Arianismo

Ang Arianismo[1] ang katuruang teolohikal na itinuturo kay Arius(236-250 CE) na isang presbiterong Kristiyano sa Alexandria Ehipto. Ito ay nauukol sa relasyon ng mga persona ng Trinidad(Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo) at ang tiyak na kalikasan ng Diyos Anak bilang nagpapailalim na entidad sa Diyos Ama. Si Arius ay itinuring na heretiko ng Unang Konseho ng Nicaea(325 CE) ngunit napawalang sala sa pang-rehiyong Unang Synod ng Tyre(335 CE) at pagkatapos ng kanyang kamatayan, ay muling idineklarang heretiko ng Unang Konseho ng Constantinople(381 CE). Ang mga emperador na si Constantius II (337–361) at Valens (364–378) ay mga Arian o Semi-Arian. Ang konseptong Arian ng Kristo ay ang Anak ay hindi palaging umiiral ngunit nilikha at kaya ay natatangi mula sa Diyos Ama. Ang paniniwalang ito ay nakasalig sa Juan 14:28 "ang Ama ay mas dakila sa Akin". Ang Arianismo ay nilalarawan na mga katuruang itinuturo kay Arius na sumasalungat sa kasalukuyang doktrinang Trinitarianismo na inilarawan ng unang dalawang konsehong ekumenikal at kasalukuyang tinatanggap sa Simbahang Katoliko Romano, Silangang Ortodokso, Oriental na Ortodokso, Simbahang Assyrian ng Silangan, mga itinatag sa Repormasyong simbahan(Lutherano, Reformed/Presbyterian, at Anglikano) gayundin di nang mga tumatawag sa sarili nitong Protestante(gaya ng Metodista, Baptist, karamihan ng mga Pentekostal) maliban sa ilang mga pangkat gaya ng Oneness, Mormonismo at Saksi ni Jehovah. Ang Arianismo ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang ibang hindi trinitarinismong paniniwala ng ika-4 siglo CE na tumuturing kay Hesus na Logos na isang nilikha(gaya ng sa Arianismo at Anomoeanismo), o hindi hindi-nilikha o nilikha sa kahulugang ang ibang mga nilalang ay nilikha gaya ng sa semi-Arianismo.

Kasaysayan

Noong mga 319 CE, nang si Athanasius ay isang deakono ng Alexandria, Ehipto, ang presbiterong si Arius ay nakipag-alitan kay Alexander ng Alexandria na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama. Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at heretikal na tinuturo nito.[2] Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng Sabellianismo. Kanya itong kinondena at nangatawirang "kung ipinanganak ng Ama ang Anak, siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag-iral; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi. Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala".[3] Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag-ugat sa Kristiyanismong Alexandrian.[4] Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch. Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina Origen [5] na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa simbahan ng Alexandria sa panahong ito.[6] Gayunpaman, bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos, ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay. Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan. Salungat dito, itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay "walang hanggang nalikha". Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina Eusebius ng Caesarea [7] at Eusebius ng Nicomedia,[8] ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano. Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14:28 "Ang ama ay mas dakila sa akin" at Kawikaan 8:22 "Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa". Ang Ama ay nakikita ng mga ito na "ang tanging tunay na Diyos" gaya ng nasa 1 Corinto 8:5-6 "ngunit para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na mula sa kanya ang lahat ng mga bagay..." Salungat dito ang Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa" ay naghahatid ng doktrinang Homoousian. Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander. Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon.

Konseho ng Nicaea(325 CE)

Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang Donatismo noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-anatema kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador Constantine I na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsehong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan Eusebius ng Nicomedia ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at konsubstansiyal sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagkatapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius.

Debate

Sa loob ng 2 buwan, ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang parehong panig ay umapela sa kanilang tinatangap na mga Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon. Isinaad ni Arius na ang Anak ng Diyos ay isang Nilalang na ginawa mula sa wala at siya ang unang produksiyon ng Diyos bago ang lahat ng mga panahon. Kanyang ikinatwiran na ang bawat iba pang bagay ay nilikha sa pamamagitan ng Anak. Kaya ang tanging Anak ang direktang nilikha at isinilang ng ito at kaya ay may isang panahon na walang pag-iral ang Anak. Isinaad ni Arius na ang Anak ay may kakayahan sa kanyang sariling malayang kalooban ng tama at mali at "siya sa pinakatunay na kahulugan ng isang anak ay dapat dumating pagkatapos ng Ama at kaya ay ang panahon na halatang siya ay hindi at kaya ay isa siyang nilalang na may hangganan at nasa ilalim ng Diyos Ama. Si Arius ay sumipi mula sa Juan 14:28: Ang Ama ay mas dakila sa Akin". Gayundin, ang Colosas 1:15: "Ang panganay ng lahat ng nilikha". Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa-walang hanggan sa Ama. Si Alexander at mga amang Niseno ay sumalungat sa argumento ni Arius na ang pagkaama ng Ama tulad ng lahat ng kanyang mga katangian ay walang hanggan. Kaya ang Ama ay palaging isang ama at ang Anak ay palaging umiiral kasama niya. Ang mga amang Niseno ay naniniwalang ang pananaw na Arian ay sumisira ng pagkakaisa ng pagkadiyos at gumagawa sa Anak na hindi katumbas ng Ama na inaangking paglabag sa kanilang tinatanggap na Kasulatan: Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa". Sa karagdagan ay umapela ang mga Kristiyanong Niseno sa Juan 17:21 "Upang silang lahat ay maging isa upang sila ay maging isa sa atin..". Ang karamihan ng debate ay nakasalalay sa pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang pagiging "ipinanganak" o "nilikha" at pagiging "bugtong". Nakita ng mga Kristiyanong Arian ang mga ito na pundamental na pareho ngunit ang mga Kristiyanong Niseno ay hindi. Ang mga eksaktong kahulugan n gmga salitang ginamit sa mga debate sa Nicaea ay hindi pa rin maliwanag sa mga tagapagsalita ng ibang mga wika. Ang mga salitang Griyegong tulad ng esensiya(ousia), substansiya(hypostasis), kalikasan(physis), persona(prosopon) ay nag-aangkin ng iba't ibang mga kahulugan na hinango mula sa mga pilosopong bago-ang Kristiyanismo na humantong sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa mabigyang linaw ang mga ito. Sa partikular, ang salitang homoousia ay simulang hindi nagustuhan ng maraming mga obispo dahil sa kaugnayan nito sa kanilang tinatawag na "heretikong" Gnostiko na gumamit nito sa kanilang teolohiya at dahil ito ay kinondena sa mga Synod sa Antioch noong 264-268. Ayon sa maraming mga salaysay, ang debate ay naging mainit sa isang punto na si Arius ay sinampal sa mukha ni Nicholas ng Myra.

