Aklat ng mga Hukom

Para sa ibang gamit, tingnan ang Hukom (paglilinaw).

Ang Aklat ng mga Hukom o Mga Hukom[1] ay ang ika-pitong aklat sa Nevi'im ng Tanakh at sa Lumang Tipan ng Bibliya. Dito nakatitik ang kasaysayan ng "labindalawang bayani" ng bayang Israel, ang mga isinugo ng Diyos para maging mga pinuno ng mga hukbo sa kapanahunan ng pakikidigma at mga tagapagdaos ng katarungan kung panahon naman ng kapayapaan.[1]

Lumang Tipan ng Bibliya

Panahon

Sumasakop ang kapanahunan ng aklat na ito mula sa pagsakabilang-buhay ni Josue magpahanggang pagtatatag ng kaharian (mga 13 BK hanggang 11 BK). Tinatalakay rin sa mga pahina ng librong ito ang kasaysayan ng anim na pangunahing mga hukom: sina Otoniel, Ehud, Barac, Gideon, Jefte, at Samson.[1]

Layunin

Ipinapakita sa Aklat ng mga Hukom na nababatay sa pagsunod at di-pagsunod ng mga mamamayang Israelita sa Batas ng Diyos ang katayuan ng kanilang katiwasayan. Kapag nagkakamit sila ng kasalanan, nagagapi sila ng mga kalaban; samantalang kapag nagsisipagsisi sila, napapadalhan sila ng mga hukom, ang mga tagapagligtas nila mula sa anumang panganib.[1]

Mga bahagi

Binubuo ng tatlong mga bahagi ang Aklat ng Mga Hukom:

  • Ang Palestina Pagkamatay ni Josue (1, 1-3, 6)
  • Kasaysayan ng mga Hukom (3, 7-16, 31)
  • Ang mga Lipi nina Dan at Benjamin sa Kapanahunan ng mga Hukom (17, 1-21, 25)

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Hukom". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.

Panlabas na kawing


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Aklat ng mga Kasaysayan

Ang Aklat ng mga Kasaysayan ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod:

Mga aklat ng kasaysayan sa Lumang Tipan ng Bibliya:Aklat ni Josue

Aklat ng mga Hukom

Aklat ni Rut

Mga Aklat ni Samuel

Mga Aklat ni Samuel

Ikatlong Aklat ng mga Hari

Ikaapat na Aklat ng mga Hari

Mga Aklat ng mga Paralipomeno o Mga Aklat ng mga Cronica

Aklat ni Esdras

Aklat ni Nehemias

Aklat ni Tobias

Aklat ni Judith

Aklat ni Ester

Unang Aklat ng mga Macabeo

Ikalawang Aklat ng mga Macabeo

Aklat ni Rut

Para sa ibang gamit, tingnan ang Rut (paglilinaw).Ang Aklat ni Ruth o Aklat ni Rut ay ang ikawalong aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Naglalahad ito ng kasaysayan ni Rut, isang Moabitang babae na nasapi sa bayan ng mga Israelita, dahil ito sa kaniyang pagpapakasal kay Boaz, isang mayamang nagmula sa Belen. Nangyari ito noong kapanahunan ng mga hukom, kaya karugtong at kasunod ito ng Aklat ng Mga Hukom.

Biblikal na Kanon

Ang artikulong ito ay tungkol sa mga aklat ng Bibliya. Para sa ibang gamit, tingnan ang Kanon (paglilinaw).Ang kanon ay ang mga aklat na bumubuo sa Bibliya ng Hudaismo at ng Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay nabuo sa maraming mga taon at ang mga aklat na napasama dito ay hindi sabay sabay na ipinasok sa kanon. Ang mga bilang ng aklat na nakapasok sa kanon ay hindi pareho sa iba-ibang denominasyon ng Kristiyanismo. Ang kanon ng Hudaismo ay binubuo lamang ng Tanakh o Lumang Tipan at hindi tinatanggap ng mga Hudyo ang Bagong Tipan. Ang Deuterokanoniko ng Katoliko at Orthodox ay hindi tinatanggap ng mga Protestante.

Bibliya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.

