Aklat ni Josue

Para sa ibang gamit, tingnan ang Josue (paglilinaw).
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Josue o Josue[1] ay ang ikaanim na aklat ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Nagmula ang pamagat ng librong ito sa pangalan ni Josue, ang humalili kay Moises bilang pinuno ng mga Israelita. Nanggaling ang pangalan Josue sa Hosea na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan."[1]

May-akda

Hindi natitiyak ang pangalan at katauhan ng sumulat sa Aklat ni Josue.[1]

Mga bahagi

Binubuo ang Aklat ni Josue ng tatlong mga bahagi:

  • Pagsakop sa Canan (1, 1-12, 24)
  • Paghahati ng Lupain (13, 1-21, 45)
  • Pagbabalik ng mga Lipi sa Kanluran at Pamamaalam ni Josue (22, 1-24, 33)

Paglalarawan

Nilalahad sa Aklat ni Josue ang pagkakabihag, pagkakahati, at pagkakasakop ng mga Israelita sa lupaing tinatawag na Canan, sa ilalim ni Josue. Nilalayon ng aklat na bigyan ng patunay ang pagiging matapat ng Diyos sa Israelita, na makakamtan nila ang Lupang Pangako, ang pamana sa kanila ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos, hindi magagapi ng mga Israelita ang mga bansang nasa Canan.[1]

Historisidad

Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang pigurang si Moises ay hindi totoo at ang salaysay ng paglalakbay ng mga Israelita mula sa Ehipto patungo sa ilang hanggang sa Canaan ay hindi sinusuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[2][3][4][5][6][7] Ayon sa mga iskolar, ang mga Israelita ay hindi galing sa Ehipto kundi nagmula sa Canaan. Gayundin, hindi inaayunan ng mga arkeologo ng Bibliya na sinakop ng mga Israelita ang Canaan gaya ng binabanggit sa Aklat ni Josue dahil walang ebidensiyang arkeolohikal na sumusuporta sa isang digmaan o pananakop. Ayon sa mga arkeologo, ang Canaan ay hindi tinirhan ng mga tao sa sinasabing panahon ng pananakop, pakikidigma at genocide(pagpatay ng buong lahi) ng mga Israelita sa mga mamamayan ng rehiyong ito.[2][8]

Kaugnayan kay Hesus

Mula sa pangalang Yehosua ni Josue ang pangalan Hesus. Bilang paghahambing, at ayon kay Msgr. Jose C. Abriol, katumbas ng "pananakop ni Josue sa Lupang Pangako" ang "pananakop ni Hesus sa daigdig" na naganap sa pamamagitan ng "Santa Iglesya, patungo sa Langit ng Bayan."[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Josue". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. 2.0 2.1 Deconstructing the walls of Jericho
  3. http://www.nytimes.com/2007/04/03/world/africa/03exodus.html
  4. Who Were the Early Israelites? by William G. Dever (William B. Eerdmans Publishing, Grand Rapids, MI, 2003)
  5. The Bible Unearthed by Neil Asher Silberman and Israel Finkelstein (Simon and Schuster, New York, 2001)
  6. "''False Testament''by Daniel Lazare (Harper's Magazine, New York, May 2002)". Harpers.org. Hinango noong 2010-10-11.
  7. "Archaeology and the Hebrew Scriptures".
  8. Dever, William G. (2002). What Did the Biblical Writers Know and When Did They Know It?. Wm. B. Eerdmans Publishing Company. ISBN 0-8028-2126-X.

Panlabas na kawing

Aklat ng mga Kasaysayan

Ang Aklat ng mga Kasaysayan ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:

