Brazil

Ang Brasil,[1] opisyal na tinatawag na Pederatibong Republika ng Brasil (Portuges: República Federativa do Brasil), ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito rin ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon. Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng wikang Portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.

Nahahangganan ng Karagatang Atlantiko sa silangan, ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi). Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika. Ang batis ng Ilog Amasona nito ay kinabibilangan ng malawak na kagubatang tropikal, sari-saring sistemang ekolohikal, at malaking saklaw ng likas-yamang pinaninirahan ng iba't ibang buhay at pinoprotektahang halaman at hayop. Ang natatanging pamanang pangkalikasan nito ang nagbigay-turing sa Brasil bilang isa sa 17 bansang may malawak na sari-saring mga buhay na yaman, at palaging paksa ng mga makabuluhang pandaigdigang interes at mga debate ukol sa pagwasak ng kagubatan at pagtatanggol sa kalikasan.

Pederatibong Republika ng Brasil
República Federativa do Brasil
Watawat ng Brasil sagisag ng Brasil
Pambansang Kasabihan: Ordem e Progresso
(Kaayusan at Kaunlaran)
Pambansang Awit: Hino Nacional Brasileiro
Pambansang Sagisag
  • Selo Nacional do Brasil
    (Pambansang Sagisag ng Brasil)
  • National Seal of Brazil (color).svg
Kinaroroonan ng Brasil
PununglunsodBrasília
15°45′S 47°57′W / 15.750°S 47.950°W
Pinakamalaking lungsod São Paulo
Opisyal na wika Portuges
Pamahalaan Pampanguluhang republikang pederal
 -  Pangulo Jair Bolsonaro
 -  Pangalawang Pangulo Hamilton Mourão
Kalayaan mula Portugal 
 -  Inihayag 7 Setyembre 1822 
 -  Kinilala 29 Agosto 1825 
Lawak
 -  Kabuuan 8,514,877 km2 (ika-5)
3,287,597 sq mi 
 -  Katubigan (%) 0.65
Santauhan
 -  Pagtataya ng 2014 202,768,562 (ika-5)
 -  Lahatambilang ng 2010 190,755,799 
 -  Kakapalan 23.8/km2 (ika-150)
57/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2014
 -  Kabuuan $1,576,728 trilyon (ika-9)
 -  Bawat ulo $8,584 (ika-68)
TKT (2009) 0.813 (mataas) (ika-70)
Pananalapi Real (BRL)
Pook ng oras (TPO-3 to -5 (Opisyal: -3))
Internet TLD .br
Kodigong pantawag 55
Brazil topo

Etimolohiya

Ang salitang "Brasil" ay nagmula sa salitang Portuges na brazilwood, isang katutubong puno na minsang naging sagana sa dalampasigan ng Brasil. Sa Portuges, ang brazilwood ay tinatawag na pau-brasil, kung saan ang salitang brasil ay karaniwang binibigyan ng etimolohiyang "pula katulad ng baga", na nabuo mula sa Latin na brasa ("baga") at ang hulaping -il (mula sa -iculum o -ilium). Dahil nakapagbibigay ang brazilwood ng malamlam na pulang tina, ito ay pinahahalagahan nang mataas ng industriya ng tela sa Europa at ang pinakaunang pinakinabangang produkto mula sa Brasil. Sa loob ng ika-16 na dantaon, malalaking tipak ng brazilwood ang inaani ng mga katutubo (kadalasan ay mga Tupi) sa baybayin ng Brasil, na kung saan ipinagbibili ang troso nito sa mga mangangalakal na Europeo (kadalasan ay mga Portuges, ngunit may mga Pranses din) bilang kapalit ng mga sari-saring mga bagay mula sa Europa.