Resulta

Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na Kredong Niseno. Ito ay kinabibilangan ng salitang homoousios na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konseho at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.

Mga epekto

Ang pangmatagalang mga epekto ng Konseho ng Nicaea ay malaki. Sa unang pagkakataon, ang mga kinatawan ng maraming mga obispo ng Simbahan ay nagtipon upang umayon sa isang pahayag na pang-doktrina. Sa una ring pagkakataon na ang Emperador ay gumampan ng isang papel sa pamamagitan ng pagtawag ng pagsasama-sama ng mga obispo sa ilalim ng kanyang autoridad at ginamit ang kapangyarihan ng estado upang bigyang epekto ang mga kautusan ng Konsehong ito. Gayunpaman, sa maikling panahon, hindi kumpletong nalutas ng Konseho ang mga problema na tinipon upang talakayin at ang isang panahon ng alitan at ang kaguluhan ay nagpatuloy sa isang panahon. Mismong si Constantine ay hinalinhan sa trono ng mga dalawang emperador na Arian: ang kanyang anak na si Constantius II at si Valens. Hindi malutas ni Valens ang mga isyung eklesiastikal at hindi matagumpay na kinompronta si San Basil tungkol sa Kredong Niseno. Ang mga kapangyarihang pagano sa loob ng imperyo ay naghangad na panatilihin at minsan ay muling maitatag ang paganismo sa trono ng emperador. Ang mga Arian at Meletian ay sandaling muling nagkamit ng lahat ng mga nawalan nitong karapatan at ang Arianismo ay nagpatuloy na kumalat at magsanhi ng dibisyon sa Simbahan sa natitira ng ika-4 na siglo CE. Halos agad nito, ang obispong Arian na si Eusebius ng Nicomedia at pinsan ni Constantine ay gumamit ng impluwensiya nito sa korte upang impluwensiyahan ang pagpabor ni Constantine mula sa mga obispong Niseno tungo sa mga Arian. Mahihinuha na si Eusebius ay may malaking kamay sa pagtanggap sa sambahayang Constantinian ng Arianismo. Nagsimulang maisip ni Constantine na siya ay napaniwala sa maling panig at ang mga trinitarianista sa kanilang masigasig na pag-uusig sa mga Arian ang aktuwal na nagpapatuloy ng alitan sa loob ng simbahan.[9] Sa panahong ito sa korte ng imperyo, ang korteng Silangan at ang mga pangunahing posisyon ng Silangang Simbahan ay hinahawakan ng mga Arian o mga tagasuporta ng Arianismo. Maliban sa isang maikling panahon na siya ay hindi kilala, nagtamasa si Eusebius ng Nicomedia ng kumpletong pagtitiwala nina emperador Constantine at Constantius II at tagaturo ng kalaunang emperador na sa Julian. Sa panahon din ni Eusebius na ang Arianismo ay naging mas kilala sa pamilyang maharlika ng imperyo. Si Eutathius ng Antioch ay pinatapon noong 330. Ang Nisenong si Athanasius na humalili kay Alexander bilang obispo ng Simbahan ng Alexandria ay ipinatapon ng unang Synod ng Tyre noong 335 CE at ang kalaban ng Arianismo na Marcellus ng Ancyra ay sumunod sa kanya noong 336 CE. Si Arius ay bumalik sa Constantinople upang muling tanggapin sa Simbahan ngunit sandaling namatay bago siya tanggapin. Si Constantine ay namatay nang sumunod na taon pagkatapos tanggapin ang bautismo mula sa obispong Arian na si Eusebius ng Nicomedia. Si Eusebius ay napakaimpluwensiyal, na kahit sa pagkatapos ng kanyang kamatayan ay pinakinggan ni Constantius II ang kanyang payo at ni Eudoxus na tangkaing akayin ang imperyo Romano sa Arianismo sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Arian at mga opisyal na doktrinang Arian. [10] Gayunpaman, ang impluwensiyang ito ay nawala sa pag-akyat sa trono ng Emperador Theodosius I na mananampalataya ng Kristiyanismong Niseno. Pagkatapos ng dalawang araw nang dumating si Theodosius sa Constantinople noong Nobyembre 24, 380, kanyang pinatalsik ang obispong si Demophilus ng Constantinople at isinuko ang mga simbahan ng siyudad na ito sa pinuno ng maliit na pamayanang Niseno na si Gregoryo Nazianzus. Ito ay humantong sa isang kaguluha. Si Theodosius ay kababautismo lang ng obispong Acholius ng Thessalonica sa panahon ng isang malalang sakit gaya ng karaniwan sa maagang daigdig na Kristiyano. Noong Pebrero, si Theodosiu at Gratian ay naglimbag ng kautusan na ang lahat ng kanilang mga nasasakupan ay dapat maghayag ng pananampalatay ng mga obispo ng Roma at Alexandria na Kristiyanismong Niseno o kung hindi ay maparusahan. Bagaman ang karamihan ng hierarka ng Simbahan sa Silangan ay sumasalungat sa kredong Niseno sa mga dekada bago ang pag-akyat sa trono ni Theodosius, nagawa niyang makamit ang pagkakaisa sa basehan ng kredong Niseno. Noong 381, sa Konseho ng Constantinople, ang isang pangkat ng pangunahing mga Silangang Obispo ay nagtipon at tumanggap sa kredong Niseno na dinagdagan tungkol sa banal na espirito at iba pang mga pagbabago. Ito ay pangkalahatang pinaniniwalaan na wakas ng alitan tungkol sa Trinidad at pagwawakas ng Arianismo sa mga taong Romano at hindi-Alemaniko.