Ang Bibliya o Biblia (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

Debora

Si Debora o Deborah ay ang nag-iisang babaeng hukom ng Israel, ayon sa Aklat ng mga Hukom ng Lumang Tipan ng Bibliya. Bilang isang "babaeng pinapatnubayan ng langit" o propetesa, iniligtas ni Debora ang kanyang mga tao mula sa paniniil ni Haring Habin ng Hazor. May kaugnayan sa kanya ang pag-awit ng Awit para kay Debora o Awit ni Debora tuwing ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagtatagumpay ng mga Israelita laban kay Sisera at mga hari ng Canaan. Ang Awit para kay Debora ang pinakamatandaang piraso o kumposisyon sa panitikang Hebreo.

Delilah

Si Delilah (דלילה – Dlila, Pamantayang Hebreo na nangangahulugang "[Isa na siyang] nanghina o binunot o maralita" mula sa salitang-ugat na dal na may kahulugang "mahina o dukha") ay lumilitaw lamang sa Aklat ng mga Hukom 16 ng Bibliyang Hebreo, kung saan siya ang "babaeng nasa lambak ng Sorek" na minahal ni Samson, at siya ring naging pagkatalo ni Samson. Ang kanyang katauhan, isa sa ilang mapanganib na mga babaeng tukso sa Bibliyang Hebreo, ay naging masagisag: "Minahal ni Samson si Delilah, ipinagkanulo ni Delilah si Samson, at, ang pinakamasama ay ginawa ito ni Delilah kapalit ng salapi" ang simulang pangungusap ni Madlyn Kahr sa kanyang pag-aaral ng temang ginagamit si Delilah sa mga dibuhong Europeo.

Deuteronomista

Ang Deuteronomista o Deuteronomist, o simpleng D ang isa sa pinagkunan ng Torah ng Bibliya. Ang ibang tatlo ang tekstong Saserdote, ang Yahwist at Elohist. Ito ay matatagpuan sa aklat ng Deuteronomio, sa Aklat ni Josue, Aklat ng mga Hukom, Aklat ni Samuel at Aklat ng mga Hari(ang kasaysayang Deuteronomistiko o DtrH) gayundin sa Aklat ni Jeremias. Ang mga Deuteronomista ay nakikitang higit bilang isang eskwela o kilusan sa halip na isang may akda. Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar ng Bibliya na ang Deuteronomista ay nagmulang independiyente sa Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, at Aklat ng mga Bilang(ang unang apat na aklat ng Torah) at sa kasaysayan ng Aklat ng mga Kronika). Ayon sa karamihan ng mga skolar, ang karamihan ng tekston gito ay nagmula sa pagkakatapon sa Babilonya(noong ika-6 siglo BCE). Ito ay nauugnay sa editoryal na pagbabago ng parehong Tetrateuch at Aklat ni Jeremias.

Gideon (hukom)

Para sa ibang gamit, tingnan ang Gideon (paglilinaw).

Si Gideon o Gedeon ay isang Israelitang hukom na matatagpuan sa Aklat ng mga Hukom sa Lumang Tipan ng Bibliya. Bumuo at namuno siya ng isang hukbo upang mailigtas ang mga Israelita sa pamamagitan ng paglupig sa mga Madianita (o mga Madian). Inalok siyang maging hari ng kanyang mga mamamayan subalit tinanggihan niya ang tungkuling ito.

Jairo

Ayon kay Jose C. Abriol, ang pinunong tinutukoy sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 9:18) ng Bagong Tipan ng Bibliya ay isang pinuno ng sinagogang nagngangalang Jairo (Hebreo: יאיר, Ya'ir, nangangahulugang "pinagliwanag ng Diyos") Sa Lumang Tipan, mayroon ding isang lalaking tinatawag na Jairo (o Jair) na nagmula sa Gilead (Tribo ni Manases), silangan ng Ilog ng Hordan, na nagsilbing hukom ng Israel sa loob ng dalawampu't dalawang mga taon, pagkaraan ng kamatayan ni Tola. Nasa Gilead ang kanyang mana, sa pamamagitan ng guhit ng kalahian ni Machir, ang anak na lalaki ni Manases. Anak na lalaki si Jairo ni Segub, ang anak na lalaki ni Hezron ang Hudyo sa pamamagitan ng anak na babae ni Machir (1 Mga Kronikulo 2). Ayon sa Aklat ng mga Hukom (Mga Hukom 10:3-5), nagkaroon ng tatlumpung mga lalaking anak si Jairo, na sumakay sa tatlumpung mga asno, at may tatlong mga "lungsod" sa Gilead na nakilala bilang Havoth-Jair. Lumilitaw lamang ang salitang chawwoth ('mga kampong kubol') sa ganitong diwa (Mga Bilang 32:41; Deuteronomio 3:14; Mga Hukom 10:4), at isang pamanang salitang nananatili mula maagang yugtong nomadiko ng kulturang Hebreo. Iminumungkahi ni W. Ewing na maaaring kaugma ng Kamon ang Kamun na kinuha ng haring Seleucida na si Antiochus III, sa kanyang pagmamartsa mula sa Pella papunta sa Gephrun (Polybius Aklat V.70:12). Namatay si Jairo ng Lumang Tipan at inilibing sa Kamon.