Demograpiya

Mga wika

Ang opisyal na wika ng Brasil ay Portuges (Artikulo 13 ng Saligang Batas ng Republikang Pederal ng Brasil), kung saan halos buong populasyon ay nagsasalita nito at masasabing tanging wikang ginagamit sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at mga gawaing pangkalakan at pampamahalaan. Ang pinakasikat na kataliwasan dito ay ang matatag na batas ng wikang pasenyas na ipinasa ng Pambansang Kapulungan ng Brasil. Opisyal na kinilala ng batas noong 2002, ipinatupad ang batas noong 2005. Ipinag-uutos ng batas ang paggamit ng Wikang Pasenyas ng Brazil (Brazilian Sign Language), na mas kilala sa daglat na Portuges nito na LIBRAS, sa edukasyon at serbisyong pampamahalaan. Dapat ituro ang wika bilang bahagi ng edukasyon at kurikulum sa patolohiya ng pagsasalita at wika. Ang mga guro ng LIBRAS, mga nagtuturo at mga nagsasaling-wika nito ay mga kinikilalang propesyunal. Dapat naaabot ng mga taong may kapansanan sa pandinig ang mga serbisyong pampaaralan at pangkalusugan.

Nagkaroon ng sariling pag-unlad ang Brasilenyong Portuges, gaya ng naganap noong ika-16 na dantaon sa mga Gitna at Katimugang diyalekto ng Europeong Portuges (sa kabila ng napakalaking bilang ng mga nanahang mananakop na Portuges, at mga baguhang migrante, na nagmula sa mga Hilagang rehiyon, at sa maliit na bahagdan, sa Portuges na Macaronesia), na may impluwensiya mula sa mga wikang Amerindo at Aprikano, partikular ang Kanlurang Aprikano at Bantu. Bunga nito, ang wika ay naging iba kahit papaano, kadalasan sa ponolohiya, mula sa wika ng Portugal at iba pang mga bansang nagsasalita ng wikang Portuges (ang mga diyalekto ng ibang bansa, bahagi nito'y dahil katatapos lamang ng kolonyalismong Portuges sa mga rehiyong ito, ay higit na malapit sa modernong Europeong Portuges). Ang mga pagkakaibang ito'y maihahalintulad sa kung paano nagkaiba ang Ingles Amerikano at Ingles Britanya.

Ang Brasil ang natatanging bansa sa kontinenteng Amerika na nagsasalita ng wikang Portuges, na nagbigay-pagpapahalaga sa wika bilang importanteng bahagi ng pambansang pagkakakilanlan ng Brasil, at nagbigay din ng pambansang pagkakaiba sa kultura mula roon sa mga kapitbahayang bansa nitong nagsasalita ng wikang Kastila.

Ang pag-aaral ng kahit isang pangalawang wika (kadalasan ay Ingles at/o Kastila) ay sapilitan sa lahat ng 12 baitang ng sapilitang sistemang pang-edukasyon (mababa at mataas na antas, na tinatawag doon na ensino fundamental at ensino médio). Ang Brasil ang unang bansa sa Timog Amerika na nag-alok ng Esperanto sa mga mag-aaral ng mataas na antas.

Mga sanggunian

  1. Panganiban, Jose Villa. (1969). "Brasil". Concise English-Tagalog Dictionary.


Brasil Ang lathalaing ito na tungkol sa Brasil ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga bansa sa Timog Amerika
Argentina | Bolivia | Brazil | Chile | Colombia | Ecuador | Guyana | Panama | Paraguay | Peru | Suriname | Trinidad and Tobago | Uruguay | Venezuela
Mga dumidepende: Falkland Islands | French Guiana
2014

Ang 2014 ay isang taon sa kalendaryong Gregorian na nagsimula noong Miyerkules.

Arhentina

Ang Arhentina (Kastila: Argentina, binibigkas bilang /ar·hen·TI·na/; Ingles: Argentina /ˌɑrdʒənˈtiːnə/) ay isang bansa sa timog-silangan ng Timog Amerika. Kabahagi sa Katimugang Apa (Southern Cone) ang mas maliit na kapitbahayang Chile, hinahanggan ito ng Paraguay at Bolivia sa hilaga; ng Brazil sa hilagang-silangan; ng Uruguay at ng timog Karagatang Atlantiko sa silangan; ng Chile sa kanluran; at ng Drake Passage sa timog.

Pormal na tinatawag ang bansa na Republikang Arhentino (Kastila: República Argentina) habang ginagamit naman ang anyong Nación Argentina (Bansang Arhentino) sa mga gawaing lehislatibo.