Mga simulang kahariang mediebal na Alemaniko

Ang alitan ng ika-4 siglo ay nakakita ng mga paksiyong Arian at Niseno na naglalaban laban para sa pagkontrol ng Simbahan. Salungat dito, sa mga kahariang Arian na Alemaniko na itinatag sa labi ng Kanlurang imperyo Romano noong ika-5 siglo, may buong magkahiwalay na mga simbahang Arian at Niseno na may mga magkakahilerang mga hierarka na naglilingkod sa iba't ibang mga hanay ng mananampalataya. Ang mga elitistang Alemaniko ay mga Arian at ang karamihan ng populasyon ay Niseno. Pinaniniwalaan ng maraming mga skolar na ang pagpapatuloy ng Arnianismong Alemaniko ay isang sinunod na stratehiya upang itangi at panatilihin ang pagkakalinlan ng mga elitistang Alemaniko mula sa mga lokal na mamamayan at kultura nito. Ang karamihan ng mga tribong Alemaniko ay pangkalahatang pumapayag sa mga paniniwalang Niseno ng mga nasasakupan nito. Gayunpaman, tinangka ng mga Vandal sa ilang mga dekada na pwersahin ang kanilang mga paniniwalang Arian sa kanilang mga nasasakupang Niseno sa Hilagang Aprika. Kanilang ipinatapon ang kapariang Niseno, binuwag ang mga monasteryo at nagsanay ng mabibigat na pamimilit sa mga hindi umaayon sa kanilang Kristiyanismo. Sa simula ng ika-8 siglo, ang mga kahariang ito ay nasakop na ng mga kapitbahay nitong Niseno(Ostrogoths, Vandals, Burgundians) o ang mga pinuno nito ay tumanggap ng Kristiyanismong Niseno(Visigoths, Lombards). Ang mga Frank at Anglo-Saxon ay natatangi sa mga taong Alemaniko dahil ang mga ito pumasok sa imperyo bilang mga pagano at naakay ng direkta sa Kristiyanismong Niseno(Katoliko) na ginabayan ng kanilang mga haring sina Clovis at Æthelberht of Kent.

Mga labi sa Kanluran, ika-5 hanggang ika-7 siglo

Gayunpaman, ang karamihan ng katimugang Europa at sentral Europa kabilang ang maraming mga Goth at Vandal ay yumakap sa Arianismo. Ang mga Visigoth ay naakay sa Kristiyanismong Arian noong 376. Ito ay humantong sa pagiging paktor ng Arianismo sa iba't ibang mga digmaan sa imperyo Romano. Sa kanluran, ang organisadong Arianismo ay nagpatuloy sa Hilagang Aprika, Hispania at mga bahagi ng Italya hanggang sa supilin ito noong ika-6 at ika-7 siglo. Si Grimwald na hari ng mga Lombard(662–671) at ang kanyang batang anak at kahaliling si Garibald(671) ang mga huling haring Arian sa Europa.

Muling paglitaw pagkatapos ng Protestanteng Repormasyon, ika-16 siglo

Pagkatapos ng Protestanteng Repormasyon, hindi tumagal para sa pananaw na Arian at mga iba pang hindi-trinitarian na muling lumitaw. Ang unang itinalang anti-trinitarian ay ang Ingles na si John Assheton na pinwersang bawiin ito sa harap ni Thomas Cranmer noong 1548.

Mga sanggunian

  1. Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition, rev. edn. 2001, ISBN 0-8028-4969-5
  2. Kannengiesser, Charles, “Alexander and Arius of Alexandria: The last Ante-Nicene theologians”, Miscelanea En Homenaje Al P. Antonio Orbe Compostellanum Vol. XXXV, no. 1-2. (Santiago de Compostela, 1990), 398
  3. Socrates. "The Dispute of Arius with Alexander, his Bishop.". The Ecclesiastical Histories of Socrates Scholasticus. Hinango noong 2 May 2012.
  4. Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition (London: Darton, Longman and Todd, 1987),175
  5. Williams, 175
  6. Williams 154-155
  7. Arius letter to Eusebius of Nicomedia
  8. Alexander of Alexandria's Catholic Epistle
  9. Williams & Friell, (1994) pp. 46–53
  10. Guitton, "Great Heresies and Church Councils", pp.86.
Anastasius ng Terni

Si San Anastasius ng Terni o Anastasio ng Terni (namatay noong Agosto 17, bandang 553), kilala rin bilang Anastasius IX o Anastasio IX, ay isang obispo at santo ng Simbahang Katoliko. Naging obispos siya ng Banal na Sede ng Terni, Italya. Ayon sa ilang mga paglalahad, isang katutubo ng Sirya si Anastasius bago namirmihan sa Italya. Noong kanyang kapanahunan, naging masugid na kalaban siya ng Arianismo, isang heresiyang tinatanggihan ang kabanalan o dibinidad ni Hesukristo. Ilan pa sa kanyang mga nagawa ay ang paglilinis at renobasyon ng mga simbahan ng kanyang diyoses, at ang pagpapatayo ng isang katedral na handog para sa misteryo ng Asunsiyon ni Maria (pag-akyat sa langit ni Birheng Maria. Namatay si Anastasius dalawang araw pagkaraan ng pagdiriwang sa kataimtiman ng pag-akya ni Maria sa kalangitan. Pagkaraan malimutan ang kinalalagyan ng libingan ni Anastasius noong ika-11 daang taon, muli itong natuklasan noong 1039, pagkaraang mapanaginipan ng isang magbubukid. Nang mabuksan ang libingan ni Anastasius, napansing ang libingang ito ay naglalaman ng hindi pa bulok at hindi pa nasisirang bangkay ni Anastasius na nadadamitan pa rin ng mga kasuotang episkopal o pang-obispo, at nagmumula sa loob ng libingan ang isang kaaya-ayang bango.

Anomoeanismo

Ang mga Anomoean o "Anomean" at kilala rin bilang mga Heterousian, Aëtian, o Eunomian, ay isang sektang Kristiyano noong ika-4 siglo CE na naniwala sa isang sukdulang anyo ng Arianismo. Hindi lang nito itinanggi na si Kristo ay ng katulad na kalikasan(konsubstansiyal) ng Ama kundi itinanggi rin na si Kristo ay ng parehong kalikasan(homoiousian) gaya ng pinaniwalaan ng mga Semi-Ariano.

Antipapa Ursicinus

Si Ursicinus,o Ursinus ang hinalal na papa o Obispo ng Roma sa isang marahas na nilabanang halalan noong 366 CE bilang katunggali kay Papa Damaso I. Si Ursicinus ay namuno sa Roma ng ilang mga buwan noong 366-367 at pagkatapos ay idineklarang Antipapa at namatay noong 381 CE. Si Papa Liberius ay pinatalsik noong 355 CE sanhi ng isang alitan kay Emperador Constantius II na isang Ariano tungkol sa pagtrato nito sa Arianismo. Si Antipapa Felix II ay inilagay na kahalili nito. Pagkatapos ng kamatayan ng Emperador, si Liberius ay kalaunang muling inilagay at si Felix ay pinatalsik sa Roma. Gayunpaman, ang mga magkatunggaling partido ay nanatiling malaking polarisado sa Roma.