Mga aklat ng kasaysayan sa Lumang Tipan ng Bibliya:Aklat ni Josue

Aklat ng mga Hukom

Aklat ni Rut

Mga Aklat ni Samuel

Mga Aklat ni Samuel

Ikatlong Aklat ng mga Hari

Ikaapat na Aklat ng mga Hari

Mga Aklat ng mga Paralipomeno o Mga Aklat ng mga Cronica

Aklat ni Esdras

Aklat ni Nehemias

Aklat ni Tobias

Aklat ni Judith

Aklat ni Ester

Unang Aklat ng mga Macabeo

Ikalawang Aklat ng mga Macabeo

Arkeolohiyang pambibliya

Ang arkeolohiyang pambibliya, arkeolohiyang biblikal, o arkeolohiyang makabibliya (Ingles: biblical archaeology) ay ang arkeolohiya na nauukol sa Bibliya. Ang nangingibabaw na pananaw ng mga arkeologo na gumagawa sa Gitnang Silangan partikular sa Palestina/Israel sa sinasabing panahong Biblikal ay ang mga kuwento sa Bibliya ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal na natagpuan sa mga lugar na ito. Sa katunayan, ang terminong biblikal na arkeolohiya ay isinantabi na at ang mas pinapaborang termino ng mga arkeolohiya ng Gitnang Silangan sa kasalukuyang panahon ang arkeolohiyang Siro-Palestinyano.

Atenismo

Ang Atenismo o ang Heresiyang Amarna ay tumutukoy sa mga pagbabagong relihiyoso na nauugnay sa Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto sa ilalim ni Paraon Amenhotep IV na mas kilala sa kanyang ginamit na pangalang Akhenaten. Ang Atenismo ang relihyon ng estado ng Sinaunang Ehipto noong 1400 BCE at sinanay sa loob ng 20 taon bago ibalik ng mga kalauanang Paraon ang mga tradisyonal na diyos ng mga Ehipsiyo. Ang mga Paraon na nauugnay sa Atenismo ay binura sa mga rekord ng Ehipto.

Simulang ipinakilala ni Amenhotep IV ang Atenio sa ikalimang taon ng kanyang paghahari(1348/1346 BCE) at itinaas si Aten sa katayuan ng supremang diyos pagkatapos na payagan sa simula ang patuloy na pagsamba ng mga tradisyonal na diyos ng Sinaunang Ehipto. Upang bigyang diin ang pagbabago, ang pangalan ni Aten ay isinulat sa anyong cartouche na normal na nakareserba sa mga Paraon na isang inobasyon sa Atenism. Ang pagbabagong relihiyosong ito ay lumilitaw na kasabay ng pagpoproklama ng pistang Sed na medyo isang jubilee ng hari na nilalayon upang palakasin ang mga kapangyarihang mula sa diyos ng mga Paraon. Ito ay tradisyonal na idinadaos sa ikalabingtatlong taon ng paghahari ng Paraon at posibleng isang pista bilang parangal kay Amenhotep III na pinaniniwalaan ng ilang mga Ehipsiyon na may kapwa paghahari sa kanyang anak na si Amenhotep IV ng dalawa hanggang labindalawang taon. Ang Ikalimang taon ang pinaniniwalaang nagmamarka ng pagsisimula ng pagtatayo ni Amenhotep IV ng isang bagong kabisera na Akhetaten(Horison ng Aten) sa lugar na kilala ngayon bilang Amarna. Ang ebidensiya nito ay lumilitaw sa tatlong mga hangganang stelae na ginagamit ang mga hangganan ng bagong kabiserang ito. Sa panahong ito, opisyal na pinalitan ni Amenhotep IV ang kanyang pangalan sa Akhentaen(Umaayon kay Aten) bilang ebidensiya ng kanyang bagong pagsamba. Ang petsang ng pangyayaring ito ay tinatayang Enero 2 nang taong ito. Sa ikapitong taon ng kanyang paghahari (1346/1344 BCE ), ang kabisera ay inilipat mula sa Thebes tungo sa Akhetaten(malapit sa modernong Amarna) bagaman ang pagtatayo ng siyudad ay tila nagpatuloy ng dalawa pang mga taon. Sa paglilipat ng kanyang korte mula sa mga tradisyonal na sentrong seremonyal, si Akhenaten ay naghuhudyat ng isang dramatikong pagbabago sa pokus kapangyarihang relihiyoso at pampolitika. Ang pagkilos na ito ay naghiwalay sa Paraon at korte nito mula sa impluwensiya ng mga saserdote(pari) at mula sa mga tradisyonal na sentro ng pagsamba. Gayunpaman, ang kanyang pag-aatas ay may malalim na kahalagahang relihiyoso na kinuha kasabay ng kanyang pagbabago ng pangalan at posibleng ang paglipat sa Amarna ay nangangahulugan ring bilang isang hudyat ng simbolikong kamatayan at muling kapanganakan ni Akhenaten. Pinangasiwaan rin Akhenaten ang pagtatayo ng ilan sa mga pinakamalalaking templong kompleks sa Sinaunang Ehipto kabilang ang isa sa Karnak, at isa sa Thebes malapit sa lumang templo ni Amun. Sa ikasiyam na taon ng kanyang paghahari ( 1344/1342 BCE ), pinalakas ni Akhenaten ang rehimeng Atenista na nagsasaad na si Aten ay hindi lamang supremang diyos kundi ang tanging diyos at isang pangkalahatang diyos. Kanyang pinagbawal ang pagsamba ng ibang lahat na mga diyos kabilang ang pagsamba sa mga idolo kahit sa pribado sa mga tahanan ng tao na isang arena na hindi nakaraang pinakiesa mga terminong relihiyoso. Si Aten ay binanggit ni Akhenate sa mga panalangin gaya ng Dakilang Himno kay Aten: "O Tanging Diyos na walang ng iba maliban sa kanya". Ang mga Ehipsiyo ay dapat sumamba kay Akhenaten at tanging sina Akhenaten at Nefertiti lamang ang maaaring sumamba kay Aten. Isinagawa ni Akhenaten ang ritwal na pagpatay ng hari ng lumang supremang diyos na si Amun at nag-atas ng pagsira sa mga templo ni Amun sa buong Ehipto at ang lahat ng mga lumang diyos. Ang salita para sa "mga diyos"(plural) ay ipinagbawal at ang mga inkripsiyon ay natagpuan kung saan kahit ang hieroglyph ng salita para sa "ina" ay inalis at muling isinulat sa mga senyas na alpabetiko dahil ito ay may parehong tunod sa Sinaunang Ehipto gay ang tunog ng pangalan ng diyosang Theban na si Mut. Ang pangalan ni Aten ay isinulat rin ng iba pagkatapos ng kanyang ikasiyam na taon upang bigyang diin ang radikalismo ng bagong rehimeng ito. Ang pangalan ni Aten ay hindi na isinulat gamit ang simbolo ng may sikat na diskong pang-araw kundi ay binabaybay ng ponetiko.

