Bituin ni David

Ang Bituin ni David (Ebreo: מגן דוד, Magen David) ay isang simbolo ng kaakuhang Hudyo.

Star of David
Bituin ni David
Leningrad Codex Carpet page e
Ang Bituin ni David sa pinakalumang natitira pang tekstong Masoretiko, ang Kodise ng Leningrad, ng 1008

Kasaysayan

Pinasuot ng mga Nazi sa mga Hudyo ang bituin sa mga sakop nilang lupain noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nang gamitin ito sa watawat ng Israel nang naitatag-muli ang Israel, naging simbolo na rin ito ng kilusang Siyonismo, na hindi sinang-ayunan ng mga tumutol sa ideolohiyang ito.

Ipinangalan ang simbolo kay haring David ng Israel.

Tingnan din


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Hudaismo

Ang Hudaismo (Kastila: ju·da·ís·mo; Ebreo: יהדות, yahedut) ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.

Irena Sendler

Si Irena Stanisława Sendler (Krzyżanowska), na tinatawag ding Irena Sendlerowa sa Polonya, nom de guerre "Jolanta" (15 Pebrero 1910 – 12 Mayo 2008), ay isang Polakang empermera (nars) at social worker na naglingkod sa Polish Underground sa Barsobya sa ilalim ng mga Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at naging pinuno ng seksyong pang-kabataan ng Żegota, ang Konsehong Polako sa Pag-alalay ng mga Hudyo (Polako: Rada Pomocy Żydom), na naging aktibo mula 1942 hanggang 1945.

Sa tulong ng higit pang dalawang dosenang mga kasapi ng Żegota, naitakas pa ni Sendler ang higit-kumulang na mga kabataang Hudyo palabas mula sa Geto ng Barsobya at binigyan sila ng mgapalsipikadong dokumento ng pagkakakilanlan at binigyan ng mga tahanan sa labas ng mga geto, na nagligtas sa mga kabataang iyon mula sa pagkapughaw (holocaust). Kabilang ang eksepsyon ng mga diplomatikong nagbigay ng mga visa upang makalaya ang Hudyo mula sa Europa na sakop ng mga Nazi, nagligtas si Sendler ng mga Hudyo nang higit pa sa ibang indibidwal noong Pagkapuhaw.

Natuklasan din ng mga mananakop na Aleman ang kanyang mga gawa at siya ay pinadakip ng Gestapo, pinahirapan nang labis, at binigyang parusa ng kamatayan, ngunit nagawa niyang tumakas mula sa naturang parusa at nabuhay noong panahon ng digmaan. Noong 1965, kinilala si Sendler ng Estado ng Israel bilang Makatuwiran sa mga Nasyon (Righteous among the Nations). Pagkatapos ay ginawaran siya ng Order of the White Eagle, ang pinakamataas na pagbibigay-dangal sa Polonya, para sa kanyang mga kawanggawa pantao noong panahon ng digmaan.

Magen David Adom

Ang Magen David Adom (Hebreo: מגן דוד אדום‎, dinadaglat bilang MDA o Mada) ay ang pambansang palingkuran, ambulansiya, at bangko ng dugong pang-emerhensiyang medikal ng Israel. Nangangahulugan itong "Pulang Kalasag ni David" subalit karaniwang isinasalin bilang "Pulang Bituin ni David" o "Talang Pula ni David". Mula pa noong Hunyo 2006, opisyal na kinilala ito ng Internasyunal na Komite ng Pulang Krus (International Committee of the Red Cross, o ICRC) bilang isang pambansang samahang pangtulong ng estado ng Israel sa ilalim ng mga Kumbensiyon ng Hinebra, at bilang isang kasapi sa Pederasyong Pandaigdig ng mga Samahang Pulang Krus at Pulang Gasuklay (International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies).

Mini Israel

Ang Mini Israel ay isang maliit na liwasan na matatagpuan sa Lambak ng Ayalon, malapit Latrun, Israel. Ang parke ay parang hugis ng bituin ni David. Ito ay may 385 maliliit na mga modelo na nakikita sa lawak na 3.5 ektarya (35,000 metro kuwardrado). Mayroon din itong isang maliit na pamilihan at tanghalan. Binuksan parke noong 2002 ngunit ang opisyal na pagbukas ay noong Abril 7, 2003.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.