Apollinarismo

Ang Apollinarismo o Apollinarianismo ang pananaw na iminungkahi ni Apollinaris ng Laodicea(namatay noong 390 CE) na si Hesus ay hindi maaaring nagkaroon ng isang isipang pantao. Sa halip ay si Hesus ay may katawang tao at isang mas mababang kaluluwa(ang upuan ng mga emosyon) ngunit may isipang pang-diyos. Ang Trinidad ay kinilala sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE ngunit ang debate tungkol sa eksaktong kahulugan nito ay nagpatuloy. Ang isang katunggali sa mas karaniwang paniniwala na si Kristo ay may dalawang mga kalikasan ang monophysitismo(isang kalikasan) na si Kristo ay may isa lamang kalikasan. Ang Apollinarismo at Eutychianismo ang dalawang mga anyo ng monophysitismo. Ang pagtakwil ni Apollinaris na si Kristo ay may isang isipang tao ay itinuturing na isang labis na reaksiyon sa Arianismo at katuruan nitong si Kristo ay hindi diyos. Inakusahan ni Theodoret si Apollinaris ng paglilito ng mga persona ng Pagkadiyos at bumigay sa mga paraang heretikal ni Sabellius. Inakusan ni Basil ng Caesaria si Apollinaris ng pag-aabandona ng literal na kahulugan ng kasulatan at buong tumanggap sa kahulugang alegorikal. Ang mga pananaw ni Apollinaris ay kinondena sa isang Synod sa Alexandria sa ilalim ni Athanasius ng Alexandria noong 362. Ito ay kalaunang nagkahati hati sa iba iba pang mga pananaw na ang mga pangunahin ang mga Polemian at Antidicomarianite. Ang Apollinarismo ay idineklarang heresiya sa Unang Konseho ng Constantinople noong 381 CE dahil si Kristo ay inilarawan dito bilang buong tao at buong diyos. Ang mga tagasunod ng Apollinarismo ay inakusahan ng pagtatangkang lumikha ng isang tertium quid (ikatlong bagay na hindi diyos o hindi tao). Karagdagan pang itinuro ni Appolinaris sa pagsunod kay Tertullian na ang mga kaluluwa ng tao ay pinalalaganap ng ibang mga espirito gayundin ang kanilang mga katawan.

Arius

Si Arius (250 o 256–336) ay isang asetikong presbiterong Kristiyano sa Alexandria, Ehipto ng simbahan ng Baucalis at may pinagmulang Libyan. Ang kanyang mga katuruan tungkol sa kalikasan ng pagkadiyos na nagbibigay diin sa pagkadiyos ng Ama sa Ana at ang kanyang pagsalungat sa Kristolohiyang Trinitarianismo ay gumawa sa kanyang pangunahing paksa sa Unang Konseho ng Nicaea na tinipon ng Emperador Constantine noong 325 CE. Pagkatapos gawing legal at pormal nina Emperador Licinius at Constantine ang [Kristiyanismo]] sa Imperyo Romano, ang bagong kinikilalang Simbahang Katoliko ay naghangad na pag-isahin at liwanagin ang teolohiya nito. Ang mga Krisityano na naniniwala sa Trinitarianismo gaya ni Athanasius ay gumgamit kay Arius at Arianismo bilang mga epithet upang ilarawan ang mga hindi umaayon sa kanilang doktrinang kapwa-katumbas na Trinitarianismo na isang isang kristolohiyang kumakatawan sa Ama at Anak bilang "ng isang kalikasan"(konsubstansiyal) at kapwa-walang hanggan. Bagaman ang halos lahat ng mga positibong kasulatan tungkol sa teolohiya ni Arius ay sinupil o winasak, ang mga negatibong kasulatan ay naglalarawan sa teolohiya ni Arius bilang ang isa kung saan may isang panahon bago ang Anak ng Diyos nang ang tanging Diyos Ama lamang ang umiiral. Sa kabila ng magkakasamang pagsalungat mga ito, ang mga Arian o hindi-trinitarianong simbahang Kristiyano ay nagpatuloy sa buong Europa at Hilagang Aprika sa iba't ibang mga kahariang Gothiko at Alemaniko hanggang sa supilin ng pananakop military o boluntaryong pag-akay sa maharlika sa pagitan ng ika-5 at ika-7 siglo CE. Bagaman ang Arianismo ay nagmumungkahi na si Arius ang tagapagsimula ng katuruang nagdadala ng kanyang pangalan, ang debate tungkol sa tiyak na relasyon ng Anak at Ama ay hindi nagmula sa kanya. Ang paksang ito ay tinatalakay na sa mga dekada bago ang kanyang pagdating. Pinasidhi lamang ni Arius ang kontrobersiya at dinala ito sa mas malawak na mga tagapakinig sa Simbahan kung saan ang ibang mga Arian gaya nin Eusebius ng Nicomedia ay nagpatunay na higit na impluwensiya sa matagal na panahon.