Bibliya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.

Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

Deuteronomio

Huwag itong ikalito sa Deuterokanoniko.Ang Aklat ng Deuteronomio ay ang panlima at pinakahuling aklat ng Torah o Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa Diyos sa Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni Moises para sa bayang Israel, bago siya sumakabilang-buhay.

Deuteronomista

Ang Deuteronomista o Deuteronomist, o simpleng D ang isa sa pinagkunan ng Torah ng Bibliya. Ang ibang tatlo ang tekstong Saserdote, ang Yahwist at Elohist. Ito ay matatagpuan sa aklat ng Deuteronomio, sa Aklat ni Josue, Aklat ng mga Hukom, Aklat ni Samuel at Aklat ng mga Hari(ang kasaysayang Deuteronomistiko o DtrH) gayundin sa Aklat ni Jeremias. Ang mga Deuteronomista ay nakikitang higit bilang isang eskwela o kilusan sa halip na isang may akda. Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar ng Bibliya na ang Deuteronomista ay nagmulang independiyente sa Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, at Aklat ng mga Bilang(ang unang apat na aklat ng Torah) at sa kasaysayan ng Aklat ng mga Kronika). Ayon sa karamihan ng mga skolar, ang karamihan ng tekston gito ay nagmula sa pagkakatapon sa Babilonya(noong ika-6 siglo BCE). Ito ay nauugnay sa editoryal na pagbabago ng parehong Tetrateuch at Aklat ni Jeremias.

Hudaismo

Ang Hudaismo (Kastila: ju·da·ís·mo; Ebreo: יהדות, yahedut) ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.

Israel

Para sa ibang gamit, tingnan ang Israel (paglilinaw).Ang Israel at opisyal na kilala bilang Estado ng Israel (Hebreo: מְדִינַת יִשְׂרָאֵל‎, Medīnat Yisrā'el; Arabiko: دَوْلَة إِسْرَائِيل‎, Dawlat Isrāʼīl) ay isang republikang parlamento sa Gitnang Silangan sa katimugang silangang baybayin ng Dagat Mediterraneo. Ito ay nahahangganan ng mga bansang Lebanon sa hilaga, Syria sa hilagang silangan, Jordan at West Bank sa silangan, Ehipto at Gaza Strip sa timog kanluran at Golpo ng Aqaba sa Dagat Pula sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong Palestina ng United Nations, idineklara ni David Ben-Gurion na Ehekutibong Puno ng Organisasyong Zionista ng Daigdig at presidente ng Ahensiyang Hudyo para sa Palestina "ang pagkakatatag ng estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa West Bank, Peninsulang Sinai (sa pagitan ng 1967 at 1982), Gaza Strip at Golan Heights. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang alitang Israeli-Palestino ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga Samaritano, mga Maronite at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng Hudaismo na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay sa Gitnang Silangan.