Sa lawak ng pangunahing lupain nito na 2,780,400 km² (1,073,518 sq mi), ang Arhentina ang ikawalong pinakamalaking bansa sa buong daigdig, ikalawang pinakamalaki sa Latin Amerika, at pinakamaraming tagapagsalita ng wikang Kastila sa nasabing lugar. Inaangkin ng bansa ang Kapuluang Falkland (Falkland Islands) (Kastila: Islas Malvinas) at South Georgia at ang South Sandwich Islands, mga teritoryong sakop ng kapangyarihan ng Britanya. Inaangkin din ng Arhentina ang 969,464 km² (374,312 sq mi) ng Antartika, na tinaguriang Antartikang Arhentino, isang pook na inaari rin ng Chile at ng Nagkakaisang Kaharian.

Ang Arhentina ang may pinakamataas na antas sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao (Human Development Index) at per capita ng Kabuuan ng Gawang Katutubo (Gross Domestic Product o GDP) sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity) sa Latin Amerika. Kasalukuyang kabilang ang bansang ito sa klasipikasyong Bansa ng mga Kumikitang nasa Gitnang-Antas (Upper-Middle Income Country) o bilang isang pangalawang bumabangong pamilihan ayon sa Bangkong Pandaigdigan. Ang antas-bilang (nominal) na pang-GDP ng Arhentina ang nagsasabing ang bansang ito ang ika-31 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo.

Bertebrado

Ang mga bertebrado o mga hayop na may gulugod o nagugulugudan (Latin: vertebrata, Kastila, Portuges: vertebrado, Aleman: Wirbeltier, Ingles: vertebrate) ay mga uri ng Hayop na miyembro ng sublapi Vertebrata (sa loob ng kalapian Chordata), partikular na ang mga kordatang may mga buto sa likod o gulugod. Bumibalang na may 57,739 mga espesye ang mga nailarawan nang mga bertebrado. Pinakamalaking subphylum ng ng kordata ang mga bertebrado, at naglalaman ng mga kilalang malalaking hayop na panglupa. Kabilang sa mga bertebrado ang mga isda, amphibian, reptilya, ibon, at mamalya (kasama ang tao).

Bolivia

Ang Estadong Plurinasyunal ng Bolivia (Ingles: Plurinational State of Bolivia; alternatibong baybay: Bulibya) ay bansa sa gitnang Timog Amerika. Hinahanggan ito Brazil sa hilaga at silangan, Paraguay at Arhentina sa timog, at Chile at Peru sa kanluran.

Colombia

Ang Republika ng Colombia ay isang bansa sa hilaga-kanluran ng Timog Amerika. Napapaligiran ito ng Dagat Caribbean sa hilaga at hilagang-kanluran, Venezuela at Brazil sa silangan, Ecuador at Peru sa timog, at Panama at ang Karagatang Pasipiko sa kanluran.

Disyembre 5

Ang Disyembre 5 ay ang ika-339 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-340 kung leap year) na may natitira pang 26 na araw.

Guyana

Ang Guyana (pagbigkas: ga•yá•na), na ang opisyal na pangalan ay Kooperatibang Republika ng Guyana (Ingles: Co-operative Republic of Guyana) ay isang nakapangyayaring bansa sa hilagang rehiyon ng Timog Amerika. Napalilibutan ito ng Karagatang Atlantiko sa hilaga, Brazil sa timog at timog-kanluran, Suriname sa silangan, at Venezuela sa kanluran. Sa lawak nitong 215,000 square kilometre (83,000 mi kuw), ang Guyana ay ikaapat na pinakamaliit na bansa sa punong-lupain ng Timog Amerika kasunod ng Uruguay, Suriname, and French Guiana.

Sakop ng rehiyong tinatawag na Guianas ang malaking kalupaang hilaga ng Ilog Amazon at silangan ng Ilog Orinoco. Naninirahan na dito ang iba't ibang katutubong pangkat nang dumating ang mga Dutch. Napasailalim naman sa Britanya ang bahagi na naging Guyana noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Pinamahalaan ito bilang isang ekonomiyang batawan ng British Guiana hanggang matamo nito ang kasarinlan nito noong 1966, at opisyal na naging republika sa loob ng Commonwealth of Nations noong 1970. Makikita ang naging pamana ng mga Briton sa magkakahalo nitong populasyon na kinabibilangan ng mga Indiano, Africano, Amerindian, at grupong may halong-lahi.