Atanasio

Si Atanasio ng Alexandria o Athanasius ng Alexandria (Griyego: Ἀθανάσιος Ἀλεξανδρείας, Athanásios Alexandrías) (b. ca. 296–298 CE – d. 2 Mayo 373 CE), at tinutukoy rin bilang San Atanasio ang Dakila, San Atanasio I ng Alexandria, San Atanasio ang Kumpesor at pangunahin sa Simbahang Koptikong Ortodokso bilang San Atanasio ang Apostoliko, ang ika-20 obispo ng Alexandria. Ang kanyang episkopata ay tumagal ng 45 taon. (c. 8 Hunyo 328 – 2 Mayo 373) na ang higit sa 17 taon ay ginugol sa limang mga pagkakatapon na inutos ng apat na magkakaibang emperador Romano. Siya ay itinuturing na kilalang teologong Kristiyano at pangunahing tagapagtanggol ng Trinitarianismo laban sa Arianismo at isang kilalang pinunong Ehipsiyo noong ika-4 na siglo. Siya ay kilala sa kanyang papael sa alitan kay Arius at Arianismo. Noong 325 sa edad na 27, siya ay nagkaroon ng isang nangungunang papel laban sa mga Arian sa Unang Konsehong Nicaea. Sa panahong ito, siya ay isang deakono at personal na sekretarya ng ika-19 obispo ng Alexandriang si Alexander. Ang Nicaea ay tinipon ni emperador Constantine I noong Mayo-Agosto 325 CE upang tugunan ang posisyon Arian na si Hesus ay ng isang natatanging substansiya mula sa Ama. Noong Hunyo 328 CE sa edad na 30 at tatlong taon pagkatapos ng Nicæa at sa pamamahinga ni Alexander, siya ay naging arsobispo ng Alexandria. Kanyang ipinagpatuloy ang pakikipagalitan sa mga Arian sa natitira ng kanyang buhay at lumahok sa mga pakikibakang teolohikal at pampolitika laban sa mga emperador Dakilang Constantine at Constantius II at mga makapangyarihang at maimpluwensiyal na mga mangangaral na Arian na pinamunuan ni Eusebius ng Nicomedia at iba pa. Siya ay kilala bilang "Athanasius Contra Mundum". Sa loob ng ilang mga taon ng kanyang paglisan, tinawag siya ni Gregoryo ng Nazianzus na Haligi ng Simbahan. Ang kanyang mga kasulatan ay mahusay na isinasaalang alang ng mga ama ng simbahan na sumunod sa kanya sa parehong Kanluran at Silangan. Ang kanyang mga kasulatan ay nagpapakita ng mayamang debosyon sa Salitang-naging-tao, dakilang pagkabahalang pastoral at malalim na interes sa monastisismo.

Basilio ng Caesarea

Si Basilio ng Caesarea o San Basil ang Dakila, (329 o 330 CE – 1 Enero 379 CE) (Griyego: Ἅγιος Βασίλειος ὁ Μέγας) ang Griyegong obispo ng Caesarea Mazaca sa Cappadocia, Asia Menor (modernong Turkey). Siya ay isang maimpluwensiya (influential) na teologo na sumuporta sa kredong Niceno at sumalungat sa mga erehiya ng maagang simbahang Kristiyano. Kanyang nilabanan ang parehong Arianismo at mga tagasunod ni Apollinaris ni Laodicea. Ang kanyang kakayahan na balansihin ang kanyang mga konbiksiyong teolohikal sa kanyang mga koneksiyong pampolitika ay gumawa sa kanyang isang makapangyarihang tagapagtaguyod ng posisyong Niceno. Siya ay kabilang sa mga amang Capadocio.

Dakilang Constantino

Para sa ibang gamit, tingnan ang Constantino (paglilinaw).

Para sa ibang gamit, tingnan ang San Constantino (paglilinaw).Si Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus (27 Pebrero c. 272 – 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang Constantino I, Dakilang Constantino, Constantino ang Dakila, o (sa Silanganing Simbahang Ortodokso, Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya, Ortodoksiyang Oriental at Bisantinong Katolikong mga Kristiyano)San Constantino, ay gumanap na Emperador Romano mula 306 AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging unang Kristiyanong Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si Diocleciano, at naglabas ng (kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si Licinius) ang Edikto ng Milan noong 313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo.

Nakatala sina Constantino I at ang kanyang inang si Helena ng Konstantinople bilang mga santo sa Bisantinong kalendaryong liturhikal, na sinusunod sa ritong Bisantino ng Silanganing Simbahang Ortodokso at ng Silanganing mga Simbahang Katoliko. Bagaman hindi siya kabilang sa talaan ng mga santo ng Simbahang Latin (sa ritong Latin), na kumikilala sa iba pang mga taong may pangalang Constantino bilang mga santo, pinaparangalan si Constantino I sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "Ang Dakila" sa kanyang pangalan dahil sa kanyang mga ambag sa Kristiyanismo.

Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng Byzantium upang maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng Imperyong Bisantino sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging Constantinople o "Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y Istanbul.

Eusebio ng Nicomedia

Para sa ibang gamit, tingnan ang Eusebio (paglilinaw).Si Eusebio ng Nicomedia o Eusebius ng Nicomedia (namatay noong 341 CE) ang taong nagbautismo kay Dakilang Constantino bago ang kamatayan nito. Siya ang obispo ng Berytus(modernong Beirut) sa Phoenicia na sa panahon niya ay ng Sede ng Nicomedia kung saan ang korteng imperyal ay nakatira at sa huli ay sa Constantinople mula 338 CE hanggang sa kanyang kamatayan.

Hosius ng Corduba

Si Hosius ng Corduba (c. 257 – 359) na kilala rin bilang Osius o Ossius ay isang obispo ng Cordova sa Espanya at isa sa mga tagapagtaguyod ng pananaw na Niceno sa Unang Konseho ng Nicaea laban sa Arianismo. Pagkatapos ni Lactantus, si Hosius ang naging pinakamalapit na tagapayong Kristiyano at kompidante ni Emperador Constantino I sa mga bagay na pangsimbahan at gumabay kay Constantino sa mga pananalumpati nito sa publiko gaya ng Orasyon ni Constantino sa mga nagtipong Obispo. Noong 313 CE, siya ay lumitaw sa korte ni Constantino at binanggit sa konstitusyon ng emperador para sa mga Caecilianus ng Carthage noong taong iyon. Noong 323 CE, siya ang posibleng sumulat ng liham ni Constantino I kay Papa Alejandro ng Alehandriya at kay Arius na naguutos sa kanilang itigil ang kaguluhan sa simbahan. Sa kabiguan sa mga negosiasyon sa Ehipto, walang dudang ang aktibong pag-ayon ni Hosius ang nagdulot sa pagtitipon ng Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE. Si Hosius ay lumahok sa Unang Konseho ng Nicaea at posibleng ang nangasiwa rito. Itinuro ni Atanasio kay Hosius ang pagkatha ng Kredong Niceno. Pinaniniwalaan ng mga skolar na makapangyarihan niyang naimpluwensiyahan ang emperador Constantino I laban sa partido ni Arius. Sa pag-udyok ni Hosius na iminungkahi ni Emperador Constantino sa Unang Konseho ng Nicaea na ipasok sa kredong Niceno ang katagang homoousios na tinutulan ng mga Ariano na nagmungkahi ng katagang homoiousios. Ang mga pro-Nicenong obispo na anti-Ariano ang nagwagi sa mga botohan ng Konseho. Gayunpaman, si Constantino I ay kalaunang naakay sa Arianismo at binautismuhan ng Arianong si Eusebio ng Nicomedia bago ang kanyang kamatayan. Pagkatapos ng kamatayan ni Constantino, napilit ng mga Ariano ang anak ni Constantino I na si Emperador Constantius II na isang Ariano na ipatawag si Hosius sa Milan kung saan tumanggi itong kundenahin ang pro-Nicenong si Atanasio o makipagkomunyon sa mga Ariano. Napahanga niya ang emperador na pinahintulutan siyang umuwi sa kanyang tahanan. Ang karagdagan pang mga pagpipilit ng mga Ariano ang nagtulak kay Constantius II na sumulat ng liham kay Hosius na nagtatanong kung siya lamang ang mananatiling matigas ang ulo. Bilang tugon, sumulat si Hosius ng liham kay Constantius II na nagpoprotesta ng mga panghihimasok ng Emperador sa mga bagay na pang simbahan na humantong sa pagpapatapon kay Hosius sa Sirmium noong 355 CE. Sa kanyang pagkakatapon ay sumulat siya ng isang liham na inilarawan ng historyan na Pranses na si Sebastian Tillemont na nagpapakita ng grabidad, dignidad, kahinahunan, karunungan. Sa patuloy na pagpipilit ng mga Ariano kay Hosius na malapit na sa kanyang edad na 100, siya ay sapat na mahina upang lagdaan ang pormulang kinuha ng ikatlong konseho ng Sirmium noong 357 na kinasasangkutan ng komunyon sa mga Ariano ngunit hindi ang pagkukundena sa anti-Arianong si Atanasio. Si Hosius ay pinahintulutan na bumalik sa kanyang diocese na Hispaniko kung saan siya namatay noong 359 CE.