Israel Finkelstein

Si Israel Finkelstein (kapanganakan: 1949) ay isang Israeling arkeologo at akademiko. Siya ay kasalukuyang propesor na Jacob M. Alkow ng Arkeolohiya sa Panahong Tanso at Panahong Bakal sa Tel Aviv University at kapwa direktor ng mga paghuhukay sa Megiddo sa Hilagang Israel. Sa nakaraan, siya ay nagsilbing direktor ng Sonia and Marco Nadler Institute of Archaeology sa Tel Aviv University mula 1996-2002. Kanyang natanggap noong 2005 ang Dan David Prize.Siya ay ipinanganak sa Petah Tikva, Israel at nagtapos ng kanyang edukasyon sa Tel Aviv University na sumulat ng kanyang Ph.D. thesis tungkol sa mga paghuhukay sa Izbet Sartah kung saan siya rin ang direktor.

Josue

Para sa ibang gamit, tingnan ang Josue (paglilinaw).Si Josue, Hosea, o Yehosua (Ingles: Joshua, Jehoshuah, o Yehoshua; Ebreo: יְהוֹשֻׁעַ, Tiberyano: jə.ho.ˈʃu.aʕ, Israeli: Yəhoshúa) ay isang tauhan sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya. Siya ang nagiging kahalili ni Moises bilang pinuno ng mga Israelita, na nababanggit sa Aklat ni Josue. Nanggaling ang pangalang Josue mula sa Hosea, na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan." Sa pangalang ito nagmula ang pangalan ni Hesus.Isang pinuno ng mga tao ng Sinaunang Israel si Josue. Siya ang namuno sa mga Israelita patungo sa lupang ipinangako ng Diyos para sa kanila.

Josue (paglilinaw)

Ang Josue, Hosea, o Yehosua ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:

Aklat ni Josue, isang aklat sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Josue, tauhan sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya; ang kahalili ni Moises bilang pinuno ng mga Israelita.

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo. Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong táong kasapi nito.

Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba't ibang kasulatan. Ang kanon ng Bagong Tipan (na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon) na nabuo lamang noong ika-4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano. Sa karagdagan, ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lámang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika-4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya. Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano. Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko. Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito. Kalaunan, ang ortodoksiya ay nagkabaha-bahagi sa iba't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang doktrina.

Ang mga pagkakabaha-bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon dahil sa mga iba't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na kalikasan at mga katuruan ni Hesus. Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag-aangkin na sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo.

Mga Aklat ng mga Hari

Ang Mga Aklat ng mga Hari o Book (s) of Kings (Hebreo: Sepher M'lakhim, ספר מלכים‎ - ang dalawang mga aklat na orihinal na isa ) na nagtatanghal ng isang salaysay ng kasaysayan ng sinaunang Israel at Judah mula sa kamatayan ni David hanggang sa pagpapalaya ng kanyang kahaliling si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo sa Babilonia na isang yugto ng mga 400 taon (c.960-560 BCE). Ito ay nagwawakas sa isang serye ng mga historikal na aklat na mula Aklat ni Josue hanggang Mga aklat ng mga Hukom at Mga Aklat ni Samuel, na ang kabuuang layunin ay upang magbigay ng isang teolohikal na paliwanag sa pagkawasak ng kahariang Hudyo ng Imperyong Babilonia noong 586 BCE at isang pundasyon ng pagbabalik mula sa pagkakatapon sa Babilonia.Ang mga Hari ay nagsisimula sa kamatayan ni David kung saan si Yahweh na diyos ng mga Israelita ay nangako ng isang walang hangganan dinastiya at paghahali ng kanyang anak na si Solomon. Si Solomon ay pinuri sa kanyang karunungan at kayamanan ngunit kanyang nasiphayo si Yahweh sa pamamagitan ng pagpayag ng pagsamba ng ibang mga diyos sa Herusalem. Dahil dito, hinati ng diyos na si Yahwen ang kaharian sa dalawa na ang linya ni David ay naghahari sa katimugang Kaharian ng Judah at isang hiwalay na Kaharian ng Israel (Samaria) sa hilaga. Ang mga hari ng Israel ay pare parehong masama na pumayag sa ibang mga diyos maliban kay Yahweh na sambahin at kalaunan ay idinulot ni Yahweh ang pagkawasak ng kaharian. Ang ilan sa mga hari ng Judah ay mabuti ngunit ang karamihan ay masama kaya kalaunan ay winasak rin ni Yahweh ang kahariang ito.