Natatangi rin ang Guyana bilang nag-iisang bansa sa Timog Amerika kung saan opisyal na wika ang Ingles. Ito'y bagaman ang karamihan sa populasyon ay nagsasalita ng Guyanese Creole isang wikang kriyolyong batay sa Ingles, na may halong Dutch, Arawakan at Caribbean. Dagdag sa pagiging bahagi ng Anglophone Caribbean, ang Guyana ay isa sa iilang bansa sa Caribbean na hindi pulo sa West Indies. Ang punong-tanggapan ng Caribbean Community (CARICOM), kung saan kasapi ang Guyana, ay nasa kabisera at pinakamalaking lungsod nito na Georgetown. Noong 2008, sumanib ang bansa sa Union of South American Nations bilang isa sa tagapagtaguyod nito.

Hunyo 2014

Ang Hunyo 2014 ay ang ikaapat na buwan ng taong iyon. Nagsimula ito ng Linggo at nagtapos ng Lunes pagkatapos ng 30 araw.

Lunes

Ang Lunes ay unang araw ng linggo sa pagitan ng Linggo at Martes. Ito ay pangalawa sa tradisyonal na linggo at una sa linggong pangnegosyo. Galing sa wikang Kastila ang salitang ito na galing naman sa salitang Lunae dies o "araw ng buwan". Ang salin ng Lunes sa wikang Inggles ay "Monday" na galing naman sa Mona, ang diyos ng buwan ng mga Saxones.

Mataas na paaralan

Ang mataas na paaralan, paaralang sekundarya o hayskul (Ingles: secondary school) ay ang huling yugto ng obligadong edukasyon sa Australia, Brazil, Canada, Hong Kong, Ireland, Hapon, Malaysia, Mauritius, New Zealand, Pilipinas, Timog Aprika, Timog Korea, Singapore, Taiwan (senior high school lamang), ang Nagkakaisang Kaharian at ang Estados Unidos. Nagbibigay ng sekundaryang edukasyon para mga kabataan. Unang natatag ang ideya ni Napoleon ng Pransiya bilang isang paraan upang turuan ang mga magiging opisyal ng kanyang militar.

Palarong Olimpiko sa Tag-init 2016

Naka-redirect ang "Rio 2016" dito. Para sa the Summer Paralympics, tingnan ang 2016 Summer Paralympics.Padron:2016 Summer Olympics

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2016, na kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXXI Olimpiyada, ay isang pandaigdigang pampalakasan na itinakdang isagawa sa lungsod ng Rio de Janeiro, Brasil. Nahalal ang siyudad na ito noong 2 Oktubre 2009 sa Copenhagen, Dinamarka. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Palarong Olimpiko ay ilulunsad sa kontinente ng Timog Amerika.

Paraguay

Ang Paraguay na may opisyal na pangalan na Republika ng Paraguay (binabaybay ding Paragway) ay isang bansa sa Timog Amerika. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa mga salitang Guaraní (bigkas /gwa·ra·ní/) na pará, nangangahulugang “ilog”, at guay, nangangahulugang “itong pampang”. Hinihinala na, sa Guaraní, tumutukoy lamang ang ekspresyong ito sa Asunción, ngunit, sa Espanyol, tumutukoy ito sa buong bansa.

Ang mga katutubong Guarani ang nanirahan sa mga lupain ng makabagong-panahong Paraguay sa loob ng mahigit isang milenyo bago sila nasakop ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang mga Espanyol at mga misyonerong Heswita ang nagpakilala ng Kristiyanismo at kulturang Espanyol sa rehiyon. Pagkatapos lumaya mula sa Espanya noong 1811, sunod-sunod na pinamunuan ng mga diktador ang Paraguay na nagsagawa ng mga polisiyang proteksiyonista.

Ang paglago ng Paraguay ay naputol ng Digmaang Paraguayo (1864-1870), na kung saan nawala ang 60%-70% ng populasyon nito dahil sa digmaan at kamatayan, at ang 140,000 kilometro kwadrado ng teritoryo nito ay napunta sa Argentina at Brazil. Sa pagdaan ng ika-20 siglo, sunod-sunod na mga awtoritaryanong pamahalaan ang namuno sa Paraguay. Katangi-tangi rito ang pamamahala ni Alfredo Stroessner, na namahala mula 1954 hanggang 1989. Siya ay napatalsik sa kudeta, at muling isinagawa ang malayang halalan noong 1993. Pagkatapos ng isang taon, kasama ng Paraguay ang Argentina, Brazil, at Uruguay sa nagtatag ng Mercosur, isang rehiyonal na organisasyong pangekonomiya.