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan. Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon dahil sa mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na kalikasan at mga katuruan ni Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag-aangkin na sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo.

Kristolohiya

Ang Kristolohiya (Ingles: Christology) ay isang larangan ng pag-aaral sa teolohiyang Kristiyano. Nagtatanong ito ng mga katanungan hinggil sa kalikasan ni Kristo. Sa partikular, tinitingnan nito kung paano may kaugnayan sa isa't isa ang pagkaDiyos at pagkatao ni Hesus gayundin ang kanyang ugnayan sa Ama at Banal na Espirito. Ang mga debate tungkol sa tunay na kalikasan ni Hesus ay humantong sa mga pagkakabahagi sa loob ng Kristiyanismo mula pa noong simulang kasaysayan at maging hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay resulta ng mga magkakasalungat at mga hindi malinaw na pahayag(na bukas sa mga iba't ibang interpretasyon) sa kanonikal na Bagong Tipan tungkol sa kalikasan ni Hesus. Ang ibang mga sinaunang pangkat ng Kristiyanismo ay gumagamit ng mga ibang ebanghelyo na hindi nakapasok sa kanon ng Katoliko noong ika-4 siglo CE na may napakaiba at sumasalungat na pananaw mula sa mga nakasulat sa naging kanonikal na ebanghelyo

Papa Alejandro ng Alehandriya

Si Papa Alejandro ng Alehandriya (namatay noong 326 o 328) ang ika-19 na Patriarka ng Alehandriya mula 313 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang pinuno ng pagsalungat sa Arianismo sa Unang Konseho ng Nicaea at ang tagapayo ng kanyang kahaliling si Atanasio ng Alehandriya.

Papa Pedro II ng Alehandriya

Si Papa Pedro II ng Alexandria ang ika-21 Papa ng Alexandria sa pagitan ng 373 CE at 380 CE. Siya ay alagad ni Athanasius na nagtakdang sa kanyang kahalili nito bago ang kanyang kamatayan noong 373 CE. Siya ay inaalala sa Koptikong Synaxarion sa ika-20 araw ng Amshir na araw ng kanyang kamatayan. Siya ay isang masigasig na kalaban ng Arianismo at sa sandaling pagkatapos ng kanyang konsagrasyon, ang prepektong Palladius sa utos ng Emperador Valens ay nagpatalsik sa kanya sa siyudad at inilagay ang obispong Arian na si Lucius ng Alexandria. Nakahanap ng kublihan si Pedro II sa Roma kung saan ay tinanggap siya ng obispo ng Roma na si Papa Damaso I at nagbigay suporta sa kanya laban sa mga Ariano. Noong 373 CE, si Pedro II ay bumalik sa Alexandria, Ehipto kung saan si Lucious ay sumuko sa takot ng mga mamamayan.

Pneumatomachi

Ang Pneumatomachi at kilala rin bilang mga Macedonian o Semi-Arian sa Constantinople at Tropici sa Alexandria ay isang sekta ng Kristiyanismo na anti-kredong Nicene at yumabong sa mga bansang katabi ng Hellespont sa huling kalahati ng ikaapat at simula ng ikalimang siglo CE. Kanilang itinanggi ang pagkadiyos ng banal na espirio at kaya ang pangalanang Griyeong Pneumatomachi o 'Mga manlalaban laban sa espirito'. Ang mga sanggunian ng Simbahan ay nagtuturo kay Obispo Macedonius I bilang tagapagtatag nito. Ang mga mismong kasulatan ni Macedonius gayundin ng Pneumatomachi ay nawala at ang pinaniwalaang doktrina mito ay nagmula sa pagsalungat ng mga pinuno ng nananaig na bersiyon ng Kristiyanismo na tumuring sa kanilang mga heretiko. Sa ilalim ni Emperador Julian noong 361-363 CE, na personal na tumakwil sa Kristiyano para sa paganismong Neoplatoniko at naghangad na ibalik ang imperyo Romano sa orihinal na relihiyosong eklektisismo nito, ang Pneumatomachi ay nagkaroon ng sapat na kapangyarihan upang ideklara ang kanilang kalayaan mula sa parehong mga Arian at ortodokso. Isinaad ng mga komentador ng Simbahang ortodokso na ang mga ito ay tumatanggi sa pagkadiyos ng banal na esprito at itinuring ang substansiya ni Hesus bilang ng "parehong substansiya"(homoiousios) ngunit ng hindi "parehong kalikasan" (homoousios) sa Diyos Ama. Sinuportahan ng mga Macedonian ang mga kredong Homoiousian ng Antioch at Seleuci at kinondena ang mga kredong Homoian ng Ariminum at Constantinople. Sila ay tumawag ng mga bagong synod upang magkamit ng suporta sa kanilang mga pananaw at kondenahin ang kanilang mga kalaban. Ang mga Pneumatomachi ay kinondena noong 374 ni Damasus I. Noong 381, ang konseptong Pneumatomachian na ang banal na espirito ay isang nilikha ng Anak at lingkod ng Ama at Anak ay nagtulak sa Unang Konseho ng Constantinople na idagdag sa Kredong Nicene ang "At sa Banal na Espirito, ang Panginoon, ang tagabigay ng Buhay, Na nagmumula mula sa Ama, na kasama ng Ama at Anak ay katumbas na sinasamba at niluluwalhati, Na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta". Bilang resulta ng konsehong ito, ang homoousios ang naging tinanggap na depinisyon ng ortodoksiyang Kristiyano. Pagkatapos nito ay sinupil ang sektang ito ni Emperador Theodosius I na isang mananampalataya ng Kristiyanismong Nicene.

