Aleppo Codex

Ang Aleppo Codex (Hebreo: כֶּתֶר אֲרָם צוֹבָאKeter Aram Tzova) ay isang mediebal na nakataling manuskrito ng Bibliyang Hebreo. Ang codex ay isinulat noong ika-10 siglo CE. [1] Ito ay matagal nang itinuturing na pinaka-autoritatibong dokumentosa masorah ("pagpasa") na tradisyon kung saan iniingatan ang mga kasulatang Hebreo sa bawat henerasyon.[2] Ang mga nakaligtas na halimbawa ng panitikang responsa ay nagpapakitang ang Aleppo Codex ay pinagdulugan ng mga malalayong skolar sa buong mga Gitnang Panahon. Ang mga modernong pag-aaral ay nagpapakita ritong ang pinaka-tumpak na representasyon ng mga prinsipyong Masoretiko sa mga umiiral na manuskrito na naglalaman ng napaka-kaunting mga kamalian na tinatayang mga 2.7 milyong detalyeng ortograpiko [3] na bumubo ng tekstong Masoretiko. Dahil dito, nakikita ng maraming mga skolar ang Aleppo Codex na pinaka-autoritatibong kinatawan ng tradisyong Masoretiko sa parehong letra-teksto at bokalisasyon(niqqud at kantilasyon) nito. Gayunpaman, ang karamihan ng seksiyong Torah at maraming mga ibang bahagi ng teksto ay nawala na.

Aleppo Codex Joshua 1 1
Closeup of Aleppo Codex, Joshua 1:1
Aleppo Codex (Deut)
Page from Aleppo Codex, Deuteronomy

Mga sanggunian

  1. Fragment of ancient parchment given to Jewish scholars
  2. M. H. Goshen-Gottstein, "The Aleppo Codex and the Rise of the Massoretic Bible Text" The Biblical Archaeologist 42.3 (Summer 1979), pp. 145-163.
  3. The numerical estimate is based on the sums compiled in this chart as part of the Westminster Leningrad Codex. An "error" is usually a conflict between a manuscript's letter-text and its masoretic notations.
Aleppo

Ang Aleppo ( /əˈlɛpoʊ/; Arabe: ﺣﻠﺐ‎ / ALA-LC: Ḥalab, IPA: [ˈħalab]) ay isang pangunahing lungsod sa Syria na nagsisilbi bilang kabisera ng Gobernado ng Aleppo na pinakamataong gobernado ng Syria. Ito ang pinakamataong lungsod ng Syria bago ang Digmaang Sibil ng Syria, na may 2,132,100 katao ayon sa senso noong 2004. Subalit ang Aleppo ay ang maaaring pangalawang pinakamataong lungsod sa Syria ngayon, kasunod ng kabisera Damascus.

Isang sinaunang lungsod ang Aleppo, at isa sa mga pinakamatandang lungsod na patuloy na tinitirhan sa mundo; tinitirhan na ito mula pa noong ika-6 na milenyo B.K. Ang mga paghukay sa Tell as-Sawda at Tell al-Ansari, timog ng lumang lungsod ng Aleppo, ay nagpapakita na ang lugar ay tinirhan ng mga Amorreo mula pa noong huling bahagi ng ika-3 milenyo B.K.; at ito rin kung kailang unang nabanggit ang Aleppo sa mga tabletang kuneiporme (cuneiform tablets) na nahukay sa Ebla at Mesopotamya, na kung saan bahagi ang Aleppo ng estadong Amorreo na Yamhad, at kilala sa kakayahang komersiyo at hukbo nito. Ang mahabang kasaysayan ng Aleppo ay iniukol sa estratehikong lokasyon nito bilang sentro ng kalakalan sa pagitan ng Dagat Mediterraneo at Mesopotamya (iyan ay kasalukuyang Iraq).