Noong 2009, tinataya na mayroon nang 6.5 milyong katao na naninirahan sa Paraguay, ang karamihan ay nasa timog-silangang bahagi ng bansa. Ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ay ang Asunción, na kung saan naninirahan ang halos 1/3 ng buong populasyon. Hindi tulad ng karamihan sa mga bansa sa Latin America, ang kultura at wika ng katutubong Guarani ay may malaking impluwensya. Karamihan sa mga naninirahan ay nagsasabing sila ay mestizo, na resulta ng pakikihalo ng mga iba't ibang grupo sa isa't isa. Parehong Guarani at Espanyol ang opisyal na wika ng Paraguay, na may 92% na nakakapagsalita ng Espanyol at 98% na nakakapagsalita ng Guarani.

Rio de Janeiro

Ang Rio de Janeiro ("Ilog ng Enero", binibigkas [ˈhiw dʒi ʒʌˈnejɾu] sa Portuges, /ˈriːoʊ deɪ ʒəˈnɛroʊ/ sa Ingles) ay ang panglawang pangunahing lungsod sa Brasil, kasunod ng São Paulo. Kabisera ang lungsod ng estado ng Rio de Janeiro. Naging kabisera ito ng Brazil (1763–1960) at Imperyong Portuges (1808–1821). Karaniwang kilala bilang Rio lamang, palayaw rin ng lungsod ang bansag na A Cidade Maravilhosa na nangangahulugang "Ang Kamangha-manghang Lungsod".

Sikat ang lungsod na ito sa likas na tanawin, mga pagdiriwang Karnabal, samba at ibang musika, mga pang-turistang dalampasigan na may mga otel, katulad ng Copacabana at Ipanema, na nakalatag sa itim at kremang nakatirintas na huwarang mosaiko.

Suriname

Ang Republika ng Suriname (dating kilala bilang Netherlands Guiana at Dutch Guiana) ay isang bansa sa hilagang Timog Amerika, sa pagitan ng French Guiana sa silangan at Guyana sa kanluran. Brazil ang nasa katimogang hangganan at Dagat Atlantiko ang nasa hilagang hangganan nito.

São Paulo

Ang São Paulo ( sa wikang Ingles) ang pinakamalaking lungsod sa Brazil at pampito sa pinakamaling pook metropolitan sa buong mundo.

Venezuela

Ang Venezuela /ve·nes·we·la/, na opisyal na tinutukoy bilang Bolivarianong Republika ng Venezuela ay ang pinakahilagang bansa sa Timog Amerika. Sinasakop ng teritoryo ng Venezuela ang lawak na 916,445 km2 (353,841 mi kuw) na may tinatayang populasyon na 29,100,000. Itinuturing ang Venezuela na estado na may napakataas na biodiversity, na may mga naninirahang hayop at halaman mula sa mga kabundukan ng Andes sa kanluran hanggang sa mga kagubatan ng batis ng Amazon sa timog, na dumadaan sa malawak na mga kapatagan ng llanos at baybayaing Karibe sa gitna at sa Orinoco Delta sa silangan.

Napapaligiran ang bansa ng Dagat Karibe at Karagatang Atlantiko sa hilaga, Guyana sa silangan, Brazil sa timog, at Colombia sa kanluran. Sa labas ng pampang nito, matatagpuan ang mga estadong Karibe ng Aruba, ang Netherlands Antilles at Trinidad at Tobago. Venezolano/Venezolana (Ingles: Venezuelan) ang tawag sa mamamayan.