Subordinasyonismo

Ang Subordinasyonismo ay isang doktrina sa teolohiyang Kristiyano na nagsasaad na ang Anak at Banal na Espirito ay mas mababa at nagpapailalim sa Ama sa kalikasan. Itinuturing ng mga Trinitariano ang subordinasyonismo bilang erehiya. Ang subordinasyonimo sa maraming mga anyo nito ang maagang doktrina ng Kristiyanismo hanggang noong ika-4 siglo CE nang ang kontrobersiya ng Arianismo ay pinagpasyahan sa mga konseho ng simbahan sa pagkakabuo ng doktrinang Trinidad. Ang subordinasyonismo ay may ilang mga pagkakatulad sa Arianismo ngunit may ilang mga pagkakaiba. Si Arius at ang kanyang mga alagad ay mga subordinasyonista ngunit humigit pa dito na nagsasaad na ang Anak bilang isang nilalang ay ignorante sa Manlalalang na ang tanging may buong kalikasang Diyos ayon sa apopatisismong Kristiyano. Ang subordinasyonismo ay yumabong sa parehong panahon sa Arianimo noong ika-4 siglo CE ngunit mas matagal na nagpatuloy. Ang mga pangunahing tagapagtaguyod nito noong ika-4 siglo sina Eusebio ng Caesarea at Eusebio ng Nicomedia na parehong minsang nagbigay suporta kay Arius. Nilabanan ni Atanasio ang subordinasyonismo sa kanyang buong karera bilang Obispo ng Alehandriya at kadalasang tumatawag ritong Arianismo. Ang subordinasyonismong ontolohikal ay natatangi mula sa subordinasyong ekonomiko o subordinasyong relasyonal na tinatanggap ng ilang mga Trinitariano. Sa subordinasyong ontolohikal, ang Pagkadiyos ay hindi lamang hindi magkatumbas sa opisina kundi pati sa kanilang esensiya. Kabilang sa mga tagapagtaguyod nito si Origen ng Alehandriya na nagturong si Hesus ay isang ikalawang Diyos at ang Anak ay natatangi sa Ama at may ibang substansiya sa Ama. Ayon kay R.P.C. Hanson, "maliban kay Atanasio, ang halos lahat ng mga teologo ng Simbahang Kanluranin at Simbahang Silanganin ay tumanggap sa isang anyo ng subordinasyonismo hanggang noong mga 355 CE. Ang doktrinang subordinasyonismo ay inilalarawan bilang ang tinanggap na ortodoksiya." Sa subordinasyong ekonomiko, ang subordinasyon ng Anak ay nauukol lamang sa paraan ng subsistensiya at operasyon ngunit hindi sa kalikasan. Ito ay nagsasaad na bagaman natatangi sa kanilang mga relasyon sa bawat isa, sila ay isa sa lahat ng iba pa.

Kabilang sa mga talatang ginagamit ng mga tagapagtaguyod ng doktrinang subordinasyonismo ang:

Juan 3:35, Iniibig ng Ama ang Anak, at ibinigay niya rito ang pamamahala sa lahat ng bagay.

Juan 5:26,27, Kung paanong ang Ama mismo ang pinagmumulan ng buhay, gayon din naman ang Anak na binigyan niya ng ganoong karapatan. Binigyan din niya ang Anak ng kapangyarihang humatol, sapagkat siya ang Anak ng Tao.

Juan 10:29, Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, a at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama.

Juan 13:16, Pakatandaan ninyo, ang alipin ay hindi nakakahigit sa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa sa nagsugo sa kanya.

Juan 14:24,26, Ang hindi tumutupad sa aking mga salita ay hindi umiibig sa akin. Ang salitang narinig ninyo ay hindi sa akin, kundi sa Ama na nagsugo sa akin. Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.

Juan 14:28, Sinabi ko na sa inyo, Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang Ama kaysa sa akin

1 Corinto 8:4-6, Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay larawan ng mga bagay na di-totoo, at alam nating iisa lamang ang Diyos. Kahit na may tinatawag na "mga diyos" sa langit at sa lupa, at ang mga tinatawag na "mga diyos" at "mga panginoon" ay marami, subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo.

1 Corinto 11:3, Ngunit nais kong maunawaan na ang pinuno ng bawat lalake ay si Cristo, at ang pinuno ng babae ang lalake at ang pinuno ni Kristo ang Diyos.

1 Corinto 15:28, At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat.

Hebreo 10:7,9, Kaya't sinabi ko, 'Ako'y narito, O Diyos, upang sundin ang iyong kalooban,'ayon sa sinasabi ng kasulatan tungkol sa akin." Saka niya idinugtong, "Ako'y narito upang sundin ang iyong kalooban." Sa ganitong paraan, inalis nga ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Cristo.