Mga Ebreo

Para sa ibang gamit, tingnan ang Ebreo (paglilinaw).Ang mga Ebreo (Ebreo: עברים, ivrim, "mga tumawid"), ayon sa Tanakh at sa Bibliya, ang isa sa mga pangkat etnitkong naninirahan sa Kanaan mula noong tagumpay ni Josue sa pananakop at hanggang sila'y sakupin ng mga taga-Babilonya at ipinatapon. Nahati sila sa labindalawang lipi, ang bawat isa inapo ng mga anak na lalaki ni Jacob.

Dahil nasakop din nila ang timog-silangan ng Asya Menor ng Anatolia, minsan din itong tinuring bahagi ng Asya Menor.

Nang maitatag ang Kaharian ng Israel, sinimulan silang tawaging mga Israelita (Ebreo: ישראל, yisra'eli).

Ang mga natira sa mga Israelita pagkatapos ng pananakop ng Asirya ang naging ninuno ng mga kasalukuyang Hudyo.

Mga balumbon ng Dagat na Patay

Ang mga balumbon ng Dagat Patay (Ingles: Dead Sea Scrolls) ay isang koleksiyon ng mga 972 teksto na naglalaman ng mga aklat ng bibliyang Hebreo gayundin ang mga aklat ng apokripa at iba pang dokumento na natagpuan sa pagitan ng 1947 at 1956 sa Khirbet Qumran sa hilagang-kanluran baybayin ng Dagat Patay sa Palestina, na kasalukuyang tinatawag na Kanlurang Pampang (West Bank).

Ang mga balumbong ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang mga relihiyosong dokumento na natuklasan dahil ito ay naglalaman ng pinakamatandang manuskrito ng Bibliyang Hebreo at nagbibigay ebidensiya ng pagkakaiba ng paniniwalang Hudaismo noong unang siglo BCE. Ang mga manuskritong ito ay isinulat sa Hebreo, Aramaiko at Griego. Bukod dito, karamihan ng mga manuskritong ito ay isinulat sa mga balat ng hayop(parchment) ngunit may ilang mga manuskritong isinulat sa papirus(papel mula sa halaman) at may isang eskrolyo na isinulat sa isang tanso(copper). Ang mga eskrolyong ito ay pinaniniwalaang isinulat sa pagitan ng 150 BCE at 70 CE.

Moises

Si Moises (Ebreo: משה, Moshe; Ingles: Moses) ay isang mahalagang propeta sa Hudaismo, at pati na rin sa Kristiyanismo at Islam. Sa Tora ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya, siya ang dakilang pinuno ng mga Hudyo sa paglikas nila mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Siya ang nagdala ng batas ng Diyos sa mga tao ng Israel. Sa kalaunan, dinala ni Moises ang mga Israelita sa ilang o disyerto, patungo sa Canaan (o Palestina) noong mga 1200 BK. Isa siyang inapo ni Levi. Namatay si Moses bago pa man narating o napasok ng mga Israelita ang Lupang Ipinangako sa kanila ng Diyos. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, nilarawan si Moises bilang isang matapat na pinuno na tumurong pausad patungo sa kapanahunan ni Kristong Hesus. Dating isang pangalang Ehipsiyo ang Moises.Tuwirang nilalahad ang kuwento tungkol kay Moises sa apat na aklat ng Tora ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya: sa Exodo, Levitico, Mga Bilang, at Deuteronomyo. Mayroon ding pagbanggit hinggil sa pagpapalayas ng Israel at mga Hebreo mula sa Ehipto mula sa isang Ehiptong inskripsiyon noong mga 1200 BK, at binanggit din ito ng isang Ehiptong manunulat ng kasaysayang si Manetheo, isang historyador na nagsulat noong mga 200 BK.Ayon sa Tanakh at sa Bibliya, isang sinisiil na pangkat ng mga tao ang mga Israelita at napagkukunan ng mga gawaing pang-alipin. Sa loob ng maraming mga taon, mga palabuy-laboy lamang ang mga Israelita o walang pirming tirahan. Narating lamang nila ang Canaan pagkaraang mamatay si Moises.Nagmula ang pangalang Moises mula sa Hebreong Masha na may ibig sabihing "kinuha". Ngunit may mga dalubhasa ring nagsasabing galing ito sa Ehipto, na nangangahulugang "anak".