Sa mga dantaon, ang Aleppo ay pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Syria, at pangatlong pinakamalaki sa Imperyong Otomano pagkaraan ng Konstantinopla at Cairo. Isa rin ito sa mga pinakamalaking lungsod sa Levant bago ang pagsapit ng Digmaang Sibil ng Syria. Ang kahalagahan ng lungsod sa kasaysayan ay dahil sa lokasyon nito sa isang dulo ng Daan ng Sutla na dumaan sa Gitnang Asya at Mesopotamya. Nang ipinasinaya ang Kanal Suez noong 1869, lumayo ang kalakalan sa dagat at nagsimula ang unti-unting paghina ng Aleppo. Sa pagbagsak ng Imperyong Otomano pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinuko ng Aleppo ang hilagang hinterland (kalapit na rehiyon) nito sa kasalukuyang Turkiya, gayundin ang mahalagang Baghdad Railway na nag-uugnay nito sa Mosul. Noong dekada-1940, napunta sa Turkiya ang mga lungsod ng Antakya at İskenderun, ang mga pangunahing daan nito pa-dagat. Sa huli, ang paghihiwalay (isolation) ng Syria sa ilang nakaraang dekada ay nagpalala ng sitwasyon. Ang paghina na ito ay maaring naitulong sa pagpapanatili ng lumang lungsod ng Aleppo, ang arkitekturang mediybal nito at kinagisnang pamana. Nakamit nito ang titulong "Islamic Capital of Culture 2006", at nagkaroon ito ng matagumpay na pagbabalik sa dating kalagayan ng mga makasaysayang lugar nito.

Noong Labanan sa Aleppo naranasan ng lungsod ang malakihang pagkawasak, at ito ang pinakatinamaang lungsod noong Digmaang Sibil ng Syria. Noong Disyembre 2016, nakamit ng pamahalaan ng Syria ang buong pamamahala ng Aleppo pagkaraan ng isang matagumpay na opensiba.

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

Ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan o New World Translation of the Holy Scriptures o NWT ay isang salin ng Bibliya na inilimbag ng Watch Tower Bible and Tract Society noong 1961 at ipinamamahagi ng Mga Saksi ni Jehova.

Noong 2000 inilabas ng Mga Saksi ni Jehova ang salin ng Bibliya sa Pilipinas sa tatlong pangunahing wika: Tagalog, Cebuano at Iloko. Ang mga Saksi ay gumagamit na ngayon ng 941 na mga wika(mayroon ding Braille at Sign Language) sa buong daigdig kasama na ang Pilipinas sa pitong pangunahing wika: Bicol, Cebuano, Hiligaynon (o "longgo,") Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte (o "Waray") at Tagalog.

Kritisismong tekstuwal

Ang Tekstuwal na Krisitismo ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na nauukol sa pagtukoy at pag-aalis ng mga kamalian ng transkripsiyon sa mga teksto ng mga manuskrito. Ang mga sinaunang skriba ay nakagawa ng mga pagkakamali o pagbabago (intensiyonal man o hindi) nang ito kumopya ng mga kopya ng orihinal na dokumento sa pamamagitan ng pagsusulat sa kamay. Sa ibinigay na isa o maraming mga kopya ng manuskrito (na kopya o mga kopya ng orihinal na dokumento), ang kritikong tekstuwal ay naghahangad na muling likhain ang orihinal na teksto (ang archetype o autograpo) mula sa mga kopyang ito sa posibleng pinakamalapit sa orihinal na dokumento. Ang parehong mga proseso ay maaaring gamitin upang tangkain ang muling paglilikha ng mga pagitang edisyon o mga recension ng kasaysayan ng transkripsiyon ng dokumento. Ang huling layunin ng trabaho ng isang kritikong tekstuwal ay ang produksiyon ng isang "edisyong kritikal" na naglalaman ng teksto na pinakamalapit na pagtatantiya sa orihinal na hindi na umiiral na dokumento ng mga kopyang manuskrito. May tatlong mga pundamental na pakikitungo sa kritisismong tekstuwal: Eklektisismo, stemmatika, pag-eedit ng kopyang-teksto. Ang mga tekniko mula sa disiplinang biolohikal na cladistika ay kasalukuyang ginagamit rin upang tukuying ang mga relasyon sa pagitan ng mga manuskrito. Ang pariralang "mas mababang kristisismo" (lower criticism) ay ginagamit upang ilarawan ang salungatan sa pagitan ng kritisismong tekstuwal at mas mataas na kritisismo (higher cirticism) na isang paghahangad na matukoy ang tunay na may akda, petsa at lugar ng pagkakasulat ng orihinal na teksto.

Tekstong Masoretiko

Ang Tekstong Masoretiko (MT, 𝕸, o ) ang autoratibo at opisyal na Hebreong teksto ng bibliya ng Hudaismo na tinatawag ding Tanakh. Ang Tanakh ay katumbas ng Lumang Tipan sa bibliya ng Kristiyanismo. Ang Masoretiko ay umaayon sa 60 % ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh. Ang Masoretiko ay kinopya ng mga Hudyo na tinatawag na Masorte sa pagitan ng ika-7 hanggang ika-10 siglo CE. Ang pinakamatandang umiiral na manuskrito ng Masoretiko ay mula ika-9 na CE.

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.