Ang teritoryong kilala ngayon bilang Venezuela ay sinakop ng Espanya noong 1522 sa gitna ng paglaban ng mga katutubo sa Venezuela. Noong 1811, isa ang bansa sa unang mga kolonya ng Espanya sa Amerika na nagpahayag ng kasarinlan, na hindi naging tuluyang matatag hanggang 1821, nang ang Venezuela ay isang kagawaran pa ng republikang pederal ng Gran Colombia. Tuluyan nitong nakamit ang kasarinlan bilang isang hiwalay na bansa noong 1830. Noong ika-19 na dantaon, nakaranas ang Venezuela ng kaguluhang pampulitika at autokrasya, nanatiling pinangunahan ng rehiyunal na mga caudillo (mga malalakas na tao sa militar) hanggang noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon. Mula noong 1958, naranasan ng bansa ang serye ng mga pamahalaang demokratiko. Ang pagkagimbal sa ekonomiya noong mga dekada ng 1980 at 1990 ay nagdulot ng ilang mga krisis pampulitika, kasama ang mga nakamamatay na gulo (riot) ng Caracazo noong 1989, ang dalawang tangkang kudeta noong 1992, at ang pagtataluwalag (impeachment) ni Pangulong Carlos Andrés Pérez dahil sa katiwalian sa kaban ng bayan noong 1993. Ang pagbagsak ng tiwala sa mga umiiral na partido ang naghudyat sa pagkakaluklok noong halalan ng 1998 ng opisyal na dating kasama sa kudeta na si Hugo Chávez at ang paglulunsad ng Himagsikang Bolivariano, na sinimulan sa Asamblea sa Konstitusyon ng 1999 upang magsulat ng bagong Saligang-Batas ng Venezuela.

Ang Venezuela ay isang pederal na republikang pampanguluhan na binubuo ng 23 estado, ang Distritong Kabisera ng Venezuela (Venezuelan Capital District) kung saan kabilang dito ang Caracas, at ang mga federal dependencies ng Venezuela kung saan kabilang ang mga pulóng nakahiwalay sa Venezuela. Inaangkin din ng Venezuela ang lahat ng mga teritoryo ng Guyana sa kanluran ng Ilog Essequibo, isang malawak na sukat (tract) na tinaguriang Guayana Esequiba o ang Zona en Reclamación (ang sonang inaangkin).

Wikang Hapones

Ang wikang Hapones o wikang Hapon o wikang Niponggo o wikang Nihonggo ay isang wikang sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, karamihan sa bansang Hapon at sa mga komunidad ng mga Hapones sa buong mundo.

Ang Hapones ay sinusulat sa magkahalong tatlong magkakaibang uri ng sulat: ang Kanji, at ang dalawang baybaying sulat, ang Hiragana at Katakana. Ang alpabetong Latino, o Rōmaji, ay kadalasang ginagamit ng mga makabagong Hapones, lalung-lalo na sa mga pangalan ng kompanya at mga logo, patalastas, at kung ipapasok ang mga salitang Hapon sa kompyuter.

Ang talasalitaan ng Hapones ay labis na naimpluwensiyahan ng mga hiram na salita galing sa ibang wika. Malaking bilang ng mga salita ay hiniram sa wikang Tsino, o hinango sa wikang Tsino. Simula noong huling bahagi ng ika-19 siglo, ang Hapones ay humiram ng mga salitang galing sa Wikang Indo-Europeo, lalo na ang Ingles.

Dahil din sa espesyal relasyong kalakalan sa pagitan ng Hapon at Olandes noong ika-17 siglo, Ang wikang Olandes din ay naging impluwensiyal, tulad ng mga salitang bīru (galing sa bier; "serbesa o beer") at kōhī (galing sa koffie; "kape") na nagmula sa wikang Olandes.

Mas nauna ang mga Portuges at malimit sila sa Hapon noong ika-16 siglo at ika-17 siglo. Ang impluwensiya nila sa Hapon ay mga salitang katulad ng tempura at tabako.

Wikang Portuges

Wikang Portuges (Português) ay Wikang Romanseng nagbuhat sa lalawigan ng Galicia (Espanya) at sa hilagang ng Portugal mula sa Wikang Latin na higit dalawang libong taon na ang nakakalipas. Kumalat siya sa buong daigdig noong bandang ika-15 at ika-16 siglo habang itinatag ng Portugal ang imperyo nito (1415-1999) na kumalat sa Brasil, sa Goa (India), at sa Makaw (Tsina).

Ngayon, isa siya sa mga pangunahing wika ng daigdig na may ikaanim na antas, ayon sa dami ng mga katutubong mananalita. Marami itong katutubong mananalita sa Timog Amerika, at isa ring pangunahing lingua franca sa Aprika. Pangunahing wika yaon ng mga bansang Angola, Brasil, Cape Verde, Silangang Timor, Guinea-Bissau, Makaw, Mozambique, Portugal at ng São Tomé at Príncipe.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.