Kabilang sa mga paghango sa pangalang ito ang Yair, Yahir, at Ya'ir

Kritisismong historikal

Ang Kritisismong historikal (Ingles: Historical criticism, the historical-critical method o higher criticism) ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa mga pinagmulan ng sinaunang panitikan o teksto upang maunawaan "ang daigdig sa likod ng tekstong ito". Ang pangunahing layunin ng kritisismong historikal ay tiyakin ang pangunahin o orihinal na kahulugan ng teksto sa orihinal na kontekstong historikal nito at sa literal na kahulugan o sensus literalis historicus nito. Ang ikalawang layunin nito ay hangarin na buuin ang rekonstruksiyon ng historikal na sitwasyon ng may akda at sinusulatan ng tekstong ito. Ito ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng muling paglikha ng tunay na kaliksan ng mga pangyayari na inilalarawan ng teksto. Ang sinaunang teksto ay maaari ring magsilbing isang dokumento, rekord, o pinagkukunan sa muling paglikha ng sinaunang nakaraan na maaari ring magsilbi bilang pangunahing interes sa kritikong historikal. Tungkol sa Semitikong interpretasyong Biblikal, ang kritikong historikal ay magagawang bigyang pakahulugan ang Panitikan ng Israel gayundin ang Kasaysayan ng Israel. Sa ika-18 siglo CE kritisismong biblikal, ang terminong "mas mataas na kritisismo" (higher criticism) ay karaniwang ginagamit sa nananaig na skolarsiyip bilang pagsalungat sa mas mababang kritisismo. Sa ika-21 siglo, ang krtisismong historikal ay ang mas karaniwang ginagamit na termino para sa mas mataas na kritisismo samantalang ang kritisismong tekstuwal ay mas karaniwang ginagamit kesa sa maluwag na ekspresyong mas mababang kritisismo. Ang kritisismong historikal ay nagsimula noong ika-17 siglo CE at nagkamit ng sikat na pagkilala noong ika-19 at ika-20 siglo CE. Ang perspektibo ng sinaunang kritikong historikal ay nakaugat sa ideolohiyang Protestanteng Repormasyon kung paanong ang kanilang pakikitungo sa mga pag-aaral biblikal ay malaya mula sa impluwensiya ng interpretasyong tradisyonal. Kung ang imbestigasyong historikal ay hindi magagamit, ang kritisismong historikal ay nakasalig sa interpretasyong pilosopikal at teolohikal. Sa paglipas ng mga siglo, ang kritisismong historikal ay pinino sa iba't ibang mga pamamamaraang ginagamit sa kasalukuyan: kritisismo ng pinagkunan, kritisismo ng anyo, kritisismong redaksiyon, kritisismong tradisyon, kritisismong kanonikal at mga kaugnay na pamamaraan.

