmasdan ito sa lahat ng interaksiyon ng grupong pang-tao kabilang ang pang-kalakal, akademya, at relihiyoso. Agham pampolitika ang tawag sa pag-aaral sa mga gawing pampolitika at pag-usisa sa pagkuha at paglapat ng kapangyarihan, katulad ng kakayahang magpataw ng sariling kalooban sa iba. Sa isang limitadong pagpapakahulugan, ito ay tumutukoy sa pagkamit at pagsasanay ng mga posisyon sa pamamahala — organisadong kontrol sa isang pamayanan ng tao, partikular sa isang estado. Higit pa rito, ang politika ay ang pag-aaral o pagsasanay ng pagpapamahagi ng kapangyarihan at kayamanan sa loob ng isang pamayanan (isang organisadong populasyong may antas) pati na rin ang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan. Maraming paraan naisasabuhay ang pagsasapolitika, kasama na ang pagpapalaganap ng mga pampolitikang pananaw sa mga tao o samahan, pakikipag-usapan sa iba pang kasapi ng politika, paggawa ng mga batas, at paggamit ng dahas laban sa mga katunggali. Naisasabuhay ang politika sa malawak na saklaw ng mga nibel ng lipunan, mula sa mga angkan at tribo ng mga tradisyonal na pamayanan, sa mga modernong lokal na pamahalaan, mga kompanya at institusyon hanggang sa mga soberanong estado, hanggang sa pandaigdigang nibel.

Ang isang sistemang politika ay isa sa balangkas na nagpapakahulugan sa mga katanggap-tanggap na pamamaraang pampolitika sa isang pamayanan. Ang kasaysayan ng kaisipang pampolitika ay maiuugat noong unang panahon pa, mula sa mga natatanging akda gaya ng Ang Republika ni Platon, Politika ni Aristoteles, at mga akda ni Confucius

Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Sentro Rizal

Ang Sentro Rizal ay isang likhain ng pamahalaan ng Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang promosyon ng sining, kalinangan, at wikang Filipino sa buong daigdig.

Setyembre 8

Ang Setyembre 8 ay ang ika-251 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-252 kung leap year) na may natitira pang 114 na araw.

Silanganing pilosopiya

Ang silanganing pilosopiya ay isang katawagang tumutukoy sa napakalawak na sari-saring mga pilosopiya ng Asya, kabilang ang pilosopiyang Indiyano, pilosopiyang Tsino, pilosopiyang Iranyano (o pilosopiyang Persa (Persian)), pilosopiyang Hapones, at pilosopiyang Koreano. Kung minsan, maaari ring ibilang sa katawagan ang pilosopiyang Babilonyano at pilosopiyang Islamiko (o pilosopiyang Arabo), bagaman maituturing din ang dalawang huli bilang mga Kanluraning pilosopiya. Kabilang sa pilosopiya ng silangan ang tinatawag na silanganing pananampalataya, isang pangkat ng mga relihiyong nagbuhat sa Indiya, Tsina, Hapon at Timog-silangang Asya. Binubuo ito ng mga makapananampalatayang tradisyon sa Silangang Asya, Indiya, at maging ang mga katutubong pananampalatayang animistiko. Bagaman maraming mga Kanluraning tagapagmasid ang sumubok na paghiwalayin ang mga pananampalataya at mga pilosopiya, isa itong pagkakaibang wala sa ilang mga kaugaliang Silanganin.

Suriang Confucius

Ang Suriang Confucius (Ingles: Confucius Institute) ay isang surian o institutong itinatag ng pamahalaan ng Republikang Bayan ng Tsina para sa paglaganap ng wika at kulturang Tsino. Inilunsad ito sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pandaigdigang Konseho para sa Wikang Tsino o Hanban (Ingles: Office of Chinese Language Council International) para sa layunin ng pagtataguyod ng wikang Tsino at kalinangan sa buong mundo, at may layunin itong itaguyod ang wikang Tsino, kalinangang Intsik, at kaalaman hinggil sa kontemporaryong Tsina sa Pilipinas, na nagtutuon ng pansin sa pagtuturo ng mga guro ng wikang Mandarin para sa mas mataas pang mga surian o institustyong pang-edukasyon sa Pilipinas, ang pagtuturo rin ng Tsinong Mandarin sa pangkalahatang lipunan, at magsagawa ng mga seminar at panayam para talakayin ang mga bagay-bagay hinggil sa kasalukuyang Tsina.

Sa Pilipinas, mayroong apat na Suriang Confucius na umiiral sa kasalukuyan: isa sa Pamantasang Ateneo de Manila (partner Chinese university: Sun Yat-sen University), isa sa Pamantasang Pampamahalaan ng Bulacan sa Lungsod ng Malolos (partner Chinese university: Northwest University (China)), isa sa Pundasyong Pamantasan ng Angeles sa Lungsod ng Angeles (partner Chinese university: Fujian Normal University), at isa sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (partner Chinese university: Xiamen University).

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.