Propesiya ng Bibliya

Ang Propesiya o hula ng Bibliya ay karaniwang tumutukoy sa paghula ng mga pangyayari sa hinaharap batay sa aksiyon o tungkulin ng isang propeta ng Bibliya. Ang gayong mga talata ay malawak na makikita sa Bibliya sa parehong Lumang Tipan at Bagong Tipan. Para sa mga Hudyo at Kristiyano ang mga hulang ito ay natupad at matutupad at kaya ay nagpapatunay ng pagiging totoo ng Bibliya. Para sa mga skolar at skeptiko, ang mga hula sa Bibliya ay malabo at bukas sa maraming mga interpretasyon at ang karamihan sa mga spesipikong hula ay hindi natupad. May mga iba't ibang interpretasyon ang iba't ibang mga sekta ng Hudaismo, Kristiyanismo at Islam sa sinasabing mga hulang ito sa Bibliya.

Simbahang Katolika Romana

Ang Simbahang Katolika Romana o Simbahang Katolika (o Simbahang Katoliko) ay isang Kristiyanong simbahan na nasa buong kapisanan kasabay ng Obispo ng Roma, na kasalukuyan ay ang Santo Papa, si Francisco I. Gaya ng ibang mga denominasyon ng Kristiyanismo, binabakas ng Simbahang Katoliko Romano ang pinagmulan nito sa orihinal na pamayanang Kristiyano na itinatag ni Hesus at ipinalaganap ng mga Labindalawang Apostol, partikular na si San Pedro.Ang Simbahang Katoliko Romano ay ang pinakamalaking simbahang Kristiyano, na nagkakatawan sa kalahati ng lahat ng mga Kristiyano, at ang pinakamalaking organisadong unit ng anumang pananampalataya sa mundo. Ayon sa Statistical Yearbook of the Church, ang bilang ng nakatalang pandaigdigang kasapi ng Simbahang Katoliko sa katapusan ng 2005 ay 1,114,966,000, na malapit sa ika-anim na bahagi ng populasyon ng mundo.Ang pandaigdigang Simbahang Katoliko ay binubuo ng isang Latin o Kanluranin at 22 Silanganing Katolikong awtonomong simbahang partikular, kung saan lahat ay tumitingala sa Papa, na mag-isa o kasama ng Kolehiyo ng mga Obispo, bilang kanilang pinakamataas na autoridad sa daigdig sa mga paksa ng paniniwala, mga asal at ng pansimbahang pamamahala. Nakahati ito sa mga nasasakupang pook, karaniwan sa batayang teritoryal. Ang pamantayang teritoryal na yunit ay itinatawag na diyosesis sa simbahang Latin at eparkiya sa mga Silanganing simbahan. Ang bawat diyosesis o eparkiya ay nasa pamumuno ng isang obispo, patriyarka o eparko. Sa katapusan ng 2006, ang buong bilang ng lahat ng itong mga nasasakupang pook ay 2,782.

Yahweh

Ang Yahweh ang pangalan ng Diyos na sinasamba sa Hudaismo at pati na rin sa Kristiyanismo

Nevi’im
Mga Unang Propeta
1. Yehoshua (Josué)
2. Shofetim (Mga Hukom)
3. Shemu’el (Samuel)
4. Melakhim (Mga Hari)
Mga Sumunod na Propeta
5. Yesha’yahu (Isaías)
6. Yirmeyahu (Jeremías)
7. Yeḥezkel (Ezequiel)
8. Ang Labindalawa

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.