Mga Aklat ng mga Hari

Ang Mga Aklat ng mga Hari o Book (s) of Kings (Hebreo: Sepher M'lakhim, ספר מלכים‎ - ang dalawang mga aklat na orihinal na isa ) na nagtatanghal ng isang salaysay ng kasaysayan ng sinaunang Israel at Judah mula sa kamatayan ni David hanggang sa pagpapalaya ng kanyang kahaliling si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo sa Babilonia na isang yugto ng mga 400 taon (c.960-560 BCE). Ito ay nagwawakas sa isang serye ng mga historikal na aklat na mula Aklat ni Josue hanggang Mga aklat ng mga Hukom at Mga Aklat ni Samuel, na ang kabuuang layunin ay upang magbigay ng isang teolohikal na paliwanag sa pagkawasak ng kahariang Hudyo ng Imperyong Babilonia noong 586 BCE at isang pundasyon ng pagbabalik mula sa pagkakatapon sa Babilonia.Ang mga Hari ay nagsisimula sa kamatayan ni David kung saan si Yahweh na diyos ng mga Israelita ay nangako ng isang walang hangganan dinastiya at paghahali ng kanyang anak na si Solomon. Si Solomon ay pinuri sa kanyang karunungan at kayamanan ngunit kanyang nasiphayo si Yahweh sa pamamagitan ng pagpayag ng pagsamba ng ibang mga diyos sa Herusalem. Dahil dito, hinati ng diyos na si Yahwen ang kaharian sa dalawa na ang linya ni David ay naghahari sa katimugang Kaharian ng Judah at isang hiwalay na Kaharian ng Israel (Samaria) sa hilaga. Ang mga hari ng Israel ay pare parehong masama na pumayag sa ibang mga diyos maliban kay Yahweh na sambahin at kalaunan ay idinulot ni Yahweh ang pagkawasak ng kaharian. Ang ilan sa mga hari ng Judah ay mabuti ngunit ang karamihan ay masama kaya kalaunan ay winasak rin ni Yahweh ang kahariang ito.

Samson

Si Samson, Shimshon (Hebreo: שמשון, Moderno: Shimshon, Tiberiano: Šimšôn, nangangahulugang "lalaki ng araw"); Shamshoun (Arabe: شمشون‎) o Sampson (Griyego: Σαμψών) ay ang pangatlo sa huling mga Hukom ng sinaunang mga Israelita na nabanggit sa Tanakh (ang Bibliyang Hebreo) (Aklat ng mga Hukom kabanata 13 hanggang 16).Si Samson ay pinagkalooban ng Diyos na pambihirang lakas upang labanan ang kanyang mga kalaban at makapagsagawa ng kagila-gilalas na mga bagay katulad ng pakikipagbuno sa isang leon, paglipol sa isang buong hukbo sa pamamagitan lamang ng buto sa pangang isang buro, at pagwasak sa isang templong pagano.Pinaniniwalang inilibing si Samson sa Tel Tzora sa Israel kung saan mapagmamasdan ang Batis ng Sorek at ang Lambak ng Sorek. Doon ay nakalagak ang dalawang malaking mga lapida ni Samson at ng kanyang ama na si Manoah. Kalapit nito ang nakatayong altar ni Manoah (Mga Hukom 13:19-24). Matatagpuan ito sa pagitan ng mga lungsod ng Zorah at Eshtaol.Minahal ni Samson si Delilah. Kung minsan, naihahalintulad si Samson kay Hercules ng mitolohiyang Griyego.

Sukot

Ang Sukot, Sucot o Succoth, kilala rin bilang Pista ng mga Tabernakulo (Ingles: Sukkot, Sukkoth, Feast of Tabernacles, Festival of Shelters, o Feast of Booths), ay isang kapistahang Hudyo. Sa kaganapang ito, ipinagdiriwang ng mga tao ang pagtitipon ng mga ani. Inaalala rin nila ang panahon sa nakalipas kung kailan gumawa ang mga Hudyo ng maliliit na mga silungan noong habang nasa ilang pa sila at walang mga tahanan. Ayon kay Jose Abriol, nangangahulugan ang salitang Sucot bilang "mga kanlungan". Kilala rin ito bilang Pista ng mga Kanlungan o Kapistahan ng mga Kanlungan. Bilang isang pestibal, isa itong masayang pagdiriwang na isinasagawa ng mga Israelita tuwing taglagas, pagkaraang makumpleto ang pag-aani. Upang maalala ang mga taon ng paglalakbay at pagpapagala-gala sa ilang ng mga ninuno nila, nagtayo ang mga Israelita ng magagaspang na mga kanlungan o silungang matitirahan sa panahon ng pistang ito.

Nevi’im
Mga Unang Propeta
1. Yehoshua (Josué)
2. Shofetim (Mga Hukom)
3. Shemu’el (Samuel)
4. Melakhim (Mga Hari)
Mga Sumunod na Propeta
5. Yesha’yahu (Isaías)
6. Yirmeyahu (Jeremías)
7. Yeḥezkel (Ezequiel)
8. Ang Labindalawa

Sa ibang wika

This page is based on a Wikipedia article written by authors (here).
Text is available under the CC BY-SA 3.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.