Theodosius I

Si Flavius Theodosius (11 Enero 347 – 17 Enero 395), o Theodosius I at Dakilang Theodosius ay ang emperador ng Roma mula 379-395. Dahil sa kanyang pinag-isa ang Silangan at Kanlurang bahagi ng Imperyo Romano, siya ang pinakahuling emperador ng Silangan at Kanlurang Imperyo Romano. Pagkalipas ng kanyang kamatayan, ang 2 bahagi ng Imperyo Romano ay tuluyan nang nagkahiwalay. Si Theodosius din ang emperador na gumawa sa relihiyonng Kristiyanismong Niseno bilang opisyal na relihiyong estado ng imperyo. Siya ay kinikilalang santo sa Silangang Ortodokso bilang San Theodosius. Kanyang tinalo ang mga mang-aagaw ng tronong si Magnus Maximus at Eugenis at nagtaguyod ng pagwasak ng mga kilalang templong pagano: ang Serapeum sa Alexandria, ang Templo ni Apollo sa Delphi at ang Mga birheng bestal sa Roma. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang mga anak na sina Arcadius at Honorius ay respektibong nagmana ng mga kalahating Silangan at Kanluran ng imperyo at ang Imperyo Romano ay hindi na kailanman muling nagkaisa. Noong 393 CE, kanyang ipinagbawal ang palarong Olimpiko sa Sinaunang Gresya. Ang Olimpiko ay idinaos lang muli noong 1896.

Unang Konsilyo ng Nicaea

Ang Unang Konsilyo ng Nicaea ang konsilyo ng mga obispong Kristiyano na tinipon sa Nicaea sa Bythinia sa kasalukuyang İznik, Turkey. Ito ay tinipon ng emperador ng Imperyo Romano ]na si Constantino I noong 325 CE. Ang unang konsilyong ekumenikal na ito ang unang pagsisikap na magkamit ng kasunduan sa simbahang Kristiyano sa pamamagitan ng asemblea na kumakatawan sa buong sangkaKristiyanuhan. Ang pangunahing mga naisakatuparan nito ang paglutas sa isyu ng Trinitarianismo ng kalikasan ni Hesus at ang kanyang relasyon sa Diyos Ama, ang paglikha ng unang bahagi ng Kredong Niseno, paglutas ng pagkwenta ng petsa ng Easter at pagpapalaganap ng maagang batas kanon.Tinipon ni Emperador Constantine ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyal na isyu ng relasyon sa pagitan ni Hesus at ng Diyos Ama. Ninais ni Constantine na itatag ang isang pangkalahatang kasunduan dito. Ang mga kinatawan nito ay nagmula sa buong Imperyo Romano at pinansiyal na sinuportahan ng Emperador. Bago ng konsilyong ito, ang mga obispo ay nagdadaos ng mga lokal na konsilyo gaya ng Konsilyo ng Herusalem ngunit walang isang pangkalahatan o unibersal, o ekumenikal na konsilyo. Ang konsilyo ay gumawa ng isang kredo na orihinal na Kredong Nicene na tumanggap ng halos nagkakaisang suporta. Ang paglalarawan ng konsilyo ng "tanging bugtong na anak ng diyos" na si Hesus na homoousios(parehong substansiya) sa diyos ama ang naging pamantayan ng Trinitarianismo. Sinagot ng konsilyo ang isyu ng pagpepetsa ng Easer, kumilala sa karapatan ng see ng Alexandria sa huridiksiyon sa labas ng sarili nitong probinsiya(bilang analohiya sa hurisdiksiyong sinanay sa Roma) at ang mga prerogatibo ng mga iglesia sa Antioch at sa iba pang mga probinsiya at nag-aproba ng kustombre kung saan ang Herusalem ay pinarangalan nang walang dignidad na metropolitan.Ang konsilyong ito ay tinutulan ng mga Arian at sinubukan ni Constantine na pagkasunduin si Arius(kung saan ipinangalan ang Arianismo) sa simbahan. Kahit nang mamatay si Arius noong 336 CE, isang taon bago ang kamatayan ni Constantine, ang kontrobersiya ay nagpatuloy kung saan ang iba't ibang mga magkakahiwalay na pangkat ay yumakap sa iba't ibang mga simpatyang Arian sa isang paraan o iba. Noong 359 CE, ang isang dobleng konsilyo ng Silangan at Kanlurang mga obsipo ang nagpatibay ng isang pormula na nagsasaad na ang Ama at Anak ay magkatulad ayon sa mga kasulatan na isang pagtatagumpay ng Arianismo. Nag-rally ang mga kalaban ng Arianismo ngunit ang Unang Konsilyo ng Constantinope noong 381 CE ang huling pagkapanalo ng ortodoksiyang Nicene sa Imperyo Romano bagaman ang Arianismo ay kumalat na sa panahong ito sa mga tribong Alemaniko kung saan ito ay unti unting naglaho pagkatapos ng konbersiyon ng mga Frank sa Katolisismo noong 496 CE.

Unang Pitong Konsilyo

Sa kasaysayan ng Kristiyanismo, ang Unang Pitóng Konsilyo mula sa Unang Konsilyo ng Nicaea (325 CE) hanggang sa Ikalawang Konsilyo ng Nicaea (787 CE) ay kumakatawan sa pagtatangka ng pag-abot sa isang kasunduang ortodoksiya at upang itatag ang isang nagkakaisang sangkakristiyanuhan (christendom) bílang estadong simbahan ng Imperyong Romano. Ang Silangang Ortodokso, Romano Katolisismo, at Anglikano ay lahat nag-aangkin na ang kanilang kaparian ay bumabakas sa paghaliling apostoliko pabalik sa yugtong ito at sa sinaunang yugtong tinatawag na Sinaunang Kristiyanismo. Gayunpaman, ang mga pagkakasira ng pagkakaisa na umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan ay nangyari kahit sa yugtong ito. Tinatanggap ng Assyrian Church of the East ang unang dalawang konseho ngunit itinatakwil ang ikatlo, ang Unang Konseho ng Efeso(431 CE). Ang Konsehong Quinisext(692 CE) na nagtangkang itatag ang Pentarkiya at pangkalahatang hindi itinuturing na isa sa unang pitóng konsehong ekumenikal ay hindi tinatangap ng Romano Katoliko na tumuturing din na marami pang mga konsehong ekumenikal pagkatapos ng unang pitóng ito. Ang panahong ito ay nagsisimula sa Unang Konseho ng Nicaea na naghayag ng Kredong Nicene na nasa orihinal na anyo nito at bílang binago ng Unang Konseho ng Constanstinople noong 381 ay nakikita bílang sukatán ng ortodoksiya sa doktrina ng Trinidad. Sa puntong ito, bagaman ang mga emperador ay tumigil nang tumirá sa Romano, ang simbahan sa siyudad ay nakikita bílang una sa mga iglesia Noong 330, itinatag ni Constantine ang kanyang "Bagong Roma" na naging Constantinople sa Silangang Imperyong Romano. Ang lahat ng mga pitóng konseho ay idinaos sa Silangan sa Anatolia at Constantinople.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.